Breakeven (Book3 Part3)
_______________________________
Breakeven (Book3 Part3)
by Migs:
Biglaan ang pagkalas namin sa pagkakapatong sa isa't isa. Ang mga maintenance na siyang unang una sa pila ng tao na nakakita samin ay may mga mapanuksong ngiti at ang mga tao namang usisero na nasa likod ng mga ito ay nagbulongbulungan. Tinignan sila ni Sir Edison ng masama atsaka naglakad palayo, isinuot na nito ang kaniyang puting long sleeves at nagsimula ng maglakad palayo, pinulot ko naman ang aking maleta.
“Sir Edison saglit lang.” tawag ko dito pero mabilis na itong nakalabas ng building.
“Hala, nakalimutan na niya si Marti.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang maliit na teddybear sa tabi ng aking maleta.
0000oooo0000
Masaya akong nagiinatay sa loob ng eroplano, napagpasyahan ko kasing sundan si Jake at supresahin ito sa Boracay. Isinuksok ko ang earphones ng aking iPod at nagsoundtrip nalang. Napatingin ako sa katabi kong upuan, bakante parin ito.
“Baka hindi na dadating.” sabi ko sa sarili ko at lihim na napangiti.
Ikinakampay ko na ang aking ulo kasabay ng tugtog sa aking iPod. Medyo nanuyo ang aking labi at dahil tinitipid ko ang aking tubig para sa kabuuan ng biyahe ay napagpasyahan kong magcandy na lang, dumukot ako sa aking bulsa ng isang candy pero kasabay ng paghila ko sa aking kamay ay sumabit ang teddy bear dito at nahulog sa sahig, pansamantala kong inalis ang aking earphones at yumuko para kuwanin ang maliit na teddy bear.
“Bakit kasi dinala ko pa ito.” sabi ko sa sarili ko.
May tumigil na isang pares ng mapuputing binti na may sapat na balahibo, sa paa naman ay may malinis na kulay asul na Toms. Unti unti kong iniangat ang aking tingin at napatayong bigla na siya namang ikinauntog ko sa sisidlan ng gamit sa ibabaw ng mga upuan.
“Ok ka lang?” tanong sakin ni Edison.
“Bakit ba sa tuwing nakikita ko ang mokong na ito ay may masamang nangyayari sakin?” tanong ko sa sarili ko.
“Musta?” tanong nito sakin at idinako ang mata sa teddybear na hawakhawak ko.
“Asayo pala si Marti ah.” sabi nito at magiliw na ngumiti habang turo turo ang teddybear na hawak ko.
Ngayon ko lang nakita ang kumag na itong ngumiti. Bagay naman pala sa kaniya, mapuputi at pantay pantay na ngipin at bahagyang nawawala ang mga mata nito.
“May dugong Koreano ka ba?” wala sa isip kong tanong dito. Napatawa ito at isiniksik ang sarili papunta sa bakanteng upuan sa aking tabi.
“Buti na lang sa may bintana ako, gustong gusto ko kasing makita yung clouds eh.” parang batang sabi nito sabay turo sa labas ng bintana. Nagtaka naman ako sa malaking pinagbago sa pagasta nito.
“Nasan si Sir Edison at anong ginawa mo sa kaniya?” tanong ko dito, nanlaki naman ang mata nito saka tumawa ng malakas.
Bata pa nga siguro ito, ngayong naka plain white t-shirt lang ito at shorts ay nagmukha talaga itong bata kesa sa madalas niyang isinusuot na amerikana sa opisina. Napatagal ata ang pagtitig ko sa kaniya, natigil na lang ito ng hilahin niya ang manggas ko na parang batang nanghihingi ng limos.
“Bakit nga pala kayo andito, Sir?” tanong ko dito.
“Punta akong Boracay.” sabi nito, naningkit tuloy ang aking mga mata.
“Ano nanaman yang iniisip mo? Matagal na akong nagpabook.” sabi nito.
“Ok.” sabi ko na lang at inabot sa kaniya ang teddybear.
“Marti!” parang batang sigaw nito, lumingon naman ang asa kabilang upuan.
“Shhh. Wag kang maingay! Para kang nakawala sa kural eh!” saway ko dito.
“Parang ganun na nga.” malungkot na sabi nito, nagets ko naman agad.
Mahina na ang tatay ni Edison na si Don Emilio, pero siya parin ang namamahala sa kumpaniya nila kahit asa bahay lang ito madalas, kaya ang siste si Edison na siyang kanang kamay ay siya namang bahala sa iba pang bagay na hindi na kaya ng ama niya na tugunan. Gusto ko sanang magsorry sa sinabi ko, pero parang tinahi ang aking bibig, sa halip ay inabot ko na sa kaniya ang maliit na teddybear.
“Sayo na yan.” magiliw na ngiti nito.
“Ha? Eh pano ikaw?” sabi ko habang pilit na itinutulak pabalik sa kaniya ang maliit na teddybear.
“Dyaraaannn!” sabi nito at inilabas ang isa pang teddy bear na kapareho lang ng nasa akin.
“Ah eh sigurado ka bang ok lang sayo na sakin nalang to?” tanong ko ulit dito.
