Breakeven (Book4 Part3)

____________________________
Breakeven (Book4 Part3)
by: Migs

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.





Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ng aming propesor, lumalangoy ang isip ko sa pagiisip na maaaring namamalik tenga lang ako, kung meron mang ganun. Nang iniisip ko na na mali nga ang aking pagkakarinig at magsisimula na sana akong maging masaya ulit ay inexplain ulit ng aming propesor ang kaniyang iniisip na activity.




Senior Year na at pang elementary pa ang pinapagawa ni pulpol!” sabi ko na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Pat.




Take it easy. Besides this should be fun!” sabi nito sakin saka ngumiti ng magiliw.




0000ooo0000



Five minutes.” tawag ng propesor namin sa unahan ng klase.



Di mo ba ako tatanungin?” bulalas ni Pat sa aking tabi.



Napucha naman! Di ba talaga naaalis ang ngiting yan sa mukha niya?” tanong ko sa sarili ko. Nanlalambot.



Ang korny kasi.” nasabi ko nalang. Napahagikgik naman ito.



Anong sasabihin mo mamya?” tanong ulit nito sakin, nagsisimula na akong mainis dito.




Ito kasi ang activity na pinauso ng propesor ko. Since senior year naman na daw namin, gusto niyang malaman kung ano ang nalalaman namin sa isa't isa. Kung baga sa first day of school magpapakilala ka sa buong klase, pero dahil senior year na nga at gasgas na ang “Introduce yourself” na activity ang pinapagawa samin ngayon ay “Introduce your seat mate” at ito na ang pinaka corny kong narinig na activity.




Bahala na.” sabi ko kay Pat. Tumingin lang ito sakin.




0000ooo0000



Well, Jackie's been my bestfriend since our freshmen year and I'm sure kilalang kilala niyo narin siya. But.. I still have the good stuff. Marami akong alam na hindi niyo alam kay Jackie.” simula ni Ena nang tawagin ng aming propesor ang kanilang tandem ni Jackie. Tinignan lang ito ni Jackie ng masama na nasa tabi lang naman niya.




For starters, maton kumain to, mahina ang apat na rice.” nagsimula ng maghagalpakan ang buong klase.




Laughtrip. Yang ang naging simula ng klase na yun, may mga dull moments din lalo na kapag yung mga nerdy nerd na yung nakasalang.




Tayo na ata ang susunod.” sabi naman ni Pat sakin. Di ko alam pero parang kinabog ako sa sinabi niyang yun. At tinawag na nga ang pangalan namin.




Habang naglalakad kami papunta sa unahan ng klase ay pinagtitinginan kami ng aming mga kaklase, marahil para makita ng maayos ang ubod ng gwapo na lalaki na katabi ko, na noon lang nila nakita. Napayuko na lang ako at sinimulan ng kabugin.




Ano nga bang sasabihin ko? Di ko pa naman kilala ang mamang to.” tanong ko sa sarili ko. nasa ganon akong pagiisip ng biglang umakbay sakin si Pat.




““Ayyyyy!”” sigaw nila Jackie at Ena. Tinignan ko na lang sila ng masama.




0000ooo0000



San nga ba ako maguumpisa?” sabi ko sa harapan ng buong klase.



Mr. Romero, transferee ka diba?” tanong ng propesor namin, tumango lang si Pat saka ngumiti.



Sige, I'm sure tinanong ka naman nito ni Eric eh.” sabi ulit ng propesor namin.



Actually Sir yun lang ang alam ko, na transferee siya.” sabi ko, nagtawanan naman ang aking mga kaklase.




C'mon Eric, you can do better than that.” naboboryong sabi ng aming propesor.




Ahmmm sige, siguro ito na lang. Medyo mahina siya sa codes, kahit na may legend ng nakalagay sa bulletin board para sa instructions for classcard claims ay inabot parin siya ng tatlong subject at kung hindi ko pa siya tutulungan malamang buong araw pa siya doon.” sabi ko, akala ko may matatawa pero parang nakarinig pa ako ng kuliglig sa sobrang kawalan ng reaksyon ng aking mga kaklase.




Sa akin ding palagay ay mahiyain siya dahil di siya nagtanong at hinayaan niya pang di makapasok ng ilang subjects bago magtanong.” sabi ko, ngayon nakikita ko na ang ilan sa aking mga kaklase na nahikab na.




Ok, its Mr. Romero's turn.” sabi ng aming propesor. Naboryo narin siguro.




uhmmm where to start?” nakangiting sabi nito sakin.




