Taking Chances (epilogue)

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Pagkapasok pa lang na pagkapasok ni Chino sa kwarto ni Francis ay napansin kaagad nito na may kakaiba sa kaniyang kasintahan, iba ito sa inaasahan ni Francis na magtatakbo sa kaniyang tabi si Chino kapag nalaman nitong nagising na siya, may kakaiba rin sa mga tingin nito at may namumuong mga luha sa mga mata nito. Sinubukan ni Francis ngumiti.



Hey, Hon.” bati ni Francis, tila naman may masakit na naalala si Chino sa tawag na iyon ni Francis at saglit itong napapikit.


What's the matter, Chino, aren't you happy that I'm awake? I can sleep again and pretend to slip back to coma, if that's what you want.” nagbibirong saad ni Francis, hindi na napigilan pa ni Chino ang kaniyang mga luha at nagsibaksan na ang mga ito, wala sa sarili niyang tinakbo ang maliit na espasyo sa pagitan nila ni Francis, halos talunin niya ang kama ng kaibigan mayakap lang ito.


Whoah! I'm happy to see you too, Chino.” balik ni Francis sabay yakap ng mahigpit sa miss na miss na rin niyang si Chino.



0000ooo0000



Hindi parin mapakali si Chino, masaya siya at nagising na ang kaniyang kaibigan pero dahil sa tagal na rin ng panahon na hindi niya ito nakakausap ng maayos ay tila ba hindi na niya ito alam kausapin. Si Francis naman ay walang tigil ang kakangiti, malaki na ang pinagbago ni Chino, nakikita niya ito sa mga kilos ng kasintahan pero alam niya rin na may bumabagabag dito at iyon ang gusto niyang malaman.


You look different.” simula ni Francis, tila naman nagising si Chino mula sa pagiisip ng malalim.


Many thing has happened, Francis.” nakangiting sagot ni Chino pero hindi parin siya mapakali, meron paring bumabagabag sa kaniya.


Is that why you act and talk different too?” pabulong na tanong ni Francis.


At sa sinabing iyon ni Francis ay tila ba may nagbukas ng dam sa mga mata ni Chino kaya't muling bumuhos ang mga luha mula dito. Agad na napansin ito ni Francis kaya't inabot niya si Chino na nakaupo parin sa hindi kalayuan at muli itong niyakap.


Shhhh, it's OK, every thing's going to be OK now, Chino.” pagalo ni Francis sa humihikbing si Chino, umiling si Chino bilang sabi na 'hindi magiging OK ang lahat'


You don't understand, Francis.” pabulong na sabi ni Chino sa pagitan ng mga hikbi.


Then tell me, Hon.” alo ulit ni Francis. Lalong lumakas ang tulo ng mga luha ni Chino, muli siyang di mapakali.


I've met someone.” pabulong na amin ni Chino.


Saglit na tumahimik ang buong kwarto, walang maririnig kundi ang mahinang paghikbi ni Chino, walang nagsalita sa kanila. Tila hinigop ang kakapiranggot na lakas ni Francis sa kaniyang narinig, iniwas niya ang tingin sa tumatangis parin na si Chino, hindi niya alam kung kanino magagalit. Sa sarili niya, kay Chino ba, sa kaniyang mga magulang o sa nagmamaneho ng truck na nawalan ng control nung gabing naaksidente siya.


Gustong magsisigaw ni Francis, gusto niyang ipaalam sa lahat ng taong andun sa ospital na iyon na galit siya, na nasasaktan siya pero masyado pa siyang mahina, wala na lang siyang ibang nagawa kundi ang umiyak.


I'm sorry, Francis. Nung sinabi ng mommy mo na ikakasal ka na, I felt so betrayed, sobrang nasaktan ako. I wanted to talk to you, I wanted to ask you why you did it, why you hurt me but that same pain, the same hurt prevented me from talking to you, kung hindi lang ako naging duwag, kinausap sana kita at malalaman kong misunderstanding lang ang lahat, na hindi mo ako niloko. Francis, maniwala ka, ngayon ko lang nalaman, ngayon lang sinabi sakin ni Jed at ni tita at tito ang mga nangyari. Believe me hindi ko sinadyang ma-in-love sa iba, nangyari lang yun nung natanggap ko sa sarili ko na pag gumising ka hindi na ako ang hahanapin mo kundi si Laura. I'm so sorry, Francis.” sabi ni Chino sa pagitan ng mga hikbi.


