Monday, February 8, 2016

Halaga [5] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Naniningkit ang mga tingin nito. Parang tinitignan niya kung totoo bang nakatayo ako sa harapan niya o imahinasyon niya lang ako. Nakanguso parin ito na parang bata, indikasyon na hindi niya talaga nagustuhan ang nalaman niya na ang nakatatanda niya palang kapatid ang karelasyon ko ngayon, lalong naningkit ang mga mata nito nang makita niyang hinila ko ang upuan na kanina lang ay inuupuan ko at umupo ulit dito.


What are you doing?”

We're still having our date. Besides, gutom na gutom na ako.” saad ko dito. Nangunot ang noo nito. Hindi ko ito pinansin at nagsimula ng kumain.


I want the condom back.” saad nito na siyang nagdulot para pumasok sa baga ko ang ilang piraso ng pagkain.


What?!” saad ko dito sa pagitan ng pagubo.


Kuya can buy his own condoms. That selfish asshole doesn't need any donations from me.” saad ni Baste sabay nguso ulit.


Baste---” simula ko pero agad din akong natigilan sa pagsasalita nang biglang nanlaki ang mga mata nito.


Don't tell me nagamit niyo na agad?!” naeeskandalong singit ni Baste na ikinagulat ko naman.


What?!”


Kaya siguro hindi mo maisaoli yung condom sakin kasi nagamit niyo na.”


What the fu--- Wala pang isang minuto nung lumabas kami ng restaurant at bumalik ako dito! Tingin mo meron pa kaming oras magkan---”


Malay ko ba?! Di ko naman alam kung pano magsex ang dalawang bading no!” balik nito.


Oh ayan!” balik ko kay loko sabay bato ng pakete ng condom. Di ko alam pero minsan ako na ang sumusuko sa sobrang kahibangan ni Baste at napatunayan ko na na minsan ay hindi na dapat ito patulan kahit gaano pa man kalabo ng punto niya dahil alam kong matatalo at matatalo lang din ako.


Yan. Mabuti ng may pruweba para mas nagkakaintindihan tayo!” saad nito sabay sinipat sipat pa ang pakete ng condom na kababalik ko lang sa kaniya.


Nang masiguro na buo at walang bawas ang pakete ng condom niya kahit kapiranggot sa balot nito ay nagsimula nadin kumain si Kumag. Paminsan minsan ako nitong tinitignan na parang may gustong itanong pero di ko na ito pinapansin pero nang habang ngumunguya siya at habang nauubos ang kaniyang kinakain ay patagal ng patagal din ang pagtitig niya sakin na sumagad sa pasensya ko.


Bakit ba?!”


Why him?!” tanong nito na ikinatameme ko.


Why not?” balik ko dito.


Well because he's selfish arrogant prick who doesn't consider other people's feelings. Now tell me why him.”


Because he's the only one who understands me.”


Bullshit! Andami daming bading diyan na pwede mong kantu---”


Siya ang gusto ko.” mainit kong balik dito sabay pinandilatan ito ng mata.


Fine. Ubusin na natin 'tong pagkain natin tapos bumalik na tayo sa dorm. Napapagod na ako.” malamig na balik ni Baste.


See. This is why ayaw kong sabihin sayo kung sino ang ka-date ko. Somehow kahit sino pa ang i-date ko lagi kang may sasabihing di maganda.” naiinis kong balik dito. Saglit pa ako nitong tinignan saka sumagot.


Whatever.”


000ooo000


Padabog kami pareho na bumalik sa dorm. Halos matanggal na ang pinto ng dorm namin nang buksan ko ito sa lakas ng pwersa na naibigay ko dito, sinadya ko ding ibagsak sa mukha ni Baste ang pinto dahil alam kong ilang hakbang lang ang layo nito sa likod ko.


Asshole!” sigaw ni Baste sa likod ng kababagsak lang na pinto ng dorm namin na ikinangisi ko naman. Muli, naging kawawa ang pinto ng dorm namin dahil bigla nanaman itong bumukas ng sobrang lakas dahil sa pagdadabog ni kumag.


