Imaginary Love 1

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Nakarinig ako ng malalakas na pagkatok sa pinto ng aking apartment na siyang gumising sakin sa mahimbing kong tulog, dahan dahan kong iniangat ang aking sariling katawan mula sa komportableng kama. Saglit kong sinanay ang aking sarili sa aking paligid habang pinipilit kong gisingin ang bawat kalamnan sa aking katawan at pilit na tinatandaan ang nangyari noong nakaraang gabi.


“You feel amazing.”


“Less talking more fucking.”

            Agad kong ibinaling ang aking mga mata sa aking tabi at hindi na nagulat ng makitang wala na akong kasama sa kama kong iyon. Hindi man ako nagulat ay hindi ko parin mapigilang makaramdam ng pagkadismaya.


“Sana lagi tayong ganito.”


“I never pegged you as a cuddling type.”


“You never pegged me as anything.”


            Napapikit ako sa naalala kong iyon. Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman parin akong pamimigat ng aking dibdib, siguro dahil in-expect ko na matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay hindi niya ako iiwan sa kama pagkasikat na pagkasikat ng araw at gigising ako na nakasubsob parin sa matipuno niyang dibdib at siya naman ay nakayakap parin ang matipunong braso sa akin.


“RYAN! Buksan mo na yung pinto please! Naiihi na ako!” sigaw ng kung sino man ang nasa pinto at kumakatok na siyang gumising sa akin sa mga iniisip kong iyon tungkol sa taong kasama ko lang noong nakaraang gabi.


            Pilit kong ibinaon ang kung ano man ang gumugulo sakin sa likod ng aking isip upang hindi mapansin ng aking best friend na may gumugulo sa akin sa oras na pagbuksan ko ito ng pinto. Nang masigurong wala ng kahit na anong emosyon ang mababakas sa mukha ko ay dahan dahan akong tumayo at naginat saka naglakad papunta sa front door ng aking inuupahang apartment.


“ANO BANG GINAGAWA MO AT ANG TAGAL MO NAMAN MAGBUKAS NG PINTO?!” singhal nito saka mabilis na pumunta sa banyo. Hindi nito sinara ang pinto kaya naman rinig na rinig ko ang lagaslas ng ihi nito, pero alam kong hindi iyon intension ni Ivan, alam kong hinayaan niya na nakaawang ang pinto ng CR para kahit abala siya sa pagihi ay nakakapagusap parin kami.


“Meron akong good news sayo!” saad nito habang umiihi padin at ako naman ay pumunta na sa kusina upang magtimpla ng kape.


“Hindi ka na virgin?” sarkastiko kong tanong sa aking kaibigan na nagpakawala lang ng isang malakas na tawa.


“The fuck?!” saad nito sa pagitan ng tawa na ikinangisi ko na lang habang nagtitimpla parin ng kape.


“Ibibigay ko lang ang v-card ko sa lalaking alam kong makakasama ko habang buhay no! Huwag mo akong itulad sayo na pakawala!” saad nito sabay flush ng toilet. Hindi na ako sumagot pa at umiling na lang. Ibinaling ko na lang ang pansin ko sa pagtitimpla ng kape.


“So ano yung good news?” tanong ko.


“Natanggap tayo sa residency program ng medicine!” halos pasigaw na saad ni Ivan na ikinagulat ko at muntik ng ikatapon ng mainit na tubig na isinasalin ko sa isang mug.  Saglit na nawala ang aking saya sa pagkakatanggap sa residency program nang marealize ko na muntik na akong mabanlian dahil sa kaharutan ni Ivan.


“Dahan-dahan naman sa pagsigaw at sa pagtalon-talon.” Irita kong balik dito na ikinairap na lang ni Ivan. Tinignan ko ito ng masama at tinignan lang ako nito ng mariin.


“Bakit ganiyan itusra mo? Lumabas ka nanaman kagabi at naginom no?” tanong nanaman sakin ni Ivan na lalo kong ikinairita. Binalik ko muli ang aking pansin sa tinitimpla kong kape.


