Against All Odds Book4[1]
DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any
similarities to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain
profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and
find something more suitable to read. The author maintains all rights to the
story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments,
suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories
that comes along with it.
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nagawa.
Habang dahan-dahang dumudulas ang baril sa kaniyang kamay ay kasabay naman nito
ang tila ba slow-motion ding pagbagsak ng duguang si Ryan sa kalsada. Siya,
kasama si Mike, Dan at ang kaniyang kapatid na si Martin ay tila isinumpang
maging mga estatwa at walang magawa kundi ang panoorin lang ang kanilang kasama
na unti-unting bawian ng buhay dahil sa sobrang pagdurugo ng sugat nito.
“Pinatay ko si Ryan.” Bulong niya sa
kaniyang sa kaniyang sarili.
Ang kaniyang sinabing iyon sa
sarili ang tila ba pumutol sa kanilang sumpa dahil agad niyang narining ang
panaghoy ng kaniyang mga kasama. Tila naman may pumindot ng fast forward button
at mabilis na gumalaw ang lahat. Si Martin ay mabilis na yumakap sa kaniya
habang si Dan ay agad na lumuhod malapit sa ulunan ni Ryan, tila ba pinipigilan
ang ulo nito sa sobrang pagdurugo habang si Mike naman ay tumatawag ng tulong
at nagmamakaawa sa lahat ng nasa paligid na tulungan si Ryan.
Sinubukan niyang kumawala mula
sa mahigpit na yakap ng kaniyang kapatid. Gusto niyang makasiguro na hindi niya
napatay si Ryan. Nagsisimula ng tumakbo ng normal ang kaniyang pagiisip. Alam na
niyang masama ang lagay ni Ryan dahil kung hindi ay hindi magngangangawa si Dan
sa tabi nito at hindi rin nagpapanic si Mike dahil hanggang ngayon, makalipas
ang ilang minute ay wala paring tumutulong sa kanila at malamang sa malamang ay
hindi rin hahayaan ni Ryan na nakahiga lang siya doon sa maruming kalsada na
iyon at hahayaan na matalo siya sa awayan nila ni Mike.
“Let me
go!” sigaw niya sa kaniyang kapatid na pinipigilan parin siya na makalapit kila
Ryan. Nagsisimula na siyang manghina, nagsisimula ng manginig ang kaniyang mga
kalamnan dahil sa pagod at takot. Nagsisimula ng manlabo ang kaniyang mga mata
dahil sa pamumuo ng luha sa paligid ng kaniyang mga mata.
Pero mas nanaig ang kaniyang
kagustuhan na malaman na buhay pa si Ryan kaya naman binuhos niya ang lahat ng
kaniyang lakas makawala lang sa kaniyang kapatid.
Nagtagumpay siya.
Mabilis siyang tumakbo papalapit kay Ryan. Agad nawalan ng lakas ang
kaniyang mga paa at agad siyang napaluhod sa paanan nito nang makita niya na
nababalot ng dugo halos ang kabuuan ng mukha ni Ryan.
“Haven’t
you done enough already?!” sigaw ni Dan sa kaniya nang mapansin siya nito.
Natigilan siya. Matagal siyang napatitig sa naghihinagpit na mukha ng taong may
ilang minuto lang ang nakakaraan ay nais niyang saktan. Napailing siya sa
sinabi nito.
“Hindi ko
sinasadya---” agad na naputol ang nais niyang sabihin nang may tumigil na
ambulansya malapit sa kanila. Agad siyang hinila ng isa sa mga responder palayo
kay Ryan. Kasabay nito ay ang pagdating ng mga pulis.
Nang mailagay na sa stretcher si
Ryan ay agad na yumakap si Dan kay Mike na hindi naman ipinagkait ng huli
habang ang mga tao sa paligid ay walang pagaalinlangan na dinuduro siya sa mga
pulis bilang may gawa ng kaguluhan na iyon. Muling bumagal ang kaniyang mundo.
Habang sinasara ang pinto ng ambulansya ay naririnig niyang nakikipagusap ang
kaniyang kapatid sa mga katrabaho nitong pulis. Nakikiusap na bigyan siya na wag
saktan ang kaniyang nakatatandang kapatid at sasama naman daw ito ng tahimik sa
kanila.
