Chasing Pavements 3


____________________________
Chasing Pavements 3
by: Migs



Nang marinig ko pa lang ang boses ni Edward ay parang kukumbulsyunin na ako kanina.



At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.



Sabi nanaman ng utak ko habang nagmamaneho palabas ng village, di ko kinaya kahit mapalapit lamang sa presensya ni Edward, ibinabalik niya lahat ng sakit na matagal ko ng kinalimutan. Di ko maintindihan yung sarili ko, para akong isinilid sa isang malaking kahon na kung saan kulang ang supply ng oxygen kaya naman sumakit ang ulo ko at ang dibdib ko, di ko na nakayanan. Bigla kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng highway ng makalabas ako ng village na siya namang ikinagalit ng sasakyan sa likod ko.



USE YOUR DAMN SIGNAL!” sigaw ng driver nito ng makatapat ito sa bintana ko. Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata.




Migs, andito ka na pala.”



Ah eh, Oo, kaninang hapon lang.” kinakabahan kong sabi kay Edward habang naharap dito. Nginitian naman ako nito na siya ko namang sinuklian ng isang kinakabahang ngiti.



O siya, una na ako. Al, salamat sa beer.” tawag ko sa nakakabatang kapatid ni Edward na ikinapanic naman nito at aktong hahabol sakin nang pigilan ito ng aking kapatid.



Migs, teka kararating ko lang ah.” nawala bigla ang ngiti ni Edward sa mukha nito.



Ah eh, nagpromise kasi ako kay Faye na bibisitahin ko siya pagbalik ko eh.” kinakabahan kong sabi dito.




Samahan na kita, delikado papunta doon.” sabi nito sakin, na lalo ko namang ikina-panic.




Ah eh, hindi na, nakakahiya naman sayo, baka mapagod ka lang.” sabi ko dito at nagmadaling, pumunta sa kotse ko at pinaandar na ito palayo.



Inuntog ko ang ulo ko sa manibela ng aking sasakyan. Di ko alam ang ikinagaganito ko, kahit naman kasi papano ay alam kong magkikita din kami pero di ko inexpect na ganon kabilis at ganon ka awkward. At bukod dun sa mga nauna kong nararamdaman ay nadagdagan pa ito ng sakit at galit.




Eto na nga ang sinasabi ko eh. Babalik at babalik itong sakit na ito.” sabi ko sa sarili ko.




Toy! Dagdagan mo naman ang bayad mo! Dinumihan mo na nga yung upuan ng tricycle ko eh.” sabi ng driver ng sinakyan kong trike mula sa skwelahan namin kung saan dinaos ang aming JS prom.



Iritable akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng trike at pabalang na ibinigay kay manong ang biente pesos na nasa bulsa ko. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si kuya.



Anong nangyari sayo?” gulat na tanong nito sakin, habang minamata ang tumutulo pang kulay pulang likido mula sa aking damit. Di na ako sumagot.




Ikuwa mo na lang ako ng maisusuot galing sa kwarto ko, please?” makaawa ko dito.



Sige saglit lang, sa likod ka na din dumaan at ibalot mo sa plastic yang damit mo, ako na magpapa laundry para di malaman nila Mommy.” nagaalalang sabi sakin ng aking kuya.




Nakapanhik na ako sa aking kwarto at humarap sa salamin, may ilang kulay pula pang likido ang di ko matanggal sa aking buhok, naaawa ako sa sarili ko kaya naman inialis ko na ang mata ko mula doon.




Migs?” tawag ni kuya habang nakatok pa sa aking pinto.



Bukas yan, kuya.” sabi ko habang pinapahiran ang aking luha.



Andyan si Edward sa baba.” sabi ni kuya.



Sabihin mo natutulog.” malamig kong sabi.




Gusto ko lang siyang makausap saglit, kuya Mark. Please.” naririnig kong boses ni Edward mula sa naka awang kong pinto.




Tulog na Edward eh.”




Agad kong narinig ang pagsara ng gate, napadako ang tingin ko sa bintana ko na katapat ng bintana ni Edward sa katabing bahay, agad ko iyong pinuntahan at sinara ang bintana, inabot ko ang tali ng venician blinds ng aking bintana, pero bago ko pa ito mahila upang sarhan ay nakita kong bumukas ang ilaw sa kabilang kwarto at nakita ko ding tumatakbo si edward palapit sa bintana niya, pero huli na, naisara ko na ang venician blinds.



Bumalik ako sa aking higaan at nagpasya ng matulog ng makarinig ako ng pagkatok sa aking bintana.




TOK TOK TOK” iniangat ko ang aking ulo at sa labas ng aking sasakyan ay isang pulis.



May problema ba, Sir?” tanong nito sakin nang maibaba ko na ang aking bintana.



Ay wala naman boss, may iniintay lang.” sabi ko dito.



