Sunday, May 6, 2012

Different Similarities 2[8]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Hindi parin magawang makatulog ni Pat. May isang oras na siyang nakahiga sa kaniyang sariling kama sa guest room nila Kyle at hindi parin siya makatulog dahil paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang utak ang mga nangyari may ilang oras lamang ang nakaraan sa banyo na kalakip ng kwarto ni Kyle. Hindi alam ni Pat kung ano ang dapat mangibabaw, ang takot o ang pagkatuwa. Takot dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Kyle ang katotohanang may nangyari sa kanila at iyong takot din na iyon ni Pat ang nagtulak sa kaniya na lumipat na sa kaniyang sariling kuwarto nung oras na nakatulog na si Kyle sa pangambang kung hindi pala nito nagustuhan ang nangyari pagkagising nito kinabukasan ay ligtas siya pansamantala sa galit nito. Pagkatuwa naman dahil sa ilang linggo na paglalim ng kaniyang pagtingin kay Kyle ay tila ba katuparan na ng isang pangarap ang nangyari sa kanilang dalawa.



Nasa ganito paring pag-iisip si Pat nang mapansin niyang unti-unti nang lumiliwanag ang kaniyang paligid. Wala sa sarili siyang tumingin sa gawi ng bintana ng kwartong iyon, nun niya lang napansin na umaga na pala. Nakarinig si Pat ng pagkaluskos sa gawi ng kaniyang pinto at nakita niya dun ang pu-pugay pungay pang si Liam.



Patwick, are we going to wrun today?” tahimik na tanong ng bata na ikinangiti ni Pat, dahil sa alam niya namang hindi na siya makakatulog ay tumango na lang siya.


Yes, buddy, do yo wanna come with?” tanong ni Pat, hindi na kailangan pa ng sagot ni Pat dahil nakita niyang tumakbo na pabalik sa sariling kwarto si Liam, malamang naghahanda na para sa pagsama sa kaniya sa pagja-jogging.



0000ooo0000



Hey dad good morning!” bati ni Pat sa kaniyang ama na nagwa-warm up para pagtakbo din noong umagang iyon, napanganga na lang sa gulat si Louie dahil nakita niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Pat.


What's up with you?” tanong ni Louie at ipinagpatuloy ang pagste-stretch. Nagsimula narin si Pat sa pagste-stretch at ganun din si Liam na magiliw na ginagaya ang ginagawa ng mga matanda.



Nakakalayo at nakaka ilang minuto naring tumatakbo ang tatlo nang bumulong si Louie kay Pat. Bago iyon ay tinignan muna ng matanda si Liam at nang mapansing abala ang bata sa pagtakbo ay siya namang bulong niya sa anak na noong panahong iyon ay miya't miya ang pag-ngiti pero miya't miya din ang pag-kunot ng noo na tila ba naguguluhan sa dapat nitong maramdaman.



You got laid, did you?!” bulong ni Louie matapos obserbahan maigi ang anak. Muntik naman na madapasi Pat sa pagtakbo dahil sa gulad at agad na namutla.


W-what?! N-no!” sagot ni Pat sabay kinakabahang tumawa, tinaasan lang siya ng kilay ni Louie. Tumingin muli si Louie kay Liam na abala na nagyon sa paghingal.


Who was it?” pabulong at naniningkit matang tanong ni Louie sa anak. Yumuko na lang si Pat dahil alam niyang hindi siya makapagsisinungaling sa ama.


It was Kyle. We were drunk and uhmmm it just happened.” nahihiyang pag-amin ni Pat na ikinailing naman ni Louie.


What?” tanong ni Pat nang nakitang umiling ang ama.


Nothing. I just remember something your mother said and seeing you now, I can see that she's right.” kibit balikat na sabi ni Louie na ikinataas naman ng kilay ni Pat.


What did she say?”


That when you fall in love you fall hard.” kibit balikat na sagot ni Louie sabay lakad pabalik sa kanilang mga bahay. Naiwang nakatayo doon si Pat, iniisip ang sinabi ng kaniyang ama, may ilang minuto na ata siyang nakanganga na pinapanood ang ama na masuyo namang naglalakad pabalik sa kanilang bahay, natigil lang ang panonood niya sa ama nang makaramdam siya ng paghila sa kaniyang shorts.


Patwick, I'm tired. Can you cawey me?” tanong ni Liam kay Pat na hindi muli mapigilang macute-an sa bata at mapangiti.


Sure buddy, hope on.” sabi ni Pat sabay luhod, agad namang ipinulupot ng bata ang kaniyang mga kamay sa leeg ni Pat at inangkla ang magkabila nitong binti sa tagiliran ng kaniyang taga karga.



