Different Similarities 2[15]
DISCLAIMER:
The
following is a work of fiction. Any similarities to any written works
and any person, living or dead are purely coincidental. The story is
intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do
not copy or use without written permission. Email
the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
All
photos seen in this site are copyrights of their respective owners
and the author/ owner of this blog claims
no credit
unless otherwise acknowledged. If any of the photos posted in this
blog is yours or if you own legal rights for it and does not wish for
them to be posted in this blog then please send an email to this
address miguisalvador@yahoo.com
and your photos will be removed immediately from this blog.
“A
great relationship is about two things, first, find out the
similarities, second, respect the differences.”
Mababaw
at mabilis ang paghinga ni Kyle, tanda ng hindi nito pagiging
kumportable sa mga nangyayari. Nakikita ni Pat ang takot at galit sa
mga mata ni Kyle, gusto niyang pawiin ang mga emosyon na iyon pero
hindi niya alam kung ano ang kaniyang dapat gawin. Nang hawiin ni
Kyle ang kaniyang kamay ay tila may sumaksak sa kaniya at rumehistro
iyon sa kaniyang mukha pero hindi na niya alintana iyon, ang gusto
niya lang mangyari ay aluhin si Kyle. Sabihin na ang lahat ay
magiging maayos din sa mga susunod na araw pero walang lumabas na
boses at salita sa kaniyang bibig.
“This
is all your fault.” pabulong pero puno ng galit na sabi ni Kyle.
Muli, katulad noong araw na ipinagtabuyan siya ni Kyle ay muling
naramdaman ni Pat na tila ba iniipit ang kaniyang puso sa pagitan ng
dalawang naguupugang bato, pero hindi katulad noong unang pagkakataon
na ipinagtulakan siya ni Kyle ay hindi hahayaan pa ni Pat na sa
kaniya ulit ibaling ni Kyle lahat ng sisi.
“How
was this all my fault, Kyle?” pabulong din na tanong ni Pat pero
hindi rin alintana sa boses nito ang pinaghalo-halong galit, sakit at
pagkadismaya. Hindi makasagot si Kyle, kahit naman kasi may isasagot
ito ay hindi naman ito hahayaan ni Pat na magdahilan.
“Because
from what I remember you told me that you're OK with all of
this shit! You told me that we will tell them when we're both ready!
What? Do you honestly think that I'm having the best time of my life
now? That I wanted you to be outed like that, that I want everybody
we know to find out about us this way, huh? I may not like it when
you're treating my like your dirty little secret but I never wanted
you to be outed like this!” halos pasigaw ng sabi ni Pat sabay
iling.
“I
can't believe that you're going to dump all this shit to me---
again!” umiiling paring pahabol ni Pat, may ilang luha na na
umaagos mula sa mga mata nito.
“You
don't know how much that hurts, do you? When you blamed me for that
blow job? You know what I felt, Kyle? I felt like trash, I felt
dirty, I felt like some bastard who wouldn't care about his partner
as long as he get laid, but that is only after I feel like that my
heart was being crushed between two boulders. Then after getting over
that pain, I never thought I'd be good enough for anybody so I shut
myself inside this imaginary shell where no one can touch me---!”
sigaw at galit parin na pagpapatuloy ni Pat habang marahas na
pinapahiran ang mga luha na wala paring tigil sa pagtulo mula sa
kaniyang mga mata. “---And now this kiss? If I have known that
being with you also means being blamed for things that I have no
control over, then I should've stopped falling in love with you from
the start. And for the record, Kyle. I was never anybody's dirty
little secret until I met you! I don't know why I let you treat me
like that but I know damn well for sure that I'm not going to let you
treat me like that. EVER AGAIN.”
Pagkatapos
na pagkatapos ng sinabi na iyon ni Pat ay agad itong tumalikod kay
Kyle at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay. Si Kyle naman ay
napasandal sa pader ng dining room at itinakip ang kaniyang mga palad
sa kaniyang mukha. Sa sobrang abala ni Pat at Kyle sa pagpapalitan
nilang iyon ay hindi nila napansin ang maliit na bata na humihikbing
nanood sa palitan nilang iyon. Hindi ito napansin ni Pat maski
nadaanan niya na ito kaya naman nagulat siya ng biglang may yumapos
sa kaniyang mga binti.
“Patwick.
Don't go. Please don't cwy, Patwick--- we'll play later, I promise
we'll play later just please don't be mad with daddy, he doesn't mean
all the bad things he said. Please stay, Patwick. Please stay.”
sabi ni Liam habang nakangudngud ang mukha sa kaliwang hita ni Pat.
Dahil sa nababalot parin ng sakit at galit ang puso ni Pat ay nawala
sa isip niya na ang taong nakayapos sa kaniyang mga binti ay isang
tao na limang taong gulang pa lamang, kaya't hindi niya naisip na
masasaktan ito nang sigawan niya ito.
