Sunday, May 6, 2012

Different Similarities 2[9]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Nakanganga at nakapako parin si Pat sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig parin sa mukha ng nakaismid na si Nina. Hindi nagtagal ay nagising din si Pat mula sa pagkakapako na iyon nang marinig niyang humagikgik si Nina at ng ilapat nito ang kaniyang kamay sa balikat ni Pat at akbayan ito. Nagtataka parin si Pat at ang totoo ay akala niya nung puntong iyon ay nananaginip lang siya, dahil alam niyang imposibleng mangyari na maging buddy-buddy sila ni Nina lalo pa ngayon na kasama ng bukol na ginawa niya sa noo nito may ilang buwan na ang nakalipas ay tinapunan niya pa ang damit nitong pang party.



Dude, don't worry about the dress! I'm too fly to be eyed for a ruined dress.” humahagikgik paring sabi ni Nina nang mapansin niyang sa damit parin niya nakatingin si Pat.

So what brings you here in this rainbow colored club?” tanong ulit ni Nina sabay tulak kay Pat paupo sa kanilang lamesa, nakuwa ng mga kasama ni Nina na seryoso ang paguusapan ng dalawa kaya pansamantalang iniwan ng mga ito ang dalawa.


I-I---” simula ni Pat sabay tingin sa makinis na ibabaw ng lamesa, nanginginig ang kamay at nahihiya maigi kay Nina. Pano mo nga ba sasabihin sa kapatid ng namatay na asawa ng dati mong matalik na kaibigan lahat ng nangyari kasama na ang pagpapaalis ng bayaw nito sa kaniya dahil sa isang pangyayari na hindi mo napigilan.


It's OK, Pat. Liam told me that Kyle kicked you out of the house---” sa sinabing ito ni Nina ay muling nag-tense ang buong katawan ni Pat kahit pa walang bahid ng panghuhusga sa boses nito. “---though we still don't know why he did it.” marahang pagtatapos ni Nina sabay abot sa nanginginig pang kamay ni Pat. Saglit na tinignan ni Pat ang malambot na kamay ni Nina na bumabalot sa kaniyang kaliwang kamay. Habang inaalo ni Nina si Pat ay sumagi sa isip nito na marahil ay nagkabati na si Nina at kyle at ito na ulit ang nagbabantay sa bata. Di niya alam kung bakit pero tila ba nabawasan ang bigat ng kaniyang dibdib sa naisip na ito pero bigla ding sumagi sa isip ni Pat na baka may ibang pakay si Nina kaya mabait ang pakikitungo nito ngayon.


Why are you being so nice to me all of a sudden?” tanong ni Pat na ikinatawa naman ni Nina. Walang halo ng pagiging maldita ang tawa na iyon.


I've been always this nice. Mali lang ang timing ng pagkakakilala natin. You see that hermes bag that Liam so artistically destroyed---?” simula ni Nina saka muling tumawa. “---that bag was a gift from my girlfriend. Wait, she's over there.” sabi ni Nina sabay turo sa isang magandang babae na magiliw namang kumaway sa kanilang dalawa ni Nina.



That's why that bag is so important to me and Kyle knew it, and then you came and gave me a piece of your nasty side. Wala pa, as in wala pang nagsalita sakin ng ganun, in that house I was always the boss but when you showed up its as if Kyle magically grew a pair of balls and stood up to me and then this wild idea entered my mind that I was being replaced. There you are a new comer and Kyle and Liam's new favorite.” umiiling na kwento ni Nina sabay bigay ng isang maungkot na ngiti.


Ever since Liam was born and my—m-my sister died it has always been me who takes care of Kyle and Liam and when you entered the picture I felt threatened. That day when Kyle said that he had enough of me, I knew it was time for me to leave and think about the things he said and I realized that all of it was true. I became this bossy bitch who pushes everyone around. I realized it all now and I have no plans on becoming that bitch again. I was stupid.” umiiling na pagtatapos ni Nina sabay inom sa kaniyang inumin. Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa, sa puntong iyon ay nakapag-relax na ng konti si Pat.


So, are you going to tell me what happened between you and my brother in law?” tanong ni Nina, muling tinignan ni Pat si Nina at nakita niya sa mukha nito ang isang katangian na hindi niya nakita doon may ilang buwan na ang nakalipas nung huli silang nagkita. Hindi alam ni Pat kung bakit ngayon niya lang ito napansin o naramdaman pero malakas ang kabig ng kaniyang kalooban na mapagkakatiwalaan niya si Nina.