“Oo naman, madami ako niyan sa bahay eh.” ngiti nito.
“Anak ng tupa.” bulong ko sa sarili ko at wala ng nagawa pa kungdi ang itago ang maliit na teddy bear sa aking bulsa.
Walang tigil sa pagsasalita si mokong, parang first time nga in a long time nitong hindi nakawala sa kural, malamang kailangan niya yung strict attitude para i-respeto siya ng tao, kaya naman di ko mapigilang maawa.
“Bata pa talaga siya, pero dahil sa tarbaho niya, pinipilit niyang maging stiff, para i-respeto siya.” bulong ko sa sarili ko.
“HUY! Nakikinig ka ba? Parang hindi naman eh.” sabi nito saka kala mo batang nagmamaktol.
“Ah eh ano nga ulit yun?” pero pinagsisihan ko kung bakit tinanong ko pa iyon, dahil ngayon wala na ito ulit tigil sa pagsasalita.
Ilang minuto pa ng magsawa ito sa kakasalita ay para itong bata na nakadungaw sa bintana at tinitignan ang bawat nadadaanang ulap. Mayamaya pa ay inilapat nito ang hintuturo nito sa salamin ng bintana at nagtre-trace ng mga hugis ng ulap.
“Weird.” sabi ko ulit sa sarili ko, kinuwa ko ang magazine na aking dala at sinalpak ulit ang earphones sa tenga ko.
Mayamaya pa naramdaman kong may mabigat na bagay sa aking kaliwang balikat. Nakatulog na pala si mokong at nakanganga pa.
“Masandal tulog.” sabi ko, pero di ko inalis ang pagkakasandal niyang iyon sakin.
Idinilat ko ang aking mata nang mapansin kong parang lumilindol, nang luminaw ang aking paningin ay nakita ko ang stewardess na ginigising ako at may sinasabi.
“Sir, yung belt niyo po. We're going to land in a few minutes.” sabi nito sakin sabay ngiti.
“Thank you.” sabi ko dito sabay ngiti din.
“Sir, paki gising at pakisabihan narin po yung boyfriend niyo.” sabi ulit ng stewardess sabay turo kay Edison na nakasandal parin sakin at panay panay na ang tulo ng laway sa damit ko.
“Ah eh miss di ko siya...” pagdedeny ko sana pero nakalayo na pala yung F.A.
“Haist! Sir... Sir!” gising ko dito, pero tulog mantika si kumag, kaya naman iniayos ko siya ng upo at inabot na ang belt niya at nagpasya na ako na ang magsusuot nito sa kaniya, nasa ganon akong tagpo ng dumaan ulit ang stewardess at humagikgik ng makita ang ginagawa ko.
“Kinilig pa nga ang pota.” sabi ko sa sarili ko, habang inaayos padin ang belt ni kumag. Maya maya pa ay naramdaman kong humahagikgik si mokong, iniangat ko ang tingin ko sa kaniya.
“Crush mo ba ako?” mahanging sabi nito sabay ngiti na kala mo nakascore sa basketball ang kumag.
“Ahhh, o di sige pababayaan ko na lang na hindi ka nakabelt para pagland nito ay tumilapon ka na nang mabura yang putang kayabang mong ngiti sa mukha.” naiirita kong sabi dito sabay bitiw sa belt.
“Eto naman, joke lang.” sabi nito at inabot niya ang aking kamay na ikinataka ko naman.
“Ayan na oh, i-tuloy mo na.” sabi nito at inuutusan pa ako na magbelt sa kaniya.
“Ay! Baldado ka na?!” sarkastiko kong tanong dito. Tumawa lang ito at binitwan na ang aking kamay at siya na mismo ang nagtuloy sa pagsusuot ng belt.
Iritable parin ako sa pinakitang kagaguhan sakin kanina ni Edison. Nakasibanghot akong lumabas sa airport at naghanap ng masasakyan, pero bago iyon ay parang maynagsabi sakin na lumingon ako at ng ginawa ko ito ay nakita ko si Edison na parang batang nawawala na pa-ikotikot sa kaniyang kinatatayuan, alam kong di rin ito sanay na magtanong sa mga tao para magpaturo ng direksyon.
“Sus. Araw araw ka ba namang nakakotse.” sabi ko sa sarili ko.
Nang magtama ang aming tingin ay parang bata itong nagmamakaawa ng tulungan ko siya. Di ko naman natiis ito at nilapitan ko na.
0000oooo0000
“Salamat ah.” sabi nito sakin habang nakasakay kami sa isang bangka.
“Ok lang.” sabi ko dito, pero bago pa ito makasagot at dagsain nanaman ako ng kadaldalan ay isinalpak ko na agad ang aking earphones, para wala na siyang magawa kundi ang tumahimik.
Nagtaka naman ako at halos lahat ng nasa bangka ay tumitingin sa aming direksyon, tinpunan ko ng tingin si kumag at nakita ko itong nagsusuka.
“Huy ano ka ba!” sabi ko dito, humarap naman ito sakin.