Well sa dalawang araw na nakilala ko ito si Eric...” bigla ko itong tinignan, nakangiti lang ito sakin, nagsimula ng magbulungan ang aming mga kaklase. Wala kasi silang alam na bago pa ngayong araw na ito ay magkakilala na kami ni Pat. Tinignan ko si Jackie at Ena, nahagikgik lang ang mga ito.




Eric is a moody brat pero smart.” simula ulit ni Pat. Nagtanguan naman ang aking mga kaklase ko na kala mo nakikiayon.




Intelligent as he may be and books might be his only world hindi rin nun mababago ang katotohanang daig niya pa ang tambay sa kanto kung lumaklak at umorder ng bagong shot sa kawawang barista.” napanganga nalang ako sa pambubukong ginagawa ni Pat.




He may look comfortable with a pen but that doesn't apply to everything. Let's say sa kambyo ng sasakyan, di ko alam kung san natuto magdrive to.” sabi pa ni Pat sabay akbay sakin, nagsisimula ng tumawa ang aking mga kaklase.




Lousy driver but a gentleman.” nangingiting sabi nito sakin. Nakikita kong kumukunot na ang noo ng aking mga kaklase.




He's also the good samaritan that helped me to get through the stupid codes in the bulletin. A good Samaritan inside but a rough and a bad cowboy outside.”




And last but not the least...” bago niya pa man ito ituloy ay humarap ito sakin saka ngumiti ng nakakaloko. Di ko mawari pero kinabahan ako. Kinabahan ng sobra.




He's the perfect example of a CHICKBOY.” nagkatinginan at nagbulungan ang aking mga kaklase. Namutla ako.




I mean, he can practically have both worlds, he can swing with a male partner or a female partner. Pwede sa chicas and pwede rin sa boy. Thus the term CHICKBOY.” gusto ko ng magpakain sa lupa nang sabihin niya iyon, wala na ngayong tumatawa sa klase, lahat sila may gulat na makikita sa mukha. Bigla namang nabura ang ngiti sa mukha ni Pat nang mapansin ang reaksyon ng bawat tao sa classroom na iyon. At natigilan siya ng makita ang nangingilid ko ng luha.




Nag ring ang bell bilang hudyat ng pagtatapos ng klase. Naglabasan na lahat ng aking mga kaklase, nagtititigan parin kami ni Pat, tumigil sa harap ko si Jackie at Ena at inaaya na akong umalis, di ko na sila nasagot. Nakatitig parin ako kay Pat. Naluluha na sa sobrang inis, hiya at galit. Hinayaan na lang ako nila Jackie at tuloy tuloy ng lumabas.




Sorry, di ko alam, I thought everybody knew.” pabulong na sabi nito. Di na ako nakasagot, nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha.




Sorry talaga.” nakayuko ng sabi ni Pat, di ko na napigilan ang sarili ko't binigyan na siya ng isang malakas na suntok. Di pa man nakakabawi si Pat sa aking suntok na iyon ay agad na akong nakalabas ng classroom.




0000ooo0000



Huy, dahan dahan lang may pasok pa tayo mamya.” awat sakin ni Jackie. Binalewala ko lang ito, sa liit ng department namin, marahil halos lahat na ng nakakakilala sakin ay alam na ang pag-a-out na ginawa sakin ni Pat.




Di ako papasok.” matigas kong sabi kay Jackie.



Hay naku Eric...” pero di na ito naituloy ang sasabihin.



Hayaan mo nga siya!” saway naman ni Ena.



Ayaw mo nun girl, di mo na poproblemahin ang pagamin?” intrimitidang sabi ni Ena. Inirapan ko lang ito. Sakto namang nagdaanan ang isang grupo ng mga lalaki na lower year namin.




Hi Papa Eric! Can I have your number?” nangaalaskang sabi ng isa sakin.




Biglang bumagal ang buong paligid. Parang may pumindot ng slow motion button.




Ito ang dahilan ko kung bakit pilit akong nagkulong sa closet. Hindi pa tanggap ng karamihan ang katulad kong mga bisexual, bading, jokla o kung ano man ang tawag nila. Ito rin ang mga tipo ng tao na ayaw na ayaw kong makakaharap kung sakali mang malaman ng lahat ang tunay kong pagkatao.




Homophobic assholes!” sabi ko sa sarili ko, yan kasi ang tawag ko sa kanila.




At eto na nga isang tao ang hindi inaasahang mag-a-out sakin at ngayon, pakiramdam kong guguho na ang aking mundo, magiging sentro na ako ng katatawanan ng mga walang magawa sa buhay na walang iniisip kundi na silang mga straight ang nagmamay ari ng mundo, ng mga hindi nakakaunawa na hindi lang female at male ang uri ng mga tao na namumuhay sa mundo.




