Against All Odds 21
_____________________
Against All Odds 21
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nagsisimula na akong manginig, itinutok nanaman sakin ni Sandra ang baril tulad ng huli naming pagkikita pero iba ngayon dahil may ilang dipa pa ang layo nito sakin. Agad itong lumingkis kay Jase ng makalapit ito dito.
“Sabi ko sayo diba na di kita papakawalan?” pahayag nito kay Jase, blangko ang mukha ni Jase, unti unti ng nawawala ang dugo sa mukha nito.
“OK na Sandra, tumupad na ako sa usapan natin, nakipaghiwalay na ako kay Jase. Sayong sayo na siya.” kinakabahan kong sabi kay Sandra.
“At ano? Kapag nalingat ako aagawin mo ulit siya?! Di ako tanga!” sigaw ulit ni Sandra sabay kasa sa baril.
“Tama na, Sandra. Napagusapan na natin to diba?” singit ni Jase.
“Di ako pumayag sa usapan natin remember?” sarkastikong sabi ni Sandra saka tumawa na kala mo galing sa ilalim ng lupa.
“Ikaw lang ang ititira kong buhay.” pahabol pa nito kay Jase at itinutok sakin ang baril saka kinalabit ang gatilyo isang malakas na putok ulit ang narinig sa buong compound. Nang aktong pipikit na ako ay saktong humarang si Nate sa aking harapan saka bumagsak sa aking paanan. Agad akong lumuhod para makita kung saan ito natamaan.
May lumalabas na dugo sa kanang bahagi ng dibdib nito agad kong idiniin ang aking kamay sa sugat nito para mapigil ang pagbulwak ng dugo.
“Nate, shit! Shit!” sigaw ko. Lalo kong diniinan ang aking kamay na ginagamit kong panakip sa sugat nito, muli kong narinig ang pagputok ng baril ni Sandra at nakita ko itong walang malay na bumabagsak sa mabatong driveway, may tama ng bala sa noo.
0000ooo0000
“Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagpasyang makipaghiwalay sakin? Dahil tinakot ka ni Sandra?” tanong sakin ni Jase, napatingin ako sa kinauupuan ni Tita malapit sa tabi ni Nathan, malamig ang binabatong tingin nito sakin. Di ko na sinagot pa si Jase.
“Sana sinabi mo sakin agad para hindi na humantong sa ganito.” habol pa ni Jase. Napansin kong nagmulat na ng mata si Nathan.
“Jase, m-mahal ko si Nathan.” bulong ko, hindi tinitignan si Jase ng daretso sa mata. Natatakot ako na makita nito ang totoo.
“Bullshit!” sigaw ni Jase.
“Jase, tama na.” bulong ni Nathan.
“Kung totoo yang sinasabi mo bakit di ka makatingin sakin ng daretso?! Aaron please, kailangan kita.” may pagmamakaawa na sa boses nito. Napapikit ako.
Pilit na inaalis sa aking sistema ang pagmamahal kay Jase dahil sa kundisyon ko, sumunod sa usapan si Tita at di niya sinabi ito kay Jase. Mahal man namin ni Jase ang isa't isa ay talagang di pwedeng ipilit. Madumi na ako, dumi na hindi nakukuwa sa ligo at sa madiin na pagkuskos. Madumi ako at malinis si Jase, di ko kayang bahiran ang kalinisan na iyon.
“Jase, halika na, hindi ito ang tamang panahon para pagusapan iyan, let's give Nathan some rest.” aya ni Tita kay Jase, marahil ay natunugan nitong di ko na kayang magsinungaling pa kay Jase kapag nangulit pa ito.
Napapikit ako at pilit na pinigilan ang mga luha na pumatak. Naramdaman ko ang paghawak ni Nathan sa aking kamay.
“I'm sorry.” nahikbing sabi nito. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinawi ko ang kamay ni Nathan sa pagkakahawak niya sa aking kamay.
0000ooo0000
“The Doctor said you can go home tomorrow.” sabi ni Tita sabay haplos sa mukha ng kaniyang anak, samantalang ako ay nakatanga lang sa isang tabi, di makapaniwala sa mga nangyari.
