Imaginary Love 3
DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any
similarities to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain
profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to the story.
Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments,
suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories
that comes along with it.
Panaginip lang lahat. Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa
tuwing gigising ako. Pilit na binabaon sa limot ang mga nangyari. Ilang araw na ang nakakalipas simula nung
nagquit ako sa aking residency at ni isa sa mga araw na iyon na lumipas ay ni
hindi ako nagsisi. Ilang araw din matapos akong magquit ay tinatawagan at
tinetext din ako ni Ivan pero hindi ko ito pinapansin at nung isang araw, nang
hindi na ako nakatiis ay agad kong tinanggal ang sim card ng aking telepono at
bumili na lang ng bago.
Dahan dahan akong bumangon at
naginat, ilang saglit pa ay biglang nagring ang telepono ko. Matagal ko pang
tinitigan kung ano marahil ang kailangan ng aking ina kaya siya tumatawag ng
ganung kaaga.
“Hi Ma. Musta? Musta
kayo dyan?”
“OK lang naman kami
hijo, ikaw, kamusta?” malambing na sagot at tanong ng aking ina.
“OK lang din naman.
Napatawag po kayo?”
“Ah wala naman.
Itatanong ko lang kung desedido ka na ba talaga?” napabuntong hininga ako sa
tinanong na iyon ng aking ina.
“Yes po ma.” Sagot
ko dito. Natahimik ang aking ina sa kabilang linya, tila ba malalim ang iniisip
o iniisip maigi ang kaniyang susunod na gagawin.
“And you’re not
doing this because you’re trying to run away from something or from someone?”
tanong ulit nito, ngayon ako naman ang natahimik ng matagal bago pa sumagot.
“Ayoko na kasi
masaktan ma.” Tahimik kong pagamin. Muli ay binalot kami ng katahimikan.
“Well, pumayag naman
ang Dad mo, actually gusto niya ang idea na pumunta ka dito at dito mo na
tapusin ang residency mo para sama sama tayo. Ayos nadin lahat ng papers mo,
ikaw na lang ang iniintay kung kalian mo gustong pumunta dito. ” sagot ng aking
ina. Muli akong nagpakawala ng isang buntong hininga.
“Ry, anak tawag na
ako ng dad mo sabihan mo lang ako kung ano ng plano mo ha? I love you anak.
Ingat ka lagi.”
“Ingat din Ma, I
love you too.”
Nang ilapag ko na ang aking telepono
ay wala sa sarili kong iginala ang aking mga mata at ilang saglit pa ay
desedido akong bumangon, naghilamos at lumabas ng apartment. Pagkalabas ko ay
wala sa sarili akong napatingala at huminga ng malalim habang pinipilit ang
sarili na ngumiti. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na magiging maganda ang
araw na ito para sa akin.
Pilit kinukumbinsi ang sarili na
magiging OK na ako simula sa araw na iyon.
Pero mali ako.
Bawat kainan, bawat tindahan at
miultimo daanan na nilalakaran ko ay nakakapagpalala sa akin kay James kaya
pagdating ko sa aking pupuntahan sa umagang iyon ay inabandona ko na ang ideya
na ang araw na iyon ay ang araw na makakawala ako sa lahat ng bagay na nanakit
sakin.
Pagod na pagod ako na nakabalik sa
aking apartment. Agad kong nilapag ang mga karton na aking binili at isa-isa
itong inayos para muling maging malalaking kahon. Maayos kong inisa-isa ang mga
gamit sa bawat sulok ng maliit na apartment na iyon na aking tinirahan ng ilang
taon simula noong estudyante pa ako. Inuna ko ang mga gamit sa aking maliit na
kusina pero hindi pa man ako nakakakalahati ay muli nanaman akong ininis ng
tadhana.
“Why don’t you talk to him about it?” tanong ko sa
frustrated na si James habang naghahanda ng makakain namin sa aking maliit na
kusina.
