Halaga [4] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Pilit kong inaabot mula sa mahabang kamay ni Baste ang katatapos ko lang gawin at i-print na report na ginawa ko para kay Gab. Naka kunot ang noo nito at nakanguso. Alam kong alam na nito na hindi para sa akin ang mga pinagkakaabalahan kong mga takdang aralin na iyon. Nagsisimula na akong mainis at alam kong nararamdaman ito ni Baste kaya naman buong alinlangan niyang binigay sakin ang report na iyon.


“Para kanino mo ginagawa yang mga yan?!” singhal nito. Agad akong tumalikod dito at inilagay sa isang sliding folder ang report.

“BS Bio ka diba? Bakit puro pang engineering ang ginagawa mong assignments?!” singhal ulit nito nang hindi ako sumagot.


“Fine. Kung ayaw mong sumagot edi wag. Kung ayaw mong sabihin sakin ang totoo edi wag. Pero sana Nics wag ka naman magpakatanga sa isang lalaki. Wag kang pauto.” balik ni Baste. Agad ko itong nilingon at nakita kon seryoso ito. Doon ko lang nakita si Baste na ganon. Umiling ito at tumuloy na sa kaniyang higaan, sinalpak ang kaniyang mga earphone sa magkabilang tainga atsaka pumikit.


Hindi ko inaasahan na maintindihan ako ni Baste. Straight yung kumag na yun eh. Lumalapit sa kaniya ang mga babae, siya ang hinahabol. Kahit kailan hindi magiging ganon ang sitwasyon ko, kung hindi ko pagsusumikapan na mahulog pa lalo ang loob sakin ni Gab, alam kong wala na akong pagkakataon pa na magkaroon ng pupwede kong maikokonsidera na makakasama habang buhay at saka tinutulungan ko lang naman si Gab na makabawi sa scholarship niya, wala namang masama doon.


Hindi naman ako nagpapakatanga at hindi naman ako nagpapauto lang kay Gab.” saad ko sa sarili ko.


Mabigat ang loob ko na humiga sa aking sariling kama, pinatay ang ilaw sa tabi ko at pumikit na.


Gab?” tawag pansin ko dito. Nakatalikod ito sakin, hindi ako nito nilingon pero alam kong narinig ako nito. Nagsimula na itong maglakad palayo sakin sinubukan ko itong sundan pero tila ba naka glue ang paa ko sa kinatatayuan ko.


Sinusubukan kong igalaw ang aking mga paa pero parang may sarili itong isip. Nasa ganito akong tagpo nang biglang sumulpot si Baste sa kanan ni Gab na unti unti ng lumalayo.


Baste!” sigaw ko dito pero tulad ni Gab ay hindi rin ito lumingon at tiyak ko din na narinig ako nito. Nagsimula nadin itong maglakad palayo. Sa ikalawang pagkakataon ay sinubukan kong igalaw ang aking mga paa at buti na lang at nagtagumpay ako.


Pareho ng nakakalayo sila Gab at Baste. Alam kong dapat na ako kumilos para maabutan ang isa sa kanila pero hindi ko alam kung sino ang dapat kong sundan at pigilan na makalayo. Hanggang sa pareho ko na silang hindi matanaw. Biglang umagos ang mga luha ko at bigla din akong napahiyaw.


“ARAY KO!” sigaw ko sabay upo mula sa aking kinahihigaan. Agad kong binato ng tingin ang tanging pagagalingan ng bola na iyon na marahas na tumalbog sa mukha ko habang natutulog.


“Ingay mo kasi!” singhal ni Baste.


“Natutulog kaya ako!” balik ko dito.


“Kanina ka pa balikwas ng balikwas dyan sa kama mo tapos bigla kang sumigaw. Kahit nagsa-soundtrip ako narinig ko.”


“Huh?”


“Nananaginip ka siguro.” inaantok na saad nito sabay talikod sakin siguro ay para matulog na.


“Baka nga nananaginip ako.” saad ko naman saka muling humiga.


“Nico?”


“Hmmm?”


“I didn't get to say good night kanina. So uhmmm good night.” halos pabulong na saad ni Baste, nung una ay hindi ko pa masyadong na-absorb ang sinabing iyon ni loko pero hindi rin nagtagal ay sinagot ko siya.


