Different Similarities 1[5]
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nakakamatay ang ibinabato mga tingin ni Eric kay Ted, di naman ito nagpatinag at patuloy lang ito sa pagmamaneho at paminsan minsang kumukunot ang noo sa pagiisip, habang si Ant na nasa backseat ay may nagaalalang tingin. Ilang beses na tinanong ni Eric kung anong problema ni Ted pero ayaw siya nitong sagutin, tila ba wala itong naririnig na lalo namang ikinainis ni Eric, tinignan uli ni Eric si Ant, wala na ang galit sa mukha nito pero tuwing titignan niya ito ay tila ba hindi ito mapakali. Nang biglang tumigil ang sasakyan, akala ni Eric ay sasagutin na siya ni Ted sa halip ay narinig niyang bumukas ang pinto sa may backseat at lumabas si Ant.
“Salamat pare. Ingat kayo. Eric.” paalam ni Ant at pagkuwa sa atensyon ni Eric, di na ito pinansin ni Ted habang iminuwestra nito ang kaniyang hintuturo na nagsasabing 'lagot ka' di na ito kinausap ni Eric at inirapan na lang ito.
Di parin sila nagkikibuan ni Ted sa kahabaan ng natitirang biyahe pabalik sa apartment nito. Di na itinago ni Eric ang kaniyang pagkainis, nakakahiya ang inasal nito sa harapan ni Ardi na tumulong sa kaniyang magkatrabaho at nakakahiya sa mga tao sa loob ng restaurant na iyon.
0000ooo0000
“Bakit mo ginawa yun?!” mahinahon pero malamig na tanong ni Eric kay Ted nang makapasok na sila ng apartment, lalo lang siyang nainis nang irapan siya ni Ted.
“Masamang tao yun, di ka dapat nakikipagkaibigan---”
“Anong tingin mo sakin? Bata?! Tingin mo di ako magaling pumili ng taong kakaibiganin? Anong tingin mo sakin, Tanga?!” balik nito kay Ted, napapikit ito nang sabihin ni Eric ang salitang tanga.
“Di mo kilala yung tarantadong yun! Masamang tao yun! Selfish, low life---” di makapaniwala si Eric sa mga paninirang sinasabi nito kaya naman agad niyang pinutol ang pagsasalita nito.
“What?! For your information, siya ang tumulong saking makahanap ng traba---”
“Ako dapat ang tutulong sayo maghanap ng trabaho! May irerekomenda na ako sayo, pero hindi, inunahan ka ng landi! Sa sobrang kalandian mo, hindi mo na inisip na masamang tao yung nagalok sayo ng tulong.” natigilan saglit si Eric sa sinabing ito ni Ted, kitang kita ni Ted ang sakit sa mga mata ni Eric pagkatapos niyang pakawalan ang mga masasakit na salitang iyon kaya't agad siyang nagsisi.
“Malandi?” pabulong na tanong ni Eric sabay iling. Nanlulumo itong bumalik sa kaniyang kwarto. Napako na lang sa kinatatayuan si Ted, di makapaniwalang ganun ganun na lang niya nasaktan si Eric.
0000ooo0000
Cold treatment, yan ang pinapatikim ngayon ni Ted kay Eric, paminsan minsan ay para lang siyang gamit sa loob ng apartment kung tratuhin niya, parang hindi siya nito nakikita, hindi sinasagot ang kaniyang mga tanong at hindi ito tumitigil sa iisang kwarto kung saan siya nandun.
Di na ito iniintindi pa ni Eric pero hindi parin nun naalis na masaktan siya. Napalapit na sa kaniya si Ted sa ilang araw pa lang na pagtira niya doon, siya na ang pinakamalapit sa isang kapatid na kailanman ay di siya nagkaroon, siya ang kaisaisahan niyang kaibigan sa lugar na iyon, maliban kay Ardi.
Nagsimula na si Eric sa opisina nila Ardi, para kay Eric ay mabuti ang pagkakaroon niya ng trabaho para makaiwas narin sa malamig na pagtrato sa kaniya ni Ted. Mababait naman ang kaniyang mga kaopisina pero napapansin niyang tila ba malamig ang mga pakikitungo nito kay Ardi. Nung ding araw na nagsimula siya sa opisina ay agad siyang pinatawag sa opisina ni Alvin.
