Wednesday, June 15, 2011

Breakeven (Book3 Part4)

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.





______________________________
Breakeven (Book3 Part4)
by: Migs




Kinakabahan akong lumapit sa tapat ng pinto ng kwarto, dahan dahan kong inikot ang doorknob nito at banayad na tinulak ang pinto, tumambad sakin ang hubad na katawan ng boyfriend kong si Pat at ng bestfriend niyang si Eric. Halo halo ang emosyon na naramdaman ko pagkakitang pagkakita ko sa kanilang dalawa andyan ang awa sa sarili, andyan ang pagkamanhid ng buong katawan ko, andyan ang luha na patuloy na namumuo sa aking mga mata sabay ang kawalan ng lakas na pigilan ito at ang namumutawi sa lahat ay ang galit at ang pakiramdam ng trinaydor.




Imbis na sumigaw, imbis na magwala at imbis na sugurin at pagsusuntukin si Eric ay parang nawalan ng lakas ang bawat kalamnan sa aking katawan. Napaupo ako at di ko na napigilang humikbi.



Biglang bumalikwas si Eric sa kaniyang pagkakahiga at pagkakayakap kay Jake na siya namang gumising din kay Pat. Napaupo ito at gulat na gulat sa aking presensya. Tinignan ko lang ito at dahil wala na akong lakas na pahiran pa ang mga luha sa aking mga mata ay pinabayaan ko na lang na makita niya ang aking paghihinagpis.



Agad na nilikom ni Eric ang kaniyang mga damit at agad agad na lumbas ng pinto. Lumapit naman sakin si Pat, lumuhod sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit. Tuloy tuloy lang ang paghikbi ko.




Sorry, napainom kasi kami kagabi.” sabi nito sakin.



Kaya nag sex kayo? Ano ba ang kantutan sainyo? Chaser?!” sigaw ko dito.



Sorry.” pabulong na sabi nito sakin.




Mabagal akong naglakad papunta sa inupahan naming bahay, dumadagundong ang dibdib ko, nagsisimula ng mangilid ang aking mga luha, nanginginig na ang kamay ko at pagod na din ito sa pagbuhat sa aking maleta. Matagal kong tinitigan ang pinto ng bahay na iyon.



So ngayon kasalanan ko pa?” sigaw ko kay Pat.



Oo! Remember the time I slept with Eric? Di naman mangyayari yun kung di ako masyadong nalungkot dahil imbis na ikaw ang kasama ko sa birthday ko ay ang bestfriend ko ang andito at ikaw, andun ka sa opisina, nag o-overtime! Bakit di mo na lang kasi sabihin na mas importante ang mga lintik na illustration board na yan kesa sakin?!” sigaw nitong balik sakin saka tuloy tuloy na lumabas.




Dahan dahan akong kumatok sa pinto. Pagbukas nito ay bumungad sakin ang nakatapis na si Pat at nakita kong nakahubad na nagyoyosi si Eric sa kama, ibinalik ko ang aking tingin kay Pat at yumuko lang ito. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.



Sino yan Pat?” tanong ni Eric at ng tumingin ito sa pinto ay di mo maikakaila ang gulat sa mukha nito.



Di ko na sila hinayaan pang magpaliwanag, wala nang kailangang ipaliwanag, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa bahay na iyon.




This is Eric, Bestfriend ko since college. Eric this is Jake, my boyfriend.” pakilala samin ni Pat, halata ang gulat sa mukha nito at hindi rin maipagkakaila ang lungkot sa mga mata ni Eric, agad niya rin itong binawi at ngumiti.



Nice to meet you, Jake.” sabi ni Eric sakin sabay lahad ng palad para makipag shake hands. Agad din itong nag-excuse at pupunta daw siyang CR, agad itong sinundan ni Pat, nung una di ko pa alam kung bakit.



0000ooo0000



So, Eric huh?” sabi ko kay Pat habang nagmamaneho ito pabalik sa pad namin.



Oh, don't give me that look.” nangingiting sabi nito sakin.



Gusto ko lang malaman, Pat. Iba kasi yung reaksyon niya nung ipakilala mo ako sa kaniya as your boyfriend.” sabi ko dito.



Fine. Nagdate kami before, but bestfriends nalang kami ngayon at di na hihigit yun dun.” sabi nito sakin saka itinabi ang kotse at niyakap ako at marahang hinalikan.



Bullshit!” sabi ko sa sarili ko nang maalala ang sinabi ni Pat na yun.



