Halaga 3
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nagulat
na lang ako nang biglang may kumalabog sa aking tabi, tinignan ko ang
sanhi nito at nakita ko ang nakakunot noo at nakangusong gwapong
mukha ni Baste. Ilang araw na kaming magkasama ni Baste sa dorm na
iyon, hindi ko alam kung bakit dito nagsusumiksik si kumag gayong
meron namang apartment ang kanilang pamilya dito sa Maynila kaya
naman tulad ng inaasahan ay disaster ang ilang araw na iyon na
magkasama kaming dalawa.
“What?!” tanong ko dito nang
makita na ang mga malalaking kamay ni Baste na humampas sa kahoy na
lamesa ang dahilan ng kalabog na iyon.
“Why the hell can't you stop
french kissing your phone?!” singhal nito sabay nguso at iling
ulit.
“I was not french kissing my
phone!”
“Yes you were! At kung hindi pa
kita pinigilan baka kinant---”
“Baste!” saway ko sa bastos na
bibig nito.
“Whatever! Are we going to shoot
some hoops or what?” iritableng tanong nito. Nagpakawala ako ng
isang malalim na buntong hininga at tumango na lang.
000ooo000
“What the fuck?!” singhal ko
nang tumalbog sa malapad kong noo ang bola. Tinignan ko ng masama si
Baste na humahagikgik lang.
“Asshole.” singhal ko ulit
habang hinihimas ang aking noo.
“What?! You were not paying
attention---”
“Kaya drinibol mo yung bola sa
noo ko?!” singhal ko ulit dito. Sumeryoso na ang mukha nito marahil
nang makita na naiinis na ako.
“Sino ba kasi yang katext mo?”
tanong nito sabay lapit sakin at sinubukang agawin ang telepono mula
sa aking mga kamay pinindot ko ang lock button bago pa man niya ito
maagaw. Nakasungalngal man ang kanang kamay ko sa pagmumukha ng loko
at kahit nakatodo stretch na ang aking kaliwang kamay ay naabot parin
ng mahahaba niyang mga kamay ang aking telepono matapos ang ilang
minuto na paghagikgik nito habang alam niyang nahihirapan ako.
“You changed your password?!”
“Kaya nga password eh. Ako lang
dapat ang nakakaalam!” nakangisi kong saad dito nang sa ilang beses
ay hindi niya nabuksan ang telepono ko.
“Wow. More and more secrets,
huh?” malungkot na saad ni Baste sa kabila ng pagngisi nito. Alam
nito marahil na kahit pa nakangisi siya ay nababasa ko parin ang
totoo niyang nararamdaman kaya siya sabay na tumingin sa ibang lugar
para maitago ito sa akin.
Tila may pumitik sa aking dibdib
at napuno ng hangin ang aking tiyan. Napuno nanaman ng
pangongonsensya sa sarili ang aking isip. Hindi nanaman ako nagiging
isang mabuting best friend para kay Baste, nabura na ng tuluyan ang
aming pangako sa isa't isa na wala kaming isesekreto sa isa't isa.
“Baste---” simula kong pang
aalo kay loko pero agad na naman itong ngumiti na parang walang
nangyari.
“Anyway, di na ako magugulat
pa.” saad nito sabay lakad palayo. Alam kong masama padin ang loob
nito pero hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya kung sino ang katext
ko at kung ano ang nangyayari na sakin ngayon pero hindi ko rin naman
hahayaan na tuluyan ng magkalamat ang aming pagkakaibigan.
“Sasabihin ko sayo lahat when
I'm ready.”
“Pssshhh!” saad nanaman nito
sabay lakad muli palayo. Nainis ako. Ngayon lang ako inisnab-isnab ni
Baste.
“Baste!” sigaw ko sabay abot
ng bola at binato sa direksyon nito. Dahil nga isang napakagaling na
basketball player ni Baste ay walang kahirap hirap niyang sinalo ang
bola. Ngumisi ito.
“Yan lang ba ang kaya mo?”
