Thursday, May 3, 2012

Different Similarities 2[6]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Kinakabahan si Pat habang pinapanood ang reaksyon ng kaniyang bagong boss, blangko lang ang mukha nito habang minamata ang kaniyang mga drawing. Nagsisimula ng magkuyakoy si Pat at nagsisimula narin siyang mawalan ng kuntrol sa kaniyang kamay dahil nagsisimula na itong manginig. Narinig ni Pat na nagbuntong hininga ang may edad ng lalaki sa kaniyang harapan kaya naman agad niyang sinalubong ang mga mata nito.


Tila nabunutan ng tinik si Pat nang makita niyang lumatay ang ngiti sa mukha ng kaniyang bagong boss.



I'm impressed. I might pull you out from being a temp. and make you a regular if you keep drawing like this.” nakangiting sabi ng boss sabay inabot ang kamay kay Pat para i-shake ito.


Thank you.” nakangiti naring balik ni Pat.



Kaya nung araw na iyon ay umuwi sa bahay si Pat ng nakangiti.



0000ooo0000


How's the first day, son?” tanong ni Lita sa anak habang nagluluto.


It was great---!” at sinimulan ng ikuwento ni Pat ang nangyari sa bagong opisina at tinapos ito sa reaksyon ng kaniyang bagong boss at ang pahaging nitong sabi tungkol sa planong pagre-regularize sa kaniya.



Habang nagkukuwento si Pat ay nagagalak naman si Lita hindi dahil sa posibilidad na makuha si Pat bilang regular na empleyado kundi dahil napansin niyang bumalik na ang pagiging masiyahin at puno ng buhay ng anak. Mga bagay na nawala nang mag-palitan sila ng maaanghang na salita nung gabing umalis ito sa kanilang puder. Nagagalak siya na unti-unti nang nabubuo muli ang kaniyang pamilya.



---I stink! Shower lang ako and magpapahinga saglit.” pagtatapos ni Pat sabay halik sa pisngi ng ina, ngumiti na lang si Lita at bago pa man makalayo si Pat ay niyakap niya ito.


OK. I'll call you for mirienda.”


Ayt!” masayang balik ni Pat.


0000ooo0000



Nakangiti paring nag-bihis at naglinis ng sarili si Pat, iniisip na nagsisimula ng umayos ang kaniyang buhay katulad nang kaniyang mga nakasiraang kaibigan na sila Jake at Eric, nagsisimula na muli siyang sumiya at makabawi sa lahat ng sakit. Pero ang ngiting iyon ay pansamantala lang, dahil agad iyong nabura nang makita niya si Liam na nasa kaniyang tree house, nakaupo at humihikbi. Mabilis na binuksan ni Pat ang kaniyang bintana at tinwag ang bata.



Liam!” agad na nag-angat ng tingin ang bata at matamlay na kumaway kay Pat.


Meet me at the door, yeah?” tanong ni Pat, hindi maitago ang pag-aalala, matamlay na tumango ang bata at bumaba na mula sa puno. Bagsak balikat itong naglakad papunta sa kanilang front door.



Mabilis na bumaba si Pat, ilang tagpo ang umandar sa kaniyang isip, hinuhulaan kung ano marahil ang nakasama sa loob ng bata para umiyak ulit ito ng ganon.



MOM! I'll be at Liam's!” sigaw ni Pat hindi pa man nakakasagot si Lita ay mabilis nang tumakbo papunta sa mga kapitbahay si Pat.



0000ooo0000



Hey buddy, what's wrong?” tanong ni Pat sabay luhod at niyakap ang maliit na bata na lalong humikbi sa kaniyang balikat.


Daddy is always angry.” pabulong na sagot ng bata sa pagitan ng mga hikbi.


He's just going through a tough time, buddy.” alo ulit ni Pat pero hindi parin tumigil ang paghikbi ng bata. Sa puntong iyon ay biglang may kumalabog sa hindi kalayuan. Nang tignan iyon ni Pat ay nagulat siya nang biglang bumulaga ang si manang na umiiyak.


