Monday, May 30, 2011

Breakeven (Book2 Part5)


_________________________________
Breakeven (Book2 part5)
by: Migs




Nagulat na lang ako ng maabutan kong nakapatong na si Kevin kay Ram at papapakin na ito ng suntok, sinubukan kong hilahin si Kevin pero di parin ito patinag kaya naman pinigilan ko na lang ang paglanding ng kamao nito sa mukha ni Ram.



Tama na Kev, please!” sigaw ko at nakaisip ako ng isang paraan para maawat ito, niyakap ko ito at hinila palayo kay Ram.



Congrats, your boyfriend is really a jelous type and he can also throw a punch, akala ko maglalabas lang siya ng lightsaber or something eh.” pangaalaska nanaman ni Ram habang pinapagpag ang sarili sa mga naninkit na dumi sa kaniyang damit.



Tarantado ka pala eh!” sigaw nanaman ni Kevin niyakap ko ulit ito para tumigil.



He passed.” sabi ni Ram sabay kindat sakin.



Why are you kissing that son of a bitch?” tanong ni Kevin na talaga namang ikinagulat ko.



Whoah! Relax.” sabi ko dito at sinenyasan na si Ram na umalis na siya.



Sige, see you later, guys.” magiliw na sabi ni Ram atsaka tuloy tuloy na lumabas ng pad ko.



Oh, tubig.” sabi ko dito. Kinuwa naman nito ang baso ng tubig at tumungga.



Akala ko wala na kayo nun?” tanong nito.



Wala na nga, relax ka lang, sinusubukan ka lang nun.” sabi ko dito sabay tapik sa balikat niya, bigla nito iyong hinila at hinawakan ng mahigpit.



Ayaw na kitang makikita na nakikipaghalikan don ha?” sabi sakin ni Kevin na may tono ng otoridad sa boses niya.



Teka teka, nagpapanggap lang tayo remember?” pagpapaalala ko dito.



Tandaan mo na hindi ko hiningi na ako ang gawin mong kunwaring boyfriend, kaya kung ayaw mong sabihin ko ang totoo sa ex mo, we have to do this MY way. At gusto ko na hindi ka na makikipaghalikan dun sa damuhong yon kahit kailan! Ngayon kumain na tayo!” sabi niya sakin na literal namang ikinanganga ko. Tumahol naman si Joey bilang pagsangayon sa aya ni Kev na kumain na.



Ano ba itong pinasok ko?” tanong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



Para kaming di magkakilala habang nakain ng tanghalian, paminsan minsan ko itong sinusulyapan at sa tuwinang sulyap na iyon ay nakikita ko itong nakasibanghot, paminsan minsan ding magdadabog. Nang matapos ito ay bigla itong tumayo at bago pa man makalayo ay bigla itong nagsalita.



Lilipat na ako dito bukas.”



What?!”



Sabi ko lilipat na ako dito bukas, para mabantayan kita.” napailing na ako ng linawin niya ang aking tinatanong.



Teka teka, parang things are getting out of control.” sabi ko dito, nagbuntong hininga ito.



Aalis ako, once nakuwa mo na ang gusto mo. Ang gusto mo lang naman ang pagselosin si Ram diba? Gusto mo lang naman na sabihin sayo ni Ram na tama na kasi nagseselos na siya o kaya tama na dahil babalikan ka na niya at tama na ikaw na ang nanalo.” mahabang sabi nito. Tumango lang ako. Nagbuntong hininga ulit ito at tuloy tuloy ng lumabas ng pad ko kasama si Joey.




0000ooo0000



Dinala na kinabukasan ni Kevin ang kaniyang mga gamit, di ko mawari pero parang ok lang naman sakin na dito siya tumira ang di ko lang lubos maisip ay ang magiging reaksyon ni Ram pag nalaman niyang sa iisang bahay na kami nakatira ni Kevin.




Masaya akong sinalubong ni Joey samantalang si Kevin ay medyo malamig parin ang pakikitungo sakin. Abala si Joey sa pagdila sa aking pisngi ng mapansin kong umupo si Kev sa upuan malapit sa sofa na kinalalagyan namin ni Joey. Nagtanggal ng bara si Kevin sa kaniyang lalamunan, di ko ito pinansin kaya't inulit niya naman.



Yes, Kev? May sasabihin ka ba?” tanong ko dito na medyo naiirita dahil hindi pa ito makipagusap ng daretso sakin, ibinaba ni Joey ang kaniyang malaking ulo at ginawang unan ang aking hita saka umingit.



Ayaw mo kasi akong pansinin, kanina pa ako dito ah.” sabi nito na may himig ng pagtatampo.



