Breakeven (Book2 Part1; Repost)

_______________________________________
BREAKEVEN (Book2 Part1)
by: Migs


Sabay ng aming mga halinghing at iniipit na ungol ay ang pagbagsak ng aking mga luha. Unti unti kong ibinaba ang aking sarili sa kaniyang naghuhuminding kaselanan. Isang pigil na pagsigaw ang aking ginawad, masyado siyang malaki. Banayad niyang hinawakan ang aking mukha at pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.



I'm sorry.” at pilit niya akong inalis sa pagkakapatong sa kaniya. Pinigilan ko siya.



Huli na to. Pagkatapos nito, kung si Martin talaga ang mahal mo ay kusa na akong aalis sa buhay mo.” pagkasabi ko nito ay tuloy tuloy ng pumatak ang aking luha. Tumango lang siya, bilang sagot atsaka pinikit ang kaniyang mata.


Sa buong oras na iyon na nagse-sex kami ay nakapikit lang si Ram. Ang ex-boyfriend ko. iminulat ko ang aking mga mata at bahagyang kinusot ito. Ginagawa kong unan ang matipunong dibdib ni Ram habang nakayap naman sa akin ang kaniyang kaliwang kamay.



Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng taong mahal ko. Sa ngayon ay medyo makapal na ang buhok nito, di katulad nung kami pa, pero kayumanggi parin ang balat nito. Inabot ko ang kaniyang maamong mukha at pinadaanan ito ng aking palad na animoy sinasaulo ng aking mga balat sa palad ang kaniyang mukha. Ahit na ang dati ay nangangapal na bigote at balbas nito. Andyan parin ang mga malalambot niyang labi na ang sarap sarap halikan at ang kaniyang matangos na ilong at naniningkit na mata.



Mahal parin kita.” bulong ko.



Medyo gumalaw si Ram sa kaniyang pagkakahiga at lalong humigpit ang kaniyang yakap sa akin. Sa ngayon ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo, muli kong ibinaling sa kaniyang mukha ang aking paningin. Kumunot saglit ang noo nito atsaka nagsalita.



Martin.”



Mahina lang ang pagkakasabi ng pangalan na iyon pero iyon ding mahina at malumanay na kaniyang sinabing iyon ang nakabasag sa aking pagiilusyon. Lalong bumigat ang aking pakiramdam, lalong namutawi ang akala ko ay nawala ng sakit sa aking dibdib.




Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang pagkakayakap sa akin, at unti unti ng bumangon mula sa kaniyang matiponong dibdib. Mahimbing parin ang tulog nito.




Hinanap ko ang aking mga damit at isa isa itong sinuot. Sa bawat piraso ng damit na aking sinusuot ay di ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. Pano kasi, alam ko na sa ginagawa kong iyon ay unti unti ko ring tinatanggap na hindi na maaaring maging kami ulit ni Ram.




Tahimik kong pinagmasdan si Ram.




5 minutes na lang.” sabi ko sa sarili ko, kasabay nito ang pagtulo ng matatabang luha mula sa aking mga mata. Di ko na ito mapigilan para na itong gripo.




4 minutes.” bulong ko. Pilit kong inuukit sa aking utak ang kaniyang itsura, habang patuloy paring tumutulo ang aking mga luha.




2 minutes.” Lumapit ako kay Ram at pinadaanan ko ng aking daliri ang mga labi ni Ram. Dahil alam ko, maaari ito na ang huling pagkakataon na magawa ko ito.




60 seconds.” inilapat ko ang aking labi sa kaniyang labi.



Sinimulan ko ng tumalikod at maglakad palabas ng kaniyang silid ng marinig ko itong gumalaw at bumulong.



Martin.”



Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko nanamang parang may kutsilyo na tumarak sa aking dibdib, sa sobrang sakit ay napahawak pa nga ako dito at mistulang nahihirapang huminga. Sa pangalawang pagkakataon din na iyon ay naramdaman ko ng may iba na talagang minamahal si Ram. Sa pangalawang pagkakataon, di sinasadyang pinamukha sakin ni Ram na hindi ako ang mahal niya.



0000oooo0000



Naririnig ko ang mga saranggola na masiglang lumilipad sa langit at ang mga tawanan ng mga batang nagpapalipad nito.




Buti pa sila may dahilan para tumawa.” sabi ko sa sarili ko.




Di ko alam kung bakit pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa isang bench, may hawak na hotdog na nakapaloob sa tinapay nito sa kanang kamay at isang baso ng coke sa kaliwa, di ko natatandaang nagugutom ako pero nakuwa ko paring bumili ng mga ito.




