Against All Odds 22

____________________________
Against All Odds 22
by: Migs



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Hinanghina na si Nate, nakahiga na lang ito sa kama ng apartment na aming inuupahan, payat na payat at tila ba hirap na hirap sa paghinga, sinusubuan ko siya ng sopas na aking niluto noong umagang iyon, ayon sa kaniya ay paborito na niya ito. Sa kabila ng malaking ibinawas ng timbang nito ay maaaninag mo parin ang gwapong mukha nito at palangiting mukha. Masayahin parin ito kahit na sa bawat tawa ay katumbas ata ng limampung malalalim na hininga ang kailangan para makabawi siya.



Di ko ulit maiwasang matakot at malungkot. Matakot dahil alam kong di magtatagal ay ako naman ang hahalili sa kinalalagyan ngayon ni Nate at kapag nangyari iyon ay alam kong walang kahit na sino sa aking tabi na maaaring magsubo sakin ng sopas o kaya naman ay simpleng magpagaang ng loob ko. Malungkot dahil alam kong may nagawa sana ako para di mangyari ang mga nangyari, malungkot dahil alam kong may iba pang choices pero ang pinili ko ay ang pinakamahirap na daan, malungkot dahil ang taong nakaratay sa aking harapan ngayon ay ang taong nagturo sakin magmahal at dahil sa poot at galit ay pinilit kong burahin sa puso ko. Di ko na mapigilang mapaluha, napansin ito ni Nate.



I'm sorry.” bulong nito.



Sa loob ng tatlong taong pagsasama namin ay ni isang beses ay hindi nagmintis si Nathan sa paghingi ng tawad. Sinisisi niya ang sarili, ayon sa kaniya, dahil sa pagiging selfish niya kaya kami parehong naghihirap. Sa ganitong pagkakataon ay wala na akong magawa kundi ang pagaangin ang kaniyang loob.



Shhh, tama na. Wag na tayong magsisihan.” bulong ko sabay pahid sa aking luha at subo ulit sa kaniya ng isang kutsarang puno ng sopas.




May supresa nga pala ako sayo.” bulalas ko dito, napangiti naman ito.



Ha? Bakit anong meron?” tanong sakin ni Nate pero di maitatago ang excitement sa mukha nito.



Relax ka lang dyan.” sabi ko dito sabay piring sa kaniya.




0000ooo0000



Nang handa na ang lahat ay inalis ko na ang piring ni Nathan. Nanlaki ang mata nito na siya namang namasa agad dahil sa mga luhang nangilid dito. Sa harapan namin ngayon, ay ang imahe na nirecord ko kamakailan lang, lumulubog ang araw na miya mo nagtatago sa dagat, ang malumanay na alon at ang tunog nito habang nahampas sa dalampasigan. Nanatiling nakapako ang mata ko sa mukha ni Nathan, alam kong tuwang tuwa ito muli kong nakita sa likod ng matamlay na itsura at bumabagsak na katawan ang lalaking minahal ko, ang lalaking mahal ko. Pinatigas man ng mga nangyari noon ang puso ko di maikakaila na may puwang parin sa puso ko si Nathan, napagtibay ito noong araw na iniharang niya ang katawan niya para hindi ako tamaan ng bala na pinakawalan ng baril ni Sandra.



Naaalala mo ba yan?” tanong ko kay Nate na hindi na napigilan ang sarili at umiyak na. Lumapit ako dito at tinabihan siya sa kama, magkatabi naming pinanood ang vi-nideo ko. tulad noong 1st anniversary namin ay magkahawak ang aming mga kamay, ang pinagkaibahan lang ay di kami nakasakay sa surfing board at hindi kami nababasa ng tubig alat.



Oo. Tandang tanda ko iyan.” sabi ni Nate at isinandal nito ang kaniyang ulo sa aking balikat. Inabot ko ang ulo nito at ginabayan palapit sa aking mukha, naglapat ang aming mga labi, naramdaman ko ang luha nito mula sa kaniyang pisngi na dumaloy sa aking pisngi.