“You have
the right to remain silent---” hindi na niya nagawa pang pakinggan ang sunod na
sinabi ng pulis na umaakay sa kaniya papasok ng police mobile dahil walang
ibang rumerehistro sa kaniyang isip kundi ang itsura ni Ryan.
Duguan.
Wala ng buhay.
“Melvin,
susunod ako sa presinto---”
Wala na lang nagawa si Melvin
kundi ang tignan ng paulit-ulit ang mga mukha ni Dan, Mike, ng kaniyang kapatid
at papalayo ng papalayo na ambulansya kung saan sinakay si Ryan.
Ooo000ooO
“Kuya---”
tawag pansin ni Martin sa kaniyang kapatid. Wala parin siya sa kaniyang sarili
habang tinatanong siya ng mga pulis tungkol sa nangyari dahil ang tanging laman
ng isip niya ay si Ryan.
“Hindi na
sila magsasampa ng kaso. Kuya, kailangan mong magbigay ng statement.” Malungkot
at nanghihina ng saad ni Martin. Hindi parin ito magawang pansinin ni Melvin
dahil abala parin ang kaniyang isip sa pagiisip ng mga nangyari.
Sa mag nangyari kay Ryan.
“Kuya---”
simula ulit ni Martin.
“Kuya, wag
mo kaming itulak palayo please.” Pagmamakaawa ni Martin. Tila may pumitik sa puso
ni Melvin. Hindi niya napigilan ang sarili na tignan ang kaniyang kapatid
derecho sa mata.
Nawala na sa kaniya si Ryan.
Hindi na niya kaya pang may mawala sa iilang tao na mahalaga sa kaniya. Agad
siyang lumapit sa nakababatang kapatid at yumakap dito. Muli niyang naramdaman
ang mahigpit na yakap ng kaniyang kapatid. Iniyukyok niya ang kaniyang sarili
sa matipuno nitong dibdib at hindi na napigilan pang mapahagulgol.
“I’m
sorry!” saad niya sa pagitan ng kaniyang pagiyak.
Paglabas nila kaniyang kapatid
sa isang silid kung saan nagbibigay ng salaysay ay agad tumama ang kaniyang mga
mata sa mga taong nakaharang sa kaniyang dadaanan. Andun si Mike, Dan at ang
kakambal na kapatid ni Ryan na si Bryan. Mabilis na gumalaw si Dan, sinanggahan
ni Martin ang kaniyang kapatid at pumikit na si Melvin, inaasahan na ang
malakas na suntok na papakawalan ni Dan pero hindi ito dumating, bagkus
mahigpit na yakap ang kaniyang natanggap mula dito.
Nagulat siya. Maging si Martin
ay nagulat.
“He’s going
to be OK.” Bulong ni Dan na muling nakapagpahagulgol sa kaniya.
“Pasalamat
ka dumaplis lang yung bala kundi ako mismo ang papatay sayo kung sakaling may
mas Malala pang nangyari kay Ryan.” Nanggigigil na saad ni Bryan.
“Bry--”
saway ni Dan kay Bryan na agad naming tumahimik.
“Gusto mo
ba siyang makita?” tanong ni Dan kay Melvin na nagalangan pang tumango.
“Bakit
napakabait mo sakin? Nagi-guilty ka ba dahil nangyari to dahil sa pagsama mo
kay Mike? Gusto mo ba na kami ni Ryan ang magsama para lang sabihin na hindi
ikaw ang nangiwan at masama?” nanghihinang saad ni Melvin, hindi makapaniwala
sa kabaitan na ipinapakita ni Dan.
Napapikit si Dan.
“Sa totoo
lang, Oo, nakokonsensya ako. Pero alam mo ba kung bakit ko napagdesisyunan na
iwan na si Ryan maliban sa pambubugbog niya sakin? Kasi alam kong magbago at
tumigil man si Ryan sa pambubugbog niya sakin ay alam kong hindi parin kami
para sa isa’t isa.”
“Anong ibig
mong sabihin?”
“He often
talks about you in his sleep.”
Sa
sinagot na ito ni Dan natigilan si Melvin.
“I-I want to see him.” Wala sa sariling saad ni
Melvin. Tumango si Dan na agad naming tumingin kay Mike na siyang nagbigay din
ng isang pumapayag na tango.