“Ma, Aaron and I decided to live together.” sabi ni Nathan sa kaniyang ina. Natahimik bigla ang buong kwarto, di ko na pinilit pa ang sarili ko na tignan ang magina, alam kong makikita ko lamang ang pagkadismaya sa mukha ni tita at ang lungkot sa mukha ni Nathan. Narinig kong nagbuntong hininga si Tita.
“May magagawa pa ba ako?” tanong nito.
“Thanks, Ma.” sabi ni Nathan.
“O siya, uuwi muna ako. Kayo na munang bahala dito, Nathan, magpalakas ka para paguwi mo bukas.” bilin ni Tita. Di ko na ito hinatid pa ng tingin palabas ng kwarto.
“Aaron.” tawag sakin ni Nate, di ako sumagot.
“Aaron, kain ka muna, may dinala diyan si Mom na tuna sandwhich, masarap yun.” alok nito sakin.
“Wala akong gana.” sabi ko dito.
“Aaron, please, kailangan nating magpalakas. Kapag bumaba ang resistensya natin mapapadali...”
“Don't give me that crap, Nathan, I was a physician, remember? Before you give me this shit?!” sigaw ko dito.
“Aaron, please. ” pagmamakaawa nito sakin.
“Nung ako ba ang nagmamakaawa, pinagbigyan mo ako?” balik ko dito, nagsisimula ng mangilid ang luha nito.
0000ooo0000
“Pasensya ka na Aaron, isa lang ang kwarto dito sa pad ko eh.” matamlay na sabi ni Nathan habang akay akay ko siya.
“Sa sofa na lang ako matutulog. Hayaan mo, kukumbinsihin ko ang medical director namin na pagpratctice-in parin ako sa ospital, para naman mabayaran ko ang kalahati ng upa.” sabi ko dito.
“Wag na, kaya pa naman ng restaurant ko...”
“Hanggang kailan kakayanin ng restaurant mo? Ilang taon pa at pareho na nating kailangang iasa sa gamot ang bawat paggalaw natin, sa tingin mo pag nangyari yun andyan parin ang restaurant mo? Ipunin mo hangga't makakapagipon ka ganun din ako. Di natin alam kung hanggang kailan natin magagawang magipon bago pa tayo lumala pareho.” may galit kong sumbat dito.
Di na ito sumagot sa aking mga sinabi, inalalayan ko ito paupo sa sofa at agad na pumunta sa kusina at pinagluto siya ng makakain. Habang naggagayat ng mga sahog para sa aking niluluto ay di ko mapigilan ang mapaiyak, tila hindi parin makapaniwala sa nangyayaring kamalasan sakin, tila hindi parin matanggap ang untiunting pagkamatay.
0000ooo0000
“Ayan, kumain kang maigi para makabalik ka sa restaurant agad, alam kong kailangan ka doon.” sabi ko dito.
“Hindi. Hindi ko kakainin yan.” malamig na sabi sakin ni Nate.
“Anong...?” simula ko.
“Hindi ako kakain kung hindi ka nakain. Kung mamamatay ka sasama ako sayo.” may paninindigan na sabi sakin ni Nate.
“Kung hindi rin lang kita makakasama sa nalalabing araw ko dito sa mundo edi mabuti na lang na mamatay narin ako kasama mo. Mahal na mahal kita, Aaron, kaya kong isugal lahat makasama ka lang.”
“Pero sa maling paraan mo ginawa, Nate.” nanlulumo kong sabi dito sabay patak ng aking mga luha. Di ko na napigilan ang aking sarili at tuloy tuloy ng lumabas ng pad nito.
0000ooo0000
Nagsisimula nang kumulimlim, makakapal na ulap na ang bumabalot sa buong Manila pero mas pinili ko paring tumunganga sa isang swing sa may park di kalayuan sa pad ni Nathan. Hangga't paisa isang pumatak na ang ulan. Hinayaan kong dumausdos ang tubig mula sa aking buhok pababa ng aking katawan.
“Ni malakas na ulan ay di ko na magawang problemahin sa laki ng problema ko ngayon.” sabi ko sa sarili ko. Muli kong naalala ang aking mga magulang.
“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako, pagtatawanan kita.”
Muli kong narinig ang mga salitang iyon ng aking ama.
“Ito ba ang dahilan sa lahat ng pagkakaganito ko? Dahil sa nagpakabkla ako? Dahil sa sinuway ko ang aking mga magulang?” sabi ko sa sarili ko habang dahang dahang tumingala.
