Breakeven (Book1 Part4)


_______________________________

Breakeven (Book1 Part4)
by: Migs



Pumunta kami ni Ram sa pinkamalapit na table at duon na namin kinain ang shawarma na inorder namin, di parin ako tinitigilan ng aking isip tungkol sa gagawin kong plano kaya naman tahimik ko lang na kinakain ang shawarma.



Himala, ngayon ka lang di nangungulit.” pangaalaska sakin ni Ram. Binigyan ko lang ito ng isang ngiti.



Ang totoo niyan may gusto akong sabihin sayo, Ram.” sabi ko sabay yuko.



Ano yun?” tanong ni Ram habang nilalantakan na ang kaniyang pangatlong shawarma.




Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa article o hindi, pero naalala ko ang sinabi ng aking boss sa telepono kanikanina lang, di ko kayang mawala ang aking pangarap. Tinitigan ko ulit si Ram, napakatakaw parin nito at wala parin pakielam kahit na may tumulong sauce sa kaniyang damit o kaya naman ay may mumo na dumikit sa gilid ng kaniyang bibig.




Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho sayo kasi...” panimula ko, pero isang babae sa kabilang table ang pumukaw sa aking pansin at nakita ko na may hawak hawak itong isang magazine, ang magazine kung saan ako magsusulat sa susunod na mga buwan.




Wala sa sarili kong kinuwa ang isang tissue at pinahiran ang dumikit na mumo sa sulok ng mga labi ni Ram, napatigil siya sa ginawa kong iyon, kumuwa ulit ako ng isa pang tissue at pinahiran ang tumulog sauce sa kaniyang damit. Nanlaki ang mga mata ni Ram, umayos ulit ako sa pagkakaupo at hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil ito.




Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho saiyo kasi, gusto kong mas mapalapit sayo.” wala sa sarili ko nanamang nasabi.



0000oooo0000



Lumipas ang maghapon at wala kaming ginawa ni Ram kundi ang maglandian, andyan yung paminsan minsang magsasalubong ang aming mga tingin at saka kami tatawa na parang mga tanga, andyan yung paminsan minsan ko siyang nahuhuli na nakatingin sakin tapos biglang babawiin ito pag tumingin ako sa kaniya, andyan din yung kunwari ay di sinasadyang magsasalubong ang aming mga kamay pero ang totoo ay sadya ito at para narin maka chansing ng konti.




Natapos ang aming isang araw at inalok ako ni Ram na ihatid niya ako pauwi, di na ako tumanggi, tinext ko na lang si Edison at sinabing ihahatid ako ni Ram. Madalas kasing si Edison ang sumusundo sakin at naghahatid pauwi tutal ay magkalapit lang naman ang mga bahay namin.



Masaya akong lumapit sa kotse ni Edison ng makitang dumating na ito giling sa kanilang opisina, bagsak ang mga balikat nito at kala mo pinagbagsakan ng langit at lupa.




Rough day?” pangaasar na tanong ko dito. Tumango lang ito. Sinundan ko ito papasok ng bahay niya at kinukulit ng kinukulit, pero parang kulang ito sa Enervon dahil latang lata ito.



Nga pala, sinimulan ko na ang plano ko, tingin ko magiging ok ang takbo nito at maisusulat ko na ang article ko, infact may intro na akong naisulat eh.” pagmamayabang ko kay Edison.




Ibinagsak nito ang sarili sa sofa at inilabas sa bulsa ang maliit na teddy bear.




Akala ko ba di mo na itutuloy?” walang ganang sabi nito.



Eh kasi tumawag yung editor in chief eh, sabi kung di ko kaya, magbalot balot na ako.” sabi ko dito, bigla namang tumayo si Edison.




San ka pupunta? Hoy!” sabi ko dito pero tuloy tuloy parin itong naglakad papalayo. Naabutan ko ito sa kusina at naghahalungkat sa ref at sa lalagyanan ng mga kasirola.



Wala parin itong imik at nagsimula ng magluto ng kung ano. Naisipan ko na bakit hindi ko ikwento ang nangyri sakin kanina habang nagluluto si kumag, kaya naman tuloy tuloy kong kwinento ang mga nangyari at ng makarating ang kwento dun sa parte na sinabi ko kay na gusto ko siyang maksama para lalong mapalapit dito ay biglang nahulog ang sandok na hawak hawak ni Edison.



Ok ka lang?” tanong ko dito, pero tumago lang ito at pinulot ang sandok.



