Imaginary Love 8

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Lumipas pa ang ilang linggo at halos gabi gabi na kaming lumalabas ni James, minsan kasama pa namin si Ivan. Tila ba hinila ulit ako ng oras pabalik sa panahon kung kalian mga med students pa lang kami. Unti-unting nabaon ang masasakit na salita na nasabi namin sa isa’t isa noon at nakuwa narin naming pagtawanan ang mga masasakit na nangyari noon.


“I had fun.” Masayang saad ni James nang ihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jeff.


“Me too.” Masaya kong amin na lalong nagpalaki sa ngiti ni James.

“Uhmmm, Ry do you think you’re ready now to hear me out? I mean napagtatawanan na natin ang nangyari noon kasama si Ivan pero---” nagaalangang simula ni James, sumeryoso ang aking mukha at tumango na lang.


“I didn’t mean to hurt you, Ry. I promise. I got so confused. I thought Ivan is all I ever wanted but when Ivan and I became a couple, I still couldn’t stop thinking about you. Kahit pa siya yung hinahalikan ko, niyayakap ko-- yung mukha mo parin yung pumapasok sa isip ko--- I know it’s not an excuse it’s just that it became really confusing for me tapos nung gabing yun after I talked to Ivan at sisiguraduhin ko na na ikaw ang gusto ko, umalis ka na--- still I realized na ikaw talaga ang gusto ko and that I was too late.” Pagpapatuloy ni James, nangingilid na ang luha nito at binabato ako ng nagmamakaawang tingin.


“I’m sorry, Ry. I’m sorry.” Saad nito sabay hablot sakin para yakapin ako. Nanigas ang buo kong katawan pero hindi nagtagal ay nagrelax din ako sa yakap nito at sinuklian ko na ang yakap nito.


“I’ve missed you so much.” Bulong nito. Ramdam ko ang sinseridad nito kaya naman napa Oo ako sa susunod na tanong nito.


“Would you go out on a date with me?”
000ooo000

“Dry humping inside the car? Classic!” nakangising saad ni Jeff na halos ikaatake ko sa puso nang makapasok ako sa loob ng bahay.


“Stalker much?”


“Nagising ako. You were moaning like a bitch in he---” natigilan si Jeff nang batuhin ko ito ng isang kulumpon ng susi mula sa aking bulsa pero hindi ko ito natamaan. Narinig ko itong sumigaw na parang batang babae na hinahabol ng kaniyang kalaro.


000ooo000


“Kumain ka na?” tanong ko sa ama ko na sa kada araw na dumadaan na nasa loob ng ICU ang aking ina ay tila ba lalo itong tumatanda. Tumango lang ito at ngumiti sa akin agad ko itong nilapitan at niyakap.


“uhmmm Ry---” bungad ni James sa aking likod. Nakangiti akong humarap dito at nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng makita itong may hawak na isang bungkos ng roses.


“Uhmm---” nagaalangan ulit nitong saad, namumula ang pisngi at hindi maisalubong ang tingin sakin.


“Who are those for?” tanong ko dito habang nanlalaki parin ang mga mata ko habang nakatitig sa isang bungkos ng bulaklak na hawak nito.


“Those are for your mother.” Singit naman ng tatay ko sabay hablot ng mga bulaklak sa kamay ni James. Magsasalita pa sana si James pero bumulong dito ang tatay ko na narinig ko din naman.


“He doesn’t like flowers.” Saad ni Daddy kay James na napakamot lang sa ulo at nahihiyang tumingin sakin.


“Oh--”


“Di mo kailangan mafrustrate, I’m sure your tita will like these. Besides, di ko siya nabilhan ngayong Valentine’s day.” Humahagikgik na saad ng tatay ko sabay pindot ng door bell ng ICU upang pakiusapan ang nurse kung pwede siyang pumasok para ibigay kay mommy ang roses na binili ni James.


“Nagpareserve ako, if-if you don’t have any plans tonight---” nauutal at nagaalangan nanaman na aya sakin ni James na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakapagpa-cute kay James sa aking mga mata. Napangiti ako na siyang nakapagpamula sa mga pisngi lalo ni James.


“This will be our official first date.” Nakangiti kong saad dito. Nawala ang pagaalangan sa mukha ni James at napalitan narin ito ng ngiti at excitement.