Liam, why don't you go to the tree house and play for a bit, I'll be there in a minute. Kausapin ko lang si manang.” humihikbing tumango si Liam at naglakad papunta sa gwi ng tree house.


Manang, anong nangyari?” tanong ni Pat sa matanda habang tinutulungan ito sa isang malaking maleta na nagsabog ang laman.


Hay nako, ayoko na dito. Aalis na ako!” humihikbing sagot ni Manag habang inaayos ang nagkalat niyang mga bra at panty.


Ano ho bang nangyari?” tanong ulit ni Pat saka inalalayan si Manang na tumayo.


Mas mabuti pa noong lagi siyang nasa ospital tapos si Ma'am Nina lang saka si Liam ang naiiwan dito, mas masaya kami, ngayong andito nga siya lagi para kay Liam madalas naman siyang sumigaw.” natameme naman sa sinabing ito ni Manang si Pat, iniisip niya tuloy kung siya ba ang dapat sisihin dahil sinabihan niya si Kyle na bigyan ng importansya ang anak at dahil narin malaki ang posibilidad na siya rin ang dahilan ng pag-alis ni Nina.


---OK lang naman sakin na paliguan siya pero yung sisigawan niya ako dahil di ko makuskos ng maayos ang likuran niya at halos ipagtulakan niya ako palabas ng banyo ay ibang usapan na po iyon. Opo kasamabahay ang pusisyon ko sa bahay na ito pero wala siyang karapatan na ipagtulakan ako palabas ng isang kwarto sa tuwing tinutopak siya.” mahabang salaysay ni Manang na ikinagulat ni Pat.



Hindi niya pa lubusang kilala si Kyle pero hindi niya ito makitang naninigaw o kaya naman ay nanunulak. Sa tingin niya ay dahil sa mga splint nito sa kamay kaya masama ang mood nito.



Manang, kung kakausapin ko ho ba si Kyle at kapag napakiusapan ko po na wag na kayong sigawan at ipagtulakan magste-stay ho ba kayo?” nagbabakasakaling tanong ni Pat, hindi niya kasi makuwang isipin kung pano na lang si Liam kung pati si Manang ay aalis na.


Ay nako, pasensya na Sir Pat pero ayaw ko na talaga.” umiiling na sabi ni Manang sabay hila ng kaniyang maleta palabas ng bahay. Napabuntong hininga na lang si Pat.



0000ooo0000



Kyle?” tawag ni Pat sa nakahigang si Kyle, wala itong damit pang-itaas, tanging maluwag na jogging pants lang ang suot nito na baligtad pa ang pagkakasuot. Alam ni Pat na mahihirapan ito maski sa simpleng pagbibihis sa sarili kaya agad nanaman siyang nakaramdam ng awa dito.


Kyle.” gising ulit ni Pat dito sabay alog sa braso nito, nagulat si Pat nang bigalang hawakan ni Kyle ng mahigpit ang kaniyang kamay at umungol.


Oh shit.” bulalas ni Pat sa sarili nang marinig ang ungol na iyon. Muli tila may nangiliti sa kaniya katulad nung isang araw nang subuan niya ito para kumain.


Stop shaking me, nahihilo ako pag niyuyugyog yung kama.” sagot ni Kyle sabay upo at sandal sa headboard ng kama.


I-I'm sorry.” nauutal na hingi ng tawad ni Pat. Nautal dahil nakita niya ang tayo-tayong buhok ni Kyle na lalong nagpa-cute dito, mamula-mulang mata na kinukusot ng de-splint niyang kaliwang kamay, ang five o'clock shadow nito na lalong dumagdag sa angking kagwapuhan nito at ang mabuhok na underarm nito na napapaligiran ng malabatong muscles.


Double shit.” bulong ni Pat sa sarili sabay napalunok sa sariling laway.



