Imaginary Love 4

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


“Sir hanggang dito na lang po ang byahe.” Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, naabutan ko ang nakangiting kunduktor na nakadungaw sakin at ginigising ako. Habang bumababa ay luminga-linga ako at napagtanto kong hindi ko alam kung nasan ako. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong buong araw akong nasa byahe.


“Manong, anong oras po ang byahe pauwi ng Maynila?” tanong ko sa kundoktor.

“Nako sir. Bukas pa po ulit ng alas sais ng umaga.” Sagot nito. Muli akong sumulyap sa aking relos at nakitang alas diyes pa lang ng gabi. Umiling na lang ako at naglakad sa pinakamalapit na establishimento habang naghahanap nadin ng matutuluyan.


“Manang, saan po dito may matutuluyan?” tanong ko sa isang babae na abalang nagsasara ng kaniyang tindahan.


“Sa susunod na kanto may maliit na bahay tuluyan doon.” Sagot nito. Nagpakawala ako ng isang matipid na ngiti at nagpasalamat sa ale.


            Habang naglalakad ako papunta sa susunod na kanto ay wala sa sarili kong inilabas ang aking pitaka at tinignan kung may sapat pa akong pera para rumenta ng matutuluyan, napabuntong hininga ako nang makita kong singkwenta na lang ang cash ko at wala akong nakikitang ATM sa paligid upang magwithdraw.


            Hindi na ako tumuloy sa bahay na sinasabi ng ale at nagisip na lamang ako kung saan ako maaaring tumigil. Nasa malalim akong pagiisip nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuntong hininga na lang ako, walang sapat na lakas para magalit sa sarili o sa langit sa biglaang pagbuhos nito sakin ng sama ng loob. Naglakad ako sa pinakamalapit na silungan.


“Bwisit!” singhal ng isang lalaki na ikinagulat ko. Akala ko ay ako lang ang nakikisilong sa saradong tindahan na iyon. Saglit kong ginaya ang ginagawa nito at sinubukang pagpagin ang mga butil ng ulan sa aking katawan. Muli akong sumulyap sa kasama kong nakikisilong at naabutan ko itong naniningkit na nakatingin sa akin na tila ba kinikilatis ako.


“Ngayon lang kita nakita dito.” Saad nito habang naniningkit paring nakatingin sa akin.


“T-Taga Maynila po ako.” Nauutal kong sagot dito. Kung ano anong masamang ideya ang pumasok sa aking isip. Naisip ko na baka may gawing masama ang mamang iyon sa akin.


“Ah, san sa Maynila? Taga doon din ako sa may Sta. Mesa.” Sagot nito sabay tingin sa malayo na tila ba inaalala ang lugar na kaniyang sinasabi.


“Bakit ka naman napadpad dito?” tanong nito nang makabawi sa kaniyang pagmumuni muni. Hindi ako agad nakasagot nang maalala ko kung bakit nga ba ako napadpad sa lugar na iyon.


“Ganyan kita kamahal. I love you James.”


            Napapikit ako sa naalala kong iyon at muntik pang mapaluha kung hindi lang sumigaw ang lalaking kasama ko sa silong na iyon.


“TERORISTA KA ANO?!” sigaw nito at laking pasalamat ko na lang at mas malakas ang dagundong ng ulan kesa sa sigaw nito. Agad akong napamaang dito, tinitignan kung seryoso ba ang ito, simpleng nakainom o may sayad lang talaga.


“Ha?! Hindi ah!” sigaw ko dito habang pinagdedesisyunan ko kung matatakot ba ako o matatawa sa itsura nito habang nagsusumiksik sa sulok ng silong na iyon makalayo lang sakin. Hindi ko mapigilang maisip na kung terorista nga ako ay kayang kaya ako nitong labanan sa laki ng katawan nito.


“Eh bakit ka andito?! Dapat katanggap tanggap yang sagot mo kundi magsisisigaw talaga ako dito!” singhal nito pabalik sakin.


            Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at kung bakit ko nakwento ng buo sa mamang iyon ang kwento namin nila Ivan at James. Nung una ay nagalangan ako na sabihin dito ang tungkol sa sekwalidad ko pero nang makita kong wala itong reaksyon nang una ko itong banggitin ay tuloy tuloy na lang ako sa pagkwe-kwento at nabalot kami ng mahabang katahimikan matapos ang aking kwento.