I'm going to use the bathroom first!” sigaw ni loko na ikinagulat ko. sinubukan ko pa itong unahan at balyahin makapunta lang sa banyo pero dahil nga sa laki ng katawan ni kumag ay hindi ako nagtagumpay.


Ha! Nauna ako!” sigaw pa nito sabay dila na parang batang nangungutya.


Wow that's very mature of you.” balik pangaasar ko dito pero hindi na ako siguro narinig ni kumag dahil saktong sumagalpak nanaman sa mukha ko ang pinto ng banyo.


Nang lumagpas na sa kadalasang tagal lang ng pagligo si Baste ay hindi na ako nakatiis pa at kinatok na ito, naririnig ko pa ito na kumakanta kanta habang nagsha-shower na lalo kong ikinainis, muli akong umupo sa aking kama at inintay na lumabas si kumag at maghanda ng mga panginsulto dito.


Pero natameme ako nang lumabas na si loko. Hindi ito ang unang beses na nakita kong nakatapis lang si Baste, pero ito ang unang beses nakita ko itong may tumutulo pang butil ng tubig mula sa leeg nito at tumuloy tuloy na tumulo sa makinis nitong dibidb at abs. Wala sa sarili kong nilunok ang namumuong laway sa loob ng aking bibig.


Yow dipshit! Sigaw ka ng sigaw diyan kanina at pinagmamadali akong maligo, ngayon tutungaga ka diyan! Hala maligo ka na!” singhal nito sabay ngisi.


Gwapo at macho sana ambastos lang ng bibig.” pabulong kong saad.


Anong sabi mo?” naniningkit mata nitong tanong sakin.


Sabi ko ang tagal tagal mo na ngang naligo pero amoy putok ka padin!”


Aba itong baklang 'to!” saad ni kumag sabay amba sakin at sinubukan akong habulun pero mabilis na akong nakapasok ng banyo.


Habang nakatapat ang aking buong katawan sa tila ba nagmamasaheng patak ng tubig galing sa shower head ay hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Muli kaming nagkita ni Gab, muli kaming nagkaroon ng kuneksyon at sa naisip kong ito ay hindi ko mapigilang mapangiti. Di ko alam kung bakit pero bigla akong kinilig pagkatapos ay bigla kong naisip na muli kaming magkikita bukas at sabi nito ay babawi siya sa kaniyang dalawang beses na pagkakalate.


Hoy! Balat matanda ka na diyan! Baka pulmunyahin ka na diyan! Bilisan mong maligo!” biglang nawala ang ngiti ko sa isinigaw na ito ni Baste.


Tse!” balik ko naman sabay naglagay ng shampoo saking palad.


Habang nagsha-shampoo ay bigla namang pumasok sa aking isip ang kumag na si Baste. Wala na akong sikretong itinatago sa kaniya, alam na nito ang tungkol sa kuya niya at sa akin and so far hindi maganda ang pagtanggap niya dito, pero kilala ko si Baste. Masasanay din ito makalipas ang ilang araw.


Sana matanggap na niya agad.” saad ko sa sarili ko, kasi aminin ko man o hindi ay importante parin na nasa buhay ko si kumag dahil siya lang ang natatangi kong best friend kahit gaano pa man siya kabaliw.


Nang lumabas ako ng banyo ay madilim na ang buong dorm, wala naring nangaasar na Baste dahil nakahiga na ito at mukhang tulog na. Dahan dahan akong lumapit sa aking aparador at nagbihis na. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang bilang magsalita ang loko.


Do you like him?”


Ay anak ng puta ka!” sigaw ko na ikinahagikgik ni Baste. Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ang pigil na tawa na iyon ni kumag.


Para kang matandang babae kung magulat.” saad ni Baste sa pagitan ng paghagikgik.


I thought you were sleeping already kaya nagulat ako nung bigla kang magsalita.” umiiling kong saad. Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis ko at binalot ulit ng katahimikan yung buong kwarto.


You didn't answer my question.”


Yes I like him.” mabilis kong sagot sabay lakad sa aking kama. Humarap sa gawi ng kama ko si Baste at ako naman ay humarap din sa kaniya. Nagtama ang aming mga tingin. Tumango tango ito na tila ba pinagiisipang maigi ang aking sagot na iyon. Muli kaming binalot ng katahimikan. Kahit madilim ang paligid ay kita ko parin na sakin parin nakapako ang mga mata ni kumag.


