Chasing Pavements (Book2 Part1)


__________________________________________
Chasing Pavements Book2 Part1
Alexander Roxas.”
by: Migs





Nasa harapan ko ngayon ang magandang double door ng elevator, nasa kaliwa kong kamay ang aking libro ng Fundamentals of Nursing at nasa kanan naman ang aking iPod classic, di ko parin mawari kung saan ako pupunta.



May 31, 2005, ilang araw na lang pasukan na ulit at sisimulan ko na ang pangalawang taon ko sa pagaaral ng kursong nursing. Di ko parin maisip kung saan ako pwedeng maglagi, napalingon ako ng marinig ang malalakas na halakhakan mula sa unit na tinitirahan namin ng aking pinsang si Kuya Ron.



Kapag sinubukan mong idikit ang iyong tenga sa pinto ng aming unit ay sigurado akong maririnig mo ang malakas na sounds at ang malakas na dagundong mula dito, napa iling na lang ako, gustuhin ko mang mag advance reading sa librong aking hawak hawak ay hindi ko ito magagawa sa loob ng unit namin dahil may party doon na pinasinayaan ng aking pinsan.



Sigurado akong puno ng mga estudyante na sinusulit ang natitirang bakasyon ang lobby.” sabi ko sa sarili ko at nagisip ulit ng ibang lugar pa na pwedeng tambayan.



0000ooo0000



Nakalabas na ako ng condo at tiningala ang matayog na building sa gitna ng P. Campa ang Residences at P. Campa, kung saan kami nangungupahan ni Kuya Ron, maganda ito pero punong puno ng mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad na nakapaligid dito, ang siste tuloy ay walang ikinatatahimik ang lugar, napailing ulit ako.



Napagpasyahan kong pumunta na lang sa SM Manila at duon ipagpatuloy ang pagbabasa, tumawid ng kalsada at sumakay ng dyip, naglakad ng konti at bumungad sakin ang building ng SM Manila.



Mali ata ako ng desisyon.” sabi ko sa sarili ko ng makitang mas magulo, maingay at jampacked ng tao dito, bumaling ang aking tingin sa Starbucks at nakitang kakaonti ang tao doon.



Papasok na sana ako ng starbucks ng maramdaman kong medyo namimigat ang aking pantog kaya't nag CR muna ako. Napatapat ako sa salamin at tinitigan ko ang aking sariling repleksyon. Bumaling ang aking tingin sa repleksyon ng aking katabi, bata pa ito, siguro ay may apat na taon lang ang tanda nito sakin, kung ako ang tatanungin ay papasa ito bilang isang model, mayamaya pa ay bigla itong ngumiti. Nagulat ako, napansin pala nito ang pagtitig ko sa kaniya, sa sobrang hiya ay agad akong tumalikod at humarap sa mga urinals.



0000ooo0000



Caramel Machiatto, grande for Migs.” sigaw ng barista, inabot ko ang resibo dito at nagpasalamat, umupo na ako at nagulat ng mapansing andun sa katabing upuan ng inuupuan ko ang lalaking kanina lang ay tinititigan ko sa CR.



Pwedeng maki-share?” tanong nito, napalingon ako at nakitang may bakante pang lamesa at upuan sa aking likod, napakunot ang noo ko at humarap ulit sa kaniya, napakamot naman ito ng ulo.



I was about to say na wala nang vacant na seats, pero nakita mo na na bakante sa kabila, so sasabihin ko na lang na kaya gusto kong maki-share ay dahil gusto kong may makausap habang nagkakape.” sabi nito, kumunot ulit ang noo ko, ngumiti naman si loko sabay kamot ulit sa ulo niya.



Pinabayaan ko na lang siya na umupo kasama ako, tutal mukha naman itong harmless, inilapag ko ang aking kape at pinulot ulit ang libro na binabasa ko.



BSN, Second year, first sem?” tanong nito sakin, bahagya kong ibinaba ang libro para makita siya. Kumunot ulit ang noo ko.



Kozier, I'm sure Kozier is for BSN sophomores entering first sem.” sabi nito sabay turo sa aking librong binabasa, naintindihan ko na ang tinutumbok nito, bahagya akong nagisip kung sasabihin ang totoo o hindi.



