Chasing Pavements (Book2 Part6)


_______________________________
Chasing Pavements (Book2 Part6)
by: Migs




Hindi mapalagay ang isip ko sa kakaisip tungkol sa nangyari samin kanina ni JP, alam kong sumama ang loob niya dahil sa sinabi ko sa kaniya noon na hindi ako papatol kay Alex dahil kumplikado pag nagkataon. Alam kong masama ang loob niya dahil wala akong isang salita, marahil iniisip niyang wala akong kwentang tao. Nasa ganito akong pagmumunimuni at abala sa pagtingin sa windshield nang maramdaman ko ang pagbalot ng kamay ni alex sa aking kamay.




Tumingin ako dito, tumango ito sakin bilang pagsenyas na sumandal ako sa kaniya, kinalas ko ang aking seatbelt at umurong palapit sa kaniya at isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.




Kanina pa masama ang tabas ng mukha mo ah.” may pagaalalang tanong sakin ni Alex.



Oo nga eh. Pero ok na ako ngayon.” sabi ko dito sabay ngiti, ngumiti rin ito.




0000ooo0000



Alam mo, una pa lang na kita ko dyan sa JP na yan alam kong patay na patay yan sayo eh.” pabirong sabi sakin ni Alex habang nainom ito ng beer mula sa lata. Nasa isang parke kami ngayon, isang parke sa isang burol, kita mula sa kinauupuan naming bench ang atubiling mga tao sa lansangan at mabibilis na sasakyan.




Tado!” sabi ko dito napahagikgik naman ito.



Bakit? Ok din naman yung mokong na yun ah.” sabi nito habang patuloy parin sa paghagikgik. Tumahimik na lang ako.



Isa pa, mukhang seryoso naman siya sayo.” sabi parin ni Alex habang prenteng prente na pinapanood ang mga sasakyan mula sa kaniyang kinauupuan.




Sawa na kasi akong mapagtripan. Alam ko kasi ang mga tipo ni JP, sa una lang yan habang gusto pa nila ang nararamdaman nila, pero habang pakumplikado na ng pakumplikado ang sitwasyon saka sila bibitaw sa huli ako na lang ang matitirang nakikipaglaban para sa nararamdaman ko.” mahaba kong sagot, daretso lang din ang tingin ko. Hinwakan ulit ni Alex ang aking kamay at hinila ako palapit s kaniya, isinandal ko ulit ang aking ulo sa kaniyang balikat.




Pano ka nakakasigurado na hindi ako ganon?” tanong sakin ni Alex. Napaisip ako sa sinabi niya.




Wala, basta alam ko lang.” sagot ko dito at tinignan ako nito saka ngumiti.



Ibinalik ko ang aking tingin sa abalang mga tao sa paanan ng burol pati narin ang iba't ibang sasakyan na nadaan malapit sa burol.




0000ooo0000




Pagdilat ko kinabukasan ay parang may iba akong nararamdaman. Alam kong dahil ito kay Alex, napangiti ako sa aming simpleng pagtambay kagabi. Gumulon ako sa aking higaan palapit sa aking alarm clock, tinignan ko ito. Maaga pa. Inabot ko ang aking cellphone at napansing may message ako kasama nito ay isang picture.



Sa picture na iyon ay si Alex, nakasandong puti lang ito, tayo tayo pa ang buhok at halatang kagigising lang din. May hawak itong isang plato na may nakalagay na pancake na may nakasulat naman na “Goodmorning kiddo!” at may heart sa tabi, whip cream ang pinangsulat niya doon kaya naman kitang kita ang puti sa mabrown-brwon na balat ng pancake. Napangiti ako at parang kinilig.




Nagulat si kuya Ron nang lumabas ako sa aking kwarto na nanatakbo papuntang kusina, agad kong binuksan ang isa sa matatas na kabinet at hinanap ang isang kahon ng pancakes. Agad agad akong nagluto niyon. Naramdaman ko ang paglapit sakin ni kuya Ron at tinitignan ang aking ginagawa.



Kailan ka pa natutong magluto....?” pero di na niya ito natuloy ng sprayan ko ng whip cream ang kaniyang nakabukas na bibig.




Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad kong kinuwa ang aking cellphone at kinuwanan ng sarili ng litrato kasama ang aking ginawang pancakes. Pinindot ko ang send button at inintay ang senyales na napadala ko na ang sms. Maya maya pa ay nagtext na si Alex.



Cute.” sabi sa text, napangiti ako. Pero maya maya pa ay nagtext ulit ito.



May pancake mix ka pa sa mukha.” sabi sa text, agad akong tumingin sa salamin at nakitang totoo ang sinasabi ni Alex.




0000ooo0000



Nakanta kanta pa ako habang naliligo, di makapaniwalang pwede pala akong maging masaya ng ganito. Habang naliligo rin ay di ko maiwasang isipin kung ano ang gagawin namin mamya ni Alex pagkauwi at kung makikita ko ba siya ngayon pagpasok ko.




Nakangiti akong naglalakad sa P. Campa papunta sa aking sasakyan. Pinaandar ko ti at binuksan ang radyo, sa unang pagkakataon di na ako nahirapan pang maghanap ng stasyon dito dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng radyo ay maganda na ang pinapatugtog dito.




Kahit traffic ay di parin mawala sa aking mukha ang ngiti. Di ko mawari kung bakit ganito na lamang ang epekto sakin ni Alex, parang nang makilala ko siya ulit ay parang umaliwalas ang paligid, at sa unang pagkakataon ay di ako nangungunti sa aking paligid.



0000ooo0000



Pero nang matapos ko ang pangalawa kong subject sa araw na iyon ay biglang nagbago ang aking nararamdaman na iyon. Pagkatapos pa lang ng unang subject ay parang may kulang na sa araw na iyon, amaganda man ito at masaya pero parang may nakalimutan ako. Saka parang tahimik.