            Tumigil nadin ang ulan at sinimulan ko na ulit isipin kung saan ako titigil hanggang mag alas sais ng umaga nang biglang magsalita ang kasama ko sa silong na iyon.


“Imagination mo lang yun.” Saad nito na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko makuwa kung ano ang ibig sabihin nito.


“Ang alin?” tanong ko dito.


“Yung sinasabi mo.” saad ulit nito na ikinakunot ulit ng noo ko.


“Walang love na namagitan sa inyong dalawa. Imagination mo lang yun. Kasi kung totoong merong love sa pagitan niyo edi sana hindi ka niya iniwan kagabi magisa sa apartment mo nung nahuli kayo nung bespren mo at hindi mo siya hinayaang umalis. Pinaglaban mo sana kung anong meron sa inyo. Kaya para sa akin imagination mo lang yung sinasabi mong love na yan.” Nagmamagaling na saad ng lalaki na ikinairita ko.



“Nice. Imaginary Love.” Saad nito sabay tingala na tila ba ini-imagine na nakalagay sa isang karatula ang sinabi niyang iyon tapos ay humagikgik.


“Parang title ng porn.” Humahagikgik na pagtatapos ng baliw ko atang kasama sa silong na iyon na lalo kong ikinairita.


“So sino ka? Si Dr. Love? Talagang bigla kang naging expert sa love dahil lang sa maikli kong kwento na iyon? Ni hindi mo pa nga ako kilala.” Wala sa sarili kong sabat dito na ikinailing nito.


“Siguro nga. Teka, may matutuluyan ka ba? Malapit na lang dito ang bahay ko, welcome kang magstay dun.” Saad nito sabay hila sa akin papunta sa isang motorsiklo na alam kong madalas ginagamit na panghabalhabal ng mga taga doon.


“Teka!” saad ko dito. Nakita nito marahil ang pagaalangan sa mukha ko.


“Ako si Jeff. Anong pangalan mo nga ulit?” tanong nito.


“Ryan.”


“Ngayon, magkakilala na tayo. Hindi rin kaya ng konsensya ko na iwan ka dito at diyan sa silong na iyan ka magpalipas ng gabi tapos bukas makikita kita sa clinic ko inaapoy ng lagnat edi ako din ang gagamot sayo o kaya baka mapagtripan ka dyan nung malaking unggoy dito at reypin ka, naku hindi ako marunong magtahi ng butas ng pwet.”


“Teka---” simula ko ulit habang hinihila ako nito paangkas sa motor.


“Yep. Ako ang duktor sa baryo na’to.” Nakangiting sagot nito sabay chin up na miya mo proud na proud sa sarili saka paandar ng kaniyang motor.


After 5 years

            Napairap ako nang marinig ko ang sinabing iyon ni Jeff sa mga may edad na naming pasyente. Kahit sino ay nilalandi nito, kahit pa uugod ugod na yan at kulubot na. Ang rason niya kasi ay mas maraming taga doon ang makagaangan niya ng loob mas maraming libreng gulay, karne at iba pang mga bagay ang makukuwa niya kapalit ng panggagamot niya sa mga ito.


            Tulad nang nalaman ko may limang taon na ang nakakaraan nung una kami nitong magkakilala ay duktor din si Jeff kagaya ko ang kaibahan lang ay tapos na ito ng residency at kilala na itong internist sa Maynila bago pumunta sa baryo na iyon at kung gaano man ito kagahaman sa mga libreng pagkain at araw araw na pangangailangan na ibinibigay ng mga taga doon kapalit ng kaniyang panggagamot ay masasabi kong busilak ang puso nito.


            Matakaw lang talaga ito.


            Si Jeff ay kusang loob na nagpunta sa lugar na iyon para tulungan ang mga taong walang sapat na pera para magpaggamot o kaya naman masyadong mahina para pumunta sa health center at humingi ng gamot hindi tulad ko na nagpunta lang dun para makalimot sa ika nga ni Jeff ay Imaginary love ko daw.


            Limang taon na ako sa baryong iyon at ang mga magulang ko lang ang nakakaalam na nandun ako. Hindi ko na kayang bumalik pa at harapin ang mga kaibigan ko kasi alam kong sa oras na makaharap ko ang mga ito ay agad kong mapagtatanto na hindi gawa ng imahinasyon ko ang mga nangyari noon gaya ng paulit ulit kong pagpapaniwala sa aking sarili at muli akong babalutin ng sakit.