Itinago ko ang highlighter na ginagamit ko pang highlight sa texts.



Nope, sa pinsan ko itong libro, wala kasi akong mabasa kaya't napagtripan ko, mukha kasing interesting.” sagot ko na lang dito. Tumango lang ito.



Ah akala ko nursing ka. So anong course mo?” tanong ulit nito, na lalong ikanakunot ng noo ko.



I'm sorry, I'm Alex.” pakilala nito sabay lahad ng isang kamay.



Migs.” sabi ko dito sabay abot naman ng kamay ko.



I'm sorry, gusto ko lang kasi ng kausap ngayon.” nahihiyang sabi nito sabay kamot ulit sa ulo, napangiti naman ako.



Architecture.” sabi ko dito sabay lapag ng libro.



I'm sorry?” tanong ni Alex na halatang naguluhan sa aking sinabi.



Architecture ang course ko, froshie sa UST.” sabi ko dito sabay ngiti, napagpasyahan kong magsinungaling dahil ang totoo di ko ito lubusang kilala at nagdududa parin ako sa pakikipagusap nito sakin.



Ahhh.” sabi na lang ulit nito sabay kamot sa ulo. Napainom naman ako sa aking tumbler.



Tahimik. Pinulot ko na lang ulit ang libro na tinatawag ni Alex na Kozier at nagsimula ulit magbasa.




Bakit mo naman napagtripang magbasa ng isang nursing book?” tanong nito sakin na ikinanganga ko naman. Oo nga naman anong pakielam ng isang archi student sa isang nursing book.



Ah wala naman, mukha kasing interesanteng basahin eh.” tumango lang ito at humigop ng kaniyang sariling kape.



I used to have a copy.” sabi nito sabay ngiti, tumango na lang ako.



So you're a nurse?” tanong ko dito.



Yup, pero magiiba na ako ng line of work starting next week.” sagot nito sabay inom ulit sa kaniyang kape.



0000ooo0000



Di ko alam kung anong nangyari pero mula sa nagkakahiyaang bagong magkakilala ay bigla kaming parang magkaibigan na may ilang taon nang magkasama, di ko matandaan kung pano nangyari na naging palagay agad ang loob namin sa isa't isa.



So, Mr. Smart Ass Nurse, what is the purpose of Peri-care?” tanong ko dito na may kasamang panghahamon.



Sus, yun lang? Is that the best you got?” tanong nito sakin na may halong pagka ma-ere.



Yabang.” sabi ko tapos sinabayan ng ubo pagkatapos ay nginitian kong nakakaloko.



Ah ganun? Well Peri-care's purpose is to rid the perineum of secretions and odors thus preventing infection.” sabi nito on a matter of factly tone.



Ah, madali nga ang tanong ko ano. Sige sa difficult round tayo, easy round palang yun eh.” sabi ko dito at muli itong hinamon.



Shoot.” pagmamayabang nanaman nito sabay stretch ng dalwang kamay.



Explain the process of circulation.” sabi ko dito at ngumiti ito.



0000ooo0000



Nakikinig ka pa ba?” tanong nito sakin habang nage-explain siya at ako naman ay kumakain ng tapsilog, umalis na kami sa starbucks dahil bigla kaming nakaramdam pareho ng gutom. Napangiti naman ako, kung tutuusin napakagaling nito sa pagexplain minsan nagdedemo pa ito at nagdra-drawing sa mga tissue para lalo kong maintindihan, pero naisip kong pagtripan pa ito.



Eh ano naman kasing pakielam ko diyan. Archi nga ako diba?” sabi ko dito kumamot naman kaniyang noo.



Oo nga ano, inuuto mo lang pala akong bata ka eh!” sigaw nito sakin at pareho kaming napatawa.



““Manang extra rice nga po.”” sabay naming sabi sa serbidora at nagkatinginan saka tumawa ulit.



0000ooo0000



Mahirap? Nako sobrang hirap!” sabi nito sakin sabay tungga sa hawak na bote ng beer, nagsara na ang tapa house at kailangan naming lumipat ng lugar, sakto namang may bukas pa na establisyimento sa tapat ng tapahan kaya duon kami naglagi, konti lang ang tao kasi Tuesday noon, wala masyadong maingay.



