Different Similarities Book1[prologue]
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nagmamadali pero nakangiting tumakbo papunta sa front door si Eric, hindi niya mapigilan ang excitement, ngayon na lang ulit siya nag-effort na maghanda ng isang masarap na tanghalian at inaamin niya sa kaniyang sarili na gusto na niyang makita ang magiging reaksyon ng taong pinaghandaan niya ng spesyal na pagkain para sa tanghalian na iyon. Tumigil siya sa tapat ng pinto bago ito buksan, saglit niyang inayos ang sarili at nagplaster ng isang magiliw na ngiti.
Dahan- dahan niyang pinihit ang door knob at itinaas ang tingin sa mukha ng taong kumatok. Agad na nanlumo si Eric, saglit na tinitigan ang lalaking asa harapan niya, siniguradong totoo ito at hindi isang guniguni lang. Nang mapagtanto niyang hindi ito isang guniguni ay agad siyang tumabi at tahimik na pinapasok ang hindi inaasahang bisita.
0000ooo0000
“Uhmm, you want something to drink---?” simula ni Eric pero agad siyang tinanggihan ng bisita.
Saglit na nagsalubong ang kanilang mga tingin. Iniisip ni Eric kung ano ang maaaring kailangan ng bisita niyang iyon. Hindi siya makapaniwala na may nararamdaman parin siyang bigat sa kaniyang dibdib habang kaharap ito. Nabasag ang pagiisip niya sa maaaring kailangan nito nang magsalita ito.
“Something's smells good.” saglit na napapikit si Eric nang marinig ulit ang boses na iyon, lalo na ang gustong gusto niyang accent.
“Oh--- yeah, I baked some Ziti and made some garlic bread.” matipid na sagot ni Eric.
Muling nagtama ang kanilang mga tingin. Alam ni Eric na milya milya na ang tinatakbo ng isip ng kaniyang bisita at alam din niya na hindi inosenteng bata ang lalaking kaharap niya ngayon kaya't alam niyang nakuwa na nito ang kaniyang ibig sabihin na hindi lang basta basta para kahit kanino ang inihanda niyang pagkain na iyon. Ilang saglit pang binalot ng katahimikan ang dalawa. Muli ang bisita ni Eric ang bumasag ng katahimikan.
“I guess I'm too late then?”
Tumango si Eric bilang sagot.
“I see.”
Muling napapikit si Eric, ramdam niya ang sakit mula sa dalawang maiikling salitang iyon, tila ba mula sa dibdib ng kaniyang kausap ay narinig niya ang panaghoy ng puso nito.
“I should get going.”
Tila naman nagising si Eric sa kaniyang pagmumunimuni nang marinig ulit ang boses na iyon at lalo na ang accent na inaamin niyang nakapagpaibig sa kaniya sa lalaking iyon noon. Sinundan ni Eric ang kaniyang bisita palabas ng apartment.
“Good bye, Eric.”
Tila naman may kumurot sa puso ni Eric pero tila rin may tinik na binunot mula doon. Isang malaking tinik na ibinaon doon ng kaniyang nakalipas. Nagpakawala siya ng matipid na ngiti lalo na nang maramdamang tila ba may inalis sa kaniyang pagkakapasan.
“Bye, Pat.” matipid na paalam ni Eric habang iniaatras ng kaniyang dating nobyong si Pat ang kotse nito palabas ng apartment.
Noong oras din na iyon ay may kotseng tumigil hindi kalayuan sa apartment na inuupahan nila Eric. Lumabas doon ang isang lalaking may magarang suot. Nakita nitong kumakaway si Eric sa driver ng isang kotseng pumipihit palayo, nang makalapit ito kay Eric ay agad itong nagpakawala ng isang nagbibirong tingin.
“Don't tell me you're having an affair with that guy.”
Napahagikgik si Eric at pabirong sinuntok ang braso ng bagong dating saka sabay na pumasok sa loob ng apartment.
“Wow, something smells great!” sabi ng bagong dating sabay yakap kay Eric at halik sa labi nito.
“Yes, so get your ass in the dining room already! I'm starved!” masiglang sabi ni Eric. Pareho na silang kumakain nang mabasag ulit ng katahimikan.