0000ooo0000



Nang makarating ang dalawa sa bahay ay agad na nakita ni Pat ang nag-aalalang si Kyle. Agad itong tumakbo at hinatak si Liam palayo kay Pat kahit pa nahirapan ito dahil sa nababalot pa ng splint ang magkabila nitong kamay. Ang kakaibang kinikilos na ito ay ikinataka naman ng huli at ng bata.



What did I tell you about going out of the house without telling me?!” singhal ni Kyle sa bata, nagsimula ng humikbi si Liam, aaluhin na sana ito ni Pat nang magsalita ulit si Kyle.


Go to your room, we will talk later.” singhal ulit ni Kyle sa ngayon ay ngumangawa nang si Liam. Tumakbo ang bata papasok ng bahay at isinalpak nito ang front door.


Kyle---” simula ni Pat pero agad siyang siningitan ni Kyle.


I don't want you near my son ever again.” singhal ni Kyle na ikinagulat ni Pat.


What?”


I can live with you touching me, raping me but the idea that you are near my son and possibly molesting him is another thing.” singhal ulit ni Kyle na ikinamutla naman ni Pat. Tila hinigop lahat ng lakas sa buo niyang katawan, ang mga pawis na kaninay dumaloy sa kaniyang balat ay nanlamig bigla at higit sa lahat ay tila inipit sa pagitan ng dalawang naguumpugang bato ang kaniyang puso. Ayos lang sana kung magalit sa kaniya si Kyle dahil sa nagawa niya nung nakaraang gabi pero ang magalit sa kaniya ito dahil sa pagaakalang sasaktan niya si Liam ay talaga namang dumurog sa puso ni Pat.



Napayuko na lang si Pat, itinago ang mga luha na tahimik na umaagos mula sa kaniyang mga mata. Nilakasan niya ang loob niyag magsalita pero tanging hangin lang ang lumabas mula sa kaniyang mga bibig, matiyaga namang nag-intay si Kyle sa paliwanag ni Pat habang tinitignan ito ng masama.



I'm sorry for what happened last night. I didn't mean to force you to do something you didn't like---” pabulong na simula ni Pat pero agad ulit siyang pinutol ni Kyle.


I just don't want to see you face here again and I don't want you near my son!” singhal ulit ni Kyle.



Ang marinig ang pinaghalo-halong galit, pagkadismaya, pandidiri at pagkabahala sa boses ni Kyle na iyon ay ikinadagdag pa sa sakit na nararamdaman ni Pat. Tumango siya at naglakad palabas na ng bakuran nila Kyle.



I just want you to know something first before I get out of this lawn for good. I'm gay, I may have made a mistake with doing something with you last night that you didn't like. I'm gay and I just thought, I assumed that what happened last night was consensual and that is one of the many mistakes I did last night but there is one mistake that I will never do, not in this life time and not in the next, that is to harm Liam and I think deep inside you know that--- I'm gay and not all gay people are pedophiles. I'm gay and I'm not a child molester. I'm gay and not a monster.”



Natameme si Kyle sa sinabing iyon ni Pat. Habang pinapanood niya ang bagsak balikat na si Pat na naglalakad pauwi sa bahay ng mga magulang nito ay hindi niya mapigilang magsisi sa kaniyang mga nasabi. Alam niya sa kaibuturan niya na hindi nga masasaktan ni Pat si Liam, dalawang buwan nilang mag-ama na kasama ito at ni minsan ay hindi naman ito kinakitaan ni Kyle na gagawa ng masama sa kaniyang anak. Nahiya si Kyle para sa sarili.



Alam niyang naisip, nasabi at nagawa niya lang ang mga bagay na iyon kay Pat dahil natatakot siya para sa magiging epekto ng nangyari sa kaniyang buhay at sa kaniyang anak. Alam niyang wala siyang dapat ikatakot pag dating kay Pat dahil sa loob ng dalawang buwan ay ito lang kaagapay niya at wala namang nangyaring masama kaya naman hindi alam ni Kyle kung ano ang pinangangambahan niya at kung may basehan pa ba ang kinatatakutan niya.




0000ooo0000



Naabutan ni Lita ang anak na umiiyak sa harapan ng kanilang bahay. Kagagaling lang nila ng kaniyang kasambahay sa palengke kaya't wala itong ideya sa mga nangyari, palapit na sana siya nang biglang bumukas ang kanilang front door at iniluwa noon si Louie na may dala-dalang baso ng tubig.



What happened?” tanong ni Lita.


Kyle kicked him out.” galit na sagot ni Louie.


I thought he's OK with Pat being gay?” tanong ulit ni Lita sabay upo sa tabi ni Pat.


