Breakeven (Book1 Part2)
by: Migs
Naglalaro kami noon sa harapan ng bahay nila Edison ng biglang may dumaang kotseng pagong, inabot ko ang batok ni Ram.
“Pendong peace! Pendong susi!” sigaw ko sabay muestra na parang sinususian ko ang sentido ko sabay hagis ng imaginary susi pagkatapos ay humalakhak ng malakas.
Napatigil ako sa sarili kong kasiyahan ng makarinig ako ng hikbi mula sa batang Ram na pinendungan ko. nagsimula ng tumigil sa pagdaloy ang dugo sa aking mukha.
“Ay napalakas ata.” sabi ko sa sarili ko at dahan dahang lumapit kay Ram.
“Nakuh, wag kang umiyak Ram, dali nanaman ako neto sa kuya mo.” nangingilid na rin ang luha ko dahil sa takot sa kuya ni Ram.
“Sinong dali kanino?” takang tanong ni Edison na biglang sumulpot sa likod namin habang inaalo ko si Ram na paiyak na. Lalo akong kinabahan.
“Si kuya Martin, nibatukan ako.” naiiyak nang sabi ni Ram, sabay tayo at yakap sa kuya niya.
“Anong gusto mong gawin natin, bunso?” nananakot na tanong ni Edison sa kanyang nakababatang kapatid.
“Suntukin mo, kuya!” sigaw ni Ram. Kinakabahan kong tinignan si Edison, marahil nakita niya ang takot sa mga mata ko kaya't napangiti ito.
“Sige ako bahala.” kinindatan ako nito.
Unti unting lumapit sakin si Edison at nakangiti ito na kala mo nakakaloko.
“Papahapyawan lang kita, kunwari nasaktan ka pag lumagpas na yung suntok ko ha?” pabulong na sabi nito, para di marinig ni Ram.
“Antagal naman!” sigaw ni Ram, naka tupi na ang mga kamay nito at itinatapiktapik narin nito ang kaniyang paa at talagang ipinapakita na naiinip na siya.
“One, two, three.” bilang ni Edison, akala ko nung pumayag ako sa pinaplano ni Edison ay magiging ok lahat, pero lalo atang lumala.
Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong bahay ng mga Saavedra, isa ring masaganang pasa ang aking nasa kaliwang mata.
“Sabi ko kasi sayo pahahapyawan lang kita eh!” natatawang sabi sakin ni Edison habang nilalapatan ng yelo ang bunbunan ko at ang pasa sa aking kailwang mata.
“Malay ko bang kaliwa pala ang pahahapyawan mo!” nangigigil kong sagot kay Edison.
Pareho kaming napasulyap ni Edison sa nakababatang kapatid niya, at binelatan lang kami nito at saka patuloy na naglaro ng lego niya.
Pero iba na ang Ram na nasa harapan ko ngayon, malaki na ang pinagbago nito, katulad ng ilang nakababatang kapatid naging matigas na ang ulo nito at madalas nagiging sakit sa ulo ng bestfriend kong si Edison. Madalas magpanabong yang dalawang yan, pero pag walang toyo pareho ay nagkakasundo din naman sila.
Kung pagtatabihin ang dalawang damuho ay makikita mo ang kanilang pagkakaiba, si Edison kasi ay yung tipo ng seryoso, sa sobrang seryoso ay may pagka stiff na ito, sa kaniya kasi ibinato lahat ng kaniyang tumatandang ama ang responsibilidad sa kumpanya, sa sobrang stiff din ay swerte ka na kapag nakita mo siyang ngumiti ng dalawang beses sa isang araw. Samantalang si Ram naman ay laging may nakaplaster na ngiti sa kaniyang mukha, natawag nadin iyang “Mr. Congeniality.” nung kami'y asa highschool pa lang, pero malaki din ang pinagbago niya nung iwan niya ang girlfriend niya, matagal na ang usapusapang silahis ito at nakumpirma lang ito noong hiwalayan niya ang kaniyang girlfriend para sa isang lalaking nagngangalang Migs, at ang huli ay ang panloloko sa kaniya ni Drei.
