Wednesday, January 25, 2012

Taking Chances 18

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Hindi alam ni Chris kung ano ang ibig sabihin ni Dom sa sinasabi nitong tulong. Hindi na niya iniiwasan si Chino pero hindi rin naman siya nagfe-feeling na close dito dahil sa takot na mainis nanaman ito sa kaniya at mawala pa ang kakapiranggot na pagasa niya dito. Sa tuwing tatanungin ni Chino ang kaniyang opinyon ay kaswal niya lang itong sasagutin.



Nang magsimula ng mag pack-up ang mga staff ay saka napansin ni Chris na may pinaplano si Dom. Pinagmamadali nito lahat ng staff, di ito pangkaraniwan kay Dom dahil madalas nitong intayin si Chino na kilos pagong at ngayong wala ng Charlie na susundo kay Chino ay mukhang iiwan pa ni Dom si Chino magisa umuwi. Dun sa puntong iyon umilaw ang bumbilya sa ulo ni Chris.



Iiwan nila si Chino para wala itong magawa kundi sumabay sakin pauwi. Nice, Dom.” nangingiti ngiting sabi ni Chris sa sarili niya, saglit na nagtama ang tingin ni Dom at Chris at bago lumabas ang mga staff at si Dom ay kinindatan siya nito na tila ba nagsasabing 'ikaw na bahala sa kaniya'



0000ooo0000


Natigilan si Chino nang makitang wala na ang van na sasakyan niya pauwi.



Oh no, not again.” sabi ni Chino sa sarili habang lumi-lingon lingon, isang sasakyan lang ang nakikita niya na nakaparada pa sa parking lot.



Naisip ni Chino na tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil saktong paglingon niya ay siyang labas naman ni Chris na abala sa pagbubuhat ng mabibigat na tripod. Saglit na nagpanic si Chino, hindi alam kung pano kakausapin si Chris na isabay siya pauwi. Alam niyang may galit ito sa kaniya matapos niya itong pasaringan nung umaga.



Kunwari ay natigilan pa siya nang maabutan niya si Chino na nagaalangang nakatingin sa kaniya, pinilit niya ang sarili na huwag mapangiti.



I thought everybody left already.” arteng bati ni Chris kay Chino. Iniwas ni Chris ang kaniyang tingin, itinuon niya ito sa kaniyang bag at kunwari ay naghahanap ng susi para hindi niya makita ang mukha ni Chino, dahil kung titignan niya ito ay siguradong hindi niya mapipigilan ang mapatawa.



They did and they left me behind--- again--- I--- uhmmm--- Chris, p-pwede ba akong---” kinakabahang simula ni Chino, muling ibinalik ni Chris ang tingin niya kay Chino at inintay na tapusin nito ang paghingi ng pabor, pero masyadong kinakabahan at nahihiya si Chino. Pinipigilan ni Chris ang kaniyang sarili na abutin ang maamong mukha ni Chino at paulanan ang mga labi nito ng mga halik.



Makisabay?” pagtatapos ni Chris nang hindi na niya matiis na panoorin si Chino na nagkakandahirap magtanong sa kaniya. Nakita niyang namula ang mga pisngi ni Chino, napangiti si Chris pero agad niya iyong inalis sa mukha niya sakaling tumingin sa kaniya si Chino.



Sure Chino, you don't have to ask.” kaswal na sagot ni Chris sabay kibit balikat at tumuloy na sa pagkakarga ng kaniyang mga gamit sa trunk ng kaniyang sasakyan. Habang si Chino naman ay hindi mapagpasyahan kung sasakay na siya ng sasakyan o iintayin niya pa si Chris matapos.



Napili niyang maintay.



Nagulat si Chris nang makita niyang nagaalanagan paring nakatayo si Chino sa labas ng kaniyang sasakyan, gustong gusto niya itong banatan ng pangiinis pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Pumunta siya sa tapat ng pinto ng passenger seat at pinagbuksan si Chino ng pinto.



