Chasing Pavements 1
Ngayon naman po ay ikinalulugod kong ibahagi sa inyo ang kwento na sobrang malapit sa aking puso.
disclaimer: Wag pong malilito sa mga characters, ang bida po dito na si Migs ay iba sa Migs na nasa LAIB series.
Kwento po ito ng buhay ko.
Sana magustuhan niyo. ^_^
________________________________________
Chasing Pavements 1
by: Migs
Tama nga ang kasabihang “after every good news comes bad news.” February 22, 2009, I heard the first good news of the year, I passed the Nursing Licensure Exam, sure its no biggie but it means the world to me. But as expected after this great news comes bad news, all hospitals around the metro are man pooling so as call centers na tinatawag na naming mga nurses na “second home” waged war against nursing graduates, dahil ginagamit lang daw namin sila para yumaman. Resulta?
“Umuwi ka na daw sabi ni Dad.” sabi sakin ng kuya ko sa kabilang linya.
“Makakahanap ako ng tarbaho, give me few more weeks na lang kamo.” sagot ko naman.
“Di ka pa ba nahihiya kay Ron?” pertina ng kuya ko sa aking pinsan kung saan ako nakikitira sa Maynila. What Kuya said hit home.
Dahil sa pamatay ang schedule ko nung college at nagtataas narin ang presyo ng gas, ay napagispan kong makitira na lang sa pinsan ko na may apartment doon sa Manila. Wala namang problema ito sa aking mga magulang. Basta daw uuwi ako sa Cavite once a week, which I never did.
“Ayaw mo na bang umuwi? Nagsisimula ng magisip si Mommy na ayaw mo na siyang makita.” sabi ulit ng kuya ko. Matagal ako bago nakasagot.
“Di naman sa ganon kuya.”
“Yun naman pala eh, Edi umuwi ka na.” sabi ni kuya tapos dial tone na. Napabuntong hininga na lang ako.
Di naman sa ayaw kong makita ang mga magulang ko o ang mga kapatid ko, its just that everything back home suffocates me. Masyadong mahigpit, masyadong up tight, masyadong limitado ang kilos.
At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.
Left hand on the steering wheel and my right hand on the radio's dial. Naghahanap ako ng magandang stasyon mula sa radyo ng kotse ko, ang kotseng binigay sakin ng aking ama as a graduation gift back in highschool. Binigay niya yun para makasigurado siyang uuwi ako ng bahay araw araw. Pero taliwas sa gusto niya ang ginawa ko.
After almost five years na hindi umuuwi ng Cavite ay napagtanto kong wala parin itong pinagbago, traffic parin as usual sa katunayan magiisang oras na akong nakatunganga sa harapan ng manibela ng kotse ko. Napabaling ang mata ko sa isang matayog na billboard sa kanto ng Bacoor. Unti unitng binababa ng mga tagapangalaga nito ang mukha ni Piolo, at sa taas ng billboard ay napansin kong pinipinturahan nila ang ilan sa matataas ng bakal.
“Para di siguro kalawangin.” bulong ko sa sarili ko. Nakatingala parin ako at sinusubaybayan ang kilos ng mga manggagawa, nakita kong nasagi ng isa ang isang galon ng pintura at marahan itong tumaob, unti unting natapon ang laman ng galon na iyon, pula at malabnaw na likido na unti unting natatapon sa lupa. Kasabay ng pagtapon ng pintura ay ang pagkarinig ko ng kanta ni Adele, “Chasing Pavements” di ko na ito nagawang ilipat, napako na ang tingin ko sa pinturang tumutulo.
“Susunod ka sakin pagkatapos kong lumakad sa stage ah? Gusto ko ikaw ang kasunod ko.” sabi sakin ni Edward. Tumango lang ako bilang sagot. Nasa unahan ko ang aking bestfriend, naka amerikana at sisimulan ng rumampa sa entablado para makita ng mga hurado. Wala akong duda noon sigurado akong siya ang tatanghaling Mr. JS 2004. Natapos na siyang maglakad sa entablado at ako na ang susunod.
“And last but not the least. Mr. Salvador from class 2004.” hiyaw ng Emcee. Nagpalakpakan ang mga tao nakita ko ang iba na nagbulong bulungan at ang iba rin na tumayo pa talaga sa kanilang kinauupuan para lang makita ako ng maayos.
