Imaginary Love 6

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Daig ko pa si spiderman sa bilis ng reflexes. Sa nakalipas na ilang araw na naka-admit si mommy sa loob ng ICU ay walang problema kong naiiwasan si Ivan at si James. Katulad ngayon, laking pasalamat ko at tinawag ako ng kalikasan at kinailangan kong magbanyo, kung hindi ay baka naabutan ako ni Ivan sa waiting area ng ICU, mabilis akong nakapagtago nang makita kong kinakausap ni Ivan si Daddy sa hindi kalayuan.


            Nararamdaman kong magiging malaking eskandalo ang mangyayari kapag nagkaharap kami ni Ivan, hindi naman kasi ganun kababaw ng nagawa ko sa kaniyang kasalanan, hindi na ako magugulat kung sa oras na magkasalubong kami sa hallway ay isang malutong na sampal ang isalubong nito sakin.


            Nagising ako sa iniisip kong iyon nang makita kong binalot ng lungkot ang mukha ni Daddy at nakita ko kung pano ito yakapin ni Ivan. Hindi maganda ang lagay ni mommy at hindi ito kaila samin ni daddy sapagkat pareho kaming duktor pero hindi ibig sabihin nun ay handa at hindi kami nalulungkot sa sitwasyon ni mommy.

            Nagsimula nang humikbi ang daddy. Hindi ko mapigilan ang manlambot. Imbis kasi na ako ang nagbibigay lakas ng loob ngayon sa aking ama ay ibang tao pa ang nagpapagaang ng loob nito dahil sa takot akong harapin ang mga taong nasaktan ko noon.


            Dahil alam kong wala parin akong lakas sa oras na iyon na harapin si Ivan ay mabigat ang loob kong iniwan muna si daddy kasama ang dati kong best friend at nagpalamig muna sa labas, sa isang coffee shop ako tumuloy at hindi ako nagsisi dahil nakatulong ang ambiance ng lugar sa pagiisip ko ng malalim. Nakatulong din ang inumin na aking iniinom para makapagpalamig.


“Is this seat taken?”


            Biglang nanigas ang buo kong katawan. Pamilyar ang boses na iyon, Oo at naging mas propesyonal na ang tono nito pero hindi ko maikakaila na boses ni Ivan iyon. Hindi ako nagkamali dahil nag magangat ako ng tingin ay nandun ang dati kong best friend sa aking harapan, katulad nung huli ko itong makita ay gwapo parin ito, maamo ang mukha, maputi, matangkad at balingkinitan parin ang pangangatawan pero imbis na ang inaasahang galit ang bumabalot na emosyon sa katawan nito ay basang basa ko sa mukha nito ang pagaalangan.


            Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Tahimik itong umupo sa bakanteng upuan sa aking harapan.


            Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko siya magawang tignan. Tanging ang paminsan-minsan kong pagdampot sa aking inumin at paglapag sa lamesa lang ang aking pinagkakaabalahan. Ilang saglit pa ay nagtense ang aking buong katawan nang marinig ko ang pagbuntong hininga ni Ivan. Wala sa sarili akong napasulyap dito at nagulat ako nang makita kong sa akin ito nakatingin at di tulad ng inaasahan ko ay wala paring galit sa mukha nito at ang pagaalangan kanina ay napalitan na ng lungkot.


“Di ka nagpaalam.” Simple nitong saad. Hindi ako kaagad nakasagot.


“Somehow na feel ko na hindi mo gustong magpaalam pa ako sayo.” Mahina kong sagot dito sabay yuko.


            Muli kaming binalot ng katahimikan.


“Bumalik siya sa apartment mo.” saad ni Ivan matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Muli kong isinalubong ang tingin dito at wala sa sariling nangunot ang aking noo.


“Naabutan niya ako sa dorm. Syempre nagsigawan kami--- or sinigawan ko siya---” simula ni Ivan sabay hagikgik pero may pagaalangan parin ito.


“After ko siyang sigawan tinanong ko kung bakit niya iyon nagawa sakin. Sinabi niya sakin kung panong nagsimula kayo nung dinededma ko siya, kung pano na sa tuwing nafru-frustrate siya sakin, sayo siya pumupunta---” pagtutuloy ni Ivan habang hindi napuputol ang aming titigan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pamimigat ng aking dibdib at nagsisimula nading mangimay ang aking mga daliri. Ramdam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan parin si Ivan. Hanggang ngayon sinasaktan ko parin siya.



“Ivan---” simula kong pagawat dito pero hindi ako nito pinakinggan.


“He told me that I took him for granted.” Pagpapatuloy ni Ivan sabay pakawala ng isang malungkot na ngiti.