“Sinubukan ko ang sabi niya lang hindi pa kasi siya
ready! Puta! Kahapon lang kulang na lang magsex kami sa sinehan tapos ngayon
hindi nanaman siya ready na magkaboyfriend! Tangina gulong gulo na ako sa
kaniya, Ry. Ano bang dapat kong gawin?!” halos sabunutan na ni James ang
sarili.
Nilapitan
ko ito at ipinatong ang aking kanang kamay sa kaniyang matipunong balikat.
“James, tiis lang. Kilala mo naman yan si Ivan.”
“Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ayaw
niyang sabihin ng derecho sakin na ayaw niya pa muna ng commitment ngayon.
Hindi ko alam kung bakit niya pa ako pinapaasa. Tangina, sabihin niya nga sa
akin na ayaw niya sakin dahil pangit ako at gusto niya lang ng paminsan minsang
landian tatanggapin ko eh wag lang yung ganito na, ngayon para kaming
magboyfriend tapos kinabukasan para akong may ketong kung layuan niya.” Galit
ng saad ni James, pinisil ko ang balikat nito.
“Hindi ikaw yung may deperensya, OK. Kilala ko si
Ivan, ganyan lang talaga siya and besides. Mahilig talaga yun sa pangit kaya
alam kong malaki ang tyansa mo. Magtiis ka lang.” biro ko dito upang mapagaang
na ang loob nito. Saglit itong natigilan na tila ba inaabsorb pa ang panglalait
ko na iyon sa kaniya.
“Ah ganun?!” pilyong saad ni James sa akin. Dinakot
nito ang pantimpla ko sa fried chicken na niluluto ko at sinaboy sa mukha ko.
Saglit akong natigilan at nagising na lang nang marinig ko ang malakas na tawa
ni James.
“Pagsisisihan mo yang ginawa mo!” natatawa kong saad
dito sabay dampot sa mangkok ng pantimpla na isinaboy niya din sa akin kanina
at hinabol ito paikot ikot ng maliit na kusina kong iyon.
Hindi
ko alam kung ano ang nangyari pero nakita ko na lang ang sarili ko na dinadaganan
ni James habang tumatawa nang makabawi na kami sa pagtawa ay sinubukang ko
itong itulak palayo at tumayo na pero nakita ko ang mariin nitong pagtitig sa
akin at maya maya pa ay bigla nitong isinalubong ang kaniyang mga labi sa aking
mga labi.
Napapikit ako sa aking naalala na
iyon. Iyon ang unang gabi na pinagsaluhan namin ni James ang init ng aming mga
katawan. Huminga ako ng malalim at iniwan na ang sulok na iyon ng aking
apartment at tumuloy na sa aking maliit na sala. Inuna kong i-kahon ang ilang
mga CD na malapit sa aking TV pero tulad din nung nangliligpit ako sa kusina ay
bigla nanamang pumasok sa aking isip si James.
“Akala ko siya ang nagaya manood nito, asan na siya?”
naiilang kong tanong kay James na tila ba badtrip at nakakunot ang noo. Ilang
araw matapos ang nangyari sa amin ay ilang araw na kaming nagkakailangan.
“Di ko alam.” Matipid nitong tanong.
“Tatawagan ko---” simula ko.
“Don’t bother. Out of coverage area yung telepono
niya.” Inis na saad ni James. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binalot
ulit kami ng katahimikan pero ilang saglit pa tila ba may sariling utak ang
aking bibig at bigla akong nagsalita.
“More popcorn for me then.” Saad ko sabay dakot sa
lalagyan ng popcorn na niluto ko at inilagay lahat iyon sa aking bibig maya
maya pa habang ngumunguya ay naramdaman kong sakin parin nakatingin si James,
sinulyapan ko ito at nakita kong natatawa ito.
“What?” tanong ko dito habang punong puno parin ng
popcorn ang aking bibig at habang nahihirapan akong nguyain ito.
“Takaw mo.” natatawa ng saad nito sabay pisil sa aking
pisngi.
