Breakeven (Book1 Part3)


_______________________________
Breakeven (Book1 Part3)
by: Migs



Iniintay kong lamunin ako ng lupa habang nakatayo sa labas ng building ng opisina ni Ram. Butil butil ang pawis na asa aking noo at nagsisimula na ring mamasa ang aking kilikili, tiningala ko ulit ang building na asa aking harap, lalong dumagundong ang maliit na muscle sa aking dibdib, napalunok na lang ako sa kaba.




Di pa huli ang lahat, pwede pa akong mag back-out.” nasabi ko sa sarili ko.




Alam ko naman kasing may mga taong masasaktan sa gagawin kong ito at alam ko rin na malaki ang posibilidad na masaktan din ako, pero simula nung isulat ko ang unang sentence sa tanang buhay ko noon sa iskwelahan, alam ko na na magsusulat ako sa isang kilalang magazine na siyang babasahin ng madming tao pag tanda ko.




Akin na kasi yan, Edison!” sigaw ko kay Edison ng kuwanin nito sakin ang pinapagawa saming seatwork noong elementary pa lang kami.




When I grow up, I want to be a famous journalist...” basa ni Edison sa aking seatwork, habang ako naman ay patuloy parin sa pag agaw ko pabalik sa aking notebook.




Sigurado ka na ba dyan sa gusto mo?” tanong sakin ni Edison, habang nagawa kami ng seatwork noong elementary pa lang kami.




Di naman kasi lahat ng tao may mamanahing kumpanya tulad mo Edison!” sabi ko dito sabay talikod at itinupi ang aking mga kamay sa aking dibdib.




Pero hindi ito dahilan para manakit ng tao.” sabi ko ulit sa sarili ko.




Lalo na ang mga taong malapit sakin.”




Biglang pumasok sakin isipan ang mukha ni Ram, ang batang Ram, ang batang aking kalaro noon, ang batang lagi naming inaasar ni Edison, ang batang naging malapit narin sakin.




Kuya! Laro tayo ng play doh!” sigaw nito sakin at biglang umangkas ng makitang kauuwi lang namin ng kaniyang kuya Edison.



Gawa muna ako ng assignment, Ram.” sabi ko dito habang hirap na hirap sa pagpasan sa kaniya.



Eigggghhhhh! Ngayon na Martin!” sabi nito sakin, wala na din akong nagawa.




Hindi ko kayang manakit, para lang sa isang article.” sabi ko ulit sa sarili ko.




Sinimulan ko ng ihakbang ang aking kaliwang paa at nang tulyan na akong nakatalikod sa matayog na building na iyon...




Hello!” bungad sakin ni Ram sabay kaway at ngiti.




Napatunganga naman ako kay Ram, napaka gara ng suot nito, madalas ko na siyang makitang naka corporate attire pero ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Moreno, matangos na ilong, maikli na halos semi kalbong buhok, stubbles at makinis na mukha.




Huy!” sabi nito sakin.




Ah eh, hi?” wala sa isip kong sabi dito.



Humagikgik lang si loko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang yun.



May sinabi ba akong mali?” sabi ko sa sarili ko saka inisip ulit ang mga sinabi ko.




Halika na nga!” sabi nito sakin at hinila ako papasok ng building.




Para akong isang batang hila hila ng kaniyang kalaro, ilan sa mga nandun sa lobby ang nakatingin samin, ilan pa nga ay bumulong pa sa kanilang mga kasama.




0000oooo0000




Isang magandang babae ang siyang nakatitig sakin sa loob ng opisina ni Ram. Binigyan ko ng kinakabahang tingin si Ram pero busy parin ito sa kaniyang binabasang proposal.




Beki rin ba siya?” walang pakundangang sabi sakin ng babaeng asa harapan ko sabay turo pa, habang si Ram naman ay napatunhay sa sinabi ng babae na yun, panandaliang natigilan at humagikgik.




Janine, this will be my new Secretary, Martin.” pakilala ni Ram sakin sa babaeng walang galang.




NEW secretary?! Pano naman ako?!” sigaw nito kay Ram.




