Against All Odds 3 [16]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi mapakali si Rob, matagal tagal na siyang iniwan ni Star sa loob ng opisinang iyon ni Ian, nakangiti ang batang may ari ng kumpaniya na iyon habang tumatango-tango habang binabasa ang kaniyang resume. Si Ian ang may ari ng kumpaniya na iyon si Ian na may ilang oras lang ang nakakaraan ay kausap niya, ang lalaking hindi niya alam ay nilalait na pala niya. Sino nga ba kasing makakapagsabi na ang nakangiti at batang batang lalaki na iyon na kumausap sa kaniya ang may ari ng kumpaniya na iyon ang may ari ng kumpaniya na nilait lait niya.

Tingin ko gusto lang magyabang nung may-ari nung building. A person who’s always over the top tapos pinagyayabang yung kung ano ang meron siya.”

Napapikit si Rob sa naalalang iyon. Iniisip niya na ang panandaliang pagbalik ng kaniyang dating ugali, ugali kung saan hindi pa siya dinadapa ng eskandalong kinasangkutan niya at ni Ace ay ang siya ring ugali na maaaring magpahamak sa kaniya ngayon. Hindi na rin siya magtataka kung bigla na lang siyang palabasin ng opisinang iyon at hindi na pabalikin kaya naman bago pa niya marinig ito mula sa bibig ni Ian ay agad na niya itong inunahan.


I’m sorry. I promise hindi mo na ako ulit makikita.” saad ni Rob sabay tayo at tinapunan niya saglit ng tingin si Ian, nakita niyang nawala na ang magandang ngiti nito na kanina lang ay nakaplaster sa mukha nito habang binabasa ang kaniyang resume sa halip ay napalitan ito ng pagkunot ng noo.


Sorry for what?” tanong ni Ian na siyang pumigil kay Rob magtuloytuloy sa paglalakad palabas ng opisinang iyon.


Yung mga sinabi ko kanina about the building and urmmm about you being the owner of it and all---” halos pabulong na saad ni Rob dahil sa hiya sabay muling yuko.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong opisina kaya naman lalong naisip ni Rob na talagang wala na siyang pag-asa na makuwa pa ang trabaho na iyon. Pero habang paubos na ng paubos ang pag-asa ni Rob ay biglang umalingawngaw ang malakas na pagtawa sa loob ng opisina.


Isa kaya yun sa mga hinahanap namin sa isang empleyado.” nakangiting saad ni Ian na muling ikinakuwa ng pansin ni Rob. Saglit na natigilan si Rob at hindi ito nakaligtas kay Ian.


Yung pagiging tact. Bakit kamo? Kasi we don’t want employees na susunod lang sa gusto ng mga kasamahan nila, gusto namin yung nagiisip kahit pa ang ibig sabihin nun ay parang nagkokontrahan sila.” masuyong saad ni Ian na nakapagpaisip ng malalim kay Rob.


I want you to be a part of our team. Your experience is impressive this company needs someone like you and no amount of tact can change my mind.” nakangiti paring saad ni Ian na nakapagpakaba kay Rob lalo na nang marinig niya ang salitang “experience”mula sa bibig ni Ian.


You have to come clean, Rob. They’re willing to trust you. You have to have their trust if you want a second chance. If you want this to work out.” pagpapaalala ni Rob sa kaniyang sarili.


There’s one more thing---” simula ni Rob pero naputol ang kaniyang sasabihing iyon nang biglang nagring ang telepono ni Ian.


Excuse me.” nakangiting saad sa kaniya ni Ian pero agad dumilim ang mukha nito nang tinignan nito ang screen ng telepono.


What?” may pagkamalamig na saad ni Ian sa taong tumawag sa kaniya na gumulat kay Rob. Pero ang pagiging curious na malaman kung sino ang tumawag na iyon at kung bakit biglang nag-iba ang asta nito dahil naging abala na siya sa pagtitig sa mukha ng lalaking tinatawag na niya ngayong boss.


Maamo ang mukha nito, tipikal na PhilAm na mukha, mestisuhin kaya naman bagay na bagay dito ang suot nitong amerikana, tipo ng lalaki na lahat ng babae ay mapapaibig, yung tipong madalas kinukuwa para maging commercial model dahil narin sa ganda ng tindig nito.


Yung tipo ng lalaki na kung ito ay nakilala ni Rob bago pa man siya tuluyang hindi maniwala sa true love ay malamang isa sa mga lalaking nanaisin ni Rob na maka-date at posibleng maka relasyon.


