Against All Odds 3 [16]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
mapakali si Rob, matagal tagal na siyang iniwan ni Star sa loob ng
opisinang iyon ni Ian, nakangiti ang batang may ari ng kumpaniya na
iyon habang tumatango-tango habang binabasa ang kaniyang resume. Si
Ian ang may ari ng kumpaniya na iyon si Ian na may ilang oras lang
ang nakakaraan ay kausap niya, ang lalaking hindi niya alam ay
nilalait na pala niya. Sino nga ba kasing makakapagsabi na ang
nakangiti at batang batang lalaki na iyon na kumausap sa kaniya ang
may ari ng kumpaniya na iyon ang may ari ng kumpaniya na nilait lait
niya.
“Tingin
ko gusto lang magyabang nung may-ari nung building. A person who’s
always over the top tapos pinagyayabang yung kung ano ang meron
siya.”
Napapikit
si Rob sa naalalang iyon. Iniisip niya na ang panandaliang pagbalik
ng kaniyang dating ugali, ugali kung saan hindi pa siya dinadapa ng
eskandalong kinasangkutan niya at ni Ace ay ang siya ring ugali na
maaaring magpahamak sa kaniya ngayon. Hindi na rin siya magtataka
kung bigla na lang siyang palabasin ng opisinang iyon at hindi na
pabalikin kaya naman bago pa niya marinig ito mula sa bibig ni Ian ay
agad na niya itong inunahan.
“I’m
sorry. I promise hindi mo na ako ulit makikita.” saad ni Rob sabay
tayo at tinapunan niya saglit ng tingin si Ian, nakita niyang nawala
na ang magandang ngiti nito na kanina lang ay nakaplaster sa mukha
nito habang binabasa ang kaniyang resume sa halip ay napalitan ito ng
pagkunot ng noo.
“Sorry
for what?” tanong ni Ian na siyang pumigil kay Rob magtuloytuloy sa
paglalakad palabas ng opisinang iyon.
“Yung
mga sinabi ko kanina about the building and urmmm about you being the
owner of it and all---” halos pabulong na saad ni Rob dahil sa hiya
sabay muling yuko.
Saglit
na binalot ng katahimikan ang buong opisina kaya naman lalong naisip
ni Rob na talagang wala na siyang pag-asa na makuwa pa ang trabaho na
iyon. Pero habang paubos na ng paubos ang pag-asa ni Rob ay biglang
umalingawngaw ang malakas na pagtawa sa loob ng opisina.
“Isa
kaya yun sa mga hinahanap namin sa isang empleyado.” nakangiting
saad ni Ian na muling ikinakuwa ng pansin ni Rob. Saglit na natigilan
si Rob at hindi ito nakaligtas kay Ian.
“Yung
pagiging tact. Bakit kamo? Kasi we don’t want employees na susunod
lang sa gusto ng mga kasamahan nila, gusto namin yung nagiisip kahit
pa ang ibig sabihin nun ay parang nagkokontrahan sila.” masuyong
saad ni Ian na nakapagpaisip ng malalim kay Rob.
“I
want you to be a part of our team. Your experience is impressive this
company needs someone like you and no amount of tact can change my
mind.” nakangiti paring saad ni Ian na nakapagpakaba kay Rob lalo
na nang marinig niya ang salitang “experience”mula
sa bibig ni Ian.
“You
have to come clean, Rob. They’re willing to trust you. You have to
have their trust if you want a second chance. If you want this to
work out.” pagpapaalala
ni Rob sa kaniyang sarili.
“There’s
one more thing---” simula ni Rob pero naputol ang kaniyang
sasabihing iyon nang biglang nagring ang telepono ni Ian.
“Excuse
me.” nakangiting saad sa kaniya ni Ian pero agad dumilim ang mukha
nito nang tinignan nito ang screen ng telepono.
“What?”
may pagkamalamig na saad ni Ian sa taong tumawag sa kaniya na gumulat
kay Rob. Pero ang pagiging curious na malaman kung sino ang tumawag
na iyon at kung bakit biglang nag-iba ang asta nito dahil naging
abala na siya sa pagtitig sa mukha ng lalaking tinatawag na niya
ngayong boss.
Maamo
ang mukha nito, tipikal na PhilAm na mukha, mestisuhin kaya naman
bagay na bagay dito ang suot nitong amerikana, tipo ng lalaki na
lahat ng babae ay mapapaibig, yung tipong madalas kinukuwa para
maging commercial model dahil narin sa ganda ng tindig nito.
Yung
tipo ng lalaki na kung ito ay nakilala ni Rob bago pa man siya
tuluyang hindi maniwala sa true love ay malamang isa sa mga lalaking
nanaisin ni Rob na maka-date at posibleng maka relasyon.
