Imaginary Love 2

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Agad akong humarap sa salamin pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo. Nagsisimula ng mamugto ang paligid ng aking mga mata at namumula  na ang puti ng aking mga mata, pinilit kong isipin na huwag ng umiyak pero hindi ko ito magawa dahil nadin kahit anong pigil ko sa mga emosyon na bumalot sa akin ay natatalo parin ako nito. Dahan dahan akong yumuko at naghilamos, umaasa na baka mawala ang pamumula ng mga mata ko. Umaasa na baka mawala ang nararamdaman ko pero bigo ako.


“Bakit ka ba nasasaktan?!” naiinis kong tanong sa sarili ko.

“You are just someone to fuck para sa kaniya. Ikaw lang talaga yung tanga at inakala mo na merong something so stop crying. This is all your fault! Walang ibang dapat sisihin!” Panguudyo ko sa sarili pero bigo ako tuloy tuloy lang ang mga luha ko sa pag-agos mula sa mga mata ko.


“Sana lagi tayong ganito.”


“I never pegged you as a cuddling type.”


“You never pegged me as anything.”


            Napapikit ako sa naalala kong ito.


“Akala mo wala ng mamamagitan sa kanila ni Ivan. Umasa ka na walang mamamagitan sa kanila. Dahil akala mo hindi magiging sila, inakala mo na ngayon na may mamamagitan sainyo.” Saad ko nanaman sa sarili kong repleksyon.


“AKALA! AKALA! AKALA!” tila ba baliw ko paring pakikipagusap sa aking repleksyon.


“Ang tanga mo!”


“You feel amazing.”


“Less talking more fucking.”


“Akala mo hindi na sinusuyo ni James si Ivan.”


“Akala mo walang masasaktan.”


            Ilang beses na sumiksik sa isip ko si Ivan na siyang kaibigan ko simula pa nung mga bata kami. Pilit pinapaalala sa akin ng aking isip ang mga magaganda nitong nagawa sa akin at ang masaya naming pagkakaibigan.


“Napakawalang kwenta at napakasama mong kaibigan!” singhal ko ulit sa sarili kong repleksyon. Bigla kong naisip ang sasabihin ni Ivan sa oras na malaman niyang may namagitan sa amin ni James.


            Natigilan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si James.


“Ryan---” simula ni James pagkasara niya ng pinto.


            Nagtama saglit ang aming mga tingin pero agad kong iniwas ang aking tingin at ipinagpatuloy ang aking paghihilamos. Narinig ko ang paglapit ni James, mabilis akong dumaretso ng pagkakatayo at kumuwa ng pwedeng ipamunas sa aking mukha. Naramdaman ko ang malaking kamay nito na humawak sa aking balikat. Agad ko itong hinawi at naglakad n palabas ng banyo.


“P-Pinapasabi ni Ivan na y-your food is getting cold.” Saad ni James na muntik ko ng hindi marinig dahil ilang hakbang na lang ay nakalabas na ako ng tuluyan ng banyo. Hindi ko na ito pinansin pa at dumaresto na sa aking upuan.


            Pagdating ko sa lamesa ay agad napuna ni Ivan ang pamumula ng aking mga mata.


“What happened to your eyes?” tanong nito habang si James naman ay papaupo na ulit sa kaniyang upuan.

“Hangover.” Maikli kong sagot na ikinailing ni Ivan.


            Pinagdasal ko na sana ay kagatin nila ang palusot ko dahil maaaring magaling akong duktor pero hindi naman ako magaling na artista. Laking pasasalamat ko na lang at hindi na nila ako tinanong pa o wala ng napagusapan pa tungkol sa pamumula ng mga mata ko dahil sa totoo lang ay hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili na hindi umamin sa kanilang lahat ngayon.

Mas gusto kong tanging ako at si James lang ang nakakaalam ng totoo.