“Malapit na itong matapos.” bulong ko sa sarili ko habang kinakabahan at ngumingiti. Nakita ko na ang marka, ang letter “X” na asa sahig kung saan titigil lahat ang kalahok para makitang maigi ng mga hurado. Tumigil ako sa marka at ngumiti, narinig ko ulit na naghiyawan ang mga ka-schoolmates ko. sabay ng hiyawan nila ang pagtingala ko sa bubungan ng entablado. Narinig ko kasi ang isang malutong na snap. At unti unti nang tumapon sakin ang laman ng isang timba, pula at malagkit na likido.
“Kung alam mo lang kuya, pipiliin mo ng hindi narin bumalik.” sabi ko sa sarili ko sabay nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Nang sa wakas ay nakalusot ako sa traffic na iyon hindi ko maiwasang kabahan sa kung anong pwedeng mangyari paguwi ko. Habang binabagtas ko ang daan papasok sa aming village di mapigilan ng diwa ko ang magbalik sa nakaraan.
“Hello! Asan ka na daw?!” tanong sakin ng kuya ko sa kabilang linya.
“Kakapasok pa lang ng village! Kailangan nasigaw?!” iritang sagot ko kay kuya habang mabingibingi sa bulyaw niya sa kabilang linya.
“Bilisan mo! Nagiinaty na si Mom!” sigaw ni kuya sabay baba ng telepono. Pero dahil sa inis ay lalo kong tinagalan, inikot ko ulit ang buong village isa o dalwang beses? Di ko na alam.
Ilang beses na nga ba akong nahulog sa tuwing aakyat kami sa mga puno ng accacia na nakalinya sa streets ng village namin. Ilan seesaw na ba ang nasira ang upuan dahil sa marahas naming paglalaro duon. Ilang swing ang napigtal ang tali kakasakay namin.
Kada liko, kada humps at kada apak ko sa preno sa tuwing may tatawid na aso, pusa o bata ay nakakapagpaalala sakin ng masalimuot kong buhay dito sa Cavite.
0000oooo0000
Lima, sampu o kinse minutos akong nakatunganga sa loob ng sasakyan ko na nakatigil sa harap ng bahay namin, di ko na alam, alam ko lang ay ayoko pang bumaba at parang gusto ko ng bumalik sa Manila. Gusto kong bumalik sa “Residences at P. Campa.”, gusto ko ang kutyon kong nakasalampak sa sahig, gusto kong makita ang mga taong naging bahagi na ng buhay ko sa Manila. Pero wala na akong magagawa.
“Di naman kita inoobliga magbigay ng share dito sa condo eh. Tawagan mo si tito at sabihin mo na ok lang sakin, walang problema ang pagstay mo dito.” sabi sakin ng aking pinsang si Ron nang magpaalam ako sa kaniya.
“Wala kuya eh. Pinapauwi na talaga ako.” sabay yakap ko sa aking pinsan.
“Salamat kuya ah?” bulong ko habang pinipigilang ang sariling wag mapaiyak.
Pabalang kong tinanggal ang susi sa tagiliran ng manibela pero bago bumaba ay pinagmasdan ko muna ang kahabaan ng street na kinabibilangan ng bahay namin, wala paring nagbago, andyan parin ang mga kinaiinisan kong mga tsismosa na akala mo giraffe na kung ilawit ang leeg sa kanilang mga bakod para lang makita ako ay talaga namang inam na, andyan din ang mga kabataang lalaki na naglalaro ng basketball sa kalye at ang kanilang mga girlfriend na nagme-make up at nagtetetext sa isang tabi.
“Wala paring nagbabago.” sabi ko sa sarili ko.
Walang gana kong kinalas ang aking seat belt at inabot ang aking duffle bag na punong puno ng aking gamit at damit sa back seat ng sasakyan, panandalian kong tinignan ang sarili sa rear view mirror at nagbuntong hininga. “Here goes.” bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng sasakyan, tinitigan ko ang aming gate di makapaniwala na after five years ay wala manlang itong pinagbago.
“Kuya Migs?” nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, isa siya doon sa mga naglalaro kanina ng basketball na nadaanan ko, tinitigan ko itong maigi pero di ko matandaan kung sino ang lalaking iyon.
“Kuya Migs, ako to si Albert.” Napanganga ako sa narinig kong iyon.
