Breaking Boundaries 1
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Halos ihiga ko na ang sarili ko a mahabang mesa na iyon ng National Library dahil sa antok, pinilit ko kasi talagang gumising ng maaga dahil ayaw kong may pinagiintay akong tao, kaya ang siste ako ang madalas na magintay para sa mga taong Ime-meet ko. Tumingala ako at hinanap kung saan maaaring nanggagaling ang malamig na hangin na siyang nagpapapaantok sakin.
Para akong tanga na nakatingala at medyo nakaawang pa ang bibig ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext, agad kong inabot ang aking telepono at binasa ang kadadating lang na mensahe.
“Sorry, medyo tinanghali ako ng gising eh, andito na kami sa lobby.” sabi ng aking kausap para sa umagang iyon.
Kung ibang tao ito ay malamang nag-walk out na ako o kaya naman ay iintayin ko nga sila pero sisinghalan ko ng sisinghalan at sesermunan tungkol sa punctuality, pero iba itong kausap ko ngayon. Napamaang ako ng makita ang taong aking i-me-meet, si Jana. Ang bestfriend ko, ang pinakamagandang babae sa buong mundo, ang pinakamabait at pinakamatalino.
Habang pinapanood ko ito na naglalakad papalapit sakin ay di ko mapigilang lalong humanga dito, Para itong hindi lumalabas ng bahay sa sobrang puti na siya na mang lalong nagpatingkad sa kulay ng kaniyang buhok na kulay itim na siya ring straight na straight na ang haba ay hanggang bewang. Kahit anong isuot nito ay talaga namang bagay sa kaniya, pero ang pinakabagay sa kaniyang kulay ay ang kulay puti, lalo kasi itong nagmumukhang anghel, gaya ng itsura niya ngayon.
Nang makalapit na si Jana sa aking kinauupuan ay agad itong umikot papunta sa aking kinauupuan at humalik sa aking pisngi. Pinagmasdan ko ang mukha nito, napakaamo, walang kapintasan. Ang sarap titigan.
“Ahem. Drool alert!” sabi ng isang lalaki na asa tapat ng kinauupuan ko sa kabilang bahagi ng lamesa. Agad nasira ang araw ko.
Siya si Jeffrey Gonzales, ang pinakamahangin, may pinakamasamang ugali at ang may pinakamakitid na ulo na tao na nakilala ko sa tanang buhay ko, kung gaanong kalaki ng katawan nito ay siyang liit naman ng kaniyang utak. Kung gaano kagandang lalaki naman nito ay siyang bulok ng pagkatao nito. Siya si Jeffrey o mas kilala sa tawag na Jepoy ang aking arch enemy at ang taong umagaw sakin kay Jana.
“Goodmorning Jepoy.” sarkastiko kong sabi dito, agad namang umikot si Jana at tinapik ito sa balikat, tumawa lang si Jepoy.
“Tatanungin ko sana kung bakit ka na-late pero nang makita ko si Jepoy parang alam ko na agad ang sagot sa tanong ko.” sabi ko kay Jana, tinignan ako ng masama ni Jepoy saka ngumisi.
“Goodmorning, Marcus Tiangsan.” sarkastikong sabi sakin ni Jepoy. Inabot nito ang mukha ni Jana at hinalikan ito sa labi.
“Ano ka ba Jepoy! Nakakahiya kay Maki oh.” sabi ni Jana, pero walang galit sa sinabi nito, nangingitingiti pa nga ito na miya mo kinikilig.
“So, Jana, ito yung nakita kong mga mali sa thesis natin, nilagyan ko na ng highlights para magawan ng paraan. Ito na lang yung aasikasuhin natin ngayon.” pahayag ko dito.
“Pss! Show off! Patingin nga ako, baka makatulong ako.” may pagkamahanging sabi ni Jepoy. Inismidan ko ito.
“Wag na, baka magoverload ang utak mo at magcrash pag nabasa mo ang unang salita palang sa thesis namin.” nangaalaska kong sabi dito, agad namang bumawi si Jepoy at hinablot sakin ang aking kopya ng thesis.