“Pinaparusahan mo ba ako dahil bakla ako?!” sigaw ko sa makakapal na ulap na nagdadala ng ulan.
“Diyos ko, wala akong hinangad kundi ang may mapatunayan sa aking ama, pero lahat ng binibigay mo sakin ngayon ay taliwas sa mga hinihingi ko!” sigaw ko ulit habang patuloy parin na nakatingala sa langit, dinadama ang sensasyon ng pagtulo ng tubig sa aking mukha, hangga't sa inangkin narin ng pagod ang aking mga tuhod.
“Gusto ko lang lumigaya. Pero bakit parang buong buhay ko di ko naman iyon naranasan?!”
“Bakit ako? Madaming tao dyan na mas walanghiya pa kesa sakin, madaming tao diyan na pumapatay para kumita. Bakit ako pa? Bakit ako pa?!” sigaw ko ulit.
0000ooo0000
Tumutulo pa ang aking mga damit ng makabalik ako sa pad ni Nathan, agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin si Nate na nakaupo parin sa sofa na gulat na gulat sa aking itsura. Sinulyapan ko ang inihanda kong sopas sa kaniya, di niya ito ginalaw. Nagbuntong hininga ako. Agad akong pumunta sa aking kwarto at nagpalit ng damit, pagkatapos ay pumunta sa kusina at naginit ng panibagong batch ng sopas.
“San ka galing?” tanong sakin ni Nate, di ko na ito sinagot at inilapag ang bagong sopas sa kaniyang tapat. Umupo ako sa tabi nito at sinimulan ng kainin ang sopas na inihanda ko sa sarili ko. nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Nate. Binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti, isang ngiti, malungkot man ay hindi ko lubos maisip kung san ko hinugot. Kasabay ng pagngiting iyon ay pagtulo ulit ng mga luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ng mahigpit ni Nate. Sabay kaming umiyak.
0000ooo0000
Iminulat ko ang aking mga mata. Makatabi parin kaming natutulog ni Nate sa sofa, sa lamesa di kalayuan samin ang tatlong tasa na pinaglagyan ko ng sopas, wala sa sarili kong inilapit sa aking mukha ang aking kanang kamay at pinahiran ang luhang tumutulo doon.
“Aaron?” tawag sakin ni Nate, kinukusot pa nito ang kaniyang mga mata. Nang mapansin siguro nito ang aking muling pagiyak ay saka niya ako niyakap ulit, kasing higpit ng yakap na ibinigay niya sakin nung nakaraang gabi.
“Shhh, andito ako Aaron.” pagaalo sakin ni Nate.
“Natatakot ako, Nate.” parang bata kong sabi dito, naramdaman kong lalong humigpit ang yakap sakin ni Nate.
“I'm sorry.” naiyak narin nitong sabi sakin, umiling lang ako at nagbigay ng malungkot na ngiti.
“Tapos na iyon, wala na tayong magagawa pa, andyan na iyan eh, ang dapat nating alalahanin ay ang bukas.” sabi ko at ginantihan ko na ito ng mahigit ding yakap.
After 3 years
Nakaharap ako sa malawak na karagatan, iniintay ko ang paglubog ng araw sakay ang aking surf board habang hawakhawak sa kanang kamay ang isang videocamera na may casing pamprotekta sa tubig. Ni-rerecord ko ang paglubog ng araw, ang tanawing naging saksi sa pagpapaalam namin ng aming nararamdaman ni Nathan noon para sa isa't isa, bago naging ganito kagulo, bago magkagulo ang lahat.
Habang bumababa ang araw at dahan dahang nagtatago sa miya mo kumot na dagat at wala ring tigil ang pagpatak ng luha ko. Maraming taon na mula nung nagpunta kami dito ni Nate nung 1st year anniversary namin. Marami ng nangyari at marami ng nagbago. Tatlong taon na mula noong mapagalaman namin ni Nate na HIV positive kami at ngayon, di namin inaasahan na mapapadali ang pagtungtong ni Nathan sa huling parte ng karamdamang ito, AIDS.
“Gagawin ko lahat, maibalik lang yung panahon na masaya kong tinuturuan si Nathan mag-surf, ipagpapalit ko kung ano mang meron ako ngayon para sa kapiranggot na bagay na gusto kong baguhin sa mga nangyari noon.” lumuluha kong sabi sa maalon na karagatan, ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang nakakarelax na tunog ng alon na lunurin lahat ng aking iniisip.