“Stop
calling me Patwick!” sigaw ni Pat sa bata na matiyaga paring
nakayakap sa kaniyag binti.
“But
you said I can call you Patwick. You promised that you will be my
best friend like Patwick the star is best friends with spongebob! You
pwomised! You pwomised!” sigaw ni Liam habang humahagulgol na
nakangudngud parin sa kaliwang hita ni Pat. Pinilit ni Pat na pigilan
ang sarili sa pagsigaw pero natalo ang resolba niyang iyon ng sakit
ng ginawa ni Kyle sa kaniya.
“Well
you should start thinking that not all promises are meant to be kept!
That the world is not made of rainbows and butterflies where everyone
is sweet and happy! You should start thinking that the world is also
full of people who hate other people, that the world is full of
selfish people who doesn't do anything but blame other people for
their own mistakes!” sigaw ulit ni Pat na lalong ikinahagulgol ni
Liam, nang maramdaman ni Pat na medyo lumuwag na ang pagkakahawak ni
Liam sa kaniyang mga binti ay pinuwersa niya ang sarili na maglakad
palabas ng bahay. Hindi na nagawa pang higpitan ulit ni Liam ang
pagkakahawak sa mga binti ni Pat kaya't hindi na niya ito napigilan
sa pagalis at ang tangi na lang niyang nagawa ay umiyak at isigaw ang
pangalan ng kaibigan habang pinapanood na sumara ang front door ng
kanilang bahay.
“PATWICK!
PATWICK!”
Sa
dining room ay wala narin nagawa pa si Kyle kundi ang mapadausdos
pababa ng pader at mapaupo sa sahig matapos niyang marinig ang
palitan nila Liam at Pat. Kasabay ng panaghoy ni Liam ay ang pagtulo
ng ilang matatabang luha mula sa mga mata ni Kyle. Nababatid ang
mabigat na pagsisisi na kaniyang gagawin matapos ang muling pananakit
kay Pat.
000ooo000
“I'll
bring the contract tomorrow so you can sign it.” sabi ng kausap ni
Pat para sa bagong apartment na uupahan niya.
“Great.
I'll see you tomorrow.” matipid na sagot ni Pat, wala siya sa
wisyong makipag kaibigan sa kaniyang land lord. Wala na sa wisyong
makipag kaibigan pa si Pat sa kahit na sino dahil sa nadala na siya
dahil sa mga nangyari sa kanya. Nadala na siya sa nangyari sa kanila
ni Eric, sa nangyari sa kanila ni Jake at ang huli may isang linggo
na ang nakakaraan ay ang nangyari naman sa pagitan nila ni Kyle.
Hindi
parin naaalis ang kagustuhan ni Pat na lumigaya pero naniniwala siya
na wala sa pakikipagkaibigan sa kung sino sinong tao siya liligaya.
Naisip niya na kung panahon na talaga para sa kaniyang kaligayahan ay
dadating ito sa kaniya ng kusa at hindi na niya ito kailangan pang
hanapin at habulin. Naisip niya din na kung ipagpipilitan niya naman
ang sarili kay Kyle dahil lamang sa kaniyang iilang pinangha-hawakan
na mga masasayang alaala kasama ito ay alam niyang hindi iyon sapat
lalo pa na ang katumbas naman ng iilang masayang alaala at sandali sa
pagitan nila ay pang matagalang sakit.
000ooo000
“Mom,
please don't cry. It's bad enough that dad isn't speaking to me
because of this move.” simula ni Pat nang makita niyang tahimik na
pinapahiran ng kaniyang ina ang mga luha nito habang tinutulungan
siyang i-maleta lahat ng kaniyang damit.
“Ngayon
na lang ulit tayo nagiging pamilya, Pat.” humihikbing sabi ni Lita.
“Everything
is Ok between us, Mom. I no longer have a reason not to call and
visit you guys anymore.” nakangiting sabi ni Pat habang ibinuka ang
kaniyang mga kamay bilang anyaya sa kaniyang ina sa isang mahigpit na
yakap na magiliw naman na pinaunlakan ng matandang babae.
Nang
lumabas ang matandang babae ay siya namang pasok ni Louie.
Nakasimangot ito katulad nung unang beses na nagpaalam si Pat na siya
ay aalis na sa bahay na iyon. Hindi ito pumapayag na muling umalis si
Pat ngunit mapilit ang Pat.
“You
can't keep running away, Pat. Sooner or later you have to face them.
Sooner or later you will regret not closing this part of your life
properly.” makahulugang sabi ni Louie habang pumapasok sa loob ng
kuwarto at tumanaw sa labas ng bintana ni Pat. Ang bintana na siyang
nakaharap s \a tree house sa bakuran nila Kyle.