“Sorry.”
hingi ng tawad ni Ian na siyang gumising kay Rob sa pagtitig sa maamo
nitong mukha. Umiiling paring tinititigan ni Ian ang kaniyang
telepono kahit pa ilang saglit na ang nakakaraan nang matapos ang
usapan nila ng taong nasa kabilang linya pero agad na napalitan ng
isang magandang ngiti ang pagiling na iyon ni Ian at pangungunot ng
noo nito na miya mo may bumabagabag dito.
“I
have to take that. Medyo demanding kasi yung taong tumawag kaya
kailangan kong sagutin. Anyway meron ka pa bang sasabihin? I’m
kinda hungry and in a hurry---” pagpapatuloy ni Ian pero agad nang
tumayo si Rob, tuluyang nawaglit sa kaniyang isip ang nais ipagtapat
sa bagong boss dahil sa nahihiya na din siyang kainin pa ang oras
nito.
“GREAT!
See you on Monday then?” tanong ni Ian sabay dampot ng kaniyang mga
gamit. Kinuwa naman itong uportunidad ni Rob na magpasalamat at
lumabas na ng opisina.
000ooo000
“So
how was it?” nakangiting tanong ni Amy nang sagutin niya ang
kaniyang telepono.
“Pinagre-report
na ako sa Monday.” tahimik na sagot ni Rob na hindi naman
nakaligtas kay Amy.
“Is
there something wrong, Rob?” nagaalalang tanong ni Amy.
“Wala
naman, kinakabahan lang ako ate. Everything is going great, natatakot
ako sa magiging kapalit---” nagdikit ang kilay ni Amy, malaki na
talaga ang pinagbago ni Rob matapos ang mga nangyaring eskandalo sa
dati nitong kumpaniya at pinapatunayan ito ng kasasabi lang ng
kaniyang pinsan.
“Bakit
mo naman naisip yan Rob?” tanong ni Amy.
“Well,
sa lahat ng nangyari sa nakalipas na taon masisisi mo ba ako ate?”
Hindi
agad nakasagot si Amy, kung nasa tabi lang siya ng kaniyang pinsan ay
baka nayakap na niya ito. Hindi niya ito makontra dahil alam niyang
totoo ang sinasabi nito. Magsasabi sana si Amy ng kahit anong
makakapagpagaang ng loob ng kaniyang pinsan pero agad na itong
nagpaalam sa kaniya.
“Ate,
bukas na lang ulit ha magaayos pa kasi ako ng mga gagamitin ko para
sa lunes.” paalam ni Rob na nahalata naman ni Amy na umiiwas lang
na muling pagusapan ang mga nangyari noong nakaraang taon.
“OK
Rob. Ingat ka lagi---” simulang paalam ni Amy sa kaniyang pinsan.
“Thanks
ate. Ingat ka rin---” balik naman ni Rob tulad ng nakasanayan,
saglit na niyang inilayo ang telepono sa kaniyang tainga nang marinig
niyang nagsalita muli sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, agad
niya ulit nilapit ang telepono sa kaniyang tainga.
“Oh
and Rob?”
“Ate?”
“Everything
is going to be OK.”
000ooo000
Busy
lahat ng tao. May ilang lakad takbo na kung kumilos, gulo gulo na ang
buhok ng iba lalo na ang mga lalaki na kadalasan ay planchadong
planchado ang mga buhok pero sa kabila noon ay hindi mo makikitaan
ang mga empleyadong iyon ng pagod o kaya naman pagkairita sa dami ng
kanilang ginagawa sa katunayan, nakangiti pa nga ang mga ito.
Hindi
rin mapigilan ni Rob ang mapangiti sa kaniyang sarili. Magdadalawang
linggo na siyang pumapasok sa bagong trabahong iyon at maski hindi na
siya magkandaugaga sa mga papeles sa kaniyang lamesa at parito at
paroon sa mga mahahalagang meeting ng kaniyang bagong boss na si Ian
ay hindi parin pumasok sa kaniyang isip na magreklamo marahil ang
isang dahilan ay sa kabila ng pagiging bago ng kumpaniya ay
kinikilala na ito sa pagiging isa sa pinaka successful na bagong
kumpaniya sa buong pilipinas.
“We are now concentrating on new chains of convenience stores, restaurants and even a magazine company but that doesn’t mean na pinapabayaan na namin yung iba pa naming---” simula ni Miranda sa mga possible local investors na itinu-tour niya sa umagang iyon.
