Against All Odds 4[2]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Against All Odds
Book 4 Chapter 2
By Migs

      Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay hindi mapigilan ni Melvin na mamangha sa mga magagandang mata ni Ryan nang muli itong dumilat matapos ang mahabang tulog. Kulay light brown ito, mabibilog at maaamo, mga bagay na hindi pangkaraniwan sa mga pinoy. Ilang beses pang kumurap-kurap si Ryan na tila ba sinasanay ang kaniyang mga mata sa liwanag ng buong kuwarto. Hindi mapigilan ni Melvin ang mapangiti, hindi niya mapigilang ikumpara si Ryan sa isang sanggol na kagigising lang lalo pa nang matapos nitong kumurap-kurap ay binasa naman nito ang mapupulang labi at binukas-sara ang bibig na tila ba may nginunguya.


One. Two. Three.” Bilang ni Melvin sa kaniyang sarili at lalong lumaki ang kaniyang ngiti nang makita niya ngang kusutin ni Ryan ang kaniyang mga mata tulad ng nakasanayan nito sa tuwing gigising sa umaga.

One. Two. Three.” Muling bilang ni Melvin sa kaniyang sarili at hindi nga siya nagkamali nang itaas ni Ryan ang kaniyang magkabilang kamay at naginat.

                Noon lang napagtanto ni Melvin na saulado na nito ang bawat kilos ni Ryan, bawat mannerism at pati ang ugali nito kaya naman alam niyang may mali na sa mga nangyayari nang makita niya kung pano balutin ng lungkot ang mukha ng lalaking kaniyang mahal nang mapadako ang tingin nito sa nakakabit na swero. Binalot nadin ng lungkot si Melvin nang makita niyang tila ba may nagsuot ng maskara sa mukha ni Ryan.

                Isang maskara na siyang nagtago sa kahit na ano pang emosyon na maaaring nararamdaman ni Ryan ngayon. Maskara na siyang nagalis kay Melvin ng kakayahan na mabasa kung ano marahil ang pinagdadaanan ngayon ni Ryan. Sa hindi maintindihang dahilan ni Melvin, maliban sa lungkot ay bigla din siyang binalot ng takot at pangamba.


Kasunod nito ay ang pangingilid ng kaniyang mga luha.

000ooo000

                Nangangatal ang mga kamay ni Melvin habang tinitignan ng duktor si Ryan. Hindi na kasi niya napigilan ang sarili na sabihin sa mga nurse ang kaniyang naoobserbahan kay Ryan. Hindi ito umiimik kahit na kausapin pa niya ito, ni hindi ito tumitingin sa kaniya kapag may sinasabi siya dito, nakatitig lang ito sa kawalan na tila ba may malalaim na iniisip, kahit ngayon habang tinatanong ito ng duktor ay hindi parin ito umiimik, hindi inaalis ang pagkakatitig sa isang lugar.

                Sumisikip ang dibdib ni Melvin dahil sa takot. Bumababaw ang kaniyang paghinga at hindi parin tumitigil ang kaniyang mga luha na mangilid.

“Can I talk to you outside?” blangkong tanong ng duktor kay Melvin na tanging marahang pagtango lang ang sagot alam niya kasi na sa oras na magsalita siya ay mauutal lang siya at hindi siya maiiintindihan ng duktor.

“May pinagdadaanan ba si Ryan?” nagaalalang tanong ng duktor kay Melvin na hindi pa agad nakasagot.

“N-nung nabaril k—Nung nabaril po siya, nakikipagaway po siya nun para bumalik sa kaniya yung ex niya---” simula ni Melvin pero dahil napansin ng duktor na nahihirapan magkwento si Melvin ay siya na ang nanghula sa mga posibleng nangyari bago ang insidenteng yun.

“But before that meron na bang pinagdadaanan si Ryan?” tanong ulit ng duktor. Muling tumango si Melvin.

