Sunday, February 26, 2012

Different Similarities 1[4]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Tahimik lang si Ted nang magkita sila ni Eric sa may kusina nung sumunod na umaga, halatang nahihiya parin ito sa nangyari, nakayuko lang ito at laging iniiwas ang tingin kay Eric, kung hindi lang sana si Ted ang kaharap niya ngayon ay baka nainis na si Eric sa ginagawa nitong pagiwas sakaniya. Napilitan pa si Eric harangin ito nang bigla itong tumayo para iwasan siya.



Ted. Sabi ko naman sayo OK lang yung nangyari kanina diba?” simula ni Eric, para makuwa ni Ted na OK lang talaga kay Eric ang nangyari ay nginitian pa niya ito, alam niyang nakita ni Eric ang pagngiti niyang iyon pero agad nitong iniwas ang tingin kay Eric.



Tumabi si Ted at nilagpasan si Eric sabay maglalakad na sana palayo ng pigilan ito ni Eric.



Look, Ted. Kung nahihiya ka kasi ayaw mong malaman ng barkada mo ang nangyari, hindi ko naman sasabihin sa kanila eh. Alam ko namang straight ka at may pinangangalagaan kang reputasyon sa mga chicks mo kaya di ko ipagsasabi, OK?” simula ni Eric sa wakas ay nagtama na ang kanilang mga tingin, saglit na nangunot ang kilay ni Ted saka nagbuntong hininga.



Di naman sa ganun, Eric. Ang totoo niyan---” nagbuntong hininga ulit ito. “The truth is, I'm also gay, nahihiya ako sayo kasi nahihiya ako kay Tito Henry, baka sabihin niya pinatira kita dito para galawin ka.” sagot ni Ted. Nagulat naman si Eric sa mga sinabi ng step brother niya. Ilang saglit pa ay napatawa si Eric na ikinainis naman ni Ted.



Seryoso ako, Eric!” sabi ni Ted sabay suntok sa braso ni Eric, pinipigilan narin nito ang mapatawa.



Sorry. Kasi naman ikaw eh, kung gagalawin mo ako di ako magsusumbong kay Daddy. At bakit mo naman naisip na itago sakin ang sexual orientation mo? Tingin mo ba huhusgahan kita?” sabi ni Eric dito sabay tawa at sinuntok ulit ni Ted ang braso ni Eric at napatawa narin.



So...”



We're good, Ted. Please, wag ka ng iiwas sakin? Isa ka sa pinakamalapit kong kaibigan dito sa lugar na ito and I can't afford to lose you, ok?” pakiusap ni Eric dito, nagulat na lang ito nang yakapin siya ng mahigpit ng kaniyang step brother.


The truth is your all I have right now, Ted.” bulong ni Eric sa sarili niya. Hindi niya makuwang sabihin ito kay Ted dahil ayaw iyang kaawaan siya nito.



0000ooo0000



Habang nasa biyahe sila ni Ted ay tila bumalik na ito sa dati wala parin itong tigil sa kada daldal tulad nung nakaraang gabi, sa totoo lang isa ito sa pinaka gusto ni Eric kay Ted, tama ngang 'Mr. Congeniality' ang alias nito sa grupo nila, kahit sino sigurong makaharap nito ay magiging kumportableng makausap siya.



What the hell?!” sikmat ni Ted nang sinabi ni Eric na itigil ang sasakyan sa harapan ng building na nakalagay sa calling card ni Ardi.



Yup this is the place. Why?... Hey!” sigaw ni Eric nang agawin ni Ted ang calling card sa kamay niya. Agad namutla si Ted nang matapos basahin ang nakalagay sa calling card. Inagaw ulit ito ni Eric.



What's wrong?” tanong ni Eric sabay itinago na sa kaniyang bulsa ang calling card sa takot na agawin ulit ito sakaniya ni Ted.



Don't go, that guy is trou---” di na natapos ni Ted ang sasabihin niya dahil nakita ni Eric na dumaan si Ardi sa harapan ng kotse ni Ted. Di sila napansin ni Ardi dahil abala ito sa kakatext.