“You’ll be asking for more chicken no?” tanong ko kay Jeff na agad humarap sakin at nagpaskil na para bang na-offend siya sa tanong kong iyon. Maniniwala na sana ako na na-offend nga ito kung hindi lang ito humagikgik matapos ang ilang saglit.


“What can I say. I love adobong manok.” Saad nito sabay ngisi. Umiling na lang ako.


“Lahat na lang may kapalit sayo.” Sarkastiko kong balik dito.


“Kung lahat na lang may kapalit sa ginagawa ko aba eh matagal ko ng pinilit na susuhin mo ito.” Saad ni Jeff sabay nguso sa kaniyang ari. Umiling ulit ako.


            Sadyang pilyo ang loko at sanay na ako dito. Alam ko din na hindi ito nagloloko kasi nung minsang bumigay ako sa sinasabi nito ay muntik na akong magpadala sa init ng katawan kung hindi ko pa pinigilan ang sarili ko at isipin na hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon kay James.


            Hindi pangit si Jeff, sa katunayan ay halata mo paring mayaman ito sa kabila ng nasunog na nitong kulay dahil sa pagtigil sa baryo na iyon. Makinis parin ang balat nito, maamo ang mukha, maganda ang katawan na siyang gustong gusto ng mga dalaga sa baryo na iyon. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magkagusto dito dahil…


“You’re not even gay.” Balik ko dito.


“A hole is a hole.” Ang lagi nitong balik sakin na ikinaiiling ko na lang.


“Nawala na talaga ang morality at ethics mo.” lait ko pabalik dito.


“Huh! Funny when I didn’t see your morals and ethics that night when you almost gave me a blow---”


“SHUT UP!” singhal ko dito habang pinipigilan ko ang sarili ko na mamula ang aking mga pisngi. Lasing ako nung gabing iyon at nangungulit ng nangungulit ang lasing nadin na si Jeff na i-blowjob ko daw siya pero dahil nga alam kong masasaktan lang ako kung magpapadala ako sa gusto nito at ng libog ko ay hindi ko ito tinuloy.


“Please huwag mo na akong isama sa haba ng listahan ng mga babaeng nabiktima mo dito sa baryo na’to.” Panglalait kong saad dito. Humarap ito sakin at ngumuso na parang batang pinagkaitan ng candy.


“But I’m lonely.” Saad nito na nakapagpahalakhak na sa akin na sinundan naman ng nakakahawang tawa ni Jeff.


“Oh wala ng pasyente?” tanong ni Marie na siyang midwife sa baryo na iyon.


            Sasagot na sana ako nang biglang magring ang telepono ko. Kunot noo ko itong sinagot at nagulat nang marinig ang tila ba pagod na pagod at mahinang boses ng tatay ko.


“Anak, uwi ka na ng Manila. Asa ospital ang Mommy mo.”


            Agad akong napatingin kay Jeff na dahan dahan ding binalot ng pagaalala ang mukha nang makita siguro ang takot sa aking mukha.


000ooo000


“Oh kain ka muna.” alok sakin ni Jeff ng binili niyang tinapay nang magstop over ang sinasakyan naming bus pauwi ng Maynila. Umiling lang ako bilang pagtanggi.


“Kailangan mo yan para hindi ka manghina.” Saad nito sabay subo sakin ng isang malaking tipak ng tinapay. Wala narin akong nagawa kundi ang nguyain ito pero dahil binabalot ako ng pagaalala ay unti-unti ng lumabas ang totoo kong nararamdaman at nangilid na ang aking mga luha at maya maya pa ay tahimik na akong humihikbi.


“Shhhh. Everything is going to be OK.” Saad ni Jeff sabay pilit na isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

             
            Hindi ko inaasahan na sasamahan ako ni Jeff umuwi ng Maynila. Ilang beses kong sinabi na kaya ko mag-isang umuwi ng Maynila at mas kailangan siya ng mga taga baryo pero ilang beses lang din nito akong sinasagot ng…


“Trip ko ng umuwi. Wag kang mangielam diyan.”


            Kahit hindi ako kumbinsido sa sagot nito ay hindi ko rin mapigilang maisip na mabuti na lang at sinamahan ako nito pauwi kasi hindi ko pala kakayanin.


“Pano yung baryo, walang duktor dun?” tanong ko dito. Iwinagayway lang nito ang kamay na tila ba sinasabi ng wag ko ng intindihin iyon.