Di ko rin naman masisisi ang mga babae at lalaking nagkakandarapa kay Ram, gwapo ito, maganda ang katawan, kahit ano pang hairstyle ang gawin mo dito ay gwapo parin ito, kahit sakong butas butas ang ipasuot mo dito ay para parin itong model. Sa kabilang banda ang kaniya naman kapatid ay mukhang yuppie kung manamit nakasalamin at kagalang galang ang dating, pero kung sa itsura ay di rin ito padadaig, after all magkapatid sila ng lalaking kahit pagsuotin mo ng sako ay magmumukha paring model.
“Bakit mo ako tinititigan? Kuya... wag po...” parang tangang sabi ni Ram na hinahawakan pa ang kaniyang damit pangitaas na kala mo hahablutin ko at sisirain saka siya pagsasamantalahan.
“Feeling mo?” sabi ko dito.
“Haha! Makatitig ka kasi eh!” sabi nito habang dinuduro pa ako.
“Kuya!” sigaw nito na kala mo nawawala.
“Oh?” walang ganang tanong ni Edison.
“Nanakawin ko yung duffle bag mo ah?!” sigaw nito habang umaakyat ng hagdan.
“Sige lang, andun lang naman yun sa kabinet ko.” wala paring ganang sabi ni Edison sa kaniyang kapatid na ngayon ay nasa taas na.
Naabutan ko si Edison na nilalaro ang kaniyang maliit na stuffed toy, yung tipong pwedeng gawing keychain at madalas na nakikita nating ginagawang palawit ng mga kabataan sa cellphone nila. Bata palang kami nung nahumaling si Edison sa mga stuffed toy.
“Alam mo si Mr. Bean lang ang kilala kong matanda na nakikipaglaro sa isang teddy bear.” bungad ko dito, blanko nanaman ang mukha nito at nilalaro ang kaniyang teddy bear.
“Di siya basta teddy bear at ilang beses mo na din yang sinabi sakin.” malamig paring sabi nito sakin.
“uhmmm Edison?” kinakabahan kong tawag sa kaniya.
“oh?” tanong nito at nagdikit ang kilay.
“Pwede bang ikaw ang magtanong at magsabi kay Ram tungkol sa article ko.” di ito sumagot at lalong humaba ang nguso, marahil ay dahil sa inutusan ko pa nga siya.
“Salamat kuya!” magiliw na pasok ni Ram sa eksena at aktong lalabas na ng pinto.
“Teka may kapalit ang duffle bag na yan.” makahulugang sabi ni Edison, napa double take naman si Ram.
“Wala akong pera, kuya.” sabi nito.
“Tanga, hindi yun!” sigaw ulit ni Edison.
“Wag po koya...” arte nanaman ni Ram. Binato na siya ni Edison ng throw pillow.
“Aray! Personal na yan ah?!” pagiinarte nanaman ni Ram.
“Eto kasing si Martin medyo short, nagaapply na maging PA mo.” sabi ni Edison na ikinagulat ko naman. Tumingin sakin si Ram.
“You're Hired!” sabi naman ni Ram, sabay kindat.
“Sige, sayo na yang duffle bag ko.” sabi ni Edison.
0000oooo0000
Nakanganga parin ako sa tabi ni Edison, naramdaman ko ng bumagsak ang front door at umalis na si Ram, pero di parin ako maka get over sa sinabi ni Edison.
“Sabi ko sabihin mo yung tungkol sa article eh.”
“Bakit ko sasabihin, ayaw mo nun, magiging natural ang dating ng article mo once na inlove sayo ng natural ang subject mo.” wala paring emosyon na sabi ni Edison.
Napatitig ako sa kaniya, buong buhay ko na kasama ang kumag nato, ngayon ko lang naramdaman na parang binubugaw niya ako sa iba, madalas to na over protective, kengkoy at pilyo kung minsan, pero di ako nito pinapahamak.
“Pinaparusahan mo ba ako?” bulong ko dito.
“Bakit kasi di pwedeng ako na lang?” bulong din niya.
Nakipagtitigan na siya sakin.
“Kung sakali mang inlove nga itong isang to sakin at ganun din ako sa kaniya at sa oras na magkasakitan kami, baka mawala lang lahat ng pinagsamahan namin.” bulong ko sa sarili ko.