“I'm sorry, Eric, I was not feeling well that day---” yun lang ang narinig ni Eric mula sa sinasabi ng kaniyang boss dahil nagsimula na siyang maguluhan, di mapigilan ni Eric ang sarili niya na titigan si Alvin, hindi parin ito makatingin ng daretso sa kay Eric, katulad nung una nilang paguusap ay di ulit ito mapakali at namumula nanaman, sa galit dahil napipilitan lang siyang humingi ng tawad kay Eric o dahil sa hiya, di alam ni Eric.
“Eric?” tanong nito na siyang gumising pagmumuni muni nito.
“Sir?”
“I said, the projects that you'll be handling will be given tomorrow--- are you even listening to me?” agad na kinabahan si Eric naisip na ka ha-hire pa lang sa kaniya ay tutulogtulog na agad siya sa trabaho, ang malala pa sa harapan ng kaniyang boss. Pero hindi galit ang nakikita niya sa mukha ni Alvin, nakikita niya na nagsisimula na itong mapangiti pero pinipigilan lang nito, tila ba pinipigialan nito ang pagka-aliw niya kay Eric. Nawirduhan nanaman si Eric dito.
“May split personality nga ata ito.” bulong ni Eric sa sarili niya saka sumagot.
“Th-Thank you, Sir.” yun na lang ang tanging nasabi ni Eric, inabot niya ang kamay kay Alvin para makipagkamay sa dito pero tinignan lang nito ang kamay ni Eric, tila ba hindi nito naiintindihan ang intensyon ni Eric na makipagkamay. Napahiya si Eric. Pasimple niyang ibinaba ang kaniyang kamay at lumabas na ng opisinang iyon.
Nang buksan ni Eric ang pinto ay nakita niya si Ardi na palakad lakad sa labas ng opisina, tila hindi ito mapakali. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay agad na lumiwanag ang mukha nito. Napangiti din si Eric, napakaamo ng mukha nito at ang ngiti nito ay nakakagaang ng loob. Lumapit na si Ardi kay Eric at inalam kung ano ang nangyari, sinabi ni Eric dito na humingi ng tawad ang kanilang boss, lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha.
Sa sobrang tuwa ni Ardi ay wala sa sarili nitong niyakap sa gitna ng buong opisina si Eric, at ang pagyayakapan na iyon ay nakakuwa ng maraming pagtaas ng kilay at kakaibang pagtahimik ng buong floor, nung saglit din na iyon ay lumabas si Alvin ng kaniyang opisina at nakita ang pagpapalitan ng yakap na iyon ni Eric at Ardi.
Hindi nakaligtas kay Eric ang pagtense ng panga ni Alvin at ang agarang pagtalikod nito at pagpasok ulit ng opisina. Hindi napansin ni Ardi ang kanilang boss dahil nakatalikod ito sa pinto ng opisina nito. Lahat ng nangyaring iyon ay ikinibit balikat na lang ni Eric lalo na ng ayain siyang kumain sa labas ni Ardi dahil sa wakas ay uwian na nila mula sa opisina.
“So uhmm Eric---” simula ni Ardi habang naglalakad sila papaunta sa restaurant na kanilang napagusapan. Nagulat naman si Eric sa biglaang pagkahiya ni Ardi.
“uhmmm so, I'm going to pay for dinner so I –uhmmm--- so---” kinakabahang simula ni Alvin.
“Wait. Is this your way of asking me out on a date? Just like the last time before we were brutally interrupted?” natatawang tanong ni Eric. Nagtaas ng tingin si Ardi at tila ba natatawa narin sa kaniyang ipinakitang kahihiyan.
“Don't laugh at me! I don't usually ask people out, you know! Hehe! I'm usually the one being asked out.” sabi ni Ardi sabay taas at baba ng kilay. Napahagikgik si Eric pero agad ding sumagi sa isip niya si Ted.
“Ardi, I'm really sorry for what happened last time with Ted I don't know what got into him.”
“I know.” bulong ni Ardi sabay iling. Sa sobrang hina ng bulong na iyon ay hindi iyon narinig ni Eric.