Ibinaba ko ang mga ito sa tabi ko. Panandaliang tinignan ang aking mga palad saka ito ginawang pantakip sa aking mukha. Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.




Sige pa inom pa!” alok ko kay Ram habang hawak hawak ang bote ng beer at patuloy na itinutulak ito papunta sa kaniya.




Baka malasing na ako nito.” sabi niya, sabay ngiti.




Panandalian akong napatigil at tinignan ang ngiting iyon. Ang paborito kong ngiti.



Ram's famous crooked smile.” dikta ng aking isip.




Nabasag lang ang aking pagmumuni muni na iyon nang pumitik si Ram sa aking harapan. Sabay tawa.




Ikaw ata ang lasing na.” sabi nito, pero patuloy ko paring tinitigan ang mukha nito.




Huy! May dumi ba ako sa mukha?!” sigaw nito sakin. Umiling lang ako bilang sagot.




Lumipas ang oras, lalong lumakas ang tugtog sa loob ng club. Lalo ring kumapal ang tao, at kumapal na din ang aming naiinom na bote. Muli kong tinitigan si Ram, idinako nito sa akin ang kaniyang paningin saka ngumiti.




Di ko alam kung bakit ganoon parin ang epekto sakin ni Ram. Isang ngiti lang at talaga namang dumadagundong ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Muling inilagay ni Ram ang kaniyang kamay sa harap ng aking mukha at pumitik pitik ulit.




Huy!” sigaw ulit nito sakin.




Walang ano ano ay hinila ko ang kaniyang kamay at inilapat ito sa aking dibdib. Nagulat siya sa aking ginawang yun at pilit na hinila ang kaniyang kamay, pilit binabawi ito, pero lalo ko lang hinigpitan ang aking pagkakahawak sa kaniyang kamay.






Mabilis parin ang pagtibok ng aking puso. Patuloy paring nagtatama ang tingin naming dalawa ni Ram at nasa dibdib ko parin ang kaniyang kamay. Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao sa paligid.




Ikaw parin yan, sayo parin tumitibok yan.” mahina kong sabi kay Ram. Binigyan lang ako ni Ram ng isang malungkot na ngiti saka binawi ang kaniyang kamay mula sa aking pagkakahawak. Kinuwa ko ang bote ng beer sa aking harapan at tinungga ito.




0000oooo0000



Pasok ka muna.” aniyaya sakin ni Ram sa kanilang bahay.



San si Martin?” matamlay kong tanong dito.



Out of town. Pinadala ng opisina sa Palawan.” sabi ni Ram saka matamlay na pumuntang kusina.



Gusto mo kape bago ka magdrive pauwi?” tanong nito sakin.




Ok lang.” sabi ko saka sumunod sa kaniya sa may kusina.



Tinignan ko si Ram mula sa malayo, magiliw itong nagtitimpla ng kape. Di ko napigilang lumapit at yakapin siya mula sa likod.




Ram.” malungkot kong tawag sa kaniyang pangalan.





Matagal kami sa posisyon na iyon. Nakikiramdam kung sino ang unang kakalas at kung sino ang unang magsasalita. Iniharap ko siya sa akin saka banayad na pinaandar ang likod ng aking palad sa kaniyang pisngi, nakatitig kami sa mata ng isa't isa. Pero kumalas din siya agad.




Mahal parin kita Ram.” bulong ko sa kaniya. Di siya sumagot at iniiwas na niya ang kaniyang tingin sa akin.




I'm sorry...” panimula ni Ram pero hinalikan ko siya bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin. Mapusok, maiinit at mapangakit ang halik na iyon. Sinubukan niya akong itulak palayo pero ng maglaon ay nagsimula naring lumaban si Ram sa halikan. Hinila ko siya pabalik sa sala at inihiga sa sofa. Di parin napuputol ang halikan naming iyon.




Magkapatong kami sa sofa at mainit paring naghahalikan nang biglang kumalas sakin si Ram. Malamlam na ang mata nito at parang iiyak na.




Di tama ito.” bulong niya habang nakatitig parin sa aking mga mata.




Mahal kita. Walang mali doon.” bulong ko at ilalapat ko ulit sana ang labi ko sa mga labi niya ng bigla siyang umiwas.




But I love Martin at yun ang mali dito.” malungkot niyang sabi. Natigilan ako. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Muli nanamang nagtama ang aming tingin. Ramdam ko ang sinseridad ng sinabing yun ni Ram, alam kong di siya nagsisinungaling. Mahal niya talaga si Martin. Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Kutsilyo nanaman ang tumarak sa aking puso.