000ooo000

            Sa loob ng ilang araw ay pinagaralan ko kung pano maging bato at huwag ng masaktan o makaramdam ng kahit ano habang kasama ko si Ivan at James sa ospital habang nagduduty. Pilit kong hindi pinapansin ang paminsan-minsang pagsandal ni Ivan sa matipunong balikat ni James, pilit kong binabalewala ang pa-sweet talk ni Ivan kay James at nagbubulagbulagan ako sa tuwing binablot ng malalaking kamay ni James ang mga kamay ni Ivan.


            Pinili kong magpakalunod sa aking residency pero kahit anong tigas na ng puso ko at kahit lunurin ko na ang sarili kong utak sa aking mga ginagawa ay tila ba gustong gusto akong subukin ng pagkakataon.


“Until when are you going to ignore me?” tanong ni James habang nagra-rounds kami isang umaga, tulad ng nakasanayan ko ay hindi ko ito pinansin at tinuloy ang pagbabasa ng chart ng pasyente. May kung anong pumitik sa aking dibdib.


“Medical history. I should look for the patient’s medical history.” Saad ko sa sarili ko habang pilit paring hindi pinapansin si James.


“Ry---” muli, matapos kong marinig ang pagtawag na iyon sakin ni James ay tila may kumurot nanaman sa akin dibdib. Pilit ko ulit iyong hindi pinansin.


“RY!” medyo malakas ng saad ni James na ikinakuwa ng pansin ng ilang nurses na malapit samin. Mabilis kong isinara ang chart na binabasa ko at naglakad na palayo kay James pero naabutan ako nito at itinulak papasok sa isa sa mg bakanteng kwarto.


            Humarang si James sa pinto para hindi ako makalabas kaya naman nilakihan ko na lang ang espasyo sa pagitan namin. Kahit anong pagkukundisyon ko sa aking sarili na maging manhid na sa mga pasakit na pwede kong maramdaman ay hindi ko parin magawang labanan ang pagipon nanaman ng iba’t ibang emosyon sa aking dibdib. Pinagdasal ko na lang na huwag rumehistro sa mukha ko ang mga nararamdaman ko.


“I c-care for you, Ry. Nagaalala ako you haven’t been eating right---”


“Bullshit!” pabulong kong singhal dito habang pilit ko paring ginagawang blangko ang aking mukha mula sa iba’t ibang emosyon na nararamdaman ko.

“Ry---”

“If you fucking care for me you wouldn’t let this happen!” sabat ko dito habang lalong bumibigat ang aking dibdib.

“Hindi ko---” sa pagsisimula na iyon ni James ng kaniyang sasabihin ay hindi ko na maiwasang kumawala ang galit sa aking dibdib. Alam ko ang patutunguhan ng sasabihin na iyon ni James at aminin ko man sa sarili ko o hindi ay alam kong iyon ang totoo.


“Bullshit! Huwag mong sabihin sakin na hindi mo alam ang ginagawa mo o hindi mo sinasadya---!” simula ko. Yumuko na ako at pilit na pinakalma ang aking sarili lalo pa nang maramdaman kong nanginginig na ang aking mga kamay dahil sa galit. “---Bakit di mo sinabi sakin na hindi mo pala tinigil yung panunuyo mo kay Ivan?! Ano ako, libangan mo habang iniintay mo kung sasagutin ka o hindi ni Ivan?! Tangina James!” pagpapatuloy ko matapos kong mapakalma ang aking sarili pero ang kapalit naman ng pagkalma kong iyon ay ang panghihina at hindi ito nakaligtas kay James na agad lumapit sakin pero tinulak ko ito palayo.


            Hindi siguro inaasahan ni James ang malakas na pagtulak kong iyon dahil nakikita niya ang pagbaba ng resolba ko at panghihina ng aking mga kamay. Natigilan ito saglit at tinignan ko ito ng masama.


