Taking Chances 15
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Dalawang linggo na pagkatapos nagkasira sila Chino at Chris at hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Dom kung asan na ang kaniyang bagong best friend, tinanong niya ang mga big boss pero ayon sa mga ito ay hindi parin nila nakikita si Chino, nagpadala lamang daw ito ng resignation letter via email.
“When you see him, please tell him to report here in my office. Kailangan namin itong mapagusapan.” malungkot pero puno ng awtoridad na sabi ni Mr. Custodio na boss nila Dom.
“Yes Sir.” malungkot din na balik ni Dom, isa pang bumabagabag sa kaniyang isip ay si Chris, hindi niya malaman kung paano ito aaluhin. Di parin nwawala ang inis niya dito pero nabawasan na iyon lalo pa't nakikita niya kung gano rin ito kamiserable, paminsan minsang inis at pagkaawa ang nararamdaman niya dito. Miya mo kasi ito zombie, nagpapakita ito sa photo shoot at maayos na nairaraos ang bawat shoot pero sa tuwing kinakausap ito ay tango o kaya naman iling lang ang sagot nito.
Mapapansin din ang madalas na pagkatulala nito sa isang tabi na tila mo naubusan na ng pag-asa, kapag naman natapos na ang kanilang photo shoot ay wala naring pagkakataon pa na makausap ito ni Dom dahil mabilis itong umaalis. Kitang kita ni Dom na malaki din ang epekto nito kay Chris. Alam niyang mahal narin nito si Chino at hindi nito alam kung ano ang gagawin para mabawi ito.
“They're going to be OK, Dom, don't beat yourself because of this.” alo ni Chloe habang tinitignan nito ang kaniyang nobyo na malalim ang iniisip.
“I can't help it, Chloe, I haven't seen Chino for two weeks now, Chris is like a dead guy walking with the living.” umiiling na sabi ni Dom sa kaniyang kasintahan. Kitang kita ni Chloe na naaapektuhan ang kaniyang nobyo sa mga nangyayari sa mga kaibigan nito, wala na siyang ibang nagawa kundi abutin ang kamay nito at pisilin.
“Every thing is going to be OK.” bulong ulit ni Chloe, sa wakas ay tinignan ni Dom ang kaniyang kasintahan ng daretso sa mga mata, at sa unang pagkakataon matapos ang dalawang linggo ay napanatag ang loob ni Dom.
Kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Chris, walang kasing bigat ang kaniyang loob at malayo ito sa pagkakapanatag. Matapos ang kanilang photo shoot ay agad na tumuloy si Chris sa apartment ni Chino. Sa tuwing wala siyang ginagawa ay pumupunta siya sa apartment ni Chino, umaasa na makausap ito o kahit masulyapan man lang.
Kahit ipagtabuyan siya ni Chino ay ayos lang sa kaniya ito, gusto niya lang talaga ito makita kahit saglit kahit yung saglit pa nilang pagkikita na iyon ay ipinagtatabuyan siya nito ay ayos lang sa kaniya.
Halos maiyak-iyak si Chris nang wala nanamang sumagot sa apartment ni Chino hindi na niya alam ang kaniyang gagawin, napaupo na siya at napasandal sa pinto ng apartment ni Chino. Pakiramdam niya ay naka-stuck siya sa isang kwarto na walang bintana at pinto kung saan hirap na hirap siya huminga at ang malala pa ay wala siyang magawa tungkol dun.
Ganun din ang pakiramdam ni Chino habang tumatangis sa harapan ni Francis. Tinititigan niya ito, umaasa na milagro itong magising at kausapin siya, kailangang kailangan niya ng kaibigan ngayon at alam niyang si Francis lang ang kahit papano'y magpapagaang ng kaniyang loob.
“Don't be afraid to take some chances.” tila naman pagpapaalala ito ni Francis kay Chino nang maisip ni Chino ang madalas na sabihin na ito sa kaniya ng kaniyang best friend.
“I took those chances, Francis and look what it brought me. I'm hurting, Francis and I don't know what to do.” maluha-luhang sabi ni Chino sa kaniyang kaibigan.
0000ooo0000
“OPEN THE GODDAMN DOOR, CHINO!” sigaw ni Chloe sa labas ng pinto ni Chino, hindi na matiis ni Chloe na panoorin ang kaniyang nobyo na laging nagaalala.
