Imaginary Love 7
DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any
similarities to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain
profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to the story.
Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments,
suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories
that comes along with it.
Nagpakawala
ako ng isang buntong hininga, pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Bago ko
pa hayaan ang sarili ko na lumabas ng bahay ni Jeff. Si Jeff ay natatawa lang
akong pinapanood na tila ba ang paghihirap kong iyon ay nakakaaliw sa kaniya.
Nang akala kong kaya ko na ay agad kong inabot ang door knob ng front door ni
Jeff pero tila ba naubos na ang lakas ko sa ginawa kong iyon at hindi ko
nagawang umapak palabas ng bahay.
“Hey are you OK?”
tanong nito nang ilang saglit pa ay hindi parin ako lumabas ng bahay. Tumango
lang ako at nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at ngumiti.
“Akala ko na-stroke
ka na eh.” Biro nito sabay dagok sakin at tumawa ng malakas.
“Hey. It’s going to
be OK.” Saad nito sakin nang makita niyang ni hindi manlang ako ngumiti sa biro
niya.
“Gusto mo hatid
kita?”
Napatingin lang ako dito. Ni hindi
ko alam na may sasakyan pala itong si Jeff. Agad itong ngumisi at dumarecho sa
gilid ng bahay at binuksan ang malaking pinto ng kaniyang garahe. Lumuwa ang
mata ko sa gara ng kotse na bumulaga sa harapan ko. Classic na sports car ito
na kulay itim na tila ba sasakyan na ginagamit nila McGiver o ni Vin Diesel sa
pelikulang fast and the furious.
“I actually tried to
marry this baby but the judge won’t let us.” Saad ni Jeff habang tinitignan ng
may pagtangi ang sasakyan na ikinanganga ko.
“Are you fucking
serious?” natatawa kong tanong dito na ikinibit balikat ni loko.
“I know beauty when
I see one.”
000ooo000
Nakita ko na lang ang sarili ko na
itinutulak ni Jeff palabas ng magara niyang sasakyan. Tinignan ko ito ng
masama, nakangisi lang ito at nagkibit balikat.
“You’re going to be
late.” Saad nito sabay tulak ng malakas na muntik ko ng ikisalampak sa sahig ng
paradahan palabas ng sasakyan niya sabay sara ng pinto ng passenger seat. Agad
akong tumayo ng derecho at tumitig sa front door ng restaurant na iyon.
“Kaya mo yan.” Saad
ni Jeff na noon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala. Tumango lang ako.
“Jeff?”
“Oh?”
“C-Can I have a
hug?” wala sa sarili kong sabi na nakapagpahagikgik kay Jeff. Hindi ko alam
kung bakit pero nang yakapin ako nito nang malaman kong masama ang lagay ni
mommy ay biglang gumaang ang loob ko at yun ang gusto ko din mangyari ngayon.
Baka sakaling kumalma din ako ngayon.
“Sure. Come here.”
Saad nito. Nahihiya at nakayuko akong lumapit dito pero agad ako nitong binalot
ng malalaking braso nito at halos madurog ako sa higpit ng ng yakap nito.
“OK ka na?” tanong
nito. Tumango ako.
“I can do this right?”
tanong ko. Tumango si Jeff sabay ngumiti.
“Kung kailangan mo
ng mas matinding motivation kesa sa yakap ko you can give me blowjob inside the
car.” Saad nito sabay ngisi. Natigilan ako saglit at nanlaki ang mga mata ko.
“Gagu!”
000ooo000
Nakita ko si James na kinakabahang
inaayos ang nakatupi niyang sleeves. Muli akong kinabahan at nilingon si Jeff
kung nandun pa ito. Balak ko din kasi na hatakin na lang si Jeff para may
neutralizer kami ni James pero wala na ito at ang magara nitong sasakyan.
Nagbuntong hininga ako at pagharap ko ay nagtama ang mga mata namin ni James.
Wala na akong nagawa kundi ang
lumapit dito.
“I-I thought di ka
na dadating eh.” Nauutal na saad nito.
