Monday, February 20, 2012

Different Similarities 1[2]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Hindi parin alam ni Eric kung paano nangyaring sinusundan niya ang sasakyan ni Ted papunta sa apartment nito, ang alam niya lang ay mas mainam na iyon kesa naman magpalipat-lipat siya ng motel at tuluyan ng maubos ang kaniyang natitirang pera, hindi rin alam ni Eric kung paanong ganun na lang din siya kabilis magtiwala sa kaniyang step brother gayung hindi malayong mangyari na kasing ugali din ito ng kaniyang ina.



I guess that is because I have no choice but to trust him.” bulong ni Eric sa sarili.



Ilang saglit pa ay tumigil na ang sasakyan ni Ted sa isang eskenita na puno ng tambay ang magkabilang tabi ng kalsada kung saan maraming street vendor, hindi maiwasang mapansin ni Eric na malayo ito sa magarang village na tinitirhan ng kaniyang ama.



Siguro nga hindi siya katulad ng kaniyang nanay.” sabi ni Eric sa sarili matapos kilatisin ang lugar. Bumaba na si Ted mula sa sariling sasakyan at binuksan ang isang gate, sumenyas ito na ipasok na ni Eric ang sasakyan nito at susundan siya nito pagkatapos. Tumango si Eric at ipinasok na ang kaniyang sasakyan sa maliit na garahe kung saan dalawang kotse ang masikip na magkakasya doon.



0000ooo0000



So this is it!” magiliw na sabi ni Ted kay Eric, si Eric naman ay hindi mapigilang mapangiwi. Nakuwa naman niyang hindi magarang tao si Ted ayon sa nakita nitong ebidensya kung saan nakatayo ang napili nitong tinitirhang apartment pero ngayon, alam na talaga niyang ibang iba si Ted sa kaniyang ina.



Sa loob ng apartment ay may isang lamesa at tatlong monoblock na upuan, kakaunti lang ang gamit nito sa kusina at may isang malaking sofa at maliit na TV na nakapatong sa maraming libro ang nasa sala. Hindi lang sa kakaunti ang gamit, medyo magulo din ang loob ng apartment at makalat. Ibinalik ni Eric ang tingin niya kay Ted, nun niya lang nalaman na nakatingin pala ito sa kaniya at iniintay ang kaniyang magiging reaksyon.



I'll give you a grand tour of the place first.” excited na sabi ni Ted kay Eric sabay hila dito papunta sa sala na ilang hakbang lang naman ang layo mula sa kanilang kinatatayuan.


Well this is our living room, as you can see there's a very comfortable sofa and a colored TV over there, errr that's about it.” sabi ni Ted sabay namula, sa palagay ni Eric ay unti unti na itong tinamaan ng hiya.


Next is our dining room, originally there are four monobloc chairs here but a friend of mine broke it while playing strip poker.” humahagikgik na sabi ni sabi ni Ted, napaisip naman bigla si Eric tungkol sa sinabing iyon ni Ted, naisip nitong panong nasira ang upuan kung naglalaro lang naman ang mga ito ng strip poker.


Unless they're a violent lot, there's still time, Eric, you can still back out!” sigaw ng isang bahagi ng isip ni Eric pero agad ding nalihis ang iniisip niyang iyon nang bigla ulit siyang hilahin ni Ted.


This is our kitchen, a stove where you need a match to light, a microwave and a fridge.” nakangiting sabi ni Ted, hindi pa man nalilibot ni Eric ang kaniyang tingin sa buong kusina ay muli siyang hinila ni Ted, asa bungad sila ng isang hindi kahabaang hallway, may tatlong pinto doon, dalawa ay halos magkaharap at ang pangatlo ay nasa pinakadulo ng hallway.


What's your name, Sir?” tanong ni Ted na ikinagulat ni Eric, nagiba ang boses nito, naging ka boses nito ang voice prompt sa palabas na 'the price is right' pero kahit pa ganun ay nakisakay na lang si Eric sa larong iyon ni Ted.


Err... Eric---”


Eric! There are three doors in front of you, one of those three will be yours for as long as you want to stay and one is my room and the other is the bathroom, so Mr. Eric what will it be?” nakangiting sabi ni Eric, agad na natameme si Eric, napatitig ito sa mga ngipin ni Ted, pantay pantay at mapuputi, hindi niya inaasahan na ganung kalapit na pala ito sa kaniya.


Well? Choose a door, Sir Eric.” sabi ni Ted at muling ngumiti sa kaniya, tila ba isang TV host na pinipilit siyang buksan ang pinto kung saan nandun ang limpak limpak na papremyo.


