Thursday, May 26, 2011

Breakeven (Book2 Part4)


_________________________________
Breakeven (Book2 Part4)
by: Migs




Matagal nakatitig si Ram sa picture na yun at parang malalim ang iniisip, nasa balikat ko parin ang kamay ni Kev at pinipisil iyon, parang sinasabi na andun lang siya, na hindi niya ako pababayaan. Tahimik lang ang paligid, tanging ang ingit ni Joey ang maririnig, parang naiintindihan ng asong iyon na may tensyong nagaganap.




Ay, unli? Di ka maka move on?” bulalas na sabi ni Kevin, pinigilan ko ang sarili ko na mapatawa. Tinignan naman siya ng masama ni Ram.



Madami pa diyang picture frame oh, pwede mo nang i-let go yan, move on na sa next frame. Go on.” pagpapatuloy ni Kev, nakita kong kumislap ang mata ni Ram at alam kong napipikon na ito, humarap na ito kay Kev at sisimulan na sanang makipagsagutan dito ng bigla akong gumalaw.



Ok, lunch, Kevin, bili ka na ng lunch, I'm sure gutom na tayong lahat.” tumahol naman si Joey bilang pagsang ayon at binigyan ko na si Kev ng pambili at iniabot dito ang t-shirt niya, hinatid ko ito hanggang pinto.



Ano bang gusto niyang Ram na yan ha? Iniinis niya ako.” sabi ni Kev, napangiti naman ako at tinitigan ito.



What?!” singhal nito sakin.



Bigay todo ka naman ata sa role mo bilang KUNWARING boyfriend ko?” natigilan si Kev, namula at biglang yumuko. Lalo akong nagtaka sa kinikilos nito.



Ako nang bahala sa kaniya, pagbalik mo I'm sure wala na siya.” paniniguro ko dito. Tumingin sakin at saka nagpaalam na bababa na.




Bago ako pumasok ulit sa aking pad ay nagbuntong hininga muna ako. Naabutan ko si Ram na nilalaro si Joey.




Bakit ka ba nandito?” tanong ko dito.



Masama na bang bisitahin ka?” sarkastikong tanong nito sakin. Tinignan ko lang ito ng masama.



What?! Malay ko ba kung hinuhuthutan ka lang nung dork na yun?! Malay ko bang serial killer pala yun tapos gusto ka lang patayin?! Malay ko bang Dugudugu gang lang yun?” biglang tumahol si Joey at labas pangil na tinignan si Ram.



Well, hindi, mabait na tao si Kev at.. at... mahal namin ang isa't isa.” sabi ko dito.



Bullshit!” sabi nito na ikinanganga ko lang.



Bakit? Di mo ba inasahan na magiging masaya ako sa iba, maliban sayo? Di mo ba inasahan na makakarekober ako sayo?” tanong ko dito at tinignan lang ako nito ng patagilid.




Di naman sa ganon, Drei.” Lumapit ito sakin at inilapat ang kaniyang magkabilang kamay sa aking balikat.




Gusto ko lang makasiguro na magiging masaya ka sa kaniya, na hindi ka niya sasaktan. Pag nasiguro ko na ito, saka magiging panatag ang loob ko.” tuloy pa nito.




Pumapasa ba naman siya sa panglasa mo?” pangaasar ko dito, napatawa siya.




So far.” matipid nitong sagot saka tumalikod at muling ginala ang kaniyang mata sa loob ng aking pad, nagbuntong hininga saka naglakad lakad.




Anong ibig sabihin mong so far?” tanong ko dito.



Well, gumawa ako ng checklist.” naglolokong sabi nito at inirapan ko naman ito.



Seryoso.” sabi niya.



Seryoso?” paglilinaw ko.



Ano ano aber ang nasa checklist mo?” tanong ko dito.



Well dapat may stable job siya.”



Tumango ako.



Check.” sabi ko dito.



Mabait at maaalalahanin.”



Check. Ckeck.” sabi ko ulit. Mukhang nafufustrate na si kumag.



Dapat marunong magluto.” sabi niya.



Check.” sabi ko ulit sabay turo sa natirang agahan na niluto ni Kevin kanina.



Dapat alam niya ang kay Dalisay and at least magbigay ito ng interes na gusto niyang makilala si Dalisay.” sabi ni Ram na naniningkit pa ang mata.




Okay, masyado pang maaga para makilala niya si Dalisay.” sabi ko at binigyan ako ng isang matalim na tingin ni Ram.



Fine! Fine! Bukas na bukas ipakikilala ko siya kay Dalisay.” habol ko, tumalikod ulit si Ram at inusisa ulit ang mga libro sa aking book shelf.