“Absolutely not!” sigaw ni Bryan na agad naming
tinignan ng masama ni Dan.
“Don’t give me that look Danny. Hindi ‘to
mangyayari kung hindi dahil sa addict na yan! Who knows kung ano pa ang kayang
gawin niyan.” Galit paring saad ni Bryan na tila naman tumadyak kay Melvin.
“Melvin loves your brother. Hindi sadya yung
nangyari kanina---”
“Hindi sadya because he was aiming for you!” balik
pakikipagtalo ni Bryan na agad naming sinagot ni Dan.
“Then if may masamang nangyari sakin saka kayo
magfile ng kaso against Melvin. Pero ngayon, mas kailangan siya ni Ryan.”
Pagpupumilit ni Dan sabay hatak sa braso ni Melvin palabras ng presinto.
Walang
nagawa si Martin, Mike at Bryan kundi ang sumunod sa dalawa.
Tahimik
ang lima habang binabagtas nila ang daan papunta sa ospital. Si Martin ang
nagmamaneho, si Bryan sa harapan, kunot ang noo at malalim ang iniisip. Sa
likod, ay pinagigitnaan ni Mike at Dan si Melvin na tila ba hindi parin alam
ang kaniyang nararamdaman. Masaya dahil alam niyang buhay pa si Ryan, malungkot
dahil hindi niya sinasadya na saktan ito at takot dahil kahit na alam niyang
buhay ito ay hindi naman niya alam ang epekto ng pagkakadaplis ng bala sa ulo
nito.
Pabilis
ng pabilis ang tibok ng puso ni Melvin habang papalapit ng papalapit sila sa
ospital kung saan inadmit si Ryan, hindi niya mapigilan ang sariling mga kamay
na manginig sa takot at kaba, pinagpapawisan siya ng malamig. Hindi ito
nakaligtas kay Dan na agad namang hinawakan ang kaniyang kamay at pinisil ito.
Hindi
niya inaasahan ang ganong suporta lalo na galling kay Dan. Madami siyang
nagawang kasalanan dito pero aminin niya man o hindi ay welcome ang suporta na
iyon. Ito ang pinagkukunan niya ng lakas ng loob. Pagkaparada ng sasakyan ay
mabilis na bumaba si Bryan at Dan, sinundan ni Martin tanging si Mike at Melvin
lang ang naiwan saglit sa loob ng sasakyan na kinuwa namang oportunidad ni Mike
upang ilabas ang kaniyang saloobin laban kay Melvin.
Nakaramdam
si Melvin ng mahigpit na pagkapit sa kaniyang braso. Ibang iba sa pagdampi ng
kamay ni Dan sa kaniyang kamay. Kung ang hawak ni Dan ay may halong suporta,
ang hawak na ito ni Mike ay may halong pagbabanta.
“You don’t deserve this kind of treatment from Dan.
Kung siya napatawad ka na, ibahin mo ako. I’m warning you, Melvin. Saktan mo si
Dan, maski sa salita lang ako na mismo ang makakalaban mo.” Puno ng lason na
saad ni Mike kay Melvin.
“Sana nagkakaintindihan tayo.” Pahabol pa ni Mike
bago pa buksan muli ni Dan ang pinto upang sunduin sila Melvin at Mike sa loob
at upang malaman narin kung bakit nagtatagal ang dalawa.
“Melvin?” tawag pansin ni Dan.
Nangingilid
luhang tumingin si Melvin kay Dan habang si Mike naman ay bumababa na ng
sasakyan. Hindi mapigilan ni Dan na maawa kay Melvin. Alam niya na hindi
karapatdapat na pakitunguan niya ng ganon ang lalaking siyang sumira sa buhay
nilang lahat pero alam niyang pwede pang matulungan ito na magbago.
“We’re here. Wag kang magalala, hindi ka naming
iiwan.” Saad ni Dan na lalong ikinagulat ni Melvin ngunit ang sinabi ding ito
ng nauna ang siyang nagtulak sa kaniya na lakasan ang loob sa puntong iyon.
000ooo000
Walang
pakielam si Melvin kung mababaw lang ang tinamong sugat ni Ryan, na kailangan
lang tahiin ang sugat at obserbasyon lang ang gagawin dito dahil kahit gaano
man kababaw at ka simple ng sugat nito ay hindi parin non mababago ang
katotohanan na nasaktan niya ito. Na siya ang dahilan kung bakit ito nasa
ospital ngayon.