0000ooo0000
“Bakit hindi na lang ibang theory ang gamitin niyo for your study, this theory is complicated, baka mahirapan pa kayo sa defense niyo.” mungkahi ni Jepoy, agad naman akong napamaang, tama siya halos lahat ng hinay-light-an ko na mga may loophole sa aming thesis na baka masilip ng mga panel ay kunektado sa aking piniling theory. Agad kaming nagkatinginan ni Jana habang si Jepoy ay kunot noo paring nagiisip tungkol sa aming theory.
Nginitian ako ni Jana, nagbuntong hininga naman ako.
“Ok. I think magandang idea na palitan nga ang theo...” di pa man ako natatapos magsalita ay agad lumatay sa mukha ni Jepoy ang ngiti, ang ngiti ng tagumpay ang ngiti ng pangaasar sakin.
“Wow! THE Mr. Marcus Tiangsan nag concede sa isang taong may maliit na utak tulad ni Jepoy Gonzales.” agad namang siniko ni Jana si Jepoy.
“Maki, wag mo siyang isipin. I think it would be better if I change the theory, tutal madami ka naman ng nagawa saka parang kailangang kailangan mo ng isang mahaba habang tulog.” sabi sakin ni Jana.
“Not just sleep, Hon. I think he also needs to get laid.” nangaasar na sabi ni Jepoy, agad naman itong siniko ni Jana. Ngumiwi naman ito.
“Ok lang naman sakin.” sabi ko kay Jana habang binibigyan ng masamang tingin si Jepoy.
“Ok, sige, tingin ko tapos na tayo dito. Maki may iba pa bang dapat ibahin?” tanong ulit ni Jana umiling na lang ako.
“Yehey! Makakapagdate narin kami! Haha!” sabi ni Jepoy sa tabi nito.
“Pero bago yun, pupunta muna ako sa CR.” sabi ni Jana saka hinalikan sa pisngi si Jepoy. Ngumiti naman si loko.
“Please don't kill each other while I'm gone.” natatawang sabi ni Jana bago umalis sa aming pwesto, sinaluduhan lang ito ni Jepoy, agad naman akong yumuko at halos isayad ulit ang sarili kong ilong sa notebook na aking sinusulatan.
Nagiisip ako ng magandang salita na pwedeng gamitin para sa aming thesis ng makaramdam ako na para bang may nakatitig sakin, agad kong tinignan si Jepoy, agad itong nagbawi ng tingin, halatang pinipigilan ang sarili na mapatawa. Agad kong ibinalik ang aking atensyon sa aking notebook at maya maya ay nakaramdam nanaman ako na para bang may nakatitig ulit sakin. Tinapunan ko ulit ng tingin si Jepoy, agad din itong bumawi ng tingin, iginawi ang tingin niya sa kabilang direksyon saka sumipol.
Di ko na ito pinansin pa, tumalikod ako dito at humarap sa katabing silya, nagiisip ulit ako ng magandang salita na pwede kong magamit ng biglang may lumagpak sakin na isang maliit na papel na binilog, kasing laki ito ng sago sa halo halo ng chowking. Alam kong si Jepoy iyon na nangiinis lang.
Mayamaya pa ay may tumama nanaman sa aking batok na binilot na papel, nagbuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagsusulat. Naging madalas na ang pagbato sakin ni Jepoy ng mga binilot na papel na halos mapuno na ng kalat ang aking kinauupuan. Naginit ang aking ulo at binaling ko sa kaniya ang aking tingin, saktong pagharap ko ay lumanding saking ilong ang isang binilot na papel, huling huli si mokong sa katarantaduhang ginagawa. Umiling lang ako at lumipat ng ibang lamesa.
Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sakin, si Jepoy, nangungulit parin. Sinimulan kong magsulat ulit. Maya maya ay nakaramdam ako ng pangangalabit, hinarap ko ito, bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Jepoy.
“Bakit?!” singhal ko dito. Umiling lang ito.
