Imaginary Love 3

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


      Panaginip lang lahat. Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing gigising ako. Pilit na binabaon sa limot ang mga nangyari.  Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nagquit ako sa aking residency at ni isa sa mga araw na iyon na lumipas ay ni hindi ako nagsisi. Ilang araw din matapos akong magquit ay tinatawagan at tinetext din ako ni Ivan pero hindi ko ito pinapansin at nung isang araw, nang hindi na ako nakatiis ay agad kong tinanggal ang sim card ng aking telepono at bumili na lang ng bago.


            Dahan dahan akong bumangon at naginat, ilang saglit pa ay biglang nagring ang telepono ko. Matagal ko pang tinitigan kung ano marahil ang kailangan ng aking ina kaya siya tumatawag ng ganung kaaga.


“Hi Ma. Musta? Musta kayo dyan?”

“OK lang naman kami hijo, ikaw, kamusta?” malambing na sagot at tanong ng aking ina.


“OK lang din naman. Napatawag po kayo?”


“Ah wala naman. Itatanong ko lang kung desedido ka na ba talaga?” napabuntong hininga ako sa tinanong na iyon ng aking ina.


“Yes po ma.” Sagot ko dito. Natahimik ang aking ina sa kabilang linya, tila ba malalim ang iniisip o iniisip maigi ang kaniyang susunod na gagawin.


“And you’re not doing this because you’re trying to run away from something or from someone?” tanong ulit nito, ngayon ako naman ang natahimik ng matagal bago pa sumagot.


“Ayoko na kasi masaktan ma.” Tahimik kong pagamin. Muli ay binalot kami ng katahimikan.


“Well, pumayag naman ang Dad mo, actually gusto niya ang idea na pumunta ka dito at dito mo na tapusin ang residency mo para sama sama tayo. Ayos nadin lahat ng papers mo, ikaw na lang ang iniintay kung kalian mo gustong pumunta dito. ” sagot ng aking ina. Muli akong nagpakawala ng isang buntong hininga.


“Ry, anak tawag na ako ng dad mo sabihan mo lang ako kung ano ng plano mo ha? I love you anak. Ingat ka lagi.”


“Ingat din Ma, I love you too.”


            Nang ilapag ko na ang aking telepono ay wala sa sarili kong iginala ang aking mga mata at ilang saglit pa ay desedido akong bumangon, naghilamos at lumabas ng apartment. Pagkalabas ko ay wala sa sarili akong napatingala at huminga ng malalim habang pinipilit ang sarili na ngumiti. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na magiging maganda ang araw na ito para sa akin.


            Pilit kinukumbinsi ang sarili na magiging OK na ako simula sa araw na iyon.


            Pero mali ako.


            Bawat kainan, bawat tindahan at miultimo daanan na nilalakaran ko ay nakakapagpalala sa akin kay James kaya pagdating ko sa aking pupuntahan sa umagang iyon ay inabandona ko na ang ideya na ang araw na iyon ay ang araw na makakawala ako sa lahat ng bagay na nanakit sakin.


            Pagod na pagod ako na nakabalik sa aking apartment. Agad kong nilapag ang mga karton na aking binili at isa-isa itong inayos para muling maging malalaking kahon. Maayos kong inisa-isa ang mga gamit sa bawat sulok ng maliit na apartment na iyon na aking tinirahan ng ilang taon simula noong estudyante pa ako. Inuna ko ang mga gamit sa aking maliit na kusina pero hindi pa man ako nakakakalahati ay muli nanaman akong ininis ng tadhana.


“Why don’t you talk to him about it?” tanong ko sa frustrated na si James habang naghahanda ng makakain namin sa aking maliit na kusina.


“Sinubukan ko ang sabi niya lang hindi pa kasi siya ready! Puta! Kahapon lang kulang na lang magsex kami sa sinehan tapos ngayon hindi nanaman siya ready na magkaboyfriend! Tangina gulong gulo na ako sa kaniya, Ry. Ano bang dapat kong gawin?!” halos sabunutan na ni James ang sarili.


            Nilapitan ko ito at ipinatong ang aking kanang kamay sa kaniyang matipunong balikat.


“James, tiis lang. Kilala mo naman yan si Ivan.”


“Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin ng derecho sakin na ayaw niya pa muna ng commitment ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako pinapaasa. Tangina, sabihin niya nga sa akin na ayaw niya sakin dahil pangit ako at gusto niya lang ng paminsan minsang landian tatanggapin ko eh wag lang yung ganito na, ngayon para kaming magboyfriend tapos kinabukasan para akong may ketong kung layuan niya.” Galit ng saad ni James, pinisil ko ang balikat nito.