“Bakit po tutulog-tulog parin siya, Doc?” tanong ni
Bryan na siyang bumabagabag sa isip nilang lahat.
“I think his body is just compensating sa stress na
naramdaman nito for the last twenty four hours. Anytime now pwede na siyang
magising.” Saad ng duktor na siyang pinanghawakan nilang lahat. Matapos non ay
agad na nagpaalam ang duktor na pinasalamatan nilang lahat.
Mabilis na humarap si Dan kay Mike
na agad naman itong binalot ng mahigpit na yakap. Lumuluha ang nauna dahil sa
saya na wala na sa panganib ang buhay ng kaniyang dating kasintahan. Si Martin
naman ay napaupo sa isa sa malapit na upuan at napabuntong hininga, walang duda
na masaya siya na tapos na ang problema na kinakaharap ng kaniyang kapatid lalo
pa at hindi naman magsasampa ng kaso ang kampi ni Ryan.
Pumasok na muli ng kwarto si Bryan
at sinundan ito ni Melvin. Ngayon pa lang muling malalapitan ni Melvin si Ryan.
Hindi nanaman niya napigilan ang sisihin ang sarili at mapaluha sa kaniyang mga
nagawa. Kasalanan niya ang lahat. Tama si Mike at Bryan. Siya ang sumira sa
buhay ng lahat ng tao na nasa kaniyang paligid ngayon.
“Maybe you should go home first and rest for a
bit.” Saad ni Bryan. Walang narinig na tono ng pagpapaalis si Melvin dito na
ipinagpasalamat naman niya.
“Sana payagan mo ako magstay dito. Gusto kong
makita kapag nagising na ulit si Ryan.” Nagaalangang saad ni Melvin. Nagpakawala
ng malalim na buntong hininga si Bryan.
Binalot
sila ng katahimikan. Si Bryan ay buo paring nagaalala sa kaniyang kakambal
habang si Melvin naman ay nagaalala sa maaaring maging tugon ni Bryan. Habang
nagaantay ng isasagot si Melvin ay hindi niya rin mapigilang titigan ang
kakambal ni Ryan. Pareho ang mga ito ng porma ng mukha, labi, ilong, mata maski
ang kulay ng mga ito ay pareho pero hindi niya rin mapigilang isipin na malaki
ang pagkakaiba ng dalawa.
Di
tulad ni Bryan, si Ryan ay nagsisimula ng mangayayat. Ang dati nitong
matipunong katawan ay unti-unti ng napapabayaan at kinakain ng bisyo ang mga
mata nito ay napapalibutan na ng maiitim na bilog na siya sa paligid ng
kaniyang mga mata. Muling binalot ng pangongonsensya sa sarili.
“Kasalanan ko
kung bakit nagkakaganito si Ryan.” Maluluha ulit na saad ni Melvin sa
kaniyang sarili.
“Do you love him?” wala sa sariling tanong ni Bryan
na ikinagising ni Melvin sa kaniyang malalim na iniisip.
Muling
ibinalik ni Melvin ang tingin niya kay Bryan.
“Yes. I love him.” Pag-amin ni Melvin.
Iyon
ang unang pagkakataon na inamin niya ang kaniyang nararamadaman kay Ryan sa
ibang tao at nagulat siya nang mapagtanto niya na nakakagaang pala sa
pakiramdam na sabihin iyon.
“I love him very much.”
“Kaya ba ng pagmamahal mo na ibalik siya sa dati?
Yung masiyahin na Ryan, yung laging nakangiti. Yung hindi nambubugbog ng mga
kakilala niya, yung hindi gumagamit.”
“I---” di alam ni Melvin ang kaniyang isasagot kay
Bryan kaya naman hindi niya maituloy tuloy ang kaniyang sasabihin.
“Unless you can bring him back to his old self then
hindi ko mapapayagan na lagi kang andyan sa tabi niya.”
000ooo000
Lumipas
ang ilang mga araw at hindi nakita nino man na umalis sa tabi ni Ryan si
Melvin. Aalis lang ito kapag uuwi saglit upang kumuwa ng mga damit pamalit o
kaya naman ay bibili ng makakain.