            Don’t get me wrong, isa si Ivan sa mga tao na hindi ko kayang mawala sa buhay ko hindi dahil may lihim akong pagtingin sa kaniya kundi dahil sa tagal ng panahon na magkakilala kami ay hindi na matalik na kaibigan kundi parang isa ng kapatid pero minsan napapirap at naiinis parin ako sa kadaldalang taglay nito.


“Eh ano naman kung lumabas nga ako kagabi saka kung naginom ako?” tanong ko dito na ikinairap lang nito at inagaw ang katitimpla ko lang na kape.


“Pano kung bigla tayong ipatawag---” simula nito pero natigilan ito nang subukan kong agawin pabalik ang kape na inagaw niya sakin.


“Kape ko yan.” Balik ko sabay agaw sana sa mug ng katitimpla ko lang na kape pero mabilis si Ivan at nailayo niya agad sakin ang pusuelo.


“---ng head ng department of internal medicine para sa final interview tapos bangag ka?!” pagtatapos nito sa sinasabi niya sabay higop ng kape na inagaw niya.


“Malaki ang pagkakaiba ng bobo at lango sa alak. Pwedeng hangover nga ako pero confident akong masasagot ko kahit na anong itanong sakin ng department head.” Balik ko dito na ikinairap naman ni Ivan.


“Fine. Edi ikaw na ang matalino.” Saad nito sabay pout na ikinaismid ko naman sabay talikod dito at nagtimpla muli ng kape.


“Yun lang ba ang ipinunta mo dito?” natigilan si Ivan sa sinabi kong ito. Sabay punta sa lamesa sa tabi ng kama ko upang kuwanin ang cellphone ko at basahin ang mga text na hindi ko pa nababasa simula nung matulog ako kagabi.Hindi ako sinagot ng madaldal kong best friend na nagpatibay ng hinala ko dito.


 Kilala ko na ang bawat hilatsa ng sikmura ni Ivan at alam kong hindi lang iyon ang pakay nito. Sigurado akong nagpadala ng text sakin ang department secretary na nagsasabi kung sino sino ang natanggap sa program ng internal medicine at kung saan ang una naming duty kaya alam kong hindi lang iyon ang good news na sinasabi ni Ivan at hindi lang iyon ang pakay niya sakin sa umagang iyon.


Napangisi ako nang makita kong tama ako at nagtext nga ang sekretarya ng departamentong ngayon ay kinabibilangan ko pero ang ngisi kong iyon ay agad nabura nang makita kong may isang message pa akong hindi nababasa at nakalagay iyon sa ilalim ng pangalan niya. Sumulyap muna ako kay Ivan bago ito buksan, naabutan ko si Ivan na nakakunot ang noo pero nakaiwas sa akin ang tingin na tila ba pinagiisipang maigi kung magsasalita ba siya o hindi.


Napagpasyahan ko na buksan ang message na iyon pero hindi pa man lumalabas ang buong message ay dun naisipan ni Ivan na magsalita.


“Sinagot ko na siya.” Marahan na sagot ni Ivan na tila ba isinigaw niya sa aking tainga. Nabitawan ko ang aking telepono.


“W-What?” tanong ko kay Ivan sabay pulot sa telepono ko.


“Sinagot ko na si James---” nangingiting ulit ni Ivan. Saglit ko pang tinitigan si Ivan na nakayuko lang dahil siguro sa hiya pero mabilis ko na lang binawi ang aking reaksyon at nagpaskil ng isang malaking ngiti sa aking mukha.


“Kailan pa?! what happened sa career first before love life?” tanong ko dito habang patuloy parin ang pagngiti hanggang sa nagangat na ng tingin si Ivan at isinalubong iyon sakin. Ngumiti rin ito, di ko alam kung bakit pero tila ba may pumitik sa aking dibdib nang makita ang ngiting iyon ni Ivan.