Happy Anniversary.” bulong ko ng maghiwalay ang aming mga labi.



0000ooo0000



Iminulat ko ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding pangangalay. Sinubukan kong gisingin si Nate pero himbing na himbing ito, dahandahan kong hinawakan ang batok nito nang mapagpasiyahang ihiga siya ng maayos, pero may napansin akong mali.



Nathan.” kinakabahan kong gising kay Nate.



Nathan.” tawag ko ulit pero di na ito sumagot. Agad akong sumampa ng kama at sinimulan ng i-assess si Nathan, nanginginig kong inilagay ang aking dalawang kamay sa dibdib nito at nagsimula ng mag CPR.



N-Nathan, please.” umiiyak ko ng sabi.



No, Nathan. Please. Please... please.” tawag ko ulit dito habang nagC-CPR.



0000ooo0000



T-tita, you have to come quick.” sabi ko kay Tita sa kabilang linya, di parin makapaniwala sa mga nangyayari, di ko parin tinigilan ang kaka CPR habang walang patid ang pagtulo ng aking mga luha.



Sa huli ay wala narin akong nagawa, niyakap ko na lang ang katawan ni Nathan, magisa kong pinanood ang video na aking supresa para kay Nathan habang patuloy parin ang aking mga luha sa pagdaloy.



What happened...?” sigaw ni Tita, napaluhod ito sa nakita, nakayakap parin ako sa katawan ni Nathan, walang magawa kundi ang umiyak.



C-call an ambulance, let's take him to the h-hospital.” pumipiyok na utos akin ni Tita. Napailing na lang ako. Alam naman naming pareho na wala na kaming magagawa.



Nathan, no, no, please, hijo. Nathan! Nathan!” sigaw ni Tita habang inaalog ang katawan ni Nathan, wari mo bang ginigising si Nathan sa pagkakahimbing nito.



0000ooo0000



Hijo, I'm not asking you to leave.” sabi sakin ni Tita ng magpaalam ako dito na tutulak na ako papuntang states.



No, Tita. I have to do this. I promised Nathan that I will still practice my profession.” sabi ko dito habang iniyayakap ang sarili sa kaniya.



Bakit sa States pa? Pano ang restaurant? Sayo iniwan ni Nathan iyon, you don't have to work abroad, kayang kaya kang buhayin ng restaurant, saka di mo na ba iintayin si Jase, uuwi yun from Canada para humabol sa libing.” pangungumbinsi ulit sakin ni Tita.



I don't want the restaurant, tita, besides, kayo lang ang makakapagpatakbo sa business na iyon ng maayos saka USA lang po ang may programs for HIV positive professionals like me, dito kasi sa atin nauuna ang pandididiri eh, as of Jase, ayaw kong makita sa mukha niya ang pandidiri ulit. Saka nasaktan namin siya noon ni Nathan, tita, nasaktan siya sa pagpili ko kay Nathan.”



That's because di mo parin sinasabi sa kaniya ang totoo ang tungkol sa karamdaman niyo.” Natahimik ako sa sinabing iyon ni Tita.



Sana po, Tita, kayo na ang bahalang magpaintindi kay Jase.”



Nagulat si Tita sa aking sinabi pero alam niya ring may punto ako kaya't wala na itong nagawa kundi tanggapin ang desisyon ko.



Well, ikaw ang bahala, give me a call na lang kung may problema ka.” sabi sakin ni Tita at hinalikan ako sa pisngi at tumulak na para harapin ang nakipaglamay ng gabing iyon.



Aaron.” tawag sakin ng isang lalaki sa aking likod. Si Enso pala, pero hindi siya nagiisa. Asa likod niya ang aking mga magulang.



Anak!” sigaw ng aking ina sabay yakap sakin.



Inaya ko itong sumunod sakin papuntang kusina.



Anak, alam na namin ang tungkol sa kundisyon mo.” sabi sakin ng aking nanay. Di ako umimik.



