Chasing Pavements 10


_____________________________
Chasing Pavements 10
by: Migs



Kumalembang ang bell sa pinto ng shop kung saan nagtatahi ng mga pasadyang amerikana at gowns para sa mga ikakasal.



Kuya Migs!” sigaw ni Al ng makita ako.



Aray.. aray... aray.. aray.” bulalas ni Edward ng matusok ito ng aspili ng bigla itong humarap para makita ako.



Ako po yung best man.” sabi ko sa nagsusukat, ngumiti naman si Edward sakin na sinuklian ko na lang ng isang magiliw na ngiti, lumapit ito sakin at niyakap ako.




0000ooo0000



Andito ulit ako, tulad nang sa simula paikot ikot ulit ako sa loob ng village, alam ko na hinahanap na ako sa simbahan dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal ng aking bestfriend, pero di ko parin makita ang sarili ko na masayang nakatayo sa tabi niya habang naglalakad sa pasilyo ng simbahan ang magiging asawa niya. Bigla na lang nabasag ng pagring ng telepono ko ang aking pagmumuni muni.



Hello?”



Kuya, hinahanap ka ni Kuya Edward, gusto ka niyang makausap.” sabi ni Al sakin at agad naman akong pumunta sa simbahan.



0000ooo0000


Bumaba ako ng aking sasakyan at hinayaan ko ang aking mga mata na angkinin ang ganda ng paligid, para itong isang kapilya pero malaki ng kaunti, maganda ang garden na nakapalibot sa labas nito. Nagbuntong hininga ako, pero imbis na gumaang ang aking loob ay lalo itong bumigat. Hinanap ko sa bawat sulok ng simbahan si Edward pero sa side chapel ko ito nakita, nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at nakatakip ng mga palad ang kaniyang mukha.



Edward?” tawag ko dito, pero di ito tumunghay.



Migs, tama ba itong gagawin ko?” tanong nito sakin ng maramdaman ang pagtabi ko sa kaniya.



Sanadali kaming napataimik.



Mahal mo ba siya?” tanong ko ulit dito.



Oo.” sabi niya, para namang may tumarak na kutsilyo sa aking dibdib, pero binale wala ko iyon. Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Pat.



“Tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



Oh, yun naman pala eh, edi tama yan.” sabi ko na lang dito at pinatayo na siya, inayos ang kaniyang kurbatang kulay puti.



Ok lang ba ito sayo?” tanong nito sakin.



Kung san ka masaya dun ako, Edward.” sabi ko dito pero nararamdaman ko ang puso ko na tumututol sa sinabi kong iyon.



You will make a perfect groom.” sabi ko dito nang matapos ko nang ayusin ang neck tie nito.



Salamat.” sabi niya. Ngumiti lang ako.



Pwede bang humingi pa ng isang favor?” tanong ulit nito sakin.



Shoot.” sabi ko naman at hindi na siya nagsalita ulit.



Nagulat na lang ako nang inilapat na niya ang mga labi niya sa labi ko, masuyo ang halik na yun, hindi ring maikakaila na puno ito ng emosyon at ng humiwalay siya sa halik na yun ay pinanatili niyang nakadikit ang aming mga noo, nakapikit parin ito at parang ninanamnam ang aming nalalabing oras, iniyakap nito ang kaniyang mga kamay sakin, ganun din ang ginawa ko, magkadikit parin ang aming mga noo, unti unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nagtama ang aming mga tingin.



Dyan ka lang diba? Di mo ako iiwan diba?” parang bata na nagaalala ang tanong nito sakin.



Oo, dito lang ako.” at isang luha ang tumulo sa aking pisngi.



0000ooo0000



“Perfect.”



Yan ang salitang namutawi sa aking mga labi, napakaganda kasi ng pagkakaayos ng simbahan, hindi man ito kalakihan pero ang pagkakagayak nito ay talaga namang nakakahanga, nagpaganda din dito ang mga bulaklak na magaganda ang pagkakaayos, pati na ang altar na pinuno ng puting mga rosas ay maganda din.



Tumayo na kami ni Edward sa may dulo ng pasilyo, iniintay ang kaniyang mapapangasawa. Nagsimula nang magprusisyon ang mga abay, di pangkaraniwan ang kasal na ito dahil walang mga bata, walang batang babae na magsasaboy ng bulaklak, isang dalagita ang siyang humalili sa pwesto nito. Sumunod ay ang ring bearer, si Matt ang aking nakababatang kapatid ang siyang gumanap dito.