“Ayoko ng ganun, ayokong mangyari yun, kahit kailan.” bulong ko ulit sa sarili ko.
“Sana wag mo akong titigan ng ganyan.” wala paring emosyong sabi ni Edison sakin.
“Basta! Hindi pwede! Ok na yung si Ram no!” Nasabi ko na lang, habang inaalis sa utak ko ang mga naisip kanina.
“Haist! Ikaw ang bahala.” sukong sabi sakin ni Edison. At tuloy tuloy na itong umakyat sa kaniyang kwarto at nag goodnight.
“Iiwan mo ako dito?” tanong ko sa kaniya.
“Kung gusto mo sumunod, edi sumunod ka, dito ka narin matulog, kung hindi naman, alam mo kung nasan yung front door.” blangko parin nitong sabi sakin.
0000oooo0000
“Gumising ka na.” sabi ng isang halimaw at sabay yugyog sakin. Binalewala ko lang ito.
“Umpisahan mo na ang article mo.” sabi ulit ng halimaw at napabalikwas ako sa aking kinahihigan.
“Yun lang pala ang kailangan mo para magising ka eh.” sabi ni Edison sakin habang kinusot kusot ko ang aking mata.
Wala kaming imikan ni Edison habang nagaalmusal, madalas akong nakikitulog dito, simula pa lang ata nung bata kami, madalas na kaming nakikitulog sa bahay ng isa't isa kaya wala ng bago dito, di narin kami nahihiya sa aming itsura kada gising, sanay na kumbaga.
“Tigilan mo nga yan.” naiirita kong sabi kay Edison nang makita kong nilalaro nanaman niya ang kaniyang stuffed toy habang nagiintay kami ng agahan na niluluto ni manang.
Di parin patinag si kumag, andyan yung kunwari ay naglalakad ang stuffed toy sa palibot ng plato na nakaahin sa hapag kainan andyan din yung kunwari ay nasasayaw ito at kung ano ano pang kunwari na ginagawa ng kaniyang laruan.
“Weird.” bulong ko, pero narinig din ito ni kumag at tinignan ako ng masama.
0000oooo0000
Kinakabahan ako habang papunta na kami sa opisina ni Ram, di ko kasi alam ang karaniwang ginagawa ng mga P.A., kinakabahan din ako sa aking gagawing article, sinulat ko na ang aking time frame at ang mga gagawin ko para mahulog si Ram sa aking patibong.
“Are you sure you want to do this? Di na talaga magbabago ang isip mo at ako na lang ang gawin mong subject?” tanong ni Edison sa aking tabi, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng opisina ni Ram. Tumango lang ako bilang sagot.
“Ok, pero tandaan mo, don't fall in love.” sabi ni Edison sakin at ngumiti.
Meron akong naramdaman dun sa ngiti na iyon na talaga namang ikinakaba ko.
Itutuloy...
love it!!!!
ReplyDeletenext one pls... exciting!!!
- R3b3L^+ion
Hi Migs!
ReplyDeleteNice story!
Nakakaawa nmn c Edison.
Parang nafefeel ko ang nararamdaman nya ehhehehe...
KElan ba ang next chapter? hehehe
Inaabangan ko talaga to...
Salamat dito!
-mars
salamat Mars and R3b3L^+ion sa suporta, pa follow nadin po ah? thanks po, basahin niyo din po ang Chasing Pavements, kwento po yung ng buhay ko. Salamat!
ReplyDeleteI sooo love this story! Thanks for posting this!!!!
ReplyDeleteAng problema ko lang, mashado akong atat! More! More! More! peace!
Good Job!
nakakatouch naman ang story na ito..i have read parts 1 & 2, and i can feel a LOVE so silent between edison and martin...cant wait to see how ram will be the means for this love between the two be realized...
ReplyDeletereynan
Loving it more and more migs. Da best ka.
ReplyDeleteano nga ba ang meron sa stuffed toy na yun??? weird nga..weeew!!
ReplyDeletegrabe nga kawawa si edison dito huhuhu
ReplyDelete