“Chloe?!” gulat na bulalas ni Chino sa naghihimutok na babae.
“Dammit, Chino! Where have you been?!” sabi ni Chloe sabay yakap sa gulat na gulat parin na kaibigan.
“Uhmmm, in bed? Chloe, what are you doing here? It's five o'clock in the morning.” inaantok na tanong ni Chino sa kaibigan nang makabawi ito sa gulat.
Minata ni Chloe ang kaniyang kaibigan, tayo-tayo pa ang buhok nito, namumugto ang mata dahil sa agarang paggising, nakasando, boxers shorts at walang suot na salamin ang Chino na kaharap niya ngayon.
“Damn! So this is what you're hiding under those baggy slacks and long sleeves, Chino!” bulong ni Chloe sa kaniyang sarili. Napangiting aso siya, napansin ito ni Chino at agad siyang nakaramdam ng hiya at tinakpan niya agad ng magkabilang kamay niya ang unahang bahagi ng kaniyang boxer shorts..
“I came here because I'm sick and tired of watching Dom looking like a lost puppy whenever his brain asks about you! What happened?! It's been two weeks at wala kaming kabalita-balita sayo, akala namin nakidnap ka na or something!”
“I just need time off, Chloe, I'm just tired that's all. Wait, how do you know where I live?” sagot ni Chino sabay aya kay Chloe na pumasok ng kaniyang bahay, agad siyang pumunta sa kaniyang kuwarto at nagsuot ng disenteng damit.
“Time off? More like you just ceased to exist! We've been worried sick!” balik ni Chloe.
“Yup, time off--- How did you know where I live again?” tanong ulit ni Chino, umaasa na maiiba niya ang paguusapan, habang ipinaghahanda ang kaniyang bisita ng maiinom.
“I asked your HR.” kibit balikat na sagot ni Chloe, umaasa na wag nang magtanong pa ukol doon si Chino, naningkit naman ang mga mata ni Chino dahil alam niyang may hindi sinasabi sa kaniya si Chloe.
“Mr. Hernandez? That jerk is the strictest HR ever.” halos mabulunan naman si Chloe sa sinabing iyon ni Chino.
“I used my charms.” kibit balikat na sagot ni Chloe, napangiting aso si Chino sa sagot na iyon ni Chloe.
“Dom is going to flip! That HR guy is a pervert!” sigaw ni Chino sabay turo kay Chloe, si Chloe naman ay namumula sa hiya.
“I'm not here to talk about me and that pervert, I'm here so we can talk about you.” agad nawala sa mukha ni Chino ang ngiti at biglang namutla.
“I'm OK, Chloe, I just got tired that's why I need some time off.” kaswal na sagot ni Chino, sinubukan niyang magsinungaling pero hindi ito kinagat ni Chloe, ni si Chino ay hindi nakumbinsi sa sarili niyang palusot.
“Some time off? What about the resignation letter?” natigilan si Chino sa tanong na ito, hindi niya alam kung pan nalaman ni Chloe ang tungkol dun pero gad niya rin naisip na maaaring nagtanong ang kaniyang boss kay Dom. Napabuntong hininga si Chino, alam niyang wala na siyang lusot at kailangan na niyang sabihin ang totoo kay Chloe.
Napansin ni Chloe na malapit ng bumigay si Chino, malapit na nitong sabihin sa kaniya ang mga nangyayari, natuwa siya sa kaniyang ginagawa, hindi niya ito ginagawa para sa kaniya at sa kaniyang nobyo, ginagawa niya ito para tulungan ang kaniyang kaibigan. Agad na nangilid ang mga luha ni Chino.
“What happened, Chino?” nagaalala na ngayong tanong ni Chloe, agad niyang nilapitan si Chino at niyakap. Hindi na nakayanan pa ni Chino ang magmatigas, ibinalik na niya ang mahigpit na yakap ni Chloe at tahimik na humikbi.
“Mahal mo na siya no?” nagiingat na tanong ni Chloe, naramdaman niya ang marahang pag-tango ni Chino.
“Eh bakit ayaw mong ipaglaban ang nararamdaman mo sa kaniya?” tanong ulit ni Chloe. Natigilan si Chino.