“Don’t you dare fucking touch me again.” Singhal ko kay James na noon ay mukhang nagsisimula ng numipis ang pasensya.


“I’m sorry Ok?! I’m sorry! Akala ko wala na talaga akong pag-asa kay Ivan he’s been hot and cold simula nung sinabi ko sa kaniya ang intensyon kong maging boyfriend niya but lately he’s been cold. Tapos andyan ka. I never thought you’d have feelings for me! Akala ko senseless fuck lang ‘to!” wala sa sariling pagamin ni James na ikinagulat ko. Pinagdasal ko na hindi iyon nakita ni James. Oo at ine-expect ko na ganun lang ang halaga ko kay James pero hindi ko alam na ganun parin pala kasakit kapag narinig ko ito ng darecho sa bibig niya. Alam kong rumehistro ang sakit na nararamdaman ko sa aking mukha at alam kong hindi ito nakaligtas kay James kaya agad itong tumigil sa pagsasalita.


“Para sayo, James, senseless fuck lang ang nangyari but for me that’s everything I ever wanted.” Mahina kong saad na ikinatahimik ulit ni James.


            Matagal kaming binalot ng katahimikan at nang masiguro kong hindi na magsasalita ulit si James ay nagsimula na akong maglakad palabas ng kwartong iyon.


“I don’t want to hurt him.” Habol ni James na tila ba ang huling dagok sakin. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit. Mabuti na lang at tumalikod na ako palayo kay James at hindi na nito nakita pa ang mga luha na bigla na lang kumawala sa aking mga mata, nagsimula na ulit akong maglakad palapit sa pinto pero pilit akong pinaharap ulit ni James sa kaniya. Ayokong gumawa ng eksena kaya naman pinahiran ko ang mga luha na naunang kumawala pero tila ba gripo ang mga mata ko na may maraming supply ng luha kaya patuloy parin ito sa pagagos.


“Pano naman ako, James? Nasasaktan din ako. Hindi mo siya gustong saktan pero ako OK lang na masaktan. Ganun ba yun?”


            Natigilan si James. Halatang hindi alam ang sasabihin.


“Paano naman ako? Nasasaktan din ako.” Halos pabulong ko ng saad dito sabay labas ng kwartong iyon.


            Pagkalabas ko ng pinto ay agad kong pinunasan ang aking mga luha at mabuti na lang ay ginawa ko ito dahil ilang saglit pa ay nagulat na lang ako at nasa harapan ko na si Ivan, nakangiti ito sakin at tila ba excited na excited. Pilit kong blinangko ang aking mukha ng kahit na anong emosyon pero hindi parin nakaligtas dito ang pamumula ulit ng aking mga mata.


“Are you OK?” tanong ni Ivan habang unti-unting nawawala ang ngiti sa mukha nito at napapalitan ito ng pagaalala.


“Hangover.” Palusot ko ulit. Muli itong umiling.


“Pano ka pa nagkakaoras para uminom?” tanong ulit nito na sinagot ko na lang ng simpleng kibit balikat. Ito pa ang isang bagay kong nakasanayan. Ang sumagot ng matipid at kaswal lang sa mga tanong ni James o kaya ni Ivan para hindi na humaba pa ang usapan at makalayo at iwas na ako sa mga ito.


“Anyway, alam mo ba kung bakit ako tuwang tuwa ngayon?” masaya ulit na tanong nito.

“Bakit?” matipid kong balik dito.

“Sabi lang naman ni Dr. Mariano, yung pinakamagaling na pulmonologist sa buong Pilipinas na ako na ang pinakamagaling na nakilala niyang residente for the past twenty years! Akalain mo yun?! I should consider being a pulmonologist noh? Tingin mo?” tanong nito pero hindi ko na ito nasagot nang biglang sumulpot si James.


“Babe! Alam mo ba---?!” masayang bati ni Ivan kay James. Agad akong sumimple sa pagtakas pero hindi pa man ako nakakalayo ay muli kong narinig nagsalita si Ivan, malayong malayo sa kaniyang masayang bati dito.