Sorry.” hingi ng tawad ni Ian na siyang gumising kay Rob sa pagtitig sa maamo nitong mukha. Umiiling paring tinititigan ni Ian ang kaniyang telepono kahit pa ilang saglit na ang nakakaraan nang matapos ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya pero agad na napalitan ng isang magandang ngiti ang pagiling na iyon ni Ian at pangungunot ng noo nito na miya mo may bumabagabag dito.


I have to take that. Medyo demanding kasi yung taong tumawag kaya kailangan kong sagutin. Anyway meron ka pa bang sasabihin? I’m kinda hungry and in a hurry---” pagpapatuloy ni Ian pero agad nang tumayo si Rob, tuluyang nawaglit sa kaniyang isip ang nais ipagtapat sa bagong boss dahil sa nahihiya na din siyang kainin pa ang oras nito.


GREAT! See you on Monday then?” tanong ni Ian sabay dampot ng kaniyang mga gamit. Kinuwa naman itong uportunidad ni Rob na magpasalamat at lumabas na ng opisina.


000ooo000


So how was it?” nakangiting tanong ni Amy nang sagutin niya ang kaniyang telepono.


Pinagre-report na ako sa Monday.” tahimik na sagot ni Rob na hindi naman nakaligtas kay Amy.


Is there something wrong, Rob?” nagaalalang tanong ni Amy.


Wala naman, kinakabahan lang ako ate. Everything is going great, natatakot ako sa magiging kapalit---” nagdikit ang kilay ni Amy, malaki na talaga ang pinagbago ni Rob matapos ang mga nangyaring eskandalo sa dati nitong kumpaniya at pinapatunayan ito ng kasasabi lang ng kaniyang pinsan.


Bakit mo naman naisip yan Rob?” tanong ni Amy.


Well, sa lahat ng nangyari sa nakalipas na taon masisisi mo ba ako ate?”


Hindi agad nakasagot si Amy, kung nasa tabi lang siya ng kaniyang pinsan ay baka nayakap na niya ito. Hindi niya ito makontra dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito. Magsasabi sana si Amy ng kahit anong makakapagpagaang ng loob ng kaniyang pinsan pero agad na itong nagpaalam sa kaniya.

Ate, bukas na lang ulit ha magaayos pa kasi ako ng mga gagamitin ko para sa lunes.” paalam ni Rob na nahalata naman ni Amy na umiiwas lang na muling pagusapan ang mga nangyari noong nakaraang taon.


OK Rob. Ingat ka lagi---” simulang paalam ni Amy sa kaniyang pinsan.


Thanks ate. Ingat ka rin---” balik naman ni Rob tulad ng nakasanayan, saglit na niyang inilayo ang telepono sa kaniyang tainga nang marinig niyang nagsalita muli sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, agad niya ulit nilapit ang telepono sa kaniyang tainga.


Oh and Rob?”


Ate?”


Everything is going to be OK.”

000ooo000

Busy lahat ng tao. May ilang lakad takbo na kung kumilos, gulo gulo na ang buhok ng iba lalo na ang mga lalaki na kadalasan ay planchadong planchado ang mga buhok pero sa kabila noon ay hindi mo makikitaan ang mga empleyadong iyon ng pagod o kaya naman pagkairita sa dami ng kanilang ginagawa sa katunayan, nakangiti pa nga ang mga ito.


Hindi rin mapigilan ni Rob ang mapangiti sa kaniyang sarili. Magdadalawang linggo na siyang pumapasok sa bagong trabahong iyon at maski hindi na siya magkandaugaga sa mga papeles sa kaniyang lamesa at parito at paroon sa mga mahahalagang meeting ng kaniyang bagong boss na si Ian ay hindi parin pumasok sa kaniyang isip na magreklamo marahil ang isang dahilan ay sa kabila ng pagiging bago ng kumpaniya ay kinikilala na ito sa pagiging isa sa pinaka successful na bagong kumpaniya sa buong pilipinas.


“We are now concentrating on new chains of convenience stores, restaurants and even a magazine company but that doesn’t mean na pinapabayaan na namin yung iba pa naming---” simula ni Miranda sa mga possible local investors na itinu-tour niya sa umagang iyon.


