Monday, May 14, 2012

Different Similarities 2[12]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Naramdaman ni Pat ang unti-unting pagbuka ng mga labi ni Kyle at ang paglalaro ng dila nito sa kaniyang ibabang labi, wala sa sariling ibinuka narin ni Pat ang kaniyang mga labi at hinayaan ang dila ni Kyle na laruin ang kaniyang dila, naramdaman narin ni Pat ang paghawak ng kamay ni Kyle sa kaniyang batok, tila ba lalo pang itinutulak ang kaniyang mukha sa mukha nito. Nagsisimula ng uminit ang kanilang halikan, wala na silang pakielam sa mga nangyayari sa kanilang paligid, walang ibang naririnig, naaamoy at nararamdaman kundi ang isa't isa.



Nang maramdaman na ni Pat ang paghiwalay ng kaniyang mga labi sa labi ni Kyle ay dahan dahan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata---

---at naabutan niyang nakatalikod nang naglalakad palayo si Kyle. Wala ni isang salita ang nasabi bago ito umalis, hindi alam ni Pat kung ano ang nararamdaman nito matapos ang halikan na iyon, hindi niya nakita ang reaksyon ng mukha nito, hindi niya alam kung galit ba ito, naguguluhan o natuwa matapos ang kanilang halikan.



Muli, katulad nung huling gabi ng pagtira niya sa bahay na iyon ni Kyle ay hindi niya ulit alam ang dapat maramdaman at kung ano ang dapat isipin at gawin. Tila ang halikan na iyon ay katumbas ng paglangoy sa malawig na karagatan at talaga namang naubos ang lakas ng buong katawan ni Pat kaya't sumandal ito sa pader kung saan unang nakasandal si Kyle at padausdos siyang napaupo sa sahig. Sinapo ang kaniyang ulo at hinayaan ang sarili na lamunin ng pagkalito.



0000ooo0000


Umakayat si Pat matapos ang isang oras sa kwarto ni Liam. Naabutan niya itong nagda-drawing sa kaniyang sketchpad, pu-pungay-pungay at nakatabi parin kay Joey na labas dilang natutulog sa sahig. Napangiti siya pero agad nabura ang ngiti na iyon nang maisip niya na katulad noong gabing may nangyari sa kanila ni Kyle ay baka pagbawalan ulit siya ni Kyle na lumapit kay Liam.



Alam niyang walang basehan ang takot na ito pero wala rin namang naging basehan ang dahilan ni Kyle noon upang pagbawalan siya na lumapit kay Liam. Si Kyle ang may gusto na may mangyari sa kanila ni Pat noong gabing iyon dahil sa kalasingan at libog na dala nito at si Kyle din ang nagpasinaya ng halikan kanina sa kusina, pero hindi parin nun naiaalis ang pagiging over protective ni Kyle sa anak. Alam ni Pat na para kay Kyle ay problema ang pinagsaluhan nilang halik dahil hindi nila pare-pareho maipapaliwanag ito kay Liam.


Isang paraan lang ang naisip ni Pat para hindi na muling maranasan ang walang pusong pagtutulak sa kaniya palayo ni Kyle, katulad nuong araw matapos ang gabi ng may nangyari sa kanila. Tama na ang sakit na naranasan niya noon nung nawala si Eric at Jake sa kaniya at nung araw na pinandirian siya ni Kyle.



Patwick, are you OK?” mahina at inaantok na tanong ni Liam na gumising naman sa malalim na pagiisip ni Pat. Nagplaster ito ng isang ngiti.


I'm OK, buddy.” marahang sagot ni Pat sabay lapit kay Liam.


Is daddy, OK?” tanong ulit ng bata sabay hikab, hindi alam ni Pat kung ano ang isasagot sa bata kaya naman agad niyang iniba ang usapan.


Have you brushed your teeth yet?” tanong ni Pat tumango lang ang bata at iniyakap ang sarili kay Pat at inihilig ang ulo nito sa balikat ni Pat.


Then why are you not sleeping yet?”


Because nobody has come in to tuck me to bed yet.” mahinang sagot ng bata, palatandaan na nakakatulog na ito sa balikat ni Pat.