Hindi alam ni Chino kung magugulat ba siya o matutuwa sa ginawang iyon ni Chris, ni sa hinuna niya ay hindi niya inisip na may parte pala ng katawan ni Chris ang pagiging sweet, tanging pagiging asshole at paminsan minsang pagpapakita ng lambing lang kasi ang pagkakakilala niya dito. Ngayon, sa kumbinasyon ng pagiging asshole at sweet, hindi na alam ni Chino kung pano pa pipigilan ang kaniyang nararamdaman ulit kay Chris.



Nakangiting umikot si Chris papunta sa driver side at sumakay na para masimulan ang biyahe pauwi.



0000ooo0000


Tahimik ang buong kotse, iniintay ni Chris na si Chino ang magsimula ng usapan dahil kung siya nanaman ang magsisimula ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili na huwag magsabi ng kung ano mang ika-iinis nanaman ni Chino. Makalipas ang trenta minutos ng nakakabinging katahimikan ay nagsalita na si Chino.



Sorry nga pala kanina, Chris, dun sa mga sinabi ko.” nahihiyang sabi ni Chino.



It's nothing, dapat nga ako pa ang nagsorry sayo dahil sa mga sinabi ko kahapon.” natigilan si Chino sa sinabing ito ni Chris. Sa pagkakakilala niya kay Chris at nung minsang naging close sila ay alam niyang hindi madalas magpakumbaba si Chris at aminin ang pagkakamali. Hindi na nagsalita pa ulit si Chino, tinanggap na lang nito ang paghingi ng tawad ni Chris sa pamamagitan ng pagtango.



So where's Charlie?, I mean, I know that it's none of my business but I don't think Charlie is the kind of guy who leaves the guy he cares about behind.” kaswal ulit na sabi ni Chris pero ang totoo ay pinipiga niya sa impormasyon si Chino.



We're not dating anymore.” pagamin ni Chino sabay tingin sa labas ng binatana.



Oh shit,I'm sorry, Chino, is this because of something I might've said yesterday?” nagaalalang tanong ni Chris.



No, it's not about yesterday---” saglit na natigilan si Chino na tila ba nagaalangang tumuloy sa pagsasalita. “---we decided that it's better for us to remain just friends.” kaswal na sagot ni Chino pero ang totoo nun ay kinakabahan na siya kung saan maaaring humantong ang paguusap nilang iyon.



Muling binalot katahimikan ang buong sasakyan. Maya- maya pa ay nakaramdam ng pagkagutom si Chris, hindi nakaligtas ang pagkalam ng sikmura ni Chris kay Chino lalo na't rinig na rinig ito laban sa katahimikan ng buong sasakyan. Napahagikgik si Chino, di naman mapigilang mapangiti ni Chris.



It's still early, Chris, we can still eat---” simula ni Chino, agad na nanlaki ang mga mata ni Chris sa gulat.


You will eat with me?” nagtaka naman sa sinabing ito ni Chris si Chino.


Unless you don't want me to.” bawi ni Chino.


No! Uhmm no, it's not that, it's just I didn't think that you would want to eat with me---”


Yeah, well, eating with an asshole can be good sometimes.” nangingiting sagot ni Chino, agad namang natahimik si Chris, hindi niya napansing nagbibiro lamang si Chino kaya naman agad siyang nasaktan sa sinabi nito. Pinili niyang tumahimik na lang at wag na lang magbalik ng pasaring kay Chino.



Napansin ni Chino ang biglang pagtahimik ni Chris pero hindi na lang niya ito pinansin dahil nakita niyang papasok na sila sa parking ng isang fast food chain. Napailing na lang si Chino dahil hindi niya inakalang ang isang dating modelo at may pamatay na katawan ay nakukuwang kumain ng mga masebong pagkain at ni hindi madagdagan ng miski kapiranggot na taba ang katawan.