Hindi
muli mapigilan ni Rob ang mapangiti. Lahat ng business na pinapasok
ni Ian at ng kaniyang partner sa negosyo ay nagiging hit at hindi
niya mapigilang isipin na kapag tumagal ay magiging isa siya na
siyang nagtulak sa tagumpay na iyon.
“Rob?”
Agad
na inalis ni Rob ang tingin niya sa kaniyang katrabaho at itinuon ang
kaniyang pansin kay Ian na masuyong nakangiti sa kaniya. Saglit pa
siyang natigilan sa napakagandang ngiti na iyon ni Ian. Sa araw araw
nilang pagsasama ni Ian ay hindi maiwasan ni Rob na humanga sa
kaniyang boss pero wala siyang balak na higitan pa ang paghangang
nararamdamang iyon dahil alam niyang hanggang ngayon ay hindi parin
siya nakakaalpas sa sakit ng huling tao na siyang hinangaan niya at
hinigitan pa ang paghangang iyon.
“Sir?”
mabilis na balik ni Rob na ikinailing na lang ni Ian habang masuyo
paring nakangiti.
“I
told you. Call me Ian.”
Ito
pa ang isa sa pinakagusto ni Rob sa kumpaniyang kaniya na ngayong
kinabibilangan, tila ba lahat sila ay magkakapantay lang pero sa
kabila non ay hindi parin nawawala ang respeto sa pagitan nilang
lahat lalo na kay Ian.
Nagpakawala
si Rob ng isang matipid na ngiti.
“Yes
Ian, ano pong kailangan niyo?” magalang na tanong ni Rob na lalong
nakapagpangiti kay Ian.
“That’s
more like it!” saad ni Ian sabay ngiti ulit. Saglit na nagtama ang
tingin ng dalawa na sa hindi malamang dahilan ay nakapagpangiti muli
kay Rob sabay ayos ng suot suot na salamin upang maitago ang hiya
mula sa kaniyang boss.
“Anyway---
paki ready yung conference room. Darating yung kapartner ko sa
kumpaniya na ito. Please ready all our monthly reports.” pagtatapos
ni Ian sabay simangot, hindi rin nakaligtas kay Rob ang sarcasm sa
tono nito.
Ilang
beses nang naaabutan ni Rob na kausap ni Ian ang sinasabing isa pa
nilang boses sa personal nitong telepono, yung telepono na tanging
malalapit lamang kay Ian ang nakakaalam ng numero, ang teleponong
hindi inaabot sa kaniya ni Ian upang sagutin at sa tuwing naaabutan
niyang kausap ni Ian ang isa pa nilang boss ay hindi nakakaligtas sa
kaniya ang pagkainis o pagkairita ni Ian sa kaniyang kausap, bagay na
nagtulak kay Rob na isipin na marahil ay hindi kaayaaya ang ugali ng
isa pa nilang boss.
“OK---”
pabitin na sagot ni Rob sa kaniyang boss habang pinapanood itong
pumasok muli sa sariling opisina.
000ooo000
“Rob,
OK ka lang?” tanong ni Star habang kumakain sila ng lunch.
“Oo
nga, kanina ka pa tulala dyan ah.” saad naman ni Miranda sabay bato
sa kaniya ng nagaalalang tingin.
“Si
Sir Ian kasi parang may problema. He’s not his usual self. Simula
nung dumalas yung tawag sa kaniyang personal phone.” sagot naman ni
Rob sabay tuon ng kaniyang tingin sa kinakain.
Nagpalitan
ng tingin si Star at Miranda na hindi naman napansin ni Rob.
“Maybe
it’s the fact na wala parin silang closure dalawa after that bad
breakup sa states. Balibalita na hindi naman talaga dapat uuwi si sir
Ian dito kundi lang dahil dun sa lalaking yun eh at he can’t just
let go of the company especially kung isa siya mismo sa nagtaguyod
nito and I bet ayaw niya na talagang makita yung hunghang na iyon
pero bali-balita din na dito narin daw magtitigil ang loko kasama si
Ian.” mabilis na tsismis ni Miranda na ikinasamid ni Rob. Matagal
pang umubo ng umubo si Rob bago pa siya abutan ni Star ng tubig.
“Sir
Ian is gay?” hindi makapaniwalang tanong ni Rob sa dalawang
kasamahan na agad siyang tinaasan ng kilay.
“Oo.
May problema ka ba dun?” mataray na tanong ni Star kay Rob na agad
na nagtaas ng kamay bilang sabi na wala siyang ibig sabihin na masama
sa tanong na iyon.
“W-wala!
I-I mean kung may problema ako sa mga beki edi para ko naring sinabi
na may problema ako sa sarili ko.” tahimik na pagamin ni Rob sa
dalawa na agad namang umirit na kumuwa sa atensyon ng lahat ng
nandun.