Nakayuko lang si Francis, hindi na narinig nito ang mga paliwanag ni Chino ang tangi niyang pinagtuunan ng pansin ay ang sakit na nararamdaman niya. Di narin niya mapigilan ang humikbi, nanghihina ulit siya, tila ba nagbabadya ulit ang katawan niya na bumalik sa coma.



Get out.” malamig at pabulong na sabi ni Francis.


Natigilan si Chino, tila may sumaksak sa kaniyang puso, mahina lang ang pagkakasabi na iyon ni Francis pero tila ba mabingibingi siya sa sinabing iyon ni Francis.


Francis, please.” pagmamakaawa ni Chino.


Get out!” singhal ni Francis.


Fra---”


I SAID GET OUT!” sigaw ni Francis na lubha niyang pinagsisihan dahil agad na kumawala ang natitira niya pang lakas sa pagsigaw na iyon.



Nanlalambot na tumayo mula sa kama si Chino, sinubukan niyang lapitan ulit si Francis para yakapin ito at pakalmahin pero umisod ito palayo at nagsalita ulit.



Don't--- just don't, Chino. I can't do this right now, I- I'm t-tired and I'm hurting and I j-just can't see and talk to you right now, so please, just leave me alone.” nanlulumong sabi ni Francis sa pagitan ng mga hikbi. Tila naman may pumipiga sa puso ni Chino, agad ding nanikip ang kaniyang dibdib at nagsimula na ring siyang mahirapang huminga.


Wala ng nagawa pa si Chino kundi ang lumabas ng kwarto, bago maisara ni Chino ang pinto sa kaniyang likod ay narinig niya ang malakas na pagiyak ni Francis, bumigay na ito sa kaniyang tunay na nararamdaman at ganun din si Chino, napasandal siya sa nakasarang pinto at bago pa man makalapit sa kaniya si Chris upang alalayan siya patayo ay napaupo na siya sa sahig at wala na rin sa sariling umiyak.



0000ooo0000



Pride, yan ang pinairal ni Francis at yun din ang sinisisi niyang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito, iniwasan siya ni Chino dahil sa nalaman nito mula sa kaniyang ina, nilapitan niya si Chino, nagmakaawa na kausapin siya pero nang ilang beses na tinanggihan siya nito ay agad din siyang nawalan na ng pag-asa na magkaka-ayos pa sila nito, tandang tanda niya ang sinabi niya noon, 'kung ayaw niya, wag niya!' at hindi na siya ulit pang nag-abala na kausapin ulit si Chino.


Nasaktan siya dahil ganun ganun na lang siya nito balewalain at ni hindi man lang ipaliwanag kung bakit siya biglang nanlamig, hindi niya naisip na nasasaktan din si Chino kaya nito ginagawa iyon at naisip ulit ni Francis na kung nagpumilit lang sana siya na kausapin ito at kung nagkalinawan lang sana sila lahat ay hindi na siguro pa nangyari ang aksidente.


Pero huli na para sa mga 'kung' at alam iyon ni Francis, wala na sa kaniya ang puso ni Chino at yun ang pinakamasakit sa lahat ng mga nangyari.



Sa labas ng kwarto ni Francis ay hindi parin tumitigil sa pagiyak si Chino, sinisisi rin nito ang kaniyang sarili sa mga nangyari, iniisip niya na kung hindi niya hinayaan na pangunahan siya ng takot at kung nagpakalalaki lang sana siya at hinarap ang maaaring makasakit sa kaniya ay nagkaroon sana siya ng pagkakataon para makausap si Francis at hindi sana nangyari ang lahat ng iyon.



Pero katulad ng iniisip ni Francis sa loob ng kuwarto, naisip din ni Chino na wala na siyang magagawa, na huli na para sa mga 'kung' at pareho na sila ngayong sobrang nasasaktan ni Francis. Sa dulo ng hallway ay nagsimula ulit na magtalo sila Jed at mga magulang nito at si Laura ay tulala lang sa isang tabi.



Hindi nagtagal ay lumapit sa kaniya ang dalawang matanda kay Chino pero tinalikuran niya ang mga ito at hindi na binigyan ang mga ito ng pagkakataon na makausap siya, wala na siyang interes na makausap ang mga ito. Tumingin siya kay Jed at nilapitan ito.


Since when did you know?” tanong ni Chino dito.


The day before I left your place.” sagot ni Jed.


The same day na naabutan ko kayo nila tita at Laura sa loob ng kwarto ni Francis?” tanong ni Chino, tumango lang si Jed, tila naman nakalulon ng tinik si Chino.


I wish you said something, Jed.”


It was not my business to tell and my parents promised that they will explain everything to you. I'm sorry, Chino.” nangingilid luhang pakiusap ni Jed.