“Wha--?”
“If
you want to end everything between you and Kyle you have to end it
properly or else you will forever be miserable.” pagkatapos na
pagkatapos ni Louie magsalita ay agad itong tumalikod at naglakad
palayo. Alam ni Pat na kaya agad itong umalis ay lubos na masama ang
loob nito. Gusto sana niya itong habulin at yakapin at magpaliwanag
na hindi niya ginustong iwan ang mga ito at ginagawa niya lang iyon
para makaiwas sa sakit.
“You
can't keep running away, Pat---”
Alam
ni Pat na ito ang ibig sabihin ng kaniyang ama. Ang pag-iwas niya sa
sakit pero wala siyang ibang maisip na paraan para maalis ang sakit
na iyon. Lumapit siya sa bintanang nakaharap sa bakuran nila Kyle at
tumanaw din doon. Nakita niya si Kyle na bagsak balikat na
nagsasalita sa paanan ng puno ng sampaloc, marahil kinakausap si Liam
na asa loob ng tree house. Nalungkot siya nang maalala ang kaniyang
mga huling sinabi sa bata. Nagsisisi siya na nagbuhos siya dito ng
galit gayong wala naman itong kinalaman sa mga nangyari sa kanila ni
Kyle. Habang mataman niyang tinitignan ang tree house ni Liam ay
bigla ding pumasok sa isip niya na pareho lang din pala. Takbuhan man
niya ang sakit o harapin ito ay habang buhay parin itong tatatak sa
kaniya ag kaibahan lang ay kapag hinarap niya ito ay hindi na niya
muli itong babalikan pa.
Lumuluhang
tumalikod si Pat mula sa bintana at humiga na sa kaniyang kama.
000ooo000
Sa
sobrang abala ni Pat sa pagtitig sa tree house kung saan andun si
Liam ay hindi niya napansin ang isa namang pares ng mga mata na
mataman naman siyang tinatanaw mula sa likod ng bahay nila Kyle.
Kitang-kita ni Richard ang lungkot sa mga mata ni Pat habang
nakatanaw ito at nakatingin sa tree house kung saan andun si Liam,
iniiwasan ang amang si Kyle at hindi ito kinakausap dahil ito ang
sinisisi ng bata sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit niyang kaibigan
na si Pat. Pinanood niya rin ang sakit na lumalatay sa mukha ni Pat
bago pa ito tumalikod at naglakad palayo sa bintana.
Wala
sa sariling ibinaling ni Richard ang kaniyang pansin sa anak na
bagsak balikat at naluluhang nakatingala parin sa tree house.
Kinukumbinsi ang batang si Liam na bumababa na mula doon at umuwi na
upang makatulog na sila sa kaniya-kaniyang kama. Nang hindi parin ito
pinansin ng anak ay bagsak balikat na sumuko na si Kyle, nangingilid
ang luha at tahimik na naglakad papasok ng bahay pero nangangalahati
pa lang ito ng bigla itong natigilan at tumingala at taimtim na
tinignan ang bintana ng kuwarto ni Pat kung saan nakasindi parin ang
ilaw. Kitang kita rin ni Richard ang hindi lang sakit at lungkot mula
sa mukha ng kaniyang anak dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ni Liam
kundi pati ang pagsisisi at pananabik sa taong asa likod ng bintana
na tinatanaw nito ngayon. Hindi na natiis pa ni Richard na nakikitang
nasasaktan ang anak kaya wala sa sarili niya itong nilapitan at
tumayo sa tabi nito at tinignan din ang bintana ni Pat na nuong
puntong iyon ay nagpatay naman ng ilaw. Narinig pa ni Richard ang
buntong hininga ng anak bago siya magsalita.
“Son,
do you remember the story of the guy you were named after?” simula
ni Richard, marahang tumango si Kyle, pano nga ba niya makakalimutan
ang taong madalas ikuwento sa kaniya ng ama noong panahong hindi pa
ito nakikipaghiwalay sa kaniyang ina.
“The
one that saved your ass in Vietnam?” balik naman ni Kyle at
malungkot na ngumiti.
“Yes,
he saved my ass---” umiiling at nangingilid luhang simula ulit ni
Richard. Hindi na nagtaka pa si Kyle sa ikinikilos ng ama, noong bata
pa siya sa tuwing ikinukuwento ito ng kaniyang ama sa kaniya ay di
rin nito mapigilan ang mapaluha. “---he jumped in front of me right
before a grenade---” dugtong ni Louie pero agad din siyang pinutol
ni Kyle dahil napansin nitong nahihirapan na ang ama sa pagtutuloy ng
kuwento.
“He
jumped in front of you right before a grenade exploded. It could've
been you who was killed.” pagtatapos ni Kyle habang pareho parin
silang nakatingala at nakatingin sa bintana ni Pat ang kaibahan lang
ay may tumutulong luha sa mga mata ni Richard.