“Warm up pa lang yan.” ngisi
ko dito.
Matapos ang kalahating oras ay
hingal na hingal na ako at si Baste ay iinat inat lang. Inirapan ko
ito na ikinahagikgik niya lang. Nagflex nanaman ito ng kaniyang mga
biceps na lagi niyang ibinibida sa tuwing natatalo ako nito sa
basketball. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng pamilyar
na pakiramdam ng pamimigat ng tiyan.
“Whatever.” saad ko dito na
ikinahagalpak nito ng tawa.
“Always the sore loser.” saad
nanaman nito matapos makabawi sa sobrang tawa.
“Bakit ba kasi pumunta ka pa
dito. Akala ko ba isang taon ka pang matutulog?!” pangaalaska ko
dito.
“Naisip ko kasi na di ko dapat
palagpasin ang one year worth of hot girls dito. Sayang naman kung
sosolohin mo lang eh.” mahangin parin nitong saad na ikinailing ko
na lang.
“I'm
gay, Baste. Di ko kailangan yang mga hot
girls
mo na yan.” saad ko sabay dampot sa bola at naglakad na pabalik ng
dorm habang sumusunod sakin si kumag.
“Psshhh! Di mo palang kasi
napapanood yung porn---”
“BASTE!”
“What?!”
Hanggang makabalik kami sa dorm
namin ay wala paring tigil ang ganito naming bangayan. Tingin ko ay
nasanay nadin ang mga kasama namin sa building na iyon dahil hindi
narin kami pinapansin ng mga ito, ni hindi na nga kami binabato ng
tingin. Hindi narin naeeskandalo ang mga ito sa tuwing pabiro kaming
nagsusuntukan ni Baste dahil siguro para sa kanila ay likas na
magaslaw lang kami na parang dalawang magkapatid na lalaki na hindi
nagkakalayo ng edad.
“Where are you going?” tanong
ni Baste sakin habang ngumunguya pa ng malamig na pizza.
“I'm going out.” matipid na
sagot ko dito. Tumaas ang kilay nito at nagpatuloy lang sa pagnguya.
Tumalikod ako mula dito at inayos ang aking sarili sa harap ng
salamin. Kita ko sa salamin na saakin parin ito nakatingin at
pinagmamasdan ang aking ginagawa.
“Please
don't ask me kung sino ang kasama ko.”
“You look like a cheap male
prostitute.” saad nito habang may tumatalsik-talsik pang piraso ng
pizza mula sa bibig nito.
“What the fu---” simula ko
sabay bato ng pinakamalapit na bagay na maabot ko na nangyari namang
ang lalagyan ng wax ko para sa buhok. Nakita kong tinamaan si loko sa
noo nito. Nagmura ito ng malakas habang sapo sapo ang noo.
“That hurts!” sigaw nito sabay
takbo papalapit sakin.
Dahil sa malaking mama si Baste
ay ilang hakbang lang ay mahigpit na nitong hawak ang dalawa kong
kamay at pilit itong hinila sa aking likuran. Alam niyang mahihirapan
akong makawala sa ganung pusisyon kaya hilig niya itong gawin sa
tuwing gusto niya akong kotongan o kaya gantihan.
“You're going to pay for that!”
saad nito sabay ngisi. Hindi ko mapigilang mapahagalpak sa tawa nang
makita kong namumukol na ang noo ni kumag. Pero agad akong napatigil
sa kakatawa nang makita ko ang nakakalokong ngisi nito.
Binuhat ako nito papunta sa sofa
at ihiniga duon. Agad itong umupo sa aking tiyan at inipit ako ng
dalawa niyang dambuhalang hita para hindi ako makabangon sabay
kiniliti ang magkabila kong tagiliran.
“Sabihin mo na ako ang
pinakagwapo sa balat ng lupa!” saad niya sabay tigil sa
pangingiliti.
“Ayoko!” saad ko nang makabawi
sa sobrang pagtawa.