“Kagabi lang.” nangingiti nanamang saad ni Ivan. Hindi ako makapagsalita, patuloy ang pamimigat sa aking dibdib.


“I know I promised na magfo-focus muna ako sa residency pero hindi ko na kaya pigilan pa eh. Mahal ko na ata siya.” Saad nanaman ni Ivan na nakapagpabigat ulit saking loob pero sa kabila nun ay nakangiti parin ako.


“Pano ba naman ako hindi mai-in love dun eh ang sweet sweet tapos super maaalalahanin, understanding at patient. Bihira na sa lalaki yun.” Tuloy tuloy na saad ni Ivan. “Siyempre hindi rin naman maitatanggi na gwapo rin si mokong tapos matalino pa. Alam mo ba na muntik na akong hindi makasama sa program ng medicine dahil sa taas masyado ng average niya non sa qualifying exams. Buti na lang may nagback out---” pagpapatuloy parin ni Ivan na ikinailing ko na lang. “---hindi ko rin maitatanggi na mayaman din si loko. Ngayon lagi na akong de-kotse kapag uuwi satin.” Pagtatapos ni Ivan na may marahan pang patalon-talon dahil sa excitement. “Tapos ang ganda pa ng katawan.” Habol pa ni Ivan sabay namula ang mga pisngi at humagikgik na kung tutuusin kapag tinignan mo ay parang isang dalagitang kinikilig sa kabila ng pagaalangan magkwento.


“I bet this is going to be a good year for me!” saad pa ni Ivan na may ngiting tagumpay. Siguro ay napansin ni Ivan ang pagiging tahimik ko sa isang tabi habang pinapanood siya kaya agad ako nitong binato ng tingin. Kumunot ang noo nito.


“Tapos ka na?” sarkastiko kong balik dito, pilit ibinabaon ang panibagong nararamdaman matapos kong marinig ang balita na iyon ni Ivan.


“Lagi ka talagang kontra bulate.” Saad nito.


“Kung wala ka ng sasabihin pwede ko na bang tapusin yung kape ko para masimulan ko na yung araw ko?” walang gana kong saad dito.


“Always the jerk.” Bulong nito.


“What?!” napapatawa kong tanong dito kahit pa narinig ko talaga ang sinabi niya.


“Wala, sabi ko wag mong kalimutan yung dinner mamya.” Saad ni Ivan na siyang bumura sa ngisi ko sa mukha.


“Don’t tell me you forgot?! Tae ka, Ryan. Med students palang tayo nila James tradisyon na natin ang dinner every Sunday kasama ang grupo! Pambihira ka talaga! Kapag hindi ka nagpakita mamya tatangganglan kita ng itlog!” nagngi-ngitngit na saad ni Ivan sabay labas ng apartment. Hindi ko pa man nauubos ang aking kape ay wala sa sarili akong naglakad papunta sa aking kama at ibinagsak ang sarili doon at hinihiling na sana ay hindi lang si Ivan ang magkaroon ng magandang taon.

000ooo000

            Nang magpakita na ako sa grupo na tinatawag namin ni Ivan na mga kaibigan ay nakasingkwentang text at sampung missed call na sakin ang best friend ko. Wala akong balak pumunta pero alam kong hindi ako titigilan ni Ivan hanggang sabihin ko dito ang rason kung bakit ako hindi pumunta. Nagtilian ang tatlong babae na noon ko lang ulit nakita matapos namin pumasa ng board halos lamutakin na ng mga ito ang buong katawan sa kakayakap sakin at halos malamog na ang pisngi ko sa kakakurot nila at kaka beso sakin. Ramdam ko na tila ba  nasa akin ang tingin ng bawat tao sa loob ng restaurant na iyon.


“I missed you too guys!” Natatawa kong saad sa mga ito na mabilis na bumalik sa kanilang mga upuan.