“Hi” bati ko dito.
Hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang
napaka-lame na pagbati na iyon sa isang taong matagal ko ng hindi nakakausap ng
masinsinan, umabot na ata sa utak ko yung sobrang kabog ng dibdib ko.
Saglit akong tinitigan ni James saka
siya ngumiti. Hindi ko nadin napigilan ang mapangiti.
“So uhmm--” simula
ko ulit habang umuupo, iniwas ko na ang tingin ko kay James sa pagaalala na
baka mawala ako sa mga tingin nito at bumalik ang mga nararamdaman kong hindi
maganda patungkol sa taong ito. Nang makaupo na ako ay agad kong binuklat ang
menu at nagkunwaring pumipili ng makakain gayong wala doon ang aking isip.
Abala kasi ang utak ko sa kaiisip ng mga pwedeng mangyari sa gabing iyon.
Pwede kaming magsigawan at
magkasakitan ulit at pwede rin kaming magusap na parang magkaibigan ulit at
umarte na walang nangyari sa pagitan naming dalawa.
“Ryan--” tawag ni
James na lalo kong ikinakaba.
“Ryan, you’re
holding the menu upside down.” Mahinang pagtutuloy ni James. Tila nagising ang
utak ko at dun ko nga napansin na baliktad nga ang menu. Nagpakawala ako ng
isang matipid na tawa at binaliktad ito at sa puntong iyon ay namili na talaga
ng makakain.
“Is it going to be
this awkward between us from now on?” malungkot na tanong ni James pagkatalikod
na pagkatalikod ng waiter na kumuwa ng order ko. Napamaang ako sa sinabing ito
ni James at napatameme saglit.
May kung anong switch na bumukas sa
akin at bumuhos ang iba’t ibang emosyon sa akin. Mga emosyon na akala ko ay
matagal ng nawala sa aking dibdib.
“I don’t want it to
be awkward also, James. But I can’t
help it.” Mahina kong saad. Muli akong binato ng malungkot na tingin ni James.
Inabot nito ang kamay ko na malapit sa kaniya. Hindi ko nagawang i-iwas ang
kamay kong iyon dahil dun ko lang din napagtanto na nawalan nanaman ako ng
lakas na gumalaw.
Bumalik lang ang kakayanan kong
kumilos nang sumulpot ang waiter at
nakangiting ibinigay ang aming mga inorder. Nang umalis ito ay muling nagsalita
si James habang ako ay pinilit ang aking sarili na kumain kahit pa wala akong
malasahan sa mga ito o kahit pa ang gutom ko ay kanina pa lumipas.
“I-I was meaning to
apologize.” Pabulong at nakayukong saad ni James. Muli kong isinalubong dito
ang aking tingin, kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata at sinabi nito.
“I-I’m sorry. I-I
know I hurt you. I--”
“It’s OK, James--”
“No, Ry. It’s not
OK. You’re the best thing that ever happened to me and I threw it all away.
Na-realize ko na lang na maha--”
“Nagpunta akong
bundok. I helped many people who don’t get health assistance that much.” Sabat
ko na siyang lalong nakapagpalungkot kay James. Ayokong makarinig ng kahit
anong magagandang salita galing kay James dahil natatakot akong baka paniwalaan
ko ito nab aka madala ako ng mga sinasabi nito. Tumango ito na tila ba
tinanggap na hindi ko gustong pagusapan ang mga nangyari noon pero mali ako.
“I’m sorry for
hurting you, Ry. You gave me your love and I hurt you.” Simula ulit ni James,
desedido na ituloy ang kaniyang mga gustong sabihin na tila ba nakulong sa
kaniyang dibdib sa loob ng limang taon.
“We were paid with
livestock, crops and sometimes even lambanog---” pagiiba ko ulit sa usapan pero
ang sunod na sinabi sakin ni James ay siyang nagtulak sakin upang sumuko na.
Mabilis akong tumayo na ikinagulat ni James. Tinignan ko ito ng mariin.