“Sooo... are you going to tell who's the guy I just saw leaving?”
Napangiti si Eric.
“He's the reason why I ended up moving back here in Manila.” matipid na sagot ni Eric, agad na kumunot ang noo sa pagtataka ng lalaking kaniyang kaharap.
“Ohhh, I think I haven't heard this one before.”
“I don't talk about it that much.”
“I want to hear it, if it's OK with you.”
“I don't know where to start.” nahihiyang sabi ni Eric.
“Then start from the beginning.”
Muling napangiti si Eric saka nagpakawala ng isang buntong hininga at nagsimula nang ikuwento ang nangyari sa pagitan nila ni Pat sa kasamang kumakain ng espesyal na tanghalian na iyon.
_______________________
Different Similarities
Prologue
by: Migs
I'm BACKKKKK! haha!
ReplyDelete@glitterati: I'm here. ^_^v
Opisyal ko na pong inihahandog ang series ng Different Similarities.
I Know I promised that I'll only be gone for 7 days. hehe. nawili lang, sorry naman. Ang totoo niyan itinulog ko ang buong weekend Opo, dalwang araw straight akong natulog. haha!
OI! Happy Valentines! ^_^
Anyway humihingi din ako ng pasensya about sa iprinomise kong short stories while i'm gone! I don't know what happened! I scheduled it to be posted last Wed and Sat, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi siya na-post. Sensya na ulit.
It'll now be included to the long list of Miguel's epic fail na. hihi!
Enjoy!
Nicely done! Prologue pa lang yan kaabang-abang na. Can't wait to read the chapters of this book. Really looking forward for this piece.
ReplyDeleteBeen one of the silent readers for a long time. And I must say your stories have been the one of the best! Keep up the good/great work. Really inspiring. :-)
ok lng po yun kuya migs, magaling ka naman as always.... keep it up always..... God Bless......
ReplyDeleteJockey
alam naman namin na isa rin itong magandang story....kaya palagi ko naman abangan ito....d nakakasawng basahin,,,,
ReplyDeleteramy from qatar
and You're Back!
ReplyDeleteAnother Great Story that will enslave me! i must say!
walang duda at tiyak isang magandang likha nanaman ito!
:)
Yeah okay lang yun. Actually, i'm thankful coz meron na naman kaming aabangang may "sense" at matured bromance. Kakasawa kse high school ek-ek paikot-ikot na story ng iba. Kung pwde lang mabili ito in compilation ang gandang pangregalo. Dont be flattered because your better among the rest.
ReplyDeleteUgh. It's here finally! Thank you Migs!
ReplyDeleteI had to read everything slowly. As in sloooowly kasi prologue pa lang and I can feel the heaviness and I'm actually a sucker for that so sue me.
Can't wait for the rest! Hopefully it'll still Be Eric and Pat in the end, I have hunch that this time it'll be different, with the mature tone of the story I guess it's not going to be a someone-ending-up-with-someone-new story.
Hopefully it won't!
Kuya Migs, welcome back!
ReplyDeleteBakit third-person narration ang kwento? Mas maramdam ko ang story kung first-person narration. :D
On the other hand, "It'll (Different Similarities) now be included to the long list of Miguel's 'EPIC stories' na. hihi!"
Kudos!
Uhmmm... Different Similarities... Different people with the same feelings...? same thougths...? same perspectives...? Ano pa ba?!Hay ewan! Ikaw na ang malalim!
ReplyDeleteHay kuya Migs... Another obra.. hehe
ReplyDeleteEric's Story is one of my fav.. why? because of his tolerance sa pain hahaha.. And yung pagiging bulag ni Pat nuon.. hehe .. And now Pat is facing the consequences ng mga ginawa niya.. painful maxado ..
Gusto kong mabasa yung Story ni Pat.. yung POV miya .. hahaha
Eric is moving on ..
Kuya migs! Welcome back! Wag ka mag-alala ayos lang samin na ilang days ka nawala, kailangan mo ng rest eh.
ReplyDeleteExcited for this story na!!
Nakalimutan ko na. saang series nga ulit si Eric at Pat???
Walang taste lang ang hindi magkakagusto sa mga gawa ni Kuya migs.
--ANDY
Migz, mahal. Ur super!!! :)
ReplyDelete