That's him! See you later, Ted! Wish me luck!” excited na sabi ni Eric sabay yakap at baba ng sasakyan, sa sobrang excited ay hindi na napagbigyan ni Eric na sumgot si Ted.



NO! Eric wa---!” pero hindi na pinansin ni pa ni Eric si Ted dahil alam nitong wala nang oras para at malamang male-late lang siya sa paga-apply niya.



Patakbong lumapit si Eric kay Ardi na abala parin sa pagtetext. Di naman maintindihan ni Eric kung bakit siya biglang tinamaan ng hiya, napagpasyahan niyang sundan na lang ito kaso huli na dahil bigla itong tumigil at masyadong malapit si Eric dito kaya naman di nito sinasadyang bumunggo dito.



What the he--!” sikmat nito pero ng makita ni Ardi kung sino ang bumangga sa kaniya ay agad lumatay sa mukha nito ang ngiti.



Eric!” sigaw nito, hindi na napigilan ni Eric ang mapangiti din, para naman itong nabunutan ng tinik dahil naaalala pa siya ng huli pero ang di inaasahan ni Eric ay ang pagyakap nito sakaniya.



It's good to see you again! Are you here for the job?” tanong ni Ardi, hindi maitatago ang tuwa sa mga boses nito, tumango na lang bilang sagot si Eric dahil tinamaan na ito ng hiya.



Halika, samahan kita sa office ng boss ko.” sabi ni Ardi sabay excited na hila kay Eric, nakaplaster parin ang ngiti sa mukha nito.



Halos kaladkarin na ni Ardi si Eric papunta sa mga elevator, medyo maraming nagiintay sa lobby na iyon para sa mga elevator, panandaliang iginala ni Eric ang kaniyang mga mata para naman maiwasan niyang titigan si Ardi samantalang ang huli ay bumalik sa pagtetext, hindi parin mabura ang ngiti nito sa mukha habang nagtetext at ang paminsan minsan nitong pagsulyap kay Eric, kada sulyap ay lalong lumalaki ang ngiti nito. Ibabalik na sana ni Eric ang mga ngiti nito nang mapasulyap siya sa isang lalaking nakatitig sa kanilang dalawa ni Ardi.



Gwapo sana ito kung hindi lang masyadong nakakunot ang noo nito. Tila naman may rumehistro sa isip ni Eric na nakita na niya ang lalaking iyon pero hindi niya maalala kung saan.




0000ooo0000



Kinakabahan si Eric habang nagiintay na tawagin sa loob ng opisina ng boss ni Ardi, tinawag na ng sekretarya si Eric para pumasok na sa loob ng opisina, nanlaki ang mga mata ni Eric nang mabungaran ang lalaki kanina sa may lobby na nakatingin sa kanila ni Ardi sa likod ng isang lamesa, isang pangalan ang nakalagay sa lamesa nito na nagsasabing ito ang boss ni Ardi. Masuyo siya nitong pinagmasdan at pinaupo na sa isang silya nakalaaan sa harapan ng lamesa.



Thank you, Sir.” bulong ni Eric sabay upo.


I'm Alvin Montreal, head of the ---uhmmm-- can I see your CV?” kinakabahang sabi ni Alvin na ikinataka naman ni Eric.


Ahmm sure.” sagot ni Eric sabay abot ng kaniyang mga dokumento. Tumango tango ang boss ni Ardi at ngumiti.


Uhmm you have a very impressive work background.” sa unang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga tingin at binigyan siya ni Eric ng isang nagpapasalamat na ngiti, lalong hindi napakali si Alvin, natabig pa nito ang tasa ng kape sa kaniyang tabi na muntik ng ikatapon nito. Ikinibit balikat na lang iyon ni Eric.


So san mo narinig ang tungkol sa company namin?” nahihiya paring tanong nito kay Eric.