Does he make you happy?” tanong ulit nito. Pabulong lang iyon pero dahil nga tahimik ang paligid ay rinig na rinig ko ito. Pinagisipan ko ang sagot ko sa tanong na iyon ni Baste.


Oo.” simple kong sagot kay Baste. Muli kaming kinain ng katahimikan, sa sobrang tagal ay akala ko ay nakatulog na si kumag kung hindi ko lang naaaninag na sakin parin ito nakatitig ay baka nga inisip kong tulog na ito.


Buti naman.” saad nito sabay paling palayo sa akin. Di na ako kailangang sabihan ni Baste na tapos na ang usapan namin at dapat na kaming matulog sa pagpaling niyang iyon. Tumihaya nadin ako at sinubukang matulog pero tila ba gusto pang titigan ng utak ko ang kisame ng dorm kaya hindi parin ako makatulog at alam kong hindi parin nakakatulog si Baste dahil paikot ikot pa ito sa kaniyang kama na miya mo naghahanap ng magadang pwesto.


Nico?” tawag pansin sakin ni Baste.


Hmmmm?”


I can't sleep.”


Ako din.”


We haven't said good night to each other yet.” saad ni Baste na ikinatameme ko naman.


We always say good night to each other mapa text o tawag pa yan.” saad ulit ni Baste. Tumango na lang ako.


We're good right? I mean di naman tayo magkaaway diba? Nairita ka lang sakin at nairita lang ako sayo pero you don't hate me naman diba?” tila ba batang nagaalala na tanong sakin ni Baste at napangiti ako ng maimagine ko na nakanguso nanaman ito.


Yes Baste we haven't said good night pa to each other and yes Baste we're good. No bad blood.”


Psssshhh! Bad blood. Sino ka si Taylor Swift? You're so gay Nico!” pangaalaska sakin ni kumag. Binato ko ito ng isang unan. Narinig ko itong tumawa na ikinangiti ko na lang.


Good night, Nics.” halos pabulong na saad ni Baste sabay paling ulit paharap sakin.


Good night, Baste.” balik ko dito at wala pang ilang segundo ay narinig ko na itong humilik. Napangiti ako at dahan dahang ipinikit ang aking mata.


000ooo000


You still like chocolates right?” tanong sakin ni Gab. Late nanaman ito pero infairness mga five minutes lang.


I thought you're going to make me wait for two hours again.” nakangiti kong pangaasar dito. Ngumiti lang ito at umiling.


I skipped practice at wala naman akong remedial classes ngayon. I don't have a decent shirt to wear though that's why I'm late again.” pagamin nito na ikinahagikgik ko. Tinignan ko ang suot nitong damit.


Nasabi ko na lang sa sarili ko na kahit ata sako o basahan ang isuot ni Gab ay masasabi paring disente ito kung manamit. Sa ganda ng katawan nito at lakas ng appeal ay kahit siguro natutuyong dahon ang isuot nito ay maganda parin itong tignan sa kaniya. Napansin ata nitong tinititigan ko siya kaya bigla itong nagchest out.


You checking me out?” tanong nito sabay taas baba ng kilay na ikinailing ko na lang.


You wish!” saad ko dito sabay hablot ng tsokolate sa kamay nito. Narinig ko itong humagikgik saka biglang hinila ang kamay ko.


Where are we going?” tanong ko dito. Ngumiti lang ito.


Basta.”


000ooo000


Akala ko ay dadalhin lang ako ni Gab sa usual na tambayan sa Roxas Boulevard yun pala ay sa paradahan ng mga yachte kami pupunta. Mukhang kilala niya ang tagapangalaga sa yacht club na iyon dahil tinanguan niya lang ito ay hindi na kami nito hinarang papasok.


So you brought me here para makita yung mga bangka?” tanong ko dito na ikinahagalpak ni Gab.


Of course not you dumb ass!” saad nito sa pagitan ng pagtawa.