“Wha--”
“I said it's OK.” paglilinaw ni Ardi para matakpan ang unang nasabi.
“So this is a date?” nahihiyang pagkukumpirma ni Eric dahil sa puntong iyon ay hindi niya parin alam kung saan ba siya lalagay pagdating kay Ardi, inaamin niyang may nararamdaman siyang kakaibang koneksyon dito pero hindi niya alam kung ganon din si Ardi sa kaniya. Muling namula si Ardi.
“Yes I want this to be a date, that is, if it's OK with you.”
“Yes, I'm OK with it.” bulong ni Eric na nakapagpangiti sa dalawa.
0000ooo0000
Nakangiting umuwi si Eric pero agad din iyong nabura nang makarating siya sa tapat ng kanilang front door, pagpasok niya ay nadatnan niya si Ant na parang batang hindi mapakali sa sofa, naglalaro ito ng Play station at napansin lang siya nito nang matalo ito sa kaniyang nilalaro. Agad itong ngumiti kay Eric at kumaway, nginitian din ito ni Eric at nagpaalam na pupunta lang saglit sa kaniyang kwarto. Pagkatalikod na pagkatalikod ni Eric ay siya namang sulpot ni Ted. Nakangiti ito nung una pero agad din iyon nabura nang makita nito ang kadadating lang na si Eric.
“hi Ted.” bati ni Eric dito pero inirapan lang siya nito at nilagpasan, umupo ito sa tabi ni Ant. Nang ibalik ni Eric ang tingin niya sa gawi nila Ant at Ted ay nakita niyang nakatingin sakaniya si Ant, binigyan niya lang ito ng isang malungkot na ngiti at sinuklian iyon ni Ant ng isang tingin na miya mo humihingi ng tawad.
“Dude! WTH?!” umalingawngaw na sigaw ni Ted bago pa makapasok ng kaniyang kwarto si Eric.
“What the heck is wrong with you? Why are being an ass to Eric? He doesn't know anything about what that asshole did last year! Geez! Give Eric a break! You're behaving like a jerk, you know that?! You're supposed to be the Mr. Congeniality of the group, you're supposed to be this sweet, handsome and alluring guy, geez, Ted go snatch Merv's title will you, be an asshole?!” sigaw ni Ant.
“OK... OK... geez! Calm down big guy! I'll apologize, OK---”
“And you should explain why you act that way when---” putol ni Ant pero pinutol din ni Ted ang sana'y sasabihin din niya.
“NO!” putol ni Ted.
“But, Eric deserves to know the truth pagkatapos mo siyang tratuhin ng ganun, dude.”
Matagal hindi sumagot si Ted.
“And besides, kung gusto ni Eric yung jerk na yun, hindi ba dapat lang talaga na sabihin mo kay Eric kung bakit niya kailangan layuan ang national jerk na yun?” hindi sigurado ni Eric kung sino ang tinutukoy ng dalawang magkaibigan pero nag-assume na lang si Eric na si Ardi ang pinaguusapan nila, kung tutuusin, nagsimula lang naman ang iringan nila ni Ted nung nakita niya silang magkasama ni Ardi.
“I guess you're right.” sagot ni Ted.
“I'm always right, dude!” sagot ni Ant sabay tawa ng malakas.
“Anong dapat kong malaman tungkol kay Ardi? Bakit naisip nila na kailangan kong layuan si Ardi?” tanong ni Eric sa sarili niya. Narinig niyang itinuloy na nila Ant at Ted ang kanilang laro kaya't isinara na niya ang kaniyang pinto at humiga na ng kama, pilit na inaalis sa kaniyang isip ang mga narinig na palitan ni Ted at Ant.
0000ooo0000
Dahandahang iminulat ni Eric ang kaniyang mga mata, nakatulog na pala siya habang nagiisip kanina kung ano ang maaaring ginawa ni Ardi kay Ted at galit na galit ito dito na umabot na sa pagbabawal ni Ted kay Eric na kaibiganin si Ardi. Inalog niya ang kaniyang ulo para magising pa ng konti at para narin maalis sa kaniyang isipan ang pinagawayan ni Ted at Ardi.