OK, I'll tuck you to bed.” pagsang-ayon ni Pat at marahang tumango ang bata. Binuhat ni Pat ang bata papunta sa kama, napansin ito ni Joey at tumayo din ito mula sa sahig at ipinuwesto ang sarili sa kama at doon itinuloy ang pagtulog.


Good night, Liam.” malungkot na sabi ni Pat.


Don't be sad, Patwick. We'll see each other tomorrow, I promise. I'll just go to bed.” pahina ng pahina na bulalas ng bata atsaka nagpakawala ng isang malaking hikab at pagkatapos niyon ay tuluyan na itong nilamon ng pagtulog. Halos mapaiyak si Pat sa sinabi ng bata, alam niyang magtataka ito kinabukasan kapag hindi niya nakita si Pat pero walang ibang paraan na maisip si Pat upang maiwasan ang alam niyang sakit na nagiintay sa kaniya sa oras na magkaharap ulit sila ni Kyle.


Dahan-dahan na tumayo si Pat mula sa kama ni Liam. Saglit na nagtaas ng ulo si Joey at umingit nang makitang papaalis na si Pat. Marahil ay nararadaman nito ang pighati ni Pat. Itinapat ni Pat ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig at sumenyas kay Joey na huwag maingay. Nagpakawala ito ng isang tahol na ikinaupo ni Liam mula sa kama, dumilat saglit at nang makita kung ano ang naging dahilan ng kaniyang paggising ay iniyakap niya ang sarili sa aso at hinila ito pahiga muli sa kama. Napangiti si Pat pero lalo ring nalungkot. Alam niyang mamimiss niya ang bata lalo na ang mga nakatatawang ugali nito.


Naglakad na si Pat pagawi ng hagdan ng bahay na iyon upang bumaba nang mapatapat siya sa kwarto ni Kyle. Malungkot niya itong tinignan saglit bago siya tuluyang bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

1 week later


Abala si Pat sa pagtapos ng panibagong project nang biglang sumulpot ang kaniyang boss sa kaniyang tagiliran, kahit pa alam ni Pat kung bakit iyon nandun ay nagkunwari lang siya na hindi niya ito napapansin.


You don't have to finish that, Pat. It's friday, we should be partying in some random bar right now.” excited na sabi ng kaniyang boss. Umiling na lang si Pat at matipid na ngumiti dito.


Hindi na po kasi ako pala-party ngayon. I think I out grew it, nagsawa nung college.” humahagikgik na sabi ni Pat atsaka nagtuloy sa pagguhit ng panibagong disenyo.


Sige, ikaw bahala. Pero kung nagbago ang isip mo puntahan mo lang kami sa bar na'to.” sabi ulit ng boss niya sabay abot sa kaniya ng isang flyer. Unti-unti nang naubos ang mga tao sa opisina ni Pat at wala lang ito sa kaniya. Gusto niyang pag-butihin ang kaniyang trabaho para makalipat na siya sa sarili niyang lugar.



Hirap na hirap siya sa pag-iwas kay Liam at hirap na hirap din siyang tiisin ito pero ginagawa niya ito at pinipilit ang sarili para narin sa kapakanan nito at ni Kyle at pati narin para makaiwas siya sa mga maaaring masasakit na salita na sasabihin sa kaniya ni Kyle patungkol sa halik na nangyari sa pagitan nila may isang linggo na ang nakaraan.


0000ooo0000


Nang umuwi si Pat ay mabilis nitong ipinarada sa garahe ang kaniyang kotse at mabilis ding pumasok ng bahay. Hindi na binigyan ng pagkakataon si Liam o kung sino man na gustong kumausap sa kaniya. Nang makapasok sa bahay ay saka tinamaan ng matinding pagod at lagkit si Pat, iniisip na maliligo muna siya saka bababain ang mga magulang para ipaalam na andun na siya.


Can I talk to you for a while, Pat?” bulaga ni Nina sa bungad ng hagdan na halos ikatalon ni Pat sa gulat.


Nina? What are you doing here? Is everything OK? Liam? Kyle?” sunod sunod na tanong ni Pat, magsisimula ng tumakbo kung kailangan. Napansin niya na naka-puti pa ito tanda na galing o papasok pa lang ito sa ospital at ang ideya na maaaring nandun ito para magdala ng masamang balita galing ospital ay agad na pumasok sa isip ni Pat.