Ah ganun po ba? Siguro po mas maganda kung humanap po kayo ng ibang paparadahan, kasi medyo nakakasikip po pag dito kayo paparada.” magalang na sabi sakin ng pulis.



Ay sensya na po, boss.” sabi ko dito at pinaandar na ang aking sasakyan.



Ang totoo niyan di naman talaga ako pupunta sa bahay ng kaibigan kong si Faye tulad ng pagpapalusot ko kay Edward kanina, pinapapunta ako ni Faye, Oo, pero di ako pupunta dun sa kanila sa dioras ng gabi, unang una matalahib dun at nakakatakot dumaan, pangalawa di ko na ito masyadong kabisado.



Napansin ko na lang na sa isang gasoline station ako dinala ng sarili kong mga paa, bumili ng ilang ma-kukutkot at pagkatapos ay nagmuni muni sa loob ng aking sasakyan, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na lang ulit ang sarili ko na naghahanap ng magandang stasyon sa radyo na kalakip ng aking sasakyan. Muli kong narinig ang kantang “Chasing Pavements.” at sa pangilang pagkakataon ako'y napapikit ulit.



Tigilan niyo nga si Migs!” sigaw ni Edward sa aking mga kaklase na pinagkakaisahan nanaman ang aking mga gamit sa locker. Agad namang nagtakbuhan ang mga bully kong kaklase.



Oh.” sabi ni Edward habang inaabot sakin ang aking notebook.



Salamat.” sabi ko dito.



Bakit kasi hinahayaan mo silang ganunin ka eh?!” nanggagalaiti parin nitong tanong sakin.



Kung lalaban ako sa kanila, sino na lang ang gagawing katatawanan sa skwelahang ito?” nagbibiro kong tanong kay Edward.




Tado ka talaga!” sabi nito sakin at ginulo ang aking buhok. Tumahimik na lang ako.



Pano ka na lang kung wala ako?” seryosong tanong ulit nito sakin.



Andyan naman si Faye, Pat atsaka si Dave. Ok lang ako maski mawala ka.” nagbibiro ko ulit na sabi dito.



Ah ganun?!” sabi ni Edward saka nagpakawala ng isang matalim na tingin atsaka daredaretsong naglakad palayo.




Ilang araw din akong di pinansin ni Edward, ilang beses kaming nagkakasalubong pero maski ngiti di niya maibigay, hanggang sa di ko nadin natiis. Nakita ko si kumag na nakadapa sa kaniyang kama at nakatalukbong ng unan ang ulo nito habang tinatanaw ko siya sa aking bintana, nakaisip ako paraan para pansinin niya ulit ako, isa lang naman ang di niya kayang tanggihan eh.



TOK TOK TOK” inialis nito ang pagkakataklob ng unan sa kaniyan ulo at inilingon ang kaniyag ulo sa direksyon ng pinto.



TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana. Sumimangot ito ng makita ako na nakaupo sa pinakamalaking sanga ng puno ng santol malapit sa kaniyang bintana. Nung una ay di ako nito pinansin at itinupi ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib atsaka tumalikod.



TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana, iwinagayway ko na ang isang basket ng macaroons, naningkit ang mata nito sa nakita at dahan dahang lumapit at binuksan ang bintana.



Ano yan?” turo niya sa basket na daladala ko.



Macaroons. Sorry na, bati na tayo.” sabi ko dito.



Hmpft!” atsaka ibinalik ang pagkakatupi ng kaniyang mga kamay sa dibdib. Kumuha ako ng isang piraso ng macaroon at kumagat dito.



Sayang naman to kung hindi mo tatanggapin, ako pa naman ang nagluto nito, ansarap oh, spesyal talaga to para sayo.” sabi ko habang tinatakam si kumag sa kinakain kong macaroon.



Ikaw kasi eh! Kung ano ano pa sinasabi mo! Buti nga nagaalala ako para sayo eh! Sige dun mo na lang yan ibigay kila Pat!” sabi nito habang nakasimangot padin.



Haist, sayang talaga tong mga macaroons, sige itatapon ko na lang, tutal ayaw naman ng pagbibigyan ko ng Miguels special macaroons eh.” kunwaring nalungkot kong sabi.



Ah eh, sige na nga! Akin na!” sabi ni Edward at nagpakawala ako ng isang matingkad na ngiti.




Inimbitahan na ako ni Edward na pumasok sa loob ng kwarto niya at nagsusumbatan na kami tungkol sa katatapos lang namin na tampuhan.



Napaka matampuhin mo kasi!” sumbat ko dito.



Aba! Ako itong nagiisa mong bestfriend tapos magkakasya ka na sa proteksyon nila Pat, Faye at Dave?! Ako lang dapat na bestfriend mo ang magtatanggol sayo!” sabi nito habang sabay sabay na nginunguya ang tatlong macaroons.




Nagbibiro lang kasi ako!” sabi ko naman.