“Nagkaproblem siya sa school and with work after that. H-he also started u-using drugs--” nauutal na sagot ni Melvin, hindi niya gustong sabihin ang lahat ng iyon sa duktor na noon niya lang nakilala pero kung makakatulong ito kay Ryan ay handa siyang sabihin lahat.

                Mariin siyang tinignan ng duktor na tila ba sinusukat kung totoo ang sinasabi niya pero naisip din ni Melvin na baka malalim lang din ang iniisip nito, pinagkukunekta-kunekta ang mga bagay na kinuwento niya sa mga nangyayari ngayon kay Ryan kaya ganito nalang ito makatingin.

“Doc ano pong nangyayari sa kaniya? Dun parin po ba sa tama niya ng bala kaya ganyan siya?” naiiyak na tanong ni Melvin, hindi napigilan ang sarili lalo pa’t ilang segundo na ang nakakalipas simula nung huling nagsalita ang duktor. Umiling ang duktor at saglit na tumango, tila ba bumubwelo bago magsabi ng isang masamang balita.

“Sa tingin ko hindi na nakayanan ni Ryan ang nangyayari sa kaniya. Kinain na siya ng depresyon. Tingin ko rin hindi ito related sa tama ng bala na natamo niya but I suggest we do a repeat cranial CT scan para makasiguro---”

“Depressed?” tanong ni Melvin na tila ba ito lang narinig niya sa lahat ng sinabi ng duktor. Tumango lang ang duktor at nagsimula ulit magpaliwanag, idinetalye lahat ng test na ginawa niya kanina habang tinitignan si Ryan at ipinaliwanag kung ano ang ibig sabihin nun pero lahat ng ito ay hindi na niya naintindihan pa.

“When is he going to come out of it?” tanong ni Melvin na ikinatigil muli ng duktor saglit.

“Depende yan sa kaniya.”

                Muling binalot ng katahimikan ang dalawa. Nagsimula ulit mangilid ang mga luha ni Melvin. Saglit siyang pumitkit. Naninikip nanaman ang kaniyang dibdib. Patuloy parin sa pagpapawis ang kaniyang mga palad at nanginginig na ang bawat kalamnan sa kaniyang katawan.

“A-Ano pong dapat namin gawin?” sa puntong ito ay hindi na napigilan pa ni Melvin ang kaniyang mga luha at tuloy tuloy na itong kumawala mula sa kaniyang mga mata.

“He needs to know na nandyan lang kayo sa kaniya. He needs your support. Ilayo niyo siya dun sa mga bagay na pwedeng makapagpalala ng depresyon niya and then hopefully makabawi na siya mula sa depression.” Saad ng duktor.

                Pero kahit pa tila ba napakadali ng advise na iyon ng duktor ay tila ba walang tono ng kasiguraduhan ang mga sinabi nito. Hindi na narinig pa ni Melvin na nagpaalam ang duktor sa kaniya. Lutang na siya. Ang paligid niya ay tila ba naging isang malabong reception ng cable sa kanilang TV, maski ang maingay na paligid ay nawala din na tila ba may pumindot ng mute button at nang hindi na niya makayanan pa ang masamang balitang iyon ay  wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Ryan at pumasok. Naabutan niya itong nakapaling patalikod sa pinto, tila ba natutulog.

                Wala paring imik. Walang pinagbago mula nang iwan nila ito kanina.

Matapos sarhan ang pinto sa kaniyang likod ay hindi na niya kinaya pa ang kaniyang nararamdaman at napasandal siya doon at dahan dahang napadausdos papunta sa sahig at duon tahimik na umiyak. Pinipigilang mapahikbi ng malakas dahil alam niyang hindi maganda na maririnig pa ni Ryan na tumatangis siya dahil baka lalo lang ito balutin ng depresyon.

Ang hindi niya alam, nakatalikod man si Ryan sa kaniya ay alam parin nito na umiiyak siya at kahit gano katahimik pa siya umiyak ay rinig parin nito na tumatangis siya.