“Hindi ikaw yung may deperensya, OK. Kilala ko si Ivan, ganyan lang talaga siya and besides. Mahilig talaga yun sa pangit kaya alam kong malaki ang tyansa mo. Magtiis ka lang.” biro ko dito upang mapagaang na ang loob nito. Saglit itong natigilan na tila ba inaabsorb pa ang panglalait ko na iyon sa kaniya.


“Ah ganun?!” pilyong saad ni James sa akin. Dinakot nito ang pantimpla ko sa fried chicken na niluluto ko at sinaboy sa mukha ko. Saglit akong natigilan at nagising na lang nang marinig ko ang malakas na tawa ni James.


“Pagsisisihan mo yang ginawa mo!” natatawa kong saad dito sabay dampot sa mangkok ng pantimpla na isinaboy niya din sa akin kanina at hinabol ito paikot ikot ng maliit na kusina kong iyon.


            Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakita ko na lang ang sarili ko na dinadaganan ni James habang tumatawa nang makabawi na kami sa pagtawa ay sinubukang ko itong itulak palayo at tumayo na pero nakita ko ang mariin nitong pagtitig sa akin at maya maya pa ay bigla nitong isinalubong ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.


            Napapikit ako sa aking naalala na iyon. Iyon ang unang gabi na pinagsaluhan namin ni James ang init ng aming mga katawan. Huminga ako ng malalim at iniwan na ang sulok na iyon ng aking apartment at tumuloy na sa aking maliit na sala. Inuna kong i-kahon ang ilang mga CD na malapit sa aking TV pero tulad din nung nangliligpit ako sa kusina ay bigla nanamang pumasok sa aking isip si James.


“Akala ko siya ang nagaya manood nito, asan na siya?” naiilang kong tanong kay James na tila ba badtrip at nakakunot ang noo. Ilang araw matapos ang nangyari sa amin ay ilang araw na kaming nagkakailangan.


“Di ko alam.” Matipid nitong tanong.


“Tatawagan ko---” simula ko.


“Don’t bother. Out of coverage area yung telepono niya.” Inis na saad ni James. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binalot ulit kami ng katahimikan pero ilang saglit pa tila ba may sariling utak ang aking bibig at bigla akong nagsalita.


“More popcorn for me then.” Saad ko sabay dakot sa lalagyan ng popcorn na niluto ko at inilagay lahat iyon sa aking bibig maya maya pa habang ngumunguya ay naramdaman kong sakin parin nakatingin si James, sinulyapan ko ito at nakita kong natatawa ito.


“What?” tanong ko dito habang punong puno parin ng popcorn ang aking bibig at habang nahihirapan akong nguyain ito.


“Takaw mo.” natatawa ng saad nito sabay pisil sa aking pisngi.


            Ilang saglit pa ay hindi na namin napansin ang pelikula na gustong gusto panoorin ni Ivan at abala na kaming dalawa sa aming sariling mundo.


            Agad kong iniwan ang pagkakahon ng mga CD na iyon at tumuloy na lang sa sulok ng aking apartment kung saan nandun ang lamesa na gamit na gamit ko noong nagaaral pa ako. Andun parin ang mga makakapal na libro ko noon sa medicine at isa isa ko itong inayos sa isa pang malaking kahon.

James Santillan” ang nakalagay na pangalan sa isa sa mga libro na aking nililigpit.


“Relax ka lang. Kaya mo yan.” Humahagikgik na saad ni James matapos niyang i-abot ang hinihiram na libro ko sa kaniya.


“Di ako kasing talino mo, OK! Pano kung hindi ako matanggap! Shit! Ito yung pangarap ko, hindi pwedeng hindi ako matanggap!” nagpapanic ko nanaman na saad habang binubuklat ang libro ni James.


“Kaya mo yan. Relax ka lang kasi.” Paniniguro nito habang minamasahe ang aking mga balikat. Hindi naman ito nabigo at dahang dahang nagrelax ang mga tensyonado kong kalamnan.


            Binalot ako ng ibayong galit at sakit at ibinunton ko iyon sa lahat ng gamit na nakapatong sa lamesang iyon. Buong lakas kong hinawi ang mga iyon na naglapakan lahat sa sahig, matapos ang biglaang pagakyat ng galit na iyon ay wala sa sarili akong napasalampak sa sahig at isinandal ang aking sarili sa pinakamalapit na pader na tila ba sinimot na biglaang galit na iyon ang aking lakas.


            Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok mula sa front door ng aking apartment. Napansin kong mas madilim na ngayon sa buong apartment ko kesa nung huli kong tanda pero sa kabila nun ay hindi parin ako tumayo sa aking pagkakasalmpak at maski masakit na ang ilang bahagi ng aking katawan.