“Al?! Anlaki mo na!” sabi ko sabay aktong kakamayan ito, pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Al at niyakap.
“Malamang. Ikaw ba naman, limang taon kang hindi umuwi. Si kuya...” pagkasabing pagkasabi niya ng salitang “kuya” ay bigla akong napalingon at napatingin pa nga sa kaliwa't kanan ko.
“Relax. Wala si kuya, masyado ka namang tensed.” sabi ni Al sabay pakawala ng malungkot na ngiti. Binigyan ko siya ng isang kinakabahang ngiti.
“Eto pinabibigay ni kuya, dapat siya ang magbibigay sayo niyan, kaso antagal mo dumating.” naka yuko ng sabi ni Al.
“Salamat ah.”
“Nga pala, may inuman mamya sa bahay, punta ka ha?” di pa man ako nakakasagot sa tanong niyang yun ay naglakad na ito pauwi.
Napatingin ako sa inabot ni Al, isa itong maliit na sobre, may nakasulat sa likod na “To: Miguel Salvador.” kilalang kilala ko ang sulat na ito, ganun padin parehong pareho ang pagkakaslant at ang pagkakasulat ng bawat letra, pinaka gusto ko dito ay ang pagkakasulat niya ng letter “g”. Sulat ito ni Edward, ang isa sa mga taong dahilan ng hindi ko pag-uwi ng Cavite.
“Bakit ka ba ganyan mag sulat ng letter g, ayusin mo nga di ko tuloy maintindihan ang kinokopya ko eh.” maanghang kong sabi kay Edward.
“Aba kung ayaw mong kopyahin edi wag! Wag ka naring kokopya ng notes ko sa tuwing aabsent ka!” galit na sabi sakin ni Edward habang sinusubukang patayin ang kalaban niya sa counter strike sa PC ko.
“Eto naman joke lang.” natatawa kong sabi.
“Saka ano bang mali sa pagkakasulat ko ng letter g?” tumayo na si kumag, siguro'y di matanggap na sinasabihan kong pangit ang sulat niya.
“Wala nga ang kulit!” naiirita kong sabi, lumapit siya sakin at pinisil ang ilong ko.
“Miguel!” basag ng kuya ko sa pagmumunimuni ko. Agad ko namang binuksan ang gate at nang makita ko ang isang malaking basurahan itinapon ko doon ang sobreng inabot sakin kanikanina lang ni Al.
“Kanina ka pa kaya iniintay nila Mommy!” singhal nito sakin.
“Hello din kuya, ok lang naman ako, ikaw kamusta?” sarkastiko kong bungad kay kuya, di na lang ako nito pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.
“Should've stayed in Manila.” bulong ko ulit sa sarili ko.
0000oooo0000
“SURPRISE.” matamlay na sabi ng aking Kuya pagkabukas ng pinto. Napanganga naman ako sa dami ng tao.
“I-susurprise ka sana namin, alam mo yun, magtatago kami tas pagbukas mo ng pinto sabay sabay kaming sisigaw ng surprise! Kaso isang oras ka ng late at nagugutom na ang mga taga sigaw ng surprise.” pagtalikod na pagtalikod ng aking kuya, di ko naman napigilang mapangiti. Sa totoo lang pinipigilan ko ang sarili ko na mapatawa.
Kung sino sino na ang nakita ko, mga tiyahin mga pinsan, mga pinsan ng pinsan ko at ang iba nga ay di ko na kilala. May ibang yumayakap, nakikipag kamay at nagsasabi ng “Congrats!”
Sunod kong nakita ang mga kaklase ko nung highschool, the queen bees and the jocks, alam kong di nila gusto ang magpunta dito at i-celebrate ang pagpasa ko pero alam kong pinilit sila ng nanay nila na mga amiga ng nanay ko.
“Great! Just the kind of people that I want to see.” bulong ko nanaman sa sarili ko.
Agad akong naglakad palayo sa kanila at nagpunta sa may den, nakita kong andun ang aking ina na asa sentro ng malaking pabilog na lamesa, nakapalibot din sa lamesa nito ang kaniyang mga amiga na kasama niya laging maglaro ng ma jhong.