Err, door number one?” hindi parin siguradong sagot ni Eric, napangiti lalo si Ted.


ENGGGGGGG!” sigaw ni Ted, pilit na ginaya ang isang bizzer na tila ba nagkamali ang contestant sa kaniyang sinagot.


Aww! Sorry but that's my room.” balik naman ni Ted sabay hila kay Eric.



Just right across my room is your new room, it has been vacant for years now and I don't mind you using it, the door to your left is our bathroom.” sabi ni Ted sabay bukas ng pinto. Napanganga si Eric, hindi naman sa nakakadiri ito pero hindi rin ito malinis. Hindi nakaligtas kay
Ted ang reaksyon na iyon ni Eric.


I know it's not much but I---” umpisa ni Ted habang nagkakamot ng ulo, nakita niya kasi ang reaksyon ng mukha ni Eric at alam niyang nadidiri ito sa apartment niya dahil sa pagiging makalat nito.


It's more than enough, Ted. Before I forget I would like to thank you now, but---” bago sabihin ni Eric ang salitang 'but' ay may malaking ngiti na nakaplaster sa mukha ni Ted pero agad din na nawala iyon nang sabihin ni Eric ang salitang iyon. “---but I have something to tell you first---” tuloy ni Eric pero sumingit ulit si Ted at nagmamadaling sinabing...


I know the place is messy and all but I think this is better than renting a room for hours and spend all your money--- ” kinakabahang depensa ni Ted, sinabi niya ito ng isang hingahan lang na ikinangiti naman ni Eric. Nun lang naalala ni Eric na nun lang ulit siya ngumiti ng ganun sa loob ng isang buwan. Ang totoo niyan medyo nadudumihan at naguguluhan nga si Eric sa apartment ni Ted pero hindi niya iyon sasabihin kay Ted dahil sa totoo lang, si Ted lang ang nagmalasakit sa kaniya sa loob ng isang buwan partida na at nun lang sila nagkakilala, kaya't sinabi na lang ni Eric ang sunod sa listahan ng mga alam niyang magiging problema nila. Ang kaniyang sekswalidad.


No, I don't mind the mess, Ted. Uhmmm what I want to talk to you is something personal that I don't want to keep secret. I've kept it secret before and it blew up in my face like a thousand bee sting so before I lose my nerve please let me finish.” nakangiti paring sabi ni Eric pero unti unti ring nabura ang ngiting iyon dahil sa kaba. Nagbuntong hininga si Eric at seryosong tumingin sa mga mata ni Ted.


I'm gay, Ted and if were going to have problems because of my sexuality might as well say it now.” pabulong at nakayukong sabi ni Eric kay Ted. Matagal bago sumagot si Ted kaya naman dahan dahang nag-angat ng tingin si Eric nakita niyang nakakunot ang noo ng kaniyang step brother, tumalikod ito na ikinakaba naman lalo ni Eric, umupo ito sa sofa na para bang hindi naman kabigatan ang kanilang pinaguusapang dalawa.


You need a place to stay and I'm not just going to throw you out because you like guys.” sagot ni Ted sabay kibit balikat. Saglit namang naguluhan si Eric pero nang pumasok na sa kukote niya ang sinabi ni Ted ay muli siyang napangiti.


So anong plano mo?” tanong ni Ted sabay itinaas ang kaniyang mga paa sa coffee table sa tapat ng sofa at binuksan ang T.V. Napangiti ulit si Eric, alam niya na agad na magkakasundo sila ni Ted.


Hanap ako ng trabaho and then kapag sinuwerte at least maghahanap muna ako ng place---”


You don't have to do that, you can stay here as long as you want, makakatipid ka na hindi mo pa kailangang ma-stress maghanap ng magandang lugar.” alok ulit ni Ted, sasagot na sana ulit si Eric nang biglang mag-alarm ang telepono ni Ted.


Oh shit!” singhal ni Ted.


Wha---?”


I almost forgot! Magbihis ka, punta tayong party!” sigaw ni Ted sabay patakbong pumunta sa isa sa mga kuwarto.


Ha? I don't think---” umpisa naman ni Eric habang sinusundan si Ted papunta sa kwarto nito, naabutan niya itong naghuhubad ng damit pangitaas, di mapigilan ni Eric na matahin ang katawan nito. Halatang banat sa gym ang kaniyang step brother.