0000ooo0000



Pinapanood ni Pat si Kyle habang inuulit niya ang napagusapan nila ni Manang. Nakakunot ang noo nito, tanda na malalim ang iniisip at nakanguso ito, tanda naman ng hindi pagsang-ayon sa pangangaral ni Pat pero sadya siyang walang magagawa kundi ang pakinggan ito.



So who's going to feed you now? Who's going to bathe you? Kyle, hindi maganda yung ginawa mo kay Manang, you know how sensitive she is, hell I know that she's uber sensitive and I only know her for like five days, ikaw naman ilang taon mo na siyang kasama kaya't dapat alam mong hindi niya magugustuhan ang panunulak mo sa kaniya, itinuloy mo parin!”


But she almost made a crater on my back using the loofa!” parang batang pangangatwiran ni Kyle na halos ikasira ng resolba ni Pat at muntik na niyang ikatawa. Bigla niyang naalala ang batang si Liam sa ginawang ito ni Kyle.


Alam kong wala akong karapatang mangielam sa buhay niyong mag-ama---” simula ni Pat nang maisip niyang masyado na siyang nagiging intrimitido.


---you think?---” sarkastikong singit ni Kyle sabay tinaas ang kilay na tila ba nagsasabing 'ngayon mo pa naisip na masyado ka nang nagingielam' na ikinairap naman ni Pat.


---but I think you need a new nanny.” pagtatapos ni Pat na ikinailing naman ni Kyle.


No. I don't trust them. I only trusted manang because she was recommended by my Mom before she passed away, pero kung hindi, malamang walang ibang tao na titira dito kundi kami lang ni Nina, Liam at ako.” pagmamatigas ni Kyle na ikinabuntong hininga naman ni Pat.


Wow. I didn't know you can be very stubborn.” umiiling na sabi ni Pat pero sa kabilang banda ay ikinaaliw niya rin ito dahil naisip niya kung panong ganun din katigas ang ulo ni Liam paminsan-minsan.


Daddy, Nana Lita is here. She's inviting us for dinner at their house.” nakayuko at natatakot na singit ni Liam sa may pinto. Tinignan ng masama ni Pat si Kyle na tila ba nagsasabing 'look what you did! You're scaring your own son!'


Pakisabi na susunod na kami ni Pat, magbibihis lang ako.” nagaalalang sabi ni Kyle sa anak na agad namang lumapit at yumakap sa kaniya ng mahigpit.


I'm sorry if I'm being a bad daddy lately, Liam. I promise I'll change.” bulong ni Kyle habang nakayakap ang anak habang si Pat naman ay nangingiti-ngiti sa tagpong kaniyang pinapanood.


I love you, daddy.” balik ni Liam sabay talon palayo sa ama at patakbong binalikan si Lita sa baba.


Good job!” pangiinis ni Pat kay Kyle na tuluyan ng ikinangiti ng huli. Hindi alam ni Kyle kung bakit pero mayroon sa pagkatao ni Pat na siyang nakakapagpawala ng kaniyang bad mood.


Shut up and help me with my shirt.” nakangiti paring sabi ni Kyle. Agad namang kumabog ang dibdib ni Pat sa narinig pero dinampot niya parin ang isang t-shirt sa hindi kalayuan at isinuot ito kay Kyle, nang mai-ayos na ni Pat ang t-shirt ay saglit na nagtama ang tingin nila ni Kyle na lalong nakapagpakabog sa kaniyang dibdib. Hindi nagtagal ay ngumiti lang si Kyle at isinuot na ang kaniyang flipflops na siyang gumising kay Pat mula sa muntik nang pananaginip.



0000ooo0000



Sooo--- Kyle is a good looking fella, have you done it with him yet?” nakangising tanong ni Louie sa anak habang iniintay mahainan ang lamesa. Agad na tumingin si Pat sa gawi ng mag-ama at nang masigurong malayo ito upang marinig ang kanilang paguusap ay muli na siyang humarap sa ama.


What the---?! Dad, he's straight! He has a son for gadsakes!” naeeskandalong balik ni Pat na ikinahagikgik ng ama.