Talaga? May mga terror bang professor?” tanong ko dito saka uminom din sa beer na nakaahin sa harap namin.



Nako, napakadami.” sabi pa nito sabay dampot sa tissue, di niya ata nakita na nadon ang aking kamay kaya't nahawakan niya iyon, para akong nakuryente, pero di ko magawang maialis ang aking kamay sa ilalim ng kamay niya. Sinimulan na akong kabahan.



Ah eh, kailangan ko ng umuwi.” sabi ko dito sabay tayo at nagmamadaling lumabas.



Boss eto na yung bayad namin, keep the change.” sigaw nito sa aking likod at hinabol ako.



Huy! Anong nangyari sayo?” tanong nito sakin sabay hawak sa braso ko ng maabutan ako nito, sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa aking braso pero wrong move, na out of balance ako at muntik ng mahulog sa imburnal, mabuti na lang at nasalo ako nito, nagdikit ang aming mga katawan, dibdib ko sa matipuno niyang dibdib, tinignan niya ang aking mga mata.



Ang cute mo palang magpanic.” sabi nito sabay iniayos ang aming pagkakatayo. Lalo akong namula at kinabahan sa sinabi niyang yun.



Uuwi na ako, nice meeting you Alex.” paalam ko dito.



Teka hatid na kita. Dyan lang ako sa malapit sa FEU, may sasakyan ako, delikado na sa oras na ito mamasahe.” sunod sunod na sabi nito, sa totoo lang pwede akong sumabay sa kaniya dahil malapit na ang tinutuluyan ko sa FEU, pero natatakot parin ako dito sa kabila ng pagiging malapit namin kanina habang nagkwekwentuhan.



Di ako masamang tao, pero kung hindi ka talaga nagtitiwala, sige wala na akong magagawa naiintindihan ko.” sabi nito ng makita siguro nito ang aking pagaalinlangan sabay talikod at bagsak ng mga balikat.



Alex saglit.” sigaw ko dito, agad itong humarap at ngumiti.



0000ooo0000


San ka ba natuloy?” tanong nito sakin habang nagmamaneho.



Dyan lang sa P. Campa.” sagot ko habang pinaglalaruan ang stuffed toy na aso sa dashboard ng sasakyan niya.



Ahhh malapit na lang pala eh.” sabi nito.



Totoo niyan, ayaw ko pang umuwi kasi may pa-party ang pinsan ko, ma- O-OP lang ako dun saka malamang di ako makakatulog.” wala sa sarili kong sabi.



Gusto mo dun ka muna sa pad ko.” alok nito, di ko ulit maiwasang maghinala sa taong ito.



Di kita rereypin, kahit gustong gusto ko na, saka kung may balak akong gawin sayong masama, sana kanina ko pa ginawa diba?” sabi nito sakin na medyo nakapagpanatag naman ng loob ko pero bigla din napaisip.


Oh, joke lang yun.” sabi nito sakin ng makita niya ang gulat sa mukha ko ng maabsorb ko ang sinabi niya, tumawa ito at pinisil ang aking mga pisngi.



Ang cute mong bata ka!” sabi niya ulit sabay tawa, napangiti naman ako.



0000ooo0000


Nagising na lang ako kinabukasan na medyo masakit ang katawan at biglang napabalikwas ng makapang wala akong suot at ng maramdamang may nakayakap sakin, agad agad akong gumalaw at nagising naman ang lalaki sa aking tabi.



Goodmorning Migs.” bati nito sakin sabay gawad sakin ng isang matamis na halik na ikinalaki naman ng mga mata ko. Di ko na napigilan ang sarili ko nung maglaon at lumaban narin ako sa halikan.


0000ooo0000


Ilang araw pa ang lumipas at hindi na kami nagkita ulit ni Alex, araw na ng pasukan at tanging si Kuya Ron lang ang sinabihan ko tungkol dito.



Maraming ganyan dito, Migs. Ang tawag diyan random fuck.” sabi niya ng sabihin ko dito ang bagay na gumugulo sakin noong mga nakaraang araw. Pano kasi, ni text wala akong natanggap mula kay Alex, sinubukan ko itong kontakin pero di ito nasagot at ng maglaon ay not in use na ang number nito.