Inililigpit niya ang kaniyang pinagtulugan nang makaramdam siya ng gutom. Nagpasya siyang maghanda ng kaniyang makakain dahil sigurado niyang di siya ipaghahanda ni Ted at lalong hindi siya nito aayain para maghapunan, pero laking gulat niya ng maabutan nitong pang dalawang tao ang nakaahin sa hapagkainan. Lumingon lingon siya para malaman kung andun pa si Ant o kaya may iba pang kasama si Ted pero nalaman niyang silang dalawa lang talaga sa buong unit.
“G-Gigisingin na sana kita para kumain---” simula ni Ted pero agad din itong tumigil ng isiningkit ni Eric ang kaniyang mga mata. Nagbuntong hininga si Ted.
“Eric, bati na tayo.” parang batang sabi ni Ted sabay yuko. Pinigilan ni Eric ang sarili na mapangiti. Lumapit siya dito at mahinang sinuntok ang malaking braso nito, nagtaas ng tingin si Ted at ngumiti ito, nagulat nalang si Eric ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit.
“Uhmm, Ted--- medyo mahigpit yung yakap mo. Konti na lang di na tayo makakapagusap dahil baka mamatay na ako--- dahil di ako makahinga.” pahina na ng pahinang sabi ni Eric kay Ted nang bitawan siya ng huli ay humahagikgik itong humingi ng tawad, muling pinuno ng hangin ni Eric ang kaniyang mga baga.
“Kain na tayo!” sigaw nito at parang batang sabik na sabik sa fried chicken kung kumilos sa loob ng kusina.
Halos sabay silang umupo, magkatapat sila nito, tinignan ni Eric ang inihanda nitong pagkain. Spaghetti, fried chicken, garlic bread, salad at soda. Tinignan niya ulit si Ted nagantanda ito sabay lagay ng isang malaking piraso ng manok sa kaniyang bibig. Di na napigilan ni Eric ang mapangiti at mapailing.
Nang matapos na silang kumain ay naramdaman ni Eric ang muling pagtahimik ni Ted, marahil pareho sila ng iniisip. Ayaw na sana ni Eric pang pagusapan ang nangyaring tampuhan sa pagitan nla pero kailangan talaga lalo na at ang pakikipagkaibigan niya kay Ardi ang nakataya.
“Eric, I want to say sorry---”
“Shhh, OK na iyon, alam kong gusto mo lang akong protektahan laban kay Ardi, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit.” tumango naman si Ted sa sagot na iyon ng huli habang kunwari ay abala sa pagliligpit ng plato.
“Ayoko sanang magmukhang naninira pero hindi talaga magandang makipagkaibigan sa taong yun---” natigilan saglit si Ted at umiling sabay buntong hininga. “---Player siya, Eric, wala siyang puso, lahat ng napapalapit sa kaniya nasasaktan.” napakunot ang noo ni Eric nang marinig ang sinabing ito ni Ted.
“And you're telling me this, because...?”
“Because I can see how you look at him, Eric, I can also see that he's flirting with you. I should've said this to you calmly nung nakita ko kay sa restaurant pero naunahan ako ng galit---”
“Wait. Bakit ka nagagalit? Did he do this to someone close to you?” tanong ni Eric kay Ted. Narinig ni Eric na nagbuntong hininga si Ted.
“You know Alvin?” tanong ni Ted.
“Yes, he's my boss. Why?” naguguluhang sagot ni Eric at nagsisimula ng mairita dahil pakiramdam niya ay umiiwas si Ted sa totoong punto ng kanilang usapan.
“Alvin is his ex boyfriend.” natigilan si Eric sa sinabing ito ni Ted, naisip niya bigla kung paano kinausap ni Ardi si Alvin para payagan siyang magtrabaho at mapapayag ito na humingi sa kaniya ng tawad.
“So?” tanong ni Eric, pero unti unti naring bumababa ang kaniyang kumpiyansa kay Ardi.
“He cheated on Alvin, Alvin broke up with him sa sobrang galit pero bago yun alam ng lahat kung gano nila kamahal ang isa't isa, di ako magtataka kung up to now mahal parin nila ang isa't isa pero ayaw na lang makipag commit ni Alvin ulit sa kaniya dahil sa pride or self preservation and dignity, di ko alam.”