Kain na!” sigaw ni Lita na kumuwa sa atensyon ng lahat.


So what are you two talking about earlier?” tanong ni Lita sa kaniyang mag-ama habang umuupo naman si Liam at Kyle sa kabilang banda ng lamesa. Tinapunan ng naniningkit na tingin ni Pat si Louie saka nagpatuloy sa pagsagot.


Oh, that Kyle needs a new nanny.” sagot ni Pat na ikinasamid ni Kyle sa sariling laway sabay bato ng nakamamatay na tingin kay Pat.


What happened with manang?” tanong ni Lita habang sumusubo ng pagkain.


She left after Kyle pushe---”


We had a little misunderstanding so I had to let her go.” singit ni Kyle sabay bato ulit ng nakamamatay na tingin kay Pat na ikinahagok naman ni Pat.


Yeah right.” bulong ni Pat.


Well, I can help you look for a new one.” alok ni Lita na magalang naman na tinanggihan ni Kyle.


I want to take you on that offer, Lita but there's something about strangers looking after my kid that gives me a very unsettling feeling.” sagot ni Kyle matapos siyang subuan ng kanin ni Liam na ikinangiti ng bawat isang nandun sa hapagkainan na iyon.


I know what you mean. No one is to be trusted with kids right now.” umiiling na sabi ni Lita.


Why don't you ask Pat to help you with Liam? I'm sure he can also be of assistance to you while your fingers are in those splints. He can feed you and even bathe you. Liam wouldn't always be there, you know.” singit ni Louie na sabay na ikinasamid ni Pat at Kyle, ikinahagikgik ni Liam na siyang inabot ang kamay para bigyan ng high five si Louie at ikinataka naman ni Lita.



Saglit na iginala ni Lita ang kaniyang tingin sa apat na lalaking kasama niya sa hapagkainan na iyon. Nagtagal ang kaniyang tingin sa asawa na nuon ay ipinababalik-balik ang tingin kay Pat na namumula, kay Kyle na hindi naman mapakali at namumutla sa hiya at kay Liam na nagtataas at baba ng kilay na miya mo mayroon silang agreement ni Louie. Napailing siya ng makuha ang pinaplano ng asawa pero hindi naman siya tutol dito kaya't agad niya itong sinakyan.


I think that's a wonderful idea!” sakay ni Lita sabay arteng ipinalakpak ang kamay na miya mo isang napakahusay na imbensyon ang naisip ng kaniyang asawa. Tinignan ni Louie ang kaniyang asawa na nagbigay ng makahulugang kindat sa kaniya. Muling napahagikgik ang matandang lalaki habang inaabot ang kamay ng asawa at pinisil iyon.



0000ooo0000



How do you want to do this?” pabulong na tanong ni Kyle para sana sila lang dalawa ni Pat ang makakarinig nito gayung abala sa paguusap si Louie at Lita at si Liam naman ay abala rin sa paghahati ng kaniyang hotdog. Napansin niyang tumigil sa paguusap si Lita at Louie at tumingin sa gawi ni Kyle at si Liam naman ay tumigil din sa paghahati ng kaniyang hotdog at masuyong tumingin sa kaniyang ama at ipinaling ang kaniyang ulo pakaliwa.


I-I m-mean you can't keep hopping from this house to ours and uhmmm I- I think I need you more than several hours a day--- kung magpapabalik balik ka baka mahassle ka lang---” kinakabahan nang pagtatapos ni Kyle habang maingat siyang minamata ng mga kasalo niya sa pagkain. Sasagot na sana si Pat na hindi naman niya kailangang sa bahay nila Kyle matulog nang sumingit nanaman ang kaniyang mga magulang sa usapan.


Oh he can stay at your house if it's OK with you. I'm sure you need him all the time with you---”


Actually hindi naman po---” singit sana ni Kyle pero parang hindi siya narinig ni Louie.