“You
remember---” nakangiting sabi ni Richard sabay buntong hininga.
“---but I'm afraid I didn't tell you all of it. It all started when
we moved to the states, you see when your lolo and lola emigrated
from here to the states, US is still shrouded with racial
discrimination, Asians are part of the minority along with the blacks
and Latinos. At first I had a tough time going to school there but it
became OK after they saw how good I was in sports but racism is still
there especially when white jocks comes second from me in the rosters
of good players, I was frustrated and angry whenever they make fun of
me. I planned on getting even with them but they're so powerful in
school and I can't do anything against them without making a fool out
of myself so I settled with just fitting in and be like the assholes
they are. I thought that if I can't get through them then I can be at
the next level with them and like them I can make hell for everyone
who's level is below me---” umiiling na pagpapatuloy ni Richard sa
kaniyang kwento. “---You see, those days I thought that those who
belong to the third sex is way below us so I made their lives hell
and I brought that attitude even after I graduated high school and to
the army. When I first saw Kyle I knew then and there that he's gay,
he doesn't look girlish or anything, that dude can even be a body
builder with his muscles all over the place--” humahagikgik na sabi
ni Richard atsaka nagpatuloy. “---but there is just something in
the way he talks that sounds gay and I hated him for that. I was
captain of the unit and he's first lieutenant, I always give him a
bad time and he just takes all my asshole-ness like it was nothing.
Earlier that day when the grenade rolled in front of me, I punched
his face for smirking at me when I called him a cocksucker. He's
three years younger than me and he died just because I didn't see a
gadamn grenade because I was busy thinking about how to make his life
hell!” tuluyan nang kumawala ang marami pang luha mula sa mga mata
ni Richard. Nung una ay hindi parin makuwa ni Kyle kung bakit ito
kinukuwento sa kaniya ng ama pero nakuwa niya rin ito ng muling
magsalita ang ama.
“I'm
telling you this because I want you to know that there's nothing
wrong with gay people and there is certainly nothing wrong in loving
one. Kyle is gay and he's the bravest person I know. Kyle is gay and
he saved my life even after I punched his face for smirking at me
after I called him a cocksucker. Kyle is gay and he is certainly
proud of being one even if he knew he's going to have a tough life. I
could've badly reacted when Liam opened the kitchen door during that
Christmas lunch, but I didn't, that is because I have nothing against
gay people anymore, it's sad that a young person must die first for
me to realize how wrong I was, but I'm so thankful I got there, Kyle,
I'm so thankful that I learned to respect them. Yes, what I
experienced and what you're experiencing right now is different but
there are also different similarities. I wouldn't accept gay people
because I thought that they are way below me while you couldn't
accept your love for someone who is gay because you're afraid that
you will be below everybody else.” naliliwanagan na si Kyle matapos
itong sabihin ng kaniyang ama pero meron parin siyang ilang tanong.
“I'm
not even sure if I'm gay dad. I'm not sure if I can love Pat the way
I love Karen---” simula ni Kyle pero agad ulit siyang pinutol ni
Richard.
“Gay.
Bisexual. Straight. They are just labels, Kyle. Love doesn't really
acknowledge those labels. Love is for everybody. It doesn't matter if
that love is shared between two guys, a girl and a boy and between
two girls. It's love, it's shouldn't be complicated, some people just
make it complicated because that is what narrow minded people tend to
do, Love doesn't have anything to do with sex or gender it's supposed
to be shared with two people regardless of gender---” taimtim na
ngayong nakatingin si Richard sa anak na mataman paring nakatitig sa
bintana ni Pat na tila ba sa ginagawa niyang iyon ay himalang lalabas
doon si Pat at yayakapin siya. “---and you're love for Karen would
of course be different for your love with Pat. They are two different
people who only have one similarity and that is their love for you
and Liam. During our Christmas lunch, I haven't told you this and I
wished that I told you sooner, the reason why I asked you those
things about Pat is because after I first laid my eyes on him, I just
couldn't stop looking at him, you wanna know why? Because it amazes
me how much love he has for you and Liam, I can tell by simply lookin
in his eyes, it's like he was sent by Karen from heaven just to look
after you guys. It's like his only job is to look after you guys and
he's damn serious about it.” nangingiting sabi ni Richard nang
maalala ang tingin na iyon sa mga mata ni Pat.
Wala
paring masabi si Kyle. Tahimik parin siyang nakatingin sa bintana ni
Pat at iniisip ang mga sinabi ng ama. Ilang saglit ay naramdaman niya
ang pagtapik ng kaniyang ama sa kaniyang balikat. Saglit niya itong
tinignan at muli itong nagbigay ng isang payo, payo na narinig niya
narin noon kay Nina.
“You
still have time to fix everything.”
