Saturday, February 25, 2012

Different Similarities 1[3]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Pinilit ni Eric makabawi mula sa pagkakapako ng kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan, sinimulan ni Eric na habulin si Pat. Kahit na sabihin ni Eric sa sarili niya na isang alaala na lang si Pat ay di parin makuwa ng puso ni Eric na wag itong pansinin. Isiniksik ni Eric ang sarili niya mula sa mga nagkakasayahang tao sa may bungad ng club at lumabas na gaya ng ginawa ng lalaking bumangga sa kaniya.



Sumisikip ang dibdib ni Eric, di siya makapaniwala sa kaniyang gagawin.




Dapat nakalimutan na kita diba? Dapat wala na akong nararamdaman sayo.” sabi ni Eric sa sarili niya may ilang metro na lang ang layo kay sa lalaking nakakuwa ng kaniyang atensyon. Iniabot nito ang kamay niya at inilapag iyon sa balikat ni Pat.



Pat.” tawag ni Eric dito. Agad na humarap ang lalaki, laking gulat ni Eric nang mapansing hindi pala si Pat ang kaniyang hinabol. Totoo, magkamukha sila, ang tanging naiba ay ang mga labi at ayos ng buhok at ang kulay nito pero hindi parin maikakaila na magkamukhang magkamukha sila ni Pat. Nangunot ang noo ng lalaking akala ni Eric ay si Pat.



I'm sorry.” bulong ni Eric dito sabay talikod at patakbong lumayo sa lalaking iyon. Nang marating na ni Eric ang kotse ay pasandal itong pumadausdos sa makinis na pintura nito at napaupo sa sahig ng parking lot.



Ilang segundo lang ay nakita niyang humahangos ang lalaking kamukha ni Pat, tinignan niya ito at nagtama ang kanilang mga tingin, ngumiti ito at lumapit kay Eric nang makalapit ay umupo ito sa tabi ni Eric.



Hi.” nahihiyang bulong nito sabay ngiti.



Taena, pati ngiti pareho sila ni Pat.” sabi ni Eric sa sarili niya di na lang ito sinagot ni Eric at ngumiti.


That guy must have made an impression on you huh? Yung Pat?” sabi nito sabay tingin kay Eric na miya mo nangigilatis. Tumango na lang si Eric.


So... is he someone special or something?” tanong ulit nito, tinignan ito ni Eric at ngayon siya naman ang nangilatis.


He's my ex.”


Oh, that figures.” sagot ulit nito.


I'm James Rosberto Ardinato by the way. They call me Ardi.” pakilala nito sabay abot ng kamay kay Eric.


Eric.”


Want to go somewhere else---?” tanong ni Ardi. Agad namang nagalangan si Eric. Mukha namang nakita ng huli ang pagaalangan na iyon sa mukha ni Eric kaya't agad itong ngasalita ulit.


I'm not a rapist or something. We can have coffee if you like or we can grab something to eat.” aya ulit nito, tumango si Eric at nagpaalam na may tatawagan lang, ngumiti na lang ito bilang sagot sa paalam na iyon ni Eric.


Hello.”


Helooowww. Hihihi.” sabi ni Ted sa kabilang linya na halatang may tama na sa kakainom.


It's me, Eric, Uhmmm Ted, kakain lang ako or something ah, babalik din ako agad, wag kang uuwi nang hindi ako bumabalik, di ka pwedeng mag drive ng gan---”


Asan ka?! Sinong kasama mo?!” halos pasigaw na nitong tanong ni Ted, tila nalusaw ang pagkalasing nito at muling bumalik ang pagiging protektibo nito sa step brother niya.


Ted, Don't worry. Saglit lang ako.” sagot agad dito ni Eric sabay baba ng telepono dahil alam niyang magpupumilit si Ted na sumama pero ayaw niyang paginatayin si Ardi.



Naglakad na ang dalawa papunta sa isang convenience store. Palakwento si Ardi, di alam ni Eric pero parang ang gaan agad ng loob niya dito, naging kumportable agad itong kausap ang huli at hindi rin nakaligtas kay Eric ang pambihirang pagkakatulad nito kay Pat sa madaming bagay. Hindi lang sila magkamukha ni Pat, pareho rin sila maglakad at magsalita, minus the british accent pero pareho sila ng punto. Gusto sanang tanungin ni Eric kung may kakilala o kamaganak si Ardi na Pat pero pinigilan niya ang sarili nang madako ang paguusap nila tungkol sa mga namatay na niyang magulang at ang pagtira niya sa Davao sa mga grand parents niya.