“That kid has been our problem since day one. Di ko nga lang ba alam kung anong problema nung batang yun samin, he preferred living with his cousin on a very little space in Morayta rather than stay here with us! Manila is not that even far puwede siyang maguwian kung tutuusin, his father gave him a car so he can use it papasok at pauwi, kaya't di ko naman talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw niya dito.” mahabang litanya ng nanay ko habang inaayos ang kanyang ma jhong characters.
“This family is perfect without me, Mom. I actually did you guys a favor by staying away. I know you're aiming for that TOO PERFECT FAMILY award. Hello Mom!” sabay halik sa pisngi niya.
“Hijo! Late as always huh?!” magiliw na sabi sakin ng aking ina, sabay yakap sakin ng mahigpit.
“As always, Mom.” pagsangayon ko sa kaniya.
“Oh siya, kumain ka diyan, nagpalechon kami. Congrats nga pala anak. I'm very proud of you!” sabay yakap ulit sakin ng mahigpit ng nanay ko.
“Pagod-tulog-room.” maikling paliwanag ko sa gitna ng mahigpit paring yakap sakin ng nanay ko. pumunta na ako sa kwarto ko.
Marami parin akong nakasalubong na kung sino sino na nakikipagkamay, ilan sa kanila sasabihing “tumaba”, “pumuti”, “gumwapo”, “nagmukhang bakla”, pagkatalikod sakin. Di ko na hinanap pa ang tatay ko, malamang nasa likod yun kasama ang mga kumpare niya na nagiinuman di ko narin hinanap ang iba ko pang kapatid dahil alam ko namang wala silang sasabihing maganda.
Pumasok ako sa kwarto ko at laking gulat ko sa laki ng pinagbago nito, yung mga posters na nakadikit sa pader ko nuong bago ako umalis ay wala na, napaltan na ng wall paper na kulay baby blue.
“Lame.” bulong ko sa sarili ko.
Na re-arrange na din ang buong kwarto, at ilan sa mga gamit ko ay nasa kahon na, nadagdagan nadin ng ilang work out equipment at ang lumang personal computer ay nakatambak nadin dito. Nagbigay na lang ulit ako ng isang mabigat na buntong hininga.
Humiga ako sa kama at natuwa ng makita ang mga glow in the dark na idinikit ko sa buong kisame ng kwarto ko ay nandoon parin.
“hindi siguro nila maabot.” bulong ko sa sarili ko.
Naibaling ko ang mata ko sa bintana sa aking kaliwa, nakasara parin iyon at tulad ng iwan ko ang kwarto na ito limang taon na ang nakaraan. Nakasara parin ang Venecian blinds na kalakip ng bintana.
“Migs!” tawag ni Edward sa labas ng bintanang iyon. Magiliw itong nakaway sakin at sumesenyas na papasukin ko siya sa kwarto ko.
“Sabi ni Dad, wag ka na daw tumawid sa punong iyan ah?! Masyado ng delikado baka mahulog ka pa diyan.” sabi ko habang inaakyat ni Edward ang bintana ko papasok ng kwarto.
“Di yan! Masyado kang nagaalala!” sabi ni Edward sabay pisil ng ilong ko.
Lumapit ako sa bintana at pagkatapos ng limang taon hinila ang tali ng venecian blinds at umangat ito, nakita ko ang alikabok na namuo sa bintana at naaninag ko mula dito ang puno ng santol sa pagitan ng bahay namin ni Edward at sa likod nito ang bintana papunta ng kwarto naman ni Edward. Di ko napigilang hindi mapaluha.
Itutuloy...
shit... "spine tingling"... nice story po... it reminds me of a lot of things... keep it up... waiting for the next chap...
ReplyDeletebagus bagus bagus... (good good good)... hehehe...
outrage
nice story migs... that's the thing about life stories... they are more exciting to read :-)
ReplyDeletelooking forward to the next installment
idol ka talaga Migs... what i like about your stories? Hindi pinilit, the flow is so smooth and was written naturally... the words are almost perfect that we, readers easily captures what your stories are trying to portray...hayyy alam mo yong feeling? Ang sarap sarap basahin ng mga kwento mo!! I'm a fan..
ReplyDeleteMark Ryan
I wonder kung saan ka nagaral.. P campa? Malapit sa univ tower.. Heheh.. Feu o ust CON?
ReplyDelete"nick
malungkot pero mgnda.. hehe prang ako lng din na ayaw umuwi samin,, haha nice.. :) galing tlga ni sir migs.. :) >>jun
ReplyDelete