Since you are not talking, why don't we just play the guessing game until you get comfotable in telling me what happened. Yeah?” mungkahi ni Nina na marahang tinanguan ni Pat bilang pag-payag sa gusto nito.


Since you are with me in a gay bar, I'm guessing that you're gay? Am I right?” simula ni Nina.


Yes.” marahang sagot ni Pat.


Is that why Kyle kicked you out of his house?” tanong ulit ni Nina. Saglit na namutla at nanlambot si Pat pero sa huli ay marahan na lang din siyang tumango.


That two faced sonovabitch! He told us way before he knew about me and my brother being gay that he's OK with gay people, that he doesn't have a single homophobic bone in his body tapos ngayon papalayasin ka niya sa bahay niya matapos mo siyang alagaan ng dalawang buwan. I can't believe that my sister married that asshole!” singhal ni Nina, kitang kita ni Pat ang pagpula sa galit ng mukha ni Nina na ikinagulat niya. Agad agad ay pinahinahon niya si Nina.


I think you should know the whole story first before you cut Kyle's balls.” simula ni Pat nang huminahon na si Nina. Makahulugan ang tingin na binato ni Nina sa kaniya. Nang masiguro nyang hindi na galit si Nina ay nagtuloy na si Pat sa pagkukuwento sa mga nangyari nung gabi bago siya paalisin ni Kyle sa bahay nito.


0000ooo0000


Nang matapos si Pat sa pagkukuwento at nang magtaas siya ng tingin upang sukatin ang reaksyon ni Nina ay naabutan niya itong nanlalaki ang mata at nakanganga, marahil ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniyang bayaw at kay Pat o kaya naman ay dahil gulat na gulat ito.


Please say something.” pabulong na sabi ni Pat, agad siyang natakot. Ano nga bang dapat mong maramdaman kung may nagsabi sayo na ang bayaw mo at tatay ng pamangkin mo ay ginalaw ng isang kapwa lalaki nang malasing ito?


I'm sorry. Nagulat lang ako.” sabi ni Nina nang sa wakas ay makabawi ito sa gulat.


I'm sure you're damn mad at me now so I think I better leave. I—I'm sorry.” sabi ni Pat sabay tayo.


Sit down. Sa dinami dami ng tao ako pa ba naman ang sasabihan mo na hindi nakakaintindi at magagalit sayo? I understand what you're going thru right now, Pat.” sabi ni Nina sabay hila kay Pat paupo ulit sa kaniyang tabi at uminom uli sa kaniyang inumin. Muli silang binalot ng katahimikan.


He's straight though.” wala sa sariling bulalas ni Nina at muli silang binalot ng awkwardness.


What?” tanong ni Pat sa umiinom na muling si Nina.


I said Kyle is straight.” ulit ni Nina na ikinatawa ni Pat.


No shit?!” nang sabihin ito ni Pat ay tumawa narin ng malakas si Nina.


Kung alam mo why did you still went on with the blow job?! I know he's hot and all but Kyle's brain can be a little narrow sometimes!” sabi ni Nina habang patuloy parin sa pagtawa na sinabayan naman ni Pat.


““hayyyy.”” sabay na sabi ng dalawa saka tumawa ulit.


I heard him calling your name the other night you know. I was on my way to the bathroom when I heard him calling your name in his sleep and from what I heard I'm thinking that it must be quite a dream.” humahagikgik na sabi ni Nina habang si Pat naman ay namula sa hiya. Hindi alam kung malulungkot ba siya o matutuwa sa sinabi ni Nina. Saglit na natahimik si Pat at pinagisipan maigi ang sinabi ni Nina, sa sobrang abala sa pagiisip ay hindi napansin ni Pat na malalim ding nagiisip si Nina habang nakatingin ito sa kaniya.


Come with me I'm going to introduce you to someone.” bago pa man makasagot si Pat ay napansin na niyang hinihila na siya ni Nina palapit sa girlfriend nito at isang lalaki na masuyong nakikipagkuwentuhan pa sa isang lalaki.


Guys, I like you to meet, Pat. Pat this is my girlfriend, Marge, Kevin my brother and his boyfriend, Drei.”