Isang matabang luha ang kumawala sa mata ni Ryan atsaka siya pumikit. Pilit binabaon sa kalooblooban niya ang kaniyang nararamdamang iyon. Pilit isinasaisang tabi ang sakit na kaniyang nararamdaman at hinihiling sa Diyos na matagal na niyang hindi nilalapitan na sana ay wala na siyang maramdamang kahit na ano pang emosyon.

Kahit yung mga masasayang emosyon?” tanong ni Ryan sa kaniyang sarili.

Mga alaala niya ang sumagot sa tanong niyang iyon.

                Naalala niya kung pano sila magtawanan noon ni Dan, kung pano sila magbiruan at kung paano sila maging sweet sa isa’t isa. Agad niyang binura sa isip ang alaalang iyon at isang matabang luha nanaman ang kumawala sa kaniyang mata kahit pa nakapikit na siya.

Masasaya o malungkot mang emosyon yan, ayoko ng maramdaman lahat ng yan.” Mariing saad ni Ryan sa kaniyang sarili.

Kapwa na lang sila tumangis ng tahimik ni Melvin.

000ooo000

                Galing sa nurse station si Melvin upang magtanong ng resulta ng laboratoryo ni Ryan nang makita niya si Dan at Mike na papalapit sa kaniya, walang duda na bibisita kay Ryan, maaaring nabalitaan na ng mga ito na gising na si Ryan. Muling binalot ng takot si Melvin pero alam na niya kung ano ang gagawin at buo na ang kaniyang loob.

                Agad na humarang si Melvin sa pagitan ni Dan at ng pinto papasok ng kwarto ni Ryan. Dahan-dahang nabura ang ngiti sa mukha ni Dan. Alam niyang may mali sa mga nangyayari. Mariing tinignan ni Dan si Melvin, kitang kita niya kung pano ito lamunin ng lungkot at desperasyon. Nangingilid ang mga luha nito.

“Melvin what’s wrong?” mahinang tanong ni Dan habang si Melvin naman ay hindi parin makatingin ng derecho sa kanilang dalawa ni Mike.

“I’m sorry. I-I can’t let you in--”

“Melvin?”

“Hindi na niya kailangang madepress lalo.” Malungkot, nauutal at umiiyak mang saad ni Melvin ay dinig na dinig parin ni Dan ang paninindigan sa tono ng sinabi nito.

“Melvin what do you mean---?”

“H-he won’t talk. Kahit pa kausapin ko siya ng kausapin. Kahit pa tanungin siya ng tanungin ng mga duktor at nurse. Nakatitig lang siya sa isang lugar. Ayaw niya kumain kahit pa subuan ko siya.”

“I don’t---” hindi maintindihang simula ni Dan pero tuloy tuloy parin ang kaniyang mga luha sa pagtulo na tila ba nagsasabing naiintindihan na niya ang nangyayari pero ayaw niya lang itong aminin sa sarili.

“Depression is eating him and we don’t know what to do. Four days na siyang ganyan. Natatakot na ako, Dan----”

                Tinitigan maigi ni Dan si Melvin at alam niyang hindi ito nagsisinungaling upang hindi niya lang malapitan si Ryan.

“I’m sorry Dan pero hindi kita mapapasok sa loob---” mariin paring saad ni Melvin sabay pahid sa kaniyang mga luha.

“Baka lalo siya malunod sa depresyon kapag nakita ka niya.”

                Tumalikod na si Melvin at ibinagsak ang pinto sa mukha ni Dan. Pilit na nagpapakatapang kahit pa alam niyang itinulak niya ang tanging taong nakakaintindi sa lahat ng kaniyang pinagdadaanan ngayon. Ang tanong umintindi sa kaniya sa mga nangyari at kaniyang mga nagawa.