At may isang bagay rin akong ipinangako sa sarili ko kung sakali ngang dumating ang panahon na out na ako at may isang asshole na aalipusta sakin.




Hindi ako pinanganak para pagtawanan. Ang kung sino mang gawing katatawanan ang aking pagkatao ay hindi makakatalikod sakin ng walang pasa sa mukha.”




Muling bumalik sa normal na bilis ang mga bagay bagay sa paligid. Agad naman akong tumayo at sinuntok ang tarantadong nangalaska sakin. Naka dalawang suntok na ako ng rumesbak ang tatlo pa nitong kabarkada.




Nakita ko na lang ang sarili ko na dinadaganan ng dalawang lalaki at sisipain na ng dalawa pa. Naririnig ko na ang mga babae na asa paligid na sumisigaw para awatin kami. Pero wala ni isa ang nangahas.




Tama na!” sigaw ni Jackie at sinusubukan narin ng mga ito na hilahin ang mga lalaki para mapigilan ang pambubugbog ng apat sakin.



Naramdaman ko na ang isang kamao na lumanding sa aking mukha, isang sipa na lumanding naman sa aking tagiliran at syempre, naramdman ko narin ang sakit. Sakit ng bawat suntok at sipa na binibigay nila sakin.



Tigilan niyo siya!” sigaw ng isang lalaki. Napatingin ako sa pinto ng kainan at nakita doon si Pat.



Ano namang magagawa mo kung hindi namin siya tigilan?” tanong ng lalaking pinaulanan ko ng suntok kanina.




Mali ang tanong mo, dude. Dapat ang tanong mo ay kung ano ang magagawa NAMIN kung hindi niyo titigilan si Eric.” sabi nito at kasabay nun ay ang pagpasok ng may bente atang lalaki na malalaki ang katawan at matatangkad. Agad namang tumigil ang apat na nangbugbog sakin at lumabas na lang.




Ok ka lang ba?” tanong sakin ni Pat. Di na ako sumagot, naramdaman kong may tumutulong dugo mula sa aking labi. Tinulungan akong tumayo ni Pat, agad namang lumapit si Ena at Jackie.




Kasalanan kong lahat to eh.” bulong ni Pat. Halata ang pagaalala sa mukha niya.




Itutuloy...

Comments

  1. really, really love this story....

    ayan kasi si Pat.. hahaha

    poor Eric.... :(

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  2. kwawa nmn c eric.. c pat kc ang daldal... haha
    ngaun ko lng nbsa.. bc bc bc.. hay..

    ReplyDelete
  3. sana mabilis ang update para masaya..at sana sa lahat ng storya from book 1 gang last book eh na stress ang storya..para naman malamin ang nangyari after sa mga last part..hangging pa kc masyado.. :)




    Geohund

    ReplyDelete
  4. kawawa nman si eric! kaso bitter pa rin ako sa kanya dahil kay jake :P

    update update update :))

    -louie

    ReplyDelete
  5. Hi Migs... tagal kong di naka visit dito... miss you! Dami ko namiss na chapters! Basa mode muna hehehe

    ReplyDelete
  6. royvan24

    aba! aba! awaaaattt na! sakit kaya ng mabugbog kakawa naman si papa eric but may hero naman xa ehehehe....

    nice story again

    ReplyDelete
  7. bakit isa lang update? XD

    ReplyDelete
  8. kaya pala si pat cant let go eric..hehe love love love..superb

    ReplyDelete
  9. J'adore! I'm still trying to figure out if this is a flashback. hence the italic font. Either way writing is great as usual I just hope updates are faster :) Please :)

    ReplyDelete
  10. 1 araw k binasa ang breakeven searies at ang ganda ng story..keep it up migs.... Kudos

    next!hehe

    ReplyDelete
  11. buking c eric, how embarrasing, hehehehe

    ReplyDelete
  12. Walang kupas sa galibg ang mahal kong migz.

    ReplyDelete
  13. syete...di ako makapag lunch at makapag laba..huhuhu

    ganda!


    -Justyn :)

    ReplyDelete
  14. Ironic as it seems, pero oo late reader talaga ako XD

    Nonetheless, this book is one of the best books so far. Aside from the characters, catchy kilig moments, there is the ISSUE involved among bisexuals and other third gender people. Good that a character like this shows that WE bisexuals are, if not all, equal/ by far better than those straights :-)

    Moreover, Kuddos Migs!
    U really are gifted.
    Well, no problem for me for all the parts are already updated :-P

    better late than never ryt? :-D

    johnny :-)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]