0000ooo0000


Oh, hey guys!” bati ni Pat kay Kevin, Nina, Liam, Drei at sa isang malaking aso na hindi mapakali sa kakaamoy sa paanan ni Pat kinabukasan. Nung nakaraang gabi matapos ipakilala ni Nina ang tatlo kay Pat at matapos ang ilang pagkukuwentuhan ay Napagusapan nilang sumama sa pagja-jogging kay Pat kinabukasan.


““Hey Pat!”” sabay sabay na sabi ng tatlo kay Pat. Tinignan ni Pat si Liam na tahimik lang na nakatayo sa likod ni Kevin at nilalamas ang mukha ng malaking aso na abala parin sa pag-amoy kay Pat.


Nina, I think I told you that Kyle doesn't want me near Liam?” pabulong na pagpapaalala ni Pat kay Nina upang hindi marinig ng bata.


Akong bahala.” kaswal na balik ni Nina, nang saktong aayain na ni Nina ang mga kaibigan na magsimula ng tumakbo ay siya namang ring ng telepono ni Drei. Saglit itong nakipag-usap sa telepono at saka marahang tumingin kay Kevin na tila humihingi ng tawad.


I'm sorry guys, I have to do a rain check. Duty calls--- bye babe.” paliwanag ni Drei at paalam sa kaniyang nobyo na si Kevin.


OK, babe, see you later.” balik naman ni Kevin na ikinahagikgik ni Liam, ikinatahol ng malaking aso at ikinangiti at ikinainggit din ni Pat.


Ulk! That is sooooo gay! Gross!” arte ni Nina na lalong nakapagpahagikgik kay Liam.


And who's this big fella?!” tanong ni Pat sabay luhod sa tapat ng malaking aso at nilamutak ang malaking mukha nito.


He's Joey and he's also four years old I told you about him before, remember?” sagot ni Liam sabay ipinakita sa pamamagitan ng kaniyang mga daliri kung ilang taon na ang aso. Dun din napagtanto ni Pat na ang aso na sinabi ni Liam sa kaniya kamakailan na kailangan niyang ipamigay dahil sa allergy ni Nina ay siyang aso na nasa harapan niya ngayon at si Kevin ang taong pinagbigyan nito.


Yeap! I remember.” nakangiting sabi ni Pat na ikinangiti din ni Liam.


Nang makatapos sa pagtakbo ang magkakaibigan ay saka tumuloy ang mga ito sa bahay ni Pat upang kumain ng agahan at tumambay saglit. Masayang naguusap si Kevin at Pat, si Liam at Nina at si Joey na umaamoy-amoy sa bakuran nang buksan ni Lita ang front door.


Oh, I didn't know you invited company, Patrick.” sabi ni Lita sabay ayos sa buhok at pinasadahan ng kamay ang damit at pilit na inayos ang sarili, kasabay non ay ang pagiisip na totoo pala ang sinabi ng kaniyang anka nung nakaraang gabi na may mga kaibigan siyang kikitain.


Hi! We're Pat's friends, we didn't mean to intrude, we know it's still early but we have plans to run this morning and we decided to make sure Pat will come with us, your son is not really a social butterfly. I'm Nina by the way.” sunod sunod na sabi ni Nina sabay lagpas kay Pat na naiwang nakanganga at bumeso kay Lita.


You're not the same Nina that lives next door are you?” tanong ni Lita.


Oh Pat told you about the bag huh? It was all a misunderstanding, tita...” balik ni Nina sabay kuwento ng tunay na nangyari na ikinairap ng sabay nila Kevin at Pat. Dahil alam ni Pat na hindi na niya makakausap si Nina ay ibinaling na lang niya ang pansin kay Kevin.



Nagkatinginan si Kevin at Pat matapos ang mabilis na paglaho ni Lita at Nina sa loob ng bahay atsaka sabay na nagkibit balikat.


0000ooo0000



Masayang nagkukuwentuhan si Pat, Nina, Kevin at Lita at si Joey at Liam naman sa pagkain ng hotdog nang biglang bumukas ang front door.



Where's my son?!” sigaw ni Kyle pero agad din siyang napatigil nang makita niya ang grupo ng tao sa dining room.


What the hell, Kyle?!” tawag ni Nina sa kaniyang brother in law.


I thought s-something happened to my son. I got worried when I didn't see him in his room after I woke up and checked his room.” paliwanag ni Kyle habang nagsisimula nang tamaan ng hiya.