Is this also why you left my house?” habol tanong ni Chino, tumango na lang si Jed, tila naman sinampal ng pagintindi si Chino at tumango na lang din ito at bumalik sa tabi ni Chris.



Chris, can we please go?” bulong ni Chino, tumango lang bilang sagot si Chris.



Pinanood ng dalawang matanda ang papalayong magkasinatahan, hindi maiwasang malungkot at sisihin ang mga sarili sa idinulot na sakit nila sa dalawang bata na itinuring na nilang kanilang mga anak. Isipin lang na marami silang naidulot na sakit sa dalawang bata ay sapat na para masaktan din sila. Muling nagsimulang umiyak ang matandang babae. Umiling na lang si Jed at pumasok na sa loob ng kwarto ni Francis para tignan ang lagay nito matapos ang paguusap nito at ni Chino.



0000ooo0000



I don't know what to do anymore, Kuya.” umiiyak na bulong ni Francis sa nakatatandang kapatid. Agad na lumapit si Jed, naramdaman nito ang sakit na nararamdman ng kapatid sa pakikinig lang sa boses ng kapatid. Wala na lang nagawa si Jed kundi aluhin ang kaniyang nakababatang kapatid.


Everything is going to be OK, Francis. Everything is going to be OK.”



0000ooo0000



Magiisang buwan na nang magising si Francis mula sa coma pero tila asa kundisyon paring iyon si Francis, madalas itong walang imik, nakatulala sa isang tabi at laging malalim ang iniisip. Nababahala ang dalawang matanda at walang magawa kundi ang panoorin ang paglayo ng mga loob ng kanilang mga anak at isipin kung hanggang kailan ipamumukha ng mga ito ang kanilang pagkakamali.


Tanging sa private nurse na lang na kanilang inupahan na nagngangalang Paul Andrew Simmons o mas kilala sa tawag na Pol ito nakikipagusap, minsan gwardyado pa ang mga sinasabi nito sa nurse. Umupa sila ng private nurse dahil hindi na sila hinahayaan ni Francis na alagaan siya, kinamumunghian sila ng sariling anak.


Araw araw paring bumibisita si Chino sa ospital kasama si Chris pero hindi na pumapasok ang mga ito sa kwarto, hindi narin nakikipagusap sa dalawang matanda si Chino, tanging kay Jed na lang o kaya naman kay Pol, sa private nurse ito nakikipagusap para kamustahin si Francis.


Is he opening up to you, Pol?” tanong ni Chino sa private nurse, pabulong ito pero naririnig ito ng dalawang matanda na matiyagang nagiintay sa labas ng kwarto ni Francis.


Hindi eh, gwardyado parin ang mga sinasabi nito sakin, madalas nga Oo at hindi o minsan naman ay pagtango o pag iling lang ang sagot nito sakin.” simpleng sagot ni Pol kay Chino na sa loob ng ilang linggo ay tila ba naging malapit na magkaibigan narin. Kinaibigan talaga ito ni Chino para magsilbing tulay para sa kanila ni Francis.


I see.” bagsak balikat na sabi ni Chino, inabot ni Pol ang balikat nito at pinisil.


I will do everything I can to get him back on track. By the way, his physical therapist told me that he's doing great and might be discharged soon.” nakangiting sabi ni Pol, umaasang ang katiting na impormasyon na iyon ay makapagpa-alis ng pagaalala kay Chino at hindi siya nabigo dahil sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti si Chino.


Thank you, Pol.” balik ni Chino, kahit papano ay gumaang ang loob nito.



0000ooo0000



Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong linggo ay nakita ulit ni Chris ang kaniyang kasintahang nakangiti. Nung una ay nagalala ito, lalo na nung mga panahong ipinagtabuyan ito ni Francis, madalas itong tahimik at nakatulala, iniisip niya na hindi masaya sa piling niya si Chino at nagda-dalawang isip na tungkol sa relasyon nila pero napapawi lang ang mga pangambang iyon ni Chris sa tuwing yayakapin siya at hahalikan siya nito. Kaya naman nang makita ni Chris na nakangiti si Chino ay tila naman nabunutan din siya ng tinik.


You're in a good mood.” bati ni Chris nang makalapit ang kasintahan sa kaniya sabay yakap at halik sa pisngi nito.


Yes I am.” mahanging sagot ni Chino.


Care to tell me why?” pangungulit ni Chris habang sinusundan si Chino papuntang kusina para maghanda ng hapunan.


Bumubuti na si Francis.” simpleng sagot ni Chino, napangiti narin si Chris, ibig sabihin nito ay magsisimula nang bumuti ang lagay ni Francis at kasabay nun ay mababawasan na ang bigat at sakit na nararamdaman ni Chino.