Bakit di mo sinabi samin agad?” sabat naman ng aking ama. Tinignan ko ito saglit.



P-para ano? Para pagtawanan? Para ipamukha sakin na katulad ni kuya ay mamamatay ako dahil sa aking kabaklaan? Para ipamukha sakin na tama kayo at mali ako?” naiiyak ko ng sumbat sa mga ito, niyakap ulit ako ng aking ina.



Hindi a-anak.” pumipiyok na sabi sakin ng aking ama at niyakap ako nito, niyakap ng mahigpit.



Ipinangako ko sa sarili ko na wala akong sisisihin, pero sa tuwing nakikita ko kayo, sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niyo nung palayasin niyo ako, di ko maiwasang... di ko maiwasang sisihin kayo sa pagkakaganito ko. kung di niyo ako pinalayas, di sana ako nagputa at di sana ako pinandirihan ni Nathan, di sana kami nagkahiwalay, di sana siya nagpuntang states at nagkasakit, di sana niya ako inagaw kay Jase at ipilt ang sarili sakin, di sana siya namatay ngayon. Kung hindi lang sana kayo nabulag ng pagkamatay ni kuya Sam, kung nakita niyo lang sana na magkaiba kami, kung hindi lang sana makitid ang utak niyo. Di sana nangyari ang lahat ng ito!” sigaw ko sa aking mga magulang at hinawi ang mga yakap ng mga ito.



Napansin kong parepareho ng nabaha ng luha ang aming mga mata.



Kung nandito kayo para makiramay kay Nathan, andun ang labi niya sa sala. Humingi kayo ng tawad, dahil sa kakitiran na yan ng utak niyo kaya nasa kabaong ngayon si Nate imbis na masaya ngayon sana siyang minamanage ang business niya..” malamig kong sabi sa dalawa at tumalikod na.



Mabilis kong nilisan ang lugar at sumandali sa garden para makahinga ng sariwang hangin, pero may tao na pala doon.



Patawarin mo na sila, Aaron. Di rin naman nila ginusto lahat ng ito.” bulalas ni Enso. May lungkot sa mga mata nito. Umiling lang ako.



Di mo naiintindihan.” bulong ko.



Maniwala ka, naiintindihan ko. Noong nabubuhay pa ang Dad, wala ng ibang tao ang tatalo sa kakitiran ng utak niya, pero sa huli pinatawad ko narin siya, di dahil maganda sa pakiramdam, di dahil iyon ang dapat, pero dahil ama ko siya, dahil wala siyang hinangad para sa kabutihan ko at kasi dahil sakin kumitid ng ganoon ang utak niya.” sabi ni Enso.



Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito dahil medyo naguluhan ako sa sinabi nito.



Dahil sakin, ibig sabihin, dahil sa mahal niya ako, dahil wala siyang iniisip kundi kabutihan ko at ni kuya kaya naging matigas ang puso niya at naging makitid ang utak niya. Ganun din ang mga magulang mo. Mahal kasi nila kayo ni Sam kaya kumitid ng ganiyan ang utak nila.”



Napaisip ako bigla sa sinabi ni Enso at di namalayan ang pagtulo ng aking luha.



0000ooo0000



Nasa labas ako ng isang maliit na bahay, matagal narin akong di nakakapunta doon at halos nakalimutan ko na ang itsura nito. Ngayon na ang alis ko papuntang US at pinagisipan kong mabuti ang sinabi ni Enso tungkol sa aking mga magulang.



Manong saglit lang ah.” paalam ko sa driver na inatasan ni Tita na maghatid sakin sa Airport. Tumango lang ito.



Nanginginig ang aking buong katawan, di ko magawang lumakad ng maayos sa mahabang pathway patawid sa aming bakuran, nang sa wakas ay maabot ko ang frontdoor ng bahay, ng bahay na siyang naging tirahan ko ng ilang taon bago ako lumayas ay di ko naman magawang abutin ito at kumatok.