0000ooo0000
Humiwalay si Chino sa pagyayakapan nila matapos ang huling tanong ni Chloe. Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi parin sinasagot ni Chino ang tanong nito, tumahimik sa isang tabi si Chino, tila malalim ang iniisip. Naisipan ni Chloe na hayaan na lang muna ang kaniyang kaibigan, tatayo na sana siya at magpapaalam nang magsalita ito.
“Have you ever been in a situation kung saan sinasabi na ng utak mo na magsisisi ka lang sa huli kapag pinili mong gawin ang isang bagay?” baling ni Chino kay Chloe, nakita ni Chloe ang pangingilid ng luha ng kaibigan. Tumahimik na lang si Chloe at hinayaang magpatuloy sa pagsasalita ang kaibigan.
“I decided to take some chances, I know that I will get hurt in the end, my brain tells me 'no' but my heart says to go and take those chances. I took my chances, at first it felt good but toward the middle up to the end I was spinning out of control and then I saw my self falling, head first and then I woke up, not having anything in me but pain.”
Saglit na natahimik ang magkaibigan. Alam ni Chloe ang pinagdadaanan ng kaibigan, ilang beses na nga ba siyang naging tanga? Ilang beses na siyang lumuha pero hindi niya iyon hinayaang pabagsakin siya.
“I know how you feel. I've been in a relationship where everything is built on stupidity, trust and one sided love.” natatawa at naiiling na sabi ni Chloe. Tinignan ni Chino ang kaniyang kaibigan na tila ba enganyong enganyo siya dito.
“His name is Tony, he's bisexual, in fairness naman sa kaniya he told me about his orientation on our first date, I let myself be blinded by stupidity and accepted it, I know that he is leaning to the gay side of his sexuality more than the straight side but I chose to ignore it. I trusted him, again another wrong move, I didn't know that he sleeps with other guys behind my back and because I'm blinded by stupidity and let myself trust him even if at the back of my head he's cheating on me, I missed all the signs, it wall all one sided, I'm nothing but a side dish to his main course.” naiiling na sabi ni Chloe sabay humagikgik.
“When someone slapped me with the truth, it felt like I have been hit by a ten wheeler truck, all came crashing down. Somehow, I know that it will eventually happen but I still decided to take my chances--- and now, I'm actually thankful I took those chances, because now I know never to make the same mistakes again. Chino, there's nothing wrong in taking chances, it doesn't mean that the next time you decide to take another chance that it will end up like the first one you took.”
At sa mga sinabing iyon ni Chloe ay tila naman nagising sa matagal na pagkakatulog si Chino.
After five months
“Ready?” tanong ng kaniyang mga assistant director.
Di parin makapaniwala si Chino na nagdi-direk na siya ngayon ng mga TV commercial, may limang buwan lang ang nakakalipas ay tanging mga photo shoot lamang ang kaniyang pinamamahalaan, ngayon sa tulong ni Chloe ay muli siyang sumugal at napagtagumpayan niya nga iyon pero aminado parin siya na namimiss niya ang mag direk ng photo shoot. Limang buwan na ang nakakalipas nang umalis siya sa kaniyang bahay, muli siyang sumugal at ibinenta na niya iyon, masyadong siyang maraming naaalala sa bahay na iyon. Limang buwan narin ang lumipas at sa wakas ay tumigil na si Chris sa pangungulit kay Chino, hindi narin kasi alam nito ang bagong number at bagong address ni Chino.
Kung may ipagpapasalamat si Chino yun ay ang panloloko sa kaniya ni Chris, ngayong nalagpasan na niya lahat ng sakit, naisip niya na sa susunod na sumugal siya ay alam niyang wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Chris. Ngayon handa na siya kung sakaling pumalpak ang chances na tatahakin niya at iyon ay dahil lahat kay Chris.
Sa wakas sa loob ng ilang taong pagkakaroon ng mababang self esteem si Chino ay tila siya isang lobong hinipan, isa na siya ngayong panibagong tao, isang indibidwal na may kumpiyansa sa sarili at hindi na niya hahayaang sirain siya ng isang katulad ni Chris.
Limang buwan na ang nakakalipas at pitong buwan ng hindi nagigising si Francis. Ito ang ikinalulungkot ni Chino, kahit kaibigan man lang sana at hindi kasintahan ay kasama niya ngayong nagdidiwang ang kaniyang best friend sa kaniyang mga bagong accomplishment, pero gaya ng sinabi ni Chloe sa kaniya ay hindi na niya ngayon hahayaang ibagsak siya ng nakalipas. Handa na siya ngayong salubingin ang mga panibagong suliranin, magkaroon man ito ng hindi magandang bunga o kabaligtaran ay ayos lang sa kaniya.