They're fine. Liam's fine and Kyle's fine, physically, at least.” makahulugang sabi ni Nina.


You guys talked already?” tanong ni Pat, nung huli kasi silang nagkita-kita ay tigiisang insulto ang natanggap nila kay Kyle kaya naman nagtaka siya na ganun-ganun na lang ito pinagbigyang kausapin ni Nina.


Believe me I didn't want to. It was Liam who called me and literally said that his asshole-ish dad is so miserable. You know I couldn't say no to that kid. Anyway, the asshole apologized and he is in fact been miserable the whole week, Kevin still wouldn't talk to him even after he picked up Joey the other night and after they practically walked on each other and then you, according to Kyle, has been avoiding him and Liam like a plague.”


Yeah, I wonder why? Hmmm maybe because being called a rapist, child molester and a slut in just a month really hurts---” saglit na natigilan si Pat at hinayaan sabihin sa sarili ang kaniyang iniisip na kadugtong ng sinabi niya kay Nina. “---and the fact that he kissed and might blame me for it after sounds really comforting to not avoid him like a plague.” pero hindi na sinabi ni Pat ang huling naisip na iyon. Pakiwari niya kasi na hindi magandang ideya na sabihin kay Nina ang halikan na nangyari.


Just please talk to him? I'm staying at his house again but I'm on a graveyard shift this week and I forgot to call someone to look after Liam tonight---”


What's Kyle doing? I think it's his job to look after his son.” sarkastikong balik ni Pat.


Well he might do it if he's not acting like some depressed fool. Just please be there tonight until Liam get's to sleep. Please.” balik naman ni Nina una ay nagdadalawang isip si Pat pero ang maisip na mag-isa lang si Liam kasama ang depress-depressang si Kyle ay agad narin siyang pumayag.



0000ooo0000


Liam?” tawag ni Pat sabay katok sa malaking puno ng sampaloc. Narinig niya ang pagkaluskos sa loob ng tree house at miya miya pa ay sumilip na pababa si Liam. Gulo-gulo ang buhok nito at madungis dahil siguro sa kakalaro.


PATWICK!” sigaw nito at halos tumalon mula sa taas ng tree house pasalubong kay Pat.


Hey buddy.” bati ni Pat sa bata sabay yakap dito. Mahigpit siyang niyakap nito pero agad ding humiwalay at sumimangot.


Galit ako sayo.” sabi nito nang makahiwalay na kay Pat atsaka itiniklop ang kaniyang mga kamay sa dibdib at tumingin sa kanan, iwas kay Pat. Pinigilan ni Pat mapangiti.


I figured you'd be mad that's why I bought you something.” sabi ni Pat sabay inilahad ang iniuwing water color. Saglit na nagmatigas si Liam pero napansin ni Pat na sumisilip ito at tinitignan kung ano ang uwi sa kaniya ni Pat.


You don't like it?” arte ni Pat nang makita niyang tuluyan ng natunaw ang pagmamatigas ng bata at minamata ng maigi ang water color sa kaniyang kamay.


Then I'll just give it to Pauline. I think she will like it.” arte pa ulit ni Pat. Alam niyang hindi papayag si Liam na ibigay niya ang water color sa batang tila ba ay ayaw na ayaw ni Liam. Nakatira ang Pauline na ito may ilang bahay lang ang layo kila Liam pero hindi sila naging close nito kahit pa magkasing edad lang sila.


Give me that! Pauline doesn't know how to use this!” sabi ni Liam at sinubukang agawin ang water color kay Pat na itinaas naman ng huli upang hindi maabot ng bata.


Hep. Hep. Hep. Say that you forgive me first---” simula ni Pat habang si Liam ay tumatalon talon upang maabot ang water color na pilit na itinataas ni Pat upang hindi niya maabot.


I forgive you, Patwick!” may pagmamadaling sabi ni Liam na ikinahagikgik ni Pat.


---and that you promise to share it with Pauline tomorrow when she ask you to come and play and draw with her at their house.” subok ni Pat, natigilan si Liam.


No fair! I don't like her! She's too--- girly!” sabi ng bata at tumigil na sa kakatalon at itiniklop muli ang mga kamay nito sa dibdib.