            Maya maya pa ay nagpaalam na si James samin ni Daddy at ang Daddy naman ay nagaya na umuwi para makapagpahinga muna saglit. Habang sabay kami naglalakd pauwi sa bahay ni Jeff ay pinilit kong wag punahin ang pagsulyap sulyap sakin ni Daddy.


“Madadapa ka pa sa ginagawa mong yan eh. May gusto po ba kayong sabihin, Dad?” natatawa kong tanong sa aking ama na hindi nadin napigilan ang mapatawa.


“Gusto ko lang malaman kung sigurado ka na tungkol kay James pero kanina ko pa iniintay na mawala yung ngiti sa mukha mo kaya feeling ko gusto mo rin naman ang nangyayari.” Nangingiting saad ng tatay ko.


“Ayaw mo ba sa kaniya, Dad?” seryoso kong tanong dito.


“Anak, wala akong problema kay James ang naging problema ko lang sa kaniya ay yung nangyari sa inyo dati pero sino ba naman ako para pigilan ka kung gusto mo na talaga siya at napatawad mo na siya sa nagawa niya dati.” Nakangiting saad ni Daddy na ikinatango ko.


“We’re trying to take it slow, Dad. Tignan namin kung magwo-work.”


“That’s good.” Nakangiting saad ni Dad habang pumapasok kami sa bahay ni Jeff.


“But what about Jeff?” tanong ni Daddy sakin na ikinakunot ng noo ko nang marealize ko ang ibig tumbukin ni daddy ay biglang pumasok si Jeff ng front door.


“Oh.” Bati nito sakin sabay hampas ng isang piraso ng rose sa aking braso. Tinignan ko si Daddy na tila ba pinipigilan ang sarili na tumawa habang tinitignan ang malapit ng madurog na bulaklak.


“Ano ‘to?” tanong ko kay Jeff na umiling lang.


“Bulaklak. Valentines daw kasi ngayon eh. Eh yung bata sabi sakin bilhin ko na daw yan kasi hindi siya makakuwi hangga’t di nauubos paninda niya. Since last naman na yan, binili ko na.” sagot ni Jeff sabay kibit balikat habang nagtetext at naglalakad papunta sa kaniyang kwarto.


“Asshole.” Bulong ko habang hinihimas ang braso ko kung saan humampas ang bulaklak. Narinig ko ang paghagikgik ni Daddy.


“Ano nga yung pinaguusapan natin?” tanong k okay Daddy na umiling lang at nagpaalam na na magpapahinga na.


000ooo000


“Nag enjoy ka ba?” nakangiting tanong sakin ni James habang palabas kami ng sinehan. Tumango ako at napangiti nadin.


“Ang galing ni Henry Cavil no?” parang batang saad ni James habang iminumuestra ang kaniyang kamay na para bang lumilipad tulad ni superman.


“Mas magaling si batman.” Nakangiti kong saad. Inakbayan ako nito at isiniksik sa kaniyang gilid.


“Nakow. Wala yung si batman no. walang powers yun eh.” Balik ni James sabay hagikgik.


“Mas nakakabilib kasi alam niyang wala siyang powers pero ang tapang niyang hinaharap lahat ng kalaban na para bang hindi siya takot mamatay.” Balik ko naman.


“Basta.” Parang batang saad ni James.


“Basta din.” Saad  ko naman na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas nakapagpangiti kay James.


“Ang cute mo kapag nakikipagtalo.” Humahagikgik nitong saad sabay pisil sa aking ilong na ikinahagalpak ko nadin ng tawa. Gagantihan ko sana ito nang biglang magring ang telepono ko.


Ry, ang mommy mo---” simula ni daddy sa kabilang linya ng tanggapin ko ang tawag nito. Nanlambot ang aking mga paa kahit pa hindi na naituloy ni daddy ang kaniyang sasabihin. Napasandal ako kay James.


“Si mommy---” simula ko at hindi na kailangan pang marinig ni James ang mga susunod kong sasabihin at hinila na ako nito papunta sa ospital.