“What the fuck?!” galit na saad ni Mike at pwersahan na sanang bubuksan ang pinto para kumprontahin si Melvin sa inasal nito at sa mga sinabi kay Dan pero agad siyang pinigilan ni Dan. Agad niya itong tinignan, agad na naglaho ang lahat ng kaniyang nararamdamang galit nang makita niya ang hayagang pagiyak na ni Dan.

“This is all my fault.” Umiiyak na saad ni Dan.

                Wala na lang nagawa si Mike kundi yakapan ang nagsisimula ng humagulgol na si Dan.

000ooo000

“Encourage him to eat. Hindi puwedeng sa swero na lang siya kukuwa ng nutrisyon habang buhay.” Nagaalalang saad ng duktor kay Melvin na nagbigay lang ng isang nanlalambot na tango.

“I know this is very hard for you too and I admire you for staying beside him lalo na ngayon na matindi ang pinagdadaanan niya pero kailangan mo siyang makumbinsi na kumain, ngayon pa lang bumababa na ang electrolytes niya sa katawan or yung mga tinatawag nating asin sa loob ng katawan natin, meron naman tayong mga gamot para macorrect yun pero mas maganda kung sa kinakain niya manggagaling ang mga iyon.” Saad ulit ng duktor, ngayon, mas nakumbinsi niya si Melvin na kailangan talagang mapakain na niya si Ryan.

                Nang magpaalam ang duktor sa kaniya ay siya namang paalam niya sa mga nurse para bumili lang ng pagkain para kay Ryan, malalim parin ang kaniyang iniisip kaya naman hindi niya napansin na nasa cafeteria na pala siya at pumipili na ng pagkain, malapit na siya sa dulo ng pila at babayaran na sana niya ang kaniyang mga binili nang magsalita ang nurse sa kaniyang likuran.

“Hi sir.” Bati nito sa kaniya. Tumango lang si Melvin at nagpakawala ng isang matipid na ngiti. Nakikilala niya ito, isa ito sa mga in-charge kay Ryan may ilang araw na ang nakakaraan.

“Tanda niyo po ako? Ako po si Reyna, in-charge po ako kay sir Ryan last two days ago. Musta po?” masayang bati nito sa kaniya at pangungumusta.

“Ayun, gising na si Ryan at pwede na kumain.” Matipid na sagot ni Melvin, nagpakawala ng ilang pekeng ngiti at saya sa tonos a kaniyang pagsasalita pero hindi ito kinagat ng nurse.

“Ah ganun po ba? Bakit po pang isang tao lang yung binili niyo?” tanong ulit ng nurse. Bahagyang natigilan si Melvin at nagpakawala ng isang mahinang tawa.

“Pasensya na sir ha. May pagka atribida talaga ako eh.” Namumulang pisngi na pagamin ng nurse na ikinangiti lang ni Melvin, bilang sabi na wala iyon sa kaniya. Magpapaalam na sana siya dito nang bigla ulit itong magsalita.

“Nung na-assign po kasi ako kay sir Ryan, napansin ko din po kasi na halos walang pagkain sa loob ng kwarto kundi biskwit at ilang sandwich o kaya chichirya galing sa vendo. Alam ko pong nagaalala kayo kay sir Ryan pero napapabayaan niyo nadin po ang sarili niyo. Simula po nung isang araw hanggang sa nagkita ulit tayo ngayon ang laki na po ng ibinagsak ng katawan niyo, sir.” Nagaalalang saad ni Reyna.

                Hindi nakaimik si Melvin at napatungo na lang sa sinabing iyon ni Reyna. Nun niya lang napagtanto na tama ito. Wala pa siyang maayos na kain simula nung na-confine si Ryan. Hindi niya mapigilang makaramdam ng konting lungkot. Nalungkot siya para sa kaniyang sarili.

“Sir, sana po yang binili niyo na yan para sainyo na, ha? Total may rasyon naman ng pagkain si Sir Ryan eh.” Nakangiti at puno ng buhay na saad ni Reyna saka nagpaalam kay Melvin. Saglit pa ulit na natigilan si Melvin at nang makita niyang umupo na si Reyna kasama ang mga kasamahan ay dun na lang siya nagising at mabagal na bumalik na sa kwarto ni Ryan.