Hey, you're new here, you should be meeting new people, di mo alam baka ilan sa mga makikilala mo sa party eh makatulong sayo makahanap ng work.” sabi ni Ted habang inaamoy ang kilikili.


Ewww! Straight boys are the grossest thing.” bulong ni Eric sa sarili matapos ikibit balikat ni Ted ang amoy ng kilikili niya.


I think I'm going to pass---”


No you wont. Go get dressed!” sigaw ulit ni Ted habang nagmamadaling nagpahid ng deodorant at nagsuot ng isang t-shirt, sa sandali ding iyon ay pareho nilang narinig ang pagkatok sa front door.


I'll get it.” alok ni Eric para narin makaiwas siya sa pangugunlit ni Ted at sa palihim naring paninilip na ginagawa niya.



0000ooo0000



Who the hell are you?!” singhal ng lalaking pinagbuksan ng pinto ni Eric, hindi niya akalain na ang masasamang loob sa lugar na iyon ay simpleng kumakatok lang ng pinto. Agad na nakaramdam ng takot si Eric, hindi siya natatakot manlaban sa mga may masasamang loob pero sa laki at tindig ng lalaking asa harapan niya ngayon ay talaga namang kahit si Vin Diesel ay matatakot sa porma nito.


Halos kasing laki ng troso ang braso nito, kahit may kaluwagan ang damit pangitaas ay maaaninag mo ang malabatong muscles sa dibdib at tiyan nito at ang laki nito ay siguradong ikatutupi ng mga basketbolista.


Hey Ant! We'll be ready in a minute!” sigaw ni Ted sa likod habang isinusuot ang isang pares ng pantalon, hindi makagalaw si Eric sa kinatatayuan, daretso namang pumasok si Ant, tila ba hangin lang para sa kaniya si Eric.


Hey, who's your new maid?” tanong ng lalaking nagngangalang Ant sabay hagikgik, agad namang nagising sa pagkakatigil si Eric, agad na namula ang mga pisngi niya at tinamaan ng hiya.


Oh, he's Tito Henry's son. ERIC! Come here!” sigaw ni Ted, agad na sinara ni Eric ang front door at tumuloy sa kwarto ni Ted, unti unti na niyang nararamdaman na taga silbi nga siya sa bahay na iyon.


Eric this is Anthony, but we all call him Ant, Ant this is my step brother, Eric.” nagtama ang tingin nila Eric at Ant, nun lang napansin ni Eric ang mala totoy na itsura ni Ant, hindi naman ito pangit sa katunayan nga ay nacute-an si Eric dito.


Nice to meet you, Eric.” bati ni Ant sabay ngiti. Hindi parin makapagsalita si Eric kaya't inabot na lang niya ang kamay kay Ant para kamayan ito, nagulat na lang si Eric nang bigla siya nitong yakapin at halos pipitin sa pagitan ng matipunong dibdib nito at malatrosong kamay.


Oh and he's a hugger. HEY! I told you to get dressed!” sabi ulit ni Ted sabay hila kay Eric mula sa mahigpit na yakap ni Ant at itinulak ito papunta sa mga bag ni Eric, bago pa man makaprotesta si Eric ay hinalungkat na ni Ted ang mga bag niya at naghanap ng damit para dito.


Wow you got nice clothes.” sabi ni Ted habang iniisa isa ang mga nakatuping t-shirt.


Please don't throw them all over the place, Ted. Geesh! If I had known that you're such a manipulative bastard sana tumanggi na lang ako sa alok mo.” singhal ni eric habang hindi mapakali sa pagpulot ng mga damit niyang basta na lang initsa ni Ted, natigilan siya nang mapansing pinapanood siya ni Ant agad siyang kinilabutan lalo na nang ihilig nito ang kaniyang ulo pakaliwa na kala mo kindergarten na nagtataka sabay pakawala ng isang nakakalokong ngiti.


I think these will do.” sabi ni Ted sabay tulak ng isang t-shirt at pantalon sa dibdib ni Eric bilang sabi na 'isuot mo 'to' tinignan ni Eric ang mga iyon at naglakad papuntang kwarto para magbihis.



0000ooo0000



Nang lumabas si Eric ng banyo ay hindi na nagaksaya ng panahon si Ted at Ant at itinulak na ito papasok ng kotse. Hindi naman mapakali si Eric lalo na't hindi niya parin alam kung san sila pupunta sa sobrang pagkabahala ay hindi niya napansin ang paminsan minsang pagtingin ni Ted sa rear view mirror at ang masuyong pagngiti nito pagkatapos.