Aba, malay ko bang gusto mo palang pansinin kita.” nangingiti kong sabi dito. Umiling ito at nagbuntong hininga.


Panong gusto mong arrangement sa bayad sa upa at iba pang bills?” tanong nito.



Ako nang bahala dun.” sabi ko dito at umiling nanaman ito.



Gusto ko hati tayo.” sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.



Ako na ngang bahala don, ang kulit.” sabi ko dito sabay ngumiti.



Joey, stop it.” sabi nito sa aso, sumunod naman si Joey at tumigil na sa pagdila sa aking pisngi at nagpunta na sa kaniyang higaan, tumabi sakin si kevin at umakbay, lalayo sana ako at aayaw sa ginawa niyang yun ng pigilan ako nito.



Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito kaya I think nasa akin ang desisyon kung pano ang mangyayari sa pagpapanggap mong ito.” sabi sakin ni Kevin.



Bina-blackmail mo ba ako?” tanong ko dito.



Siguro.” sabi na lang nito at humagikgik.



Now I want your head on my shoulder.” sabi nito na pautos, umiling na lang ako at nang mapansin kong sa TV ulit nakatuon ang pansin nito ay lihim akong napangiti saka sinandal ang aking ulo sa kaniyang kaliwang balikat.



0000ooo0000



Napadilat ako ng maramdamang humahagikgik si Kevin, nanonood pala ito ng isang comedy film habang ako naman ay nakatulog, ngayon ay nakasandal na ako sa kaniyang matipunog dibdib. Lalo kong iniyukyok ang sarili dito, ang bango bango kasi nito, lalakinglalaki ang amoy, isa pa ramdam na ramdam ko ang init sa katawan nito lalo pa't isang manipis na putting t-shirt lang ang suot nito.



Huwag mong panaypanayin yan, baka masanay ako.” sabi niya na bigla ko namang ikinatayo.



Areko!” sigaw nito ng magkauntugan kami.



Ok ka lang?” pagaalalang tanong nito habang tinitignan ang tahi sa aking ulo, di ko mawari pero parang natuwa ako sa pagaalala niyang yun. Iba siya sa pagaalala ni Ram, pero halos pareho lang ito sa pakiramdam.



Oo, ok lang ako. Bakit naman kasi bigla bigla kang magsasalita ng ganun?” tanong ko dito. Hinila lang nito ang aking batok at pinahiga ulit ako sa kaniyang dibdib.



Dami dami pang sinasabi.” bulong nito.



Ano kamo?” tanong ko dito.



Wala!” sabi nito sabay hagod ng kamay niya sa aking buhok. Tinitigan ko ito, parang nung isang araw lang estranghero lang ito para sa akin, isang atribido na masyadong curious kung bakit ako naiyak, isang tao na may hawak na aso na siyang kumain ng nilapag kong hotdog, isang lalaki na maputi may kulot kulot na buhok, nakasalamin na miya mo nerd, isang nerd na gwapo at macho.




Isang pakielamerong nerd na gwapo.” sabi ko sa sarili ko habang patuloy ito sa paghagod sa aking buhok. Maya maya pa ay tinangay nanaman ako ng antok.



0000ooo0000



Nagising ako kinabukasan na nakasandal parin si dibdib nito, nakabukas parin ang TV pero mahina na ang volume nito. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Kevin, nakasandal ako sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib kaya naman ang kaliwang kamay nito ang nakapulupot sa aking dibdib na parang pinipigilan akong mahulog sa sofa. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong lalong humigpit ang pagkakakapit nito sakin.



Papasok pa ako.” bulong ko.



Dito ka lang.” sabi nito sakin habang nakapikit parin.



Malelate na ako.”



Five minutes.” tawad nito, di na ako nakaalis at sa loob ng limang minutong iyon ay lalong humigpit ang kapit nito sakin na lalo namang nakapagpayukyok sa akin sa kaniyang dibdib.



0000ooo0000


Ihahatid kita.” pagpupumilit nito kinabukasan.



Hindi na.” sabi ko naman, itiniklop nito ang kaniyang mga kamay sa dibdib at sumimangot. Napairap na lang ako.



Fine.” sabi ko, lumiwanag naman ang mukha nito sabay hila sakin papuntag kusina at kumain na kami ng agahan.



Parang housewife ang arte ni Kevin, halos lahat siya ang nagaasikaso, pagkain, paglilinis pati ang pagaalaga sakin siya din ang punong abala.



Tabingi ang neck tie mo.” sabi nito sakin sabay lapit at kinalas ulit ang akin necktie. Tinitigan ko siya, nakangiti ito na parang gustong gusto niya ang ginagawang pagaalaga sakin.



Bakit mo to ginagawa, Kevs?” tanong ko dito, tinignan naman ako nito.