“Ry, pare. Upo ka na.” aya sakin ni James tinanguan ko lang ito at saka umupo sa tabi ni Ivan imbis sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Agad akong nagsisi sa ginawa kong ito dahil pagkaupo na pagkaupo ko ay agad na akong tinitigan ng masama ni Ivan.


“Kanina pa ako tumatawag at nagtetext.” Galit na saad nito na ikinatawa ng malakas ng aming mga kaibigan.


“Hindi ka na nasanay kay Ryan.”


“Oo nga lagi namang late yan eh.”


“Oo nga babe. Give Ryan a break.” Saad ni James na sa lahat ng sinabi nila ay talagang ikinatense ng katawan ko. Napansin ni Amy na katapat ko ang pagtense ng buo kong katawan at nagcomment siya tungkol dito.


“Nakakapanibago no?” saad ni Amy sa aking direksyon. Mabilis kong ibinalik ang aking ngiti sa mukha at tumango.


“Hindi ko rin ine-expect na magiging magboyfriend na ang dalawang yan eh. Akala ko kapag consultants na tayo saka palang sasagutin nito ni Ivan si James.”


“Ay grabe kayo ha.” Kinikilig na saad ni Ivan na ikinatameme ko ulit pero mabilis kong binawi iyon dahil ayokong may makabasa nanaman ng aking mga reaksyon tulad ni Amy.


“Ready ka na ba umorder, Ry?” tanong ni James na mukhang nakahalata sa aking pagtahimik pero sa kabila nun ay lihim akong nagpasalamat dahil kahit papano ay nalihis na ang usapan. Tumango lang ako at tatawag na sana ng waiter nang unahan ako ni James.


“Magre-retouch lang ako ha.” Paalam ni Amy na sinundan naman ng dalawang babae, na nagsasabing habang iniintay daw ang pagkain na maihanda ay magre-retouch lang daw sila sa CR.


“Girls are weird.” Madaldal nanamang saad ni Ivan sabay hawak sa kamay ni James. Napako doon sa mga magkahawak nilang mga kamay ang tingin ko.


            Nagising na lang ako sa pagtitig na iyon sa kanilang magkahawak na kamay nang biglang sumulpot ang waiter sa aking tabi at tinanong ang aking order. Ibinaling ko ang pansin ko saglit sa waiter pero dahil hindi naman ganun kadami ang order ko, nung tumalikod na ang waiter ay bumalik muli ang aking tingin sa magkahawak na kamay nila James at Ivan. Saglit kong itinaas ang aking tingin at naabutan kong nakatingin din sakin si James, walang duda na nahuli niya akong pinapanood ang paghahawakan nilang dalawa. Naputol lang ulit ang titigan naming iyon nang biglang tumayo si Ivan na tila ba may misyon pa siya na nakalimutang gawin bago kumain ng hapunan


“Dahil dyan, ako din pupuntang CR pero hindi para magre-touch kundi para jumingle.” Humahagikgik na saad ni Ivan. Habang nagsisimulang maglakad si Ivan palayo ng lamesa ay agad kong nilabas ang aking telepono para kunwaring magtext.


“Ry---” simula ni James pero nagbingi-bingihan ako.


“Ryan, I’m sorr---”


“Don’t!” saad ko kay James. Pilit kong pinigilan na marinig ang galit sa tono ng aking boses pero hindi ako nagtagumpay. Sabay sabay na nagusbungan ang iba’t ibang emosyon na kanina pang umaga ko pilit na pinipigil lumabas. Simula kaninang umaga, simula nung nakita kong wala na si James sa tabi ko matapos naming pagsaluhan muli ang init ng aming mga katawan.


            Sinubukan nitong abutin ang kamay ko pero agad ko itong iniwas pero kasabay ng pagiwas ng kamay ko ay siya namang pagsalubong ulit ng aming mga tingin. Pilit kong tinanggal ang kahit na anong emosyon sa aking mukha pero alam kong hindi  ako nagtagumpay na gawin iyon nang makita ko ang lalong pagbalot ng lungkot sa mukha ni James.