Nagsimula ng tugtugin ng piyanista ang tugtog pangkasal, bumukas na ang malalapad na double door sa unahan ng simbahan, pumasok ang nakaksilaw na sinag ng araw sa labas ng simbahan at pumasok dito ang isang babae na nakaputi.




Migs, ito nga pala si Mae, siya ang mapapangasawa ko.” pakilala ni Edward.



Bigla naman akong napatayo sa aking kinauupuan at itinigil bigla ang paglalaro ng dota sa PC nila Edward.



Hi.” sabi ko dito at saka kinamayan ito. Napahagikgik naman si Al na siyang kalaban ko sa dota.



Teka lang Migs ah, puntahan lang namin sila Mommy.” tukoy ni Edward sa kaniyang ina na nagluluto sa kusina.



Pssss! Hi.” pangiinis na sabi sakin ni Al. Binatukan ko lang ito na lalo naman nitong ikinahagikgik.



Matagal na ba silang magkakilala?” tanong ko kay Al habang busy sa paglalaro ng dota.



Mga 3 years nadin.” sagot ni Al na tutok din sa paglalaro ng dota.



Alam mo kuya kung nagstay ka lang, kung binigyan mo lang ng pagkakataon si kuya magpaliwanag, siguro wala yang si ate Mae sa eksena ngayon.” sabi nito, napatigil naman ako sa pagpipindot ng keyboard at napatitig lang sa screen ng computer. Narinig kong nagbuntong hininga si Al saka ako hinampas sa braso.



Hoy! Yung nilalaro mo!” sigaw nito sakin.




Napakaganda ni Mae habang naglalakad sa pasilyong iyon, para itong anghel na bumaba mula sa langit, hindi eksaherado ang gown nito, tama lang, simple, pati na ang make up at ayos ng buhok. Hindi na nga kailangan nito ng make up. Maganda na siya maski wala ito.




Di ko mapigilan ang mapatitig kay Mae habang nakain kami sa hapag kainan nila Edward, maganda ito at sa kilos pa lang alam mong mabait ito, soft spoken at mahinhin, kaya't tuwang tuwa naman sila Tita habang nakikipag usap dito.



...tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



Muli ko nanamang naalala ang sinabing iyon ni Pat atsaka maganang kumain at nagplaster ng isang totoong ngiti na hindi angkop sa aking nararamdaman.



Nang makarating na si Mae sa harap namin at ng ibigay ng ama nito ang kamay nito kay Edward ay parang namanhid na ang aking buong katawan maliban sa dibdib na bahagi. May parang nakasandal duon na isang gorilya. Mabigat sa damdamin. Pero pinilit ko paring ngumiti. Bago pa umakyat si Edward kasama ang kaniyang inaalalayang magiging asawa ay sumulyap ito sakin at nagbigay ng isang ngiti.


Nagsimula na ang seremonyas, tutok ang aking mata sa mga kinakasal pero lumilipad sa kawalan ang aking utak.



Sana panaginip lang.” sabi ko sa sarili ko, pero may nakaplaster parin na ngiti sa aking mukha.



I do.” sabi ni Mae sa tanong ni father. Muling nagsalita ang pari at binalingan ng tanong si Edward.



Matagal bago ito sumagot, bahagya kong ibinaba ang aking tingin at ng itaas ko ulit ito at nagpasyang ibalik ang aking tingin kila Edward ay nagulat nalang ako ng makitang nakatingin ito sakin. Mayamaya pa ay humarap ulit ito sa pari.



I do.” sabi nito.



Lumipas na ang wedding ceremony at nakita ko na lang ang sarili ko na nagsasaboy ng butil ng bigas sa bagong kasal, nung ginagawad pa lang ang seremonyas ay parang inihagis ako sa isang nagyeyelong swimming pool, masakit, pero tiniis ko, hirap na hirap na ako sa kakangiti pero tiniis ko. Bigla kong naalala ang tanong nito sakin nung gabing umuwi kami galing sa after party ng alumni homecoming.



“Gaano mo ako kamahal, Migs?”



Ganyan kita kamahal, Edward.” bulong ko sa sarili ko, umaasa na marinig niya ito habang abala ito sa mga nakikipagkamay sa kaniya palabas ng simbahan.



0000ooo0000



Ok ka lang, kuya?” tanong sakin ni Al nang siguro ay mapansin nitong wala akong imik sa aking kinauupuan sa reception.