“Ganda. Parang nagtatago yung araw sa dagat.” sabi ni Nate sakin habang magkahawak ang kamay namin.
“Nakaka relax. Parang ang nakakawala ng problema.” sabi ko. Tumango sa tabi ko si Nate.
“Pwede ko tong gawin habang buhay.” sabi niya. Napatawa naman ako.
“At siyempre ako ang dapat mong pasalamatan dahil may naituro ako sayo na pwede mong gamitin sa iba mo pang mga dine-date.” pangaalaska ko dito. Tinignan ako nito ng masama.
“Di ah, gusto ko sa habang buhay kong ginagawa ang ganito, gusto ko ikaw lang ang lagi kong kasama.” sabi nito. Napangiti naman ako at biglang kinilig ng higpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.
“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya.
“Siguradong sigurado!” sabi nito sabay ngisi.
“Isigaw mo nga sa buong sangkaragatan.” sabi ko dito. Napatawa naman ito.
“Mahal na mahal kita, Aaron Mark Apacible!” sigaw nito. Nagtamputanpuhan ako.
“Oh bakit ka sumimangot?” tanong nito.
“Hina kasi, di yun maririnig ng sangkaragatan.” sabi ko na may himig pagtatampo.
“Ah ganun ba?” tanong nito. Tumango lang ako.
“Sige saglit.” huminga ito ng malalim. Di parin kami natayo sa aming mga surfing board at magkahawak parin ang aming mga kamay. Kalahati na ng araw ang nakalubog at nagsisimula ng maging kulay orange ang kalangitan. Tahimik at payapa parin ang paligid, tanging alon lang na magiliw na nahampas sa dalampasigan ang aming naririnig.
“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.
“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.
“Sigurado ka?” tanong nito sakin.
“Siguradong sigurado!” sabi ko. hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.
“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.
“Di lang maalat na tubig ang kailangan na makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.
Pero alam kong kahit anong hiling ang gawin ko, kahit sino pang santo ang tawagin ko ay di na maaalis ang karamdamang ito, wala na kaming magagawa pa ni Nathan kundi salubungin ang napipintong pagtatapos ng aming kwento. Sinimulan ko ng i-ikot ang surfing board pabalik ng pampang.
Itutuloy...
Kuya Migz.. Ang bigat talga..,, I remember those days when I was in H4 ..I listened to one of the clients. And my tears fell down unconsciously..
ReplyDeleteBy the Way ... Kuya Migs .. kelangan ni Aaron si TUKO,,.. hahaha.. Si TUKO ang makapgliligtas sa kanya ahaha
@Jase maghanap ka na ng TUKO!!
Thanks kuya Migz
-NurseResearcher.:)
Hey Guys!
ReplyDeleteI'm sorry guys for being a snob by not answering your comments, I know I promised to be more "Interactive", my miserable life prevents me from doing so. (I know, tell me about the lame excuse I just said.) Everything is just not going well for me nowadays.
For those who are asking for my FB account, Sorry guys, I can't give it to you, I'm still in the closet (I'm the world's worst closet case ever.) giving you guys my account will present some risk.
I DON'T DO DUMMY ACCOUNTS, I just can't see the reason of having one, that and I suck in memorizing passwords. hehe.
I also want to inform you guys that I might limit my posting to two chapters a week. I'm afraid to run out of materials for you guys, as i have said, I'm currently doing the sequels of LAIB and Breakeven but I'm stuck with chapter one of both books, my miserable life is to be blamed again but don't worry, I'm working on it.
Enjoy reading this Chapter guys! thanks thanks thanks!
Hi Migs! I'm a fan of your work ^_^ I've been reading your stories....
ReplyDeleteWhatever your facing right now, God will always be there for you. God wont give you problems that you can't solve ^_^
-KV c",)
i hate you kuya migs...