That's good news.” balik ni Chris sabay yakap sa nakatalikod na si Chino.


I just hope magtuloy tuloy na, I mean, hindi parin siya nakikipagusap sakin pero at least nakikipagusap na siya kay Pol and Jed, di magtatagal ay magkakausap narin kami.” sabi ni Chino pilit na kinukumbinsi ang sarili para narin sa sarili niyang katahimikan.


Does this mean pwede na kitang asarin ulit?” nagbibirong tanong ni Chris.


Yun ba ang dahilan kung bakit parang gwardyado ang kilos mo sakin nitong mga nakaraang linggo?” natatawang tanong ni Chino, napangiti si Chris.


Baka kasi maasar ka at iwan ako, pero ngayong alam ko na pwede na ulit kitang asarin eh hindi na ako magaaksaya ng panahon.” nagbibiro ulit na sabi ni Chris. Napataas ang kilay ni Chino.


Asshole!” singhal ni Chino, napahagikgik si Chris.


Melodramatic bitch.”


Immature asshole.”


Whiny bitch.”


Ego maniac asshole who's afraid to lose me but doesn't want to admit it because he thinks he's so macho.” balik ni Chino, nagpantig ang tenga ni Chris at hinila si Chino palayo sa hinahandang pagkain. Inalis niya lahat ng nakapatong sa dining table sa pamamagitan ng kaniyang malaking bisig, nagbagsakan lahat ng iyon sa sahig, nabasag lahat ng babasagin at natapon ang ilang pagkain na andun, inihiga ni Chris ang gulat na gulat na si Chino sa lamesa at inipit ito doon sa pamamagitan ng sarili niyang mabigat na katawan.


Take that back!” singhal ni Chris.


No! You're an ego maniac asshole and it's time someone tell you that!” singhal ni Chino.


TAKE. THAT. BACK!” singhal ulit ni Chris.


Never! Let me go!”


Grrr!” mala leon na ungol ni Chris at inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ni Chino na nuon ay nagpupumiglas parin. Nang maramdaman ni Chino ang paghalik na iyon ni Chris ay wala na siyang nagawa kundi ang tumigil sa pagpalag at hayaan na lang ang kaniyang katawan na enjoy-in na lang ang paglapat ng mga katawan nila ni Chris.


Everything is going to be OK now. I'm glad I took this chance.” bulong ng utak ni Chino.


Magic and Fireworks.” bulong naman ng utak ni Chris habang masuyo parin silang naghahalikan ni Chino. Alam nitong sa oras na maramdaman niya ulit ang mga pamilyar na sensasyon na iyon na dulot ng halik ni Chino ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Saglit silang naghiwalay sa halikan nilang iyon, idinikit ni Chris ang kaniyang noo sa noo ni Chino na masuyong nakangiti sa kaniya.


I love you, you melodramatic bitch!” singhal ni Chris.


I love you too, you immature asshole!” balik ni Chino at muling nagdikit ang kanilang mga labi.



0000ooo0000


Nakatingin si Francis sa bintana ng kaniyang kwarto sa ospital na ngayo'y magwawalong buwan na niyang tinitirahan. Bumalik na ang lakas ng kaniyang mga paa, nakaklakad na ulit siya, hindi man kasing bilis noon ay ang importante ay nakakapaglakad ulit siya, tila lahat ng bagay ay bumabalik na sa normal katulad nung bago ang aksidente, lahat pwera lang ang isa. Si Chino. Hindi na muli pang magiging magkasintahan ulit ang dalawa at alam iyon ni Francis.


Thinking about him again?” nakangiting tanong ng private nurse na si Paul Andrew Simmons o mas kilala sa tawag na Pol. Matiyaga itong nagaalaga kay Francis at matiyaga ring nakikipagusap dito, tila ba personal na misyon nito ang sirain ang pader na ginawa ni Francis sa pagitan niya at sa kaniyang mga magulang at kaibigan lalong lalo na kay Chino.


Yes.” matipid na sagot ni Francis, napangiti si Pol, naisip nito na at least nakikipagusap pa ito sa kaniya.


I'm starting to be offended, Francis. Here I am being flirty and spending extra hours in my bathroom before going here so I can be extra hot for you and all you can think about is Chino? C'mon, dude! I'm sure you're somehow or a little bit attracted to me.” nagbibirong simula ni Pol, alam niyang mas nakukuwa niya ang atensyon ni Francis sa tuwing nagiging flirt siya dito.