“Wala naman.” sagot nito, ibinalik ko ang aking atensyon sa pagsusulat ulit. Maya maya pa ay kinalabit nanaman ako ni Jepoy. Di ko ito pinansin pero naging panay panay na ang pangangalabit nito na medyo humahapdi na ang lugar na pinagkakalabitan nito.
“Bakit ba?!” halos pasigaw ko ng tanong dito, buti na lang at naalala kong asa library pa ako at napigilan ko ang sarili ko mula sa pagsigaw.
“Hehe. May binilot na papel ka kasi sa buhok mo.” natatawang sabi nito, agad kong pinagpag ng aking kaliwang kamay ang aking buhok at mula doon ay naglagpakan ang sandamakmak na binilot na papel, tinignan ko ng masama si Jepoy, pinipigilan nitong ngumiti. Inabot nito ang aking buhok at inalis ang ilang natira sa aking pagpapagpag, dun ko muling natitigan si Jepoy, gwapo talaga ito, malaki ang katawan, parang ang sarap yakapin.
“Yakapin?! Lalaki si Jepoy, may girlfriend siya, bestfriend mo pa nga! Saka di pwedeng magkagusto ka sa kaniya, lalaki ka, lalaki rin siya.” dikta ng isip ko, dun ko napansing magkatitig na pala kami ni Jepoy, nakaplaster parin sa mukha niya ang pangaalaska pero dun ko lang din napansin na masyadong magkalapit ang aming mga mukha. Agad akong umiwas dito, narinig kong humagikgik si Jepoy sa aking tabi.
Nang masigurong wala ng nakasabit na binilot na papel sa aking buhok ay ibinalik ko ang aking pansin sa aking notebook, marahas kong ipinikit ang aking mga mata tanda ng pagpipigil ng aking galit at kgustuhang yakapin si Jepoy. Habang nakapikit ay naramdaman ko nanaman ang pagkalabit ni Jepoy.
“Ano nanaman ba?!” di ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na. Humahagikgik si Jepoy matapos akong bulyawan ng librarian.
Sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit, alam ko kasing mangungulit nanaman si Jepoy at kesa naman ma-ban na ako ng tuluyan sa library na iyon ay naisipan ko na lang na lumabas. Di na ako nagpaalam kay Jepoy, nabubwisit ako doon.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong napabuntong hininga, malakas ang ulan at wala akong dalang payong, wala naman akong sasakyan at lalong wala akong pang taxi. Nagiisip ako ng magandang paraan para makauwi ng makaramdam nanaman ako ng kalabit. Si Jepoy, nakangiting nakakaloko.
“Hehe, pinalabas ako ng librarian, nagkalat daw kasi ako, ibinuka ni Jepoy ang kaniyang mga palad at nandun ang mga binilot niyang papael na ginawang panginis sakin kanina.” di ko na siya pinansin at tumingin na lang sa kabilang direksyon. Nakakita ako ng isang bench kung saan pwede akong magpatila ng ulan. Agad kong inilabas ang aking notebook at nagsulat don.
“Pwedeng makitabi?” tanong nanaman sakin ni Jepoy, umisod ako ng konti. Maya maya pa ay naramdaman kong nakatingin ito sakin, tinignan ko siya saka nagbawi nanaman ito ng tingin, pinipigilan ulit ang sarili na mapangiti.
Di ko na ito pinansin pa at napabuntong hininga na lang. Saka nagtanong sa sarili kung bakit ang tagal ni Jana. Nasa ganito akong pagiisip ng kalabitin nanaman ako ni Jepoy. Tiningan ko ito, hinahanda na ang sarili na sabihin nitong... “Wala lang.” pero hindi, nakaturo ito sa aking kaliwang kamay.
“Kaliwete ka pala?!” sabi ni Jepoy habang nakaplaster nanaman sa mukha nito ang mukha ng isang inosenteng bata na miya mo noon lang nakakita ng taong kaliwete magsulat.
“Oh, eh ano naman ngayon?!” bulyaw ko dito. Ngumiti ito.