0000ooo0000
Malalim
parin ang iniisip ay wala sa sariling umakyat si Kyle sa tree house.
Naabutan niyang nakahiga sa banig si Liam, sinusupsop ang hinlalaki
at natutulog na miya mo sanggol. Wala parin sa sariling humiga patabi
sa anak si Kyle sabay abot sa lumang lamp shade na ginagamit ni Liam
pang-ilaw sa buong tree house at pinatay ito. Iniyakap niya ang
sarili sa anak na natutulog na iniyakap din ang sarili sa ama.
0000ooo0000
“Huh?”
nasabi ni Kyle sa sarili nang makramdam siya ng marahang pagtusok sa
kaniyang pisngi.
“Daddy!
You're alive!” sigaw ni Liam sabay yakap ng mahigpit sa anak.
“Oofff!”
nasabi ulit ni Kyle nang halos matanggal lahat ng hangin sa kaniyang
baga nang talunan siya ni Liam.
“What,
you think I'm dead?!” nangingiting tanong ni Kyle sa anak.
“But
you were not moving.” sabi ulit ni Liam sabay paling ng ulo sa
kaliwa na lalong ikinangiti ni Kyle. Wala sa sariling niyakap ni Kyle
si Liam ng mahigpit at bumulong dito.
“I'm
sorry, buddy. OK?” hindi agad sumagot si Liam pero naramdman ni
Kyle na tumango ang bata.
“I'm
sowee to, daddy. I love you.”
“I
love you too, buddy---.” sagot ni Kyle sabay tingin sa kaniyang
relo.
“---C'mon
buddy, we have to go somewhere.” nakangiting sabi ni Kyle sa anak
na agad lumiwanag ang mukha.
“Yey!
Wait. Where are we going, daddy?” hindi na sumagot si Kyle, ngumiti
na lang ito at binuhat si Liam pababa ng tree house.
0000ooo0000
“I'm
sorry sir but I can't give you the keys to this apartment. Someone
already rented it.” simula ng landlord ni Pat matapos niyang hingin
dito ang susi ng apartment.
“What
are you talking about! Is this even legal? I mean I gave you the rent
for this month and next and now you're going to say you gave the unit
to someone else?!” sigaw naman ni Pat. Inabot na ulit ng landlord
ang paunang bayad ni Pat pero hindi niya ito tinanggap.
“No!
I need this place!” sigaw ni Pat sabay hawi ng kamay ng landlord na
may lamang pera. Agad siyang nagmartsa papunta sa apartment na dapat
sana ay rerentahan niya. Pagdating niya sa harapan nito ay agad
niyang sinipa ang front door at tinignan ang buong paligid.
Narinig
ni Pat ang pag-sigaw ng isang bata sa loob ng apartment sa gulat mula
sa kaniyang ginawang pagsipa na iyon sa kaniyang pinto at hinanap ang
umagaw sa kaniyang uupahang bahay. Pero nang makita niya ito ay agad
natunaw ang kaniyang resolba. Nanlamig ang buo niyang katawan at agad
na pinagpawisan.
“What
are you doing here?!” singhal ni Pat.
Itutuloy...
____________________________
Different
Similarities 2[15]
by:
Migs
Hey guys! Sorry for the late post. Again. Na-confine na ako at hindi ako makapgtipa ng maayos sa keyboard ng lappie ko dahil sa pesteng swero. Anyways. Gastritis ang ikinapahamak ko. Nanaman. Haha! Any suggestion kung anong magandang alternative to coffee? Di kasi ako makapagsulat ng walang kape!
ReplyDeleteGab: my nephew's name is Gabriel, Gab for short. Hindi naman siguro ikaw ang 5 years old kong pamangin no? Haha!
Wastedpup: sometimes we make our own problems. We make everything complicated. Same is true with Kyle. Walang problema, gumagawa ng problema. Haha!
Boboy Tuliao: masaya na si Eduardo sa LAIB 1, hayaan na natin siya. Universe huh? Why not talk about the parallel galaxies as well? Haha! Thanks Boboy! Mwah mwah! Wag magselos kay wastedpup. Pantay pantay ang pagmamahal ko sainyo.
Ryvis Tan: I hope this chapter wipes away your confusion. :-)
AnonymousMay 23, 2012 1:58 AM: pakilala ka please. Thanks!
---ANDY: hindi na kaya ng akong powers ang back to back posting. Haha!
Blue fox: na-pressure naman ako sa comment mo! Haha! Pano pala kung di ko magawan ng justice? Haha!
Ras and Rei: Yes, poor pat. Tsk tsk! Thanks pareho sa inyo sa patuloy na pagbabasa!
MERVIN: sumasalamin ba saiyong naranasan dati? Tsk tsk! Haha! Thanks Merv!