Ilang
saglit pa ay hindi na namin napansin ang pelikula na gustong gusto panoorin ni
Ivan at abala na kaming dalawa sa aming sariling mundo.
Agad kong iniwan ang pagkakahon ng
mga CD na iyon at tumuloy na lang sa sulok ng aking apartment kung saan nandun
ang lamesa na gamit na gamit ko noong nagaaral pa ako. Andun parin ang mga
makakapal na libro ko noon sa medicine at isa isa ko itong inayos sa isa pang
malaking kahon.
“James Santillan” ang nakalagay na
pangalan sa isa sa mga libro na aking nililigpit.
“Relax ka lang. Kaya mo yan.” Humahagikgik na saad ni
James matapos niyang i-abot ang hinihiram na libro ko sa kaniya.
“Di ako kasing talino mo, OK! Pano kung hindi ako
matanggap! Shit! Ito yung pangarap ko, hindi pwedeng hindi ako matanggap!”
nagpapanic ko nanaman na saad habang binubuklat ang libro ni James.
“Kaya mo yan. Relax ka lang kasi.” Paniniguro nito
habang minamasahe ang aking mga balikat. Hindi naman ito nabigo at dahang
dahang nagrelax ang mga tensyonado kong kalamnan.
Binalot ako ng ibayong galit at sakit at ibinunton ko
iyon sa lahat ng gamit na nakapatong sa lamesang iyon. Buong lakas kong hinawi
ang mga iyon na naglapakan lahat sa sahig, matapos ang biglaang pagakyat ng
galit na iyon ay wala sa sarili akong napasalampak sa sahig at isinandal ang
aking sarili sa pinakamalapit na pader na tila ba sinimot na biglaang galit na
iyon ang aking lakas.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking
mga mata nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok mula sa front door ng
aking apartment. Napansin kong mas madilim na ngayon sa buong apartment ko kesa
nung huli kong tanda pero sa kabila nun ay hindi parin ako tumayo sa aking pagkakasalmpak
at maski masakit na ang ilang bahagi ng aking katawan.
Narinig ko ang ilang pang apuradong
pagkatok pero hindi ko parin ito pinansin hanggang sa kusa na iyong bumukas
kasabay ng malakas na kalabog. Hindi parin ako natinag sa pagkakasalampak sa
pwesto kong iyon.
“Ryan?” tawag ni
James sa gawi ng pinto saglit itong kumapakapa sa dingding, hinahanap ang
switch ng ilaw at nang mabuksan na niya ito ay halatang nagulat siya nang
makita niya ang mga malalaking kahon sa buong apartment ko at lalong nanlaki
ang kaniyang mga mata sa gulat nang makita niya ang nagsabog na gamit malapit
sa akin.
“Ry, anong nangyari
dito?” tanong nito habang nagmamadaling
lumapit sakin.
“Every-fucking-thing reminds me of you!”
natatawa kong saad dito nang mapagtanto ko kung gano kababaw ng ikinakaganun ko
pero sa kabila ng pagtawa kong iyon ay ang pangingilid ng luha ko mabilis ko
itong pinahiran.
“You’re bleeding!”
nanlalaking mata na saad ni James na ikinagulat ko din, agad ako nitong hinila
at dinala sa lababo. Mabilis kong tinignan ang aking kamay at nang makitang
hindi naman ganung kalaki ang sugat at nang makita kong umampat na nga ang
pagdudugo ng sugat ay mabilis kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak
ni James.
“Wag kang OA. Hindi
ko ikamamatay yan.” Saad ko dito sabay hugas sa mga natuyong dugo sa aking
kamay.
“Where are you
going?” tanong nito sakin. Nagkibit balikat lang ako. Narinig ko itong
magbuntong hininga.
“Ryan please don’t
do this.”
“Why?” hindi ito
nakasagot sa balik tanong ko.