Nagrereklamo ka na simula nung umalis tayo sa kumpanya ni Dad ay nadagdagan ng 75% ang trabaho mo diba? Ayan hinanapan ko ng solusyon ang pagiging tamad mo.” naiiritang sabi ni Ram sa babae at ibinalik ulit ang atensyon sa kaniyang binabasa.




Di mo na ako mahal?” humihikbing sabi ni Janine.




Kesa humihikbi kay diyan, bakit di ka magtimpla ng kape para sa ating lahat?” sabi ni Ram.




Bakit hindi dun sa BAGO mo iutos yan?” bigay diin ni Janine sa salitang bago.




Paperworks lang si Martin.” walang ganang sabi ni Ram.




Whatever!” sabi ni Janine sabay talikod, napatingin ako kay Ram, nagulat ako ng nakatingin narin pala ito sakin sabay kindat.




Ahhmm Ram, may sasabihn sana ako sayo eh.” kinakabahan kong sabi kay Ram, binabalak ko na sanang sabihin sa kaniya ang balak na hindi pagtuloy sa trabaho.




Ano yun?” tanong ni Ram habang patuloy parin sa pagbabasa ngkanina niya pa hawak na proposals ng biglang pumasok si Janine na may hawak na isang tray na may tatlong tasa ng kape sa kanang kamay at isang portfolio ng proposals sa kabila.




Andami naman niyan?!” nanlalaking matang sabi ni Ram sa kaniyang sekretaryang si Janine.




Madamai na yan? Intayin mo to.” sabi ni Janine sabay palakpak, nagpasukan ang tatlong lalaking may dala dalang tigtatatlong tumpok ng portfolios sa bawat kamay.



Nanlalaki parin ang mata ni Ram ng makita ito at si Janine naman ay nakangisi sa aking direksyon. Tinapunan na rin ako ni Ram ng tingin.




Well, mabuti na lang na andito si Martin para tulungan ako.” nangingiting sabi ni Ram sabay kindat. Binigyan ko na lang siya ng isang kinakabahang ngiti.



0000oooo0000



Nagpapanic akong pumasok sa CR at nanginginig na nagdial ng numero sa aking telepono, numero ni Edison.



Hello, I want out.” nagha-hyperventilate kong bati kay Edison pagkasagot na pagkasagot nito ng telepono.



Calm down.” mahinahong sabi nito.



Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pero di ko maatim na pagsasamantalahan ko ang kabaitan ni Ram sakin at habang iniisip ito lalo akong nagpapanic.




Ano bang nangyari?” tanong ni Edison sa kabilang linya.




Di ko kayang saktan ang kapatid mo.” sabi ko dito, matagal ito bago sumagot.




Then tell him you quit or you could stay and tell him the truth about the article.” mahinahong sabi sakin Edison.




Napaisip ako sa sinabi niyang yun, sinubukan ko ng sabihin kanina kay Ram, pero naunahan ako nito, masyado na siyang umaasa sakin, pero di ko rin siya kayang saktan di ko naman siya kayang biguin, ngayong tambak ang trabaho niya at kailangan niya ang tulong ko.



Hello?” sbi ni Edison sa kabilang linya, nakalimutan kong kausap ko nga pala ito.



Alam ko na ang gagawin ko.” confident kong sabi dito.



Good. Kasalanan mo rin naman yan eh, pinilit mo pa kasing si Ram ang gawin mong subject eh.” napatanga nanaman ako sa sinabi niyang yun.



Salamat sa suporta ah?!” sarkastiko kong sabi dito.



You're most welcome.” sabi nito na may tonong pagkasarkastiko at narinig ko pang humagikgik ito.




0000oooo0000



Pagkabalik na pagkabalik ko sa opisina ni Ram ay alam ko na ang gagawin ko, tutulungan ko si Ram hanggang matapos ang tambak na trabaho nito at pagkatapos nun ay magpapaalam na ako.




Akala ko di ka na babalik eh.” sabi ni Ram, nagulat ako ng maabutan ko itong may hawak hawak na action figure at malungkot ang mukha.




Weird. Parang kuya niya, antanda tanda na eh lagi paring may laruang hawak.” bulong ko sa sarili ko, nakita ko itong nakatingin sa akin na kala mo nagiintay ng sagot.