“Good night din.” at tulad ng bawat gabi sa loob ng ilang taon na nagsasabihan kaming dalawa ng good night ay naging mahimbing ang tulog ko.


000ooo000


Mabilis akong napahinto sa aking paglalakad ang aking ngiti na kanina pa nakaplaster sa mukha ko ay biglang nawala. May ilang hakbang lang ang layo sakin ay si Gab na may kausap na magandang babae, ayaw kong istorbohin ang dalawa kasi mukhang seryoso ang pinaguusapan nila, nakita kong inabot ng magandang babae ang telepono ni Gab na nakalagay sa back pocket nito at nagtype saka ibinalik ang telepono kay Gab, nagbigay ng isang ngiti at naglakad na palayo. Nun ko napiling lumapit na kay Gab. Nakangiti parin ito habang may tine-text. Di ko na ito pinansin at binati ito. Lalong lumaki ang ngiti nito.


“Hey.” bati nito pabalik. Inabot ko dito ang mga assignments nito.


“Wow! Thanks Nico ah!” saad nanaman nito sabay akbay sakin. Mas matangkad sakin si Gab kaya hindi ito nahirapan sa ginawang pagakbay sakin. Ramdam ko ang bigat ng malaking braso nito at napadikit ang aking tagiliran sa maganda nitong katawan. Hindi napigilan ng mga pisngi ko na maginit. Alam kong namumula iyon. Hindi nagtagal ay binawi na nito ang kamay niyang nakaakbay sakin.


Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nanghinayang ako dahil hindi na magkadikit ang aming mga katawan. Tinignan ko ito, para narin malaman kung bakit bigla itong humiwalay sakin. Nakita ko itong tinitignan ang mga ginawa kong assignments para sa kaniya, nakangiti ito at abalang abala sa pagbabasa kaya hindi nito napansin ang dalawang lalaki na masayang naguusap habang magkahawak ang kamay.


Nakaramdam ako ng inggit. Gusto kong magkaroon kung ano man ang meron ang dalawang lalaki na kararaan lang sa harapan namin ni Gab. Kaya naman nilaksan ko na ang loob ko at sinalubong ang walang katiyakan.


“Uhmm Gab, gusto mo ba kumain mamya sa labas?” nagaalangan kong tanong kay Gab na patuloy lang sa pagbabasa ng aking mga ginawa para sa kaniya. Tumango-tango ito.


“Sure.” saad nito sabay tingin sakin at ngumiti.


Hindi ko mapigilan ang mapangiti nadin. Sa wakas, nangyayari nadin ang matagal ko ng gustong mangyari.


“Listen. I have to go to class. Text you later?” nagmamadali nitong saad pero sa kabila nun ay hindi parin nabura ang ngiti sa aking mukha.


Ngiti na hindi nabura hanggang makauwi ako ng dorm matapos ang ilang klase ko nung araw na iyon at nakangiti parin ako habang naniningkit ang tingin sakin ni Baste, habang nakanguso ito habang ngumunguya ng lumang pasta at habang nakakunot ang noo nito.


“You're being all love sick again aren't you?” tanong ni Baste na nakapagpatigil sa aking pagagayak.


“Ha! Di kaya!” saway ko kay baste na pilit tinatago ang aking ngiti.


“But you're going on another date?” tanong nanaman nito. Mas pinanonood na ako nito kesa ang TV sa kaniyang harapan.


“Yeah.” pabulong kong sagot dito sabay iwas ng tingin, napansin ko nitong mga nakaraang araw na madalas kapag lumalabas ako mag-isa kahit papuntang school lang ay pinapanood ako nitong mag-ayos at hindi naiiba ang pagkakataon na iyon.


“Damn it, Baste! Spill it!” saad ko dito sabay hinarap ito. Halatang nagulat ito sa bigla kong pagtatanong at pagharap sa kaniya.


“What?!”


“You've been observing me like you want to tell me something awful!”


“Di kaya ako tumitingin sayo ng masama!” balik ni Baste, tinaasan ko lang ito ng kilay. Alam na ni Baste ang ibig sabihin nito sa tuwing ginagawa ko ito.


