Chasing Pavements 8
_______________________________
Chasing Pavements 8
by: Migs
Kung sa normal na pagkakataon ay malamang ay nagtatakbo na ako palabas ng resort na iyon, kinakabahan parin akong tinitignan ng apat, bumilis na ang aking paghinga, panandalian akong pumikit at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Biglang sumulpot ang aming class president at nilagyan ng korona si Edward.
“Ikaw ang Mr. JS diba?” sagot nito sa nagtataka naming mga tingin.
“Ito kasi ang naisip namin ni Ace na theme ng after party, JS prom.” sabat ulit nito ng walang nagsalita saming lima.
Ito ang dahilan ng pagpapanic ko, kuwang kuwa ang set up ng lahat ng bagay noong ginanap ang aming JS prom, limang taon na ang nakakaraan.
Malakas ang pagpapatugtog ng sound system, maganda ang pagkakaayos ng entablado, sa bungad ng lugar kung saan dinadaos ang aming JS ay meron pang nakalatag na red carpet. Bago pumasok ang mga Seniors at Juniors ay kailangan muna nitong tumigil sa isang spot kung saan kami kukuwanan ng litrato, parang awards night ang dating.
Maganda ang mga table setting, kala mo kami nasa mamahaling hotel o kaya ay restaurant pero ang totoo ay nasa open field lamang kami ng aming skwelahan, ang mga puno na nakapalibot sa basketball court ay sinabitan ng mga Christmas lights at iba't ibang kulay na parol. Mahaba ang buffet at sa gitna nito ay isang fountain. Pero sa kabila ng ganda ng paligid ay di parin ako mapakali at parang hindi ko parin gustong nandon ako.
“Tignan mo Migs, kung hindi ka pumunta edi na-miss mo lahat ng ito.” excited na sabi ni Fey sakin. Tinapik lang ni Pat ang likod ko at binigyan ng isang makahulugang tingin.
Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa napili naming lamesa, di pa man kami nakakakalahati ay biglang humarang si Edward sa aming daanan.
“Sige Migs, intayin ka na lang namin sa table ha?” sabi ni Fey habang hinihila si Pat na mukhang ayaw akong iwan sa tabi ni Edward.
Nakayuko si Edward at di mapakali.
“May sasabihin ka ba?” tanong ko dito.
“G-gusto ko sanang mag-sorry.” nauutal na sabi nito.
“Wala yun, sige na balik ka na dun kila Essa, baka kung ano ano nanaman ang sabihin nun sakin.” sabi ko dito sabay nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
“Yaan mo yun, gusto ko ikaw ang kasama ko ngayon.” sabi nito sakin na ikinagulat ko naman. Sabay na kaming naglakad papunta sa aming lamesa ng umupo si Edward doon ay nagpakawala ng masamang tingin si Pat at Dave, di nalang ito pinansin ni Edward at umupo na lang sa tabi ko.
“And now lets do the cat walk.” sabi ng Emcee. Tinignan ko si Edward.
“Di ka ba rarampa?” tanong ko dito at tinignan lang ako nito, may nakita akong kaba sa kaniyang mukha.
“Ngayon ka pa kinabahan eh last year kung makarampa ka, saka sa pagkakatanda ko Mr. Junior ka noon diba?” sabi ko dito, kinakabahan parin ito at hindi mapakali, hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.
“Halika sasamahan kita.” at hinila ko na siya patayo, nung una ay ayaw nito.
“Migs wag na lang kaya?” sabi nito sa likod ko na kinakabahan pa rin at hindi mapakali.
“Ano ka ba?!” sabi ko dito.
“Si-sige pero ako muna bago ikaw.” sabi nito sakin, sabay tawag sa nangangasiwa ng event at sinabing nagpalit kami ng number.
“Susunod ka sakin pagkatapos kong lumakad sa stage ah? Gusto ko ikaw ang kasunod ko.” sabi sakin ni Edward. Tumango lang ako bilang sagot. Napakagaling rumampa nito, parang model, no wonder kung bakit siya nanalo last year. Wala akong duda noon sigurado akong siya ang tatanghaling Mr. JS 2004. Natapos na siyang maglakad sa entablado at ako na ang susunod medyo matagal ang pagtigil nito sa harapan ng mga hurado, sigurado kong technique niya iyon para makita siya ng maayos ng hurado, napangiti ako.