Nagulat na lang ako ng bigla itong bumukas at bumulaga sakin ang aking ama. Idinipa nito ang kaniyang mga kamay. Ilang luha na ang kumawala sa mga mata nito.



I'm sorry.” parang bata na akong nahagulgol sa dibdib ng aking ama. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay, alam kong kamay ng aking ina iyon kaya't pinisil ko ito.



0000ooo0000



Baka hindi na po ako umuwi o makauwi.” sagot ko sa tanong ng aking ama na kung kailan ako babalik.



Susunod kami. Sa isang taon maaari na kaming pumunta doon ng inay mo.” sabi ng aking ama. Tumango lamang ako.


Ingat ka doon. Tatawag ka madalas.” habilin sakin ng aking ina. Tumango ulit ako.



Nakadaan ka na ba sa kuya mo?” tanong ulit sakin ng aking ama. Napatigil ako saglit at umiling.



Magpaalam ka sa kaniya, baka hindi ka na makauwi dito para magpaalam sa kaniya.” Malungkot na sabi ulit ng aking ama sabay yuko.



Pauwin mo nadin ang driver ng Tita mo. Kami na ang maghahatid sayo.” utos sakin ng aking ina.



0000ooo0000



Our Lady of Lourdes Parish”
donated by Mr. and Mrs. Apacible



Yang ang palatandaan na malapit na kami sa libingan ng aking kuya, si Simon Apacible ang taong naging idolo ko habang lumalaki, ang taong pinilit pigain sa aking pagkatao ng aking mga magulang, ang taong nagturo sa akin na ipaglaban ang aking nararamdaman.



Ang laki na ng pinagbago nito.” bulalas ko. Tumango na lang ang aking ina.



Marami sa mga kaibigan ng iyong kuya ang nagdonate ng mga kasangkapan dito.” bulalas ng aking ama.



Yan, yang fire tree na yan ay galing kay Enso, mahal na mahal niya ang kuya mo, ayon sa kaniya ay maraming naituro sa kaniya ang kuya Sam mo. Sang ayon naman ako dito, maraming naituro ang kuya mo samin ng itay mo, pero wala iyon sa naituro mo samin.” naiiyak na sabi ng aking ina.



Andun si kuya sa side chapel na iyon diba?” tanong ko kay itay. Tumango lang ito.



Parang naulit ang eksena kanina nung katutungtongtuntong ko lang ulit sa bahay namin. Nanginginig ang aking katawan, di ko mawari kung bakit, ang alam ko lang ay ito na marahil ang huling pagkakataon na makapagpaalam ako sa aking kuya. Ang kuya kong pinakamamahal ng lahat.



Dahan dahan akong lumapit sa isang rectangle na hugis sa may makapal na haligi ng simbahan. Napapalibutan ito ng bulaklak. Noon ko lang ulit nasilayan ang libingan ng aking kuya at di ko mapigilang mapaiyak.



K-kuya, malapit na tayong magkita.” wala sa sarili kong kinausap ang lapida nito.



A-Aaron.” tawag ng aking ina sa aking likod. Di na nakalapit pa ang aking ama, nakatalikod ito at base sa aking nakikita ay naiyak nadin ito.



K-kuya, kailangan ko ng welcoming committee ah? Pagplanuhan niyo na ni Nate ang pagdating ko.” natatawa kong sabi. Narinig ko ang isang kalabog, sinuntok ng aking ama ang isa sa mahahabang upuan malapit samin at napaluhod na lang bigla. Humahagulgol na ito. Di na mapigilan ng sarili kong mga luha ang dumaloy.





Itutuloy...

Comments

  1. Hey guys!


    Salamat sa patuloy na pagsuporta. 85 na ang followers ko! woohooo! haha!

    Last 2 Chapters for AAO! :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teary eye ako ng binabasa ko to..though hindi ko ma figure out kung gaano kalapit ang Tagaytay sa airport knowing ngayon ang flight niya.. 7 years na ang nakalipas pero parang fresh lang.. ako yung nasa India dati at ito nagpasaya sa akin.. madami akong gusto itanong sa iyo.. gusto kita hanapin.. hehehe..