Relax, Kyle. He's just with us. No one's going to hurt him like a child molester or something.” bigay emphasis ni Nina sa dalawang salita na ibinintang ni Kyle kay Pat may ilang araw na ang nakakalipas.


I-I d-di--” nauutal na simula ni Kyle pero hindi na siya pinatapos ni Lita na katatapos lang kindatan si Nina na tila ba nagsasabing: 'good job, girl!'


Do you want some breakfast, Kyle?” tanong ni Lita kay Kyle na masuyo paring nakayuko sa sobrang hiya.


I-i--” nauutal ulit na simula ni Kyle.


I insist.” putol ulit ni Lita dito bilang sabi na wala ng magagawa pa si Kyle kundi pumayag.



Tahimik lang si Pat habang nangyayari ang palitan na iyon ni Kyle, Nina at Lita. Ayaw na niyang tignan pa si Kyle dahil sa takot na baka makakita lamang siya ng galit, pagkadismaya o pandidiri sa mukha nito.



Hey, are you OK?” tanong ni Kevin kay Pat nang mapansin niyang namumutla ito at pinagpapawisan. Iniakbay ni Kevin ang kamay niya sa balikat ni Pat at hinagod ito.



0000ooo0000


Poker time!” sigaw ni Nina matapos magligpit katulong si Lita.


Yes!” sigaw naman ni Kevin na ikinatahol ni Joey at ikinagulat at ikinasinok naman ni Liam.


What?” kinakabahang tanong ni Pat.


It's our little traditon. Maski nung buhay pa si Karen gawain na namin yan tuwing bumibisita si Kevin.” nakangiting sagot ni Nina.


Oh.” sabi ni Pat atsaka yumuko, iniiwas ang tingin kay Kyle, Nina at Kevin.


You're welcome to join us, you know.” alok dito ni Kevin na marahas na ikinailing ni Pat.


Uhmmm I don't know, ayokong makaistorbo---” simula ni Pat na ikinatwa ni Nina.


Istorbo?! Maglalaro lang tayo ng poker, Pat. Sumama ka na and I'm sure Kevin is looking forward to play with you kasi madadagdagan ang taya thus lalaki ang pot money.” humahagikgik na sabi ni Nina.


C'mon buddy. It'll be fun!” magiliw na aya ulit ni Kevin na ikinangiti at tango na lang ni Pat. Nagsimula nang hilahin ni Kevin si Drei papunta sa bahay nila Kyle at nang makita ito ni Liam ay tumulong na ito sa paghila kay Pat papunta sa kanilang bahay kasunod-sunod si Joey at Kyle na wala paring kibo.


Tita, do you want to join us?” tanong naman ni Nina kay Lita na abala sa pagaayos ng kakainin para sa tanghalian.


Oh no, darling, I can't. Louie is inviting his business partners here for lunch and I have to prepare their meal.” sagot ni Lita.


OK. Thanks for breakfast!” sagot naman ni Nina sabay sunod kay Kyle.



0000ooo0000


Kyle, can I talk to you for a minute?” tawag ni Nina kay Kyle bago pa ito makapasok sa front door ng sariling bahay. Nagaalangang tumingin si Kyle kay Nina atsaka marahang tumango.


Why did you kick Pat out of the house again?” biglaang tanong ni Nina kay Kyle na ikinagulat ng huli.


Huh---?” tanong ni Kyle na halatang hindi kumportable sa kanilang paguusapan. “---Oh, we had a little misunderstanding that's all.” kaswal na pagsisinungaling ni Kyle na hindi naman kinagat ni Nina.


I thought you guys are best buds? Isn't it a shame to throw a potentially good friendship because of a little misunderstanding? He is the first person to make you laugh like the way my sister did when she was still alive, Kyle and I can see that he's a really good person---” simula ni Nina. Hindi nagugustuhan ni Kyle kung saan papunta ang usapan na iyon. Alam niyang magaling mag-obserba si Nina at ang ideya na kung ano pa ang maaaring alam ng kaniyang hipag ay nakapagpakaba sa kaniya.


What exactly are you saying, Nina?” putol ni Kyle.


I was just saying that he's the first person who you warmed up with after my sister passed away, that must tell you something right? After all those people I introduced to you in the numerous party I hosted for you, it was only Pat who made your face lit up like a distressed firework, Kyle. I really think you should fix this 'misunderstanding' you guys have before everything is too late.” makahulugang sabi ni Nina sa kaniyang bayaw sabay pasok sa loob ng bahay.