Yes, that is before---”



Hindi na narinig pa ni Pat ang palitan ng kaniyang mga magulang. Nanlalambot parin siya , walang tigil sa kakaisip sa mga nangyari at higit sa lahat ay mabigat parin ang kaniyang loob at patuloy parin ang pag-kirot sa kaniyang puso. Alam naman ni Pat na walang ibang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili, hinayaan niyang mahulog pa lalo ang kaniyang loob sa isang straight na lalaki at malala pa ay pinagsamantalahan niya ang pagiging lasing nito.



Just when things are getting better.” umiiling na sabi ni Pat sa kaniyang sarili. Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan.


We shouldn't have let him stay with that asshole.” umiiling at nangingilid luhang sabi ni Lita sa asawa na ang nagawa lang noon ay tumango-tango habang pinipigilan ang sarili na sugurin si Kyle sa kabilang bahay.


I'll just go upstairs and sleep for a while. I didn't sleep properly last night.” paalam ni Pat sa mga magulang, nagbatuhan ng nagaalalang tingin ang dalawang matanda atsaka marahang tumango.



0000ooo0000


I hate you! First Aunt Nina, then manang and now Patwick!” narinig ni Pat na sigaw ni Liam pagkabukas na pagkabukas niya ng kaniyang bintana. Hindi mapigilan ni Pat ang muling maluha.


Liam!” sigaw naman ni Kyle. Agad na sinara ni Pat ang kaniyang kurtina para hindi siya makita ng mag-ama.


Humihikbi siyang humiga sa kama at pinilit ang sarili na matulog. Bago pa man lamunin si Pat ng antok ay muli niyang naalala ang kaniyang pangako sa sarili dalawang buwan na ang nakakalipas.


I will make it. I will be happy--- soon.”



0000ooo0000


Welcome to our firm.” bati ng bagong boss ni Pat sa kaniya matapos niyang pirmahan ang kontrata ilang linggo ang makalipas. Sa wakas ay may dahilan ulit siya upang ngumiti at may dahilan na rin siya ngayon para maialis si Liam at Kyle na laging nasa kaniyang isip simula nung umalis siya sa mga bahay ng mga ito isang linggo na nag nakakaraan.


Nung isang araw ay nakita niya si Kyle na nagmamaneho palabas ng village, naisip ni Pat na maayos na ang apat na daliri nito sa magkabilang kamay at muli ng pumapasok, habang si Liam naman ay hindi niya pa nakikita, sa hinuna ni Pat ay marahil hindi na ito pinapayagan ng ama na lumabas ng bahay. Ang tangi na lang na gumugulo kay Pat ay kung sinong kasama ng bata sa bahay kapag naiiwan itong mag-isa.



Ang hindi alam ni Pat ay masasagot ang katanungan niyang iyon bago pa matapos ang araw na iyon.



0000ooo0000


Hey, hey, hey! Congratulations, son!” bati ni Louie pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Pat papasok ng kanilang bahay. Si Lita naman ay malaki ang ngiting iniyakap ang sarili sa kaniyang anak.


I'll treat you guys when I get my first pay.” nangingiting biro ni Pat sa kaniyang mga magulang, nagtinginan ang mga ito at matamlay na ngumiti sa kanilang anak.


What?” tanong naman ni Pat habang tinatanggal sa pagkakabuhol ang kaniyang neck tie. Muling nagtinginan ang dalawang matanda na tila ba nagtatalo sa kanilang mga tingin kung sino ang magsasabi kay Pat ng ibig sabihin ng mga ngiting iyon.


It's just that were worried---” kinakabahang simula ni Louie pero agad na sumingit si Lita bago pa lalong maduwag ang kaniyang asawa sa totoong bumabagabag sa kanila at hindi na ito sabihin pa.


Why don't you have friends here, Pat? I mean, were really getting worried, after what happened to Eric, Jake and Kyle it's like you shut yourself inside a shell. You've been here for a while already, Pat and you still haven't introduced us to anybody from work or friends you hang out with.”



Ito na nga ang pinangangambahan ni Pat. Alam niyang hindi siya gumagawa ng effort upang makakilala ng ibang tao dahil masyado siyang naka-focus sa kagustuhan niyang maging masaya at mai-ayos ulit ang kaniyang buhay ay nakalimutan na niyang kailangan nga pala niya ng mga kaibigan para maisakatuparan ang mga hinahangad niyang iyon.



Pero ngayon kailangan niya munang magsinungaling sa kaniyang mga magulang para tantanan muna siya ng mga ito dahil kung hindi ay hindi na niya maririnig ang katapusan ng sermon ng mga ito.



Actually--- uhmmm I'm going out tonight with some guys I met earlier from the office uhmmm we're going to watch a movie and then hang out. I'm here coz I'm going to tell you guys that I'll be out late and don't wait for me--- uhmmm don't worry I'll introduce you guys to them soon.” pagsisinungaling ni Pay, muling ngkatinginan ang mag-asawa.