Napanganga si Eric nang tumigil sila sa isang kilala at mamahaling bar. Isang beses pa lang nakapunta doon si Eric pero hindi siya nagtagal doon dahil sa mahal ng inumin. May mahabang pila sa labas ng bar at nagtaka agad si Eric nang hindi na nagaksaya ang dalawa na pumila doon, tumabi ang bouncer na pwedeng ikumpara sa katabi niyang si Ant at pinapasok na sila sa loob ng bar ng walang sabi sabi.



Abala si Eric sa kakalingon nang bigla siyang akbayan ni Ant at marahang hinila papunta sa isang lamesa kung saan may ilang tao na andun na mukhang kilala ni Ted at Ant.



Kaibigan mo lahat sila?” tanong ni Eric kay Ted. Humagikgik naman si Ted.



Bakit di ba halata? Mababait yang mga yan, mukha lang mga snob pero mga totoong tao yan kapag nakilala mo.” sabi ni Ted sabay hagikgik ulit, dahil sa pagkaabala ng dalawa ay hindi na nila napansin ang pagupo ni Ant sa isang bakanteng silya at nagsimula nang magkuwento sa grupo. Sumunod si Ted at Eric, nung aktong 'yon ay naabutan ni Eric ang sinasabi ni Ant.



So I was saying, Rica and I are together again.” sabi ni Ant, wala namang reaksyon ang mga taong kasama nilang nakaupo, tila ba hindi na ito balita sa kanila.



So where's Rica the Slut?” tanong ng isang lalaki na nakaupo sa bandang kanan ni Eric na nagngangalang Mervin ayon kay Ted. Nang ibalik ni Eric ang tingin kay Ant para makita ang reaksyon sa mukha nito ay di na ito nagulat nang makita niyang nanlilisik ang mga mata nito, natakot si Eric nung una pero agad napalitan ang tingin na iyon sa mukha ni Ant, ngayon tila ba maiiyak na ito at nagmamakaawa.



Please don't call her that. She's just friendly.” pagmamakaawang sabi ni Ant, nagulat si Eric, hindi nito inakalang isang ganung kalaking lalaki katulad ni Ant ay sensitive pala.



Friendly?! C'mon Ant! You deserve better.” sabi naman ng isang babae dalawang silya ang layo sa kinauupuan ni Eric na nagngangalang Sheena. Tinignan ulit ni Eric si Ant, ngayon nangingilid na ang luha nito at naka nguso na ang mga labi.



Ant is the group's cry baby. Lagi yang ganyan, di yan nagagalit at miya mo bata kapag sinita, iyakin. Si Mervin is the group's resident asshole, Sheena is the resident bitch, Tina is the resident idol and sweetheart, while Cameron is... well Cam. Hehe.” bulong ni Ted kay Eric na matamang pinapanood ang mga kaibigan ni Ted.



Eh ikaw?” tanong dito ni Eric sabay inom ng inorder na inumin..



Oh, he's the resident fag.” sabat ni Mervin, naibugha naman ni Eric ang kaniyang ininom sa sinabing iyon ni Mervin.



He's joking.” sabi ni Ted sabay tawa nagtinginan naman ng masama si Mervin at Ted sa huli ay nagkibit balikat na lang si Mervin at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan kay Sheena at Cam.



I'm the group's resident Mr. Congeniality.” sabi ni Ted sabay flex ng biceps, stomach in at chest out. Napahagok naman si Ant sa sinabing iyon ni Ted na ikinatawa naman ng buong grupo.



Where the hell is Rica?” tanong ni Ant sa grupo, napahagikgik naman ang mga ito.



She's giving some guy a lap dance over there.” turo ni Sheena sa isang lamesa sa hindi kalayuan. Tumayo si Ant at nanggagalaiti ang mga muscles sa galit.



Sa grupo lang cry baby si Ant pero sa labas ng grupo, siga yan.” sabi ulit ni Ted.



Yeah, remember what he did to Ross?” tanong ni Cam. Tumango naman si Mervin habang umiinom ng kaniyang beer.



Yeah, I thought Ant's going to rip that assholes face. I guess he saw that coming after what he did to our resident Mr. Congeniality.” sabi ni Sheena sabay nguso kay Ted, nakita ni Eric na namutla si Ted at sandaling nag tense ang panga nito.



Uhmmm Who's Ross?”