Huy magsalita ka naman diyan!” sabi ko kay Edison pero nakatalikod parin ito sakin at ng humarap ito ay nakita ko na nakasibanghot na talaga ang mukha nito.




Ngayon ko lang itong nakita na ganito, kahit kasi anong hirap ng problema na kinakaharap nito ay di ito basta basta sisimangot, siya ang tipo kasi ng tao na nakadipa pa ang kamay na sumasalubong sa problema.




Sa tingin mo ba kulang pa yung ginawa ko?” nagaalala kong tanong kay Edison, habang nakain ito.



Kasi andun naman na sa isang sentence na yun ang lahat ng gusto kong mangyari eh, diba?” tuloy tuloy ko paring sabi dito habang kumuwa ng tinidor sa kusina at nakihati sa ginawang salad ni Edison at tinikman ang kaluluto lang na steak.




Alat naman niyan.” turo ko sa steak na lalong ikinasimangot ni loko.




Hanggang sa matapos na si Edison kumain ay ni isang salita, komento o suhestyon ay wala manlang lumabas sa bibig niya, sasagot siya sa paminsan minsang tango o kaya naman ay iling. Tuloy tuloy siyang pumunta sa kaniyang kwarto na akma ko namang sinundan.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko itong nakayakap sa kaniyang life size na teddy bear na siyang laging nasa kama niya.




Huy! May problema ba?” di ito sumagot kaya naman umupo ako sa paanan ng kaniyang kama.




Ngayon lang kita nakitang ganyan ah? Sabihin mo kaya sakin, baka makatulong ako.” sabi ko dito at inalog alog siya.




Sige dito lang ako hangga't di ka nagsasalita.” banta ko dito, pero hindi parin ito nagsalita, maya maya lang ay narinig ko na itong nahilik. Napangiti ako.




Etong kumag talaga na to, masandal lang sa malambot na bagay tulog ka agad.” sabi ko sa sarili ko habang kinukumutan si loko.



Goodnight.” marahan kong sabi, pagkatalikod na pagkatalikod ko ay narinig ko itong nagbuntong hininga, saka nagtuloy sa paghilik. Di ko na ito pinansin at dahan dahan na akong lumabas ng kwarto.




0000oooo0000



Pagkatapos na pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali dali akong bumaba para magalmusal, nabungaran ko sa aming kusina si Ram, abala ito sa pagaayos ng lamesa at pagluluto.




Ram?! Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko dito.



Wala naman, gusto lang kitang makita agad.” sabi nito sabay pakawala ng isang ngiti.



Ang sweet nampotah!” sabi ko sa sarili ko.




Ang sarap ng agahang niluto para sakin ni Ram, at habang nakain kami ay di ko maiwasang mag enjoy sa pakikipagusap dito, akala ko kasi dati puro hangin lang ang alam na kwento ni Ram, yung tipong payabanagan lang, di ko rin inaasahan na pwede palang makausap ito sa mga may sense na bagay. Nasa ganito akong pagmumuni muni ng bigla kong narinig na nagbukas ang front door.




Martin, halika na, malelate na tayo!” sigaw ni Edison at ng maabutan kami ni Ram na magkasama sa kusina ay napahinto ito.



Goodmorning kuya!” magiliw na sabi ni Ram.




Mornin'” labas sa ilong na sabi ni Edison. Tumingin ito bigla sakin, di ko naman alam kung ano ang gagawin ko.




Sasabay ka ba?” tanong nito sakin.



Di ako makasagot, dali dali akong tumayo at kinuwa ang aking mga gamit.



Di na kuya, ako ng bahala kay Martin.” sabi naman ni Ram.


Matagal kaming binalot ng katahimikan. Di ko alam kung kanino ako sasama at kung anong mararamdaman ko.




0000oooo0000



Ang weird ni Edison nitong mga nakalipas na araw, madalas wala sa mood at kala mo laging pinagbagsakan ng langit at lupa, kaya naman naisipan ko na ayain itong mag lunch. Medyo nahuli ako ng paglabas ng opisina ni Ram kaya naman nagmamadali akong pumunta sa napagusapan naming lugar ni Edison. Pagdating na pagdating ko sa lugar ay agad akong sinalubong ng receptionist ng restaurant.




For a while sir.” sabi nito sakin, saka hinanap ang pangalan ni Edison sa listahan ng nagpareserve.