“Ako din eh, kaliwete!” sabi nito sabay agaw ng aking notebook at ballpen saka nagsulat. Di ko alam kung matutuwa o maiinis sa taong asa aking tabi.
“Bakit umalis kayo dun sa pwesto natin? Hinanap ko kaya kayo!” sabi ni Jana sa aming likod, napakamot naman sa ulo si Jepoy at yumuko ng ikinuwento ko ang kawalanghiyaan na ginawa sakin ng kumag.
“Hay nako, umuwi na tayo, ayaw ko ng magdate!” sabi ni Jana kay Jepoy ng matapos akong magkwento, pareho kaming nagulat ni Jepoy, di ko naman kasi akalain na maaapektuhan ng pagsusumbong ko ang date nilang dalawa.
“Hon, kinukulit ko lang naman si Marcus eh.” pagsusumamo ni Jepoy.
“Ayoko na Jeffrey Gonzales! Umuwi na lang tayo, parusa mo yan sa panggagalit kay Maki. Saka malakas narin ang ulan oh, ano pa makikita natin niyan sa Intramuros?!” nakatiklop kamay sa dibdib na sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend, agad namang sumimangot si Jepoy at tinignan ako ng masama.
“At hindi lang yan! Dahil napalabas si Maki ng library dahil sa pambabalahura mo, ihahatid mo siya pauwi sa kanila!” sigaw ulit ni Jana sa kaniyang boyfriend, lalong humaba ang nguso ni Jepoy.
“Di ko naman kasalanan na sumigaw siya eh, saka hindi naman siya napalabas. Lumabas siya, Hun.” katwiran nito sa kaniyang nobya, di ako makapagsalita at medyo naiinis ako sa dalawa dahil inipit pa nila ako sa pagitan ng pagaaway nila.
0000ooo0000
“Hun, di na ba talaga tayo magde-date?” tanong ulit ni Jepoy kay Jana ng bababa na sana ito ng sasakyan at papasok na sa kanilang bakuran.
“Ihatid mo si Maki. Tatawag ako kila Tita Chedeng kaya malalaman ko kung hinatid mo siya o hindi.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend.
“Hun, naman eh.” pangaaalo ulit ni Jepoy pero tumalikod na si Jana at tumatakbaong tinungo ang kanilang frontdoor. Nagbuntong hininga lang si Jana sabay tingin sakin ng masama sa rearview mirror nito.
0000ooo0000
“S-salamat.” bulong ko kay Jepoy ng maihatid na ako nito sa aming bahay, di ito sumagot, medyo nakokonsensya naman ako sa ginawa ko.
“J-Jepoy, gusto mo bang pumasok muna sa loob?” tanong ko dito, pampalubag loob na lang siguro, tiningan lang ako nito na para bang iniintay na sumigaw ako ng “joke.” Napabuntong hininga ulit ako saka inayos ang aking mga gamit at naghanda ng bumaba ng sasakyan.
“Pasensya ka na kung nasira ko ang l-lakad niyo. S-salamat ulit sa paghatid.” bulong ko at tuluyan na akong sumugod sa ulan.
0000ooo0000
“Nay, andito na ako.” tawag ko sa aking nanay pagkapasok ko ng bahay, sumagot ito, marahil nasa kusina. Maya maya ay nakarinig ako ng pagkatok sa front door, nagtataka akong tinungo iyon.
Nagulat ako ng pagbuksan ko ang kumatok. Si Jepoy.
“J-Jepoy?” tanong ko. Ngumiti ito.
“Ah eh, pasok ka.” aya ko dito. Pumasok naman ito.
0000ooo0000
“Anak, tamang tama ang dating mo, gusto sana kitang kausapin, tungkol sa tuition fee mo this coming sem, tutal isang sem nalang naman. Pwede bang gawin mo ulit ang pagstu-student assistant mo saka ang pagtu-tutor. Medyo made-delay kasi ang padala ng tatay mo eh.” daredaretsong sabi ng nanay ko nang makapasok kami ni Jepoy ng kusina, ipakikilala ko sana si Jepoy pero di ito napansin ng aking ina at tuloy tuloy na ito sa paglilitanya, pagharap ng aking ina ay nagulat ito sa presensya ni Jepoy.