            Narinig ko ang ilang pang apuradong pagkatok pero hindi ko parin ito pinansin hanggang sa kusa na iyong bumukas kasabay ng malakas na kalabog. Hindi parin ako natinag sa pagkakasalampak sa pwesto kong iyon.


“Ryan?” tawag ni James sa gawi ng pinto saglit itong kumapakapa sa dingding, hinahanap ang switch ng ilaw at nang mabuksan na niya ito ay halatang nagulat siya nang makita niya ang mga malalaking kahon sa buong apartment ko at lalong nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat nang makita niya ang nagsabog na gamit malapit sa akin.


“Ry, anong nangyari dito?”  tanong nito habang nagmamadaling lumapit sakin.


“Every-fucking-thing reminds me of you!” natatawa kong saad dito nang mapagtanto ko kung gano kababaw ng ikinakaganun ko pero sa kabila ng pagtawa kong iyon ay ang pangingilid ng luha ko mabilis ko itong pinahiran.


“You’re bleeding!” nanlalaking mata na saad ni James na ikinagulat ko din, agad ako nitong hinila at dinala sa lababo. Mabilis kong tinignan ang aking kamay at nang makitang hindi naman ganung kalaki ang sugat at nang makita kong umampat na nga ang pagdudugo ng sugat ay mabilis kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni James.


“Wag kang OA. Hindi ko ikamamatay yan.” Saad ko dito sabay hugas sa mga natuyong dugo sa aking kamay.


“Where are you going?” tanong nito sakin. Nagkibit balikat lang ako. Narinig ko itong magbuntong hininga.


“Ryan please don’t do this.”


“Why?” hindi ito nakasagot sa balik tanong ko.


“Gusto mo nakikita na nasasaktan ako? Gusto mo nakikita na may nagpapakatanga sayo? Gusto mo ay nakikita na patay na patay sayo maliban kay Ivan?” sunod sunod kong tanong dito habang paulit-ulit itong tinutulak.


“Ryan, hindi sa ganun---” simula ni James.


“Oh please do fucking enlighten me!” singhal ko dito.


            Hindi ako nito sinagot pero nagulat parin ako dahil bigla ako nitong hinila at siniil ng halik. Ilang beses ko ito tinulak palayo pero hindi nito niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Maya-maya pa ay napagod na ang katawan ko sa kakalaban kay James at hindi nagtagal ay nagpadala nadin ako sa gusto nitong mangyari.


“I need you.” Bulong nito sakin nang maputol ang halikan namin at hindi pa man nakakapagpahinga ng matagal ang aming mga labi ay muli nanamang nagsalubong ang mga ito.


            Isa-isang natanggal ang aming mga damit habang walang puknat ang aming halikan. Buong ingat niya akong ihiniga sa aking kama na tila ba isa akong sanggol habang nagtititigan. Sinabunutan ako ni James para mapatingala ako ng konti at sunod naman niyang inatake ng halik ang aking mga leeg.


“James--” ungol ko sa pangalan nito na lalo nitong ikinasabik.


            Mabilis ako nitong pinatalikod habang may inaabot sa headboard, maya maya pa ay naramdaman ko ang malamig na likido na ipinapahid sa aking likuran at maya maya pa ay naramdaman ko ang dalawang daliri na marahang ipinapasok ni James sa akin. Napasinghap ako.


“Shhh. Relax.” Bulong ni James na sinagot ko na lang sa pamamagitan ng pagtango.


“You’re so tight.” Bulong ulit ni James habang dahan dahang ipinapasok ang kaniyang ari sa akin.


“James--” tawag ko ulit dito at maya maya pa ay bigla ako nitong itinihaya. Saglit na natanggal ang kaniyang ari sa akin pero hinid siya nagaksaya ng panahon at muli itong inilagay doon.


            Nagtama an gaming mga tingin at wala sa sarili kong naihiling na sana ay ganun niya ako laging tingnan.


“James” Ungo ko ulit sa pangalan nito.


“I’m close.” Saad ni James sabay siil ulit sa aking mga labi.


            Tuluyan ng nalihis ang aking pansin mula sa galit at sakit na may ilang oras lang ay bumabalot sa aking pagkatao ang alam ko lang ay gusto ko ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ni James. Bawat ulos niya ay ramdam ko ang pagbibigay niya sa akin ng importansya, bawat halik ay nararamdaman ko ang pagtangis niya sa akin at bawat higpit ng yakap ay tila ba naniniguro sa akin na ako ang gusto niyang makasama habang buhay.


“Ryan.” Tawag niya sa aking pangalan sa pagitan ng pagungol.


“I love you.” Wala sa sarili kong saad dito.


“I’m coming.” Saad ni James saka nagpakawala ng ilang ulos.