Naisipan kong umuwi na lang pero nagiinaty parin ako ng ferry, kaaalis lang kasi nung isa kaya naman imbis na magbilad ako sa beach kakaintay sa ferry naisipan kong kumain muna, habang abala ako sa pagsinnga at pagpunas sa mga luha ko nakaramdam ako ng isang madiin na kalabit sa aking leeg. Asa likod ko ngayon ang kumag na kanina lang ay nagsusuka sa ferry papunta dito sa Boracay, ang dati kong boss, mula sa dati kong pinagtatarbahuhan na siyang sumira ng buhay ko. Tumayo ako at sinimulang suntok suntukin ang dibdib nito at nagsimula na ulit bumagsak ang aking mga luha.



Whoah! Easy.” sabi nito at niykap ako.



Ano bang nangyari?” sabi nito sakin at bahagya ako nitong inilayo sa kaniya, sapat lang para makita nito ang aking mukha. Nagtitigan kami. Noon ko lang napansin na mas matangkad pala ito sakin at ngayon ay literal na nakatingala ako sa kaniya.




0000ooo0000



Nakaupo kami sa ilang mga putting upuan sa ilalim ng mga puno ng niyog sa kahabaan ng dalampasigan, di ko parin mapigil ang sarili ko sa pagiyak at inilalabas ko narin ang aking sama ng loob kay Edison na sayang saya naman sa kaniyang kinakain na sundae. Tumatango ito sa bawat kailangan ng sagot sa aking kwento, pero alam kong di ito nakikinig. Inagaw ko ang sundae sa kamay niya at sinimulan ng kainin ito.



You must be really depressed huh?” sarkastikong tanong nito sakin habang masama ang tingin sa akin na ngayong kinakaing sundae.




He's an unfaithful bastard. So what?” sabi ulit nito sabay inagaw ulit ang sundae mula sa aking mga kamay.



Di naman ibig sabihin nun end of the word na.” pahabol pa nito, napatango na lang ako. May punto siya.



So may tutuluyan ka na ba ngayon?” tanong nito sakin.



Actually, I'm just waiting for the ferry pabalik sa Catic...”



You mean that ferry?” turo nito sa kaaalis lang ulit na Ferry.



Shit!” sigaw ko na lang ng makitang nakaalis na ang ferry na iniintay ko kanina pa.



0000ooo0000



Nakangiting aso parin si kumag habang iiling iling sa nangyaring pagiwan sakin ng ferry, binuksan nito ang pinto ng hotel room niya at inihagis ang sarili sa kama, binuksan ang TV at inilipat lipat ang channel nito.



i love you
you love me
were a happy family
with a great big hug
and a kiss from me 2 you
wont you say you love me 2
i love you
you love me
we are friends like friends should be with a great big hug and
a kiss from me 2 you

wont you say you love me 2


Narinig kong tugtog sa TV habang inaayos ko ang mga gamit ko, napailing na lang ako ng makita si mokong na parang batang naka indian sit sa may kama at nakangiting loko nanaman habang pinapanood si Barney.



Weird.” sabi ko sa sarili ko.



Isa lang ang kama?” tanong ko dito.



I can share.” sabi nito sabay tapik sa bakanteng parte ng kamang inuupuan niya, napamaang ako sa kilos nito.



I don't bite.” sabi nito sabay umiling at bahagyang ngumiti.



Agad kong kinuwa ang aking libro at humiga sa kama, habang si mokong naman ay tutok na tutok parin sa TV. Di ko na namalayan na nakatulog na ako.



0000ooo0000



Nagising ako ng maramdaman kong may dumadaloy na luha sa aking pisngi, unti unti kong binuka ang aking mga mata, nagulat na lang ako ng makita ko na nakasiksik ako sa tagiliran ni Edison, bahagya kong tinignan ang mukha nito at nakita kong natutulog din ito isiniksik ko pa lalo ang sarili ko dito dahil inaamin kong parang nasasarapan akong nakasiksik doon, iniakbay niya ang kamay niya sa akin at hinayaan lang akong sumiksik pa lalo sa kaniya.



0000ooo0000



Nang iminulat ko ulit ang aking mga mata ay madilim na sa labas ng bintana, nakasiksik parin ako sa tagiliran ni Edison, nakaakbay parin siya sakin di ko napigilan ang sarili ko na isiksik pa ang sarili sa kaniya.



No spongebob.” biglang sabi nito sabay hagikgik, iniangat ko naman ng konti ang aking tingin, nanonood pala ito ng Spongebob square pants at saulo niya ang mga linya dito pati ang boses ni Patrick star at spongebob gaya din.



Ah eh sorry nagising ka ba? Masyado bang malakas?” tanong nito sakin, umayos naman ako ng upo at kunwariy nahiya sa pwesto ko kanina.



Sensya na, nakatulog ako.” sabi ko na lang.



Gutom ka na ba?” tanong nito sakin, sabay turo ng pagkain na galing sa room service.



Yung totoo? Room service? Di ka ba lalabas? We're in Boracay for heaven sake.” sabi ko dito at tumayo na para maghilamos.



