Sunday, May 22, 2011

Breakeven (Book2 Part3)

_____________________________
Breakeven (Book2 Part3)
by: Migs




Nagtitigan ang dalawa, si Ram parang kinikilatis itong si Keven, na panay naman ang kamot sa ulo sa tuwing iismid si Ram.




So san kayo nagkakilala?” tanong ni Ram.



Sa Park.”



Sa Mall.” magkasabay pero magkaiba naming sagot ni Kevin, kumamot nanaman ito sa ulo.



Ibig naming sabihin, dun sa park ng isang mall.” palusot ko kay Ram, tumango naman si Kevin.



Kailan pa?” tanong ulit ni Ram.



Three days ago.”



Three months ago.” magkaiba nanaman naming sagot ni Kevin, kumamot nanaman ito sa kaniyang ulo.



Ah ibig namin sabihin, 3 days ago nung maging kami pero 3 months ago pa kami nagkakilala.” sabi ko.



Sa may park ng isang mall malapit dito.” dugtong pa ni Kevin. Tumango ulit si Ram.




Ah ganun ba? Ikaw din ba yung tumawag sakin Kevin?” tanong ulit ni Ram, tumingin sakin sandali si Kevin, pinagpawisan ako ng malagkit.




Ah hindi, concern citizen lang yun, una ka lang natawagan kasi ikaw yung huling tinawagan ni Drei sa log ng phone niya, tas tinawagan na din ako.” palusot ni Kevin, napahawak ako sa kamay nito sa sobrang saya na nakalusot ito sa tanong ni Ram, tumingin naman ito sakin at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.




Mabuti naman at nabawasan na ako ng alagain, alagaan mo yan ah, medyo matigas ang ulo niyan, pagtiisan mo na lang.” sabi ni Ram na kala mo ibinibilin ang anak sa kaniyang kapatid, lumapit ito at ginulo ang aking buhok.



So anong tarbaho mo, Kevin?” usisa pa ulit ni Ram.



Ah eh...” kinakabahang sabi ni Kevin at tumingin sakin.



Vet., ako.” sabi nito saka ngumiti.



Atsaka tuloy tuloy ng nagtanong pa si Ram na kala mo nangi-interrogate ng isang kriminal, pero ayos na din sakin yun kasi mas nakikilala ko si Kevin sa mga tinatanong niya.



Kung ganon, ikaw na ang bahala dito Kev, sabi ng doktor pwede na raw siyang umuwi bukas.” sabi ni Ram.



Talaga! Nakuh matutuwa si Joey niyan.” masayang sabi ni Kev.



Masyado siyang nagalala sayo, alam mo ba yun, Drei?” sabi sakin ni Kev, halatang nagtataka si Ram sa kaniyang naririnig.



Sino si Joey?” tanong nalang ni Ram.



Ahhh yung aso ko.” sabi ni Kev, halatang pinipigilan ni Ram ang pagtawa niya at halatang halata sa expression sa mukha nito na nawi-wirduhan siya kay Kev.



Ahhh. So pano, una na ako.” paalam na lang ni Ram sabay lumapit sakin at hinalikan ako sa labi, nagulat ako sa ginawa niyang yun at agad na napatingin kay Kev na biglang iniwas ang tingin.



I-i-ingat.” nasabi ko na lang pero di na siya tinignan pa ni Kev, mukhang di naman ito alintana ni Ram kaya't tuloy tuloy na na lumabas ng kwarto.



Sino ba yung hunghang na yun? Boyfriend mo?!” sabi ni Kev na may tonong sarkastiko.



Ex boyfriend.” sabi kong pagbibigay diin sa salitang Ex.



Tahimik, napansin kong nagkukutingting si loko sa kaniyang cellphone.



So bakit mo naisipang, ipakilala ako as your boyfriend?” tanong nito sakin. Matagal ako bago sumagot.



Siguro, di palang talaga ako makaget-over sa kaniya at sinusubukan ko kung mapagmumukha ko siyang tanga kapag nagselos siya sayo.” sabi ko sabay yuko, nangingilid na ang luha ko, lumapit sakin si Kev at iniangat ang aking ulo tapos tinignan ako ng diretso sa aking mga mata. Kahit nakasalamin ito ay di maikakaila ang emosyon sa mga mata nito, di ko lang malaman kung anong emosyon yun. Maaaring awa.



Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo sapakin ko?!” mayabang na sabi sakin ni Kevin na ikinangiti ko naman, mukha kasi itong dork, dork na cute pero alam ko na kapag itinapat mo ng suntukan ito kay Ram ay baka magkasing match lang sila.



Yan, mas bagay sayo ang ganyan. Ang nakangiti.” lalo akong napangiti sabay napakunot ang noo sa sinabi niyang yun.




Ah eh... nabasa mo na ba yung get well soon card na binigay sayo ni Joey? Pinaghirapan niya yan.” lalo akong napangiti.




Sa loob ng ilang buwan na pagiging miserable, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pag gaang ng loob, pilit man itong itanggi ng puso ko pero alam ko na dahil iyon kay Kevin.




0000ooo0000



Di mabura sa mukha ni Kevin ang ngiti habang nagmamaneho pauwi sa aking pad, nag volunteer ito na ihatid ako, nasa likod na bahagi ng sasakyan si Joey na nakadungaw at nasa pagitan namin ni Kevin ang mukha nito, paminsan minsan parin nitong dinidilaan ang aking pisngi lalo na kapag di nakatingin si Kevin.




Whoah! Dito ka nakatira?!” sabi ni Kevin sabay turo sa matayog na building kung saan may isang unit akong inuupahan.



Oo.” matipid kong sagot habang inilalayo ang mukha ni Joey sa aking balikat.




0000ooo0000



Ang gulo naman ng pad mo.” sabi nito sakin ng makapasok kami sa pad ko, habang si Joey ay paikot ikot sa aking sofa.



Matagal na kasi akong di nauwi dito.” sabi ko dito.




Oh sino ito? May asawa ka?” tanong ni Kevin sakin nang makita ang wedding picture namin ni Dalisay.



Shit! Bakit ba di ko a tinapon ang lintik na yan?!” sabi ko sa sarili ko.



May asawa ka tapos may boyfriend ka? Komplikado naman ng buhay mo, dude.” walang prenong sabi sakin ni Kevin, tinignan ko ito ng masama.



Ah eh, kung gusto mo mag-share, ah- eh andito lang ako. Hehe.” parang tangang sabi nito para lang makabawi siya.



0000ooo0000



Alam kong nasaktan ko siya, pero sabi niya magiintay daw siya.” sabi ko habang tinutungga ang happy horse na nakaahin sa pagitan namin ni Kevin.




Sabi mo kasi tatanggapin mo kung hindi ka na niya maintay eh.” sabi naman nito sakin, napaisip ako.



Oo nga, pero diba understood na yon?!” sabi ko.



Sus, Drei, sa love walang understood understood, dapat sinasabi mo ang saloobin mo kundi walang mangyayari, tignan mo yan akala mo nagkaintindihan kayo, ayun edi sumama si Ram sa ibang lalaki.” sabi niya, nasuntok ko ang lamesa at yumuko dito.




Walang pisikalan, nagiinuman lang tayo eh.” natatakot na sabi ni Kevin na ikinatawa ko naman.



Tumawa kami pareho at tumahol naman si joey na nginangata ang sapatos ni Dalisay sa sofa.




0000ooo0000



Tanghali na ako nagising, narinig kong may kumakaluskos sa sala kaya naman, dahan dahan akong tumayo at kinuwa ang baseball bat sa likod ng headboard ng aking kama. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto.



Arggghhhhhh!” sigaw ko, nagulat naman si Kevin at umingit si Joey, napahawak ako sa ulo ko na biglang kumirot.




Inaayos ko lang ang bahay mo, ang kalat kalat kasi daig pa ang hide out ng mga adik, kumain ka na don at iinom mo ng kape yang hang over mo.” sabi sakin ni Kevin habang inaayos ang nakakalat na mga papel sa sala.




Kumain ka na ba?” tanong ko dito habang nilalantakan ang pagkaing hinanda ni Kevin.



Oo, nakapag jogging na din ako, nailakad ko na sa labas si Joey, nakapamalengke na ako at ngayon ay naglilinis ng bahay mo.” mahabang litanya nito.



