Chasing Pavements (Book2 Part10)

__________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part10)
by: Migs


Pangatlo at huling araw ko na ngayon dito sa Batangas, masaya ako dahil nakapagrelax ako at nakapagmunimuni. Napagisipan ko lahat ng nangyari samin ni Edward at pati narin ni Alex at ang iba pang mga kabaliwan pa na nangyari.



Nakatanaw ako sa malawak na dagat na nakaahin sa aking unahan, nakatukod ang magkabila kong kamay sa buhanginan. Maaga pa kaya di gaanong mainit ang sinag ng araw na tumatama sa aking dibdib at tiyan, sa aking likuran ay ang mga kapwa ko bakasyunero sa kabilang resort na nagjo-jogging.



Pinuno ko ang aking mga baga ng sariwang hangin, sinuot ko ang aking shades at iginawi ko ang aking tingin sa magagandang tanawin na nakaahin sa aking harapan.



Lulubuslubusin ko na ito. Mamya uuwi na ako sa totoong mundo. Sa realidad. Sa sakit.” sabi ko habang pinagmamasdan ang alon na para bang inaabot ang aking paa mula sa kinauupuan ko.



Naramdaman kong kumalam ang aking sikmura.



Tama! Lulubusin ko na ito!” sabi ko sa sarili ko at agad agad na tumayo.



Dude, watch out!” sigaw ng isang lalaking nagja-jogging pero huli na, di ko na nagawa pang iwasan ito.



Padapa itong bumagsak sa buhanginan at ako naman ay patihaya, tama lang ang pagiwas ko para di niya ako madaganan, agad agad akong tumayo at tinignan ang lalaki na para bang may iniindang sakit at hindi agad makatayo.



Sorry talaga.” sabi ko dito at sinimulan siyang tulungan patayo.




Ok ka lang ba?” tanong ko dito.



I will be kung bibilisan mo ang pagtulong sakin patayo.” agad ko naman siyang inakay patayo at iniupo sa pinakamalapit na bench.



Sorry talaga.” usal ko ulit habang pinapagpag ang aking damit.



No worries.” sabi nito habang pinapagpag din ang damit na puno ng buhangin.



Wait have we met before?” tanong nito, napatingin ako sa kaniya at dun ko lang nalaman na pinagmamasdan ako nito.



Kumunot ang noo ko at pilit na inalala ang lalaki na mukha ngang pamilyar sakin. Bigla itong ngumiti at pumitik.



Yup! We've met alright! Sa LRT, you were crying...” di pa man nito natatapos ang kwento niya kung pano kami nagkakilala ay agad ko naman itong naalala.



Anyways, I'm Marco, Marco Tan.” pakilala nito sabay lahad ng kamay.


Migs, Miguel Salvador.” sabi ko sabay shake ng kamay niya, napatitig ako sa mukha niya at ganun din siya sakin.


Tahimik.


Breakfast?” pabulong nitong tanong sakin habang nakatingin parin sa aking mukha, tumango lang ako.



0000ooo0000



So ngayon ok ka na?” tanong niya sakin habang nakain ng breakfast.



Yup, I think so.” sagot ko.



You look really sad that night, anyways, atleast ok ka na ngayon and I can say you're doing good kasi you're looking good already.” sabi niya sabay subo ng tapa, nagkatinginan kami.



Nga pala, till when are you going to stay here?” tanong niya ulit.



Last day ko na ngayon. Uwi na ako after this.” sagot ko.



Madami pa kaming napagkwentuhan pero halos lahat yun ay kwentong brownout lang, ibig sabihin walang sense pero masasabi kong nagenjoy akong kasama siya, pero sabi ko nga kanina kailangan ko naring bumalik sa realidad. Nagpaalam ako dito pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ng kaunti, kanya kanya kaming bumalik sa aming mga cottages.



0000ooo0000



Bago ako bumalik sa aking sasakyan ay pansamantala akong tumungo sa dalampasigan kahit may kainitan na ang dala ng tanghaling sinag ng araw ay di parin ako maawat sa pagsaulo ng magandang view. Nagbuntong hininga ulit ako nagulat na lang ako ng biglang tumulo ang isang luha mula sa aking mga mata. Pinahiran ko iyon.



Hala, san ka galing?” parang tanga kong tanong sa aking palad na pinangpunas ko ng luha. Idinaretso ko ulit ang aking tingin.