Makki: si Kyle lang ang tanging hadlang. SPOILER ALERT! SPOILER ALERT! Haha! Mahilig ka sa putukan ano?
Anonymous May 23, 2012: wag naman nating sunugin si Kyle, pakilala ka muna. Hehe!
Ryan: I'M SO SORRRRYYYYY! OMG! Tagal na ng promise ko sayo. Pag gumaling na ako at nakarekober na saka ako magme-mail sayo. Sorry talaga!
Mark Ryan: bakit naman kita ipagtatabuyan? Baka ako ang ipagtabuyan mo. Haha! Wala kong sinabing ganyan! Haha! Sabi ko titigil ako sa pagsusulat kapag di mo ako pinasalubungan. Haha!
Josh: baka may problem sa browser mo. :-)
Midnytdanzer: so sad for him too.
Kean Tongol: natural na lang sakin ang palpitation. Haha!
Lawfer: I think what Kyle needs is a psychiatrist or anyone that can explain how being gay is normal. :-)
aR: no new player will arrive. Isang chapter na lang kaya ito. Haha! Di ako magpapalit ng style, nag-iba lang ako ng disclaimer, saka wag mo ng isipin pa yung continuation ng AAO, di naman maganda yun eh. Hihi.
ReplyDeleteGerald: pano pala kung di ko magawan ng justice and magic? Edi lagot na ako sainyo? Haha!
Erwin F. go with it! Wag mo ng isipin yang off off na yan! Haha! Whatta advise pang malandi lang. Anyway, huwag isipin ang “military dudes” panggulo lang yan! Haha!
KV: thanks, but nurses needs someone to nurse us back too, you know. We tend to forget about our health once in a while! Haha!
Lei: you are not the only one who is annoyed with kyle. Haha!
Allan: may sapak si Kyle. Tanggapin na lang natin. Haha! Joke! Thanks for the comment allan! :-)
russ: I pick greenish yellow with a touch of pink. Meron bang ganun sa rainbow mo? Haha!
Mike: wag kang mag-sorry atleast napansin mong may update! Haha! Saka na pagusapan yang continuation ng AAO. Masakit pa ang stomach ko. haha!
Jemyro: hindi lang ikaw ang naiinis kay Kyle. Haha! Hayaan mo baka magbago pa yan.
Egay: natumbok mo! Haha! Pero madikit talaga si Kyle kay Pat eh. Mahal ata nila ang isa't isa. :-) SPOILER ALERT SPOILER ALERT!
Michael John: hindi ako BB eh. Iphone ako. Hihi.
Whobad: madaming gwapo sa Makati Med. Swear! Kahit saang sulok me gwapo, maski yung receptionist nila gwapo (well given na yan, wala naman atang pangit na receptionist.) hindi naman kasi ata nagha-hire ng pangit dun lalo na mga babaeng duktor saka nurse (baka kaya hindi ako tinawagan dun! Haha!) one time makikita mo dun nagcli-clinic si Maricar something (yung kasex ni hayden sa isa sa mga videos.) pakalat-kalat din dun si Chris tiu saka si Simon Atkins. Nakita ko din dun si Eric Tai minsan, laki ng katawan, bumangga giba sa tao na 'yon. Bakit ko kamo alam? Hehe! Secret!
Myco: OMG! Another challenge! Parang ayoko ng i-post ang ending! *faints and dies*
Thank you sa lahat ng nagco-comment at patuloy na nagbabasa! Mga silent reader dyan. Labas labas! :-)
ok, pwede naman gawan ng paraan na mapasalubungan ka, so kailan mo kukunin???????????????????????????? hahahaha...
ReplyDeleteAng ganda ng chapter na ito!!!! I love Richard!
Sobra na si Kyle!! Hmf! Kung ako kay patrick ayoko na sa kanya kahit mahal ko sya. Sobrang sakit na kya non!!!!! :p
ReplyDeletekuya migs!!!!!!!!!!! Magrest ka muna!!! Baka makasama sa gastritis ang pagtatype. XD. Try mo kuya mag-tea na lang. Pero waaaah! Ang hirap iwasan na coffee!!! Adik ako sa coffee eh.
Alagaan mo kuya migs sarili mo. Pagaling ka po. Okay lang kahit matagalan ang next update mo. :)
--ANDY
Hello Migs! Ngayon ko lang natuklasan itong blogsite mo at nabasa ko na ang lahat ng entry mo dito. Ang galing mong writer! Sana mameet kita balang araw. Thanks for inspiring us with your stories! Favorite ko yung AAO mo. Dami kong tears. Mga 2,234! HAHAHA! Keep it up. :D
ReplyDelete-ManInWhite
PS: I'm a nurse too! Suggest ko lang, mag-undergo ka na ng Gastrectomy para wala ng sumakit pa! HAHAHA! Kidding. :D
Hahabol habol na naman si Kyle kay Pat. Hehe.