            Niyakap ako ng mahigpit ni James nang pareho na kaming nakapagpalabas.


“Please don’t leave.” Saad ni James. Tumango ako at isinandal ulit ang aking ulo sa matipuno nitong dibdib.


 “Ganyan kita ka mahal. I love you James.” Saad ko ulit dito. Umasa ako na sa pagkakataon na iyon ay ibabalik niya ang sinabi kong iyon at aaminin niyang mahal niya rin ako at hindi si Ivan pero lahat ng pagasa kong iyon ay nabura nang marinig ko ang boses ni Ivan sa gawi ng pinto.


“Ano James, hindi mo ba sasagutin yung sinabing iyon ni Ryan?” sarkastikong tanong ni Ivan kay James na nakapagpabalikwas samin dalawa.


            Agad nagmanhid ang buo kong katawan.


“Ivan, wait!” habol ni James dito na siyang gumising sakin.


“James!” tawag ko sabay hawak sa braso nito. Tinignan lang ako nito. Blangko, wala kahit na anong emosyon akong makita sa mukha nito, malayong malayo sa kaninang tingin nito sakin na puno ng pananabik. Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa braso nito at hinayaan na itong umalis para habulin si Ivan.


Itutuloy…

Imaginary Love 3

By: Migs

Comments

  1. Thanks sa patuloy na pagsuporta guys, sinusubukan kong bumawi by updating as fast as I can. :-/

    Russ: thanks ng maraming marami. sana di ka magsawa.

    Rage: salamat naman at may effect pa ang sinusulat ko. feeling ko kasi wala ng masyadong impact ang mga sinusulat ko kasi wala naman na masyadong nagre-react. haha! Salamat!

    Jemyro: Salamat! hindi ka pa nasanay sa pagsusulat ko. di pwedeng walang malungkot na scenes.

    Maharett: Salamat! Sana makaconnect na ang sulat ko sayo soon. :-(

    Makoy: Salamat! :-)

    Breaillelance: Salamat. susubukan kong tandaan ang flow ng halaga. promise po yan. ;-)

    PLEASE DO INVITE YOUR FRIENDS TO READ MY STORIES AND FOLLOW MY BLOG. I ALSO ENCOURAGE YOU GUYS TO COMMENT. SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE ALSO WELCOME. SALAMAT PO. I LOVE YOU ALL!

    ReplyDelete
  2. Omg. James kinda reminds me of some assho*e i met sometime before. And I don't know why but the hospital setting kinda reminds me of makatimed. Lol

    Rage

    ReplyDelete
  3. After reading this part, I came to realize three things: may mga taong sadyang bulag sa pagmamahal at handang masaktan paulit-ulit; 2, may mga taong manggagamit at mapanamantala sa damdamin ng iba; and 3, walang kasiguruhan sa pag-ibig dahil kahit ibinigay mo na ang 101%, ssdyang may kulang pa rin..

    Ngayon, naka"connect" na sa akin ang story mo Miggy, sadyang mabigat lang siya for me lalo na kakasimula pa lang. Sanay kasi ako na nagbi.build muna ang momento bago ang matinding banat. Hehe. Nevertheless, this is worth the wait. Wonder what Ivan would do. Take care.

    ~maharett

    PS
    I re-read what dreams are made of last week, for the 3rd time ^_^ and Im planning to do AAO1&2 next.

    ReplyDelete
  4. Kuyaaaaa! Galing padinnnn! wagas! ang bigat ng bawat characters may buong pagkatao kahit na konti lang sinasbi mo tungkol sa kanila. hope to read more on this. �� Thank you for always entertaining us with your stories. :D

    -Mr. AnonyMOUSE haha!

    ReplyDelete
  5. Hi Migs,
    I've been wanting to leave a comment on your stories pero may issues ata if posting it through phone. i am reading your stories through my phone and I rarely do on my laptop. I just want to let you know that I still admire your writing! Galing mo! Keeo writing for us, please! :)

    Best,
    dilos

    ReplyDelete
  6. Ganyan ba talaga si james? O sadyang makati lang siya? Ganyang kami sa makati.. ang magbff pinagsabay. Ngeta.. tnx migss for the hpdate

    ReplyDelete
  7. Hebigat ang scene. Caught in the act! Pero sana mangibabaw pa rin ang friendship nina Ryan at Ivan.

    Makoy

    ReplyDelete
  8. BITIN.
    Ang tagal ng update. Naiiyak ako sa frustration, gusto ko nang mabasa 'to ng tuluy-tuloy. Sorry author pero ganun yung epekto sa'kin ng Imaginary Love. :'(

    -P E D R O

    ReplyDelete
  9. dusttioAflat_i Chris Solomon click here
    joincortaurol

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]