000ooo000


            Unang una kong nilapitan si Daddy at niyakap ito ng mahigpit habang si James ay tumuloy sa loob ng ICU at marahil ay inalam sa mga nurses kung ano ang nangyari at binabasa ang chart nito. Hindi ko na mapigilang mapaiyak gayung iyak din ng iyak ang tatay ko habang nakayakap sakin, nasa ganito kaming tagpo nang dumating ang humahangos na si Ivan, inabot nito ang aking kamay at pinisil ito saka pumasok din ng ICU.


“What happened?” tanong ni Jeff sa tabi ni daddy, halatang hindi niya pa alam ang nangyari kay mommy at kararating lang nito. Umiling ako at biglang binalot ang mukha nito ng lungkot. Bumitaw sakin si Daddy at inupo ko muna ito at tinatanong kung OK lang ito pero hindi ako nito sinagot at nagpatuloy lang ito sa pagiyak.


“Hey.” Humarap ako kay Jeff nang sabihin niya ito.


“Jeff, wala na si Mommy.” Humihikbi kong sabi.


“Do you want a hug?” nagaalanag nitong tanong. Si Jeff ang tipo ng lalaki na hindi magaling ihayag ang kanilang nararamdaman at magaling lang magpagaang ng loob sa pamamagitan ng mga actions kagaya ng pagyakap kaya naman hinid na ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok nito. Habang kayakap ko si Jeff ay bumukas ang pinto ng ICU at nakita ko sa loob si James at Ivan na magkayakap din. Halatang nalulungkot sa pagkawala ni Mommy.


000ooo000


“Do you want a hug?” tanong ni Jeff. Alas dos na ng madaling araw at wala ng nakikipaglamay kay Mommy. Alam kong sa umaga na ulit ang balik ng mga ito. Simula nung gabing nawala si mommy ay walang ibang ginawa si Jeff kundi ang alukin ako ng yakap.


            Napangiti ako at isinubsob ang mukha ko sa malapad nitong dibdib. Wala sa sarili akong napabuntong hininga lalo pa nang maramdaman ko ang pagbalot ng malalaking braso ni Jeff sa aking katawan. Narinig ko ding nagbuntong hininga si Jeff. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganong tagpo naputol na lang iyon nang marinig kong may nagtext sa akin, tinignan ko ito at nakita kong si James ang nagtext, kinakamusta ako.


            Sinagot ko ito na siyang nakapagpagaang din sa aking loob. Ngayon, masaya ako na asa aking tabi ulit ang dalawa kong malapit na kaibigan plus si Jeff. Nang nagtaas ako ng tingin ay naabutan kong nakatingin sakin si Jeff na tila ba nagtataka kung bakit ako nakangiti.


“Si James?” tanong nito sabay tingin sa aking telepono. Tumango ako. Ngumiti din siya.


“Ok na lahat sainyo?” tanong ulit nito.


“Oo. Kami din ni Ivan, OK na.” nakangiti kong sagot dito. Mas lalong lumaki ang ngiti nito, sinsero sa ipinapakitang masaya ito na masaya ako sa kabila ng pagkamatay ni Mommy.


“Jeff”


“Hmmm?”

“Thank you.” Saad ko dito sabay yakap ulit na ikinahagikgik ni Jeff.


“Napapadalas ata ang paghug mo sakin ah?”


“You’re like this really big teddy bear kaibahan lang medyo maasim ka compare sa mga teddy bear.” Saad ko dito habang nakasubsob parin ako sa matipuno nitong dibdib. Naramdaman ko ang pagalog ng dibdib ni Jeff dahil sa paghagikgik nito.

000ooo000


“Ryan, anak. Kailangan na nating magprepare para sa libing ni mommy mo.” mahinang saad ni Daddy habang inaalog ako ng marahan, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at saglit itong iginala. Naabutan ko ang malungkot na ngiti ni Daddy habang tinitignan ang aking ayos maya maya pa ay tila din kagigising lang ng aking tainga at doon ko lang narinig ang marahang paghilik ni Jeff na nakabalot parin sa akin ang makakapal na braso habang natutulog. Nagbato ako ng hindi makapaniwalang tingin sa aking ama nang mapagtanto kong nakatulog pala ako na nakasubsob sa malapad na dibdib ni Jeff.


“Napagod din ata si Jeff.” Nakangiting saad ni Daddy na ikinairap ko.