“WAAAAAAHHHHHHH!”
“I
knew it! Money down, Miranda!” saad ni Star matapos kumalma sabay
sahod ng kamay na agad namang nilapagan ni Miranda ng isang daan.
“Pinagpustahan
niyo ako?!” naeskandalong tanong ni Rob kay Star.
“Hindi
ikaw kundi yung sexual preference mo lang!” saad ni Star na para
bang magkaiba ang pinupunto nilang dalawa ni Rob.
“Now
that alam na namin na pareho kayo ng team
ni sir Ian pwede na kayong magdate!” excited na saad ni Star na
pumapalakpak pa.
“Whoah!
San galing yan?!” mabilis na saad ni Rob.
“Wala
lang naisip lang namin ni Star na since pareho naman kayong single
and parehas gn preference at bagay pa kayo eh bakit hindi na lang
kayong dalawa ang magdate.” taas babang kilay na saad ni Star na
tila ba may sinasuggest na kapilyahan.
“Oh
no I can’t.” umiiling na saad ni Rob. Nangunot ang noo ni Star
nang makita niya ang takot sa mata ni Rob.
“Why?
You guys are both good looking, single, successful and gay---”
“Because
the last thing I want to do is to complicate things for me again.”
Pabulong pero ang sinabing ito ang tumuldok sa usapan nilang tatlo na
iyon.
Natapos
ang tatlong kumain ng lunch na napapalibutan ng katahimikan. Si
Miranda dahil iniisip na niya kung paano magandang sabihin sa iba ang
tungkol kay Rob nang hindi lumalabas na tsismosa, si Star dahil
pinapatay siya ngayon ng kaniyang kyuryosidad sa huling sinabi ni Rob
habang si Rob naman ay natahimik dahil muli niyang naaalala lahat ng
nangyari sa kanila ni Ace at sa huli niyang pinagtratrabahuhan.
000ooo000
Saglit
pang nilingon ni Rob ang conference room na siyang katatapos lamang
niyang ayusin. Nakalatag na sa maganda at mahabang conference table
ang mahahalagang report na kaniyang pinaghirapan, naka set up narin
ang projector at nakatatak na sa kaniyang isip ang mga suhestiyon na
sa tingin niya ay lalo pang ikagaganda ng kumpaniya na iyon.
Suhestiyon.
Sa loob ng dalawang linggo na pagtratrabaho ni Rob sa kumpaniyang
iyon ay nakita na ni Ian ang galing ni Rob sa pagdedesisiyon at
pagpapatakbo ng isang kumpaniya, higit na ring pinahahalagahan ni Ian
ang mga suhestiyon ni Rob bagay na hindi na bago pa kay Rob dahil sa
ginagawa narin niya ito noon nung sa kumpaniya pa ni Ace siya
nagtratrabaho.
Napagawi
ang kaniyang tingin sa pinto ng conference room nang marinig niya
itong magbukas, saglit siyang kinabahan nang makita niya ang mga
nakangiting minor board members ng kumpaniyang iyon at pati narin ang
ilan sa kaniyang mga kasamahan. Saglit siyang nagbuntong hininga at
inisip maigi na kayang kaya niya at sisiw lang sa kaniya ang
pagpre-present na iyon.
“Good
morning! Please take a seat while we wait for Mr. uhm---” simula ni
Rob nang makita niyang malapit nang mapuno ang conference room pero
agad ding napigilan nang maalala niyang hindi pa nga pala niya alam
ang pangalan ng kaniyang isa pang boss.
““Good
morning sir.”” halos sabay sabay na bati ng mga empleyado sa
kapapasok pa lang na si Ian.
Sa
tingin ni Rob ay may kakaiba kay Ian. Tila ba ang ngiti nito ay hindi
isang daang purseyntong nakadisplay ngayon tulad ng nakagawian niya.
Naging prominente din ang mga eye bags nito at tila ba basang basa sa
mga mata nito na hindi siya mapakali at may kinakatakutan.
Bagay
na siyang lalong kumain sa kyuryosidad ni Rob. Pero lahat ng naisip
na ito ay mabilis na nabura sa isip niya, kasabay nun ay ang mabilis
na pagkawala ng kuntrol niya sa kaniyang mga kalamnan na siyang
nagdulot upang mabitawan niya ang kaniyang mga hawak na nagdulot ng
malakas na kalabog sa buong conference room.
“No.”
bulong ni Rob sa kaniyang sarili.
Itutuloy…
Against
All Odds
3[16]
By:Migs
Sorry for another late post. :-(
ReplyDeleteok lang po. :) at least meron ka pa ding update author :)
ReplyDelete