From a friend, he's one of your junior architects here---”


Who's this friend of yours and I will thank him for referring our company to a very skilled architect like yourself.” bulalas ng boss ni Ted na ikinagulat ni Eric, nun pa lang kasi ang unang pagkakataon na nakita niya itong kumilos na para talagang isang boss. Hindi nahihiya at tila ba excited sa huling sinabi ni Eric.


James Ardinato---” nangingiti ngiting simula ni Eric, agad na binura ni Eric ang ngiting iyon sa kaniyang mukha dahil naisip niyang marahil ay nagmukha siyang isang batang babae na kinikilig habang inaamin ang pangalan ng kaniyang crush. Nagtaas ng tingin si Eric upang tignan kung napansin iyon ni Alvin.



Biglang nagiba ang tabas ng mukha ni Alvin, tila ba may nasabing hindi maganda si Eric.



Excuse me---?” simula ni Alvin pero agad ding naputol iyon nang may kumatok sa pinto at pumasok si Ardi. Humarap sa gawi ng pinto si Eric kaya't hindi niya napansin na biglang nagtense sa kaniyang kinauupuan si Alvin.


Saglit na bumalot ang katahimikan sa pagitan ng tatlo, unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ni Ardi lalo na ng makita niya ang reaksyon ni Alvin. Saglit na nagtitigan ang dalawa, hindi ito napansin ni Eric dahil nakayuko ito at nahihiya sa pagdating ni Ardi. Si Alvin narin ang bumasag ng katahimikan at malamig na nagsalita ulit.



I'll call the HR department later, they will call you for contract signing. We're done here. Excuse me I have work to do.” sabi ni Alvin, tumayo at pinagbuksan si Eric ng pinto, nagulat naman si Eric sa agarang pagpapaalis sa kaniya pero ikinibit balikat niya na lang iyon katulad ng hindi na niya pagpansin sa pagbabago ng ugali ni Alvin. Tumayo na si Eric at sinusundan siya ni Ardi palabas ng pigilan ito ni Alvin.


Mr. Ardinato, can you please stay for a while we have to talk about your last project.”


Natigilan si Ardi si Eric naman ay tumingin sa pagitan ng dalawa, nun niya pa lang napansin na may kakaibang kinikilos ang dalawa at yun ang aalamin niya mamaya kay Ardi. Tumingin si Ardi kay Eric at bumulong.



I'll meet you at the lobby in ten minutes. Saglit lang 'to, I promise.” sabi ni Ardi sabay ngiti, hindi naman mapigilan ni Eric ang sarili na ngumiti at wala sa sariling tumango. Naglakad na papunta sa gawi ng elevator si Eric kaya't hindi niya narinig ang malakas na pagtatalo mula sa opisinang kanina lang ay kinaroroonan niya.



0000ooo0000



Masaya si Eric habang nagiintay kay Ardi sa may lobby, sa wakas ay naiaayos na niya ulit ang kaniyang buhay, at sa unang pagkakataon ay nailihis na niya ito mula kay Pat.



Finally, things are starting to look up.” sabi ni Eric sa kaniyang sarili. At ngumiti.



Are you Ok? Sorry for making you wait. Pagpasensyahan mo na si Alvin, nakausap ko na siya, OK na daw, magsisimula ka na raw on thursay.” sabi ni Ardi, tinignan lang ito ni Eric na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.



I know it's not my place to ask questions, but what's with him? At first he acts like he's this shy guy, he actually looked like a good guy but then he became this asshole in just a second. I mean, is he bipolar or something?” tanong ni Eric na ikinahagikgik naman ni Ardi.



Pasensya na, Eric, may problema kasi ngayon si Alvin, but he's a good guy.” umiiling na sabi parin ni Ardi habang humahagikgik parin. Saglit na nagkatitigan si Eric at Ardi pagkatapos nun at lumatay muli sa mga mukha nila ang ngiti.



uhmmm--- I'm sure you're already starving---”



Aww! Ardi, are you asking me out?!” loko ni Eric dito, agad din siyang tinamaan ng hiya, hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niyang iyon.



Wow! Did I just flirt with him?” tanong ni Eric sa sarili habang pinipigilan ang sarili na mamula pa lalo.