Alam ni Eric na malayo na, na maidikit pa niya ang pangalan nito kay Pat bilang nawawalang kamaganak dahil alam niyang wala pa ni isa sa angkan ni Pat ang nakakatuntong ng Davao.



So tell me about this guy called Pat.” gising ni Ardi sa aking pagmumunimuni. Biglng namutla at nawala sa mukha nito ang ngiti na kanina lang ay nakaplaster sa mukha niya habang nagkwekwento si Ardi.


Oh, an Ex and an asshole.” bulong nito sabay iling.


Pano mo nalaman?” tanong ni Eric. Inabot niya ang pisngi ni Eric at idinampi doon ang makinis at malambot niyang palad.


Nakita ko kung pano nabura ng tanong kong iyon ang ngiti sa mukha mo eh. Isa lang ang ibig sabihin nun.” nangingiting sabi ni Ardi napangiti ulit si Eric, hindi nito mintindihan kung pano nagawa ni Ardi iyon, kung panong napangiti siya nito sa kabila ng sakit na naramdaman mula sa pagkakaalala kay Pat.


So, bago ka dito? Bakit ka naman napadpad dito?” tanong ulit ni Ardi.


Maliban sa pagiwas kay Pat, naghahanap ako ng bagong trabaho.” sagot ni Eric tumango naman si Ardi.


What do you do?”


I'm an architect.” lumiwanag bigla ang mukha ni Ardi sa sagot ni Eric na iyon.


I think I can help you with that.” sabi ni Ardi sabay abot kay Eric ng isang calling card, agad niya itong binasa.



You're also—-”


Yup, just like you, we're one architect short, I'm sure our boss would like it if you will join our company.” sabi nito sabay ngiti.


You're cute when you smile like that.” sabi nito na ikinagulat at ikinamula naman ni Eric.


Awww! You're blushing! How adorable.” sabi ulit ni Ardi sabay akbay kay Eric at gulo sa buhok nito. Biglang nakaramdam ng kung ano sa dibdib si Eric. Tila ba nag jump start ang kaniyang puso.



0000ooo0000



San ka nakatira? Hatid na kita.” alok ni Ardi nang makabalik na sila sa harapan ng club kung saan nasa hindi kalayuan ang grupo nila Ted na masayang naguusap.


Wag na, actually may kasama ako ngayon, ayun sila oh.” sagot ni Eric sabay turo sa grupo nila Ted kay Ardi.


You're with them?” tanong ni Ardi sabay iling.


Yup, I'm staying with Ted hangga't di pa ako nakakakita ng work at hangga't di ko pa kayang magbayad ng rent para sa bahay.” sagot ni Eric, nang ibalik niya ang tingin kay Ardi ay namutla ito at yumuko.


OK ka lang, Ardi?” tanong ni Eric dito. Tumango lang ito.


Di lang kami magkasundo ni Ted. B-boyfriend mo ba siya?” agad namang nagulat si Eric sa tanong ni Ardi saka sa sinabi niyang magkakilala sila ni Ted at ang masama pa di sila magkasundo.


Ni Ted? Hindi ah--- straight yun! Saka kung hindi man siya straight eh hindi parin pwede kasi step brother ko siya.”


I'm just asking, well di kita masisisi kung main-love ka kay Ted. Anyway, nice meeting you, Eric, kita tayo tomorrow sa office, I'll be expecting to see you there.” sabi ni Ardi na muling lumiwanag ang mukha matapos ang paglilinaw niya sa relasyon nila ni Ted, saglit na ngumiti si Ardi at tila ba nagalangan pa pero sa huli ay nagbigay rin ito kay Eric ng isang friendly hug.


Nice meeting you too.” sabi ko dito sabay ngiti. Nang medyo makalayo na si Ardi ay may sumalubong ditong isang lalaki, nagtama ang tingin ni Eric at ng lalaki at agad na nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Eric kaya't iniwas na niya ang tingin niya sa lalaki saktong pagkatalikod ni Eric ay siya namang sulpot ni Ted sa kaniyang tabi.


Where were you?” tanong ni Ted may bakas ng pagkairita sa boses nito.


Ah, may nakita lang akong kakilala, kumain lang kami saglit.” sagot ni Eric dito tila naman kinagat iyon ni Ted.