000ooo000

                Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Melvin nang maabutan niya si Ryan sa ganon paring posisyon nang iwan niya ito may kalahating oras na ang nakakalipas. Lumapit siya sa bedside table ni Ryan at ginising ito ng marahan. Nagmulat ng mata si Ryan pero tulad ng nakagawian ay blangko lang ang tingin nito at wala ni isang emosyon ang makikita sa mukha nito, hindi ito naiinis dahil ginising siya ni Melvin sa pagkakatulog, hindi ito nasilaw sa maliwanag na ilaw ng kwarto, ni walang pagtataka sa mukha o ni hindi manlang nangulot ang noo nito bilang pagtataka kung bakit siya biglang ginising ni Melvin. Tila isa itong robot na dumilat lang dahil pinindot ng may ari nito ang ON button.

“Kain na. bumili ako ng beefsteak sa canteen. Mukha kasing matabang yung nirasyon sayo ng ospital eh.” Nakangiti at nangungumbinsing aya ni Melvin kay Ryan pero nagiwas lang ito ng tingin at tumitig sa isang sulok.

                Nangilid ang luha ni Melvin. Naisip niya kasi na ito na marahil ang ganti ni Ryan sa kaniya. Pero hindi parin siya pinanghinaan ng loob at inaya niya parin ito. Kinulit para kumain. Pero makailang beses man, kulitin man niya ito ng kulitin ay ni hindi nagbago ang expresyon nito sa mukha. Blangko parin. Nakatitig parin sa kawalan.

“Kailangan niyang kumain.” Tila ba pagpapaalala ng duktor sa kaniyang isip at ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob upang huwag sumuko. Itinaas niya ang ulunan ni Ryan upang hindi ito masamid habang kumakain at sinubukan itong subuan pero iniwas lang ni Ryan ang kaniyang bibig mula sa kutsara na may lamang kanin at konting ulam.

                Walang kahit na anong reaksyon. Hindi na napigilan pa ni Melvin ang maiyak at panghinaan ng loob.

“Sana para sainyo po yang binili niyo---” pagbabalik tanaw ng isip niya mula sa sinabi ni Reyna.

“Sige Ry, huwag na lang muna tayo kumain. Wala din akong gana eh.” Saad ni Melvin sabay punas sa kaniyang mga luha at nagpakawala ng isang matipid na ngiti sabay umupo sa watcher’s bed at itinuon ang pansin sa telebisyon, pilit na sinasaway ang sarili na huwag ng umiyak at maawa sa sarili.

                Hindi nagtagal ay napapikit na lamang si Melvin at nakatulog sa pwestong iyon nang sakto namang sumilip ang mga nurse upang tignan ang swero, kasama si Reyna upang bumisita sana. Agad na nagpanggap na tulog si Ryan. Habang inuusisa ng nurse na naka-assign kay Ryan ang swero nito ay nakita naman ni Reyna na hindi nagalaw ni Melvin o kaya ni Ryan ang binili ng nauna sa canteen may ilang oras lang ang nakakaraan.

“Tsk. Hindi nanaman sila kumain.” Mahinang saad ni Reyna.

“Psst! Wag ka ngang pakielamera.” Saway ng kaniyang kasamahan.

“Naawa lang ako sa bantay. Ilang araw nading hindi kumakain ng maayos yan. Laging sandwich o kaya chichirya galing sa vendo. Kita mo naman oh, ang laki ng ipinayat.” Naaawang saad ni Reyna na tahimik lang na sinangayunan ng kasama nitong nurse.

“Wag mo na lang sila pakielamanan.” Hindi kumbinsidong saad ng isa na hindi na lang sinagot ni Reyna sabay labas sa kwarto ni Ryan.

