Chasing Pavements (Book2 Part3)
___________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part3)
by: Migs
Nagmamadali akong lumabas ng skwelahan, balak kong bumalik sa pad ni Kuya Ron at intaying klumaro ang aking isip. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Alex sa loob ng classroom nung kaming dalawa na lang ang natira doon.
“At yung reaksyon ni JP nung habulin ako ni Alex. Shit! Buko agad!” sabi ko sa sarili ko, lalo akong nagpanic.
Nasa kalagitnaan ako sa pagmumunimuni kong iyon nang bigla akong napatigil saglit at napalingon, nararamdaman ko kasing parang may nasunod sakin, di na bago sakin ang ganito, minsan na akong na hold-up dito at sinumpa ko sa sarili ko na magiging sensitibo na ako mula noon.
Nang wala naman akong nakitang kahinahinalang tao malapit sakin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at pakikipagtalo sa sarili ko, wala pa man ako sa ikasampung hakbang mula nung tumigil ako ng maramdaman kong may sumusunod nanaman sakin, lumingon ako at nahuli ko si JP na sinusundan ako.
“ARGHHH! Bakit ba ngayon mo pa naisipang mangulit?!” sigaw ko dito at kumamot lang ito sa ulo.
“Pasensya na, wala kasi akong mapupuntahan eh. Nakakaboryo naman sa dorm ko.” sabi niya sakin habang patuloy sa pagkamot ng ulo niya.
“Ah kaya ginawa mong hobby ang pagsunod sakin?” sarkastiko kong tanong dito, napangiti lang si loko.
0000ooo0000
“Sabihin mo nga sakin yung totoo? Di ba talaga kayo magkakilala ni Sir bago tong una nating klase sa kaniya?” tanong ulit sakin ni JP habang ngumunguya ng fries. Wala na akong nagawa kungdi isama si mokong para lang wag na itong mangulit.
“Ang totoo niyan...” simula ko at natigilan narin si JP, halatang halatang interesado sa maaari kong ilahad.
Nanlaki ng mata ni JP sa aking kinuwento, Ilang minuto ko ring pinagisipan kung sasabihin ko nga ba kay Jp ang totoo dahil unang una di niya alam na napatol ako sa kapwa ko lalaki, pangalawa ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang may nangyari na samin ni Alex na siya namang propesor namin. Pero sa bandang huli...
“Tignan mo kung ano nangyari nung huling beses na nagsinungaling ka?” tudyo ng sarili kong utak sa akin.
Naisipan ko ring sabihin kay JP ang totoo, nagulat ito nung una at hindi ko na inaasahan na kausapin pa ako nito, pero nagulat lang ako ng ngumiti ito at sinabing...
“Ok lang yan. O siya kumain ka na.” sabi nito sakin sabay bukas ng sachet ng ketchup na kaninang kanina ko pa hindi mabuksan. Nagulat ako dahil taliwas sa inaasahan ko ang reaksyon niya.
“So anong plano mo ngayon?” tanong nito sakin.
“Mukhang wala lang naman sa kaniya ang nangyari samin. Mukhang laro lang sa kaniya lahat.” wala sa sarili kong sabi sabay tingin sa kaliwa para di makita ni JP ang lungkot sa mukha ko. Bigla niyang hinampas ang lamesa na ikinagulat naming lahat na nandun sa fastfood chain na iyon.
“Gago ba siya?! Anong karapatan niyang paglaruan ang ibang tao?!” napalakas na sabi ni JP. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at lumingon para makita kung ilang tao ang nakarinig sa sigaw niyang yun.
0000ooo0000
“Ahhh dun ka pala sa P. Campa.” sabi ni JP nang sagutin ko ang tanong niya na kung san ako nakatira ngayon.
“Oo, dun nga. Teka wala ka na bang klase?” tanong ko dito. Umiling lang siya at ngumiti.
“Ahh pareho pala tayo.” sabi ko naman dito, sabay pagsisisi ko dahil biglang lumiwanag ang mukha nito na miya mo biglang may ideya na bumangga sa isip niya.
“Gusto mo tambay muna tayo sa dorm ko?” aya nito sakin. Tinignan ko lang siya.
“Ay, feeling close?” sabi ng utak ko.
“K-kung gusto m-mo lang naman.” nahihiyang sabi nito sakin na kala mo nabasa ang iniisip ko sabay yuko at inom sa float niya, para itong bata na sinsasaid ang laman ng kaniyag baso sa pamamagitan ng straw at kapag wala ng mahigop ay lilikha ng ingay.
“Ok lang sakin.” sagot ko naman dito. Bigla itong tumunghay saka ngumiti ulit.