He's Ted's ex---” umpisa ni Tina.



ex- bestfriend.” mabilis na pagtatapos ni Ted sa sasabihin sana ni Tina. Nagtaka naman si Eric sa biglaang pagiba ng kinikilos ni Ted. Tinignan ni Eric si Tina at nagkibit balikat lang din ito, hindi na nito tinanong pa si Ted at ikinibit balikat na lang din niya iyon.



Let's dance!” sigaw ni Tina, isa isang nagsitayuan ang mga ito, hinila naman ni Ted si Eric para magsayaw rin pero nagpaalam itong mag c-CR muna at susunod na lamang, tumango ito at ngumiti.



Pero hindi sa CR tumuloy si Eric, lumabas ito ng club para magpahangin. Malapit na sa pinto ng club si Eric ng biglang may bumunggo sa kaniyang likuran, tinignan niya ang mukha nito at biglang napatigil at nanlambot si Eric.



Pat.”


Itutuloy...



____________________________________
Different Similarities 1[2]
by: Migs

9 comments:

  1. Alam ko na may kabagalan ulit akong mag-post at maykabagalan din ang storya, at dahil dun, pasensya na guys. Promise, may importansya 'to sa kabuuan ng story.


    AS PROMISED, I'm going to conduct a poll.

    Ano ang mas gusto niyo?

    a. First person POV or
    b. Third person POV.


    ito pa isa.


    A concerned reader emailed me last Saturday, ayon sa nag email he doesn't like how i end my stories dahil bitin daw, ang sagot ko naman kung hindi ko tatapusin ang storya sa ganung paraan ay malamang hindi na matatapos pa ang story, andyan ang dugtungan ko ng dudugtungan ang storya na sa hindi na kasali sa orihinal na takbo ng story, hanggang sa maboryo na kayo o kaya naman tuluyan ng mawala sa storya ang mga susunod na chapters (ito ang dahilan ng mga hindi natatapos na story, iba dyan sa sobrang haba na at sa sobrang gulo ay hindi na alam kung pano tatapusin, ito ang sinasabi noon ni Rebelation).

    Rebelation! asan ka na! huhuhu! IMY!


    At dahil dyan ay muli akong humihingi ng suggestions kung pano ko mapapabuti ang mga pagtatapos ng bawat story o mas maganda ay kung pano ko mapapabuti ang pagsusulat,

    email niyo lang ako sa... miguisalvador@yahoo.com


    ENJOY!

    ReplyDelete
  2. kahit ano anggulo ng story mo maganda naman ang laman nito.....pansin nga na d mabilis ang pag update pero sa akin ok lang... kasi alam ko naman na minsan ikaw ay busy din... d lang sa pag susulat... i always read ur story....kaya palagi ko binibisita ang site mo...para mag basa at makalimot minsan sa mga problema... god bless you migs...ngayun naman na kinikilig na namn ako sa story ni eric....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  3. eto ang choice ko:


    C. no actions taken.


    nasimulan na eh..

    sayang naman kung babaguhin pa at baka malito ang ibang mag babasa

    :)

    - ChuChi -

    ReplyDelete
  4. You don't need to ask us. People will get over it. Yeah, I realized that updates are a bit slow. I hope it's just for the meantime!

    Liking the story so far, very unexpected and it takes you to new places! Good job!

    ReplyDelete
  5. i'll go for First Person POV.

    kasi mas mararamdaman mo ang paglalahad ng saloobin nito..

    ---

    Discreet gay din pala si Ted.. hmm.. mukhang magkakasundo nga sila ni Eric.. ( i think thay're not Half Brothers.. baka anak siya sa unang asawa ng Mom niya.. so may posibilidad nga sila ang mgka tuluyan.. aww.. that would be awesome!)

    :)

    ReplyDelete
  6. another great story from a great author.

    Cant wait for the next chapter.

    Galing kuya migs!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. Hey Mr. Author! :) Sa dami ng stories mo (which I think that all of them is well appreciated), you should just trust your instincts :) Mahirap kasi gawin ang isang bagay kapag napipilitan ka na gawin yun --- at gagawin mo yun just to please others. You're at your best, Mr. Author, so ituloy mo lang yan. Your flair for writing comes out naturally, kaya trust your judgments :) As for the POV, kung ano sa tingin mo yung mas okay para sa ikakaganda ng story, then go lang. Love you, Author :)

    ReplyDelete
  8. Do as what it pleases u. Its okay with me. Whatever POV it is I'm still enjoying your writings. Goodluck.

    ReplyDelete
  9. Ok na yung style of writing mo! :) And iiyak na naman kaya si Eric? Who will be his saviour???

    hmmmm.
    Cheers!:)

    ReplyDelete