Dapat makilala siya ng mga dati kong katarbaho sa company ni Dad at makilatis nila kung okay si Kevin para sayo.” sabi nito na kala mo nakaisa nanaman sakin.



Kailangan pa ba...” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng binigyan nanaman ako nito ng matalim na tingin.



Fine.” sumusuko kong sabi.




Di ko alm kung malulungkot ako sa ginagawang ito ni Ram, alam kong nagaalala siya at isipin lang ito, na nagaalala siya ay di na mapaliwanag ang aking tuwa. Di ko mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang intensyon nito, pero yung mismong pagaalala, yung tipong nagaalala siya para sa akin ay masaya na ako.




Tapos, dapat fit din, walang bisyo.”



Check.” wala sa sarili kong sabi.



At higit sa lahat, syempre, yung hindi ka sasaktan.”



Check!” sabi ko ulit.



Kung hindi man kasing gwapo ko ay at least nasa kalingkingan ko.” pagmamayabang nito.



At bakit?! Cute naman si Kevin, maamo ang mukha, maputi, makinis ang balat di rin naman papahuli sa ganda ng katawan mo at saka...”



At saka dork?” pagtutuloy nito s hindi ko natapos na sentence.



A CUTE dork.” pagtatanggol ko.



Oh please. Mukhang matatapos niyan ang starwars ng pasulong sa isang araw ng walang tayuan eh. Pustahan tayo saulo niya lahat ng characters dun.” pangaalaska ni Ram.



Eh ano naman ngayon?! Sasamahan ko pa siyang manood ng isang buong araw ng walang tayuan.” sabi ko dito.



Talaga lang ha? Eh ni hindi ka nga makatagal sa one and a half hour na pelikula eh.” sabi nito sakin at palapit na ng palapit ito sakin tanda ng hindi siya papatalo.



Para sa kaniya gagawin ko.”



TING! Sa sinabi kong yun ay napakunot ang noo ni Ram, tinignan ako nito at ina-assess ang mukha ko kung totoo ba ang sinabi ko sa kaniya, tinignan ako nito na parang i-ne- X-ray, bahagya pang tumaas ang kilay nito. At nang wala siguro itong makitang pagaalinlangan sa mukha ko tungkol sa sinabi ko ay tumalikod ulit ito.



Dapat napapakilig ka niya.” tuloy nito.




He just did a while ago nung pumayag siyang i-bili tayo ng lunch.” sabi ko.



Dapat good kisser.”



Check!” at tinignan nanaman ako ng masama ni Ram.



Dapat gentle sayo at hindi ka pinagbubuhatan ng kamay.” naniningkit ulit na sabi ni Ram.



Check! Anlambot kaya ng mga kamy niya and he's the perfect gentleman.” sabi ko dito. Napatahimik uli ito at tinignan ulit ako ng masama.



Para saan nga ulit tong ginagawa natin?” tanong ko ulit dito saka siya muling umiling at napangiti.



Para makasiguro na magiging maayos ka sa piling niya, na magiging masaya ka.” sabi nito na may halong paniniguro.



At hindi dahil gusto mo siyang alisin sa buhay ko dahil nagseselos ka?”



Nope, ni hindi sumagi sa isip ko yan.” sabi nito sakin na ikinataas naman ng kilay ko.



Ok. Let's continue.” sabi ko na lang.



Ano ang reaksyon niya nung sinabi mo ang tungkol kay Dalisay?” tanong nito sakin, napalunok ako bigla medyo napatagil din ang sagot ko.



Tinanong niya kung ano nangyari at nakisimpatya siya.” sabi ko dito.



Eh nung sinabi mo ang tungkol sakin?” tanong niya ulit, natigilan nanaman ako at bahagyang napanganga.


Ayun nagselos lalo na nung hinlikan mo ako nung isang araw sa ospital.” sabi ko dito at nangiti ng kaunti, napatawa naman siya.


Buti naman.” sabi nito.



Buti naman ano?” tanong ko ulit.



Buti naman at marunong siyang magselos, kasi kung hindi ay nasisiguro kong hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sayo.” napatigil nanaman ako sa sinabi niyang yun at bahagyang napaisip. Muling bumalik sakin ang eksena sa ospital nung isang araw.




Ahhh. So pano, una na ako.” paalam na lang ni Ram sabay lumapit sakin at hinalikan ako sa labi, nagulat ako sa ginawa niyang yun at agad na napatingin kay Kev na biglang iniwas ang tingin.