Biruin mo si Kuya, kinasal na.” sabi nito na nakatingin sa akin na kala mo kinakabahan sa magiging reaksyon ko sa sinabi niyang yun.



Kuya, tungkol nga pala dun sa nakita ko nung gabi na umuwi ka, hayaan mo di ko ipagsasabi.” sabi nito na ikinagulat ko.



Sa totoo lang ay nakalimutan ko na nakita nga pala kami noon ni Al na naghahalikan ng kuya niya nung gabing bumalik ako dito sa Cavite. Nagpakawala lang ako ng isang magiliw na ngiti saka ginulo ang buhok nito.



Kuya naman eh!” sabi nito.



Nga pala, bakit ka nagpainom nung gabing yun?” tanong ko dito, bigla naman itong namula.



Uyyyy nagblush si utoy, siguro kaya ka nagpainom dahil sinagot ka na ng nililigawan mo ano?! Binata na si Utoy.” sabi ko dito sabay sundo't sa tagiliran niya. Bigla namang sumulpot ang kapatid ko na may dalang isang bandehado ata ng pagkain at sinisimulan ng lantakan ang lechon.



Nako kuya, sino pa nga ba ang rason kung bakit nagpainom yan.” sabi naman ng kapatid ko habang nginunguya ang lechon.



Sino?” tanong ko dito habang patuloy parin sa pagtusok sa tagiliran ni Al, napansin kong tinadyakan ni Al ang paa ng kapatid ko na ikinangiwi naman nito.



Sino nga?” pangungulit ko.



Tanga ka ba kuya o talagang manhid ka lang?!” sabi ni Matt habang hinihimas ang paananan niya, tinignan ko naman si Al, nagsisimula na itong magpanic pero pinisil ko lang ang pisngi nito sabay gulo ng buhok niya. Tumawa naman si Matt sa ginawa kong iyon.



0000ooo0000



Di ko na inintay pang matapos ang reception, nagmaneho na ako pauwi kasabay ang kapatid ko at si Al, di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko, umakyat ako sa aking kwarto at hinila ang tali ng venecian blinds at binuksan ang bintana na matagal kong pinanatiling nakasara, humakbang ako palabas dito at umupo sa malaking sangha ng puno ng santol, napangiti ako sa sarili ko.



Kuya, anong ginagawa mo diyan?” tanong sakin ng kapatid ko.



Wala, gusto ko lang maramdaman...” napatigil ako, medyo nalungkot pero agad ding gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos magbuntong hininga at humarap sa kapatid ko at nginitian ito.



Ahhh, gusto mo lang maramdaman ulit kung pano maging unggoy, gets ko na.” sarkastikong sabi nito saka umiling iling.



Nga pala, may bisita ka sa baba.” nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, agad akong pumasok pabalik sa loob ng kwarto ko at bumaba papuntang sala, sinusundan ko parin ang kapatid ko, bago ako makababa ng hagdan ay narinig kong nagbukas ang frontdoor at narinig ang boses ni Al, tinatawag nito si Matt.



Napatigil akong bigla at muntik ng mahulog sa hagdan ng makita kung sino ang sinasabing bisita ng aking kapatid.



Alex?” sabi ko.



Bagay pala sayo ang amerikana, Migs.” sabi ng lalaking nakatayo sa may sala namin.





*-*-*- pagwawakas ng unang libro -*-*-*

Comments

  1. such a great writer! thanks for sharing your wonderful love story. i really felt the emotions that you instill in your stories...they are true to its from! and you've just showed how pure love is by sacrificing your own happiness for the sake of edward's and your family's happiness na rin! i think you have made the right decision coz you've been out of the picture for 5 years but still edward's love for you has never been unbroken and likewise! thank you talaga sa napakagandang story mo migs. susubaybayan ko yung susunod mong stories!

    tristfire

    ReplyDelete
  2. good decision migs!, kahit masakit tinanggap mo, maari pa naman kaung magmahalan bilang magkaibigan,tama ang sabi ng dad mo, maybe he is your first love but it doesnt mean na cia ang last love mo. nice!, expecting book 2 as challenging as this one

    -josh

    ReplyDelete
  3. wow nice work. alam mo i've been reading your works at sobrang ramdam ko ang mga emotions sa gawa mo. ung hurt, ung betrayal, loneliness at yung joy. grabe more please and i hope to know the person behind the work and his real story...again keep writing and keep up the great work.