“Sus. Wala naman yang ginawa kundi i-entertain yung mga babaeng gustong makita si mommy.” Medyo malakas ko saad kay daddy na nakapagpahagikgik dito sabay hinampas ko ang malapad na dibdib ni Jeff na ikinagising nito, naalimpungatan ang dambuhalang loko. Agad itong tumayo sa sofa na tinutulugan naming dalawa na siyang nagdulot sakin na mahulog sa sahig.


“Anong nangyari---?!... po?” sigaw ni Jeff kay Daddy pero nang mapagtanto niya na si daddy ang kaniyang sinisigawan ay pinahabulan niya ito ng paggalang na ikinailing ng aking ama sabay tapik sa malapad na balikat nito.


“Pick my son from the floor will you?” nangingiting saad ni Daddy kay Jeff na mukhang naguguluhan parin sa mga nangyayari sa kaniyang paligid.


000ooo000


            Mahapdi na ang aking mga mata sa kakaiyak pero hindi ko parin magawang pigilan ang aking mga luha sa pagtulo habang binababa sa lupa ang kabaong ni mommy. Inakbay ko ang aking kamay sa balikat ng aking ama, kasabay nito ay naramdaman ko ang pagpisil ni Ivan sa aking kanang balikat at ganun din si James sa aking kaliwang balikat. Sinenyasan ni Daddy ang mga lalaking naatasan na tabunan ng lupa ang labi ni mommy at ginawa nga nila ito habang unti-unting numinipis ang mga taong nakipaglibing.


“Hey.” Tawag pansin sakin ni Jeff. Humarap ako dito habang hindi ko padin mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo.


“Need a hug?” tanong nito. Hindi ko mapigilang mapatawa sa inalok nito habang tumatango.


“Everything is going to be OK.” Bulong nito sakin habang, isinandal ko ang aking ulo sa matipuno nitong balikat at doon umiyak na parang bata habang pinapaandar niya ang malalaki niyang kamay sa aking likuran.


“Everything is going to be OK.”


000ooo000


“OK ka na ba dito daddy?” tanong ko sa aking ama habang pinapanood siyang sinisipat ang bahay na napagpasyahan kong rentahan para sa aming dalawa.


            Ilang linggo na ang lumipas matapos ilibing si mommy at napagusapan namin ni daddy na hindi pwedeng matagal pa kaming magste-stay sa bahay ni Jeff napagpasyahan namin na magrenta muna ng bahay habang inaayos niya ang mga papeles dito sa Pinas bago bumalik ng ibang bansa at habang ako naman ay nagtatapos ng residency.


“OK na ito, anak.” Nakangiting saad nito na ikinangiti ko din.


“Anong sabi ni Jeff nung sinabi mong aalis na tayo sa bahay niya.”


“Ayun mukhang masaya naman siya, iniisip siguro na makakapaguwi nanaman siya ng mga babae niya dun.” Natatawa kong saad dito.



“Eh yung residency mo?”


“Sus. Daddy, sisiw lang yung sakin.” Paniniguro ko dito na ikinangiti lalo nito. Nilapitan ko si daddy at niyakap ng mahigpit.


“Everything is going to be alright, dad.” Hindi na ito sumagot pero naramdaman kong sinuklian nito ang mahigpit kong yakap.


000ooo000


“Is everything OK, Ry?” nagaalalang tanong sakin ni James na ikinagising ko naman sa malalim na pagiisip.


            Nung umaga kasing iyon ay naisipan kong puntahan si Jeff sa bahay nito upang kamustahin pero hindi ang mukhang unggoy na si Jeff ang sumalubong sakin nang bumukas ang front door ng bahay nito kundi ang pinsan nito na tila ba ginagawa niyang caretaker ng bahay na iyon. Sabi ng pinsan nito ay hindi nanaman daw ito nagpasabi kung san ito pupunta kaya yun ang malalim kong iniisip nang gisingin ako ni James.


“Oo naman. Medyo naninibago lang sa training pero kaya naman.” Nakangiti kong sagot dito sabay tingin dito ng mariin. Noon ko lang napansin na tila ba may gusto itong sabihin pero nagaalangan lang ito.


“OK ka lang, James?” agad nitong sinalubong ang tingin sa akin nang marinig ang tanong kong iyon.