“Ah ganun ha!” saad niya ulit
sabay kiniliti ulit ang magkabila kong tagiliran. Pero hindi pa
nagkasya dun ang loko at bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa
aking leeg. Napahiyaw ako sa ginawang ito ni Baste. Madalas niya
itong gawin dati noon sa tuwing magkikilitian kami pero simula nung
tumungtong na kami sa puberty ay hindi na niya ito ginawa, ngayon na
lang ulit.
“Baste! Sige na ikaw na ang
pinakagwapo sa balat ng lupa!” sigaw ko na agad namang ikinatigil
ng kumag. Napatitig ako kay Baste at nagtama ang aming mga tingin.
Tila ba bumabalik ang lahat ng kinain ko nuong araw na iyon mula sa
aking sikmura. Naramdaman ko ang dahan dahang pagluwag ng
pagkakahawak sakin nito kaya naman mabilis akong nagpumiglas para
makawala sa pagkakadagan din nito.
“Yun naman pala sasabihin mo rin
naman pala eh!” nakangisi nitong balik. Agad kong hinatak ang
magkabila kong kamay at mabilis kong pinahiran ang aking nangingilid
na luha sa sobrang pagtawa at nang muli kong ibaling kay Baste ang
aking tingin. Nakangiti parin ito pero nakakunot ang noo na tila ba
may napansin siyang katakataka.
Hindi ko na ito pinansin at
tumayo na mula sa sofa at naglakad papunta ulit sa harapan ng
salamin. Inayos ko ulit ang aking sarili. Di ko maiwasang mapansin na
sakin muli nakatingin si Baste at ngumunguya nanaman ito ng lumang
pizza.
“Pero seriously Nics, palitan mo
yang suot mo. Mukha kang easy to get.” seryoso nitong saad nang
makita niyang nahuli ko siyang nakatingin sakin saka mabilis na
humarap ulit sa TV at doon na ipinako ang kaniyang tingin.
000ooo000
Two hours. Dalawang oras na ako
na nakatanga doon sa loob ng restaurant na iyon kung saan namin
napagusapan ni Gab na magde-date. Tinawagan ko siya, mukhang
nakalimutan niya nga na magkikita kaming dalawa pero naiintindihan ko
rin kung bakit, binabalanse ni Gab ang kaniyang scholarship sa
paglalaro ng basketball at sa pagaaral mabuti kaya hindi
nakapagtataka na ang extra curricular activities gaya ng
pakikipagdate ay mawaglit sa isip niya.
“Sorry--” saad ni Gab na
ikinagising ko sa pagiisip. Agad nalusaw ang pagkainis ko dito at
lalo kong nilaliman ang pagintindi sa nangyari nang makita ko itong
humahangos, pawisan pa at naka jersey padin, walang duda na galing sa
basketball practice madami din itong dalang libro at notebook.
Hindi ko din mapigilang mapansin
ang tingin samin ng halos lahat ng nasa loob ng restaurant. Alam kong
sikat si Gab sa buong unibersidad pero hindi ko inasahan na ganun
siya kasikat. Nakita ko pa ang mapanuring tingin sakin ng isang grupo
ng babae sa hindi kalayuan, grupo ng babae na hindi naman ako
pinapansin noong hindi pa dumadating si Gab.
“I was caught up with basketball
practice and remedial classes.” pagod at nahihiya nitong habol agad
akong nakaramdam ng pangongonsensya sa sarili.
“I-it's OK.” saad ko sabay
tawag sa waiter para umorder.
“What
the fuck do you mean it's OK?! Pinagintay ka niya ng dalawang oras!”
saad ng boses sa aking isip na
hindi malayong sabihin ni Baste sa totoong buhay. Agad akong umiling
upang burahin ang naisip na iyon.
“I
mean it's just two hours. Tignan mo naman siya oh, pagod na
pagod---gwapo pero pagod na pagod. Saka nag effort naman siya saka
nagsorry eh.” bida ko sa aking
sariling isip.
“Hindi ka padin kumain?”
tanong nito nang mapansin niyang umorder din ako.