Well, if you let me buy you lunch then it's definitely a date!” nakangiting sabi ni Ardi sabay kindat. Agad namang nakaramdam ng tila ba may nangungurot sa kaniyang tiyan si Eric. Agad siyang yumuko at namula.



Hey! Don't go shy around me! You're the one who started this!” humahagikgik na sabi ni Ardi at iniakbay ang kamay kay Eric.



0000ooo0000




Habang naglalakad ang dalawa papunta sa isang restaurant ay walang tigil ang mga ito sa paguusap, pagpapalitan ng mga impormasyon tungkol sa kanilang buhay buhay, nang makarating na sila sa restaurant at nang makaupo na sila ay agad na tinawag ni Ardi ang waitress at umorder. Sandaling nagtama ang kanilang mga tingin, masuyo parin itong nakangiti kay Eric kaya't di narin mapigilan ng huli ang sarili na mapangiti.



Kamukhang kamukha niya talaga si Pat.” sabi ni Eric sa sarili habang mataman siyang tinititigan. Tahimik na pinagalitan ni Eric ang sarili sa pagiisip kay Pat.



Pat made it clear that he doesn't want you in his life so snap out of it!” sabi ni Eric sa sarili at itinuon na lang ang sarili sa kinukuwento ni Ardi. Nang dumating ang pagkain nila ay di na sila nagpatumik tumpik pa at kumain na.



The best ang kare kare dito, lalo na yung bagoong. Try mo.” sabi nito, di na nakahindi pa si Eric nang subuan na siya nito ng isang kutsara na puno ng kanin at karekare, di naman mapigilan ni Eric mahiya at mamula dahil sa hindi niya magawang pag-hindi kay Ardi at sa pagpayag dito na subuan siya.



Are you blushing?” tanong ni Ardi, lalong nahiya si Eric, na ikinahagikgik naman ni Ardi.



May nagsabi na ba sayong cute ka? Lalo na kung nagbu-blush ka ng ganiyan?” halos mapalundag si Eric sa sinabing iyon ni Ardi, kung maari pa itong mamula ay lalo pa nga itong namula.



Please stop flirting with me, the last thing I need now is to fall in love with Pats' clone!” biro ni Eric sa sarili niya habang hindi mapigiling kiligin at umiling, miyamiya pa ay nagkwento ulit si Ardi, halos wala nang maintindihan si Eric sa sinasabi ng huli dahil nawala na ito sa kakatitig sa mukha ng huli.



Eric, nakikinig ka ba?” natatawang tanong ni Ardi. Agad na nagpanic si Eric. Nahalata marahil ni Ardi ang biglang pagpalit ng reaksyon sa mukha ni Eric, sa banda naman ni Eric ay nagpanic siya dahil sa nahuli siya ni Ardi na nanaginip sa harapan niya habang nagkwekwento.



Sorry, may natatandaan lang kasi akong---” simula ni Eric pero agad iyong naputol nang biglang abutin ni Ardi ang kaniyang kamay bilang sabi na hindi kailangang mag paliwanag ni Eric.



Eric?” tanong ni Ted sa kaniyang likuran na ikinagulat ng huli. Biglang napatigil si Ardi at tinignan saglit si Ted, nun lang din napansin ni Eric na asa likod ni Ted si Ant na pabalik balik ang tingin sa mga nakahwak na kamay ng dalawa at sa mga mukha ni Eric at Ardi at sa pakiwari ni Eric ay mananapak na ito dahil sa galit.



Kamusta na kayo, Ted? Ant?” kaswal bati ni Ardi na tila ba hindi natatakot sa porma ni Ant, hindi namalayan ng dalawa na magkakapit parin sila ng kamay at hindi iyon nakaligtas kay Ted na nagsimula nang mapalitan ang reaksyon sa mukha mula sa pagkakagulat papunta sa pagiging galit na kagaya ni Ant.



Mabilis na kumilos si Ted at hinatak nito ang kamay ni Eric na kapit kapit ni Ardi.