“And last but not the least. Mr. Salvador from class 2004.” hiyaw ng Emcee. Nagpalakpakan ang mga tao nakita ko ang iba na nagbulong bulungan at ang iba rin na tumayo pa talaga sa kanilang kinauupuan para lang makita ako ng maayos.
“Malapit na itong matapos.” bulong ko sa sarili ko habang kinakabahan at ngumingiti. Nakita ko na ang marka, ang letter “X” na asa sahig kung saan titigil lahat ang kalahok para makitang maigi ng mga hurado. Tumigil ako sa marka at ngumiti, narinig ko ulit na naghiyawan ang mga ka-schoolmates ko. sabay ng hiyawan nila ang pagtingala ko sa bubungan ng entablado. Narinig ko kasi ang isang malutong na snap. At unti unti nang tumapon sakin ang laman ng isang timba, pula at malagkit na likido.
Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.
Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin, napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ni Essa sa tabi niya.. At duon ko napagtanto, hindi ko siya magiging kakampi ngayon, at siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko.
Agad na tumakbo palapit sakin si Pat, Dave at Faye at mabilis akong nilabas ng skwelahan.
Para akong estatwa na nakaupo katabi sina Faye, Pat and dave.
“Kasalanan ko ito eh.” sabi naman ni Pat.
“Oo nga kung hindi mo siya pinilit eh.” sabi ni Dave.
“Malay naman kasi nating eto ang tema ng after party, ang stage, table setting ang decors ng mga puno pati ang sound system parehong pareho nung JS natin.” sabi ni Faye.
“Ano ba kayo, ok lang ako.” sabi ko sa kanila sabay tungga ng beer.
Binigyan lang nila ako ng nagaalalang tingin.
“Ang o-OA niyo ah.” sabi ko sa mga ito saka ngumiti, habang si Edward naman ay nakayuko sa aking tabi.
“Mr. Senior?” tanong ng aming class president kay Pat, tumango lang ito bilang sagot, inabutan naman siya nito ng isang sash.
“Mr. Photogenic senior class and Ms. Senior?” tanong naman nito kay Dave at Fey, tumango lang ang mga ito at inabutan din ng sash.
“Mr. JS 2004?” tanong nito kay Edward, di ito sumagot pero inabutan parin ito ng sash pandagdag sa korona na isinuot sa kaniya kanina pa.
“Pupunta po tayo sa stage for the picture taking.” aya nito sa apat kong kasama, tinignan lang ako ng mga ito.
“Ok lang ako, go. Punta na kayo don.” nakangiti kong sabi sa kanila. Pagkalayong pagkalayo ng lima ay tumayo ako at tumalikod para magsindi ng yosi, kinabahan naman ako ng makitang palapit sa aking pwesto sila Essa at ang mga barkada nito.
“Great! Just great!” sabi ko sa sarili ko.
0000ooo0000
Bumalik ang apat at naabutan akong kino-combo nila Essa, tahimik lang ako at pinipigilan ang sarili ko na gumawa ng eksena tulad kaninang umaga noong bigayan ng batch shirts. Nagsimula ng maglapitan ang mga kaklase namin at nagsisimula ng makiosyoso sa mga sinasabi ni Essa. Halatang nakainom na ito saka ang kaniyang mga kabarkada.
“Eh guys, naaalala niyo nung clearance? Yung umasta si Migs na boyfriend niya si Edward at siya ang GIRLFRIEND! Asikasuhin ba naman ang clearance ng ex kong si Edward.” sabi nito sabay tawa, muntik na akong mapatayo at sapakin si Essa pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Bago ka pa niya makilala, Essa ako na ang naglalakad ng clearance niya kada tapos ng school year...” simula ko pero sumabat ulit si Essa.
“Pssss! Palusot ka pa.” nangiinis na sabi nito.
“Di lang naman clearance ni Edward, pati ng kay Faye, Pat at Dave.” pagtatapos ko pero nagme-make face lang si Essa. Tumalikod na ako at sinabing uuwi na ako, nagpasya na ring sumama si Pat, Faye at Dave.
“Sige, walk out!” sabi ni Essa, hinarap ko ulit ito at nagpakawala ng isang matinding dirty finger.
“Eat this, pig!” sigaw ko sa kaniya sabay tinignan siya mula ulo hanggang paa, napanganga ito sa pagkapahiya dahil nagtawanan nadin ang mga tao sa paligid. Tinignan ko si Edward na nakayuko lang sa isang tabi, napa iling na lang ako.
“Hanggang ngayon, di mo parin talaga kaya ipaglaban ang kung ano man ang meron satin noon.” sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Edward.