Anong gagawin mo?” tanong nito.



Gagawin NATEN? Lalabas tayo at dun tayo kakain.” sabi ko dito sabay hila sa kaniya palabas ng kuwarto.



0000ooo0000



Wow, sarap pala dito.” sabi niya habang nilalantakan na ang pangsampung stick na ata ng barbeque.



Ikaw lang naman ang tanging tao dito sa Bora na mas gustong magkulong sa hotel room tas manood ng barney at spongebob eh.” pangaalaska ko dito.



Di lang kaya yun basta spongebob, yung ang favorite kong episode ng spongebob squarepants!” sabi nito habang ngiinunguya ang barbeque.



Weird.” sabi ko na lang.



0000ooo0000



Nakita ko na lang ang sarili ko na nainom ng isang bote ng beer kasama si Edison na masayang nanonood sa mga palaro sa stage, nakakatuwang panoorin si mokong, parang walang problema sa buhay, laging may nakaplaster na ngiti sa mukha.



Sana katulad mo na lang ako.” sabi ko sa kaniya.



Ha?” tanong nito sakin sabay turo sa malapit na speaker, nasenyas na hindi niya ako marinig.



Sabi ko sana katulad mo na lang ako, parang walang problema sa buhay.” sabi ko dito, nagulat na lang ako ng bigla nitong nilapit ang bibig niya sa aking tenga.



Naniniwala kasi ako na hindi lahat ng bagay dapat problemahin.” sabi nito sakin, iniharap ko ang mukha ko sa kaniya at muntik ng maglapat ang aming mga labi.



Sorry.” sabi ko dito pero ngumiti lang ito.



Sana kasi di na lang ako sumunod dito, ngayon, wala na nga akong trabaho, wala pa akong boyfriend.” sabi ko pero ng tapunan ko ng tingin si mokong ay inilalabas na nito ang kaniyang teddy bear at isinasayaw ito sa lamesa kasabay ng malaks na tugtog.



Sana, ikaw na lang ang naging boyfriend ko.” sabi ko dito, pero mahina lang sapat lang para hindi niya marinig, mukhang wala naman talaga itong narinig dahil patuloy parin siya sa paglalaro sa maliit niyang teddy bear.



Iginawi ko ang tingin ko sa may bar at nakita doon sila Pat at Eric na tulad ko ay mukhang nagiinom din, di ko alam pero parang malungkot ang mukha ni Pat samantalang si Eric naman ay hinahagod ang likod nito.



Huy! Sino bang tinitignan mo?” tanong ni Edison sakin.



Si Pat, boyfriend ko. ex-boyfriend ko.” tinignan ito ni Edison saka panandaliang kumunot ang noo nagulat ako ng bigla nitong hatakin ang kamay ko papuntang entablado.



Nang makarating kami doon ay nakatingin lang saming dalawa ang emcee at facilitator ng mga palaro.



Itutuloy...

10 comments:

  1. awts lagi na lng nakakabitin..hahaha

    ReplyDelete
  2. cliffhanger to, cant wait for the next chapter (",)

    ReplyDelete
  3. nice move Edison hahaha... Mamatay ka sa inggit Pat!

    ReplyDelete
  4. tres bien!!!

    thanks in advance for posting AAO!

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  5. wah!

    nakakaadik na tlga to...
    haist super bitin nga lang...

    natutuwa naman ako dito kasi parang lahat ng heart broken eh nakakabawi.

    samantalang yung chasing pavements ang sakit..
    pero love ko pa rn naman hahahaa

    ReplyDelete
  6. i think, may gusto si Edison kay Jake..hmmm, parang alam ko na ang balak ni edison kung bakit nya hinatak sa stage si jake...hehehe...

    ReplyDelete
  7. Isa kang nabubuhay na alamat Migs. napaka lupit ng storya mo. nakaka hook yung mga nangyayare ang linaw ng outline, perfect timing din yung mga flashbacks mo. ang galing lang talaga. binsa ko ang Breakeven Books 1 to 3 ng isang upuan,ang galing lang kasi talaga na adik ako sa storya, magaling lahat ng books lalo na yung book 2. keep up the good work and sana meron pang following sequels ang breakeven. Kudos Migs. Love Your Work.

    ReplyDelete
  8. at bakit ako napasama sa litanya mo?! Ayp! La ka kayang promise na ginawa.. Nyahaha

    ipost mo na nga ang AAO para may bago akong mapaglibangan.. Nyahaha

    ReplyDelete
  9. haha.. ngttmpo si mr. otor... kc c jp lng dw ang kwawa... mtampuhin.. hehe

    ReplyDelete
  10. Da best ka Migz. Un lang talaga masasabi ko. Meron pa apala isa. I love u. Hehe

    ReplyDelete