“Fine! It's just that di ako sanay na nakikita ka na ganiyan and I guess sinasanay ko pa sarili ko na nakikita ka na ganiyan --” simula ni Baste, tumayo ito at binitawan ang kaniyang kinakain at dahan dahang lumapit sa akin. Nagtama ang mga tingin namin, muli ay nakaramdam ako ng tila ba nasusuka ako o kung ano man sa tiyan ko. Isang hakbang na lang ang layo nito sakin at hindi parin napapatid ang pagtitinginan naming dalawa.


“--you know di ako sanay na nakikita ka na ganito ka-- ganito ka gay.” at duon sa sinabi ni kumag na iyon ay tila ba may sumuntok sa tiyan ko at nawala na ang kanina lang ay tila ba paninigas ng tiyan ko.


“Baste!” singhal ko dito sabay bato ng suntok sa mukha sana nito pero mabilis nitong nasalo ang kamao ko at humagikgik. Hindi ko nadin napigilang mapatawa.


“Bagtit ka talaga.” saad ko sa pagitan ng pagtawa, hindi nagtagal ay unti unti ng nawala ang aming tawanan at muli nanaman nagtama ang aming mga mata.


“Wait here, I have something for you.” saad nito. Mabilis kong tinignan ang aking relos at nakitang male-late na ako sa usapan namin ni Gab.


“Baste, I'm going to be late---” simula ko pero hindi ako nito pinansin at pumunta sa tukador niya. Ilang saglit pa ay nagliparan na ang ilang piraso ng damit ni loko.


“Aha!” saad nito ng malakas, sinubukan kong tignan kung ano man ang hinahanap nito pero sa laki ng katawan at kamay nito ay mabilis niya itong naitago sakin.


“Baste, male-late na ako.” seryoso kong saad dito pero hindi ko rin napigilang mapangiti dahil sa nakikita kong nakaplaster na ngiti rin sa mukha nito.


“Tadaaaa!” saad nito sabay pinakita ang hawak niya. Napanganga ako sa sobrang gulat.


“BASTE!”


000ooo000


Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Iniisip na pinagod ko lang ang sarili ko na magmadali papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Gab gayong male-late din pala ito ng halos isang oras na. Nakapalumbaba na ako sa lamesa at tinitignan na ako ng masama ng mga waiter dahil sa hanggang ngayon ay wala pa akong ino-order. Para maiwasan ko ang mga tingin ng mga waiter ay inilabas ko na lang ulit ang aking telepono at nagtext.


Hindi na si Gab ang aking tinext dahil wala rin naman akong natatanggap na sagot mula dito, bagkus ay tinext ko na lang si Baste dahil simula nong matuto kaming gumamit ng telepono ay hindi pa ako nito binigo sa pagsagot ng text o kaya naman tawag ko kahit ano pa ang ginagawa niya.


Baste :'-(”


Oh why sad?”


My date hasn't showed up yet.”


Ilang oras ka na andyan ah! That douche! Where are you?!”


Andito sa old spaghetti house.”


Hindi nagtagal ay dumating na si Baste. Nakakunot noo ito at nakasimangot.


“Thanks for coming.” saad ko dito sabay tayo.


“Where are you going?” tanong nito sabay lalong humaba ang nguso.


“Leaving. With you. We're going home.” saad ko dito. Ngayon kilay ko naman ang nagsalubong at noo ko naman ang nangunot.


“Di ka ba nahihiya sa mga waiter? Kanina ka pa dito tapos di ka naman pala kakain? Sinayang mo lang yung table nila.” saad nito sabay kaway sa waiter, humihingi ng menu.


“But I'm not hungry anymore.”


“Let's not be selfish. I'm hungry. We should eat.” saad nito sabay kaway ulit sa waiter para umorder.


“I'm not going to pay for what you're going to eat.” saad ko dito sabay tiklop ng aking mga kamay sa aking dibdib.


“Don't worry. Ako na ang magbabayad ng lahat ng kakainin natin ngayon.” saad nito sabay ngisi. Pumili nadin ako ng aking kakainin.


“Isipin mo na lang ako ang ka-date mo.” saad nito habang nakatingin ng darecho sakin.


“What?” halos pabulong ko ng tanong dito.


“Well you're not going to stop whining about your epic fail second date. Kaya to stop you from doing that edi consider this as your second date, just imagine na ako yung boyfriend mo wag ko lang makita magkadikit yang ilong at nguso mo.” nakangisi nitong sabi. Saglit ko pang inabsorb ang sinabi nito.