“Uhmm Ry, may gusto sana akong itanong sayo—I mean naiintindihan ko naman kasi kamamatay lang ni mommy mo tapos busy ka pa sa residency---” simula nito. Agad nangunot ang noo ko at inisip kung ano ang gustong puntuhin ni James.


“James---” simula ko pero tila ba dahil gusto ni James na mailabas na niya ang gusto niyang sabihin at dahil gusto niyang i-maintain ang momentum niya ay agad nitong pinutol ang sasabihin ko.


“Di ka pa ba ready to be in a relationship with me?” tanong nito na saglit kong ikinatameme.


            Muling nagdive ang utak ko sa pagiisip ng malalim at tinanong ang sarili kung hindi pa nga ba ako handa tulad ng sinasabi ni James. Alam ko sa sarili ko na handa na ako noon pa na pumasok sa isang relasyon pero ang tinanong ko na lang ulit sa aking sarili kung kanino ako makikipagrelasyon. Muli kong tinignan ng mariin si James pilit iwinawaglit sa aking isip ang nagaalangang tingin na isinusukli nito sakin at habang nakatitig ako sa maamong mukha nito ay unti-unti kong napapagtanto ang mga sagot sa mga tanong na gustong malaman ni James.


“Imaginary lang ang love na yan na sinasabi mo.” ang naaalala kong sabi ni Jeff sakin dati.


“James--- I--” simula ko pero agad na iniwas ni James ang tingin niya sakin. Inabot ko ang kamay nito at pinisil.


“It’s my fault for taking you for granted in the first place.” Saad ni James sabay nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.


“Kahit naman nagkatuluyan tayo five years ago magkakahiwalay parin tayo eventually kung hindi talaga tayo para sa isa’t isa.” Pagpapagaang ko sa loob nito.


“Still--- kung pinahalagahan sana kita noon at least I would have known kung pano ang mahalin ng isang Ryan Encarnacion. Who knows, baka naka five years din sana tayo.” Saad nito na ikinatameme ko dahil hindi ko na alam kung paano ko pa sasagutin ang sinabi niyang iyon.


000ooo000


“Ha! That’s what he gets for hurting you five years ago!” saad ng aking ama nang ikuwento ko dito ang usapan namin na iyon ni James.


“Dad!” parang bata kong saway dito na ikinahagikgik na lang nito.


“Don’t tell me nagsisisi ka sa pagbasted mo sa kaniya?” tanong nito.


“Hindi po ako nagsisisi dad. Naguguluhan lang ako sa sarili ko kung bakit ko ginawa yun eh alam ko naman sa sarili ko na isang relasyon na tulad ng inaalok ni James ang gusto ko---” simula ko pero hindi na ako pinatapos pa ni Daddy at agad na itong nagsalita.


“Kasi anak, alam ng puso mo na hindi mo na puwede ulit ipilit si James sa buhay mo. alam ng puso mo na hindi siya ang hinahanap mo.”


“Wow. Eh sino pa pala ang hinahanap ng puso ko dad?” sarkastiko kong balik dito bilang pangungutya sa kakornihan nitong banat.


“Aba eh malay ko---” simula nito sabay ngisi na nakakaloko na kala mo may biro ito na ayaw ipaalam sakin.


“SINO NGA?” natatawa kong pangungulit dito nang makita ko itong nangingiti na para bang nagpapapilit pa.


“Si Jeff---!” simula ulit nito sabay hagikgik na ikinatawa ko ng malakas.


“Dad! Straight nga si Jeff! Sus, kung nakita niyo lang kung pano makipaglandian yun sa mga babae dun sa baryo na tinigilan namin noon baka isipin niyo pa na kalahati ng populasyon ng mga bata doon anak niya. Bakit ba sumasagi yan sa isip niyo, ha?” pagrarason ko at pagpapahabol ko ng tanong dito.


“Wala naman, kasi nakita ko kung pano ka niya tignan ng puno ng pagaalala nung una ko siyang makita na kasama mo eh. Kung pano binalot ng inis yung mukha niya nung unang beses na lumapit satin si James. Eh yung rose nung valentines na binigay niya sayo naaalala mo? Binigyan ka parin niya maski na ang sagot ko nung nagtanong ka kung mahilig ka sa bulaklak ay hindi. Alam mo bang kinindatan pa ako nun nung ilagay mo sa vase yung pangit na bulaklak nay un habang yung mga bulaklak na binigay ni James hinayaan mong kunin ko---”


“Wait what?” singit ko pero tuloy tuloy lang si Daddy sa page-enumerate ng mga bagay na palagay niya ay tanda ng pagmamahal DAW sakin ni Jeff.