0000ooo0000
“Naku sensya na, medyo burara kasi ako.” sabi ni JP habang isa isang pinupulot ang mga damit na nagkalat sa sahig.
“Medyo pa yan sa lagay na yan ah? Ano pa kung fully pledged burara ka pa.” sarkastiko kong sabi dito, ngumiti ito sabay kamot sa ulo.
“Ano gusto mong inumin?” tanong nito sakin sabay naglaho sa likod ng isang pinto.
Maganda ang lugar ni JP, may kaliitan pero swak lang pang dalawang tao, may doubledeck na nakadikit sa pader sa aking bandang kanan at isang mahabang sofa na naghihiwalay sa tulugan at sala. May dalawang malaking aparador na pinagigitnaan naman ng isang pinto na nung sinilip ko ay CR pala, makalampas ng sofa at TV na nakadikit naman sa pader sa aking bandang kaliwa ay isang pinto na naghihiwalay sa kusina at sala, asa kusina nadin ang kainan nito.
“Ano to?” tanong ko kay JP nag iabot nito sakin ang isang baso na may kulay kalawang na likido doon.
“C2.” matipid nitong sagot.
“Ha?” tanong ko ulit dito nang hindi ko nakuwa ang sinabi nito.
“Yung green tea na drink, eto oh.” sabi ni JP sabay dampot sa isang plastik na bote na may nakatatak na C2, tinikman ko ito at hindi nagustuhan ang lasa, tinignan ko ang bote nito na may packaging na kulay green.
“Di nga masarap yan kaso di kasi ako pwede sa lemon at apple gawa nasakit ang lalamunan ko.” sabi nito sakin ng makita siguro ang pagngiwi ko nang malasahan ko ang green tea na inalok niya sakin.
“Ano gusto mong gawin?” tanong nito sakin.
“Ha? Kahit ano.” sabi ko dito.
“Ah teka may bala ako diyan ng diablo eh.” sabay dive nito sa ilalim ng double deck, inilabas nito ang isang kahon na puno ng DVD, napahiling ang aking ulo pakanan nang may makitang isang CD.
“Tarzan X?” tanong ko dito na ikinauntog naman ng ulo ni kumag sa may double deck. Natatawa ako dahil halatang porno ang nakita kong iyon na may tampok na hubad na babae sa cover.
“Ah eh. Akin na nga yan.” sabay hablot nito sa aking hawak hawak na CD at di na maikakaila ang pamumula ng mukha nito.
0000ooo0000
“Ahahaha! Nanalo ako!” sigaw nito.
“Malamang, saulo mo na yang larong yan eh.” walang gana kong sabi dito. Dumungaw ito sakin sabay tawa.
“Teka lang, maiba tayo. Paano kung biglang magbago ang ihip ng hangin, pano kung seryosohin ka ni Sir? Papatulan mo ba siya?” tanong nito sakin sabay yuko.
Natigilan ako, sa totoo lang di ko iyon naisip at di ko talaga rin siguro inisip. Masyadong magiging kumplikado ang lahat kung nagkataon. Propesor ko siya, estudyante niya ako. Yung magkarelasyon ngang Lalaking propesor saka babaeng estudyante, hindi na tanggap eh, yun pa kayang Propesor na lalaki at estudyanteng lalaki. Ano iyon Combo meal? May spaghetti na may chicken pa at libreng fries and drinks?
Napatingin ako kay JP.
“Imposible na sigurong magkagusto pa ako kay Alex. Masyadong kumpikado na lahat eh.” sagot ko kay JP, ngumiti naman ito saka biglang sumeryoso ulit ang mukha sabay nagisip ng maitatanong.
“Ah eh pano naman kung... ahmmm di naman propesor ang magkagusto sayo pero lalaki din, pagbibigyan mo ba ito?” kumunot ang noo ko sa tanong niyang yun.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito.
“Ah eh, p-pano kung may magkagusto sayong kaklase nating lalaki...” namumula nang sabi ni JP, halatang hindi kumportable sa tinatanong nito.
Napagtanto ko rin, malamang, hindi nga magiging kumportable si mokong sa mga tinatanong niyang tungkol sa kabaklaan dahil straight ito.
“Alam mo JP, kung tinatanong mo lang yan para may mapagusapan tayo eh pwede mo nang itigil lalo pa't nakikita kong hindi ka kumportableng pagusapan ito.” sabi ko sa kaniya at nagkamaot lang ulit ito sa ulo, napangiti naman ako dito.
“Eh anong gusto mong pagusapan?” tanong nito sakin.
“Kahit ano.” sabi ko dito sabay kibit balikat, sinimulan ko ulti laruin ang diablo at napagpasyahang tapusin na ang level na iyon.