Ah ok. Uwi na tayo?” tanong ni Ted sabay ngiti, halatang may tama na. Tumango na lang si Eric bilang sagot.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa apartment ni Ted ay wala paring sawa sa pagkwekwento si Ted tungkol sa nakakatawang nangyari kay Ant nang kumprontahin niya yung kasayaw daw kanina ni Rica sa bar, yun pala kapatid ni Rica yun, huli na daw nung marealize ni Ant na kapatid pala ni Rica yun. Kwento parin ng kwento si Ted hanggang makarating na sila sa kwarto ni Eric, humiga si Ted sa kama ni Eric nang hindi nagpapalit ng damit, si Eric naman ay nakapagpalit na kaya't hindi nagtagal ay nagpasya na itong magpahinga, wala paring tigil sa kakadaldal si Ted. Nang mahimasmasan na ito ay...



Ahhmm, Ted?”


Ummm?”


Pwede mo ba akong samahan bukas mag-apply?” tanong ni Eric.


Sure.”


Saglit na natahimik ang dalawa.


Eric?”


Ummm?”


Pwede dito makitulog? Inaantok na kasi ako eh, tinatamad na akong lumipat sa kabilang kwarto.” paalam ni Ted.



Bakit kailangan mo pang magpaalam eh bahay mo ito. Palit ka muna ng damit at baka mangamoy usok yung higaan ko.” balik ni Eric dito. Humagikgik naman si Ted at patuloy parin sa pagkwento. Habang hinuhubad ang damit na sinuot nung gabing iyon sa club.



Nang matapos sa pagbibihis ay muling nagsimula sa pagkukuwento si Ted, nakaharap ito kay Eric at gayun din si Eric sa kaniya. Nun lang ulit napagtanto ni Eric na talagang gwapo ang kaniyang step brother, ilang beses na pinigilan ni Eric ang sarili na abutin ang mukha ni Ted at halikan iyon. Iniisip niya na hindi magandang tignan na naghahalikan ang mag step brother at hindi niya rin kinalimutan na straight pa ang step brother niya na iyon. Di na namalayan ni Eric na tumigil na si Ted sa pagku-kuwento at napalitan ang pagdaldal nito ng mahinang paghilik.



Napahagikgik si Eric. Pumaling na ito patalikod kay Ted para matulog na din, malapit na siyang makatulog nang biglang may mabibigat na bagay na pumatong sa kaniyang tagiliran, isa sa kaniyang braso at isa sa kaniyang paanan, aalis na sana siya sa pagkakadantay ni Ted ng bigla siya nitong hilahin palapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit.



Dammit! ” sabi ni Eric sa sarili niya pero agad din siyang naging kumportable lalo na ng marinig niya ang mahinang paghilik ni Ted na miya mo nanghehele. Nakatulog siya nang hindi manlang umisod ng kaunti palayo kay Ted.



0000ooo0000


Nagising si Eric nang makaramdam siya ng matigas na bagay na tumutusok sa ksniyang likuran. Akala niya nung una nanaginip lang siya at naisip na baka si Ted lang iyon. Nang maisip niyang maigi ang nauna niyang naisip na iyon ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi panaginip iyon at alam niyang si Ted nga ang sumusundot na iyon sa kaniyang likuran. Naramdaman niyang ikiniskis pa ni Ted ang kaniyang pagkalalaki sa kaniyang likuran.



Shi-shit!” sabi ni Eric sa sarili niya. Hinila niy ang braso ni Ted na nakayakap parin sa kaniya at sinimulang yugyugin iyon.



Ted.” tawag ni Eric dito pero walang nagbago, ikinikiskis parin ni Ted ang pagkalalaki niya kay Eric at nararamdaman niyang lalo itong tumitigas.



Am I being sexually harassed here?!” tanong ni Eric sa sarili niya sabay nilakasan na ang pagyugyog sa braso ni Ted.



Ted.” wala paring nagbago.


Ted!” sigaw ni Eric. Agad namang napaupo si Ted at saglit na kinusot-kusot ang kaniyang mga mata.


Wha--!” sigaw nito, umupo narin si Eric at tinignan ng masama si Ted. Siguro nang magising na ang diwa nito at naisip na kung bakit siya tinitignan ng masama ni Eric ay agad nanlaki ang mga mata nito.



Oh Shit! Sorry, Eric!” sabi nito, halatang di na ito mapakali.



Shit! Shit! Shit!” sabi nito sabay tayo, matigas parin ang pagkalalaki nito at habang naglalakad ng pabalik balik si Ted ay para itong spring na pumapaling sa magkabilang direksyon.



Ted.” saway ni Eric dito pero di parin siya nito pinansin, tuloy parin ito sa paglalakad.