ReplyDeletesa tagal kong di nagbasa ng gawa mo ito ang bumungad sa 'kin...
takte parang naka-sepia ang scene sa utak ko ng events na naka-after 3 years.
super iyak mode ako dito sa bahay ng classmate ko kasi tulog na sila sa paggawa ng thesis...
same tayo pareng idol kuya migs...
closet case dn...
i use a dummy account just to enjoy the other side of life...
feeling hannah montana...
gumagawa rin ako ng story at nagkaron ako ng confidence at inspiration dahil sa 'yo.
sana madaan mo rin kuya yung gawa ko at kung pede i-critique mo na rin ahehehe...
basta ang husay mo talaga. pinahagulgol mo ko sa chapter na 'to kuya idol...
nasa bacoor ako ngayon at nangangarap na makasalubong ka somewhere. ganun din ang iniisip ko pag nasa sm ako. ahehehe ewan ko ba feel ko kasi parang life mentor kita in a way.
i guess i will always be your fan.
thanks a bunch for your inspiring stories...
I love you kuya migs!!!
Hi Kuya Migs...
ReplyDeleteI've been reading your stories these past months and I like all the stories that you've written from LAIB up to now.
Vote ko pa rin si Jase para kay Aaron.. hehehe...
Ang galing talaga ng story mo. Nararamdaman mo kapag binabasa mo kung ano yung nangyayari sa story.
Also, good luck on your next projects. Kaya mo 'yan! Ikaw nga yung nag-inspire sa akin na magsulat ng stories rin eh pero pang sa akin lang muna... hehehe...
Whatever problems you're facing, I know you'll get through it.
In summary: I love your works! hahaha.
Good luck and may your creative mind be blessed and guided always.
parang hindi magiging happy ending ang story ni aaron pero sana memorable ending...nakakalungkot lang kc..
ReplyDeleteHay sobrang bigat sa dibdib ng chapter. Hindi nga siguro maganda ang ending nito. Pero the best ang scene na ito.
ReplyDeletePara kay Kuya Migs kaya mo yan. Kung anuman ang pinagdadaanan mo. Manalig ka lang sa taas mapapawi rin yan.
Abangan ko next update.
makabagbag damdamin ang chapter na ito, ewan ba, mabigat sa loob..i cant find the right words.
ReplyDeleteok lang yun migs, mauunawaan ka nila..everything happens for a reason migs, no matter how vague and twisted it may seem, eventually everything will fall in their right places in the right time. (",)
sana hindi nakakalungkot ending nito =)
ReplyDeletenalulungkot lng ako 4 aaron,hope nice ending.
ReplyDeletetnx migs
kuya migs, talagang dapat straight english? hahaha
ReplyDeletetumalon ulet, hahaha...
nararamdaman kong sinadya ung talon para maisalaysay ung nangyari sa loob ng tatlong taon sa isang mas nakapapanabik na "balik-tanaw" =))
parang malapit na matapos ung kwento pero hindi pa rin naisisiwalat kung saan at paano nakuha ni nate ung sakit...
tinangka ba niyang makuha yun para hawaan din si aaron?
bago ko malimutan,
ambilis namatay ng kontrabida :))
haaayst Alam ko Kuya Migs..I am starting to hate you..maliban sa ex ko, kaw na lng ang nagpapatakbo ng puso ko..hehe
ReplyDeletesalamat sa story na to..somehow I realized so many things that for now its hard for me to point out..haayst i just hope for happy ending, kahit nde na bonggang happy neding..I just wnat to see them smile when the final curtain calls...:)
KUDOS kuya...I will be looking forward for ur upcoming storues..:)
sa totoo lang... hindi ko hilig mag basa ng gay stories... kasi.. ang pangit ng dating. kasi minsan lumalabas... ang pag ka OA/ (hindi ako bitter ha?. simula palang ng life ko.ayaw ko tlgaa, ) nag matapos kung basahin ang love at its best. ang comment ko dun.. medyo OA tlga. pero kasi wala ako magawa sa life ko. binasa ko narin ang BREAKEVEN. ang sabi ko... sa sarili ko.. sana may KIKO nalang sa buhay ko. tos binasa ko ang AAO. sabi ko sa sarili ko., hindi tlga bagay si jase kay aaron. hanggang inaabangan ko na ang susund na mangyari. august 15,2011 around 3am. nagsimula ankong magbasa.. hananggang ngayun..... gusto ko na pala.... napaiyak nalang ako.. kay AAron. kasi.. ganyan sana ako ngayun.. kung pinili ko ang jase ng buhay ko. buti nalang napunta ako kay nathan.
ReplyDeletenaka relate talaga ako. xobra!!!.