Di ko mapigilan ang sarili na tanawin ang kinauupuan ni Edison, nakita ko itong inaayos ang sariling damit at kala mo may pinaghahandaan ng makita ako nito ay magiliw itong kumaway sakin. Napangiti lang ako, parang balik sa normal si mokong.




Pagkahatid na pagkahatid sakin ng waiter sa aming upuan ay agad akong kinamusta ni Edison na kala mo matagal kaming hindi nagkita. Nginitian ko lang ito.



0000oooo0000




Ano bang inaarte mo nitong mga nakaraang araw?” tanong ko dito na ikinasamid lang nito, inabutan ko siya ng isang baso ng tubig.



Matagal kaming natahimik, at ng makabawi sa pagkasamid si Edison ay nagkasya naman kami sa pakikipagtitigan.



Meron lang gumugulo sakin.” matipid na sabi nito, pero di ako naniwala.



Sa tinagal tagal naming magkakailala nitong kumag na ito ay saulado ko na lahat ng kilos nito at hindi ko pa ba nasabi? Sampung taon na akong inlove sa kumag na ito kaya malamang kahit ang nararamdaman nito na pilit tinatago sakin ay may ideya ako, at madalas tama ang ideya na iyon. At ang pagkalas niya sa mahabang titigan na iyon ang lalong nakapagpatunay ng aking hinala.




Weh?” pangaasar ko dito.



Edi wag kang maniwala.” nakasimangot nanamang sabi nito sakin.



Sabihin mo nga sa akin, tungkol ba ito sa lovelife mo?” tanong ko ulit dito. Nasamid nanaman ang mokong.




Sa ilang taong pagkakaibigan namin ang tanging ikinahihiya lang na sabihin nito sakin ay ang tungkol sa buhay pagibig niya at sa tingin ko, ito ang bumabagabag sa kaniya ngayon. Nagkatitigan ulit kami, para kaming mga bida na tampok sa lumang cowboy film, kung saan nagtititigan ang dalawang matapang na cowboy saka huhugot ng baril at patatamaan ang isa't isa. Siya nanaman ang unang kumalas sa titigan na iyon. Ako nanaman ang nanalo, lalo naman itong nagpatibay sa aking hinala.




Yes, I'm in love. Matagal na.” amin nito na ikinagulat ko naman.



Di ko alam pero parang sa duel na iyon naming dalawang cowboy na akala ko ako na ang lamang ay ako pala ang napuruhan. Iba ang pagdagundong ng aking puso sa loob ng aking dibdib.




Eto na ba iyon? Ito na ba ang iniintay kong pagamin mula sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko. Pero agad kong inalog ang aking ulo at iwinaksi ang ideyang iyon mula sa aking utak.




Straight siya, nagaassume ka lang.” sabi ko ulit sa sarili ko.





Oo, matagal na akong in love sa...” sabi ni Edison sabay yuko.



SHIT!!!! eto na yon! Mahal din ako ni Edison!” sigaw ulit ng utak ko.



Matagal na akong in love sa... sa...” di parin maituloy na sasabihin ni Edison.



Itutuloy...

Comments

  1. Omg paganda ng paganda ito!!!! Go migs.. Thenkyow..Migs idol!

    "nick

    ReplyDelete
  2. Dudeat last i've found a one-of-a-kind blog na may dating ang bawat stories tama ang timpla at blend ng mga kaganapan lapat na lapat at it really reflects the story chapter by chapter nakaka.... diko maexplain i really love your stories breakeven, g-clef and a kiss and chasing pavement... more power and GOD BLESS(",)


    -shanejosh-

    ReplyDelete
  3. di ako makahinga sa pambibitin mo hahaha...

    ReplyDelete
  4. migs, salamat sa pagsagot mp sa tanong ko.

    nakakaaliw naman pala ang mga karanasan mo!

    hindi ko kinaya ang chapter na ito! todo selos si edison!!!

    hahahahahaha

    ReplyDelete
  5. ipagtapat na kasi ang nararamdaman para know nya na?

    ReplyDelete
  6. Go Edison... :))

    ReplyDelete
  7. Relate ako.. in love ako sa bestfriend ko.. high school kami nagkakilala.. umamin ako.. tanggap naman niya ako.. pero pag dumating nga sa punto na mag iba ang mundo.. hindi din ako papayag kasi ayoko siya mawala sa buhay ko pag nagkasakitan kami.. siya na lang meron ako..

    -smartiescute28@yahoo.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]