That's because Pauline's a girl, Liam and that's not very nice of you. She only wantsto be friends with you and to have someone to play with.” balik naman ni Pat pero umiling lang si Liam.


OK then I'll just give this to her.” sabi ulit ni Pat, saglit na tinignan ni Pat ang magiging reaksyon ng bata at muntik na siyang mapangiti nang makita niyang nanginglid na ang luha ng bata at matamang tinitignan ang hawak-hawak niyang water color.


Fine! I'll share it with Pauline tomorrow.” naka pout nang sabi ni Liam agad naman ngumiti si Pat at ibinigay na ang pinagdedebatehang water color.


Habang abala si Liam sa pagtitig at nanlalaking matang sinusuri ang bagong water color ay hindi naman maiwasan ni Pat ibaling ang tingin sa bintana ng kwarto ni Kyle. Hanggang ngayon ay iniisip niya parin kung pano ito kakausapin. Sa sobrang abala ni Pat sa pagtitig sa bintana at sa pagiisip ng malalim ay hindi niya napansin na nasa kaniya na nakabaling ang tingin ng bata at nakapaling na sa kaliwa ang ulo nito.


Daddy is always looking for you. I think he misses you too.” sabi ni Liam na ikinakuwa ng atensyon ni Pat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa bata at nakita itong mataman siyang tinitignan habang nakapaling parin ang ulo sa kaliwa. Binigyan lang ni Pat ng isang malungkot na ngiti ang bata at ibinalik na ang tingin sa gawi ng bintana ni Kyle.


Go! Talk to daddy! He will be happy to see you! Go! Go! Go!” nakangiting sabi ni Liam sabay tulak kay Pat papasok ng kanilang bahay.



0000ooo0000



Napansin ni Pat na nakaawang ang pinto ng kuwarto ni Kyle. Muli siyang nagalanagan, inisip kung tama ba ang gagawin niya pero ang pagaalangan na iyon ay agad na nawala nang marinig niya ang mahinang paghikbi mula sa loob ng kwarto nito, papasok na sana si Pat para tignan kung ayos lang ba si Kyle nang makarinig din siya ng marahan at malungkot na pagsasalita. Saglit siyang natigilan at nakinig.


I don't know what else to do, Karen.” sabi ni Kyle sa isang litrato kung saan tampok ang kaniyang namayapang asawa.



Bago maglapat ang kanilang mga labi ni Pat nung nakaraang linggo ay walang ibang naisip na dahilan kung bakit masama ang kaniyang mood sa tuwing nakikita ito na mas pinagtutuunan ng pansin si Kevin o kaya naman si Nina kesa sa kanila ni Liam. Akala niya ay naiinis o hindi lang siya kumportable sa ipinapakitang paglalandian nila Pat at Kevin pero ang totoo pala noon ay gusto niyang siya ang kalandian ni Pat, at nung nakaraang linggo ay nagsimula na siyang matakot dahil naisip niya na wala na sa kaniya ang pag-tingin ni Pat at nabaling na ito kay Kevin at ito din ang naisip na dahilan ni Kyle kaya't iniiwasan na siya ngayon ni Pat. Hindi naman niya mgawang sisihin si Pat matapos niya itong tawaging rapist, child molester at slut.



I messed up. I've been an asshole to him, pushed him and called him some horrible names. He's the first person after you who gave me a chance to be me and I messed it all up. At first I was just confused, I thought I just don't like the fact that he's been flirting with Kevin but when he started calling me an asshole, a homophobe and an egotist and a narcissistic prick I just felt this strong urge to kiss him and during our lips are pressed together this realization struck me. I like him, Karen, I like Pat but I realized it a little too late. He's with Kevin now and he's been avoiding me like the plague.” mahabang salaysay ni Kyle.



Narinig ni Pat lahat ng ito kaya naman tila piniga lahat ng hangin sa kaniyang baga, lalong bumilis ang pag-kabog ng kaniyang bibig at tila hinigop lahat ng lakas sa kaniyang mga tuhod pero sa kabila non, nang maabsorb ni Pat ang mga sinabi ni Kyle ay may kakaibang lakas na nagtulak sa kaniya upang harapin ito. Hindi napansin ni Kyle ang pagpasok ni Pat kaya't gulat na gulat siya nang bigla itong magsalita.