0000ooo0000


Kunot noong pinapanood ni Chino si Chris, simula nung huling usapan nila sa kotse bago kumain sa fast food ay hindi na muli ito nakipagusap ng maayos sa kaniya, mga isang salitang sagot lang lagi ang nakukuwa niyang sagot dito na talaga namang ikinatataka niya. Habang pinapanood niya si Chris ay di niya maiwasang mapansin ang paminsan minsang pagkunot ng noo nito na tila ba may malalim na iniisip, nang hindi na matagalan ni Chino ang ganung tagpo ay naisipan niyang tanungin na si Chris.



OK! That does it!” singhal ni Chino sabay pigil kay Chris sa pagsubo niya ng burger na ikinagulat ni Chris.


Wha--?”


Why are you being quiet?”


Wha--?” simula ulit ni Chris.


Well at first you're this cocky sonovabitch who always wants to make my life miserable and then you make me--- you make me fall in love with you then you cheat on me which is by the way hurts like a bitch and then you go all quiet on me?!” frustrated na singhal ni Chino sa loob lamang ng isang hingahan sa gulat na gulat paring si Chris. Saglit silang nagtitigan dahil iniintay ni Chino ang sagot ni Chris at si Chris naman ay hinahayaang mag-sink in ang sinabi ni Chino sa kaniya.


Well, being always referred to as 'the constant asshole of my life' by a person I care a lot is kinnda unnerving.” balik ni Chris, ngayon naiintindihan na niya kung san nanggagaling si Chino. Napangiti siya sa sarili niya.


This is Chino's way of coming on to me. This is his way of saying 'I still like you, can we be boyfriends?'” nangingiting sabi ni Chris, tama siya, mahal parin siya ni Chino kaya't hindi nito tinanggap ang nararamdaman ni Charlie, ngayong akala ni Chino na ayaw na sa kaniya ni Chris kaya naman nafru-frustrate ito at sinusubukang inisin si Chris para bumalik sila sa dati.


At pagbibigyan siya ni Chris.


I'm sorry.” bulong ni Chino. Umiling si Chris.


What?! You can't forgive me?! Alam mong biro lang ang pagtawag ko sayo ng asshole!” depensa ni Chino.


Well it kinda hurt!” balik ni Chris, nagulat si Chino, hindi niya inaasahang sisinghalan siya pabalik ni Chris, pinilit niyang itago ang ngiti na nangungulit na lumabas sa mga labi niya. Iniisip niyang unti unti nang bumabalik sa dati ang kanilang pagsasama.


Welcome back, asshole!” sabi ni Chino sa sarili niya nang ma-realize na nakuwa na ni Chris ang gusto niyang mangyari.


Since when did you become a sensitive prat?!” balik ni Chino.


Since I met you! Since when did you become an insensitive bitch?!” balik naman ni Chris sabay tuon sa lamesa at iniaplip ang mukha kay Chino na nagulat sa biglaang pagkilos ni Chris ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila.


Well let's see---” pangiinis na balik ni Chino, kunwariy nagiisip pa. “--- since I met you of course!” tapos ni Chino sabay hawak sa pisngi ni Chris na para bang hahalikan niya ito, natigilan si Chris sa ginawang ito ni Chino at laking gulat niya nang makaramdam ng malagkit at mamantikang bagay na isinampal sa kaniyang pisngi.


What the---” simula ni Chris habang iniaalis ang mga parte ng dumikit ng cheeseburger sa kaniyang pisngi. Tinignan niya ng masama si Chino na nakangiting aso.


Now you see how much grease those things have?” nangaalaskang turo ni Chino sa burger na isinampal niya kay Chris.


I like you more when you were shy.” umiiling na sabi ni Chris, napahagikgik naman si Chino.


Alam at sigurado na nila Chris at Chino na nakuwa na ulit nila ang atensyon at nararamdaman ng isa't isa.