Siguro nga, I was just a random fuck para sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko at nagpaalam na sa pinsan ko at tumulak na papuntang school.



0000ooo0000


Unang subject ay pamatay agad, di mapakali ang aking mga kaklase at kaniya kaniya rin kaming dala ng aming mga makakapal na libro in-case na magparecite agad ang mga prof. Nang pumasok ako ng room ay isang upuan na lang ang bakante, dalawang stool lang kasi bawat lamesa at isang stool na lang ang bakante. Nginitian ako ng lalaking nakaupo sa tabi ng bakanteng stool at tinanggal ang kaniyang nakapatong na gamit doon, umupo na ako at inayos ang aking gamit sa mahabang lamesa namin. Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa gawi ng pintuan ng classroom ng bumukas iyon at pumasok dito ang isang lalaki.



I'm Alexander Roxas, I will be teaching Fundamentals of Nursing. Mamya I'll give you guys the course syllabus.” sabi nito sabay iginala ang tingin sa buong kwarto.



Kinailangan ko pang ayusin ang akin salamin para makasigurado sa nakikita ko at nang masigurado na siya nga iyon ay inboluntaryong gumalaw ang aking kanang kamay at nahulog ang aking makapal na libro ng Fundamentals of Nursing na siyang nagbigay ng malakas na kalabog. Nagtinginan sa akin lahat ng andun kasama na ang bagong pasok na propesor. Kumunot ang noo nito at bahagyang napanganga ng makita ako.




Itutuloy...

Comments

  1. exciting! eee nxt chapter na kuya migs pati narin ung Breakeven :) ung AAO mo kuya migs maganda din kaso kung ako tatanungin eh ayoko ung part na binebenta nia talaga ung katawan nia :( sorry sa comment ko..

    -v♥d :">

    ReplyDelete
  2. bakit mo inalis ung agianst all odd? ang ganda kaya lalo na ung last chapter..ibalik mo na please????....exciting na kaya ung mga susunod na chapter...tsk!

    ReplyDelete
  3. migs... AAO is a good story... just because nagbebenta ng katawan yung protagonist does not mean na hindi maganda ang istorya...

    truth to tell, napakarealistic ng AAO... totoong nangyayari yan sa ating mundo. maraming mga models ang nagbibenta ng katawan. kahit mga varsity players ay ganoon din. dala ito ng pangangailangan. thus, your story functions as an eye opener to those who have lived more priveleged lives and may not have had experienced the need to make ends meet through extraordinary means...

    so sana huwag ka na malungkot kahit na hindi ganoon kadami ang page views and comments mo. just hink that through what you created you are serving a higher purpose. writing is a gift that you are blessed with... so try to write from the heart just like what you did with your previous stories. :)

    hoping to see AAO back in circulation :)

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  4. Wah I love this story na!

    Kahapon lang ako nagmarathon reading ng chasing pavement at ohwmaygawd i really really really like it!

    NAKAKAINIS KA!
    NAADIK NA AKO SA MGA KWENTO MO!

    Sana po friend kita sa FB, coz i think u could give me the best advice bout my problems.
    Kasi dun sa LAIB series at breakeven ay may parts na super relatable, including this one.

    At kuya migs, wag kang magtampo sa mga readers mo please.
    Ako aaminin ko di ko pa nababasa yung against all odds, the reason is mahirap maghalo halo sa utak yung mga stories na binabasa.

    Kaya nga binasa ko lang tong chasing pavements nung matapos kong basahin ang latest update ng breakeven eh.

    Maraming nagmamahal sa 'yo na readers.
    At for sure dadami pa!

    dahil your one of the bests!