Tss! Don't flatter yourself!” singhal ni Francis sabay iling pero sa kabila nun ay nakikita ni Pol ang nagsisimulang ngiti sa dulo ng mga labi nito. Magbibigay pa sana siya ulit ng isa pang biro kay Francis nang biglang bumukas ang pinto na ikinagulat nilang dalawa.


POL!” sigaw ng isang lalaki na nuon lang nakita ni Francis, sa palagay niya ay hindi naman ito nurse at lalong hindi doktor pero sa palagay din ni Francis ay pwedeng maging modelo ito o kaya naman ay artista.


Panfi?! What are you doing here?” gulat na gulat at nagtatakang tanong ni Pol. Si Francis naman ay magkadikit kilay na ipinapabalik balik ang tingin kay Pol at sa lalaking tinatawag nitong Panfi.


It's Kiko, he's packing his stuff! He said he's leaving, I tried asking him why and tried stopping him but he only said that you know why and that I can't stop him. Pol, what happened? He looked like hell!” nagpa-panic at humihingal na sabi ni Panfi tila naman nabuhusan ng malamig na tubig si Pol dahil agad itong natigilan dahil sa sinabi ni Panfi, nagsisimula narin itong mamutla.


Pol?” tanong ni Panfi, nagaalala siya sa kaniyang kaibigan. Tila naman nagising si Pol sa pagtawag na iyon ni Panfi.


I- I have to go. Panfi, can you stay with Francis for a while? I'll be back as soon as I can.” nauutal at namumutla paring sabi ni Pol, tumango na lang si Panfi, hindi na nagaksaya ng oras pa si Pol at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto, nasa isip ang paghabol kay Kiko.



Gulat na gulat si Francis sa mga nangyari, isang minuto naglalandian sila ni Pol at tila isang kurap lang ay nagmamadali na itong lumabas ng kwarto niya, napailing siya, iniisip ang mga nangyari.


Sino kaya si Kiko? Bakit kailangang habulin ni Pol si Kiko?” tanong ni Francis sa sarili niya, sa sobrang pagiisip ay hindi nito namalayan na pinapanood siya ni Panfi.


What's your story?” tanong ni Panfi kay Francis na ikinagulat ng huli pero pinilit niyang huwag itong pansinin, dahil para sa kaniya ay wala naman itong pakielam sa buhay niya gayung ngayon lang naman sila nagkakilala.


Oh, you're the deaf and mute guy that Pol has been talking about. I thought you got discharged last week.” sabi ni Panfi, hindi alintana na may malaki siyang pagkakamali na ginagawa. Hindi ito muling pinansin ni Francis, wala sa lugar niya ang i-tama ang lalaking walang tigil sa pakikipagusap sa sarili niya dahil; unang una hindi naman sila close, pangalawa it's none of his business at pangatlo ay andun si Panfi para bantayan siya at tumulong sa kung ano mang kailanganin niya at hindi para makitsismis.


Sayang. Gwapo pa naman, bingi at pipi lang, pero pwede na rin.” nagulat si Francis sa narinig na iyon mula sa bibig ni Panfi, hindi niya mapigilang tignan ito na ikinagulat naman ni Panfi.


Oh shit.” bulong ni Panfi nang ma-realize ang kaniyang pagkakamali. Hindi napigilan ni Francis ang mapangiti.



0000ooo0000



Sa labas ng pinto ng kwarto ni Francis ay kitang kita ni Chino ang paglatay ng ngiti sa mukha ng kaniyang kaibigan. Di niya mapigilang matuwa sa nakitang iyon, ito ang ngiting madalas ibigay sa kaniya noon ni Francis sa tuwing nagkakasiyahan sila sa mga personal nilang biro. Wala sa sarili narin siyang napangiti at halos maluha sa tuwa, alam niya hindi magtatagal ay magkakaayos na sila at babalik na ang kanilang pagkakaibigan ni Francis sa tulong ng Lalaking kasama nito ngayon sa kwarto. Hindi niya kilala kung sino ito pero tatanungin niya si Pol tungkol dito at kung maaari ay i-re-request niyang lagi naring isama ang lalaking iyon sa tuwing pupunta siya kay Francis.


Nagulat na lang si Chino nang makaramdam siya ng malalaking kamay na bumalot sa kaniyang bewang.


Wow. Francis looks happy.” sabi ni Chris sa tenga ni Chino habang pareho nilang sinisilip si Francis at ang lalaki na nagtatawanan sa loob ng kwarto.


He sure does. He sure does.” sabi ni Chino.


Saglit silang natahimik ni Chris habang pinapanood ang tumatawang si Francis.


Chris?”