“Tapos yung mga hug na binibigay niya sayo--- sus, kung sino man makakapanood kung pano ka niya yakapan eh sigurado akong mararamdaman nila ang higpit ng yakap sayo ni Jeff kahit nanonood lang sila eh.”


 “Sweet lang talaga si Jeff, Dad.”


“Oh edi sige, sabihin na natin na ganun lang talaga si Jeff. Ibaling naman natin sayo yung mga tanong. ANONG GINAGAWA MO SA BAHAY NI JEFF KAHAPON NG UMAGA?” taas kilay at nakangising tanong sakin ni daddy na kala mo nagwagi siya sa isang debate.


“DAD!!!” saway ko dito.


“Anak, wala namang mawawala sayo kung bibigyan mo ng pagkakataon diba? Kahit naman mali ako sa akala ko wala naman mawawala sayo kasi kaibigan mo parin naman si Jeff. Huwag mong hayaang maging MALAY MO lang ang MALAY MO. Kumpirmahin mo.” makahulugang saad ni Dad.


000ooo000


“Shit! Shit! Shit!” singhal ko sa sarili ko habang tinatanong ko parin ang sarili ko kung ano ang ginagawa ko. Kailangan kong pumasok bukas ng maaaga sa ospital para sa residency ko pero andun parin ako asa byahe papunta sa baryo kung saan kami dati tumigil ni Jeff. Hindi ko sigurado kung nandun nga ito dahil tulad nga ng sabi ng pinsan nito ay wala itong pinagsabihan kung saan ito pupunta pero nagbakasakali parin ako.


            Nang makarating ako sa baryo ay kuntodo kaway ang mga taga doon nang makita nila ako na naglalakad papunta sa maliit naming clinic noon. Hindi ko magawang tanungin ang mga ito kung andun nga si Jeff dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kinakabahan ako na makaharap ulit ang mokong.


“Jeff---” tawag ko dito nang makita ko itong nakaupo sa may clinic namin at naglalaro ng COC. Agad nitong ibinaling sakin ang kaniyang pansin at nakita ko kung pano unti-unting nanlaki ang mga mata nito.


“Bakit ka andito?” tanong nito sabay lapit sakin.


            Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko naman kasi naisip kung pano ko sasabihin at kukumpirmahin kay Jeff kung gusto ako nito at ngayong nasa unahan ko na ang higanteng ito ay lalo akong nagalangan dahil kung hindi ako nito tatawanan sa sasabihin ko sa kaniya ay malamang bugbog sarado ako sa laki ng katawan nito.


“Ryan, OK ka lang?!” tanong nito sabay hawak sa aking magkabilang balikat at iniyugyog ako.


“I—I n-need a hug, Jeff.” Wala sa sarili kong saad dito. Saglit ako nitong tinitigan at hindi nagtagal ay ngumiti nadin ito.


“I miss hugging you too.” Bulong nito sakin matapos ako nitong balutin ng mahigpit na yakap.


“You’re not just doing this for that stupid blowjob right?” wala sa sarili kong tanong dito dahil hindi ko alam kung pano sisimulan ang mga bagay na gusto kong sabihin dito. Naramdaman kong humagikgik si Jeff.


“That is exactly why I keep offering hugs.” Humahagikgik nitong sagot. Tinulak ko ito palayo sakin dahil sa biglaang pagkain ng inis sa buo kong pagkatao dahil alam kong nakuwa nito ang aking ibig sabihin at ang sagot nito ay ang ikinakatakot ko. Wala itong gusto sakin tulad ng akala ni daddy. Nagpumiglas parin ako para makaalis sa yakap nito pero hindi ako nito pinakawalan at sa halip ay lalo pa ako nitong niyakap ng mahigpit.


“Stop moving damn it!” sigaw nito nang hindi parin ako tumigil sa pagpipiglas.