“Tanga! Hindi siya nalulungkot kasi nakikita ka niyang nasasaktan. NAAAWA siya sayo. Naaawa siya kasi nagpakatanga ka at umasa na may ibig sabihin yung pagkakantutan niyo ng ilang gabi!” Saad ng utak ko na lalong nakapagpabigat ng aking loob. Muli sa pamimigat ng aking loob na iyon ay umarte akong walang nararamdaman.


“Ry---” simula ulit ni James.


“I said don’t!” pabulong kong singhal dito. Sabay tulo ng isang matabang luha na mabilis kong pinunasan. Ayaw kong ipakita kay James kung gaano ako nakakaawa. Ayaw kong ipakita sa kaniya na sa kabila ng matapang kong pagkatao ay iyakin lang din pala ako. Nakakahiya.


“Oh, wala parin yung food?” tanong ni Ivan sabay tayo ko at pilit itinatago dito ang aking mukha para hindi ito makahalata.


“Oh san ka punta?” tanong nito. Hindi ako humarap dito bago sumagot dahil baka makita niya ang mga luhang nagpupumilit paring kumawala mula sa aking mga mata.


“CR lang din ako.”


Itutuloy…

Imaginary Love 1

By: Migs

Comments

  1. Hi guys! pagpasensyahan niyo na muna itong story na ito. Ito na po muna ang ipo-post ko instead of Halaga. Kung nabasa niyo po yung post ko about sa pagcrash nung mac ko, ayun po, hindi ko na po ma retrieve yung files ko.

    Sa mga hindi ko nakakaalam or sa mga bagong readers at followers po: bago po ako magpost ng stories ay tinatapos ko muna ito. Ang HALAGA po ay tapos na four or five months ago, hindi ko lang siya mapost agad dahil sobrang toxic ko sa ospital at hindi naman po ako makapagpost ng hindi nage-edit. Kaya po ngayon, hindi ko na matandaan ang flow after ng chapter five.

    Eh bakit ako ngpost ng Imaginary Love? ito na po kasi currently yung tinatapos kong story, fresh pa siya sa utak ko. hindi tulad ng Halaga na ilang buwan na siyang tapos sa utak ko, nakakalahati na ako sa Imaginary love nung magcrash ang mac ko kaya inulit ko na lang siyang isulat. Huwag po kayong magalala, tatapusin ko po ang Halaga. Kaya hindi ko po masundan ngayon ang Halaga kasi ang utak ko po ay nasa plot na ng Imaginary love at natatakot akong maghalo sila.

    Unfortunately, kasamang nabura ng Halaga ang tatlo pang tapos ko ng stories. nakakapanghinayang talaga, pero ayun eh. :-( sorry na lang ulit guys at pagtyagaan muna ninyo ang Imaginary Love. :-(

    I love you guys, I hope hindi ito maging dahilan para iwanan niyo ang blog ko. :-(

    ReplyDelete
  2. We understand Migs. This is shaping up to be another great story. Just keep going and we will always read whatever story you post. Thanks!

    Rage

    ReplyDelete
  3. Awww... Its okay... I think this one is going to be a blast... Naeexcite ako sa mga susunod na mangyayari.... ^___^

    ReplyDelete
  4. Oo migs nkakalungkot na nawala pero ok lang. Ur still the best

    ReplyDelete
  5. Update na plss nakakabitin huhu

    ReplyDelete
  6. Nevetheless, your style of writting the best for me. Just go on and keep inspiring your readers. Be safe.

    ~maharett

    ReplyDelete
  7. Another masterpiece worth reading.

    Thank you!

    Makoy

    ReplyDelete
  8. Migoy! Pasensiya kana at nawala ako ng mataga. Hindi ko rin agad na basa ang message mo sa akin doon sa chatbox. Anyway, ang ganda namang simula ng kwentong 'to.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]