Ted?!” gulat na tawag ni Eric sa step brother dito, huli na nang mapansin niya ang pinaplano nitong halos pagkaladkad sa kaniya ni Ted palabas ng restaurant na iyon at literal na itinulak papasok ng sasakyan.



Itutuloy...



__________________________
Different Similarities 1[4]
by: Migs

13 comments:

  1. New characters are getting introduced and the plot is just starting to thicken, the story might not be clear right now pero promise ko sainyo na malilinawan na kayo sa mga susunod na chapters. I'm also trying to post as many chapters as possible in a week.

    Just finished proof reading my study for the upteenth time, it's 3:06am now (don't believe my blogsite's clock, it's unreliable, tried to fix it but it just kept on fixing itself either late or advanced) and i have to be on duty at 6am, gotta sleep! (ganyan ko kayo kamahal at pinipilit ko pa magpost.)

    Love you all! for those commenters na naghiatus, please, balik na kayo, namimiss ko na kayo, para sa mga bagong commenters, WELCOME and enjoy the site.

    ZZZZZZZZzzzZZzzZZ

    ReplyDelete
  2. what's with Ardi? hmm.. maraming tao ang connected sa kanya at puro may mga negative vibes sa kanya.. if magkamukha sila nila Pat ( di kaya kakambal siya ni nito? o di kaya magkapatid sila? ) ano kaya ang nakaraan nila ni Ted? ba't galit ito sa kanya at pilit inilalayo niya si Chris sa kanya? hmmm.. napaka! as in napaka misteryoso itong si ardi huh!

    kaabang-abang talaga! Nice Twist Mr. Migz! IDOL!

    thanks for Updating Migz! :)

    ReplyDelete
  3. may namuung tensyun .... bakit ganun ganun na lang... baka si ted at ardi dati..... ha ha ha ....naku eric wag naman sana na mangyari ulit sa u....

    ramy fromq qatar

    ReplyDelete
  4. wowww... galing talaga.. ka abang abang..

    GOD BLESS MIGS...

    ReplyDelete
  5. Huh?! Nahilo ako medyo dissappointed ng konte. May mga bagong karakters pero mga blanko ang connections. Para silang mga aliens from mars di ko maintindihan ang mga gulat na reaksyon nila. Sana majustify ang title Diffrent Similarities. Two diffrent individual, one similar views; comparing Apples to Oranges. Nevertheless, I'll just wait for the coming chapters to read and hoping to understand fully the context.
    Godspeed!

    ReplyDelete
  6. wow, sa umpisa pa lng puro kilig na..

    hehe


    next na po

    ReplyDelete
  7. thanks sa update. exciting ang developments ng story

    rei

    ReplyDelete
  8. Wow. What a nice suprise! Wasn't expecting an update soon!
    Was just visiting para basahin ulit (Yes, it's THAT addicting)
    First thing I noticed is how unhealthy it can be for Eric, na if Ardi is the guy he ended up with. Kasi since magkamukha sila ni Pat, it's like the only reason Eric was drawn to him in the first place is because he somehow became the perfect substitute for Pat.

    Which is fine because PatEric pa rin ako.

    ReplyDelete
  9. mejo naguluhan ako sa mga pangalan, kc tila nagkapalit palit eh. he he he.parang flirt c ardi, at may something cla ng boss nya at ex ba sya ni ted or ng boss nya kaya galit c ted kay ardi?

    ReplyDelete
  10. sensya na kuya migs kung ngayon lang ako nakapagcomment =)

    medyo naguguluhan pa ako kasi parang dumadami yung mga characters. feeling ko magiging si ted at eric (feeling lang ah). atsaka feeling ko si ros ay si ardi kasi diba ROSberto yun atsaka siguro ex boyfriend ni ros si ted kasi ngayon alam ko na na gay si ted pero mukha syang bisexual ah. hahahahaha

    -Mike

    ReplyDelete
  11. hmmmm mejo nakakalito pero exciting..cguro kaya ako nalilito kasi I want to read the next part..:)

    ReplyDelete
  12. galing! Kinumpleto nito ang araw ko. Thanks kuya migs.

    ReplyDelete