“Tapos?” tanong ulit ni Eric, nawala na sa isip na tanungin si Ted kung pano niya ito nalaman.
“Tinanong siya ni Alvin kung ano talaga ang nangyari nung nahuli siya nito isang gabi nung may party ang company nila, the asshole blamed it all on the poor guy he seduced. Kumalat ang chismis, napasama ang lalaki sa mga kakilala nito at ang masama pa nalaman ng lahat na bading ito, nasira ang pangalan nito lalo na sa pinagtratrabahuhang law firm dahil lang ayaw aminin ng gagong yun na siya talaga ang umakit dun sa lalaki. Siya ang nagpakalat nung chismis--- Eric, he's trouble.” kwento ni Ted, nakatalikod ito kay Eric kaya di nito makita ang mukha ng huli habang nagkwekwento pero bakas sa boses nito ang lungkot. Naisip bigla ni Eric ang tingin ng mga tao sa kaniya nung magyakap sila ni Ardi kanina.
“You have nothing to worry, Ted, out ako, remember?, so kung sakaling may gawing tsismis si Ardi tungkol sa sekswalidad ko, wala na yung magagawa sakin sa opisina. Alam na nila na bading ako, Ted and besides pano niyo nalaman na hindi yung lalaki ang umakit talaga kay Ardi?” sabat ni Eric, umiling si Ted.
“Ilang linggo pa ang lumipas, nakipagkita ulit yung lalaking sinet-up nung gagung yun, di niya alam na naka record ang paguusap nila, kinumpronta siya nung lalaki, tinawanan lang siya ng gagong yun at sinabihan ng “eh ano ngayon? At least ang ALAM nila Alvin at ng mga nakakakilala satin na ikaw ang umakit at hindi ako” umamin siya sa katarantaduhang ginawa niya nang hindi niya nalalamang naka record ang paguusap na iyon. Kumalat ang tape, nalaman ng lahat kung gano siya kasama.” kwento ulit ni Ted.
“Wow! Di ko alam na magagawa ni Ardi iyon.” sabi ni Eric pero pumasok ulit sa isip niya ang nauna niyang tanong na hindi parin nasagot sa kwento.
“Sino nga ulit sa mga kaibigan mo ang tinarantado ni Ardi kaya ka galit na galit sa kaniya?” tanong ulit ni Eric, humarap na sa kaniya si Ted, dun napansin ni Eric na umiiyak na ito.
“Ako yung tinarantado niya. Buhay ko yung sinira niya.”
Agad naninikip ang dibdib ni Eric.
“Naaalala mo yung sinasabi ni Mervin na muntik ng gulpihin ni Ant noon? Yung sinabi kong ex-bestfriend ko? Yung tinatawag nilang Ross? Ross and Ardi are one, Eric. Ross' full name is James---”
“James Rosberto Ardinato.” pagtatapos ni Eric sa pagpapakilala ni Ted sa totoong Ardi, hindi siya makapaniwala na hindi niya agad naikunekta ang mga katotohanang isinasampal na sa kaniya noon pa lang nang una silang nagkakilala ni Ardi.
Itutuloy...
___________________________
Different Similarities 1[5]
by: Migs
Hi guys! thanks sa patuloy parin na mga nagcocomment.
ReplyDeleteShet! madami ng nalilito. haha! Sensya naman. :-)
Keep the comments coming guys!
MARK RYAN! IMY! :-D
IMY too! Migs! Haha... Paakap nga ng mahigpit! Yong parang akap ni Ted kay Erick haha... Pero saglit lang at baka di ka na makapagsulat!
DeleteWow! Eh asshole pala talaga itong si Ardi e! So sorry for what was happened to Ted. Hope this opened Eric's eyes how big shit Ardi is. Hmmm, how sad also for Alvin. Well, it now revealed the true identity of Ardi. Now, I'm confused on Alvin's actions/treatment whenever he and Eric talk. Does Alvin has also feelings for Eric?
ReplyDeleteThanks for this chapter coz even me, I was cleared on my confusions from previous chapters.
A great relationship requires two main things - first, is to find out the similarities & second, is to respect the differences.
ReplyDeleteGod speed!
WOW! Im speechless! Lalo na sa part na...