0000ooo0000



Where are we going?” nagtatakang tanong ni Chino nang ibang street ang nilikuan ni Chris palayo sa kaniyang apartment.


To the hospital.” simpleng sago ni Chris.


Oh. I thought we're going to talk for a while in my apartment.” tila ba dismayadong balik ni Chris.


We have time to talk later after we visit Francis, kung pupunta pa tayo sa apartment mo baka ma-miss na natin yung visiting hours.” kibit balikat na sagot ni Chris. Napamaang si Chino, agad siyang naimpress sa sinabi ni Chris, hindi lang ito handang isugal ang kanilang oras para sa isa't isa ginagawa niya rin ito dahil sa alam nitong importante kay Chino ang makita ang kaniyang kaibigan.


There's something different about you.” wala sa sariling bulalas ni Chino, hindi niya sinasadyang ipaalam kay Chris ang tungkol sa kaniyang iniisip, baka kasi magiba nanaman ng ugali ito. Napatingin naman sa kaniyang repleksyon si Chris na tila ba makikita niya dun ang kakaibang sinasabi ni Chino tungkol sa kaniya, napahagikgik naman si Chino.


I mean, sa ugali, Chris, may nagbago sayo.” paglilinaw ni Chino. Napangiti naman si Chris.


Well, I wanted to change so I can have something I lost, back.”


Keep that up and you might get it back.” makahulugang balik ni Chino, parehong napangiti ang dalawa.


I will do my best to have you back, Chino.” desedidong sabi ni Chris sa sarili niya.

0000ooo0000


Masayang lumapit si Chino sa tabi ni Francis, sa loob ng pitong buwan ay wala paring pinagbabago ang kundisyon nito. Katulad ng nakagawi-an ay inayos ni Chino ang kumot at ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Francis, sa ganitong paraan lang kasi naipapakita ni Chino na mahalaga parin ang kaibigan sa kaniya. Itinataon niya ang kaniyang pagbisita sa oras na wala na ang mga magulang ni Francis o kaya naman ang nobya nito, pero iba ang gabing iyon.


Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan katulad ng mga nakaraang gabi na pagbisita niya doon.


Huy, gising ka na. Madami na akong ikukuwento sayo.” bulong ni Chino, saglit na sinulyapan ni Chino ang kabuntot paring si Chris na nuon ay nakaupo na sa isang mahabang sofa at naglalaro ng games sa telepono ni Chino.



Naririnig ni Chris ang mga pagbulong ni Chino sa kaibigang si Francis, hindi rin naman kasi kalakihan ang kwarto at nakadagdag pa ang tahimik na paligid ng buong ospital, pero pinili niyang magkunwaring hindi niya naririnig ang mga iyon.


Baka minsan na lang pumunta dito si Charlie kasi may iba ng magsusundo at maghahatid sakin---” bulong ulit ni Chino, pinigilan ni Chris ang mapangiti.


---napalapit narin sayo si Charlie kaya gusto niya kapag gumising ka, sabihan ko agad siya.” tuloy ni Chino sabay haplos sa kamay ni Francis.


Francis, gising ka na. Namimiss na kita, dami akong hihinging advise sayo, saka promise, papayag na akong maging best man mo sa kasal niyo ni Laura.”



And as if on cue, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Francis at bumulaga kay Chino at Chris si Laura. Saglit na natigilan si Laura nang makita niya ang nakakapit na kamay ni Chino kay Francis, tila may pumitik sa loob ng ulo niya at agad iyon naginit. Hindi siya makakapayag na abusuhin ni Chino ang natutulog na si Francis, hindi niya papayagang manyakin ito, porke hindi ito makaka-hindi.



Get the hell away from him! You just won't quit, do you?! Francis is straight! He doesn't do gay guys like you.” singhal ni Laura na ikinagulat ni Chino, hindi niya alam kung panong nalaman ni Laura ang tungkol sa sexual orientation niya, alam niyang out na siya sa trabaho pero sa mga magulang ni Francis at sa iba pa nilang kakailala ay hindi siya out. Sinubukan niyang kumalma, tila naman napansin ni Chris na malapit ng mainis si Chino kaya't nilapitan niya ito, pinaramdam dito na andun siya sa kaniyang tabi at hindi siya iiwan.