The firm haven't given him extra projects yet so I'm sure he can take care of you and Liam while you're on those splints or while you are looking for manang's replacement.” pagtatapos ni Louie na ikinangisi naman ni Lita, ang tono kasi ng boses ni Louie ay tila ba nagsasabi na 'this is not for further discussion!'


Dad---” parang batang simulang pagtanggi ni Pat pero agad din siyang napatigil nang maisip niyang wala pala siyang maidudugtong pa sa sinimulan niyang sabihin.


What?” tanong ni Louie.


What?” balik tanong ni Pat.


You said 'dad'. Are you going to say something or are you just whining?” nakangising tanong ni Louie, namula naman ang pisngi ni Pat sa hiya habang si Kyle ay hindi alam kung tatawa o maaaliw dahil tila nakikita niya ang sarili sa puwesto ni Louie at si Liam sa puwesto ni Pat ten years from now. Gumising sa pagiisip na iyon si Kyle nang makita niyang umiling bilang sagot si Pat.


So it's settled then.” nakangisi na ulit na pagtatapos ni Louie sa diskusyunan.


Dad---” simula ulit ni Pat.


Seriously, Pat, you should stop doing that, you're starting to sound like a four year old whining kid.” sabi ni Louie sabay tingin kay Liam na pumaling sa kaliwa ang ulo pagkasabi niya nito.


Sorry, buddy.” sabi ulit ni Louie sa bata sabay ngiti.


It's just--- how about my clothes and stuff?” palusot ni Pat akala niya ay naisahan na niya ang kaniyang ama pero agad ding natunaw ang kaniyang resolba nang makita niyang lalong lumaki ang ngisi sa mukha ng kaniyang ama.


Psh! You haven't even unpacked your things from your last move yet.” balik naman ni Louie sabay hagikgik.


Triple shit!” sabi ni Pat sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos maisip kung paano niya pipigilan ang attraction niya kay Kyle gayong sa iisang bahay sila titira, pano niya pipigilan ang sarili sa mga makamundong gawain gayong siya ang magpapakain, magpapaligo at marami pang iba sa lalaking halos isa ng modelo o artista ang tindig.



Itutuloy...



__________________________________
Different Similarities 2[6]
by: Migs

9 comments:

  1. galing!:)

    -RonnieBokie

    ReplyDelete
  2. Patay kang bata ka. Sarap talaga ng kwento. The stars are conniving and realigning themselves for pat and kyle to be together. Love u Migz. :))

    ReplyDelete
  3. wow hahaha can't wait to read the next chapter.

    ReplyDelete
  4. Kuya Migs!!!! Natanggal ang pagod ko sa chapter na 'to.

    Oh my!! Haha! Ano ng mangyayari??? Haha!

    Thanks sa update. Kumpleto na ang araw ko..extra pa dahil back-to-back. Yey!!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. hahaha naka-plaster na ang ngiti ko sa buong story...!! hehe

    ReplyDelete
  6. *Kung may back to back posting ng parts si Kuya Migs, hindi pwedeng mawala ang back to back comments ko rin. Hahaha! ;)

    Firstly, I wouldn't blame Manang being sensitive and all but at least she could've lengthened her understanding but at least, the good side was that "Patwick" and Kyle will get to spend 2 months together. :D

    If it wasn't for Louie's persistence and hard-headedness, that wouldn't have been possible. Hahaha! :P

    Your posts just gives a big smile on my day. :D

    I can't wait for the next part Kuya Migs!

    Go! lang ng Go! Kuya Migs!

    Supporting you always,
    - Jay!:)

    ReplyDelete
  7. maloko tlaga father ni pat at nki ayun din mama nya. hmmm, exciting ang mga susunod na chapter. good job migz. he he he

    ReplyDelete
  8. well, how about that? wahaha nkakatuwa papa ni pat x3 he reminds me of my tata jr, uber kulet at mpang-asar lolz

    nkakaexcite, anu nga b mangyayari? lalu na pag my paliguan scene na lol

    ReplyDelete