“Anong magagawa ko kung nasusuka ako eh.” sabi nito sakin. Inabutan ko na lang ito ng plastic para imbes na sa dagat ito daretso sumuka at madiri lahat ng tao sa bangka ay dun na lang siya sa plastic sumuka.
“Dyahe naman oh.” sabi ko habang hinahagod ang likod ni mokong.
0000ooo0000
“Ahhhhh.” sabi ko habang sinasamyo ang hangin ng Boracay.
“Do you have a place to stay?” tanong ni Sir Edison sakin habang namumutla pa.
“Yup.” sabi ko dito saka nginitian. Inilabas ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Pat nang walang sumagot ay ibinalik ko na lang ang tingin sa kumag na kasama ko.
“Di ka ba pupunta sa cottage mo o sa hotel mo kung san man yun?” tanong ko kay Sir Edison.
“Haven't got one yet.” sabi nito sakin na ikinagulat ko naman.
Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi talaga planado ang pagpunta dito ni kumag, kung planado ito ay malamang nakapagbook na din siya ng isang kwarto sa mga hotel dito sa Boracay o kaya ay may susundo na sa kaniya pagbaba palang ng ferry. Binigyan ko ito ng isang naniningkit na tingin at nginitian lang ako nito at biglang hinatak ang aking kanang kamay.
“Halika, samahan mo akong maghanap!” sigaw nito habang kinakaladkad ako papunta sa hilera ng mga hotel malapit sa dalampasigan ng Bora.
“Teka!” sigaw ko dito.
“Para magpapasama lang eh! Kung matipuhan ako dito at dalin sa kung saan, makakaya ba ng konsensya mo iyon?!” sabi nito sakin na ikinatahimik ko naman.
“Sabi ko na eh, di mo maaatim yun.” sabi nito sabay hila sakin.
“Pero kailangan ko kasing hanapin sila Pat.” sabi ko dito.
“Sila? Akala ko boyfriend mo lang ang kasama mo dito?” takang tanong nito sakin habang hinihila ako papunta sa mga tiyangge.
“Kasama namin ang bestfriend niya saka ang boyfriend nung bestfriend niya.” sabi ko dito habang sinusubukan paring makawala sa mahigpit na hawak niya sa aking braso.
“Ahhhh.” sabi nito habang namimili ng mga t-shirt na may tatak na Boracay na nagbigay sakin ng ideya, na hindi naman talaga siya interesado na malaman ito.
0000ooo0000
“Ayan na ah, nakapag check in ka na! Siguro naman safe ka na niyan?!” sarkastiko kong sabi dito, di naman siya sumagot at humagikgik na lang ito na kala mo nakakaloko.
“Sige na! Bayieee!” sabi ko dito habang binibigay ng asa reception area ng hotel ang susi ng kwarto nito.
Inilabas ko ulit ang aking telepono at sinubukang tawagan si Pat, pero di parin ito nasagot, sunod kong tinawgan si Eric, pero wala paring sumasagot. Napagpasyahan kong pumunta na sa bahay na tutuluyan namin, pero bago pa man ako mkalapit dito ay sinubukan ko ulit tawagan sila Pat, pero wala parin. Malapit na ako sa bahay na nirentahan namin ng maisipan kong ang boyfriend naman ni Eric ang tawagan.
“Hello Tim? Asan ba kayo? Kanina pa ako tawag ng tawag kila Pat at Eric ah.” tanong ko dito pagkasagot na pagkasagot niya ng telepono niya.
“Di ba sinabi sayo ni Pat? Di ako nakasama kasi masama pakiramdam ko. Akala ko kasama ka? Hello, Jake?... Jake?” sabi nito sa kabilang linya, pero di na ako nakasagot pa. Nabitawan ko na ang telepono at isang matinding pagkabog sa dibdib ang gumapang sakin.
Itutuloy...
aw,, alam na,, hahaha tnx sa update.. godbless!! :)
ReplyDeletehaha nakakaloka!!! pati ako eh kinakabahan na...haaayst
ReplyDeletenxt please..:)
hayan gyera nah...tsk tsk.
ReplyDeletetama! alam na..mmm..bestfriends with pasts..:D XD
ReplyDeleteGiyera na nga!!!! Sige pasabugin ang mga taksil!!!
ReplyDeleteI love it!
ReplyDeleteYun yun eh.
Kabahan k n tlga s ganun.
Ihanda ang taas ng kilay, ang nakapansuntok na kamay at higit sa lahat, ang pusong masasaktan.
I bet na ito na ang saya ni EDISON!
waaaaaaaahahahha...
ReplyDeleteMay lovelife na c edison ngaun nyan hehehehe...
hehehe...
Next na po...
-mars
bakit parang nag-iba ang ugali ni edison mula sa book 1?
ReplyDeletebestfriend and boyfriend naman! balik ka na lang kay edison at dun ka na lang sa kwarto niya matulog.ehehehe. tutal may teddy bear bond naman na kayo.whehehehehe.
ReplyDeletegusto ka rin ni edison. lovelife na rin niya ito.ahahahahaha.=)
Di ko talaga mabitawan mga kwento mo migz. Isang upuan ko na tapusin ito. Laove u much. Ingatz! :))
ReplyDelete