We're best friends, Laura, and I know na hanggang dun na lang yun---”


Good! Now I want you to leave and I don't want to see your face in here again! Kung pupunta ka ulit dito, mapipilitan akong i-request sa mga nurses na immediate family member na lang ang payagan na bumisita.” singhal at pagbabanta ulit ni Laura.


Bitch! You can't do that---” palag ni Chino pero hinawakan ni Chris ang kaniyang kamay na ikinatigil niya.


Who are you again?” tanong ni Chris, lalong uminit ang ulo ni Laura lalo na nang makita niya ang magkahawak na kamay ni Chino at Chris.


I'm Laura, soon to be Francis' wife.” bigay tuon nito sa salitang 'wife' habang nakatingin kay Chino na tila ba ipinapamukha ito sa kaniya.


I see, well, kung hindi pa kayo kasal ni Francis, I think pareho lang kayo ng karapatan ni Chino tungkol sa pagbisita kay Francis at sa tingin ko rin wala ka pang karapatan na piliin kung sino ang dapat bumisita dito in behalf of Francis, sa tingin ko mga parents ni Francis ang may ganung karapatan. Unless ikasal kayo ngayon ni Francis dito at magkaroon ng himala at sumagot siya sayo ng 'I do' habang natutulog.” pagdidiin ni Chris, lalong namula sa inis si Laura.


What are you, a lawyer?” singhal ni Laura.


Nope, he's just an average joe who uses his common sense.” balik ni Chino, aabutin na sana ni Laura ang pisngi ni Chino upang sampalin nang saluhin ni Chris ang kamay nito.


Touch him and I'll break your wrist.” banta ni Chris, tila naman natakot si Laura at binawi niya ang kaniyang kamay. Inaya na ni Chino si Chris paalis dahil sa takot na baka may magawa pa itong hindi maganda sa babae. Tahimik silang lumabas at iniwan ang gulat na gulat pero inis na inis paring si Laura. Sa pagmamadali nila Chris at Chino palabas ng kwarto at sa naiinis at gulat na estado ni Laura ay hindi nila napansin ang marahaang paggalaw ng isang daliri ni Francis.



Nasa malalim na pagiisip si Chino, iniisip niya kung panong nalaman ni Laura ang tungkol sa kaniya pero hindi pa man siya nakakapagisip ng maaaring dahilan ay agad siyang natigilan nang mapansin niyang hindi sumusunod si Chris sa kaniya, agad siyang kinabahan at bumalik. Nakita niya itong nakikipagusap sa nurse, nilapitan niya ito at naabutan ang pinaguusapan nila ng nurse.


---you shouldn't let someone like her visit our friend, I know they're engaged and all but you can't let her kick everyone who tries to visit Francis out, she even tried to hit Chino when we refused to go!” arte ni Chris, agad namang kinabahan ang nurse.


I see, I'll do anything I can, sir.” sagot ng nurse, nagpasalamat naman si Chris di pa nakakalayo ng nurse's station sila Chris at Chino nang marinig nilang may kinausap ang nurse sa telepono.


Hello, security? Yes I just got a complaint against one of our visitors here---” hindi pa narinig ni Chino ang sumunod na sinabi ng nurse nang biglang tumigil si Chris sa tapat ng isang drinking fountain.


Thirsty.” sagot ni Chris sa nagtatakang itsura ni Chino sabay kindat. Napangiti si Chino nang malaman kung anong pinaplano ni Chris. Sa di kalayuan ay nakarinig ng sigaw si Chino, hindi siya maaaring magkamali na si Laura iyon.


WHAT?! I'm a visitor here! Francis is my boyfriend, how dare you ask me to leave his bedside!--- I don't care about that stupid complaint---!”