“At first syempre hindi ko tanggap. Umiyak ako buong linggo. Alam mo naman ako, hindi pwedeng ako ang mali.” Saad ni Ivan sabay hagikgik. Malaking bagay dito ang pagamin niya ng mali kaya alam kong sinsero ang kaniyang mga sinasabing iyon.


“Pero ngayon, I realized na, Oo nga. I took him for granted. Mali nga ako. Tinulak ko nga sayo papunta sayo.” Pagtatapos ni Ivan, hindi ko mapigilang mangilid ang mga luha ko lalo na nang makita ko ang sinserong ngiti sa mukha nito.


“I’m sorry. Hindi ko gusto---” simula ko na siyang naging hudyat din para sa mga luha ko na tumulo. Agad din akong pinutol ni Ivan sa pagsasalita.


“Shhh!” simula nito sabay punas sa mga luhang kumawala sa aking mga mata. Kita kong nangingilid narin ang luha nito sa kabila ng magandang ngiti na nakapaskil sa mukha nito.


“Tama na ang drama. I want my best friend back.” Nakangiting saad ni Ivan na nakapagpatameme sa akin.


“I-I--” simula ko ulit pero agad na tumayo si Ivan sabay tapat sakin at hinila ako patayo at niyakap ng mahigpit. Nung una ay hindi pa ako makagalaw pero nang maramdaman ko ang higpit at sinserong yakap niya ay hindi nagtagal ay iniyakap ko nadin ang sarili ko dito.


“I’m sorry.” Bulong ko ulit habang pinipigilan ulit ang aking mga luha sa pagpatak lalo kong naramdaman ang higpit ng pagyakap nito.


“Kalimutan na natin yun.”


            Nang bitawan na namin ang isa’t isa ay nakangiti paring humarap sakin si Ivan, hindi ko nadin napigilan ang sarili ko na mapangiti. Sa puntong iyon, sigurado na ako na wala ng sasay pa na iwasan ko si Ivan at alam ko rin sa sarili ko na sa ilalim ng aking takot sa pagharap dito ay alam kong gustong gusto ko parin na maging kaibigan ito ulit.


“He came back for you.” Simula ulit ni Ivan na muling nagpakunot sa noo ko. Hindi na ako makasunod kung ano na ang pinaguusapan namin. Nakita siguro ni Ivan na hindi ako makasunod kaya agad niyang sinundan ang kaniyang sinasabi.


“After asking him why. I asked him if he loves you.” Nakangiting saad ni Ivan, ngayon naintindihan ko na ang sinasabi nito.


“Sabi niya he doesn’t know yet and he wanted to know kaya bumalik siya agad sa apartment mo pero---”


“Hindi na niya ako naabutan.” Pinagdudgtong dugtong ko ang nangyari nung gabing iyon limang taon na ang nakakaraan base nadin sa kwento ngayon ni Ivan. Saglit itong tumango.


“Where have you been, Ry?” tanong ni Ivan, rinig ko ang lungkot sa boses nito.


“Sa probinsya.” Nakangiti kong sagot. Mulik bumakas sa mukha ni Ivan ang ngiti ng makita ang ngiti kong iyon.


“Mukhang nagenjoy ka naman ata?”


“Nakakalimot ako sa sakit.”


            Muli kaming binalot ng katahimikan, hindi napuputol ang aming titigan. Inabot ni Ivan ang aking kamay na tila ba may gustong sabihin at ipaintindi sakin.


“Promise me you’ll talk to him?”


            Nagulat ako sa sinabing ito ni Ivan, hindi ako makapagsalita.


“He quit residency two days after you and came back one year after. Ibang iba na siya nung bumalik, Ry. Sobrang laki ng pinagbago niya nung bumalik siya, ni hindi ko na siya nakitang ngumiti, bihira magsalita, walang ginawa kundi magaral saka ayaw makipag kaibigan. Nung magkita ulit kami halos di kami magkibuan, parang mas nasaktan siya nung gabing yun kesa sakin---” simula ulit ni Ivan habang umiiling.


“--- siguro nasaktan din siya kasi pareho tayong nawala sa kaniya and somehow naisip niya yung mga nasira niya. Hindi lalagpas sa isa o dalawang sentence ang usapan namin ni James pero nung sinabi niya sakin na bumalik ka we actually talked for an hour, nagkamustahan it felt like everything is going back to the way they used to be. Well now, I hope na papunta na nga tayo dun.” Pahabol ulit ni Ivan at iniintay ang aking sagot sa huli niyang pahayag.


            Nakangiti akong tumango.


“I want my best friend back too.” Ngumiti ulit si Ivan sa sinabi kong ito.