“Ah eh, pasensya na, may bisita ka pala, Marcus, bakit di mo naman sinabi agad.” sabi ng aking inay saka pasimpleng inayos ang buhok pati na ang bestida. Napangiti naman si Jepoy at lumapit sa aking ina.
“Hello Tita, Jepoy po pala ang pangalan ko.” pakilala nito sa kaniyang sarili saka bumesobeso sa aking ina na ikinagulat naman naming magina.
0000ooo0000
“Aba eh nakakatuwa pala itong kaibigan mo.” pahayag ng aking ina matapos naming makapagkwentuhang tatlo. Tuwang tuwa ang nanay sa kakwelahan ni Jepoy.
“Ngayon lang yan, Nay, intayin mong magtransform at mangulit. Makakalbo kayo sa sobrang inis.” pabulong kong sabi, narinig naman ito ng aking ina na nagbigay ng matalim na tingin sakin, napatingin ako kay Jepoy, nangingitingiti ito.
0000ooo0000
“Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” tanong ko sa DEAN ng department ng BSBA.
“Tungkol dun sa hiling mong mag tutor ulit. May lumapit sakin na gustong magpatutor sayo.” sabi nito sakin at iminuestra niya ang kaniyang kamay na nagsasabing umupo ako. Humarap ito sa kaniyang telepono at pinindot ang isang button nito.
“Malou, papasukin mo na yung bata.” sabi nito sa receiver ng kaniyang telepono. Agad na bumukas ang pinto ng kwarto at napanganga ako sa nakita kung sino ang aking tututor-an.
“Marcus Tiangsan meet Jeffrey Gonzales.” napanganga ako sa sinabi ng DEAN na iyon. Napangisi naman si Jepoy.
“Patay na.” bulong ko.
Itutuloy.
_______________________
Breaking Boundaries
by: Migs
guys thank you sa lahat ng comments sa prologue ng breaking boundaries, sinusubukan kong ibalik sa dating bilis yung posting.
ReplyDeleteEnjoy reading.
PS wag maguluhan sa time frame. Ang prologue na ginawa ko ay epic fail. haha! Ang mga nakasulat sa Prologue ay mangyayari pa lang. Sana magustuhan niyo. ^_^ pagpasensyahan na ang aking kapalpakan. :-D
Aw. I was hoping for an Eric/Pat sequel wherein they would end up together again but this one's pretty good! Lighter than Breaking Boundaries which you are definitely known for! Psyched for the rest!
ReplyDeleteok naman ang prologue, me idea na kami sa mga characters.
ReplyDeletenakakakilig ang first chapter migs, nakakainip mag abang ng update..kelan ba yan dadalasan? lol
magintay nalang ako, nice chap kilig! (",)
hehehe nice start hehehee...
ReplyDelete-mars
Ano kaya ang nag yare bakit na bolag siya....
ReplyDelete“Malou, papasukin mo na yung bata.” natatawa naman ako ni migs..Bata talaga eh laking tao nga ni jepoy..hehe..
ReplyDeletekudos migs... mas mabuti nga yung one story at a time para mafocus ung isipan mo sa iisang kwento lamang at siyempre madalas ang update..
madalas ang update di masaya din kami..
tama c russ............
ReplyDeletethanks migs ganda naman ng part n ito, kakakilig un asaran blues n gaya nito, un bang naaasar kana @ naiinis k pero deep inside you love the feeling..........
@ darkboy13 uu nga eh bat kea xa nabolag! wahahahah...
ReplyDeleteang ganda sir...first chap plan super kewl
-jet
Wew, ang ganda kahit una pa lang. :) Sana mas mabilis pa ang pag post ni kuya Migs, hehe. :)
ReplyDeleteNgayon lang ulet ako makakapag comment migs.. Ang ganda nang simula :)
ReplyDelete