“Gusto mo nakikita
na nasasaktan ako? Gusto mo nakikita na may nagpapakatanga sayo? Gusto mo ay
nakikita na patay na patay sayo maliban kay Ivan?” sunod sunod kong tanong dito
habang paulit-ulit itong tinutulak.
“Ryan, hindi sa
ganun---” simula ni James.
“Oh please do
fucking enlighten me!” singhal ko dito.
Hindi ako nito sinagot pero nagulat
parin ako dahil bigla ako nitong hinila at siniil ng halik. Ilang beses ko ito
tinulak palayo pero hindi nito niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Maya-maya pa
ay napagod na ang katawan ko sa kakalaban kay James at hindi nagtagal ay
nagpadala nadin ako sa gusto nitong mangyari.
“I need you.” Bulong
nito sakin nang maputol ang halikan namin at hindi pa man nakakapagpahinga ng
matagal ang aming mga labi ay muli nanamang nagsalubong ang mga ito.
Isa-isang natanggal ang aming mga
damit habang walang puknat ang aming halikan. Buong ingat niya akong ihiniga sa
aking kama na tila ba isa akong sanggol habang nagtititigan. Sinabunutan ako ni
James para mapatingala ako ng konti at sunod naman niyang inatake ng halik ang
aking mga leeg.
“James--” ungol ko
sa pangalan nito na lalo nitong ikinasabik.
Mabilis ako nitong pinatalikod
habang may inaabot sa headboard, maya maya pa ay naramdaman ko ang malamig na
likido na ipinapahid sa aking likuran at maya maya pa ay naramdaman ko ang
dalawang daliri na marahang ipinapasok ni James sa akin. Napasinghap ako.
“Shhh. Relax.”
Bulong ni James na sinagot ko na lang sa pamamagitan ng pagtango.
“You’re so tight.”
Bulong ulit ni James habang dahan dahang ipinapasok ang kaniyang ari sa akin.
“James--” tawag ko
ulit dito at maya maya pa ay bigla ako nitong itinihaya. Saglit na natanggal
ang kaniyang ari sa akin pero hinid siya nagaksaya ng panahon at muli itong
inilagay doon.
Nagtama an gaming mga tingin at wala
sa sarili kong naihiling na sana ay ganun niya ako laging tingnan.
“James” Ungo ko ulit
sa pangalan nito.
“I’m close.” Saad ni
James sabay siil ulit sa aking mga labi.
Tuluyan ng nalihis ang aking pansin
mula sa galit at sakit na may ilang oras lang ay bumabalot sa aking pagkatao
ang alam ko lang ay gusto ko ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ni James.
Bawat ulos niya ay ramdam ko ang pagbibigay niya sa akin ng importansya, bawat
halik ay nararamdaman ko ang pagtangis niya sa akin at bawat higpit ng yakap ay
tila ba naniniguro sa akin na ako ang gusto niyang makasama habang buhay.
“Ryan.” Tawag niya
sa aking pangalan sa pagitan ng pagungol.
“I love you.” Wala
sa sarili kong saad dito.
“I’m coming.” Saad
ni James saka nagpakawala ng ilang ulos.
Niyakap ako ng mahigpit ni James
nang pareho na kaming nakapagpalabas.
“Please don’t
leave.” Saad ni James. Tumango ako at isinandal ulit ang aking ulo sa matipuno
nitong dibdib.
“Ganyan kita ka mahal. I love you James.” Saad
ko ulit dito. Umasa ako na sa pagkakataon na iyon ay ibabalik niya ang sinabi
kong iyon at aaminin niyang mahal niya rin ako at hindi si Ivan pero lahat ng
pagasa kong iyon ay nabura nang marinig ko ang boses ni Ivan sa gawi ng pinto.
“Ano James, hindi mo
ba sasagutin yung sinabing iyon ni Ryan?” sarkastikong tanong ni Ivan kay James
na nakapagpabalikwas samin dalawa.
Agad nagmanhid ang buo kong katawan.
“Ivan, wait!” habol
ni James dito na siyang gumising sakin.