                Nang masiguro niyang wala na ang dalawang nurse ay palihim na sumulyap si Ryan kay Melvin. Doon nakita niya at napagtanto na tama nga ang nurse na pumuna sa pagbagsak ng katawan ni Melvin, dun niya nakita ang malalim at maiitim na eyebags nito at ang pamumutla nito.

“Sige Ry, huwag na lang muna tayo kumain. Wala din akong gana eh.” Umalingawngaw sa isip niya ang huling sinabi na iyon ni Melvin sa kaniya bago pa ito makatulog. Saglit niyang tinignan ang pagkain na inihain nito sa kaniyang tabi may ilang minuto lang ang nakakaraan.


Itutuloy…

Comments

  1. Pasensya na sa late update ulit. I love you all lalo na yung mga tuloy parin sa pagcomment. Comment lang kayo para mas ganahan pa ako magpost. hihi! :-*

    ReplyDelete
  2. Nice thanks sa update Migs.. Namiss ko to.. Danny, Mikee, Ryan tsaka syempre si Bryan makulet haha.. sana tuloy tuloy na ung updates.. May wattpad account ka ba otor?

    ReplyDelete
  3. Sana tuloy tuloy na ang updates author. We love you!

    ReplyDelete
  4. Kuya migs update pa po nakakabitin po ihh :( sana po regular ka na mag update tagal na din akong nakaabang sa mga sinusulat mo mula siguro mag 3 taon nadin.. Sana po mag continue ka pa magsulat :)

    ReplyDelete
  5. Hi kuya Migs! I hope naaalala mo pa ako. Hahaha. :D
    Isa ako sa mga silent readers mo at na inspired mo ako na gumawa ng mga kwento (although SPG nga lang at nasa ibang sites. Lol) at masasabi kong isa iyon sa pampaalis ko ng stress at frustrations sa buhay. I am so thankful at nakita ko at nabasa ko ang stories mo. Idol kita talaga! :)
    After 5 years I'm back dito sa blog mo at favorite ko talaga ang mga stories mong AAO. Nagulat ako at na excite nung kwento na ni Melvin at Ryan ang pinost mo! Heto talaga ang hinihintay ko eh. Galingan mo po, I know busy ka kaya ingat ka palagi! :)

    Hope to see you in person! Ciao! Mwaah! <3

    ReplyDelete
  6. Galing....galing....galing
    Salamat sa update!

    Makoy

    ReplyDelete
  7. Hooray! Thanks sa update. Looking forward for the next chapters of this story.

    James

    ReplyDelete
  8. Ayun yehey hehehehehe may update na i'm so happy

    ReplyDelete
  9. Finished the series and i'm back here. Haha. Nagcomment ako ilang stories before this. Haha. Kailan po ang next update? Thanks! Cheers!

    -Paulo

    ReplyDelete
  10. Hello migz hehehe ala lang namimiss ka na ng mga readers mo

    ReplyDelete
  11. Miss ko na mga gawa niyo ni kuya zeke saka kuya joemar. :(

    ReplyDelete
  12. Hi migz...
    When po ang update.. sana po may kasunod n. Excited akong mabasa ang part na maguusap si melvin at ryan for the first time after ng accident n to. Sana soon ko na mabasa. Ang ganda ng stories mo kc migz. Thanks

    ReplyDelete
  13. Hi Migs! Matagal mo na ko fan ever since nag start ka mag post ng Love at its best. High school pa lang ako when I found your blog. And ngayon, I'm thrilled kasi meron pa pala ibang stories na na post after several years! Kasi last na nabasa ko was Against all odds Book 2. I didn't know na there's a kasunod pa pala! I visited your blog kasi binalikan ko ulit lahat from your first story hanggang sa last. Sisimulan ko na yung AAO 3 mo. Yung AAO 4, I hope matapos mo siya. I love your work! I hope it gets published because I WILL BUY IT. Seryoso. Love you! And continue to inspire people through your works ❤

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]