0000ooo0000
“Di lang kasi kami siguro para sa isa't isa.” sabi ni JP habang nainom kami ng binili naming emperador sa baba ng dorm niya.
“Ah ganun ba, sayang din yun si Jen, mabait pa naman yun saka maganda.” pertina ko sa ex girlfriend niya na siya namang kaklase ko sa isang subject namin. Sinuntok lang ako nito sa braso saka ngumiti.
“Oi kay Sir ka na lang, wag mo nang punteryahin si Jen.” nagbibiro nitong sabi sakin. Napatawa na lang ako.
Madami pa kaming napagusapan ni JP, tungkol sa mga subjects namin sa mga propesor na walang kwenta at sa mga kalait lait naming mga kaklase. Usapang brownout kung baga.
“Alam mo, nung unang kita ko pa lang sayo, sabi ko sa sarili ko, kakaibiganin kita. Mukha ka kasing cool parati saka...” napatigil ito nang bigla akong humarap sa kaniya.
“Cool parati? Kanina lang naman tayo nagkakilala ah? Nagtaka nga ako sayo kanina nung nagpakilala ka, sabi mo kilala mo ako, eh katra-transfer ko lang dito.” sabi ko kay JP, namula nanaman ito.
“Nakita kasi kita nung enrolment, nung sa pila palang alam ko nang transferee ka, pero confident ka, saka di karin suplado, pag may nagha-hi sayo ngingiti ka, pag may nagpakilala sayo kakausapin mo, di katulad ng iba... parang ang cool cool mo, parang walang problema, ganun.” sabi ni JP.
Napatitig na lang ako dito.
“Tapos nung minsang manghihiram ako kay Jen ng calculator para sa statistics namin nakita ko kayong magkatabi sa microbiology, sabi ko kaibiganin ka kasi mukha kang mabait. Kaya nung nagkita ulit kami ni Jen para ibalik yung calcu niya, tinanong ko sa kaniya pangalan mo, yun nga Migs daw, kaya sabi ko kanina kilala kita.” sabi pa ni JP na kala mo nahihiya na di mawari.
“Ahhhh” sabi ko na lang pero parang may kulang parin sa sagot niyang yun.
Tatanungin ko pa sana ulit ito ng biglang mawalan ng kuryente, at dahil sa may angkin akong kaduwagan ay napakapit ako sa braso ni JP, napahagikgik naman ito. Sa isang lugar kung san napapaligiran ng matataas na building ang paligid ay imposible nang lumiwanag ang paligid sa tulong ng buwan, kaya naman masasabi mong pitch black talaga sa loob ng kwartong iyon ni JP.
Pinailaw nito ang kaniyang cellphone at nagpaalam sakin saglit na kukuwa lang daw siya ng kandila sa kusina, dahil sa nakakatakot ang nilaro namin kanina sa PC ay di ko mapigilang ma-imagine na asa likod ko ang diablo at papatayin ako nito.
“Bakit ganiyan ang itsura mo? Mukha kang papel sa sobrang pamumutla.” sabi ni JP sakin habang pinipigilan ang sarili na tumawa.
“Ayoko ng ganitong kadilim.” sabi ko na lang, lumapit na si kumag at ibababa na sana ang kandila sa lamesa ng bigla itong matalisod at napadagan sakin. Nagtama ang aming mga mata, malamlam ang mata nito na kala mo nakikiusap, maya maya pa ay lumalapit na ang mukha nito sakin.
Itutuloy...
first...ganda ng story..at araw araw ko talagang chinicheck kung may updates na..lol
ReplyDeleteAy panalo to.
ReplyDeleteYun yun eh...
Di mapigilang damdamin...
Hinay hinay lang muna ako at baka mahimatay ako sa kilig at excitement...
can't wait for the next :D
hahahaha,ganda naman ng flow, i remember the days na nagrereview ako sa may galicia ang dorm ko, c2 din ang tubig ko kesa maynilad anginumin ko,nice one migs (",)
ReplyDelete-josh
previous chapter super awkward... this time, super pinipigilang damdamin... arrgghhh Migsss!!! What's next? para mapaghandaan namin hahaha... Anong charisma meron ka? praning lang ako... sige lang tuloy mo kwento hehehe... nagiging exciting buhay namin sa pagbabasa ng kwento mo eh... Wala na... ganito na talaga... adik sa yo!
ReplyDeleteHala mukhang maghahalikan ang dalawa... Hahaha. Marathon reading na ginagawa ko nito. Haha
ReplyDelete. . . nakakatuwa naman yung lines at narration - naalala ko tuloy ang ' naughty-college-life ko.
ReplyDeletebasa-basa din pag may time :-)
nice sequel Miggy.