“I am so not going to whine about this!” saad ko dito.


“Yes you are. You're going to whine about this so bad for the next two days.” pambubuyo nanaman nito. Sasagutin ko na sana ito nang biglang sumulpot si Gab sa aming harapan.


“Baste?”


“Kuya?!”


“Oh shit!”


““Anong ginagawa mo dito?”” sabay na tanong ng dalawa. Hindi naman sumagot ang dalawa. Pero hindi nakaligtas kay Baste ang pagtingin ng kuya niya sa akin at alam kong nakuwa na ni Baste ang ibig sabihin ng pagsulyap na iyon ng kaniyang kuya sa akin.


“This is the douche that kept you waiting for an hour?” tanong sakin ni Baste.


“I'm sorry. I was caught up with basketball practice again.”


“Sana nagreply ka sa text ko.”


“He's the one that made you gay?”


“No one can make someone gay!” balik naman ni Gab.


“What are you doing here? I thought you're going to stay at home for one more year?” tanong ni Gab na nakapagpasingkit sa mga mata ni Baste.


“Kung sinasagot mo ang tawag nila mommy or ang text manlang edi alam mo sana na hindi na ako magste-stay sa bahay. Teka lang ikaw ang kumuwa sa virginity ng best friend ko?!”


“WHAT?!” naeeskandalong saad ni Gab.


“BASTE!” saway ko naman dito.


“Why him?” balik tanong sakin ni Baste. Nangunot ang noo ko at hindi ko ito masagot. Tumayo ito at aakmang magwo-walk out na sana ng bigla itong humarap muli samin ni Gab.


“I ordered some food. I'm going to pay for it. Kayo ang magwalk out. Hindi ako. Nagugutom ako.” saad nito na ikinailing lang ni Gab at ikinanganga ko sa sobrang gulat. Tumayo ako at sinundan si Gab palabas ng restaurant. Hindi ko ito kinibo, halatang gusto ako nitong kausapin pero sa ibang direksyon ako nagsimulang maglakad nakaramdam ako ng biglang may kumapit sa aking braso at pinigilan ako maglakad palayo.


“Nics, I'm sorry. Di ako nakapagtext kasi iniwan ko sa locker ang telepono ko. I'm sorry kung hindi kita nasabihan agad. Look, babawi ako OK. How about magdate ulit tayo bukas if ma-late ako tapos ayaw mo ng ituloy kung ano man 'tong meron tayo then I'll accept it. Just give me another chance, please.” saad nito, napaisip ako. Si Gab na ang matagal ko ng hinihintay at alam kong wala kong ibang gustong makasama kundi siya kaya naman hindi ko na lolokohin pa ang sarili ko at magpapakipot.


“OK. Just please, sabihan mo ako agad kung hindi ka makakarating agad para hindi naman ako magmukhang tanga.” saad ko dito. Tumango naman ito at umakbay ulit sakin. Sasabay na sana ako maglakad dito nang mapasulyap ako sa loob ng restaurant.


Nakita ko si Baste na nakangusong tinitignan lahat ng inorder naming dalawa, tila ba nagaalangan kung kakainin niya o titigan na lang niya ang mga iyon.


Itutuloy...

Halaga [4]
by: Migs

Comments

  1. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng blog ko! sa 700 views per post/ update pero mas mapapasaya niyo ako kung babalik ang dating dami ng comments. ;-)

    kapag merong 20 or more comments para sa back to back update na ito, promise magpopost ako ng story weekly/ ;-)

    SUGGESTIONS, CLARIFICATION AND VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME. ;-)




    i love you guys!

    ReplyDelete
  2. Galing. Ambilis ng succession of events. Ü ur da best Migs.

    ReplyDelete
  3. Ayoko talaga kay Gab. May mali sa kanya. I can feel it.

    ReplyDelete
  4. Tsk tsk... Cliche boy-gay/hopia affair. Hope Nic won't learn the hurtful truth the hard way. Pero kinikilig ako slight Kay Baste. I can just imagine the scene but hats off to Baste, "Kayo ang mag.walk.out, Hindi ako... (Non.verbatim) lols

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]