“Yes, I'm ready.” sagot ni Chino.
0000ooo0000
Madalas parin na wala sa sarili si Chris, bumitiw na siya sa modeling agency na kaniyang pinapasukan at nagpurisgi siya na gumawa ng pangalan sa mundo ng photography, sa larangan kasing ito ay madalas siyang busy, nakakalimutan niya paminsan minsan ang kaniyang nararamdaman patungkol kay Chino, hindi katulad sa modeling na may oras pa siyang mag-lasing at magpaka wild sa iba't ibang klase ng tao na makikita mo sa mundo ng modeling.
Pero kahit anong iwas ni Chino kay Chris ay tila naman sila pinagtatagpo ng tadhana.
0000ooo0000
“Hello.” bati ni Chino kay Dom sa kabilang linya, katatapos lang ng kanilang tv commercial shoot nang mag-ring ang kaniyang telepono, nakita niya ng pangalan ng kaibigan na nakaplaster sa screen ng telepono kaya naman di na siya nagatubiling sagutin ito.
“Hey, buddy, what's up?” bati ni Dom.
“Wala naman. Ikaw, bakit ka napatawag?” tanong ni Chino habang iniintay ang kaniyang sundo.
“Well---” agad na napangiti si Chino, walang pinagbago ang kaniyang kaibigan, ang dating kinaiinisan niyang ugali nito na laging nagaalangan ay ginagawa parin nito.
“Spit it out, Dom.” sabi ni Chino nang masagad na ang pasensya nito.
“I'm working in a new magazine company and we're one photo shoot director and photographer short, can you help me?” nagaalangan paring sabi ni Dom, pero para kay Chino naman ay wala na itong dapat ipagalangan pa dahil gagawin naman ni Chino ito kahit pa walang bayad.
“Sure.” walang sabi sabing sagot ni Chino. Natahimik saglit ang linya.
“uhmmm... Chino, kasi---”
“I said, I'm going to do it, Dom---” pagpupumilit ulit ni Chino habang minamata ang isang kotse na papalapit sa kaniyang kinatatayuan.
“Dom, I have to go, just text me the details and I'll be there for the photo shoot. OK? Don't worry about it, just do what you have to do and we will impress you new boss. Bye.” paalam ni Chino kay Dom, hindi na nakasagot si Dom dahil agad na siyang kinamusta ng dial tone.
“Ready?” tanong ng lalaking naka-kotse kay Chino.
“Yup.” sagot ni Chino sabay lagay ng kaniyang mga gamit sa likod na bahagi ng kotse.
0000ooo0000
Sabay na nagulat si Chino at Chris nang magkaharap ulit sila nang pumasok si Chino sa tent kung saan nakalagay ang mga importanteng gamit para sa gagawing shoot. Pagkatapos ng inisyal na gulat ay agad na nakaramdam ng tuwa si Chris habang si Chino naman ay galit at pagkainis. Agad na hinanap ni Chino si Dom para agad na singhalan, as if on cue biglang sumulpot si Dom, nagpabalik balik ang tingin nito kay Chino at Chris at agad na nakaramdam ng kaba.
“I though this is a new magazine for men. Anong ginagawa niya dito?” tanong ni Chino sa nanginginig na ngayong si Dom.
“He's our photographer.” simpleng sagot ni Dom. Tinignan ni Chino si Chris, nun niya lang napansin ang mga gamit na nakalatag sa paligid nito at nun niya lang napansin na hindi nakagayak at naka-ayos pang model si Chris.
“And you forgot to tell me about this, because---?” pabitin na tanong ni Chino habang nakaturo kay Chris.
“I tried to tell you over the phone but I guess you got too busy because the next thing I know I was talking to the dial tone.” sagot ni Dom, muling bumabalik ang kaniyang tapang sabay kibit balikat at lakad palayo. Napanganga naman si Chino nang maalala ang kanilang paguusap nung araw na iyon.
“Look, Chino, I can go if you want me to.” bulong ni Chris, napairap si Chino.