“Oh bakit parang badtrip ka? May nangyari ba?” tanong ulit ni Ivan.


            Pinilit kong maglakad ng mabilis dahil hindi ko na kailangan pang marinig ang kung ano mang isasagot ni James dahil alam ko naman ang sagot sa tanong na iyon ni Ivan. Nang makapasok sa changing room ng ICU ay wala sa sarili akong napasandal sa pader at napadausdos paupo habang nakasabunot sa aking buhok.


“Hindi ko na ata kaya.” Saad ko sa sarili ko habang nangingilid ulit ang mga luha ko.


            Hindi ko na kayang magmatigas, hindi ko na kayang sanayin pa lalo ang sarili ko na maging manhid at hindi ko na kayang umarte sa harap ni Ivan na parang wala akong ginawang masama dito.


            Hindi ko na kayang magpanggap na parang hindi ako nasasaktan.


            At isa lang ang solusyon ko para matapos ang pagtitiis kong iyon. Agad akong tumayo sa aking pagkakasalampak na iyon at tumuloy sa quarters namin, kinuwa ko ang kailangan ko doon at saglit na nagtrabaho ng tahimik saka tumuloy sa opisina ng aming chief resident.

000ooo000

            Magaang na ang aking loob. Sa loob ng ilang araw ay hindi maikakaila na mas magaang na ang aking loob ngayon. Hindi ko pa man makuwang ngumiti ay alam kong hindi magtatagal at muli na akong ngingiti. Kasabay ng magandang pakiramdam na iyon ay pinapanood ko ang magandang tagpo sa aking harapan. Magtatakip silim na. Kulay orange na ang buong kalangitan at unti-unti ng sinisindihan ang mga ilaw sa mga matatayog na building na nakapaligid sa ospital na iyon. Kitang kita ko rin ang maluluwag na kalsada sa paanan ng ospital na unti-unti ng napupuno ng mga sasakyan at mga taong nagkukumahog umuwi.


            Habang pinapanood ang aking paligid ay hindi ko maiwasang mapaisip kung tulad ba ng mga taong pinapanood ko sa paanan ng ospital ay may nanonood din ba sa akin na nakapwesto sa mas matayog na building sa paligid ko, nakaupo din kaya ito sa gilid ng helipad ng building nila katulad ko, may tinatakasan din kaya ito tulad ko.


“Ryan---”


            Mabilis akong napalingon matapos kong marinig ang boses na iyon ni James. Nakayuko ito at bakas ang lungkot o awa sa mukha nito, hindi ko alam . Mabilis akong tumayo mula sa aking, mabilis na binalot ang mukha nito. Hindi ko napigilang mapatawa sa reaksyon nito. Walang lamang ang pagtawa kong iyon.


“Do you really think I’d kill myself?” natatawa ko paring tanong dito kahit pa sabihin mong nasasaktan nanaman ako habang pinapanood si James. Tuluyan na nga ata akong nabaliw.


“No--” palusot na simula ni James. “—nagresign ka daw?” mabilis na pagbabago nito sa usapan na ikinagulat ko.


“Who told you?” tanong ko dito.


“Si sir Lester.” Sagot nito. Hindi na ako magtataka kung sinabi ito sa kanila ng chief resident namin. Malamang inaalam nito kung bakit ako nagresign mula sa aking mga kapwa residente.


“Why?” tanong ni James na muli ay ikinatawa ko. Muli walang laman ang tawa kong iyon.


“Tinatanong mo talaga ako, James?” balik tanong ko dito habang umiiling.


“Ry---” simula ulit nito.


“Tingin mo talaga magste-stay pa ako para panoorin kayong dalawa ni Ivan na magkurutan sa harap ko? Tingin mo magste-stay ako para marinig ang pagbe-baby talk niyo sa isa’t isa? Tingin mo panonoorin ko pa kayong maging masaya habang ako miserable?” sunod sunod kong tanong dito.