Ted!” sigaw na ni Eric dito, tumigil na ito at humarap sakaniya.



Eric, I'm sorry, di ko sinasadya. Wag mo akong isumbong kay tito, please. Di ko na uulitin.” parang bata itong nagmamakaawa nito. Napangiti na lang si Eric.



It's OK. Basta wag mo na lang uulitin ha? Sige na, matulog na ulit tayo.” sabi ni Eric dito, nagbuntong hininga ito at nagalangan kung sa tabi parin ba siya ni Eric matutulog o hindi na.



Sure ka na OK lang sayo na makatabi ulit ako?”


Well kung gusto mong sa kwarto mo na ikaw matulog, OK lang sakin.” sabi ni Eric dito, pero di na niya pinahalata ang pagkadismaya sa kaniyang boses. Sa totoo lang ang ilang oras na katabi niya si Eric ang tanging mga oras na solid siyang nakatulog ng hindi napapanaginipan si Pat, tinignan niya ulit si Ted, nagalangan ulit ito.



I think, mas mabuti kung sa kwarto ko na ako matutulog.” sabi nito. Tumango naman si Eric at ngumiti ulit, humingi pa ulit si Ted ng tawad at sinabi ulit ni Eric na OK lang yun bago ito lumabas ng kwarto ni Eric.



Nakangiti mang bumalik si Eric sa pagtulog, hindi nagtagal ay nagsimula ng dumaloy sa pisngi ang mga luha nito, muling bumida si Pat sa panaginip nito at wala siyang ibang narararamdaman kundi sakit kahit pa sa panaginip lang iyon. Ilang beses pa siyang ginising ng panaginip na iyon.



Itutuloy...


________________________________
Different Similarities 1[3]
by: Migs

15 comments:

  1. I know some of you are disappointed by the slow pace of the story, but i swear things will speed up by the fifth of sixth chapter. Bear with me, please.


    I will also try to post stories as often as possible. busy lang talaga.


    I will still appreciate comments and suggestions from you guys, so keep 'em coming. ^_^


    Shout out to my regular commenters like Revelation, MarqMarc, sir Josh and Mark Ryan and many others.I MISS YOU GUYS San nanaman ba kayo?! huhuhu!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Special Mention! Sorry po Miggy Boy... busy-busyhan lang hahaha... di lang talaga makakapag comments ng madalas... Basta gandahan mo story ni Eric ha! We are at the same field haha... talagang epal ko lang eh no? Pasensya na... Miss you!

      Delete
  2. The story is now getting exciting each chapter. The conflicts arises. New characters now revealed these made us confused and thinks who the hell is that guy that Eric chose over Pat.

    ReplyDelete
  3. the best ka tlg MIGS..

    ReplyDelete
  4. excited na talaga ako sa magiging love story nina Eric at Francis .. di ba karugtong ito ng Taking chances? correct me if i'm wrong Mr. Migz.. ( diba kinikwento ito ni Eric kay Francis lahat ng mga nangyari sa buhay niya? )

    hmmm.. napagaling mo talaga Migz.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nope it's this is NOT the continuation of taking chances, makki.

      Delete
    2. oh! ok.. paxenxa na po.. anonymous pa kasi yung lalaking kausap ni Eric about sa past niya.. kaya i jump into the conclusion na si Francis yun.. sorry po talaga.. :)

      Delete
  5. Okay, I'm losing track na. Fuck it, I'm just making myself dizzy lol. I don't really mind the slow pace of the story, actually. I kinda like it nga kasi this is my favorite so far and I don't want it to be over just like that.

    Pero yung pag-post ng updates worry me a bit, so will we be expecting a new chapter every 4-5 days? Unlike before which takes about 2 days each?


    Anyway! Good job!

    ReplyDelete
  6. hmmm mas nakakadagdag nga ng excitement ang slow pace ng story po eh...:), mas mapapatagal ang story..hehe

    ingat palage and Kudos sa work..:)

    keep it up..

    ReplyDelete
  7. naubusan na ako ng icocomment. Haha!

    Basta ang alam ko lang may bago akong fave!

    Ganda nito kuya migs, 3 chapters pa lng nahooked na ako.

    --ANDY

    ReplyDelete
  8. i know ur busy migs..tindihan nmin un..nice story

    ReplyDelete
  9. I think i already got the idea kung bakit ganun yung title. :D

    newbie here. Nice story.

    Kean :]

    ReplyDelete
  10. . . . hahahahaahahaha so cutie-naughty hahahahaah

    continue rading.....


    xoxo, A

    ReplyDelete