Hmmm?”


We're in the hallway, people can see us. Please let go of me.” singhal ni Chino.


Never.” balik ni Chris sabay hagikgik.


Asshole!” singhal ulit ni Chino.


I know and you love me for it.” balik ni Chris, napabuntong hininga na lang si Chino.


Yes, I love you.” balik ni Chino.


and I love you too.” bulong ni Chris sa tapat ng tenga ni Chino. Napangiti na lang ulit si Chino, hinayaan na lang nito na yakapin siya ni Chris kahit pa nasa gitna sila ng hallway at kitang kita ng madaming tao. Wala siyang pakielam.


Sa loob naman ng kwarto ay namumula parin sa pagkahiya si Panfi habang si Francis ay wala paring tigil sa pagtawa.


Dude! You should be careful about saying those stuff!” tumatawang sabi ni Francis.


I know, hey that was just me taking my chances. I thought you were deaf so I bravely gave you a compliment.” humahagikgik na sagot ni Panfi habang nahihiya parin.


Thanks for taking your chances with me, Panfi, it made me laugh.” humahagikgik na balik ni Francis.


Great! I gave a hot guy a compliment face to face for the first time and it only made him laugh.” umiiling na sabi ni Panfi pero di rin maitatanggi ang ngiti nito sa mukha.


Hey. Maybe this is just me Taking my Chances.” makahulugang sagot ni Francis, saglit silang nagkatitigan ni Panfi, nakuwa ni Panfi ang ibig sabihin nito at sa huli ay nagbatuhan na ng matitipid na ngiti ang dalawa.



Nung mga sandaling iyon, alam na ni Francis at Panfi sa kanilang mga sarili na magiging malapit sila sa isa't isa.




-wakas-




_____________________________
Taking Chances
epilogue
by: Migs

Comments

  1. hey guys! Ngayon na ang simula ng leave ko. wag kayong magalala, nag-schedule ako ng short stories sa blogger this weekend. maski wala ako or maski di ako naka OL ay may napos-post parin na stories. :-)

    Seven days lang. promise. :)

    Nga pala, Alam niyo naman na sa BOL ako nagsimula diba? At iba sainyo ay alam kung bakit ako tumigil sa pagpo-post dun. Well naulit nanaman ang insidente ng pambabastos, at ngayon mas masasakit na salita na ang mga sinasabi nila.

    Well siguro kahit papano nagpapasalamat narin ako sa nambastos sakin dahil nagkalakas ako ng loob na buhayin tong blog ko, kung hindi dahil sa kaniya baka isa na itong blog na ito sa mga blog na kumakain ng sapce sa blogger.com haha!

    Salamat sa patuloy paring pagsuporta sa blog ko. Hindi niyo alam kung pano niyo ako napasaya! :-)

    Seven days lang talaga ako mawawala, promise. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Migs!!!!!!!!!!!!!!!!

      GRABE TALGA TONG KWENTONG TO!!! :)) SUPER SALAMAT PO! ITO PO ANG PINAKAPABORITO KO PO SA LHAT NG KWENTO MO (so far..hehe..alam ko naman kasi may mas maganda pang sunod.hehe) Nga pala, Nixon here. adding you in a short while.hehe

      Review: 5-star lang naman!hehe! Pero sana nilagyan niyo pa ng konting conflict like akala ni Chris na si Francis ang pinili ni Chino nung kumawala xa sa kanya at pumasok sa kwarto kaya umalis siya sa ospital at di na nagpakita tapos..tapos..haha..(ayoko lang talaga kasi matapos na to eh. haha!)

      KuDOS po at good luck with your defense! Hinay2 lang po sa duties na 12 hours ha. ingat kayo lagi. :))

      -->nIX

      Delete
    2. daming drama =))))) sana gawan pa ng kwento si francis at kung pano sila nagkaayos ni chino at yung pagmomove on ni francis. :D yun sana eh

      Delete
    3. Curious talaga sa bill ni Francis.. Inpatient tapos Nursing home..Amazing ang benefit’s contract nito for sure.. Less OOP.. amazing story Migs..
      -smartiescute28@yahoo.com

      Delete
  2. nice story author. keep it up.


    taga_cebu

    ReplyDelete
  3. nice ending. it looks like it will be francis-panfi up next. though its kinda sad that pol and kiko are on the rocks.

    goodluck!

    rei

    ReplyDelete
  4. thanks mr. author for continuing to share your stories. just continue doing what makes you happy. antay lang kami ng mga update mo syempre may mga duties at responsibilities ka rin. basta ba may mga stories ka kahit matagal pa iyan mapost. hehehehehe