Hindi na ako ulit masasaktan ng ganito.” bigay pangako ko sa sarili. Tumalikod na ako at tinungo ang aking kotse, nagulat na lang ako ng makita si Marco na nakatayo sa may gate ng resort. Nakangiti ito sakin.




Uuwi ka na ba talaga?” tanong nito, tumango lang ako. Nakita ko itong nagbuntong hininga.



Paheram ako ng phone mo.” sabi niya sakin, inabot ko dito ang aking phone, hinila ako nito padikit sakanya at itinalikod ang aking cellphone para kunan kami ng litrato. Pagkakuwa ng litrato ay agad nitong nilagyan ng tag line ang litrato sa aking cellphone. Tinignan ko ito, nagulat na lang ako nang makita na numero ang nakalagay doon.



Hope to see you soon in Manila.” sabi nito sabay ngiti. Natameme na lang ako.



Text mo ako.” sabi niya at naglakad na palayo sakin.



Sumakay ako ng aking sasakyan at pinaandar na ang makina nito, di parin ako makapaniwala sa nangyari at hindi parin makapaniwala na uuwi na talaga ako. Nagbuntong hininga ulit ako at nakangiting umuwi ng Manila.



0000ooo0000


Nagresume ang klase, nahalata ng marami ang malaking pinagbago ng aking itsura at ugali. Kinakausap ko ang mga tao sa aking harapan sa klase na inaamin kong nun ko lang nalaman ang pangalan nang biglang pumasok si Alex, nagtayuan lahat para batiin ito at nang sumenyas na si Alex na maupo na ang lahat ay saka ko naisipan na lapitan na ito.



Nagtinginan at nagbulungan ang aking mga kaklase habang naglalakad ako palapit sa lamesa ni Alex. Nakatingin ako ng daretso dito at nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sakin.


What's this?” tanong niya sakin ng iabot ko sa kaniya ang isang sulat mula sa aming DEAN.


Permission from the DEAN. Pinayagan niya akong magtransfer ng class, Sir.” sabi ko dito, natigilan siya, di ko na inintay ang sagot nito at tumaikod na ako at naglakad palayo.



0000ooo0000



Hep! Hep! Hep!” saway sakin ng aking kuya Ron nang mahuli niya akong nagsisindi ng yosi.


Wag kang K.J.” sabi ko dito, umiling lang ito at wala ng nagawa.


Simula ng bumalik ako sa Manila ay napagisipan kong lubusin na ang pagiging masaya habang nabubuhay pa.


Tama na ang pagiging seryoso, oras na para maging teenager. Minsan lang ako maging teenager.” Sabi ko sa sarili ko.



Maganda ang aming napililing pag-gimikan ni kuya Ron, maluwag ang dance floor, mura ang mga inumin at mababait ang mga taong nagpupunta doon. Tinignan ko si kuya Ron sa kinatatayuan nito at may nakilala na kaagad itong isang lalaki. Tinignan ko ang paligid.



Di naman ito gay bar ah.” sabi ko sa sarili ko. Nagkibit balikat na lang ako. Ilang inom pa ng beer at nakaramdam na ako ng pamimigat ng pantog.



0000ooo0000



Pagkatapos kong umihi ay agad akong nagpunta sa mga lababo at naghugas ng kamay, tinignan ko ang sarili sa salamin at nag ayos. Bayolenteng bumukas ang pinto ng CR at iniluwa noon ang tatlong lalaki ang dalawa ay nakaakbay sa nasa gitna nila na mukhang lasing na lasing na.



Baboy mo tol!” sigaw ng isa, pamilyar ang boses na iyon kaya't tinitigan ko ito sa pamamagitan ng salamin, naghugas ito ng kamay sa aking tabi, napatingin na ito sakin. Una ay di ako nito nakilala pero agad niya ding ibinalik sakin ang kaniyang tingin.



Migs?!” ngumiti lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko.



0000ooo0000



Lumabas kami ni JP ng bar na iyon, mas pinili naming magusap sa may parking lot at kumain ng nilalakong tokneneng doon. Una ay tahimik lang kami at nagpapakiramdaman.



Musta na?” tanong ko dito.



Ok naman ako sa bago kong school.” matipid na sagot nito.



Ikaw? Musta na kayo ni Sir Alex.” tanong nito sakin. Napangiti ako ng pilit.



Oh? Bakit?” tanong nito nang mapansing nagiba ang aura ko.



Di naman naging kami eh.” malungkot kong sabi sabay tulo ng isang malusog na luha. Di na ako tinanong pa ni JP, hinila na ako nito palapit sa kaniya at niyakap. Niyakap ng mahigpit.