Naiwan si Kyle sa labas ng bahay na tila ipinako sa kaniyang kinatatayuan. Iniisip kung ano ang maaaring ibig sabihin ni Nina nung sabihin niyang 'I really think you should fix this 'misunderstanding' you guys have before everything is too late.'



Itutuloy...




__________________________
Different Similarities 2[9]
by: Migs

40 comments:

  1. Haha... Mabait naman pala si nina... Cute chapter... Ang galing..

    ReplyDelete
  2. UGHHH i'm going to wait for the next chapter again -____- that Kyle is a turn off. siya ang nagsabi na bigyan siya ng handjob ni Pat then ngayon parang si Pat pa ang may kasalanan. that sonovabitch.

    ReplyDelete
  3. Hey guys! salamat sa patuloy na pagbabasa! dapat kahapon pa ito pero sobrang pagod na ako, sa sobrang pagod hindi ko nagawa pang intayin na magload yung page ng blogger kasi nakatulog na ako. Ng nakaupo. Sa harap ng laptop. Ng nakangudngod ang mukha. Seryoso. haha! Kaya ngayon naisipan kong muling back to back ang i-post para naman makabawi ako hehe!

    Nga pala. malapit na itong matapos! wuhoo! hehe! Saka ngayon lang ako nakatanggap ng 31 comments. Marami diba? pero compared naman sa 390 na page visit everyday wala pa 'yon sa one fourt pero masaya parin ako. Record na kaya yun! hehe!

    Jemyro: minsan talaga o madalas na nagco-conive ang mga bata at lolo!

    Jasper Paulito: thanks! tagal mong di bumalik dito sa blog ko ah. :-)

    Anonymous 5-2-12: pakilala ka, tol. :-) thanks din!

    RonnieBokie: Salamat po! di ko lang sure yung about sa marami pang katha. nauubusan na ako ng creative juices hahaha! teka, wala nga ata ako nun eh. ;) Salamat!

    Erwin F.: Tell your OJT's to check my blog and hopefully at the end of the day you guys have matching freaky faces. hehe!

    Gerald: Dawn Jackson Blatner, RD is correct but Liam AND Pat chose to ignore Dawn. hehe!

    Ryvis Tan: huwag kang humanga sakin dahil ako'y baliw. haha! joke lang. Thanks sa paghanga, nakakataba ng puso!

    Mr. Brickwall: pinasasabi ni Kyle na weird kadin haha! Goodluck sa CPA boards! Kaya yan! :-)

    Midnytdanzer: ag naughty mo! hehe!

    Stringx: about the "human specie" comment from Kyle lilinawin ko lang na WHAT THE CHARACTERS SAYS IN MY STORY DOESN'T REFLECT MY PERSONALITY. HAHA! naghugas kamay bigla eh no? pero seriously isinulat ko iyon para magkalaman yung storya hindi para manliit ng tao. :-) Peace!

    Anonymous 5-3-12: Oo, makulit nga si Midnytdanzer. haha! pakilala ka next time ah! :-)

    Almondz: I'd rather read your comments and see your profile pics sa hanay ng mga comments kesa sa tahimik ka. Kahit hello lang makita lang kita sa list ng nagcomment! :-)

    Mike: ikaw din? may exam? anong exam yan? goodluck!

    --ANDY: when i was writing this chapter di ko naisip na gawing ganyan ang ending. Basta ko na lang siya tinayp. hehe!

    Glitterati: I hope this 2 latest chapters will say everything about what's not being said in Nina's character. hehe!

    MERVIN: kailan naiba ang story sa iniisip mo? Hindi mangyayari yun kasi pareho tayo ng brain waves! haha! baliw ka din daw gaya ko. :-) haha!

    Jay: thanks for supporting me always.

    --makki-- si Kyle lang ang nagpaputok. haha!

    aR: awkward? try disaster.

    --kean:]: hindi lang ikaw ang nagbabasa ng comments.

    John: Thanks! What made you decide to come out of the shadows and comment? I need to know what pushed you out of being a silent reader cos I'm going to do it more in the succeeding chapters so that all the silent readers will come out of their bat caves and comment. :-) Thanks!

    Allan: You're wrong. Epilogue is fast approaching, dude. this story is near to it's end. :-D

    russ: bayad? so utang na loob pa ito ngayon ni Pat? haha!