“I'm not doing this for you or for me, I'm doing this for Dom, he needs this job, so can we please just ignore each other?” singhal ni Chino, lihim na napangiti si Chris, para sa kaniya ay mabuti na iyon, at least kahit papano ay nakikita niya parin si Chino. Matapos ang maikli nilang palitan na iyon ay muling sumulpot si Dom at naabutan nito ang sagot ni Chris.
“I can live with that.” kaswal na sagot ni Chris, di nakaligtas kay Chino at Dom ang medyo masayang tono sa sinabi ni Chris na iyon.
“Chino!” sigaw ng isang lalaki sa may bungad ng tent. Nagulat si Chino at agad na humarap doon, agad namang kumunot ang noo ni Chris lalo na ng mapagmasdan niya kung pano tumingin ang lalaki kay Chino, tila ba nananabik ito kay Chino, alam na alam niya ang tingin na iyon, dahil kapag tumingin siya sa salamin at nasa isang kwarto lamang sila ni Chino ay ganun din ang makikita niya sa kaniyang mukha.
“Charlie! Oh, akala ko nakaalis ka na?” tanong ni Chino, napangiti naman si Charlie at agad na lumapit kay Chino, sa palagay ni Chris ay masyadong malapit ang katawan nito kay Chino.
“You forgot your phone, buti na lang I saw it before I pull out of the parking lot.” sagot ni Charlie sabay abot ng telepono kay Chino, may kakaibang kislap sa mga mata nito na nakikita si Chris.
“Thanks.” balik ni Chino sabay kamot sa kaniyang ulo, lalong napangiti si Charlie.
“Ehem!” pagpapapansin ni Chris, napatingin si Chino, Charlie at Dom sa gawi nito matapos ang malakas na pagaalis ng bara ni Chris sa kaniyang lalamunan.
“This is a 'authorized personnel only' zone. I'm sorry, sir but you have to get out.” malamig na sabi ni Chris, agad siyang tinignan ng masama ni Chino habang si Dom naman ay pinipigilan ang sarili na mapatawa.
“You don't have to---” baling ni Chino kay Charlie pero agad siyang pinutol ni Charlie.
“It's OK, Chino. I have to go anyways.” balik ni Charlie.
“I'm sure.” sarkastikong bulong ni Chris, hindi ito narinig ni Charlie pero hindi iyon nakaligtas kay Chino na lalo nitong ikinainis.
“I'll see you later?” tanong ni Charlie, hindi ito nakaligtas kay Chris, may tono ng antisipasyon sa mga sinabing iyon ni Charlie. Di niya mapigilang magselos at magalit.
“Yes, I'll text you when I'm ready for you to pick me up.” sagot ni Chino, tila naman may tumarak na kutsilyo sa puso ni Chris. Tinignan ni Dom si Chris, nakita niya kung pano bumakas sa mukha ng kaniyang kaibigang si Chris ang sakit, napailing siya. Muling binalot ng galit si Chris.
Lalong ikina-inis ni Chris ang paghatid ni Chino kay Charlie pabalik ng parking lot. Nang bumalik si Chino ay tila nahihiya ito. Agad na lumapit dito si Dom at siniko si Chino sa tagiliran.
“Charlie, huh?” pangiinis ni Dom, sabay taas baba ng kilay. Lalong namula si Chino.
“Is his sense of direction poor? Kailangan mo pa talaga siyang i-hatid sa parking lot? I thought we're on a tight schedule?! Bakit may pahatid-hatid ka pang nalalaman?!” singhal ni Chris. Naginit ang ulo ni Chino at agad na lumapit kay Chris.
Umiwas na si Dom at pasimpleng lumabas ng tent, hindi pa man siya nakakalayo ng tent ay narinig na niya ang sigawan ni Chris at Chino.
Itutuloy...
______________________________
Taking Chances 15
by: Migs
Super sorry ulit sa late post! super busy lang talaga. :-)
ReplyDeleteKeep the comments coming. 5 more chapters plus the epilogue. ^_^
Request lang din sa mga new readers, kung magko-comment kayo pwede bang palagay ng name or maski alias lang sa bawat comment niyo? hirap kasi kapag magtatanong kayo tas i-a-address ko kayo as ANONYMOUS/date/time eh. Thanks! ^_^
I’m starting to like it na.. as what the title says..