“So… meron ka na bang special someone?” biglang tanong ni Ivan na kung umiinom lang ako ng inorder kong inumin ay baga naibuga ko ito sa mukha ni Ivan.


“W--” pero hindi ko na natuloy ang sagot ko dahil biglang nagring ang telepono ni Ivan, bilang isa ding doctor ay alam kong hindi pwedeng ipagpaliban ni Ivan ang tawag na iyon kaya naintindihan ko nang nagexcuse ito.


“Sorry. Yung isang residente nagtatanong ng gusto kong antibiotics.” Ngumingiting saad ni Ivan muli akong tumango at ngumiti.


“So---”


“Wala. Wala akong love life ngayon.” Nakangiti kong sagot kay Ivan na ikinakunot ng noo nito.


“Pero sabi ni James meron daw nagpakilalang partner mo nung nagkita kayo?” tanong ulit ni Ivan na ikinailing ko lalo pa nang maalala ko ang kalokohan ni Jeff.


“Si Jeff yun. Ang gusto niyang sabihin sana nun ay partners kami sa pagpapatakbo ng free clinic sa province hindi as boyfriends---”simula ko ulit pero bigla ulit nagring ang telepono ni Ivan. Kita kong umirap ito at nagbuntong hininga.


“Excuse me.” Paalam ulit nito muli akong ngumit at tumango. Sinilip ko ang aking telepono at nakitang may text sakin si Jeff pero hindi ko na nagawa pang basahin ang mesahe nito dahil narinig kong nagsalita ulit si Ivan.


“James.” Saad nito.


“Oo, alam ko na yung antibiotics para sa pasyente ko na yan---” irap ulit ni Ivan sabay ngiti na aking ikinakaba. Alam ko ang ngiting iyon ni Ivan at alam kong may pinaplano ito.


“Hey listen. I’m with Ryan right now---“ simula ni Ivan habang nakangisi padin. Naisip ko na kung ano ang kalokohang naiisip nito.


“--- yes nagusap na kami and we’re OK now pero hindi yun ang sasabihin ko sayo. He told me that he wants to talk to you---” nanlaki ang aking mga mata at iwinagayway ang aking mga kamay bilang sabi na huwag niyang ituloy ang kaniyang binabalak.


“Mamya daw. Dinner. OK lang?” tanong ulit ni Ivan habang inilalayo sa akin ang telepono na sinusubukan kong agawin sa kaniya.


“Ako?! Kasama?! Hindi ah. May convention ako bukas. Kailangan kong matulog ng maaga.” Natatawang pagsisinungaling ni Ivan.


“OK. Bye.” Humahagikgik na saad ni Ivan sabay ibinulsa ang kaniyang telepono.


“So mamya ha---” nangingiting saad sakin ni Ivan sabay tayo at tingin sa kaniyang relos.


“Magki-clinic pa ako eh. Iwan muna kita. Magtext ka lang kung gusto mo ulit makipagkita.” Nagmamadaling paalam ni Ivan. Halatang ayaw niyang magpagisa sakin sa kalokohang kaniyang ginawa pero hindi naman siya agad nakaalis dahil biglang sumulpot si Jeff.


            Bigla itong umupo sa aking tabi na agad namang binato ni Ivan ng isang nagtatakang tingin. Halatang kakagising lang nito, natatakpan pa ng magarang shades ang mata nito, nakaputing t-shirt na hapit sa kaniyang katawan na madalas kong nakikita na ginagamit nito bilang pambahay at naka basketball shorts at flipflops lang.


“Kababangon mo lang?” kaswal kong tanong dito habang nangingiti nang makita kong sinisipat ito ni Ivan.


“Malamang. Hindi mo ako ginising eh.” Garalgal na saad ni Jeff na tila ba hindi niya napapansin na may kasama ako sabay agaw ng aking inumin at ininom ito.


“Coffee here sucks.” Saad nanaman nito pagkatapos tunggain ang aking kape.


“How did you find me?” tanong ko dito.


“Your big ass is not that hard to miss.” Insulto nito sakin sabay ngisi.


“Who are you?” kunot noong tanong ni Jeff kay Ivan nang sa wakas ay mapansin niya ito.


“Hi I’m Ivan. Ryan’s best friend.” Nakangiting pakilala ni Ivan kay Jeff na tila natigilan pa saglit.


“Oh. Hi! I’m Jeff. Ryan’s par---”


“Workmate.” Pagtatapos ko sa sasabihin ni Jeff. Agad akong tinignan ng masama ni Jeff sabay simangot.


“Ayan ka nanaman eh. Partner nanaman ang sasabihin mo, akala tuloy nila magjowa tayo.” Naniningkit kong balik kay Jeff na agad ngumisi.