    Anonymous 5-4-12: "DAMY?" bagong word yun ah! haha! Shalom!

    blue fox: hope to relieve more of your stress in the future! thanks! :-)

    xheanne: hindi daw nasarapan si Pat eh. haha! thanks!

    Mark Ryan: kumupas ako nung nawala ka! (cheesy moment!) haha! I missed you, tol!

    your_prince: 50 over 100 lang ang score ni Pat, hindi kasi all the way eh! haha! Salamat!

    Enjoy this back to back chapter, guys! :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ^_^

      I'm talking about Kyle's words not the author's. I know that you're not that kind of a person. :D

      Delete
    2. Ewan ko ba kung bakit bigla na akong nagcocomment HAHAHA! Nakakatuwa kasi tong story mo ngayon e. It's different from your other stories. Magpahinga ka naman! Marunong naman kaming maghintay e. :)

      Delete
  4. Kumupas? I don't think so, hahaha!I missed you too!

    Patwick is so damn hurting! Sana bilisan ni Kyle yong fixing moment! That would a be "kilig much moment"... Aabangan namin yan Migs! Sarap magbasa ng back to back hehe... sana next na uli hehe

    ReplyDelete
  5. Nice. I thought it would be a tough chapter but I was wrong you did it lightly. And sorry to Nina, the wicked bitch penniless nurse I have judged unfairly. But in fact your the fairy pala (the fairy wicked bitch. Hahaha peace). Kyle you're now the asshole unless you say sorry to Pat asap before its too late. And Pat... enjoy life let tomorrow takes its course. Over-all its enjoyable. 2 thumbs up.

    ReplyDelete
  6. Kuya Migs! Thanks! Thanks sa back-to-back na naman. As in napasaya mo ako. Haha!

    Hindi naman pala bitch si Nina! I love her na!

    Si kyle naman ang nagstart na may mangyari sa knila ni pat dba? Bakit sya pa itong may ganang magalit? Pinagbigyan lng naman sya ni pat.

    Ang ganda ng chapter na to!

    I love you kuya migs! :)

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. Btw, its also a back-to-back comments. Lol. I just want to thank you for these double b2b chapters. And again the mentions. BIOG€SIC!

    ReplyDelete
  8. hi Migs, this is my first ti'e to leave a comment. I've been reading your stories for about a month(during my off). All i can say is. You are GREAT. This current story is awesome.

    ReplyDelete
  9. I really like "pat's story line" the life he's had, his profession, the way his parents reacted when he came out to them, and then ending up accepting him for who he is... I hope someday ganyan rin maging storya ng buhay ko :)))

    Hi kuya migs, matagal tagal na rin akong nagbabasa ng stories mo, and i must say this one right here means a lot to me in so many ways, not because i had the same experience but because it seems like it may well be the same experience that i'll have in the not so distant future :))) architecture student kasi ako, gay and ofcourse my parents do not know about it. So yeah, need i say more? Haha basta natutuwa ako sa story ni pat and i'm looking forward to seeing how his story unfolds.

    I admire your stories and i admire you a lot kuya migs, God bless :)

    ReplyDelete
  10. Wow, Nina's awesome! I just felt so bad for Pat, the stuff Kyle said to him struck me too. Kyle needs to realize how important Pat is too him and Liam.

    And another thing, it's cool for you to take time to reply to us! Kudos!

    ReplyDelete
  11. good job migs. keep them coming.

    rei

    ReplyDelete
  12. sayang walang putukan part2? LOL

    naks! ang galing ng muling pagkabuhay ni Nina ah! i like it!

    Go Kyle suyuin mo na si Pat! ayiiieee! <3

    ReplyDelete
  13. Ayieee!!! Ganda!!! Anong susunod na mangyayari? Galing ng pasok ni Kevin, Drei at Joey. Wala ako macomment. Hi na lang.

    ReplyDelete
  14. I like Nina na! :D
    Ang ganda ng part na to. ;)
    Excited na ko sa mga susunod pa na chapter.
    Ang galing mo tlaga Migs!

    ReplyDelete
  15. i've been a reader a long time ago pero now lang nag comment..hehehe..congrats ahh this one is very good...

    excited n ko sa susunod n chapter hehehe
    kip it up genuis!!