Can we talk?” napa-iktad si Kyle at halos mabitawan na niya ang litrato ng kaniyang namayapang asawa nang sabihin ito ni Pat.


P-Pat. How long have you been standing there?” kinakabahang tanong ni Kyle at lumakas ang kabog ng dibdib nito nang makita niyang unti-unti ng lumalapit sa kaniya si Pat.


Long enough to hear what you really feel about me.” pabulong na sabi ni Pat nang maglapit ang kanilang mga katawan at nang may isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Saglit silang nagtitigan ni Kyle, walang ibang mababasa sa kanialang mga mukha kundi ang pagtangis at kakaibang emosyon. Hindi na napigilan pa ni Pat ang sarili at inilapat na niya ang kaniyang mga labi sa labi ni Kyle.



Isa muling mainit na halikan ang kanilang pinagsaluhan. At nang maghiwalay ang kanilang mga labi para sa panandaliang pag-hinga nila ay tahimik na idinagdag ni Pat ang isa pang bagay na nararapat linawin.



Kevin is not my type. You are.” sa sinabing iyto ni Pat ay pareho na silang nagpakawala ng isang matipid na ngiti bago muling nagsalubong ang kanilang mga labi.



0000ooo0000


Liam is already in bed.” nakangiting sabi ni Kyle sa nakahigang si Pat. Naisip nila na bago pa man nila ipagpatuloy ang pag-uusap ay mas magandang nasiguro na muna nila na nasa kama na si Liam at natutulog. Lumapit na si Kyle kay Pat at muli itong siniil ng halik pero agad din iyong pinutol ni Pat.


We should talk about some things first if we are serious about this, Kyle.”


Aren't we done talking? Isn't it time for more kissing?” parang batang sabi ni Kyle na muling nagpaalala kay Pat ng batang si Liam. Napangiti si Pat at napailing.


No. We should talk about some things first. Like, who are we going to tell or are we serious about this or is this just some phase to you.” may pagaaalalang tanong ni Pat. Ang huli niyang gustong mangyari ay ang pagiiba ng isip ni Kyle sa hinaharap.


This is definitely not a phase, Pat---” simula ni Kyle.


Are you sure you want to be gay?”


Let's not start with the labels, Pat. I can be gay but I'm not attracted in other guys. I can be bisexual but no beautiful girl can attract me whenever you're there and that defeats the idea of me being straight as well---”


Fine, I'll drop the labels but what are we going to tell Kevin? Nina? Liam and your Dad?” tanong ni Pat.


We'll tell them when we are both ready.” sagot ni Kyle sabay halik sa labi ni Pat, wala ng nagawa pa si Pat kundi ang tumango habang hinahalikan siya ni Kyle, iniisip na may punto si Kyle pero hindi parin nito inalis kay Pat na isipin na nagsisimula pa lang sila at marami pa silang pagdadaanan dalawa.



Itutuloy...



_____________________________
Different Similarities 2[12]
by: Migs

38 comments:

  1. Hey guys! sensya na sa late post. Salamat muli sa lahat ng nagcomment!. 56 comments. WOW. alam ko, may mga umulit at spam na comments but still! 56 comments? wow. hehe. Keep 'em coming guys.


    I was supposed to post a short story last night but something came up. I'll tell you guys about it later.


    KV: thanks for liking!

    Ryvis Tan: Thanks for reading and for the comment! :-)

    your_prince: thanks!

    Nix: sensya na talaga sa pagiintay. Next week promise! :-)

    xheanne: ano po ang phr at kmo?

    Stringx: di ko na napapanood ang orig na csi eh. Tpaos na ba yung jekyll and hyde story line nila?

    ivan d: thanks for stepping out of the shadows. i really appreciate it! :-)

    AnonymousMay 10, 2012 2:06 AM: nice qoute but it could've been nicer if you signed it.

    Allan: thanks for the nice woutes. you're starting to have fans among my readers oh. :p

    myco: thanks!

    uno: para kanino yang comment mo? hehe

    jetlander: antagal niyang dumating. haha!

    Boboy: Salamat sa pag-comment! :-) sana tuloy tuloy na yan at kada post ko meron ka ng comment.

    hosto: Thanks! Boom talaga?