Hindi muli mapigilan ni Rob ang mapangiti. Lahat ng business na pinapasok ni Ian at ng kaniyang partner sa negosyo ay nagiging hit at hindi niya mapigilang isipin na kapag tumagal ay magiging isa siya na siyang nagtulak sa tagumpay na iyon.


Rob?”


Agad na inalis ni Rob ang tingin niya sa kaniyang katrabaho at itinuon ang kaniyang pansin kay Ian na masuyong nakangiti sa kaniya. Saglit pa siyang natigilan sa napakagandang ngiti na iyon ni Ian. Sa araw araw nilang pagsasama ni Ian ay hindi maiwasan ni Rob na humanga sa kaniyang boss pero wala siyang balak na higitan pa ang paghangang nararamdamang iyon dahil alam niyang hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakaalpas sa sakit ng huling tao na siyang hinangaan niya at hinigitan pa ang paghangang iyon.


Sir?” mabilis na balik ni Rob na ikinailing na lang ni Ian habang masuyo paring nakangiti.


I told you. Call me Ian.”


Ito pa ang isa sa pinakagusto ni Rob sa kumpaniyang kaniya na ngayong kinabibilangan, tila ba lahat sila ay magkakapantay lang pero sa kabila non ay hindi parin nawawala ang respeto sa pagitan nilang lahat lalo na kay Ian.


Nagpakawala si Rob ng isang matipid na ngiti.


Yes Ian, ano pong kailangan niyo?” magalang na tanong ni Rob na lalong nakapagpangiti kay Ian.


That’s more like it!” saad ni Ian sabay ngiti ulit. Saglit na nagtama ang tingin ng dalawa na sa hindi malamang dahilan ay nakapagpangiti muli kay Rob sabay ayos ng suot suot na salamin upang maitago ang hiya mula sa kaniyang boss.


Anyway--- paki ready yung conference room. Darating yung kapartner ko sa kumpaniya na ito. Please ready all our monthly reports.” pagtatapos ni Ian sabay simangot, hindi rin nakaligtas kay Rob ang sarcasm sa tono nito.


Ilang beses nang naaabutan ni Rob na kausap ni Ian ang sinasabing isa pa nilang boses sa personal nitong telepono, yung telepono na tanging malalapit lamang kay Ian ang nakakaalam ng numero, ang teleponong hindi inaabot sa kaniya ni Ian upang sagutin at sa tuwing naaabutan niyang kausap ni Ian ang isa pa nilang boss ay hindi nakakaligtas sa kaniya ang pagkainis o pagkairita ni Ian sa kaniyang kausap, bagay na nagtulak kay Rob na isipin na marahil ay hindi kaayaaya ang ugali ng isa pa nilang boss.


OK---” pabitin na sagot ni Rob sa kaniyang boss habang pinapanood itong pumasok muli sa sariling opisina.

000ooo000

Rob, OK ka lang?” tanong ni Star habang kumakain sila ng lunch.


Oo nga, kanina ka pa tulala dyan ah.” saad naman ni Miranda sabay bato sa kaniya ng nagaalalang tingin.


Si Sir Ian kasi parang may problema. He’s not his usual self. Simula nung dumalas yung tawag sa kaniyang personal phone.” sagot naman ni Rob sabay tuon ng kaniyang tingin sa kinakain.


Nagpalitan ng tingin si Star at Miranda na hindi naman napansin ni Rob.


Maybe it’s the fact na wala parin silang closure dalawa after that bad breakup sa states. Balibalita na hindi naman talaga dapat uuwi si sir Ian dito kundi lang dahil dun sa lalaking yun eh at he can’t just let go of the company especially kung isa siya mismo sa nagtaguyod nito and I bet ayaw niya na talagang makita yung hunghang na iyon pero bali-balita din na dito narin daw magtitigil ang loko kasama si Ian.” mabilis na tsismis ni Miranda na ikinasamid ni Rob. Matagal pang umubo ng umubo si Rob bago pa siya abutan ni Star ng tubig.


Sir Ian is gay?” hindi makapaniwalang tanong ni Rob sa dalawang kasamahan na agad siyang tinaasan ng kilay.


Oo. May problema ka ba dun?” mataray na tanong ni Star kay Rob na agad na nagtaas ng kamay bilang sabi na wala siyang ibig sabihin na masama sa tanong na iyon.


W-wala! I-I mean kung may problema ako sa mga beki edi para ko naring sinabi na may problema ako sa sarili ko.” tahimik na pagamin ni Rob sa dalawa na agad namang umirit na kumuwa sa atensyon ng lahat ng nandun.
WAAAAAAHHHHHHH!”