Hindi naniniwala sila Lita at Louie sa anak, pareho nilang pinalaki si Pat at alam na alam nila sa tuwing nagsisinungaling ito pero habang nagtitinginan silang mag-asawa ay tahimik na sumangayon na hayaan na lang si Pat sa gusto nitong mangyari at palusutin na lamang ang pagsisinungaling nito.



““OK.”” sabay na sagot ni Louie at Lita na ikinadikit ng noo ni Pat.


OK? That's it? You are not going to give me the third degree about this?” naniningkita matang tanong ni Pat sa mga magulang.


Patrick, you're already 26 years old. You know what lying will do to you.” sabi ni Lita sabay kibit balikat. Napa-ismid na lang si Pat at dumaretso na sa gawi ng hagdan paakyat ng kaniyang kawrto at kalakip na banyo nito para maligo at maghanda sa isang lakad na inimbento lang niya.



Alam ni Pat ang gustong palabasin ng mga magulang niya. Alam ng mga ito na nagsinungaling siya kaya ngayon hinahayaan siya ng mga ito na panagutan ang kasinungalingan na iyon. Habang naliligo si Pat ay wala siyang tigil sa pagbuntong hininga. Hindi kasi naayon sa kaniyang mga plano ang mga nangyayari sa kaniya ngayon.



0000ooo0000



Mom, Dad, I'm going to be late don't wait for me.” sigaw ni Pat saka nagtungo na agad sa front door para hindi na siya paulanan pa ng tanong ng kaniyang mga magulang, nakarinig siya ng mahihinang “OK.” bago siya lumabas ng bahay.



Habang nagmamaneho sa kabuuan ng Manila ay hindi malaman ni Pat kung san siya pupunta, hindi niya alam kung san siya titigil para sa gabing iyon at hindi niya rin alam kung saan papunta ang kaniyang buhay. Napansin niya ang isang kilalang club para sa mga katulad niya, agad siyang pumasok sa parking lot nito. Halos kapareho ito ng mga co-ed na club, ang club na ito ay para sa mga kasapi sa third sex, meron ding mga babae na nagpupunta doon. Babae na ang karelasyon ay kapwa din babae. Bago pa man makapasok si Pat ng club ay halos mabuwal na siyang nabangga ng mga babae na masiglang naghaharutan, halatang magkakarelasyon ang mga ito ayon na rin sa mga kilos nila. Humingi ang mga ito ng paumanhin, nginitian na lang sila ni Pat.



Patrick?! What the hell are you thinking?! Going to a club all by yourself! You look so pathetic!” singhal ni Pat sa sarili niya pagkapasok na pagkapasok niya ng club at nang makitang punong puno ito. Umiiling na umatras si Pat palabas ng club ng may makabangga ulit siya, naramdaman niya ang pagtapon ng isang likido sa kaniyang likuran.


Oh shit. I'm so sorry.” paghingi ng paumanhin ni Pat sabay punas sa natapunang damit ng babae nang makita niyang natapunan din ito ng inumin.


Oh. It's OK, Patwick.


Agad na napataas ng tingin si Pat at natigilan pagkasabi na pagkasabi ng kaniyang nakabangga ng kaniyang pangalan. Agad nanigas ang mga kalamnan ni Pat at pinawisan ng malamig.



Itutuloy...





______________________________
Different Similarities 2[8]
by: Migs

11 comments:

  1. oh my god oh my god wait magbabasa muna ako :))

    ReplyDelete
  2. Suspense... Later na ang comment.

    ReplyDelete
  3. basa mode.. sa chapter 9 na full comments hehe

    ReplyDelete
  4. Aw gawd!! I hate you Kyle!

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. kainis si kyle oh!

    si Nina ba yun?

    ReplyDelete
  6. greatly disappointed.....:(

    ReplyDelete
  7. yeah. kainis si kyle =( kawawa naman si pat

    next time kasi kyle pag isipan mo mabuti yung mga sasabihin mo para hindi ka makasakit pati si liam nadadamay dyan sa pinaggagagawa mo

    -Mike

    ReplyDelete
  8. ganyan talaga ang life, d ba si kyle ang nagaya kay Pat bket ngun sya pa ang galit. Tapos pinagbintangan pa syang pedophile, the nerve he is so mean....

    Thanks migs, na carried away ako sa chapter na to hehehe.

    ReplyDelete
  9. Kyle's an asshole! Gahddamnyou kyle. Paxenxa na mahal kong migz. Nadala lang ng emosyon. Galing mo kasi mag kwento. :)

    ReplyDelete
  10. whoaah! d ba professional sya, bat ganun bigla ang naging takbo ng utak nya. it doesnt fit his personality and degree, huh

    ReplyDelete
  11. i guessed right :/

    hays... nkakalungkot naman nangyari... peo ms nlulungkot aq para sa bata :(

    ReplyDelete