0000ooo0000



Third year college nang muli akong magkaroon ng interes kay Alex, sa loob ng isang taon tuwing makakasalubong ko ito ay ni hindi ko ito tapunan ng tingin o sulyap.



Tama na ang mga luhang nasayang sayo.” katwiran ko.



Pero kahit ano palang mangyari di ko maiaalis si Alex sa aking utak lalo na't naging malaking bahagi siya ng aking buhay. Summer duty ko noon at kasalukuyang nagaayos ng mga chart ng marinig ko ang kwentuhan ng mga second year students.



Aalis na daw si Sir Alex.” sabi nung isa, napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.



Oo, sa States daw ata pupunta.” sabat nung isa.



Sayang. Magaling na teacher pa naman yun.”



Agad agad kong iniwan ang mga metal charts sa aking unahan at pumunta sa nurses lounge, napaupo ako, napaupo sa sobrang pagkainins sa sarili ko.



Hanggang ngayon ba may epekto pa sakin yung walang hiyang yun!” sigaw ko sa sarili ko.



Di ako makapaniwala na kahit papano ay nalulungkot ako dahil aalis na siya at maaaring di na kami ulit magkikita, at yun ang di ko mapaniwalaan sa sarili ko. Sa kabila ng mga nagawa niya ay nakuwa ko paring malungkot at isang luha ang pumatak sa aking kaliwang mata.




After One Year



Di rin marahil naging maganda ang nangyari kay Alex sa states, dahil pagkatapos ng isang buong taon ay bumalik ito sa school at muling nagturo, nang makita ko ito ay wala na ni kahit ano akong naramdaman pa para dito.


Akala ko asa States na yan?” tanong sakin ni JP habang nakatambay kami at nagkwekwentuhan sa may parking lot, sakto kasing dumating si Alex.



Akala ko rin.” matamlay kong sabi pero masaya ako dahil sa wakas wala na akong nararamdaman para dito, kapiranggot na kirot na lang, pero hanggang dun na lang yun.




0000ooo0000



Congrats!” sigaw ni JP sa pagitan ng nanay ko at tatay ko. Nginitian ko lang ito.



Pano ba yan edi uuwi ka na ng Cavite?” malungkot na tanong sakin ni JP.



Hindi pa, may review pa kasi para sa board exams tas mahaba haba pa kasi november pa ako magte-take.” sabi ko dito, sinadya ko itong lakasan para marinig iyon ng aking mga magulang, nanlilisik ang tingin ng nanay ko sa aking sinabing iyon, inawat lang siya ng tatay ko at inaya ng bumalik sa sasakyan.



JP, saglit lang ah, papapicture lang ako sa mga kaklase ko.” paalam ko dito, tumango lang ito.


Sinimulan ko ng tumawid sa dagat ng mga kaga-graduate lang na mga estudyante, may ilang nagyayakapan, ang iba ay nagiiyakan at ang karamihan ay nagpapa-picture. Di pa man ako nakakarating sa aking mga kaibigan ay bigla ng may humarang sa aking daanan.



Nagtitigan lang kami ni Alex, walang emosyon akong nararamdaman pa tungkol sa kaniya, ngayon na lang ulit kami nagkaharap ng ganitong kalapit pagkatapos ng ilang taon. Wala na ang kagustuhan kong sapakin ito at pagtatadyakan, wala na ang sakit na idinulot niya kapiranggot na kirot na lang at wala na rin akong nararamdaman pa ni katiting na pagmamahal sa kaniya. Para sakin ay isa na lang siyang tao na nakilala ko sa kolehiyo.



Gusto ko sanang magso...” umpisa nito pero di ko na siya pinatapos pa.



Wala na iyon.” sabi ko.



So am I forgiven and the thing that I did was forgotten already?” tanong nito, di ko alam pero parang may kirot akong naramdaman sa tanong niyang yun. Kirot at pagkainsulto.



Kirot lang. Hanggang dun na lang ang magagawa niyang pananakit sakin.” sabi ko sa sarili ko. nagbuntong hininga ako at nagbigay ng isang nakakainsultong ngiti. Hindi iyon nakaligtas kay Alex.



You're forgiven but what you did will never be forgotten. After all nobody forgets their First Fuck.” makahulugan kong sabi dito, nawala na ang ngiti sa mukha nito. Biglang sumulpot ang school photographer namin at nagtanong kung magpapakuwa kami ng litrato na magkasama, tumango na lang ako, nagbilang ang photographer at isang nakaksilaw na flash ang bumulaga samin. Tumalikod na ako sa kaniya at tinungo na ang aking mga kaibigan.