Natawag pa nga akong dumbass.” saad ko na ikinahagikgik ulit ni Gab. May sasabihin pa ata si Gab nang biglang namatay ang ilaw sa buong paligid at tanging mga malamlam na ilaw na lang ang naiwang nakabukas na siyang gumagabay sa mga natitirang tao sa lalakaran nito papasok at palabas ng lugar na iyon.


Don't tell me this is a horror yacht club.” nagaalala kong tanong kay Gab. Saglit itong natigilan.


What?!” tanong ulit ni Gab sabay tawa. Pero nang nakita niyang hindi ako tumatawa ay pilit niyang pinaharap sa kaliwa ang aking mukha.


Dahil halos isang kilometro na ang layo ng dock sa mismong seaside ay kitang kita na namin ang boulevard at ang mga nagtatasang building na nakalinya at nakaharap sa Manila bay. Nanlaki ang aking mga mata sa ganda ng tanawin na nakaahin sa aking harapan. Dahil wala ng masyadong ilaw sa paligid ay biglang namutawi ang mga ilaw sa paligid ng yacht club. Ang mga iba't ibang kulay ng ilaw sa mga nagtataasang building at ang dilaw na street light ng boulevard pero ang mas nakatawag ng aking pansin ay ang repleksyon ng makukulay na ilaw na iyon sa dagat at dahil sa alon ay miya mo tuloy sumasayaw ang mga ilaw na iyon.


Pretty awesome right?” tanong ni Gab sa aking tabi. Napangiti ako at tanging pagtango lang ang aking naging sagot.


Nakatitig parin ako sa tanawin sa aking harapan ng mapansin kong may kinuwa si Gab sa kaniyang back pack. Dalawang tuna sandwich at dalawang coke sakto. Napangiti ako at tinignan si Gab.


Sorry out of budget.” nahihiyang saad ni Gab sabay namula ang pisngi. Nginitian ko ito.


OK nga ito eh.” saad ko dito sabay nag indian sit at muli kong ibinaling ang tingin ko sa magandang view sa aking harapan. Tumabi sakin si Gab.


Pano mo nalaman 'tong lugar na 'to?” tanong ko kay Gab nang maisubo ko na ang huling piraso ng sandwich ko. Nanlaki ang mga mata nito at miya miya pa ay muling humagalpak ng tawa.


Did you just ate that sandwich sa loob ng thirty seconds?!” di makapaniwalang tanong ni Gab. Nginitian ko lang ito at lalo itong napatawa pero hindi nagtagal ay sumeryoso bigla ang mukha nito at inabot ang aking pisngi at pinasadahan ito gamit ang kaniyang kanang kamay.


I missed you.” seryoso nitong saad habang nagtititigan kami.


Dahan-dahang lumapit ang gwapong mukha ni Gab sa aking mukga, nagdikit ang aming mga noo. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang mainit at mabangong hininga nito sa aking mukha at sa wakas ay nagtagpo din ang aming mga labi.


000ooo000


San ka sumubsob?” kunot noong tanong sakin ni Baste habang kumakain ng mais pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm namin.


Ha?” tanong ko dito na siyang pumutol sa pag de-day dream ko tungkol sa mainit naming halikan ni Gab kanina.


Yung nguso mo kasi namamaga tapos pulang pula.”


Ha?!” nagpapanic kong tanong dito sabay takbo sa harapan ng salamin. Namumula nga ito at medyo namamaga dahil sa mainit naming halikan kanina ni Gab.


Meron akong gamot para sa allergy dyan. Kumain ka nanaman siguro ng hotdog no---”


Ha?!” tanong ko kay Baste na agad namang nagtaas ng kilay.


Allergic ka sa mga preservatives diba? Kaya naisip ko na kumain ka nanaman ng hotdog kaya ganyan nguso mo.”


Uhmmm Oo. Kumain nga ako ng hotdog kanina.” pabulong kong pagsisinungaling kay Baste na patuloy lang ang panonood sakin habang kumakain ng mais.


Andyan yung gamot. Sa susunod wag ka ng kakain ng hotdog ah. Pigilan mo sarili mo kung hindi mamamaga talaga yang mga labi mo.”