I-i-ingat.” nasabi ko na lang pero di na siya tinignan pa ni Kev, mukhang di naman ito alintana ni Ram kaya't tuloy tuloy na na lumabas ng kwarto.



Sino ba yung hunghang na yun? Boyfriend mo?!” sabi ni Kev na may tonong sarkastiko.



Ex boyfriend.” sabi kong pagbibigay diin sa salitang Ex.



Nagselos nga kaya agad si Kevin? Ibig sabihin ba nun gusto niya ako?” tanong ko sa sarili ko, pero umiling din ako agad.



At meron pang isang test.” basag ni Ram sa aking pagmumuni muni.



Ano nanaman yan?” kinakabahan kong tanong dito.



You'll see.” mahanging sabi nito at lumapit sakin, nakunot ulit ang noo ko lalo na nung masyado ng malapit ang aming mga katawan na halos magkadikit na ito, tinignan ako nito sa mata at saka ngumiting nakakaloko.



Anong binabalak mo, Ram?” tanong ko dito. Ngumiti lang ito.




Narinig ko ng pumihit ang front door, napatingin ako dito kasabay nito ay ang pagyakap sakin ni Ram atsaka sinalubong ang aking mga labi. Tinulak ko ito, pero lalong napasama napahiga na kami pareho sa sofa, nadadaganan ako ni Ram. Nagsimula ng tumahol si Joey sabay nito ay narinig kong nagbagsakan ang ilang bagay, napatingin ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Kevin na namumula sa galit at sa paanan nito ang mga pinabili kong pagkain. Agad akong tumayo.



Kev, wait.” sabi ko.



Pero sumugod na ito papunta sa kinatatayuan ni Ram, amba amba ang isang suntok sabay nito ang pagwawala ni Joey.




Itutuloy...

10 comments:

  1. migs madaming nagbabasa ng stories mo at nagvisit sa blog mo... that is because regular ka nag-uupdate ng mga kwento mo dito and also because maganda ang mga stories mo.

    so hindi mali yung counter... hehehe 320 visitors talaga yun :)


    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  2. hala.. bat 2 huling post?.. hmmm btw tnx po sa update.. :) sna sulat kpa mdmi, gustong gusto ko ung teknik mo po sa pgsusulat.. lalo na sa chasing pavements.. galing..

    ReplyDelete
  3. wow.. sweet ni kevin.. totohanan ang acting-actingan nila...



    hay nako ram, super concern ka sa ex ha...


    kudos.. next chapter plea...s

    ReplyDelete
  4. If I were Drei I'd fucking tell Ram..

    "Do you hate me that much that you can't stand me being happy with someone else? You think my whole world revolves around you don't you? Hindi na!"

    ReplyDelete
  5. Selos Si Kev???? Kaabang-abang naman ang kasunod hehehe...

    ReplyDelete
  6. eee kinikilig ako kasi nagseselos na agad si Kev :) ayiehh hha keep up the good work mr. author and sana patuloy parin ang pagpost mo ng mabilis sa mga stories mo unlike the other authors na nambibitin talaga :(

    ReplyDelete
  7. Author migs!! long time no see sa mga stories mo! dito ka na pala na nag-hahang out, in your own blog...tss grabe inaabangan ko yung updates mo sa lahat ng resident/blog-author mo...akalain mong a month and half ata..natapos na lang yung book 1 ng break even at may may book 2 na..buti naalala kong magrecap at boom! may link :)
    Dahil jan bookmark! :D dito na ko mag cocoment.

    para sa comment ko ng book 1; sayang at di naging sila pero i do believe na si edison-martin parin

    sa book2 at may kevin na! new character! at sila pala talaga ni ram and martin,, pero ram-drei pa rin akoXD kahit na it seems impossible na rin..pero kaya yan! sino kaya makaka-stir up ni kevin :D hehe

    Yours truly,
    aR

    ReplyDelete
  8. ako'y nanabik migs, hahahaha, i smell ram is trying to prove to drei that he is difficult to forget hmmm, mukha ngang magkakabreakeven d2 ah, just like in economics, ceteris paribus hehehehe (",)

    -josh

    ReplyDelete
  9. Migs, madami pong nagbabasa sa blog niyo kaso malimit lang yung nagco-comment. Katulad ko, binabasa ko lang po ito sa phone ko using Ebook kaya di ako nakakapag-comment, pwera na lang kung kaharap ko mismo yung PC namin sa bahay... hehe. Bottomline, I really appreciate your effort to inspire other people, especially those who find real, romantic and intimate relationship.. indi puro libog lang ang nananaig. Thank you so much!

    ReplyDelete