    ReplyDelete
  16. Awww. Bad kyle. Poor patwick. Nina to the rescue. Liam... a e bending his head to the left with question marks above it? Haha. Ganda talaga, i'm hooked with this story. Thanks sir migs! O, next na. Hehe


    blue fox

    ReplyDelete
  17. Hahah ganun ba Kuya Migs..?? hmm well I think mas malalim ang saltik ko...:P

    nice twist huh.... who would have thought that Nina will be a fagHag,...kala ng iba eh competition sya..:)

    ReplyDelete
  18. "It's impossible." said pride.

    "It's risky." said
    experience.

    "It's pointless." said reason.

    "Give it a try."
    whispered the heart.

    ReplyDelete
  19. There! It answers my question. Kyle and Kevin are brothers - brothers-in-law. :D

    Kevin, Karen and Nina; Naiba si Nina sa pangalan. Karen and Nina are twins right? Bakit hindi nagsimula sa letter K? Ahahaha... Kami nga magkakapatid pati narin magpipinsan lahat ng pangalan namin nagsisimula sa letter M. (Share ko lang. :P)

    Hindi naman pala ganun ka 'evil witch' si Nina. Mabait naman pala, sino ba naman hindi magagalit kung ang pinakamahalagang bagay sa iyo ang paglalaruan lang.

    In denial si Kyle. Ano ba 'yan. >.<

    Kudos!

    ReplyDelete
  20. hahaha Migs,

    anyway,very uplifting ang pakiramdam ko sa chapter na ito since Nina isn't that bad, actually she's not.

    siguro...uumpisahan na ni Kyle na suyuin at kunin ang atensyon muli ni Pat, hmmmm can't wait :)

    ReplyDelete
  21. nice back to back chapter again Migs!

    I'll try but three of them are girls and the remaining one is a straight guy.

    Akala ko buo na gabi ko dahil sa milo cheese shake pero eto pala pinaka topping this day.

    ReplyDelete
  22. nice migs..nina was right...fix it before its to late..maraming isda sa dagat ngunit kunti lang ang totoo..

    ReplyDelete
  23. Wow! Dahil active na sumagot si Migs. Dami na rin comments. Tama kau tao si Migs at hindi robot marunong siang magreply at hindi un template. LOL. Thanks po sa double back to back.


    -=mYcO=-

    ReplyDelete
  24. Whoa!. Grabe. What a small world. Nandito ulet si kevin with joey. :P
    Nina, you've done a good job. Pambawi mo nlang sa mga nagawa mo. Hehe.

    Kuya migs,as always, you too have done a good job. :D Thanks for the updates. :P

    --kean:]

    ReplyDelete
  25. Hmmm.. eto na ba yung essential part ni nina sa story?

    as to kyle, im sorry for the wrong assessment. you're not weird but a total jerk. hay nako kyle, buti si super duper uber cute na si liam mas naiintindihan pa yung mga nangyayare.

    kuya migs thanks po. :)

    wag mu muna to tapusin, enjoy pa ko e. haha.

    ReplyDelete
  26. yes salamat at may back to back chapter ulit. maraming salamat kuya migs sa back to back ulit. sana humaba pa yung story between pat and kyle. wish ko eh sana magkabati na sila na sana ayusin na ni kyle yung ginawa nya kay pat.

    wala ng hahadlang siguro between kyle and pat kasi si nina may girlfriend na eh hehehehe siguro may pagtingin na rin tong si kyle kay pat pero naguguluhan pa rin sya

    good job nina. akala ko eh masungit ka talaga pero hindi naman pala. sadyang mainit lang talaga ang ulo mo dahil dun sa hermes bag na ginawang drawing book ni liam.

    kuya migs kaya po ako may exam kasi may summer class po ako ngayon hehehehehe kakamidterms lang namin nun nung nag update ka ng story kaya hindi nabasa agad hehehehe =)

    -Mike

    ReplyDelete
  27. Revelations! Surprises! and MORE and MORE!! hoho (ito lang yung part na nagustuhan ko yung surprise:D, ayoko kasi nabibigla)
    grabe ngiti ko dito sa chapter na to..as in..(o.O) is this for real? haha..