“I-I’m not ready
yet.” Singit ko dito. Malungkot itong tumango. Kinuwa ko iyon opurtunidad upang
tumalikod na at maglakad palayo. Wala sa sarili kong inilabas ang aking
telepono at tinawagan si Jeff pero hindi ito sumasagot. Napagpasyahan kong
maglakad at pumara na lang ng taxi pauwi pero hindi pa ako nakakalayo nang
marinig ko ulit ang boses ni James.
“Ry!”
Hindi ko ito pinansin, iniisip na
susuko na lang itong makipagusap sakin.
“Ry, please.”
Pagmamakaawa nito. May kung ano nanamang pumitik sa aking dibdib kay malungkot
kong ibinaling ang tingin ko dito.
“Let me take you
home. Delikado, baka kung ano pa mangyari sayo.” Pagmamakaawa nito. Mariin lang
akong tumango dito.
Tahimik ang buong sasakyan at ang
minsan pagtanong lang ni James sakin tungkol sa direksyon ng bahay ni Jeff ang
tanging usapan namin. Alam kong kating kati parin itong kauspain ako dahil
napapansin ko ang madalas nitong pagsulyap sakin at inilalabas na lang niya ang
kaniyang pagpipigil sa pakikipagusap sakin sa pagbuntong hininga.
Nakahinga na lang ako ng maluwag
nang makita ko na ang magarang gate ng bahay ni Jeff. Nagpasalamat ako kay
James sa paghatid niya sa akin pauwi sabay bumaba na mula sa sasakyan nito pero
nagulat ako ng bumaba din ito at naglakad katabi ko papalapit ng gate.
“I’m sorry for
forcing you to talk about what happened---” simula nito habang dahan-dahan
paring lumalapit sakin, inabot nito ang pisngi ko at itiningala ako para
magkasalubong ang tingin naming dalawa.
“Maybe when you’re
ready we can talk bout it?” tanong ulit nito. Tumango na lang ako bilang sagot.
“---and maybe if
things work out between us as friends we can also go out on a date?”
nagbabakasakali nitong tanong.
“I don’t know,
James.”
“We will take it
slow. I j-just want us to be close again, Ryan.” Nagmamakaawang saad nito,
hindi ko alam kung anong nagudyok sakin pero hindi nagtagal ay pumayag nadin
ako sa gusto nito sa pamamagitan ng pagtango.
Ngumiti
ito. Ngiti na siyang nagbigay ng pakiramdam na tila ba kinikiliti ang aking
tiyan.
“I’ll see you
later?”
000ooo000
“So how did it go?”
tanong ni Jeff habang nagaayos ako bago matulog. Humarap ako dito at nakita ko
itong nakapantulog nadin ito at nakatayo sa pinto ng tinutuluyan kong kwarto.
“It was OK.”
Pagsisinungaling ko habang kinukumbinsi ang sarili ko na hindi narin masama ang
pagkikita naming iyon ni James. Hindi ito kinagat ni Jeff at nagtanong pa ulit.
“No heavy drama?”
Biglang pumasok sa isip ko ang
pagpupumilit ni James na pagusapan ang mga nangyari noon na muntik ng maging
mitsa upang sumabog ulit lahat ng nararamdaman ko.
“Naku. Hindi naman
mawawala yun eh.” Ang simple ko na lang na sagot para hindi masyadong magtanong
pa si Jeff. Marahil ay nakahalata si Jeff sa ginawa kong iyon dahil medyo
matagal pa bago ito ulit nagsalita.
“So are you going to
see each other again?”
“Yes. Titignan namin
if we can work things out.” Wala sa sarili kong sagot.
“That was fast.”
Seryosong saad ni Jeff, hindi ko makita ang mukha nito dahil medyo dim na ang
ilaw ng kwarto na aking tinutuluyan pero base sa pagkakakilala ko kay Jeff ay
siguradong makikita ko ang malisyoso nitong tingin.
“Ulol!” humahagikgik
kong saad dito.
“We’re going to try
to work things out as friends first---”
“And then you’re
going to try fucking each other again if being friends works?” sarkastikong
balik ni Jeff sabay tawa.