“James!” tawag ko
sabay hawak sa braso nito. Tinignan lang ako nito. Blangko, wala kahit na anong
emosyon akong makita sa mukha nito, malayong malayo sa kaninang tingin nito
sakin na puno ng pananabik. Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa
braso nito at hinayaan na itong umalis para habulin si Ivan.
Itutuloy…
Imaginary
Love 3
By: Migs
Thanks sa patuloy na pagsuporta guys, sinusubukan kong bumawi by updating as fast as I can. :-/
ReplyDeleteRuss: thanks ng maraming marami. sana di ka magsawa.
Rage: salamat naman at may effect pa ang sinusulat ko. feeling ko kasi wala ng masyadong impact ang mga sinusulat ko kasi wala naman na masyadong nagre-react. haha! Salamat!
Jemyro: Salamat! hindi ka pa nasanay sa pagsusulat ko. di pwedeng walang malungkot na scenes.
Maharett: Salamat! Sana makaconnect na ang sulat ko sayo soon. :-(
Makoy: Salamat! :-)
Breaillelance: Salamat. susubukan kong tandaan ang flow ng halaga. promise po yan. ;-)
PLEASE DO INVITE YOUR FRIENDS TO READ MY STORIES AND FOLLOW MY BLOG. I ALSO ENCOURAGE YOU GUYS TO COMMENT. SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE ALSO WELCOME. SALAMAT PO. I LOVE YOU ALL!
Omg. James kinda reminds me of some assho*e i met sometime before. And I don't know why but the hospital setting kinda reminds me of makatimed. Lol
ReplyDeleteRage
After reading this part, I came to realize three things: may mga taong sadyang bulag sa pagmamahal at handang masaktan paulit-ulit; 2, may mga taong manggagamit at mapanamantala sa damdamin ng iba; and 3, walang kasiguruhan sa pag-ibig dahil kahit ibinigay mo na ang 101%, ssdyang may kulang pa rin..
ReplyDeleteNgayon, naka"connect" na sa akin ang story mo Miggy, sadyang mabigat lang siya for me lalo na kakasimula pa lang. Sanay kasi ako na nagbi.build muna ang momento bago ang matinding banat. Hehe. Nevertheless, this is worth the wait. Wonder what Ivan would do. Take care.
~maharett
PS
I re-read what dreams are made of last week, for the 3rd time ^_^ and Im planning to do AAO1&2 next.
Kuyaaaaa! Galing padinnnn! wagas! ang bigat ng bawat characters may buong pagkatao kahit na konti lang sinasbi mo tungkol sa kanila. hope to read more on this. �� Thank you for always entertaining us with your stories. :D
ReplyDelete-Mr. AnonyMOUSE haha!
Hi Migs,
ReplyDeleteI've been wanting to leave a comment on your stories pero may issues ata if posting it through phone. i am reading your stories through my phone and I rarely do on my laptop. I just want to let you know that I still admire your writing! Galing mo! Keeo writing for us, please! :)
Best,
dilos
Ganyan ba talaga si james? O sadyang makati lang siya? Ganyang kami sa makati.. ang magbff pinagsabay. Ngeta.. tnx migss for the hpdate
ReplyDeleteHebigat ang scene. Caught in the act! Pero sana mangibabaw pa rin ang friendship nina Ryan at Ivan.
ReplyDeleteMakoy
BITIN.
ReplyDeleteAng tagal ng update. Naiiyak ako sa frustration, gusto ko nang mabasa 'to ng tuluy-tuloy. Sorry author pero ganun yung epekto sa'kin ng Imaginary Love. :'(
-P E D R O
dusttioAflat_i Chris Solomon click here
ReplyDeletejoincortaurol
Miltraccaya Amanda Duarte K-Lite Codec Pack 17.2.0
ReplyDeleteRetouch4me Heal
MapInfo Pro 17.0.5.9
Wondershare UniConverter 14.1.1.77
ricstydedi