Nangapal ang pisngi ko at sigurado ako, kapag tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay namumula ang mga ito.

Itutuloy...


Halaga [5]
by: Migs

22 comments:

  1. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng blog ko! sa 700 views per post/update pero mas mapapasaya niyo ako kung babalik ang dating dami ng comments. ;-0

    kapag merong 20 or more comments para sa back to back update na ito, promise magpopost ako ng stories weekly! ;-)

    SSUGGESTIONS, CLARIFICATION ADN VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME! ;-)

    I love you guys!

    ReplyDelete
  2. Awesome!!!! Medyo mainit dugo ko kay Gab. Ang sweet ni Baste!! Gusto ko talaga magkaroon ng BFF na katulad ni Baste.

    -- ANDY

    ReplyDelete
  3. Grabe sa ganda ng story. Naiinis ako jay nics noong una kasi parang tanga lang sa pagibignya kaygab. Pero i realized ganun din ako dati. It took lots and lots of misgivings from that guy bago ko sabihin na tapos na. Mangyayari din cguro ito kay nico. Pero mabuti at meron syang baste na sasalo sa kanya samantalang ako noon wala. Sana hindi masaktan si nico ng sobra.

    ReplyDelete
  4. Hahha hotdoog tlaga? Kwawang nico bwal matikman ky bste.. tnx migs

    ReplyDelete
  5. Super fun, super light and super like.. Still wishing for Baste-Nico.. Please lang author.. Thanks.. - Migz here..

    ReplyDelete
  6. I love this story,.
    Keep on posting kuya migz.
    Thank you for inspiring us.,

    -mew

    ReplyDelete
  7. Aba aba breezy moves si Baste. HAHA first sign ng jealous bestfriend ay tanong ng tanong. Grabe sir Migs!

    -Neb

    ReplyDelete
  8. Nico-Baste for me. Galing mo Migz.

    ReplyDelete
  9. Sana weekly na yung update <3

    ReplyDelete
  10. Ugghh uh.. team GabIco ako.. I'm positive the bffs are not gonna end up together.. hahahahaha

    ReplyDelete
  11. The best ka talaga migs. Sana umabot na to ng 20 para may update agad.

    ReplyDelete
  12. Galing. Kilig kiligan to the max. Masama ba talaga si Gab? Mukha naman hindi eh.

    ReplyDelete
  13. galing galing. keep up the great work migz - mark

    ReplyDelete
  14. Hahaha..buti di ako nag iisa na sa may feeling na d magkakatuluyan yung mag bestfrend na to..parang magiging true frends lang si baste at nico talaga..btw parang sobrang user ni gab..and in a weird way pinapaalala niya sa akin sa JP not that user si JP. Yung aura niya parang very JP like..hahahaha

    Anyways highways miss u migs

    -theresellama

    ReplyDelete
  15. Walang exempted na bakla when it comes to Users pero tanggapin nation masaya ang gaming feeling nevertheless.
    Natutuwa ako sa honesty at simplicity ng BFF roles ng dalawa... Pwede naman maging lovers din sina Nick at baste but I think it won't last kasi mas clique sila as BFFs. Ibang level kc kapag BFF. Galing mo sir miggs. Be safe always. Wait ko next update. Hello din sa ibang readers.

    ReplyDelete
  16. Yesss! You still write very well Migs! Light pero daming feels! :)
    /dilos

    ReplyDelete
  17. I really love reading ur stories! Thank you!

    Macky

    ReplyDelete
  18. Yow Migs!

    Matagal din bago nakabalik. Months? A year?

    Wala pa din pinagbago. Galing pa din.

    Hope to see kore from you.

    ReplyDelete
  19. Yey! mababasa ko na rin sa wakas :D

    ReplyDelete
  20. Hope to see the next episode na. Hehehe. Pang twenty na to na comment. Woohooo.
    -Bryan

    ReplyDelete
  21. Post na pls kuya migz. .
    Hehe, thanky you
    -mew

    ReplyDelete
  22. sana nmn po admin/writer migs masundan po itu.. maganda din po ito eh.. salamat po !

    JB:)

    ReplyDelete