“Ako ng bahala dun. Bukas andun na yung tinawagan kong duktor na pwedeng pumalit satin. You look like shit.” Saad nito sabay hila ng aking ulo pasandal sa kaniya.


            Hindi nga nagtagal ay nakatulog na ako.

           
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng malakas na ingay sa aking kaliwang tainga na tila ba itinapat ako sa isang malaking generator habang natutulog, nang mapagtanto kong walang generator at si Jeff lang pala na humihilik ang aking naririnig at marahas ko itong ginising.


“Wha--?!”


“Malapit na tayo. Saka wag ka nga maingay!” masungit kong saad dito. Tumango ito at akala ko ay matutulog ulit nang bigla nitong damputin ang malaking piraso ng tinapay sa kaniyang tabi at kinain ito.


“Baboy mo talagang duktor.”


“I can cure myself if I get diarrhea.” Saad nito sabay inat habang ngumunguya. Hindi ko na ito pinansin at tumingin na lang sa labas ng aking bintana.


“Ready ka na?” nagaalala nitong tanong sakin na sinagot ko lang ng simpleng pagtango.


            Wala sa sarili akong napabuntong hininga nang bumaba na kami sa harap ng ospital kung saan dinala ang aking ina. Matapos ang ilang taon ay ni sa hinagap ko ay di ko akalaing babalik ako doon. Wala sa sarili akong napatingala, sinusubukan kong sipatin ang helipad kung saan ako tumambay nung huling araw ko doon.


“Diba dito ka nagresidency?” tanong sakin ni Jeff habang lumilingon lingon. Halatang noon lang nakarating doon.


            Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong tumunganga doon hanggang naramdaman ko ang paghatak ni Jeff sa aking kamay para pumasok sa ospital. Tila batang manghang mangha parin na palingon-lingon si Jeff hanggang makarating kami tapat ng aking ama na nakaupo sa waiting area ng ICU.


“Dad, what happened?!” agad kong tanong dito habang yakap yakap ito ng mahigpit.


“Nagsimula siyang ubuhin last last week tapos siguro hindi na niya kayang tiisin nagaya umuwi galing states at dito na daw kami magpacheck up. Kakarating lang namin kahapon tapos dapat sa Friday pa kami magpapacheck up kaso bigla siya nahirapang huminga--- dinala namin siya sa ER tapos ayun tutubuhan daw ang mommy mo tapos sa ICU ilalagay---”


“Anong sabi ng duktor niya? Anong diagnosis?”


“Pneumonia daw.” Sagot ng aking ama at magtatanong na sana uli ako ng biglang may sumulpot na dalawang naka coat na puti sa harapan ng ICU.


“Jamie, bakit mo ginawa yun? Alam mo namang masyadong particular si Dr. Jimeno sa mga meds niya.” Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at ang pamilyar na apelyido na sinabi nito.


“Ry---?” gulat nitong saad nang mapadako sakin ang kaniyang tingin.


            Nagbaba ako ng tingin at pilit na pinapaalala sa aking sarili na hindi totoo ang mga naramdaman ko kay James noon at imahinasyon ko lang lahat ang nangyari. Tulad ng sinabi sakin ni Jeff.


“Kayo ni Ivan ang in-charge kay Mommy?” tanong ko dito. Hindi ko alam kung saan ako kumuwa ng lakas para itago lahat ng nararamdaman ko at huwag iyong marinig sa tono ko. Saglit na tinignan ni James ang endorsement paper ng residente sa kaniyang tabi.


“Shit. I’m sorry, Ry. Hindi ko narealize na mommy mo pala---” malungkot na saad nito pero siguro nang makita nito sa mukha ko na wala akong pakielam kesyo hindi niya agad narealize na nanay ko ang pasyente niya o hindi ay agad nitong sinagot ang tanong ko.


“Ako ang chief resident ngayon sa medicine. Si Ivan ang nagha-handle sa mommy mo ngayon kasi nakaleave si Dr. Mariano and since graduating naman na siya sa as Pulmonologist siya na ang pinaghawak ni Dr. Mariano.” Propesyonal na sagot nito habang pabalik balik ang tingin sakin at kay Daddy.


“Daddy, si James nga pala kasabay ko dati sa residency.” Simulang papakilala ko kahit pa alam kong may ideya na si Daddy kung sino si James at kung ano ang nangyari samin noon.


“James, si Daddy.” Pagtatapos ko at nang akala ko ay tapos na ako sa mga pagpapakilala ay biglang nagubo-ubuhan si Jeff sa aking tabi na halatang nagpapapansin lang.