    ReplyDelete
  5. kua mganda nman po ung AAO sna iblik mna......eeeexcited npo aq sa chaseng pavement sna po lgi ka my update pag dka busy :)
    reggie

    ReplyDelete
  6. ahahaha!!! natawa ako dun...kaya naman pala d na nagparamdam pa c alex! instructor pala ang damuho...san next chapter na po!!!

    migs, balik mo na rin po ung AAO!!! ang ganda po kaya nun...promise :)

    ReplyDelete
  7. haha,, naexyt nmn ako sa nxt chapter.. nxt na pls.. haha ung AAO bnbsa ko din,, ngndahan ako sna balik npo.. hehe :)

    >>>>> JUN

    ReplyDelete
  8. sorry Migs, ngayon lang naka comment! Laht ng kwento mo the best! And AAO is a different kind of Story na may social issues gaya ng pagbebenta ng sarili... and I find it interesting and not offending... Kaya sana maibalik mo na... Ka abang abang kaya yong twist how the bromance between characters will survive despite the fact na may mga issues (moral issues) na kaakibat nito... keep on writing Migs... and keep on posting AAO because it shows how versatile you are.

    ReplyDelete
  9. wow.... can't type a word to express my feelings it's just wow.... love this one and especially Chasing Pavements! post na po next hehe... thanks po(",)


    -SHANEJOSH-

    ReplyDelete
  10. hmmmm. super ganda ng story! naku teacher pala ang alex na iyon. aahahahahaha.

    boss migs maganda naman ang AAO ah. saka wala naman na offend. 1 person doesn't mean na lahat ay na offend na. pero whatever your decision basta supportado pa rin kita boss.

    ReplyDelete
  11. oo migs pakibalik sa ang AAO kasi totoo siya s buhay..wag mu kaming pansinin na silent readers huh.siguro dahil sa ganda ay di na makagalaw ang aming mga kamay para magcomment pa....go gog o

    ReplyDelete
  12. sana ibalik mo na yung AAO. maganda naman po siya. kailangan lang buksan ng mga tao ang kanilang mga isipan para mas maintindihan nila ang mga dahilan kung bakit nangyayari yung mga bagay na ganun.

    sana po ibalik niyo na talaga siya. PLEASE?

    ReplyDelete
  13. grabe ang twist of fate nito migs, ako din nangarap na magkaron ng sex encounter sa magiging prof ko in college during my hs days, kaso ng nagcollege ako, mga hukluban naman, kaya nga naisip ko nun na kung ganundin lang eh magpapakastraight nako!, hahahahaha nice one migs next chapter na, pls pati breakeven sana my update na (",)

    -josh

    ReplyDelete
  14. Author migs astig naman 2nd year col. ka pala you had youre first hehe..and sa prof mo pa..mmmm..haha..

    by the way maganda naman yung against all odds..at talgang tinanggal mo pa:( di bale promise mo na ibabalik mo yun ha? :D

    ReplyDelete
  15. ay, nagtikiman ang mag teacher. hahahahahaha

    ok tong book 2 ha.

    ReplyDelete
  16. Oh ano pang iniintay mo jan mr.Mayabang?? Ipost mo na ulit ung AAO.. Maawa ka naman sa mga fans mo! Hahaha.. Naglitanya ka na naman.. Ang dami kong tawa dun...

    ReplyDelete
  17. shet! xa pala si alex..hmmm....anu kaya ang nangyari after nung kasal?

    ReplyDelete
  18. waaaahhhhh!!!! ibalik na po ang AAO. boss migs maawa na po kayo!
    =(
    =(
    =(

    ReplyDelete
  19. "Royvan24"

    bet na bet ko to.... ganda ang story start pa lang

    ReplyDelete
  20. Kakasimula ko lang magbasa sa blogspot mo migs. Dun lang kasi ako sa BOL naglalagi. Para itong ... "rediscovering migs...". As always, wala ka pa ring kupas. Love you migz.

    ReplyDelete
  21. migs kala nga karugtong ng story nyo ni edward iba n pla,ok maganda nman xa kk kilig nga eh,....sana dka magsawa magpost ng mga story mo,bihira aq magcomments kc....at sana wag u po tanggalin un mga nauna u n post n story kc dko p nbbsa un inalis u.....tnx basa n ulit me.

    ReplyDelete
  22. wala paring kupas. haha IMAMARATHON KUNA ITO.
    madrama lang ako kanina. Pinatatawa mo ako. wahaha..


    Bravo! :D

    -God bless you po..

    -ichigoXD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]