ReplyDeleteTama ka migz. We make our own problems. There is an easy solution, deal with it and move on. Hehe.
Ingat ka pala bro. Medyo iba ang epekto ng gastritis. Drink fruit juices na lang. Subukan mo kaya amg decaf? Kape din naman un.
Wala ng i love you bro? Di bale. I love you pa rin Migz. Mwah. Ingatz ka lagi ah
Oi Migs pagaling ka. Try mo rice coffee or all calming tea..... (boses ng boss ko.) ~_~
ReplyDeleteanyway. Wag na si ojt. Ayaw ko. Hanap na lang iba. Patapos na DS nuh? Ramdam ko na eh. Naiyak ako sa part ni Richard. I miss my dad tuloy....
Are you ok na migs?
ReplyDeleteRei
Awesoommmee! hahaha.. si Kyle pala ang Hadlang! uu naman dapat my putukan lagi para happy! lol loko lng Migz..
ReplyDeleteini-imagine ko yung mukha ni Pat ng makita nya sina Kyle at Liam sa apartment.. sana magkabati na sila..
Idol ko na si Richard! hahahah
Thanks migz now its all clear to me hehehe. sowie medyo naging slow lately dami kasi stress sa work. Buti nalang nandito ung blog mo I find it as an outlet hehehe. I really like what RIchard said napaka meaningful and heart warming. Tama sya, it takes of losing someone or something before we realize our mistakes.
ReplyDeleteHope your doing well migs, sowie hindi me umiinom ng coffee e madali kasi umasim ung sikmura ko kaya wala me masuggest na alternative sa coffee ask ko nlang sa boss ko addict sa kape un e balak nga namin idextrose na sa kanya ung percolator hehehe.
have a nice day migs and I hope you get well soon.....
Shet kuya! ANG GANDA! Sa sobrang ganda, gusto ko na ipost mo ung nxt! Hahaha! Great job kuya Migs, as always. Hehe. Good luck and God bless sa trabaho po :)
ReplyDeleteAy naka-confine ka pala po. Pahinga ka kaya po muna. Hehe. Maghihintay na lng kmi hanggang maka-recover ka. Kawawa ka nmn pala kuya :((
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeletehaha gastritisXD in lay term? haha..napapdalas na yata yan..ako naman may IBS na ata haha, kaya parang crash diet ginagawa koXD
Pamalit sa kape ba kamo? Good to know you've ask, ako din Coffee addict before, pero may pamalit na ko alam mo kung ano? hehe, Milk Tea ang sagot:D kahit magdamag akong uminom ok lang masarap kaya try mo ewan ko na lang pag di mo nagustuhan, suggest ko na rin yung wintermelon as a start para di ka mabigla sa lasa ng tea, though may after taste ng konti keri na rin,kaysa yung iba flavors mejo matapang :D Hope that you'll try it :D
Ang ganda ng qoute mo after disclaimer:)
...At grabe nakakatouched yung sinabi ni Dad, akala ko nung una sasabnihin niyang bi din siya but I was wrong mas deep yung story niya..Grabe lang sana lahat ng tao ganyan and mentality para naman di na takot yung mga nagtatago :D nakaka-uplift lang talaga mga sinabi niya kay kyle:D
BTW: Nabigla lang ako sa mga nabangit mo sa mga commentXD
get well soon mr author. thanks for sharing your stories. kahit medyo matagal antayin ko parin ang kasunod na chapter. pagaling ka agad para makagawa ulit ng bagong kasunod na story hehehehe.
ReplyDelete---januard
Speechless again! Abang abang muna ko ng next.. Hehe...
ReplyDeletekala ko magiging hadlang si Richard kina Kyle at Patwick dahil military nga... yon pala, siya ang magsusulsol (hahaha) sa anak niya ng dapat gawin sa taong mahal. Duwag kasi si Kyle. DUWAG KA KYLE.... kakainis ka ha. pero ganun din naman si Pat. hindi marunong magconfront ng problems. laging iniiwasan ang issue niya sa buhay pagmamahal. Different similarities din ba ito?
ReplyDeletehehehe.
Be well, Migs.
Whoah... Ang galing talaga ni Pat. Tameme parati si Kyle pag bumanat na. Hahaha Eh yun naman talaga ang personality nya. He was dominant naman before talaga in his past with Eric and Jake. And thanks to Richard at least somehow medyo nabigyan ng insights si Kyle. And now Kyle and Liam sige join forces kayo ligawan nio uli si Patwick. Pero Pat pls lang kontinggggg-konting pakipot lang. Hihihi we all know na dun din naman bagsak nio.