    Game..!
    Nina is a boy! haha jk..i mean seriously? akala ko talaga siya yung mag tutumba kay pat dito sa story, i guess im wrong iba yung nangyari..Pat found a friend! naintindihan ko bakit siya nagalit..case close:D :)
    and..and Kevin-Nina twins? or Nina-Karen twins? haha naguluhan lang akoXD alagan naman na triplets sila? haha joke lang Author Migs:)

    and Wew! the most favorite part in the story...cameo of past characters! sama mo na si Joey:D HANGCOOL lang talaga pag ganito yung nababasa ko Kevin-Drei <3 haha

    Liam? again seriously? Masasabi kong Genius tong batang to..no erase that, Isa siyang Prodigy open minded ang batang to..at darating ang panahon his going to have his own boyfriend! haha..pero syempre joke lang yungXD magkaka-family siya..chicboy kaya si liam.if you know what i mean;)

    and Kyle..BAD!!..denial and projection ba ito?, i dont believe na homophobic si kyle..its just that nabigla lang siya..kasi alam niyang merong something kay pat na di niya maexplain tama yung comment ni allan above (naks special mention haha)
    madaming ganito..alam at ramdam nila na may iba about their feelings but their afraid to acknowledge it..and eventually nakakalimutan na rin unconscionably pero as soon na mag trigger nito boom..back to zero sila ulit!

    tama na to..andame ko nanamang alamXD

    ReplyDelete
  28. You are an amazing writer!
    i hope may books ka na sinulat cause i'm willing to buy!

    ReplyDelete
  29. You're not good Migs and and this story is nonsense. And please dont flatter youself.














    Because you're very, very good. And this story is nonsense to anyone if you have no sense. And flattery leads you to nowhere.

    ReplyDelete
  30. 1st tym dn po. Kuya, ang ganda ng mga kwento nio. Reading marathon po matapos kong malaman blog nio kay Zildjian. Ung ibang story at advance reading ng AAO super ganda at naawa at naiyak ako kayi Aaron. Sana gawan mo sia ng sequel. About naman po dito ung ibang charcters di ko pa kilala pero makikilala ko rin eventually. Napansin ko kase iba ang style mo ng kwento, iba ang atake. Ung bang natural hindi pilit pero alam mong gawa ng isang malawak na pag-iisip. Malalim, matured minsan nakakatuwa specially ung mga one-liner nila. Talagang masasabi mong "ahhh". Nurse ka po ba talaga? Ang lawak ng imahinasyon mo e.
    Si Pat, Kyle at Liam. Isang kwento ng pasulong. Paglimot sa mga masasakit na nangyari pagkilala sa mga bagong mukha ng kaibigan at ka-ibigan. Makakaranas ng konting pagaalinlangan, pagdududa, galit at pagdurusa pero ang kapalit matagalang kasiyahan. Hindi po ako Si Balagtas. Hindi lang ako sanay sa Ingles na komento. Pinakahuli, parang luv na kita. Hahaha pagpasensiahan mo na lang may SALTIK lang po.

    ReplyDelete
  31. DAMN! your so good kuya migz!! kinikilig at natutuwa ako sa mga nangyayari!! hehe.. your so good at what you do.. so keep it up :)

    edu

    ReplyDelete
  32. Sobrang smooth ng flow ng story takte. Love it much. Medyo pahabain mo ng onti kuya Migs. Nina is the new Cha in this story. Nakakatuwa. :d

    ReplyDelete
  33. I love Nina na. Baka may twist pa to. Makahanap ng bagong kaibigan si pat and then magseselosnsi kyle? Hmmm. Anyway, galing mo migz. The shift of nina's character from a bitch to an angel is a good twist. Keep it up. I love you pa din kahit di mo ako binati sa comments section mo. Hahaha

    ReplyDelete
  34. Ang liit nga talaga ng mundo. Since LAIB ay connected ang mga characters kaya di na ako magtataka kung related ang isa sa mga characters ngayon sa past stories mo Kuya Migs. Anyway, gumaganda na ang daloy ng story. Sana umamin na si Kyle. In denial much kasi. Hmpft. And I love Nina na din.

    PS. Sana andyan pa rin si Liam. I love kids kasi (not in a pedo way ah). :D

    -leian-

    ReplyDelete
  35. nice! nice! sa naging twist ng story. tnx sa patuloy na pag share khahit pagod kna from work. nkakatouch aman talaga. mejo unting yngat sa health ha. GOODLUCK!

    ReplyDelete
  36. wow! that’s unexpected o.o

    so nina’s a good witch pala? wiw! gs2 q mga nangyayari... and gs2 q c joey :( i want a st.bernard! lolz

    ReplyDelete