    ----januard

    ReplyDelete
  5. Galing galing mo talaga mr migz ^_^ i love your work so much ^_^ i love how you connect characters from the first book of love at its best up to the last ^_^ nagalsa balutan nanaman
    Si kiko? Bakit? Hahaha naks magkakalovelife na si panfi ^_^ i'll wait for your next work dfferent similarities ba un? Take care ^_^

    KV

    ReplyDelete
  6. You're stories made me smile while reading. Ahahaha...
    It's amazing how you're characters from different stories intertwined. Now it's Pol and Panfi from LAIB 4. Ahahaha...
    But, somehow the timeline got mixed up and made me confused. Sorry. Still, good job!

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete
  7. thanks author.. bitin sana may sequel ang story na toh... lage q inaabangan ung story muh... gud luck to keep up the good work...

    ------shonenempire----

    ReplyDelete
  8. And oh! You've mentioned that there will be a LAIB sequel, it might be Francis and Panfi as characters? What about Charlie? Eric and Mike from Breakeven 4?

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete
  9. Gee, I can't help but smile as well... I really could picture out the whole story, especially the last part.

    Cheers! This is really good! ☺

    ReplyDelete
  10. bitin ang ending!!

    haha..

    alam ko naman na sequel to eh..

    waiting for nxt story:

    francis and panfi love story :)

    thanks migs!! :)

    - ChuChi -

    ReplyDelete
  11. it is really a good ending migs! akala ko malulungkot na ako ngayong araw pero ito, nakangiti akong nagcocomment.

    naisingit pa talaga si pol at panfi. akala ko paghihiwalayin mo sila kiko at pol eh, pero i was wrong. mukhang may mabubuo na namang story dito =)

    about sa incident ng BOL gaya ng sabi mo "i rest my case" yaan mo na yun, ang importante may sarili kang blog at madami ka ng followers...magtatayo naba tayo ng sekta? may naisip akong pangalan..MIGUEL'S M2M STORY & SOFT PORN FELLOWSHIP hahahaha!! :D

    seriously, this story is a product of a brilliant mind. you know in this age where literature is at its lowest due to the fact that technology today has its ways to entertain people in many different aspects that reading stories is at the least most popular. you took a risk, take your chances in attempting to entertain people the way you wanted it to be; thru writing stories.

    you succeeded with your endeavors. for that, you EARNED my RESPECT and i admire your works, APPRECIATED every single ONE of them.

    migs, wag ka sanang magsawa sa pag gawa pa ng stories ha? aabangan ko parati ang mga sususnod mo pang gagawin =)

    again, congratulations and good luck sa career. more power! (",)

    ReplyDelete
  12. Naiinis ako di ako makapagcomment ng mahaba coz im just using my phöne. I arleady did finish my 1km comment and finally post it my browser suddenly exit. Fvck. Anyways, i'll thank na lang for this wonderful stories and do more to inspire us. I have noticed more new bloggers admired your kind of writing to the point they almost copying your styles.

    Great job and more power!

    ReplyDelete
  13. i really love the ending :) at least both of them is going to be happy na :)

    sana po matuloy nyo na ung ChasingPavements ;)

    good luck and God bless!!

    ReplyDelete
  14. Ang ganda naman migy boi... ganda nang ending masasabi kong may aabangan kaming storya ni Francis at panfi :D kilala kita eh.. >:O Gratz!!!

    ReplyDelete
  15. waaaah!! Tapos na!! ANG GANDA!!! SOBRA!!! Bitin parin kay chris at chino!!!!

    Congratz kuya migs!! Galing talaga!

    So its Panfi not Pol.

    At silang dalawa ang next na aabangan namin mula sayo kuya migs. Kakaexcite!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  16. oh my!!! Ngayon ko lang narealized!!!

    Si Pol nga pala ang bida sa LAIB 4 at kaloveteam nya ang paborito kong si KIko na sobrang nakakatuwa! As in! Naiisip ko pa lang ngayon eh tawa na ako ng tawa! Ang cute kaya ng kagaslawan ni kiko! Haha! At si panfi naman yung kalove triangle nila.

    Ang galing galing!!! Namiz ko tuloy yung LAIB 4!

    --ANDY

    ReplyDelete
  17. masakit mang isipin na nang dahil lang sa Misunderstanding ay humantong sa ganoon ang kanilang relasyon. kung naging malawak lang sana ang pasyensiya nila, isinantabi ang pride at sama ng loob marahil di iyon nangyari. lesson learned din iyon na lahat ng mga struggles na nangyayari sa ating buhay ay may katumbas na explanation, kailangan lang mapag-usapan to clear things out..