    Gerald: salamat sa err pagnganga? haha!

    whobad: thanks! huwag mong pigilan ang pagngiti na yan. masakit sa facial muscles yan.

    --ANDY: i love you more (napilitan) haha! thanks!

    jemyro: thanks!

    rei: magaaminan na sila! :-)

    russ: lumot talaga? haha!

    MERVIN: pareho kayo ni Gerald. Palanganga! haha! thanks! Ako ang mas matanda. 23 parin ako pero sa nov 24 na ako. :-) 1987 baby ako. :-)

    lei may: sana patuloy parin kitang mapakilig. haha! thanks!

    vince: haha! ewan ko ba kung bakit di ako sanay ng tumatanggap ng complimet.

    Jasper Paulito: haha! di ko pa kakayanin ang magpublish ng book,

    blue fox: malambot ang puso ni Pat eh. haha!

    aR: apat na chaps na lang. tapos na yung kay Ram!!! matagal na siyang may happy ending, hindi mo ba nabasa yun?

    makki: thanks! :-)

    frontier: di ka pa nasanay sa pambibitin ko.

    John: nasimulan ko yan pero hindi ko na nasubaybayan. may DVD copy ka ba? hehe

    Jay: thanks for your continuing support! :-)

    #28: sarap ba? haha! thanks!

    Ichigo: thanks!

    wastedpup: love you too, bro. :-)

    Erwin F. OK lang yan! go for the straight! i mean for the gold! hehe!

    Levi: dami bang satsat? haha!

    Mr. Brickwall: Thanks. inatyin mo na lang ang epilogue. hehe

    -Mike: go! mag med ka na lang! :-)

    robert_mendoza@yahoo.com: thanks!

    Marlone: saka na ulit ang back to back.

    ras: thanks!

    ryan May: I don't know if i have the right to give out pointers yet. Wala akong "K" hihi. PM me @ miguisalvador@yahoo.com

    next post na ako maglalabas ng sama ng loob, guys. hehe! thanks ulit sa mga nagbabasa ta patuloy na sumusuporta! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. im watching the series online. i just watched the season finale today and it's really good. i've been waiting for this chapter! sige magbabasa na ako. :)

      Delete
    2. precious heart romance (phr) ung kamo means nghhnp \cla ng male author bgay k don

      Delete
  2. wow. nag aminan na nga!
    sana tuloy tuloy na, pero i feel meron pang daraing na epic
    twist or challenge. hmmm


    rei

    ReplyDelete
  3. Kilig! Woooooh!!! Ganda!

    Ingat ka lang Pat, marami pa nga kayo pagdadaanan ni Kyle at ibig sabihin non..

    Mahaba pa kwento na to! Yey!!!

    Kuya Mike thanks sa update nung isang araw pa ako nghihintay sa mga blogs ng update. Kumpleto na araw ko. Thanks with hug.

    Btw..blockbuster ang last chapter ah!!! Woooh! Congratz. Nkakatuwa kasi mas madami na ngayon kaming nagbabasa at ngcocomment. Keep it up kuya migs.

    --ANDY

    P.S.
    Hindi talaga kami magkasundo ni Captcha code.

    ReplyDelete
  4. next na agad mr otor. i really like all your stories.
    i hope liam will understand pag sinabi na nila pat at kyle ang lahat. i like the attitude of liam

    ---januard

    ReplyDelete
  5. very nice. been following your stories from the very start. sana naka update everyday but other than that, nice nice.

    ReplyDelete
  6. Hay sa wakas.. Pero natatakot pa rin ako para kay pat kasi mukhang mas siya magdadala sa namumuong relasyon nila ni kyle kasi first time ni kyle to be involved in that kind of relationship aside from the fact that he has a bad temperament. Good luck pat. Be good kyle. Keep on drawing liam. Hehe. Thanks sir migs. Hope to get an update soon :)


    blue fox

    ReplyDelete
  7. No no no! No straight dudes. No younger guys. No lusting over my OJTs. No mistakes. No heartaches!

    Anyway kanina pa ako kinikilig dito sa tambayan namin ng barkada ko.

    Si Liam may second daddy na! Mahabang paliwanagan ito para sa bata.
    How will Nina react to this?
    Dad? Mukhang papasok sa story ng daddy ni Kyle dito.