“Of course not!”
naeeskandalo kong pakikipatalo dito. Narinig kong humagikgik si loko.
“Hey, do you mind if
I come in?” tanong ulit ni Jeff.
“Bahay mo to diba?
Hindi mo na kailangan magpa alam pa sakin.” Nangingiti kong balik dito.
Humagikgik ito pero hindi na muna nagsalita. Nakatayo lang ito sa paanan ng
kama at nakatingin sakin.
“So--- may sasabihin
ka ba?” tanong ko dito nang hindi pa ito nagsalita agad. Umiling ito.
“Wala naman. Just
trying to see if you are really OK.” Seryoso ulit na saad ni Jeff habang
sinisipat ang mukha ko.
“I’m good, Jeff.”
Nakangiti kong sagot dito na nagtulak dito na mapangiti nadin.
“Good.” Nakangiti
paring saad nito.
“Since OK lahat,
matutulog na ako. Goodnight, Ryan.”
“Goodnight, Jeff.”
Nakangiti ko paring saad dito, lumapit ito sakin at ginulo ang aking ulo na
para bang nakababata niya akong kapatid.
Pinanood ko itong maglakad palabas
ng kwarto pero bago pa man ito makalabas ay tinawag ko ito ulit.
“Jeff?”
“Oh?”
“Can I have a hug
again?” parang bata kong request dito. Hindi na nagsalita ang malaking mama at
naglakad na lang ito palapit sakin at kinulong ako sa malalaki niyang braso.
“Thank you.”
“No problem.”
Itutuloy…
Imaginary
Love 7
By: Migs
Pasensya na ulit sa matagal na hindi pagupdate. alam niyo naman. busy sa work. :-( MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PATANGKILIK kahit na parang sampu na lang ata kayong nagbabasa o mas konti pa. hahahahaha! tumatawa ako pero nalulungkot talaga ako dahil sa paunti na kayo ng paunti. I don't feel the love anymore. JOKE lang! basta may isang nagbabasa magsusulat parin ako. ;-)
ReplyDeleteNde man ako madyadong nagcocomment pero i'm still ur fan from day 1 hihihi bitin tong chapter na to though ang ikli hahaha
ReplyDeleteNde man ako madyadong nagcocomment pero i'm still ur fan from day 1 hihihi bitin tong chapter na to though ang ikli hahaha
ReplyDeleteAraw-araw akong nagbabakasakaling may update itong blog at after 20 days may panibagong chapter na, yey. I agree with Kerry na bitin nga itong update kasi tunay ngang maikli pero okay na rin ito atleast may update na. Labyu po Kuya Migs and your stories.
ReplyDelete- P E D R O
Migs
ReplyDeleteThank you
No problem
Hi Migs,
ReplyDeleteFirst of all, thank you for this wonderful story. Nag-eenjoy akong basahin sya. Ang cute ng kakulitan ni Jeff.
Anyway, I'm a big fan of yours. Una kong nabasa yung Chasing Pavements. Shit lang. Ang perfect and linis ng pagkagawa. And the story flow, wow. Naiisip ko nga sana maging movie to. At ilang ulit ka na rin itong binasa. Sana may makabasang direktor. 10x na ata. Yung sakit, ganun at ganun parin.
Then I've read Breaking Boundaries. Shit ulit. Tagos na tagos sa akin. Maki and Jepoy. Yung simpleng eksena lang na nagkatinginan sila sa salamin habang nagtutoothbrush, iba rin epekto sakin nun. Sana maging movie din.
I commend you for being so talented. I couldn't find you in any social media sites. Gusto ko sana ikaw ifollow. Grabe sobrang galing mo. And pasensya na if hindi ako palacomment sa mga posts mo. But that doesn't mean I don't support you. Always great job. More stories na first person pov kasi mas tagos talaga sya.
Thank you thank you thank.
More power! :)
Sayang it's a short chapter. But i still like it! Kilig ako sa Jeff-Ryan. Ahaha.
ReplyDelete/dilos
Team Jeff-Ryan.... hehehe
ReplyDeleteMakoy