    ReplyDelete
  4. ang sweet mo..kung mhal mo talaga pakawalan mo lalo na alam mong ito ang tama..(sob)..nakakatouch lang..kala ko gagawin mo yung ginawa sa LAIB na story hindi pala..pero may "Alex" ka naman na bagong datingXD

    next na:D

    ReplyDelete
  5. wow! ang hirap nun!!! ung mahal mo pinapanood mong ikasal sa iba...ang tapang mo... sinu nga pala si alex?

    ReplyDelete
  6. naku that's true love boss migs. i salute you boss at nakaya mong i let go kahit napaka hirap ang ginawa mong iyon. i really felt every emotions na nandito sa story. parang mas apektado pa ako na until now naalala ko pa rin ang mga pains.ehehhehehe. anyways boss two thumbs up at isali mo na rin ang lahat ng daliri sa kamay at paa ko.hehehe. boss pa add naman ako sa fb mo. marqymarc@gmail.com. mac fern ang profile name ko boss. salamat.

    ReplyDelete
  7. OMG!

    ngayon ko palang binasa ang chasing pavements at minarathon ko na from 1-10.

    shocks naman tong buong kwento, damang dama ang emosyon sa bawat titik at salitang tumatama sa aking mata.

    I can't help but relate bits of the story to my life.

    Si bespren kea, minahal nya kaya ako tulad ng naging pagmamahal ko sa kanya?!

    haist.

    super bitin ako dito.
    next book!

    teka teka teka...
    this has great similarities to LOVE AT ITS BEST!

    Could the wedding part of the story be true.
    Could it be the reason why wala nang apperance si migs sa buong kwento ng LAIB? at breakeven rin?

    Wah...

    ReplyDelete
  8. huwow..once again thnaks for sharing this wonderful and superb story...

    reading this story brings back bitter-sweet memories -mostly bitter- of my first love...hahah

    ReplyDelete
  9. parang bitin din aq d2,bat nagkagnun un dalawa syang nman un love db!kun aq un dko ata kkyanin un..... iba k tlga migs. GOODLUCK sana mhanap u din para sau.

    ReplyDelete
  10. Wow, napakaganda nito sir Migs.

    Lalo akong napahanga sayo. Sobrang tatag mong tao. Kinaya mo na maging best man sa kasal ng mahal mo. Sobrang sakit nun pero, yun ang tama eh. Sa tingin ko rin true love yan. Kung saan siya magiging masaya at mapapabuti, hahayaan mo siya dun.

    Mahirap din magkaroon ng relasyon kung saan isa lang yung lumalaban, yung isa naman naduduwag.

    Siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa. Masakit man tanggapin pero, lumipas narin lahat ng pagkakataon para sa inyong dalawa.

    Sobrang na-appreciate ko yung mga lessons na napupulot ko dito sa kwento mo. It will forever be part of myself.

    P.S.
    These are just my opinions

    Thanks sir Migs.

    ReplyDelete
  11. Well what can i say? YOU'Re the man.

    Pero still. Call me a romantic but i still believe That first love is the truest of all. Sayang na d nyo binigyan nang chance.

    Andaming lessons nito. Kanina pa ako napapaiyak. haha.

    Ang ganda ng storya mo. Siguro mas binigyan kapa ng chance ni God makapaghanap ng iba. Continue to inspire people with your stories.

    Ansakit, talaga. AS in.

    KUDOS! multiplied to a thousand times.

    -i'm your fan. through and through.

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  12. Bittersweet >_<

    I love the scene sa may side ng chapel b4 the wedding..

    hayz basta speechless ako..basta ang galing mo yun lang xD

    ReplyDelete
  13. first time to magcomment..

    grabi! goosebumps talaga to!
    ramdam ko ang emotions..
    di alam kung kaya ko to if mangyari to sakin..
    i admire u sir.

    hope u find the right one.. GBU.

    _narcissus

    ReplyDelete
  14. May mga nagcomment na akalang Fiction pa rin to. Pero db true story na to? Haha XD

    Nothing to say. Superb work. Napakanatural lang talaga! :-)

    And what shall I say sa tapang mo migs? I really admire ΓΌ. Napakasakit lang nung part na tinanong ka ni Edward na, "Gaano mo ako kamahal, Migs?" and ung litanya mong "GANYAN KITA KAMAHAL."

    I did nothing but to drop the phone on my rib cage XD HAHAHAHA.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]