0000ooo0000
“Migs saglit!” tawag ni Edward bago ko pa man mapatakbo ang sasakyan, sumakay ito sa back seat katabi si Faye.
Tahimik lang akong nagmamaneho habang nagpapalitan ng kaniya kaniyang opinyon ang tatlo tungkol sa nangyari kanina samin ni Essa. Di ko sinasadyang mapadako ang aking tingin kay Edward sa rearview mirror, dun ko lang din napansin na pinapanood pala ako nito.
Una kong ibinaba si Dave pagkatapos ay si Faye, ayaw pa sana nilang umuwi pero sabi ko ay pagod na ako.
Ilang beses pang nagpumilit si Edward na makausap ako pagkatapos ng circus na nangyari sa JS prom, pero napagod na din ako, di ko narin kaya na makita ang sarili ko na kinakawawa, kaya sinabi ko sa aking mga magulang at kila kuya na sa tuwing magpupumilit na pumasok si Edward ay sabihin muna sakin.
“Ma, pwede bang dun ako sa condo ni kuya Ron mag stay? Ayaw ko nang maguwian eh.” sabi ko sa aking nanay, matapos ang ilang kumbinsihan ay nakumbinsi ko naman ang mga ito sa isang kundisyon.
“Uuwi ka dito kada sunday.”
“Opo, yun lang pala eh.” sabi ko pero alam kong hindi ko iyon gagawin at wala na silang magagawa pag hindi ako umuwi.
0000ooo0000
“Aalis ka na mamya, di mo pa ba kakausapin si Edward?” tanong sakin ni Pat, pero hindi ko na siya sinagot pa.
Tumalikod ako dito at pinagpatuloy ang pagaalsa balutan ko, ramdam kong nasa akin parin ang tingin ni Pat maya maya pa ay naramdaman ko na lang ito na biglang yumakap mula sa aking likod.
“Mamimiss ka namin. Mamimiss kita.” sabi nito sakin, humarap ako dito at niyakap narin siya ng mahigpit.
Hinatid ako ni Pat palabas ng bahay namin, wala na si Faye at Dave dahil lumipat na sila sa kanilang apartment si Pat naman ay sa isang araw pa aalis, kasunod ni Pat ay ang aking kuya at si Matt.
“Ingat ka doon, sabi ni Mama, tumawag ka lang daw pag may kailangan ka.” sabi ni kuya sakin.
“See you after five years.” naka ngiting sabi sakin ni Pat saka yumakap. Narinig kong umingit ang gate nila Edward at nagmadali na akong sumakay ng sasakyan ko na kareregalo lang sakin ng aking ama nung graduation.
Di ako nagkamali, si Edward nga ang lumabas sa gate na iyon at ng makitang unti unti ng lumalayo ang sasakyan ko ay humabol ito pero di ko na pinakinggan ang pagtawag nito sakin at tuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho.
“Oh Miggy boy, dun ang street namin.” sabi sakin ni Pat ng magulat ito ng idaretso ko papunta sa street namin ang sasakyan.
“Si Edward muna ang ihahatid ko.” malamig kong sabi, alam kong nagulat sila pareho pero di ko na lang sila pinansin, itinigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay nila Edward pero antagal nito bago bumaba.
“Edward, ihahatid ko pa si Pat.” malamig ko ulit na sabi dito.
“Fine!” sabi naman nito saka pabalang na bumaba.
Tinitignan lang ako ni Pat, di ko na nakayanan at itinigil ko saglit ang sasakyan nang makarating kami sa kabilang kanto, ibinalik ko ang tingin kay Pat at saka niyakap ito.
“Ansakit parin, Pat.” sabi ko dito at niyakap lang ako nito ng mahigpit.
Itutuloy...
Naman!!!! Araw araw ako nag che- check ng updates nito! Yess... una ako mag comment... Migs!! You bring me deeper and deeper sa kwento na to! Can't wait to see the conclusions!
ReplyDeletegaling..dama ko ang sakit..update agad..
ReplyDeletemigs, as always, i appreciate your talent!! :)
ReplyDeletethank you for updating your stories.
regards,
R3b3L^+ion
nice.. meron na,,, :) tnx...
ReplyDeleteouchi nmn ng kwento.. huhu >jun
buti naman... bago ako matulog may mababasa ako... salamat sa pag-update.... grabe kakaexcite ang kwento....
ReplyDelete-Thokun
sana may kasunod na pati ung break even...thumbs up sa story :D
ReplyDelete