Delete-smartiescute28@yahoo.com
Da best ka Mahal kong Migz. Walang kupas. Kelan kaya magigising si Francis? Anu kaya magiging papel niya sa bagong buhay ni Chino. Can't wait sa kanyang pagbabalik. Da best pa din ang bangayang Chris and Chino. :)
ReplyDeleteHere we go again the cute cat and dog fight. But they're cute. Hoping that Chino realized somehow that Cris also hurt, suffered and disarray and they both still love each other. Oh my i cant imagine that this story have to come on its near end. I will surely miss the trowing of dialogues of the characters. I LOVE IT. Hmmm how about Francis? A next episode, I guess?
ReplyDeletetalagang ang ganda ng pag tatagpo ulit nina chris at chino.... parang mga asot pusa.... ha ha ah...chino inisin mo parati si chris... pag selosan mo sya ng maigi.... inisin mo lalo para magalit sya.... ksp kasi.....lovers quarrel....
ReplyDeleteramy from qatar
ang ganda talaga!!!!
ReplyDeleteBalik ulit sila sa kung ano sila sa simula ng story!!
The best ka talaga kuya migs!!
--ANDY
Hoy francis!! Matatapos na't lahat ang story na to eh natutulog ka parin!! Sigurado puro bed sore ka na! Hahaha!
ReplyDeleteBaka sa susunod na story pa ni kuya migs gigising si francis, tapos si Tony ang kalove team.
Cant wait for the last 5 chapters and for the epilogue!!!
--ANDY
this story gives me anticipation. author nilagyan mo ba ito ng drugs? nakakaadik kasi e. hehehhe.
ReplyDeletetaga_cebu
hayyy... buti nagkita ulit sila..... malapit na palang matapos.... ang ganda ng story.... ano ang susunod na mangyayari... sino si charlie.... ano mangyayari sa dalawa... cant wait sa pagaaway ulit nila .......
ReplyDeletethanks nga pala sa new chapter ....
makati_boy
pwde paba habaan pa migs....nice naman totoo pala talga ang tulak ng bibig, kabig ng dibdib..
ReplyDeleteAng gandang basahin ng mga story mo. Specially itong kay Chino at Cris. Drama but cute. Ung mga lines ng mga characters even in your past stories really marks. Iba! Yun ang trademark sa mga story mo. So mature and intelligent.
ReplyDeleteHaha I love your style kuya migz! I noticed a decrease in actual conversation when the story is on a serious tone. At least bawas drama making the story more light. And when it comes to sweet moments and confrontations, conversations become more common with amazing choice of words that never ceases to amaze me. :DD TSALAMAT NG MARAMI KUYA sa story mo! napakaganda!
ReplyDelete-->nIx
AWESOMENESS!
ReplyDeleteang cute ng bangayang asot pusa ng dalawa, hehe francis gising na, at sino si charlie? 『dereck』
ReplyDeletenice one mr. author :) uh i have been reading your blogspot for weeks now. lol. finished reading all of the series (except for the stories not written on the thingy above. lol) well anyways, can't wait for the next part :)
ReplyDeletecan't wait for the next chapter.
ReplyDeletekainis naman, bat agad naman sumuko?
haha anyways kuya nice chapter, hmmm pano kaya cla magbabati? ^.^
-ichigoXD
Yeah boy!!! Back to square one si chino and Chris! Na miss ko bangayan nila haha... Naku Chris! Now it's your chance... Go take chino back but don't hurt him again... Or else....
ReplyDeleteIs it going to be "love is sweeter the 2nd time around?" Kailan kaya magigising si francis? si charlie kaya ang worth taking chances? hmm or will jed come back and make ligaw.... exciting...
ReplyDeleteito ang inaabangan ko....ang pag aawayan ni chino at chris, mas may hatak pa ang bangyan nila kesa sa mushy lines eh, hahahaha
ReplyDeletemigs, magpost ka naman ng short story...OO na kahit SAD na uli, nakakamiss na ang short story mo (",)
maganda! hahaha 5 more chapters nalang pala ito huhuhu matatapos na naman ang isa sa mga inaabangan ko. Anyway highway, keep it up lang migy boi kayang kaya mo yan :))
ReplyDeletesa next book, ggcing na ba si francis???
ReplyDeleteung accident lang ba yung connection ni francis/chino sa ibang chracters? from the last book???
ha ha ha, nice one.keep it up frend!
ReplyDelete