“James. Daddy ito nga pala si---” simula ko pero hindi ako hinayaan ni Jeff na matapos dahil si Jeff bilang si Jeff ay dakilang epal.


“Jeffrey Lopez. Partner po ako ni Ryan.”


            Muntik na akong mahimatay.


Itutuloy…

Imaginary Love 4

By: Migs

Comments

  1. Hi guys! sorry at nalate nanaman po ng post. :-/

    Rage: hmmm someone special? Naging BF mo ba si dating asshole na ito? Salamat sa comment! :-*

    maharett: haha! alam mo naman ako pasabog agad sa umpisa. Bakit bigla ka napabasa ng aking mga old stories? Salamat! ingat din lagi! ;-)

    Mr. AnonyMOUSE haha: napakahaba naman ng nick mo. ahahaha! :-) It's my pleasure. :-) Salamat din sa time pagcomment. endorse mo naman ang blog ko sa iba mong friends. haha!

    Dilos: alam ko naresolve na yan before eh. di ko na kasi makutingting ang settings ng blog ko eh pero hayaan mo kapag nagkaoras ako I'll try to figure out kung bakit may issue nanaman ang blog ko sa mobile. Salamat at kahit ganun ay nagcomment ka parin. :-* :-*

    russ: ahahahaha! baka may magalit sayong taga Makati! pero may mga kilala nga ako na may pagkaganyan na taga Makati. JOKE lang po! Baka magalit sakin.

    Makoy: Intayin ang susunod na kabanata. haha! Nagjump nanaman ako ng 5 years. haha!

    P E D R O: sorry po. Subukan kong magupdate po ng mabilis.

    PLEASE FO INVITE YOUR FRIENDS TO READ MY STORIES AND FOLLOW MY BLOG. I ALSO ENCOURAGE YOU GUYS TO COMMENT. SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE ALSO WELCOME. SALAMAT PO ULIT AND I LOVE YOU ALL! :-*

    ReplyDelete
  2. Ha....ha....ha....dakilang epal talaga...

    Red 08

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Yeah. Kinda. Lol. And i guess he's also having his residency training now. Anyway, Jeff sounds like a really cool guy! Exciting na ito!

    Rage

    ReplyDelete
  4. Haha ganun ba? Vote makati? Haha joke.

    I like jeff character lkas maka epal lang hahaha. Dami din kandidato haha..

    Kudos migs

    ReplyDelete
  5. Like it Mr. Author, keep it up... It's kinda exciting next chapter, can't wait... Thanks...

    ReplyDelete
  6. Hi kuya! hahaha nagbabasa at nag-aantay padin ako lagi post mo. haha! hirap ng med dito ako nakaranas bumagsak ng ulit2 pero kinakaya haha! nakkatawa tong bagong series mo though akala ko dramang may hugot na namn to hahaha peace! anyway, congrats again for another great work, keep it up. nga pla, can I print some of your series? My lazy boyfriend does not want to read online (same bf from 3 years ago haha yeah antagal na namin) kasi may problema din siya mata niya. so i am asking for permission to print some of it. hoping to see your reply in the next chapter (na hopefully in a week's time. haha) Thanks again sobraaa! (ps napapansin ko paglike mo status ko at napapasugod agad ako dito kala ko may new chap na haha)

    -Nix, avid reader since 2012

    nga pla may balita ka ky kuya Neph? medj nagkaaway kami kasi haha last year ata or the other year kaya di ko na nakakauspap.

    ReplyDelete
  7. Yey! May update na :D
    Gumaganda ang takbo ng kwento, grabe nakakatuwa si Jeff.
    Nagbabakasakali lang ako na baka may update na, di ko expect na meron na agad. Ang bilis! Sana ganto palagi o kaya kahit 2 updates man lang kada linggo :D THANK YOU SO MUCH MIGS!

    BTW may facebook ka po bang pwede ko pong ma-add :D?

    - P E D R O

    ReplyDelete
  8. Natawa ako kay jeff. Epal nya ha. Hahaha. Pero sya ang nagconfirm ng reaksyon ni Ry kay James. Hahaha. Cool. Love this chapter. Araw araw ko na tong binabalik balikan. Thanks Migz

    ReplyDelete
  9. I love Jeff's character!!!
    The way he introduced himself as Ryan's partner is admirable. He can be a very good friend and lover to Ryan. Makes me so excited for the next chapter.

    Makoy

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]