“Well you almost give me a bl---”


“ALMOST” nanlalaking mata kong putol sa sasabihin nanaman nito. Ibinaling ko ang tingin ko kay Ivan na tila ba may nakakatawang naiiisip dahil nangingiti ito. Ipapaalala ko na sana na kailangan na niyang umalis nang bigla ulit magsalita si Jeff na nagtulak nanaman sakin na makalimutan si Ivan.


“Bakit hindi mo ako ginising?”


“Nakakainis ka kasing gisingin.”


“I’m not a morning person. Alam mo naman yan.”


“OK. Ry, alis na ako. Magki-clinic pa ako. Jeff, nice meeting you.” Paalam ulit ni Ivan habang nangingiti paring pinapabalikbalik ang tingin saming dalawa.


“Nice meeting you too!” masayang saad ni Jeff. Lalong lumaki ang ngiti ni Ivan. Walang duda na nagwa-gwapuhan it okay Jeff. Napangiti ako at naisip na siguro ay magandang paglapitin ko din ang loob nilang dalawa. Kahit bilang magkaibigan lang gayong straight itong si Jeff.


“Ry, mamya ah, wag mong kalimutan.” Palala nito. Agad akong binato ng nagtatakang tingin ni Jeff. Tumango ako at sinabihan ng ingat si Ivan.


“Ano yung mamya?” tanong ni Jeff.


“Nagset ng dinner si Ivan para makapagusap kami ni James.”


            Binalot kami ng katahimikan ni Jeff at doon na nagsimula ang kaba ko. Hindi ko alam kung kaya ko na bang makaharap si James ng kami lang dalawa.


Itutuloy…

Imaginary Love 6

By: Migs

Comments



  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts

    nix: eh ikaw naman pala may kasalanan eh. Haha! You’re welcome!

    Dilos: Salamat! 

    P E D R O: Salamat!

    Anonymous April 21, 2016 at 6:50AM: GANUN?! Grabe naman siya para sabihin yun?

    Russ: I’m sure dadating din yan sa tamang panahon.  Thanks din!

    LEO: madaming bagong blog na may ganitong theme na mas magagaling pa sakin. Try giving them a chance. The more you guys support a writer na pareho ko ng genre mas masaya.  Thanks!

    Makoy: dito na sa chapter na ito magkakaharap si Ivan and Ryan. Sadly hindi ganun ka aksyon ang mangyayari. Hihi! Thanks!

    JM Perez: sa totoo lang pinipigilan kong gamiting yung mga yun para maintindihan ng lahat pero salamat naman at may natutuwa at natututunan din pala kayo. 


    MERON DIN PO AKONG MGA SHORT STORIES. PARA PO SA MGA BAGO SA BLOG KO PWEDE NIYO DIN PO SILA MABASA. CLICK NIYO LANG PO YUNG LINK NG SHORT STORIES SA TABLE OF CONTENTS SA GILID NG BLOG! SALAMAT!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. What a twist. I didn't expect that scene between Ryan and Ivan. Mukhang mas matimbang c Ryan kay James ah. I will wait for the next chapter where they will have dinner.
    Anyways, mas gusto ko c Jeff for Ryan, hehehe...

    Makoy

    ReplyDelete
  3. Ditto. Parang mas gusto ko din c jeff par kay ryan. James has hurt him enough.

    ReplyDelete
  4. Nice story Migs. Inabot ako ng umaga para lang makahabol. Kelan ang next post?

    ReplyDelete
  5. I knew somehow James really had feelings with Ryan. But now team Jeff nako. Hehehe.

    Rage

    ReplyDelete
  6. Grabe nmn ito... Hahaha well i start living ma the series... Mahal ko na si jeff hahaha ... Feeling ko mala dr. Agas ang peg ni jeff eh... Ung second dr. Agas . Hahaha

    Wait lng po, nag occur na po ba si ryan sa ibang kwento?

    Sana po matuloy ang "halaga" thanks po sir migs ! Im a fan since then... ^_*

    -JB :) here

    ReplyDelete
  7. For me, it wud b better if James be out of Ry's life for good. Ok lang na magkapatawaran na silang 3 nina Ivan and all... But to get back or be together as lovers ay wag na. C Jeff nlang or hanap nlang c Ry ng iba. Base kc sa expl ni Ivan parang 2nd choice lang ang pagpili niya kay Ry after the realization ek.ek... Indicisive si James resulting to rift b/n R and Ivan. Nasaktan sobra si Ry sa pagbaliwala ni James tapos ngayon mejo OK na si Ry saka eeksena uli..wag na sana.
    Hehe POV ko lng po ito.

    ~maharett

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]