After One Year




Di ko na inintay pang matapos ang reception, nagmaneho na ako pauwi kasabay ang kapatid ko at si Al, di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko, umakyat ako sa aking kwarto at hinila ang tali ng venecian blinds at binuksan ang bintana na matagal kong pinanatiling nakasara, humakbang ako palabas dito at umupo sa malaking sangha ng puno ng santol, napangiti ako sa sarili ko.



Kuya, anong ginagawa mo diyan?” tanong sakin ng kapatid ko.



Wala, gusto ko lang maramdaman...” napatigil ako, medyo nalungkot pero agad ding gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos magbuntong hininga at humarap sa kapatid ko at nginitian ito.



Ahhh, gusto mo lang maramdaman ulit kung pano maging unggoy, gets ko na.” sarkastikong sabi nito saka umiling iling.



Nga pala, may bisita ka sa baba.” nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, agad akong pumasok pabalik sa loob ng kwarto ko at bumaba papuntang sala, sinusundan ko parin ang kapatid ko, bago ako makababa ng hagdan ay narinig kong nagbukas ang frontdoor at narinig ang boses ni Al, tinatawag nito si Matt.



Napatigil akong bigla at muntik ng mahulog sa hagdan ng makita kung sino ang sinasabing bisita ng aking kapatid.



Alex?” sabi ko.



Bagay pala sayo ang amerikana, Migs.” sabi ng lalaking nakatayo sa may sala namin.



0000ooo0000



Aalis na ulit ako this coming week. This time for good na.” sabi ni Alex habang magkatabi kaming nagduduyan sa kalapit na park ng aming village.



I should wish you luck then.” malamig kong sabi dito, tinignan ako nito saka nagbuntong hininga.



Gusto ko sanang magsorry, Migs. I know what I did is...”



What you did almost killed me.” matigas kong sabi sabay apak sa buhanginan para maitigil ang aking pagduduyan, tumayo ako at maglalakad na sana palayo ng bigla itong lumuhod sa aking harapan at niyakap ang aking paa para mapigilan ako. Namalayan ko na lang na wala ng tigil ang luha ko sa pagtulo.



I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry...” tuloy tuloy na sabi nito, alam kong naiyak nadin ito.



Tumayo ka diyan.” sabi ko.



Hindi, hangga't di mo tinatanggap ang sorry ko. Kaya ako bumalik nung una kong alis dahil di ko nakayanan na may isang tao akong sinaktan at may isang taong di parin ako napapatawad.” mahabang sabi nito.



Sana naisip mo yan bago mo ako gaguhin.” matigas ko paring sabi dito, tumayo na si Alex at niyakap ako.


Sana dumating yung panahon na mapatawad mo ako.” sabi nito, ilang minuto pa ay niyakap na ako nito, ramdam ko ang mga hikbi nito pati narin ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Kumalas na ito sa pagkakayakap sakin at naglakad na palayo. Narinig kong tumigil ito sa paglalakad.



Nga pala, bagay sayo ang Amerikana. I mean it.” sabi niya at lalong tumulo ang aking mga luha.



Malapit na siya sa kaniyang kotse ng humarap ako. Di ko alam pero parang may sariling utak ang aking mga paa. Tumakbo ako papunta kay Alex. Niyakap ko ito. Wala paring tigil ang pagiyak ko, ngayon ako naman ang nahikbi.



Shhh. Tama na.” bulong nito.



I hate myself. I hate myself for not staying mad at you!” sabi ko dito at lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Alex, yung tipong madudurog na ang mga buto niya sa higpit ng yakap ko.



Kasi mabait kang tao, Migs. Di mo ako katulad. Wala akong puso, pero binabago ko na iyon and I'm starting by asking for your forgivenes. Kaya sana mapatawad mo na ako.” sabi nito sakin, nararamdaman ko ulit ang paghikbi nito, tumango lang ako bilang sagot. Sa huling pagkakataon, naglapat ang aming mga labi.




After Three Months



Yabang mo! Palibhasa ikaw lang ang may trabaho!” sigaw sakin ni JP. Tinawanan ko lang ito. Binigay na ng waiter ang pinadagdag kong isa pang bucket.



Nga pala, salamat sa paglibre mo sakin papunta dito sa pinagmamalaki mong resort.” sarkastikong sabi ni JP.