Saka sinong di masasaktan dun sa sinabi mong ok lang na mawala ako?!” may himig tampo nanamang sabi nito sakin, napatitig lang ako sa kaniya at nagtaka bigla, namula naman ito at biglang iniwas ang kaniyang tingin sakin.



Miguel!!!” sigaw ng aking Ate mula sa aking kwarto.



Kinuwa mo yung ginawa kong macaroons ano?! Humanda ka sa akin pag naabutan kita!” pahabol pa nito, dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Edward at nagulat ng bigyan ako nito ng naniningkit na tingin at isang haklit sa batok.




Miguels special macaroons pala ah!” sigaw nito sa akin, saka dumampot ng ilang macaroons mula sa basket at isinalpak ito sa aking bibig saby akbay sakin at kurot sa pisngi.




Magdadalawang oras na din ako dun sa loob ng aking kotse sa harapan ng isang gasoline station. Di ko parin maisip ang sarili ko na haharap kay Edward, kaya naman sinadya kong tagalan bago bumalik.




Di ko alam kung anong pwedeng sabihin, kung anong pwedeng gawin at kung anong pwedeng maramdaman pag kaharap ko na siya, kaya mabuti na ito, mas konti ang pagkakataon na makita ko siya, mas maganda.” sabi ko sa sarili ko.




Pero pagkatapos ang isa pang oras at nang maubos ang isang balot ng chichirya at 1.5L na coke naisipan ko na ding umuwi na.




Uwi na.” sabi ng naiirita ng si Edward sa kabilang linya.



Di pa pwede 'ward, tatapusin ko pa yung term paper ko, saka babasahin pa namin ni Pat yung sa social studies.” sabi ko dito habang nagtitipa ng mga salita sa keyboard ng PC ni Pat.



Susunduin kita dyan.” sabi nito.



Wag na. Kaya ko na ito.” sabi ko habang nakikipagbuno sa keyboard.



Uwi na sabi eh.” pangungulit pa ulit nito sakin.



Wag nang makulit.” seryoso ko ng sabi dito.



Sige sige, ikaw bahala.” sabi ni Edward na parang may himig ng pagtatampo.



Habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan ko may naaaninag akong isang tao na naka upo sa labas ng gate namin.



Nanginig ang buong kalamnan ko, di ko ineexpect na magiintay dito si Edward. Halos tatlong oras na akong nagtigil sa gas station, pero inintay parin ako nito.



Bakit mo pa ako inintay? Diba sabi ko sayo kaya ko na ito? Dyan lang naman ako kila Pat galing ah? Tinapos lang namin yung term paper ko.” mahabang sabi ko dito nang bigla akong yakapin nito.



Itinigil ko sa harapan ng bahay namin ang aking sasakyan at nagulat ng biglang tumayo si Edward sa pagkakaupo nito at binuksan ang pinto ng kotse ko at kinalas ang seat belt na nakayakap sa katawan ko, bigla ako nitong hinila patayo at niyakap ng mahigpit.



Wag ka ng aalis ah.” sabi nito sakin, nangilid naman ang luha ko.



Namiss kita.” sabi pa ni Edward.





Itutuloy...

Comments

  1. nice nice!!! getting more exciting :-) love the flashbacks interspersed with the main narrative... hindi naman nakakahilo, coz the present parallels the past... love it.!!

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  2. while reading this story, chasing pavements was on repeat! at d ko maiwasang malungkot. i'm looking forward to the next chapter...i'll wait for it patiently :)
    ..........
    "What is it you're chasing? You're chasing an empty pavement." :(

    -tristfire :)

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaa..... migs.... you're making me crazy... everytime i read the story... i also play the music... (senti mode?)... hehehe....

    keep it up... thanks alot... ']

    range...

    ReplyDelete
  4. dude i can sense mga stories mo na parang true to life ang ganda kasi ng pagkagawa mo at it really inspires every readers.... more power!


    -shanejosh-

    ReplyDelete
  5. shanejosh true to life nga itong chasing pavements sabi ni migs. hehe

    hala, sobrang naiintriga na ako kung anong namagitan kay migs at edward at king bakit umalis si migs sa bahay nila. ano kaya ang naging problema?

    post na aga migs!!!

    ReplyDelete
  6. Grabeh.. Talagang gumamit pa ako ng proxy pra makapagbasa nito!! Khit nagwowork ako pro always kong bnukbuksan ang blog mo kung me updates na.. Kaba + kilig = palpitations


    Nick"

    ReplyDelete
  7. okay itong story...

    Chasing Pavements of Adele is a favorite song. But I can't help but feel sad a bit because, as the song suggests, it spells less than a happy ending... I don't know.

    But I like the way how you parallel the past and the present. It is full of twists and I still have some questions that need answers. Hope they come in the next chapters.


    -Slythex

    ReplyDelete
  8. Kuya. I'm already a fan.
    Ganda nang flow ng story solid talaga.


    Kudos and god bless.

    (ngayon kulang po nabasa to. hehe)

    -ichigoXD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]