I knew it! Money down, Miranda!” saad ni Star matapos kumalma sabay sahod ng kamay na agad namang nilapagan ni Miranda ng isang daan.


Pinagpustahan niyo ako?!” naeskandalong tanong ni Rob kay Star.


Hindi ikaw kundi yung sexual preference mo lang!” saad ni Star na para bang magkaiba ang pinupunto nilang dalawa ni Rob.


Now that alam na namin na pareho kayo ng team ni sir Ian pwede na kayong magdate!” excited na saad ni Star na pumapalakpak pa.


Whoah! San galing yan?!” mabilis na saad ni Rob.


Wala lang naisip lang namin ni Star na since pareho naman kayong single and parehas gn preference at bagay pa kayo eh bakit hindi na lang kayong dalawa ang magdate.” taas babang kilay na saad ni Star na tila ba may sinasuggest na kapilyahan.


Oh no I can’t.” umiiling na saad ni Rob. Nangunot ang noo ni Star nang makita niya ang takot sa mata ni Rob.


Why? You guys are both good looking, single, successful and gay---”


Because the last thing I want to do is to complicate things for me again.” Pabulong pero ang sinabing ito ang tumuldok sa usapan nilang tatlo na iyon.


Natapos ang tatlong kumain ng lunch na napapalibutan ng katahimikan. Si Miranda dahil iniisip na niya kung paano magandang sabihin sa iba ang tungkol kay Rob nang hindi lumalabas na tsismosa, si Star dahil pinapatay siya ngayon ng kaniyang kyuryosidad sa huling sinabi ni Rob habang si Rob naman ay natahimik dahil muli niyang naaalala lahat ng nangyari sa kanila ni Ace at sa huli niyang pinagtratrabahuhan.

000ooo000

Saglit pang nilingon ni Rob ang conference room na siyang katatapos lamang niyang ayusin. Nakalatag na sa maganda at mahabang conference table ang mahahalagang report na kaniyang pinaghirapan, naka set up narin ang projector at nakatatak na sa kaniyang isip ang mga suhestiyon na sa tingin niya ay lalo pang ikagaganda ng kumpaniya na iyon.


Suhestiyon. Sa loob ng dalawang linggo na pagtratrabaho ni Rob sa kumpaniyang iyon ay nakita na ni Ian ang galing ni Rob sa pagdedesisiyon at pagpapatakbo ng isang kumpaniya, higit na ring pinahahalagahan ni Ian ang mga suhestiyon ni Rob bagay na hindi na bago pa kay Rob dahil sa ginagawa narin niya ito noon nung sa kumpaniya pa ni Ace siya nagtratrabaho.


Napagawi ang kaniyang tingin sa pinto ng conference room nang marinig niya itong magbukas, saglit siyang kinabahan nang makita niya ang mga nakangiting minor board members ng kumpaniyang iyon at pati narin ang ilan sa kaniyang mga kasamahan. Saglit siyang nagbuntong hininga at inisip maigi na kayang kaya niya at sisiw lang sa kaniya ang pagpre-present na iyon.


Good morning! Please take a seat while we wait for Mr. uhm---” simula ni Rob nang makita niyang malapit nang mapuno ang conference room pero agad ding napigilan nang maalala niyang hindi pa nga pala niya alam ang pangalan ng kaniyang isa pang boss.


““Good morning sir.”” halos sabay sabay na bati ng mga empleyado sa kapapasok pa lang na si Ian.


Sa tingin ni Rob ay may kakaiba kay Ian. Tila ba ang ngiti nito ay hindi isang daang purseyntong nakadisplay ngayon tulad ng nakagawian niya. Naging prominente din ang mga eye bags nito at tila ba basang basa sa mga mata nito na hindi siya mapakali at may kinakatakutan.


Bagay na siyang lalong kumain sa kyuryosidad ni Rob. Pero lahat ng naisip na ito ay mabilis na nabura sa isip niya, kasabay nun ay ang mabilis na pagkawala ng kuntrol niya sa kaniyang mga kalamnan na siyang nagdulot upang mabitawan niya ang kaniyang mga hawak na nagdulot ng malakas na kalabog sa buong conference room.


No.” bulong ni Rob sa kaniyang sarili.


Itutuloy…

Against All Odds
3[16]
By:Migs

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]