Kasabay na ng celebration ng pagpasa namin sa boards ang celebration ko sa pagkakaroon ng trabaho at naisipan namin ng tropa namin nila JP na sa resort kung saan ako pinatapon ni kuya Ron dati i-celebrate ito.



Ganyan talaga ang umaasenso sa buhay.” sabi ko sa tenga nito, malakas kasi ang pagpapatugtog ng live band.



Yabang!” sabi nito sabay hagikgik, tinignan ko lang ito saka ako sinuklian ng isang matamis na ngiti, bigla itong tumayo at tinungo ang live band. Nagkatinginan kami ng buong tropa.



I never thought that I could be so satisfied
Every time that I look in your angel eyes
A shock inside me that words just can’t describe
And there’s no explaining

Something in the way you move I can’t deny
Every word from your lips is a lullaby
A twist of fate makes life worthwhile
You are gold and silver

I said I wasn’t gonna lose my head
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
I wasn’t gonna fall in love again
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
And I just can’t let you go
I can’t lose this feeling



Humahagalpak ang buong tropa sa ginagawang panggagaya ni JP kay Hugh Grant, pati ang steps at ang mga miyembro ng banda ay kinuntsaba nito, tinignan ako nito habang parang tangang nagsasasayaw sa stage at nakanta sabay kindat.



Bakit ba kasi hindi na lang ako sayo nainlove?” tanong ko sa sarili ko.



I said I wasn’t gonna lose my head
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
I wasn’t gonna fall in love again
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
And I just can’t let you go
I can’t lose this feeling




Ano gusto mong gawin?” tanong nito sakin.


Ha? Kahit ano.” sabi ko dito.



Ah teka may bala ako diyan ng diablo eh.” sabay dive nito sa ilalim ng double deck, inilabas nito ang isang kahon na puno ng DVD, napahiling ang aking ulo pakanan nang may makitang isang CD.



Tarzan X?” tanong ko dito na ikinauntog naman ng ulo ni kumag sa may double deck. Natatawa ako dahil halatang porno ang nakita kong iyon na may tampok na hibad na babae sa cover.




Ah eh. Akin na nga yan.” sabay hablot nito sa aking hawak hawak na CD at di na maikakaila ang pamumula ng mukha nito.



Napatawa ako sa naalala kong iyon.



I said I wasn’t gonna lose my head
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
I wasn’t gonna fall in love again
But then pop! Goes my heart
(Pop! Goes my heart)
And I just can’t let you go
I can’t lose this feeling



So JP, pinopormahan mo ba tong pinsan ko?” tanong ni kuya Ron.



KUYA!” sigaw ko dito.



Naku, kung ok nga lang po ba dyan kay Migs eh, edi kami na niyan ngayon.” sabi ni JP sabay siko sa aking tagiliran, tinignan ko lang ito ng masama.



Napangiti naman ako sa sarili sa sunod na naalala.



Bakit ayaw mong sabihin kay Kuya Ron yung tungkol kay Sir?” tanong nito sakin, seryoso ang tono nito at mukhang gustong gusto talagang malaman ang dahilan ko.



Bakit ko kailangang sabihin?” tanong ko dito, napaisip ito saglit.



Para kapag naisipan ni Sir Alex na puntahan ka dito at makipagkilala kay Kuya Ron di na magiisip pang bumoto ni kuya Ron sa hunghang na yun dahil siniraan ko na siya.” sabi ni JP.


s-Seryoso ka ba?” tanong ko dito. Tumango lang ito at hinawakan ang pisngi ko.



Oo naman! Ngayon pang mukhang botong boto sakin si kuya Ron.” bulalas nito.



Nagba-bow si kumag sa mga nagwawala ng manonood dun sa bar sa sobrang pagkaaliw sa kaniya, bumaba na ito sa hagdan at dahandahang naglakad pabalik sa upuan niya, tumingin ito sakin saka magiliw na ngumiti, biglang tumayo ang isang babae at niyakap siya at masuyong hinalikan sa labi, gumanti naman si JP.



Nai-inlove ako lalo sayo.” sabi ni Donna na siyang kayakap ni JP. Umupo na si Donna at JP, tumingin ulit sakin si JP saka ngumiti ulit.



Alam ko na ngayon kung bakit hindi naging tayo.” sabi ko sa sarili ko. Sinuklian ko na lang ang ngiti nito.