    ReplyDelete
  8. I know something big and dramatic is coming up. It's too early for a happy ending. I think Migs is just testing the waters. Anyway, I loved the line "Kevin is not my type. You are." So simple but unbelievably thoughtful at the same time!

    Great job!

    ReplyDelete
  9. haha okie tulala naman ako ngaun..but I think this chapter is brewing some storm up ahead...I just for the best..:)

    Thanks KUYA Migs for sharing..:) haha sorry I maikli lang muna, sakit pa daliri ko eh..:)

    ReplyDelete
  10. wow :)) matanong ko lang kuya migs sang story po ba let si kevin? d ko talaga matandaan e .. si drei lng na nagclogged 2loy sa utak ko hahaha

    ReplyDelete
  11. ang sarap

    --- ang tanging masasabi ko :)

    ReplyDelete
  12. Hey author Migs! (haha bungad palang good vibes na:D)

    Last thing i remembered about ram hmmm..he's flirting with drei when kevin came inXD haha then leaves accepting that he's too late for drei..

    Aww..sweet quotes from kyle "Drop the label" wala ako sa choices so stop it! haha sana may ganyan pa nanakakalat sa buong mundoXD haha

    at ito na yung part na gusto ko!! tapos nawala pa si pat kaya lang sobrang nabigla lang ako haha, im expectin kasi na months mawawala si pat tapos lilipat ng bagong apartment or somewhere for good tapos babalik, pero hindi as in hinding hindi..1 week lang parang once a week subject lang yung nangyari disappearance XD

    Aminan portion na sila!
    ..Hmmm so hindi daw siya nasa phase of confusion good for him, pero syempre sa side ni pat no problem na, pano sa side ni kyle..at may dad pa pala siya, anu gagawin nila pag Sinabi na I dont accept you! not for kyle nor for liam! hoho (Syempre imbento ko lang to)

    tapos 4 chapter na lang

    ReplyDelete
  13. Finally! i keep checkin your page every 2 hours for the past 4 days! really worth the wait. i seriously couldnt wait for the twist sir. keep it coming!

    ReplyDelete
  14. At hindi na nila napigilan ang kanilang sarili... Saan hahantong ang pag-amin na ito ng dalawa sa kanilang nararamdaman? Tunghayan sa mga susunod na kabanata... Naksss! I can feel more conflicts coming out next chapter! Go Migs!

    ReplyDelete
  15. Nest next next! Kiiiilllliiig much! Keep it up! Ganda! :-)

    ReplyDelete
  16. kay ganda ng umga hehe i see rainbow!!! dahil sa kwento mo migs...take note yung gay flag color lang hahahaa.

    ReplyDelete
  17. wow off to a new start na ang bagong relationship ni kyle and pat, I do hope tuloy tuloy na to.

    It doesn't take a reason to love someone,
    but it does to like someone. You don't love
    someone because you want to, you love someone
    because you are destined too. It's because you
    fall in Love with them, that you then try to
    find a reason, but you always come up with
    the answer, No reason!

    Tnx migz have great week ahead!!! Keep on writing

    ReplyDelete
  18. Ayun oh klye and pat together.....

    love ko na si kyle kala ko magtatagal pa pag amin nya hihihi... Kilig lang ☜

    More power MIGS

    #28

    ReplyDelete
  19. this is so <3

    my very first comment to all ur stories

    so <3 author because of this =]

    more power po sa inyo b^^d

    ReplyDelete
  20. ayan na, ayan na, ayan na...

    Magsisimula na ang laban nila... Ayiee

    -frontier

    ReplyDelete
  21. I love this chapter... best among all chapters... hahaha... mahal na talaga kita miguelito...

    ReplyDelete
  22. "Let's not start with labels. I can be gay but im not attracted in other guys. I can be bisexual but no to beautiful girl can attract me whenever you're there and that defeats the idea of me being straight as well" --KYLE

    napanganga lang naman! Nice Chapter! ang galing ni IDOL!