“Melvin, sige na pahinga ka muna ako na muna ang
magbabantay dito.” Saad naman ni Bryan kay Melvin na agad naman umiling bilang
pagprotesta.
“Sabi ng doctor anytime daw pwede na gumising si
Ryan. Gusto ko siya makita na gumising.” Saad ni Melvin habang nakatitig kay
Ryan na tila ba sa puntong iyon didilat si Ryan.
“Melvin--” malungkot na saad ni Bryan.
Hindi
na muna kasi umaasa si Bryan na gigising nga sa puntong iyon ang kaniyang
kapatid. Ilang araw na ito inaasahan na magmulat manlang ng mga mata pero hindi
parin ito magawa ng kaniyang kakambal kaya ito ang nais sabihin niya kay Melvin
sa puntong iyon na huwag muna umasa at asikasuhin na muna ang sarili. Alam
naman niyang nakokonsensya din si Melvin maliban sa talagang mahal nito ang
kaniyang kapatid kaya gusto nito manatili doon pero hindi naman niya hahayaan
na pabayaan naman ni Melvin ang sarili.
“Ryan?!” sigaw ni Melvin nang makita niyang
nagdilat na sa wakas si Ryan ng mga mata na ikinagulat ni Bryan at
ikinabalikwas nito sa kaniyang kinauupuan.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” sunod na tanong ni
Melvin nang makita niyang inabot ni Ryan ang kaniyang sugat.
“Nasan si Dan?” garalgal na tanong ni Ryan na
ikinabura ng ngiti ni Melvin.
“He’s with Mike.” Sagot naman ni Bryan na agad
ikinagalit ni Ryan.
“How long was I out?” tanong nanaman ni Ryan habang
iginagala ang kaniyang tingin lalo na nang makita niyang madilim na sa labas ng
bintana ng kaniyang kwarto sa ospital na iyon. Nagsisimula na siyang gumalaw
mula sa kaniyang pagkakahiga at sinubukan ng hilahin ang kaniyang swero na tila
ba ipagpapatuloy ang kaniyang naiwang pakikipagsuntukan kay Mike.
“One week.” Sagot ni Bryan na tila ba naiinis na sa
ikinikilos ng kakambal.
“What the hell! This is all your fault!” nanlilisik
mata na saad ni Ryan kay Melvin na agad naman naniklop.
“Drop it!” malakas na sigaw ni Bryan. Agad na
ipinaling nila Melvin at Ryan ang tingin nila kay Ryan.
“You lost! He doesn’t love you anymore! You almost
killed him remember? Sa tingin mo sinong magtyatyaga sayo sa ganyang paguugali?!
He’s happy with Mike now!” pagpapatuloy pa ni Bryan na lalong ikinagalit ni
Ryan. Mabilis itong bumangon sa kaniyang higaan ngunit dahil wala naman itong
kinakain sa loob ng isang linggo at tanging swero lang ang nagbibigay sustansya
dito ay mabilis itong nanghina agad itong napaupo sa sahig.
Mabuti at mabilis siyang nasalo ni
Melvin pero nanlalaban parin ito. Napansin ni Melvin na hindi rin kayang
matanggap ni Ryan ang sinasabi ngayon ng kapatid nito kaya naman ay inawat na
niya ito bago pa lalo itong magwala.
“Bry, tama na.” tila naman nahimasmasan si Bryan sa
sinabing ito ni Melvin. Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at kalmado
ng tumingin sa kaniyang kapatid, hindi nababawasan ang kagustuhan na ipamukha
sa kaniyang kapatid na mali ang ginagawa nito.
“Hindi mo ako kaya, Ryan.” mahinahon ng saad ni
Bryan na ikinagalit ulit ni Ryan na sumigaw ng malakas, bilang pag protesta sa
sinasabi ng kapatid. Tumayo si Ryan na ikinahila ng swero nito at sumugod sa
kapatid pero bago pa ito makabato ng suntok sa mukha ng kakambal ay agad itong
nanghina.
Nagawa
itong saluhin ni Bryan pero agad na nagpumiglas ang kakambal at itinulak siya
palayo. Sa puntong ito ay nagsimula ng umiyak si Bryan. Ayaw niyang nakikita na
nagkakaganito ang kapatid pero nais niyang isatama ang buhay nito kaya sinasabi
niya ang lahat ng kaniyang sinasabi ngayon.