      -smartiescute28@yahoo.com

      Delete
  2. chapter nato melancholic ako na ewan siguro dahil alam na ang mangyayari, pero i still want to finish it, baka merong mangyayari na maganda... (",)

    ReplyDelete
  3. andami kong luha, tapos na akong magbasa naiiyak pa rin ako...bigla akong sinipon.

    nakakalungkot, di ko maiwasan na mailagay ang sarili ko sa isa sa kanila. paano kung ganun rin ako? :(

    ReplyDelete
  4. Hays nakakaawa si Aaron..pero ganun talaga. Minsan hindi mo rin alam kung tama o mali ba ang desisyong nagawa mo. Pero si Aaron iba kasi ang hirap iexplain. Basta si Aaron ay naging masaya kahit ang buhay niya ay naging isang delubyo. May pinagsisisihan man pero para sa kanya bahala na ang bukas importante ay kung ano ang ngayon..Hay buhay.

    Abangan ko na lang ang susunod...

    ReplyDelete
  5. Nakakalungkot at Nakakaawa naman ang kalagayan ni Aaron though at least through those tears and sadness that he has, he still tries to convert those into more positive and simpler forms which are his jokes even though it is about him and his current condition.

    Aaron has shown the virtues of Cheerfulness and Fortitude in his life. Cheerfulness for even in the most troubled times in his life, he still manages to smile through that and Fortitude for carrying on his life even through multiple hardships and obstacles that he has faced. Go Aaron!

    Kaabang-abang na ang huling 2 Chapters ng AAO!

    Thank you Kuya Migs! :D

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  6. migs mwahmiss naiyak ako..ang hirap pala talga pag may sakit

    ReplyDelete
  7. migs grabe nman pinaiyak u n nman ako til now naluha p din me, panu nlng pla pag nangyari skin gnun coz im living alone in my bhaus, hirap tlga.

    thanks ulit s update ng story...kaabang-abang n talaga mga san dali s buhay ni Aaron.

    panu n kaya xa state mas wla mag aalaga s kanya dun.bka nga d na xa makabalik s magulang nya.

    ReplyDelete
  8. grabe, talaga tumulo luha ko sa chater na to....
    galing mo migz... ang galing galing.

    ReplyDelete
  9. parang tanga ako humahagulgol sa harapan ng computer.... ang sakit... sakit kapag iniwan ka ng mga taong mahal mo at tapos susunod ka rin.... super sakit nun...

    ReplyDelete
  10. haaayst another emotional and heavy chapter..

    there are some cliche parts but it is so good...:(

    ReplyDelete
  11. This what i call a real story.

    sobra naman ata pahirap sa buhay ni aaron nuh?

    hope he gets a good ending.

    ReplyDelete
  12. huhuhu susubong kata sa mama ko pina iyak mo ako huhuhuhu....huhuhu susubong kata sa mama ko pina iyak mo ako huhuhuhu....

    ReplyDelete
  13. wah takte i was right tlga nung nsabi kong masama ang mangyayari nung nagkasalubong dati si aaron at nate eh.

    tsk tsk tsk haist hanglongkot namen...

    pero at least ok na si aaron with his family.

    si jase na lang ang kulang...

    can't w8 sa next chaps...

    ReplyDelete
  14. i read the story just now..and i'm cryin' from the beginning to end..ang tindi po.. buhos na buhos yung emosyon..

    ReplyDelete
  15. Wow...sarap umiyak...nakaka-gaan nang feeling..."So Gay" kun tutuusin, d' heck...its 2014 but ngyn ko lang sinumulan mahilig magbasa nang blogs..kudos migs...

    ReplyDelete
  16. Ang sakit cguro kapag nagpapaalam kana sa mga mahal mo sa buhay...

    At ang sakit cguro sa magulang na iiwan na sila ng kanilang mga anak..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]