    ReplyDelete
  23. yes. this is it. umamin na rin si kyle sa totoong nararamdaman nya. for sure happy family na yan. =)

    yes kuya mike mag med po talaga ako pag katapos ko mag nursing =)

    -Mike

    ReplyDelete
  24. Ganda ng story mo migz kakainspire,parang ansarap mainlove.hehehe

    Ric

    ReplyDelete
  25. Sana mapost rin sa page namin ang story mo kung papayag ka...straight ung page namin at hinaluan namin ng bromance story ni sir mike at andameng tumanglilik kahit mga babaeng readers...im sure patok din ang akda mo dahil sobrang ganda din...

    Ric

    ReplyDelete
  26. Love is the power to see similarity in the dissimilar.

    ReplyDelete
  27. Sori ngaun LNG Ulit nakacomment. Naging busy eh pero nababasa Ko pa Rin ung iba. Ang Ganda talaga Ng story na Ito. Mas nagustuhan Ko Ito kaysa sa una. Hehe. Keep up the great work Kuya!

    ReplyDelete
  28. Haist... Late na comments ko, kala ko kse wla pa update. Hehehe

    okay, as i expected mangyayari ito but ung mga worries ni Pat those were normal naman diba? Ganun yata talaga. Maybe its just how you gonna handle the situations. Pwede siguro ung EPILOGUE Hahaha 20 years after 24 na si Liam. Hihihi sana gwan mo ng story si Liam kahit na str8 ung theme.

    BTW, just read Allan's quote. Swak na swak. Like.

    ReplyDelete
  29. open communication really matters! see! d nagkaintindihan ang 2 pusong nagmamahalan. tnx for nina whose very kind to her pamankin. . . and cute LIAM for playing cupid to his father and PATWICK! HE HE HE. KEEP THE EXCITING STORY FLOWING MIKE. . . CONGRATZ SA PATULOY MONG PAG SHARE NG MGA OBRA MO.. . AGAIN, TNX!

    ReplyDelete
  30. Finally! It came from Kyle's own mouth his reasons for his actions and the truth that he loves Patrick.

    Of course, Patrick's worries are there. After all, he went through a lot of things before he met Kyle. I just hope that everything goes well for them.

    As the story progresses, you can't help but be more excited for what will happen next. Great job Kuya Migs! You always exceed expectations! :D

    I can't wait for the next part Kuya Migs!

    Go! lang ng Go! Kuya Migs!

    Additional thought: Knowing you Kuya Migs, I'm thinking you still have a few twists in mind. Am I right? hahaha. :P

    Always Supportive,
    - Jay!:)

    ReplyDelete
  31. Hi Migs. I beg to disagree with fellow readers about the twist you're brewing. I guess this is it. What else? A single dad, a widow, a homophobic doctor fell-in love with dashing gay architect. And he finally told Pat what he was jealous of. For Pat he has overcome his fears on Kyle speak his love for him and his son. Worries of Pat were actually there to face in the future and its the evitable phase they or rather I say amongs us should anticipate. They're happy now.

    Maybe its the epilogue is next?

    ReplyDelete
    Replies
    1. i'm guessing this is not the end yet. maybe kuya Migs might add a twist or something. hahaha! we'll never know.

      Delete
    2. quoting from the story...

      “We'll tell them when we are both ready.” sagot ni Kyle sabay halik sa labi ni Pat, wala ng nagawa pa si Pat kundi ang tumango habang hinahalikan siya ni Kyle, iniisip na may punto si Kyle pero hindi parin nito inalis kay Pat na isipin na NAGSISIMULA pa lang sila at MARAMI pa silang PAGDADAANAN dalawa.

      there, mayroong twist ito. miguel is very much happy to give us all a memorable ending. im guessing kyle's father will be the main obstacle.

      migs, nagbabasa ako kaso gaya mo tinatamad akong magtipa sa keyboard. alam mo na ang comment ko.

      may ipinangako ka kaya sakin, ilabas mo! ^^,V

      anyway. thnx sa update (",)

      Delete
  32. Loving the lovin' between Kyle and Pat. Ang sarap lang...

    Ayan. Para akong nasa langit sa sinabi mo Migz. Papalaminate ko to. Love u so much, bro.

    Da best ka!

    ReplyDelete
  33. ampanet naman nun, parang ngsu2mbong sa asawa lol peo ok un kc dhl dun ngkalinawan na cla ni pat wiw!

    time check, 3:30am x.x nawili na naman aq...bt im sure mkakatulog aq ng nkangiti... thanks migs :3

    ReplyDelete