Baka di na kita mabayaran niyan.” sabi ko dito. Tumawa lang siya.



Di mo pa ba ipagagawa yang aircon mo?” sabi ni Kevin habang pinupunasan ang pawis niya sa leeg tapos ay hinubad ang kaniyang pangitaas.




Wow, ulam.” sabi ko sa sarili ko.



Hoy!” sigaw nito sakin.



Ha? Ah eh di naman siya sira, tumayo ako at pinuntahan ang aircon saka pinindot ang power nito.” tumunog ito na kala mo nilalagari ang isang bakal at pagkatapos ay bumugha ng alikabok.



Sira na siya ngayon.” iiling iling na sabi ni Kevin.



0000ooo0000



Wow, meron pala akong scanner.” pagbibiro kong sabi habang tinutulungan si Kev na maglinis, nakakahon pa ito. Natawa naman si Kevin. Napatigil kami pareho ng biglang may kumatok sa pinto, binuksan ko ito.



Oh, bakit pawisan ka?” bungad sakin ni Ram. Tinitignan nito ang aking hubad na katawan at nagtataka kung bakit basang basa ito sa pawis at may mga alikabok ng namuo dito, ibinaling niya ang tingin sa loob at nagulat ng makitang andun din si Kevin at nakahubad pangitaas din ito.



Labing labing moment?” pangaasar na tanong sakin ni Ram. Biglang sumulpot si Kevin sa likod ko at umakbay, naramdaman kong nagdikit ang aming mga balat at nagsama ang aming mga pawis.



Oo, istorbo ka nga eh.” sabi ni Kevin kay Ram, napaismid naman si Ram at tuloy tuloy na pumasok.



So this must be Joey.” sabi niya sa aso sabay himas sa ulo nito.



Great, Dalisay will be delighted to see her Jimmy choo's with bite marks.” sabi ni Ram sabay iginala ulit ang mata sa paligid ng pad ko.



Nice, nakakita karin ng maglilinis nito, Drei.” nangiinis na sabi ulit ni Ram.



Bakit ka ba nandito?” naiinis na sabi ni Kevin.



Wala naman, tinitignan ko kung buhay pa itong kaibigan ko.” sabi ni Ram.



Ok naman siya.” walang galang na sabi ni Kevin.



I mean, baka kasi di nanaman siya nakain, di natutulog ng maayos...”



Well ok naman siyang nakatulog kagabi.” singit ni Kevin.



I can see that.” di nagpapatalong sagot ni Ram.



Parepareho kaming natigilan ng ibaling ni Ram ang tingin niya sa picture frame ng kasal namin ni Dalisay, napailing ito at ngumiti, inilapat ni Kevin ang kamay niya sa aking balikat.




The famous wedding picture, di ako makapaniwala na di mo pa tinatapon yan, Drei.”



Itutuloy....

6 comments:

  1. nakapagcomment din sa wakas.
    one of silent readers of your blog before.
    want to say that I think you're one of the best writers here. :)
    hope you'll keep insprinig us and others writers on your skills.. :)

    -quigley quagmire :)

    ReplyDelete
  2. Nice, nice... what can I say? parang Kiko lang si Kevin ah hehehe

    ReplyDelete
  3. Wah!

    Super cute ng story..

    Nakakahook pa rn as always.
    Mejo d ko lang siguro ako nakaget over sa love team ni ram at drei...

    hope to read the next chap!

    ReplyDelete
  4. mark ryan is right. parang si kiko din si kevin...i like that character. straight forward, no pretensions, lovable!!!

    keep up the good job migs. looking forward to the next chapter.

    sana sa next book si edison naman ang focus...or maybi si panfi :)

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  5. Nagseselos ba si ram kay kevin... Edison... Pasok ka na sa eksena....

    ReplyDelete
  6. ..silent reader din....

    ...sabihin ko na..bat napadako pa ako rito...

    ...kasi naman...hinihintay ko parin ang update sa story ni migs...at love triangle ulit ni ram-migs-ed....peace...pero story talaga ni migs ang namimiss ko...:))))

    ReplyDelete