Ngayon na lang ulit Ram.” matipid kong sabi. Nagulat si Ram at ganun din ako, di ko alam na masasabi ko ang mga iyon.





Ngayon na lang ulit, gusto ko lang matikman ang mga halik mo ulit. Kahit sa huling pagkakataon, gusto ko lang maramdaman yung pagmamahal na nanggagaling sayo.” malungkot ko uli na pahayag kay Ram. Tumingin lang ito sakin, malungkot na tumitig sa aking mga mata atsaka hinawak ang kaniyang magkabilang kamay sa aking pisngi at unti unting inilapat ang kaniyang mga labi sa akin.




Di ko to kayang gawin kay Martin. I'm sorry.”




Pahayag ni Ram sakin habang isa isa na naming hinuhubad ang aming mga saplot. Isa nanamang kutsilyo ang tumarak sa aking puso. Pero manhid na yun. Di ko na pinapansin pa ang sakit.




Ipikit mo na lang ang mga mata mo at isiping si Martin ang kasama mo ngayon imbis na ako.” malungkot na sabi ko.




Di ako makapaniwalang sasaluhin ko lahat ng sakit na ito.



Can you hear how pathetic you sound?” bulong ng isang bahagi ng isip ko, di ko na ito pinansin at pinagpatuloy ang lalong pagpapahirap sa sarili ko.



Kung kapalit naman nito ay maramdaman muli ang pagmamahal kay Ram kahit ngayong gabi lang, kahit ano pang itawag mo sakin, pathetic man o ano, wala akong pakielam.” sabi ko sa sarili ko. Sa buong panahon na nakikipagtalo ako sa sarili kong isip ay tinititigan lang ako ni Ram, saka ipinikit ang kaniyang mga mata. At ito ang huling patunay na wala na nga ako sa kaniyang puso.




Di ko namalayan na inialis ko na pala ang aking mga palad sa aking mukha at matamlay na nakayuko na lang ngayon.



JOEY NO!!!” sigaw ng isang lalaki na bumasag sa aking pagmumunimuni.



Ibinaling ko sa lalaki ang aking tingin at kumunot ang aking noo sa kaniyang pagsigaw na yon. Nakita ko siyang nagulat, marahil ay nakita ang aking pag-iyak. Napahawak naman ako sa aking psingi at pinahid ang mga luha na patuloy parin sa pagtulo.



I'm sorry.” sabi nito sakin.



Huh?” takang tanong ko naman.



I'll pay for the hotdog.” turo nito sa aking tabi kung saan nandun ang isang malaking aso na nginangata ang kanina lang ay hawak ko na hotdog.



No. Its ok. He can have it.” sabi ko sabay pakawala ng matamlay na ngiti. Tinignan lang ako ng lalaki at bahagyang kumunot ang noo nito.



Do you mind if I sit beside you? Parang kailangan mo kasi ng kausap eh.” may pagka atribidong sabi ng lalaki, tinignan ko ito, maputi ito, nakasalamin, medyo matangkad at tama lang ang pangangatawan.



No. I don't mind.” nagtataka kong sabi.



Kevin nga pala, Kevin Miranda” pakilala niya sabay abot ng kamay sakin.


Drei, Adreian Chua.” sabay abot sa kamay niya at inalog ito.


Si Joey nga pala.” turo niya sa St. Bernard na aso na nginangata parin ang aking biniling hotdog.



Itutuloy...

Comments

  1. huwow Parang Junjou Egoist lng ang plot huh...but its nicer..:)

    ReplyDelete
  2. Akala ko maghihiwalay na si Martin at Ram. Edison pa din kasi ako...

    ReplyDelete
  3. nga pala...ang daming silent reader d2 sa blog na ito...hindi lang alam ng author....ahehhee...

    ReplyDelete
  4. akala ko naputil na yung love at best buti may kasunod yung series na yun....

    ReplyDelete
  5. start pa lang malaman na..hehehe

    ReplyDelete
  6. Hey, I started reading stories yesterday, I followed your suggested sequence, and now I can't help but to leave a comment.

    Junjou Egoist! Nowaki X Hiroki ftw.

    Great Stories btw, my personal fave is Kiko and Pol's arc, I'm a fan of innocent love, haha *well, what happened between Jon and pol is not too innocent, lolz

    Stay awesome Boss Migs!

    PS. please add me on facebook, kukurukuru@kuririnmail.com

    ReplyDelete
  7. . . . served Andrei well . . . had he been honest to Ram from the start sana hindi ganun ang nanyare pero gusto ko na si Martin for Ram. as for edison hmmmmm.....

    lemme continue reading.... nice stories Migs!

    xoxo, A

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]