Naglalakad na kami ng mga barkada ko pabalik sa aming cottage ng bigla akong mapatigil nang biglang may makitang isang lalaki na hindi ko na pinangarap pang makita ulit sa tanang buhay ko. Napansin ko na lang na patakbo ko itong sinalubong at pinagsasapak ang mukha.



Migs tama na!” awat ni JP at ng iba ko pang kabarkada sakin. Tumayo ang lalaking pinaulanan ko ng sapak sa tulong ng kasama nitong lalaki.



Ikaw! Kung sino ka man umalis ka na dito!” sigaw ni JP. Agad namang naglakad palayo ang lalaki.



Ok ka na ba? Bakit bigla bigla ka na lang nananapak?! Sino ba iyon?!” tanong ni JP sakin. Wala sa isip akong napahawak sa aking kwintas na may dalawang singsing na nagsisilbing pendant nito.



Si Marco...”


=-=- Pagtatapos ng Pangalawang libro-=-=

Comments

  1. atleast me closure kay alex, walang bitternes after, pero teka ano kaya ang story nitong kay marco?, mukhang d2 galing ung ring scene sa book 3 ng love at its best, abangan ko to (",)

    ReplyDelete
  2. exciting! Book 3 na migs!

    ReplyDelete
  3. wa......

    bakit ganun... saklap nmn ng buhay ni Migs!...

    Ano ba ngyari kay Marco, X din? hehehe...
    Sana c JP nlng...wala sanang dona ngaun...

    Hahay...

    -mars

    ReplyDelete
  4. whew.. that last part was intense.. who would have thought, right?? hehe

    so loving this..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  5. really nice job on your stories migs! :)

    yung chasing pavements at LAIB part 1, ED=EDWARD ba? I have a feeling that your greatest love is really edward dahil nagkatuluyan si ed at migs sa LAIB. just an observation lang po. :)

    ReplyDelete
  6. wah what's with marco and migs?

    at tama yung sabi ni calvin...
    parang super related yung stories...

    haist can't w8 sa next!

    the best ka tlga kuya migs!

    ReplyDelete
  7. last chapter na pala ito ng book 2..naguluhan ako sa pagbabasa sa chapter na ito dahil pabago-bago ang eksena..

    tsk3! madali ka palang ma-inlove sa isang tao at hindi ako makapaniwala na nagpakatanga ka dahil kay alex...hmmmm...dapat dyan sa mga magloloko pinuputulan....whahaha..ng kaligayahan!!!! lolz! hindi ren pala kayo nagkatuluyan ni JP...at gusto ko ng malaman kung ang istorya nyo naman ni Marco...

    ReplyDelete
  8. "royvan24"

    wapin wapin may next book chapter na naman for the continuation of the story ganda nito ah....

    KLAP! KLAP! KLA! nice migs.....

    ReplyDelete
  9. pak! hehe tgal kong d nkpgbsa.. maraton ako.. haha

    ReplyDelete
  10. hi!

    ok na po iyong sabay ipost ung dalawang stories para masaya! sarap basahin pareho.

    - gabe

    ReplyDelete
  11. Ayun oh..may naging past pala kayo ni marcoXD

    akalain mo napatawad mo si alex...haha..isang kang huwaran...somehow parehas tayo..madaling magpatawad kailangan pa ng effort para lang maging cold heartedXD pero mas malala naman sayoXD

    kay jp..ok lang kung hindi naging kayo, sayang langXD

    ReplyDelete
  12. Waaah. Di kp expected ung ending. Grabe. Here comes book 3. Love u migs.

    ReplyDelete
  13. hello po!! i'm on of the silent readers ng mga stories nyo :)) hindi ako nakaka-comment kasi masyado po akong focused sa mga stories nyo na gusto ko munang tapusin bago po ako magcocomment :)) haha!!! Pinaka-favorite ko po itong story ng buhay nyo kasi alam ko po na totoo ito :)) haha!!! great job po and pls dnt stop writing great stories :]

    ReplyDelete
  14. ahahaha sa unang part naiinis ako ksi parang nawalan ng eksena si JP yun pla andun sa bandang huli pero sana sa book 3 eh mag love story na sila dun...

    kakakilig... ahahah

    -vash18

    ReplyDelete
  15. prang d ata aq update s lyf mo w/ marco

    ReplyDelete
  16. bat nga pla gnun un time zone mo san b to nk reset kc 9 hours ang advance s time zone nya d2 s pinas, pansin q lng s mga comments q PM plang eh AM n agad s comments board

    ReplyDelete
  17. One word; ...
    Wala akong maisip na salita dahil sa magandang narration.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]