“Don’t make me give up on you too.” Singhal ni
Bryan pabalik sa kaniyang kakambal.
“Bry---” simula ulit na pagsaway ni Melvin pero
hindi siya pinakinggan ni Bryan.
“No! He needs to hear this. Dan already gave up on
him and he can’t afford to lose anybody else. If he’s not going to snap out of
this then he’ll be alone in no time.” Pagtatapos ni Bryan sabay labas ng
kwarto. Hindi na kinaya na panoorin ang kaniyang kapatid sa pagsinghap, tanda
na pinipigil nito ang mga luha na dumaloy mula sa mga mata.
“Ry--- ” simula ni Melvin nang makalabas na si
Bryan. Nilapitan niya ito pero agad siyang hinawi ni Ryan at sinubukan ng huli
na tumayo pero napaupo lang ulit ito sa kama. Magsisimula na sanang magsalita
ulit si Melvin pero agad itong humiga at pumaling palayo sa kaniya. Tanda na
ayaw nitong makipagusap sa kaniya.
Hinayaan
na ni Melvin na magpahinga na muna si Ryan. Lingid sa kaniyang kaalamanan ay
yun nap ala ang huling beses na maririnig niyang magsalita ang lalaking
kaniyang mahal, dahil sa loob ng mahabang panahon ay kakainin ito ng depresyon.
Isasarado ang sariling buhay sa buong mundo at sa lahat ng tao na nagmamahal sa
kaniya upang taguan ang sakit na alam niyang mararamdaman niya sa oras na muli
niyang buksan ang sarili at iwan ang mundo ng depresyon.
Itutuloy…
Against All Odds
BOOK 4 Chapter 1
By Migs
PAsensya na po sa matagal na pananahimik. May mga inayos lang po at maliban po don ay nawalan din kasi ako ng laptop na pwedeng gamitin para makapagsulat. Yes, nabura nanaman po lahat ng sinulat ko.
ReplyDeleteSana po ay patuloy niyo parin akong suportahan. Susubukan ko po na every week ay maga-update ako.
Maraming Salamat! Maaari niyo parin po kayong magsulat ng comments and suggestions o kahit violent reaction dito sa comments section.
I love you all! It's good to be back po.
MORE DRAMA TO FOLLOW. ;-)
Mr. Author!!!!!!! Twice ko nirefresh cp ko.. akala ko namalikmata lang ako... owwww emmmm geeee..... hindi pa ko tapos magmarathon ng stories mo eh. Hahaha... but, Im super duper happy that youre back in writing.... the pabitin effect magic is still there... hohoho..
ReplyDeleteTHE LONG WAIT IS FINALLY OVER! WORTH THE WAIT INDEED #AAO4 !!!! nauna comment bago basa lols hihi
ReplyDeleteI miss Dan and Mike so bad! Huhuhu
~maharett
INTENSE I MUST SAY ^_^
ReplyDeletePero i really missed reading your masterpieces. Back to the story: Ang ganda ng simula 4 major characters are back. Ito ung time na nagtapos ang AAO2? Hindi ko maaalala na may Melvin at Martin sa AAO2 but Im sure ibang Martin ito sa other stories mo right sir migs? Hehe.. Mabigat agad ang umpis at darker pa ata susunod scenes.. Wag mo na pahirapan si Dan pls lang utang na loob. Buti nagbago na tlga si Mike for good. As always malinaw sa feelings ang delivery. Aabangan ko tlga ito to the highest level hahaha. Thanks a lot Sir Migs. Stay safe and be inspired always para happy lahat. :)
~Maharett
welcome back! haha! -Nix
ReplyDeleteMaligayang pagbabalik sa mundo ng pagsusulat!!! Masaya ako na muli kong mababasa ang iyong mga akda.
ReplyDeleteMakoy
sa wakas!! Welcome back kuya miggy!!
ReplyDeleteSana tuloy tuloy na! Welcome back author!
ReplyDeleteWelcome back Migs.. Thank you for this new story.. I am sure, it is worth the wait..
ReplyDeleteasan na ang mga kasunoddddd??????/
ReplyDelete