Nang dumaretso ulit ng pagkakatayo si Chris ay kinidatan nanaman nito si Chino at nakangiti siyang inaya pauwi. Magkahawak kamay silang naglakad pabalik sa sasakyan ni Chris.


Hindi mabura ang ngiti sa mukha ni Chino habang bumibiyahe sila pauwi ng kaniyang apartment. Alam niyang tama ang kaniyang pagsugal at bigyan ulit ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon ni Chris.



Itutuloy...



_________________________
Taking Chances 18
by: Migs

15 comments:

  1. hey guys! last two chapters and then epilogue na!!! haha!

    Paalam ako sainyo. absent ko ng isang linggo after kong i-post ang epilogue ng taking Chances ah? ayusin ko lang ang defense ng study ko. ^_^

    Sana wag kayong magsawa at mainip sa loob ng isang linggo kong pagkawala. (feeling important lang.) hehe!

    Salamat ulit sa mga magco-comment at nagbabasa.

    Anyayahan ko ulit kayo lalo na yung mga bagong readers to read some of my short stories. ^_^

    Makikita niyo siya na nakalista sa labels sa upper right part ng page. Thanks ulit! COMMENTS AH! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll patiently wait while you're absent, kuya Migs. And hopefully, you'll post Chasing Pavements 5 on your return. ^_^

      Kudos! Kuya Migs.

      Delete
  2. aww! sweet! so sooooo sweet! :)
    <3 this chapz...

    excited na ako sa paggising ni Francis... ano kaya ang mangyayari? magiging hadlang kaya siya sa pag iibigan nila Chris at Chino?

    ReplyDelete
  3. wow kilig moment. nice author.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  4. nice! maganda tong chapter na ito.

    dont worry migs mauunawaan namin yan, good luck sa defense! (",)

    ReplyDelete
  5. nakow francis... paggising mo... wag mo nang guluhin si chino at chris. dahil kapag umepal ka pa macocomatose ka uli. hehehe. joke. :)

    ReplyDelete
  6. i know chris is a gud guy..sana tuloy tuloy na..migs gudluck sa imo

    ReplyDelete
  7. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! NEXT NA KUYA PLEASE!!!!!!hehehe!!! uber sweet na naman ang mga loko! at grabe, the perfect trait a couple must have- understanding the meaning and feeling behind every uttered word, ayun meron na sila nyan! KAYO NA TALAGA CHRIS AT CHINO!! hehhehe

    (pasensya sa kapatid na ginulo ko na naman sa kakasigaw,tawa at palakpak.. iba talaga topak ko sa story na to..! HAHA!)

    -->nIx

    ReplyDelete
  8. More! More!!! Kuya Migs wag mo na patagalin!! Post mo na yung lahat ng natitirang chapters. Haha! Ang ganda talaga!!!

    palagay ko hindi na manggugulo si francis kay chino at chris. Baka may sarili syang story, baka si charlie ang para sa kanya? Haha!



    --ANDY

    ReplyDelete
  9. I'm more than willing to wait. :-)

    ReplyDelete
  10. Whew! Kilig moments :) kainggit...

    ReplyDelete
  11. himala mukhang nag kamalay na si francis.... paano na yan chino.... baka agawin ka ni francis kay chris....naku laking gulo yan.....sino kaya ang mas matimbang sa puso mo chino?????naks baka maging kawawa ulit si chris.....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  12. wow.. i love this part.. sobrang kilig.. sobrang impress din ako kay chris.. author ha, huwag mo sasaktan kalooban ni chris kawawa naman siya at isusumpa kita... hehehe... joke lang po.. this chapter really made my day, nawala lahat sakit ng ulo ko.. thanks..

    ReplyDelete
  13. Ang danda na talaga nito migy boy lalong gumaganda! Keep it up at goodluck naman sa defense mo.. :D

    ReplyDelete