Sabi ko nga kasi sayo diba, kung gusto mong pagselosin si Ram at bumalik siya sayo sa pamamagitan ko, kailangan ako ang masusunod kung pano natin iyon gagawin, yun lang naman ang kapalit na hinihingi ko eh.” sabi nito sabay ngiti ulit at ibinalik ang atensyon sa pagaayos ng aking kurbata.



Pero bakit eto yung gusto mong kundisyon? Bakit kung ikaw ang masusunod, bakit hindi na lang bagong computer o kaya cellphone ang kapalit? Bakit kailangang ang kapalit eh ang pagaalaga mo pa sakin?” tanong ko dito, natigilan naman ito at biglang tumalikod.



Haha! Ikaw talaga kung ano ano ang naiisip mo, napuruhan ka ba nung saranggola?” pagbibiro nito sakin sabay baling kay Joey. Tatanungin ko pa sana ito ng kausapin niya si Joey.



Joey, aalis lang kami ha, behave ka lang dito, don't chew anything from Dalisay's wardrobe, especially the jimmy choo's, ok? Love you, baby.” sabii nito sabay yakap kay Joey.




0000ooo0000



Whoah! Drei! He's a catch!” sigaw ng seketarya ko ng ipakilala ko si Kevs dito, ito kasi ang isa sa mga nasa checklist ni Ram, dapat makilala si Kevs ng dati naming mga katrabaho at aprubahan nila ito.



Goodlooking and a gentleman.” sabi naman ng isa sa mga taga advertising dept. na ka-close din namin ni Ram. Napakamot lang sa ulo si Kevin at nangingitingiti sa tabi ko.



Sige na, nagiintay na si Joey sa flat.” sabi ko dito, ngumiti naman ito sakin.



Walang goodbye kiss?” tudyo ng mahadera kong sekretarya. Binigyan lang ako ni Kevin ng nagtatanong na tingin, wari ba ay nagtatanong ito kung ok lang. Hinawakan ko ito sa batok at masuyong hinalikan sa labi, kakalas na sana ako sa halikang iyon ng si Kevin naman ang humawak sa aking batok at lalalong idiniin ang sarili sakin.




Witwew!” sipol ng isa pa naming katrabaho, maya maya ay napapikit nadin ako hanggang sa makaramdam ako ng pagtusok ng isang daliri sa aking tagiliran. Di ko ito pinansin nung una pero naging madalas ito at may tumawag nadin sa aking pangalan.



Drei.” napatigil na kami pareho ni Kevin sa mainit na halikang iyon. Napakamot lang ito sa ulo at nangingitingiti na ikinakunot naman ng noo ko.



Tama ba ang nakikita ko, nagustuhan ni mokong yun?” tanong ko sa sarili ko.



That's public display of affection you know, and I think the company has rules pertaining to that.” sabi ng isang lalaki sa likod ko.



Namutla ako at tinignan ang akin sekretarya, alam na niya ang tingin na yun, ang ibig sabihin nun ay...



Matagal na ba siya dun sa likod ko?”



At sumagot ang aking sekretarya sa pasimpleng pagtungo, bumaling ulit ako kay Kevin at binigyan ito ng isang smack.



See you later, Hon.” nagulat ito pero ng makita si Ram sa likod namin ay tumango lang ito at ngumiti, dinaanan nito si Ram at tinignan ng masama. Humarap ako kay Ram at binigyan ito ng isang ngiti.



Halika sa Conference Room, may paguusapan tayo.” sabi ni Ram sakin sabay hila sakin papuntang Conference Room.





Itutuloy...

6 comments:

  1. so this is it..selos mode na si ram:D pero feel ko na gusto rin ni kevin na sana sila na lang..pero ram-drei pa rin akoXD

    i want someone for kevin ;)

    ReplyDelete
  2. asan na si martin? bakit si ram, kevin at drei na lang ang nandito? hmmmm...

    ReplyDelete
  3. naku hindi pa kasi maka get over si drei sa hiwalayan nila ni ram kaya hindi niya ma sense ang nararamdaman ni kevin para kay drei. umamin na sana kasi si kevin kay drei. malay natin baka bumigay na rin si drei at magkatuluyan na sila ni kevin.hmmmmm. update na po boss migs. ganda ganda ng story. =)

    ReplyDelete
  4. haist kaw na talaga migs.

    dati sabi ng mga readers ram-drei gusto nila.
    ngaun your teasing them with this story line.
    ang LUPEEEEEEEEEEET ng HUSAAAAAAAAAAAY MO!

    can't w8 for the next chap :D

    ReplyDelete
  5. Super galing... :))

    ReplyDelete
  6. ...and what about Martin now....???

    xoxo, A

    ReplyDelete