“No! I came all the way here thinking na baka pwedeng maging ta---” pero naputol ang aking sasabihin sa sunod na sinabi ni Jeff. Agad nitong inihawak ang kaniyang malalaking kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo at pilit akong pinaharap sa kaniya. Lalo akong natameme nang makita ko ang mga mata nito na puno ng emosyon.


“Will you give me blowjobs for the rest of our lives, Ry?” nagaalangang tanong nito. Napagtanto ko ang ibig sabihin nito at dahan dahang nagrelax ang katawan ko at luminaw ang aking isip at bumilis ang tibok ng aking puso.


            Na para bang alam na ng aking katawan, isip at puso na ang inaalok na iyon ni Jeff ang gusto ko.


“A-As long as you will give me those teddy bear hugs for the rest of our lives.” Saad ko dito. Agad na nawala ang pagaalangan sa mga mata ni Jeff at napalitan iyon ng tuwa.


“Deal!” masayang saad nito sabay yakap sakin ng mahigpit.


“Kailangan talaga lagi mong sinisingit ang blowjob eh no? Pwede namang ayain na lang ako makipagdate o kaya alukin akong maging boyfriend.” sarkastiko kong saad dito na ikinahagikgik nito.


“Ayaw ko ng ganun, masyado ng gamit yun eh gusto ko yung kakaiba.” Humahagikgik paring sagot ni Jeff.


“Saka para alam mo kung anong pinapasok mo.”


“Gago k---!”


            Tulad ng mga naunang pagkakataon ay hindi ko nanaman natapos ang aking sasabihin dahil mariin na ako nitong hinalikan.


-wakas-


Imaginary Love 8

By: Migs

Comments

  1. Sinabi na nga magpopost kna ngaun
    Happy much
    Thank you kuya:)

    .mew

    ReplyDelete
  2. Waaa. .
    Tapos na. .
    Shortest story i guess but i love it. .
    Ambivalent

    .mew

    ReplyDelete
  3. Aww! Wakas na...
    Thnx, Migs gaming mo talaga.

    Red 08

    ReplyDelete
  4. Hala!!! Wakas ns? Ay. Ganda p naman. Pero gusto ko rin si teddy bear para kay ry.

    ReplyDelete
  5. I love it. Jeff through the end. The best. At sake mabilis. :)

    ReplyDelete
  6. Its my day off today at sakto nka update k migs kaya lang wakas na pala. D bale may kasunod p n new story . Alams na. Tnx migs...

    ReplyDelete
  7. Loved the beginning but I didn't expected that the story will end up like this. So much potential for a good story. Hope to read your future works with much greater endings just like they used to. - P E D R O

    ReplyDelete
  8. ...hahaha matagal ko na palang binabasa ang lovestory nina jeff at ry "nakakubli" lamang sa kanila friendship :-) nice, short, simple. Beautiful.

    ~maharet

    PS
    Against All Odd 4 naaaaaaaaaa :)

    ReplyDelete
  9. well i love all of the stories talaga... from the love at its best to against all odds to this one...
    i believe this is the pabebe kse nman most eh umiyak talaga ako ng bongga at mabaliw baliw eh... hahaha...
    love the flow and everything.. love that kind of boy/friend like jeff... i hope i can have a bff like JEFF... sana may isang jeff na isang tawag lng, isang text lng, isang iglap nandyan para i-comfort ako.. yung mahal ako as bother and friend at the same time... sana magkaroon ako ng tulad jeff na bff straight/bi .. hahaha...

    love you writer/admin migs... more power po..

    JB :)

    ReplyDelete
  10. Why didnt I discover this blog sooner?! This is hot hahaha makes me want to touch myself haha

    ReplyDelete
  11. Hi, bakit hindi ko na makita yung story ni patrick?

    ReplyDelete
  12. Kuya miggy. Where are you? I miss your stories, your works. Grabe. :'(

    ReplyDelete
  13. Kuya migs we miss u already

    ReplyDelete
  14. Kuya. Migs asan ka na po huhuhu :(

    ReplyDelete
  15. grabe sya oh.. paramdam naman po kahit isang update lang :(

    ReplyDelete
  16. This is a good story. Nakakamiss yung mga ganito yung may halong kilig at kaba. It may not be totally related, but I hope that Asian gay porn has plots and stories, too. But yeah.. continue what you're doing coz you seem to be good at it.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]