“Inintay kita eh.” nahihiya
kong saad dito na ikinalaki naman ng ngiti nito sabay abot sa aking
kamay at pinisil ito. Agad kong ibinaling ang aking tingin sa mga tao
sa paligid, wala ng nakatingin samin maliban dun sa isa sa grupo ng
babae sa hindi kalayuan.
Una kong nakita ang galit sa
mukha nito pagkatapos ay lungkot at binawi niya ang kaniyang tingin
na umiiling. Hindi ko na ito pinansin at ibinaling na lang ang aking
pansin kay Gab na abala sa pagtetext habang nakakunot ang noo. Hindi
ko mapigilang mapangiti. Tingin ko ay kahit gaano papangitin ni Gab
ang kaniyang sarili ay Nakita ko ang mga libro na nakahain sa unahan
nito.
“You're taking remedials for
algebra?” tanong ko ulit dito. Tila naguluhan pa ito saglit saka
nahihiyang tumango tango.
“Want me to help you with that?”
000ooo000
“Where the hell have you been?!”
sigaw ni Baste na halos ikalaglag ng puso at baga ko sa sobrang
gulat.
“Wag kang maingay baste baka
marinig ng mga kapitbahay anong oras na oh!” pabulong kong singhal
dito.
“Exactly! Anong oras na pero
ngayon ka lang umuwi.” di ko na ito pinansin at nagtuloy tuloy na
ako sa aking kwarto.
“Di mo ba inisip na ako ang
sisisihin ng nanay mo kapag may nangyari na masama sayo?!” singhal
nito pabalik sakin.
“Wala ka manlang text. Wala ka
manlang tawag. Mababaliw na ako dito kakaintay at kakaisip kung ano
nangyari sayo---” agad siyang natigilan nang bigla ko siyang
yakapin ng mahigpit.
“Thank you.” nangingiti-ngiti
kong saad dito, nagiingat na hindi niya marinig sa aking tono na
ginawa ko lang iyon para matahimik siya at matapos na ang kaniyang
pinaglalaban.
“It's just that your mom is
going to kill me if something happened---” saad nito nang humakbang
na ako palayo dito at pilit na sumeryoso.
“She's not going to kill you.
Mas mahal ka pa nun kesa sakin eh.” nakangiti kong saad dito, hindi
ko mapigilang isipin na nagtagumpay ako.
“Well you're right--- but still.
Next time please text me.” saad nito habang sinasaran ko ang pinto
ng kwarto ko.
“Sure.” nakangiti kong saad
habang nakatalikod dito. Iniisip ko na may bago akong technique para
tigilan ako ni kumag sa pangungulit.
000ooo000
“Why do you have so many things
to do? Bakit andami mong homework eh halos puro orientation pa lang
naman this week?” taas kilay at nangungunot noo na tanong sakin ni
Baste, hindi niya alam na mga assignment ni Gab ang ginagawa.
“Bakit ka nangengeelam edi gawin
mo yung sayo.”
“Wala akong gagawin. Saka
nakaschedule tayo ngayon maglaro ng basketball.” saad nito sabay
nguso at namimilog ang mata na parang bata na nagmamakaawa na bigyan
siya ng candy.
“Oh edi hayaan mo akong magisa
para matapos ko na ito para makapagbasketball na tayo.” mainit kong
balik dito. Lalong namilog ang mata nito at lalong humaba ang nguso.
Indikasyon na nagsisimula na itong magtampo.
“Fine.” ang sabi nito na
siyang indikasyon an tuluyan na itong nagtampo.
“Fuck.” saad ko sabay tayo at
dinampot ang bola.
“Halika na nga maglaro na tayo!”
singhal ko dito pero hind narin nagtagal ang inis ko dito nang makita
ko ito na parang aso na excited na ipasyal siya ng kaniyang mga amo.
Halos magtatalon na ito at patakbo na itong lumabas nang aming dorm.
Napabuntong hininga na lang ako.