“But this is your dream. Being an internist is your dream---” simula ulit ni James pero muli ko itong binara.


“Don’t you fucking get it, James?! I’m hurting!” sigaw ko dito kahit pa unti-unti na akong nanlalambot mula sa maghapong drama at trabaho.


“Di bale na mapurnada ang pangarap ko basta ayaw ko ng masaktan!” pagtutuloy ko. Muli ay bumakas sa mukha nito ang lungkot, di malayong iniisip kung gaano ako ka-pathetic. Napailing ako.


“Ayaw ko ng masaktan.” Saad ko ulit habang naglalakad paalis ng ospital na iyon.


Itutuloy…


Imaginary Love 2
By: Migs

Comments

  1. Sorry at medyo natagalan nanaman ako sa pagupdate. :-/ thanks sa mga nagbigay ng suggestion kung pano gagawin sa mac ko, unfortunately di na siya magagawa. :-(

    Rage- thanks sa pagintindi. :-*

    Jemyro- Salamat naman at nakukuwa ko pa kayong ma-excite sa mga sinusulat ko. Thank you sa patuloy na suporta.

    Russ- :-( wala na yung mga stories ko. :-( Thank you at talaga namang hanggang ngayon after 5 years eh naniniwala ka parin sa mga sinusulat ko.

    Anonymous March 18, 2016 at 9:47 PM- pasensya na po, medyo busy parin po ako pero sinisikap ko po na magupdate ng mabilis. Pakilala po kayo next time na magcomment kayo para mapasalamatan at ma-address ko po kayo ng maayos. Salamat!

    maharett- thank you! gagawin ko ang lahat para mas mainspire pa kayo.

    Makoy- thank you! :-)

    PLEASE DO INVITE YOUR FRIENDS TO READ MY STORIES AND FOLLOW MY BLOG. I ALSO ENCOURAGE YOU GUYS TO COMMENT para naman malaman ko kung saan ko kailangang mag-improve. SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE ALSO WELCOME.

    I love you guys! :-*

    ReplyDelete
  2. 5 years is not enough migs..tatagal pa tayo..ako bilang reader mo at jkaw bilang writer..

    ReplyDelete
  3. This chapter hit me hard. Tagos na tagos. Ouch.

    Rage

    ReplyDelete
  4. Eh damang dama ko to...
    "Ayaw ko ng masaktan" - ryan
    Iiyak na ata ako. Chapter 2 pa lang.. Hahaha...

    Nako. Aasa na naman ako sa pag-ibig at bilis mg pag momove on saga susunod na chapters.. Haha..

    galing mo boss!!

    ReplyDelete
  5. Ang bigat agad. Idk, siguro may mali sa akin pero hindi ako masyado maka.connect sa eksena na mabigat masyado sa simula. Altho kita naman ung angle ng pinaghihigutan...basta.. anyways sir matagal na kitang sinusubaybayan since 2013, noong ina kong mabasa ang against all odds 1. Wala na akong masabi pa sa husay ng mga nabasa ko na. Be safe and inspired too.

    Yours,
    Maharett

    PS
    On my next post sa acct ko, i will plug your awesome blog/novels.

    ReplyDelete
  6. Any hirap ng situation ng ating bida.... sa sobrang sakit ng nararamdaman nya, ile-let go na nya ang pangarap nya....

    looking forward to the next chapters...

    thanks dear author!

    Makoy

    ReplyDelete
  7. Galing mo tlga sir MIGs..isa ka talagang mahusay na manunulat..
    Hihintayin ko parin ang halaga story mo..

    Salamat sa mga story mo.

    Silent readers,

    Breaillelance

    ReplyDelete
  8. Ang galing ng bawat scene mo sa unang dalawang chapter ng kwentong 'to, Migoy.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]