(ang hindi ko nalang nabasa ay ang chasing pavement mo)
migs thank you.. sa blog mo. kasi may mga bagay na nagising ako sa mga naisulat mo.
i love it so much!!!!!!!!
sana magsulat ka pa ng magsulat.... (sana, iwasan ng kunti ang mga bed scene kasi.. di ko binabasa ang ganun... kasi alam ko naman ang mangyari. its sex whit full emotions)
i love you migs.ingat ka parati
its me xander. (silent reader) jldcpunzalan @ yc my account sa FB.
Naaadik ako sainyo sir,...
ReplyDelete▬NarutoBoy
to xander...
ReplyDeleteyou are right in not reading the bed scenes... kasi ayaw mo. therefore that is your prerogative.
but please do not hinder the author from expressing his creative genius. i live by the principle of "to each his own"... in tagalog, kung ayaw mo, hwag mo...
but please also respect that majority of readers here have actually "liked" those scenes. you know why? because this adds realism to the story. that is because in real life, people fuck.
pardon the term "fuck" but that is the truth of the matter. the more you try to sanitize your view of the world, the lesser you gain and the farther from the truth you will be.
so to migs and all the wonderful authors out there... write to your hearts content... let the creative power within you manifest through your obra maestras. you are blessings to this world, individuall and collectively. because through you, we, your readers, see the world as it is... or as it should be... and not through rose colored glasses...
regards,
R3b3L^+ion
Boss Migs! Ngayon lang nakapagbasa at last monday lang din ako nakabalik from CAV. Ang dami ko pala na miss dito sa stories mo. Di ko pa tapos yung mga short stories mo. 18 chapters din tinapos ko at masakit na talaga mata ko.hehehehe. But I like this story tulad din ng pagka hook ko sa other stories mo. Kaya Against All Odds ang title ng kwento mo eh. Pero I really really hate the last three chapters! Naiinis ako kay Nathan kasi super selfish siya. If he really loves Aaron he will not do things that will harm Aaron. Besides I cannot blame him (Nathan) because he is so obsessed with Aaron. The only thing is Jase will be having a hard time to move on lalo na pag nalaman niyang may HIV si Aaron at sa brother pa niya galing at na ni rape ng brother niya ang pinakamamahal niyang si Aaron.
ReplyDeleteBoss Migs sorry pag inis na inis ako sa Nathan sa story mo ha? hehehehe. Just can't help myself to move on. I can feel the pain that Aaron and Jase is going through. I just hate Nathan. Aaron will still be clean if Nathan did raped him. Sumakit tuloy ulo ko. Naku kainis talaga ang bigat pa ng dibdib ko. tsssss.
Boss Migs ang ganda ng story mo kahit naiinis ako sa Nathan na yan. Like ko din yung paglabas ng characters sa ibang stories mo. Ilabas mo si Kevin! ehehhehehe. Miss ko na siya.hehehehe.
Anyways be safe always boss. I know your having burdens and hardships just keep in my mind that everything has a reason why your having those problems. He will not give you those problems and hardships if He knows that you cannot outdo. Just pray boss Migs. I will include you in my prayers. =)
If you want to scribble some letters for me here's my email address. marqymarc@gmail.com... Hindi na rin kasi kita na chachambahan sa FB eh. I don't know your email address din.ehehehe.
Shet! Ang bigat-bigat ng kwentong ito…ito na siguro ang pinakamabigat na kwentong nagawa mo…una palang ay may naisip na ko doon sa ibig sabihin ni Nathan kay aaron noong sapilitan nya itong dinala at ginahasa…pakiramdam ko iyong bigat ng kwento ay may koneksyon sa nangyayari sayo ngayon..tama ba? Hehehe…dahil sa dami ng twist, di ko na mahulaan ang magiging ending ng kwento o iyon plot nito…kawawa naman ang mga Apacible, lahat nalang ng anak ata nila ay hindi magiging happy ending ang kwento ng buhay nila…tsk3! Lolz! Hehehe…ang galing mo Migs!!!
ReplyDeletemigs ... sunday na ngaun. weekend na. follow-up please sa CP4. censya na excited lang.
ReplyDeletekasi feeling ko si jp ang bida dito. sana nga. at sana kau na hehehe...
thank you for all your wonderful stories and for sharing your life with us.
:-)
regards,
R3b3L^+ion