ReplyDelete"Ako ang tinarantado nya. Buhay ko ang sinira nya."
--ANDY
National Jerk nga itong si Ardi! Damn you! LOL
ReplyDeleteang tanong lang eh!? lalayuan nga ba ni Eric si Ardi? ( mukhang nadala na ito sa mga patibong ni Ardi.. )
hmm.. so Ted VS. Ardi VS. Alvin ang drama nito?
this is sooooo freakin' interesting huh!
great Chap Migz! Maraming salamat sa mabilis na Update!
:)
Different Similarities is for whom? Ted & Erick, Erick & Ardi, Ted& Ardi, Ardi & Alvin, Alvin & Erick? Roll the dice and find out!
ReplyDeleteHay naku... Kahit busy... Di ko maiwasang magbasa ng kwento mo! Kasalanan mo to Migs eh... Bakit ka ba ganyan? Lol
Hahaha. I like it "Roll-the-dice" bakit di naisip yun....like an enormous spider web and if you touch it, however lightly, at any point the vibration ripples to the remotest perimeter and the drowsy spider feels the tingle and is drowsy no more but springs out to fling the gossamer coils about you who have touched the web and then
Deleteinject the black, numbing poison under your hide.
Ang lalim non midnytdanzer... Salamat sa info about spiderweb...
DeleteWow. Alright, it's more complicated than I thought! But I guess this flashback thing won't last that long diba? I just can't put my finger in it kung sino and current boyfriend ni Eric.
ReplyDeleteGood job again Migs!
I was reading the comments here and nakakatuwa kahit di ako ang writer hehehe. I admire on how they reacted and comments on the situations of the characters. Some are nice insights and sensible reactions too. I cant wait for the chapters to be posted soon.
ReplyDelete-=MyCo=-
Nagbabalik na ako Migz. Galing nito. Love you po. :)
ReplyDeletethis is getting really exciting, the plot thickens.
ReplyDeletethanks for the update migs.
rei
Kuya Migs!!!!!!!! Xenxa ho ah di na ako maxado nagcocomment.. Ikuwento ko nlang sa iyo sa paraang alam mo rin. hehe! Anyway, ganda po ng bagong kwento mo kuya. Medyo naguluhan ako sa start pero may direction na lahat. Kaya I'm sure makakasunod na ako. As always, maganda ang batuhan ng lines.. :D :D :D
ReplyDeleteThank you po ulit sa kwento and good luck sa research niyo po. :)) GALING MO TALAGA!!!!
-->nIx
Gusto ko malaman yung side ni Ardi. I know na may reason kung bakit niya ginawa yun...
ReplyDeleteASSHOLE nga itong Ardi. grabe lang yung ginawa nya kay Ted at Alvin ah. siguro may plano din itong si Ros kay Eric. pero tama si Lyron siguro meron naman explanation sa side ni Ros kung bakit nya ginagawa yun.
ReplyDeleteat sana eric wag ng matigas ang ulo at matauhan kana..sna nga..
ReplyDeletemanipulative psycho siguro si ardi or ross??? ahaha... nahilo ako sa mga revelation sir migs!!!! yung request ko pong CP5... please....
ReplyDeleteoh tnx nmn at compatible na ang blog mu kuya with a opera mini browser..kasi dati hndi eh kya silent reader lng ako..
ReplyDeletei read all ur stories and ur one of the few great artirst sa larangang ito..bsta iba ksi ung style mu..the stories are exciting and unpredctable..its out of the box..not threctypical type..
love this new story of urs..di ko pa rin madecipher who was the guy sa part 1..im guessing c ardi sine my diferent similarities xia with pat..but ted is someone to concider too..wow..great flow and twist..at mbilis ang update ngaun hehe
-john el-
grabe napaka complicated na nitong pinasok ni eric. Sana bumalik nlang sya kay Pat.
ReplyDeleteAnd I smell something with Ted I think he likes Eric hehehe.
teecee always migs
...the truth is out. Ted is kinda bitter, or still in pain against Ardi...
ReplyDeletewonder who's Eric's lover at present, kanino niya kaya ikinukwento ang lahat ng ito? kay ted kaya? or.... fishy....
xoxo, A
nice story Miggy. ^_^V