    Happy ako sa ending ng kwentong ito.. Masaya sila sa kani-kaniyang buhay.

    Acceptance! yan lang naman ang kailangan nati para manumbalik ang nawalang kasiyahan..

    Congratulation Migz! Idol talaga kita!

    Sana Magkaroon ng love story sina Francis at Panfi.. that would be great if meron nga..

    enjoy your 1 week rest! :)

    ReplyDelete
  18. kapag ang mga magulang nga naman ang manghimasok sa relasyun ng mga anak nila... d nila iniisip kung ano ang magiging kahihitnan ng panghihimasok sa buhay... minsan makasarili din pero alam natin na iniisip ang kapakanan para sa ikakabuti d nila iniisip na pede din ito mag bunga ng d maganda...salamat talaga sa story ng TAKING CHANCES..... ang daming aral na natutunan sa buhay...minsan ang nakaksira sa buhay ang panghihimasok ng parents....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  19. Bitin!!! I thought may steamy, rough sex on top of the table... wala pala hahaha... But I love the ending... everyone's happy and nice to hear from Kiko and Pol and Panfi for Francis? Nice pair... aabangan namin yan!Sorry nga pala ngayon lang nakapag comments... just came back from a long trip... Good luck sa career and promise 7 days lang ha! hehehe

    ReplyDelete
  20. This story. Ugh, well done Migs! Thank you for this beautiful story! Can't wait for the next one with Eric in it!

    ReplyDelete
  21. sobrang nice ng ibang level....ano na po ba ang update ng breaking boundaries at chasing pavements? hehe nagtatanong lang po...

    ReplyDelete
  22. bakit po prang bitin? heheheh.. medyo matagal ko na rin nabasa lahat ng story mu and it always makes me happy.. may story po ba si pol-kiko at francis-panfi? sana po meron.. PLEASE? *puppy eyes*
    gandang story btw :)))))))))))))

    ReplyDelete
  23. Excited much naman ako sa next sequel nito for sure and hope so, go PANfi and FRAncis LOVETEAM!!!


    ganda ng story super medyo bitin lang!!! keep it up author...

    BUNGKARAS!!!!


    -JP

    ReplyDelete
  24. wahh its really nice . I Love this story.. grabe sinubaybayan ko ang istorya mula sa umpisa.. napakaganda, napakagaling, nakakakilig at nkkamangha uber ! na dala rin ako sa emosyong dulot nito.. more stories like this pls! ngayon lang ako ng comment dito pero mtagal nkong reader nito :) keep it up kuya migs! ;) Godbless ..


    ` oliver ~_^

    ReplyDelete
  25. wow I hate you migs. ginawa mo kong addict.
    Addict sa pagbabasa ng mga stories mo.
    I cannot say a single word to describe it. hehehe.

    Well thank you very muuuuuch kz ngayon lang me na-excite ulit
    magbasa since college. Puro PsP and PC games nalang kz inaatupag ko.

    Congratulations for a nice work you have done.
    tee cee alwayz.

    ReplyDelete
  26. just finished my reading marathon and i just love it. I cant resist to smile because of the kilig factor.
    Kudos author

    ReplyDelete
  27. hey mr. migs, approved na approved talaga ang gawa mo.. :p

    ReplyDelete
  28. Teka lng, tlga bang nagins happr ending sila Pol at Kiko ng Love at it's best. at kailan nangyari yung tagpong iyun na nag pack ng things si kiko while pol is working parang wala naman akong matandaan sa story nila Pol at kiko na ganun huh

    hay naguguluhan tuloy ako, parang hindi ako satisfy kuya migs, at parang mahilig ka yatang mag bugay ng mga hanging questions. sana tuldukan mo nang happy ending ang kina pol at kiko, sayang naman kasi eh.

    ReplyDelete
  29. KUYA MIGS, YOU NEED TO EXPLAIN SA PART NILA POL AT KIKO!!!! ANO NA NAMANG DRAMA NILANG DALAWA AT NASALI PA ISLA DITO????????????????????????????????

    ReplyDelete
  30. Parang naging 'Pocket Book" yong tablet ko, haha. Kakabasa sa mga stories nila kuya Migs at Kuya Josh! The best talaga kayo mag-sulat ng mga stories. At eto pinakapaborito kong stoies ni kuya Migs. hehehe. I'm waiting na rin sa book 2 ng Different Similarities! Keep up the good work Kuya!

    ReplyDelete
  31. Nnabitin naman aq sa ending.. hahaha..
    pero ok na din..

    go author..
    more stories pa..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]