ReplyDeleteBTW, I really appreciate your efforts to finish and post this chapter kahit may sakit ka. Sana huwag ka muna gumaling para matapos at mapost na ung last chapter. Bwahahahaha Joke joke joke lang. Get well soon.
blockbuster hit! I bawled my eyes out sa linya ni pat! nice one sir miguel! seriously can't wait for the next chapter! oh, hope all is well with you...
ReplyDeleteHey there baby Miguelito... Lets confine our conversation about us na lang... hahaha... And i dont want the idea that your love for me is like those of others., gusto ko higit ako.. hahaha.. mwah mwah... i love you Miguelito...
ReplyDeletethen pwede mo ba kong iupdate sa twitter????
ReplyDeletelet's follow each other....
hehehe...
Haist... Naawa naman ako kay Liam. Ikaw kse Kyle ginawa mong complicated ang sitwasyon. Ayan naging dragon tuloy si Pat bumuga ng apoy. Taray mo Pat. Buti nga sau kyle. at, gagamitin mo pa si Liam pambala kay Pat. Hayyy at sino naman di lalambot ang puso kung kaharap mo yang cute na Liam. Ang galing ng chapter di masyadong complicado.
ReplyDeletePagaling ka Migs.
yung mag-ama siguro yung andun sa apartment hehehe...
ReplyDeletegetwell migs!
---Almondz
It looks like there is a reunion with the 3 cute guys. :P
ReplyDeleteMigs, why not try X.O candy yung flavor is Coffee. Hehe. Get well. :D
“I'm selfish, impatient
ReplyDeleteand a little insecure. I
make mistakes, I am
out of control and at
times hard to handle.
But if you can't handle me at my worst, then
you sure as hell don't
deserve me at my
best.”
―Marilyn Monroe
kuya! pagaling ka! GOD BLESS!
ReplyDelete-lei
Best chapter so far for me. The acceptance part of the father is amazing! Especially the line about "labels." I wish my family could accept me like that if ever I come out. But as i can see, they aren't ready, and never will be. Aww i'm being emotional again. Sorry. baka makasama pa sayo, Migs, yung nagbabasa ng comments ng depressed na tao. Oh well. Magpagaling ka! :) Napanood ko sa TV na maganda daw pampagising ang apple. Sana makatulong! :>
ReplyDeleteWaah! i so love the quote at the beginning. swak!
ReplyDeletemukang uber lapit na ng ending. mamimiss ko to. finally tumapang na si kyle. wawa naman kc si pat e.
kuya migs. di nq nakacoment last time. bout sa exam, aun hndi pinalad. di ganu nkapgprep e. may work p kc. hay.
thank u s update. keep safe. good eve.
naiiyak ako migs sa episode mo now..huhuhu..hirap talaga pag di mo pa rin tanggap ang sarili mo..
ReplyDeletegreenish yellow with a touch of pink? grabe k naman makarequest ng color sa rainbow ko..hehe sa langit baka nandun..
migs..thank you..
Hi Kuya Migs, salamat po sa pagbabahagi ng inyong galing sa pagsusulat at hindi pagiging maramot, sa hindi pagrerestrict ng inyong blogsite, sana po ipagpatuloy pa po ninyo ang inyong magagandang gawain tulad ng kay Kuya Z sa ZildjianStories na magaling din, silent reader lang po ako at paminsan minsan lang nagcocoment dahil hindi po ako nagbababad sa internet, hope po ipagpapatuloy pa po ninyo ang pagbabahagi ng magagandang kwento at pagiging mapagbigay sa amin at asahan po ninyo ang aming suporta at appreciation sa inyong mga gawain... SALAMAT PO NG MARAMI...
ReplyDeleteSHALOM
Another successful cliff hanger Kuya Migs..:) I am smiling pero naiinggit ako, hmmm another emotionally heavy chater Kuya Migs, thanks for sharing...:)
ReplyDeleteAwwwsooome!! \m/
ReplyDeleteNice chapter. And I would love the next chapter.
ReplyDeleteIamharold
wla man lng bng “PAAATWIIICK!” na sasalubong?
ReplyDeletelolz n22wa aq sa batang un x3 22o ba xa?
peo narinig nia usapan nina pat at kyle, d kea nia inicp anu ung tnukoy ni pat na blowjob? o alam na nia un? wiw
haun my ngpamulat na ng mata ni kyle...mukang boto pa ky pat...peo kmusta c lolo? boto b xa o isa xang malaking hadlang? hmm...
wahh.. you never fail to amaze me. WAHHH. ANG GANDA. PARANG PELIKULA. sana magbati na cla.
ReplyDeleteKaya naman pala parang ayaw malabelna "GAY" ni kyle kasi sundalo tatay nya. bat naman kasi laging nagiging connovative ng pagiging sundalo ang pagiging homophobe?
kuya migs naman eh. kungkelan ako po d nakapag check napost mo na pala. GET WELL SOON!! GOD BLESS LAGI AND INGAT!!!
ichigo_XD