Iniisip na hindi ko rin kayang tiisin ang utak fetus na sa Baste.
Tila ilang araw na kinimkim ni Baste ang kaniyang kagustuhan na
maglaro ng basketball kaya naman extra energetic ito, extra maharot
at extra epal. Halos lahat ng tira ko ay sinusupalpal nito at kapag
nagtagumpay siya sa pagsupalpal sakin ay magpopose pa ito na miya mo
body builder na ikinakainis ko dahil kumukuwa na ito ng pansin lalo
na sa mga babae na nakatira din sa mga kalapit na dorm.
“Anak ng!” saad ko nang
supalpalin nanaman ni Baste ang tira ko, sa sobrang lakas ng
pagkakasupalpal nito sakin ay tumalbog ang bola sa backboard at
tumalsik ito medyo malayo sa court.
“Go on. Fetch the ball.”
nakangisi nitong saad sakin. Inirapan ko na lang ito at pagod na
sinundan ang bola.
Tumigil ito sa paanan ng isang
babae na naka highheels. Dahan dahan itong dinampot ng babae na
namukhaan kong ang babae na nakita kong umiiling noong nagdate kami
ni Gab. Hinanda ko na ang aking speech sa panlalait nitong sasabihin
tungkol sa mga bakla na katulad ko pero nagulat ako nang makita na
wala kahit na anong bakas ng inis o kaya galit sa mukha nito.
“Thank you.” ang tangi kong
nasabi nang ibigay nito ang bola sakin. Naglalakad na sana ako
pabalik sa basketball court nang bigla itong nagsalita.
“Get away from Gab---”
“Excuse me?” saad ko, iniisip
na eto na ang iniintay kong panlalait mula sa babaeng ito. Pero hindi
parin galit ang nakita ko sa mukha nito nang muli kong masilayan ang
mukha nito kundi pagaalala ang nakita ko sa mukha nito. Pero alam
kong mapagpanggap ang demonyo kaya naman hindi ako nagpadala sa
pagaalang iyon na nakaplaster sa mukha nito.
“I don't care if you're gay.
Basta layuan mo si Gab. He is bad news.” saad nito sabay talikod at
naglakad na palayo sakin. Malalim ang iniisip ko na bumalik sa court
kung saan nagpopopose parin ang kumag na si Baste pero ngayon ay may
mga babae na nakapalibot dito at pinipisil pisil ang malalaki ngitong
muscle.
Nanlaki ang butas ng ilong ko sa
sobrang ka-epalan ng kumag. Nakalimutan ko na ang inis ko sa babaeng
kakatapos ko lang makausap at napalitan iyon ng sobrang
pagkakaeskandalo sa ginagawang kaepalan na iyon ni Baste kaya naman
buong lakas kong binato ang bola dito.
Sapul ito sa ulo na ikinairit ng
mga babae sa paligid nito. Agad akong napangisi, tuluyan nang
nawaglit sa isip ko ang magandang babae na kausap ko lang kanina at
hinada ko nanaman ang sarili ko sa pakikipagbayangan kay Baste. Dahan
dahan itong humarap sakin. Naniningkit ang mata na tila ba
nagsasabing iyon na ang huling araw ko sa mundo.
Itutuloy...
Halaga
3
by: Migs
Hey guys sorry late post! Salamat sa patuloy na pagsuporta! I love you all! :-*
ReplyDeleteOks lang yun migs bsta wag ka lang susuko sa pagsulat. Dii kami mghihintay
DeleteI like the flow. Mukhang bad news nga si Gab.
ReplyDeleteCant wait for the next part. Thanks kuya migs.
--ANDY
Another nice narrative.. Baste is getting jealous.. Please don't break his heart.. Please make them grow in love with each other.. :-)
ReplyDeleteLoving this New Story Migz. I've been a silent reader for sometime now. But promise. I will be active na ulet. You deserve that. You've been always there for us... for me! Ingat ka Migz.
ReplyDeleteOn a roll na sir Migs! Ka abang abang talaga.
ReplyDelete-Neb