Ah eh... syempre hindi, ikaw pa, malakas ka sakin.” wala sa isip kong sabi dito.




Yehey!” sigaw ni Ram at tumalikod na at kumuwa ng isang makapal na portfolio at sinimulan ng basahin ang mga laman nito. Natampal ko na lang ang noo ko sa sobrang katangahan.




Halos mabaliw na kami sa mga paulit ulit na proposal na sinumihite ng mga tao niya, paranag mga tipong di naman pinagisipan ang mga ito. Nakahawak na ako sa aking noo habang binabasa ang pangatlo sa mga portfolio na binuksan ni Ram, halos di ko na maintindihan ang mga ito pero may tatlong salita sa papel na aking hawak hawak na animo'y na higlightan.




Time frame.” at “Plans.” marahas kong inalog ang aking ulo.



Wala na akong plano na ipagpatuloy ang article na yun kung si Ram lang din ang aking subject.” sabi ko sa sarili ko.



Ok ka lang ba?” sabi ni Ram sabay tingin sa relo niya.



Nauumay lang siguro sa paulit ulit na proposals na binabasa ko.” nangaalaska kong sagot dito. Napatawa ito.




Gusto mong maglunch muna?” tanong nito sakin. Tumango lang ako bilang sagot.



0000oooo0000


Dinala ako ni Ram sa isang shawarma house malapit sa opisina niya, para itong bata na umorder ng ilang klase ng shawarma, akala ko naman na para saming dalawa na iyon ng bigla niya akong tanungin.



Anong gusto mo?” tanong nito sakin. Napanganga na lang ako sa gulat.



Gutom ka?” tanong ko dito at magiliw lang itong ngumiti sakin, nginitian ko lang din ito at nagtama ang mga mata namin.



I think that's your phone.” tukoy niya sa telepono kong nagriring, habang patuloy parin sa pakikipagtitigan sakin.



Hello.” bungad ng asa kabilang linya sakin. Napatalikod na lang ako bigla.



Narecieve ko ang text mo and my answer is no. Its either you continue with the article or clear you desk first thing in the morning.” sabi ng boss ko sa kabilang linya. Napatingin ako kay Ram na nagsisimula ng lantakan ang shawarma na kabibigay lang ng nag prepare nito.



I- I... I'll do it, Sir.” pagkasabing pagkasabi ko nito ay agad na binaba ng boss ko ang telepono niya.




Dahan dahan akong lumapit kay Ram at binigyan ito ng isang ngiti.




Itutuloy...

Comments

  1. Hello Sir Migs.. Hindi po ako follower mo, hindi ko din alam kung paano magfollow sayo.. Sorry aaminin ko hindi ko alam talaga.. Gusto ko lang po malaman nyo na hinahangaan ko ang galing nyo sa pagsulat.. Silent follower mo nalang ako kumbaga..

    "nick

    ReplyDelete
  2. This is interesting... ibang klase ka talaga Migs!!!

    ReplyDelete
  3. ...and the RIGODON begins...i can only feel the pain for edison here...the details on edison and ram playing with small toys is so unique and heartwarming...i love this story, in the same way i came to love ur "Love at its best" series...continue writing and bringing good tidings of love for the likes of US....More Power!

    reynan

    ReplyDelete
  4. nakakabitin!

    gusto ko ng mabasa yung next chapter.

    panalo ka talaga, migs!!!

    ReplyDelete
  5. eto na ba ang umpisa ng articles sa love story...?

    ReplyDelete
  6. royvan ano pong ibig niyong sabihin? Lahat po ng andito ay love story (Love at its Best, Breakeven, Chasing Pavements, Look what love did, G-cleff and a kiss saka po hit or miss.)

    -Migs (author)

    ReplyDelete
  7. Galing nung toys na pinaglalaruan lang ng dalawang magkuya... :D. Love Migz

    ReplyDelete
  8. THE STORY RUN LIKE the movie of the beauty $ the briefcase by hillary duff....maganda un story n un but this story i bet edison 4 martin....

    tnx migs 4 posting this...........

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]