Nang matapos ang pangalawang subject saka ko nalaman kung ano ang kulang na iyon sa aking napakagandang araw.




Uy Jen, kanina ka p balisa dyan? May problema ba?” tanong ko dito habang inaayos ko ang aking gamit na ginamit ko sa aming microbiology class.




Si JP kasi di pa nagrereply, tinatawagan ko di naman nasagot.” nababahalang sabi nito.




Ha? Baka naman nag oversleep lang.” sabi ko dito.




Hindi eh, di naman ganyan dati yan, kahit nung nag break kami di pwedeng hindi papasok yan basta basta, tinanong ko naman yung ka roomate niya kanina, sabi naman ni Pong mukhang ok naman daw si JP at mukhang walang sakit. Saka sabi niya sakin kagabi usap daw kami at may problema daw siya pero di ako pwede gawa umuwi tatay ko sa Saudi.” mahabang sabi ni Jen habang patuloy sa pag contact kay JP. Bigla naman akong nabahala.




Nasa kaniya panaman yung calcu ko, di ako makakapasok mamya sa statistics pag wala akong clacu.” nagaalalang sabi ni Jen.




Inilabas ko ang aking calcu at inabot ito sa kaniya.




Ayan gamitin mo muna.” sabi ko dito, nagpasalamat lang ito.




Agad kong nilabas ang aking telepono nang wala ng matira sa loob ng classroom maliban sakin. Nagdial ako ng numero ni JP, nung una ay nagri-ring ito pero nang maglaon ay para bang naglow batt ang telepono nito at di na pumasok ang aking tawag. Pero di ko rin mapigilang mapaisip na baka ayaw nadin akong kausap ni JP.



Nakakunot noo akong naglalakad papunta sa parking nang biglang may sumitsit sakin, napalingon ako at nakita na nagtatago si Alex sa isang malaking puno sa parking ng aming skwelahan, luminga linga ako at tinitignan kung may paparating. Nang wala akong makita ay ngumiti ako saka lumapit dito.




Eto oh. Di kita maihahatid sa condo mo ngayon kaya naman babawi ako.” sabi ni Alex sabay abot sakin ng isang sangha ng bougainvillea kung saan ma isang bungkos ng putting bulaklak. Napangiti naman ako. Jologs alam ko pero kinilig ako. Inabot ko ito saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti.




Haha! Joke lang, eto ibibigay ko sayo.” sabi nito sabay abot sakin ng isang bracelet na gawa sa kulay brown na tela. Napangiti ako ng may makitang maliit na alibata na nakasulat doon.




Ano ibig sabihin nito?” tanong ko sa mga alibata na nakasulat sa bracelet. Ngumiti siya.



Sasabihin ko sayo soon.” sabi nito.



Sige, una na ako. Ingat ka mamya pauwi ah. Galingan mo sa pagtuturo.” sabi ko dito.




Ops! Di pa ako tapos.” sbi nito saka nagbigay muli ng isa pang maluwang na ngiti. Hinila ako nito palapit sa kaniya at hinalikan sa labi. Smack lang yon pero para sakin daig pa non ang kahit anong halik na naramdaman ko.



Nang maghiwalay kami ay ngumiti ulit ito ng maluwag. Binalik ko lang ang ngiti na iyon. Tumalikod na ako at sinimulan ng maglakad papunta sa aking kotse.




Kailan mo ba ako sasagutin?” tanong nito pero di na ako tumalikod pa para humarap ulit sa kaniya. Humagikgik na lang ako.




Ilang minuto pa ako sa harap ng aking manibela, tinitignan ko lang ang puting bulaklak ng bougainvillea. Napangiti ulit ako at wala sa isip na inamoy iyon. Saka ko na lang napagtantong wala nga palang amoy iyon, napahagikgik ako sa aking sarili at sinimulan ng paandarin ang aking sasakyan.




Napatawa nalang ako ng mapadaan ang aking sasakyan sa unahan ng school, nakahilera pala sa pader nito ang bougainvillea na puti.




0000ooo0000




Dungaw ka sa bintana mo.” sabi ng isang text nung gabi din na iyon. Agad agad kong nilaktawan ang nagkalat na libro sa aking kama at sahig at agad pumunta sa bintana ko at dumungaw doon. Sa kalsada sa baba ay nakita ko ang isang kulay itim na kotse na may nakasulat sa bubungan gamit ang whip cream.




Goodevening kiddo.” kasunod nun ay isang smiley na kala mo naka kindat. Alam kong kay Alex ang sasakyan na iyon. Agad akong nagreply dito.




Adik ka.” sabi ko dito.



Oo. Adik na adik sayo.” reply nito at napangiti na lang ako.




Nakangiti akong natulog nung gabing iyon.




0000ooo0000




Dahandahan kong iminulat ang aking mga mata nang marining na tumunog ang aking cellphone. May natawag, agad ko itong inabot at tinignan kung sino ang natawag. Maluwang ang aking ngiti nang makitang si Alex iyon. Agad ko itong sinagot.



Goodmorning kiddo.” sabi nito na alam kong sa pagitan ng paghikab at pagkusot ng mata niya sinabi. Agad nitong binaba ang telepono maski di ko pa siya nababati ng goodmorning. Agad nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.




Tumayo ako at naginat saka inisip na hindi narin masama ang pagbati na iyon kahit pa, binabaan niya agad ako ng telepono. Napangiti ulit ako at lalabas na sana para kumain ng agahan ng tumunog ang aking telepono. Di lang isa kundi maraming MMS ang natanggap ko.



Sa unang picture ay may salitang “Good...” na nakasulat sa isang papel na nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib. Cute ni mokong sa picture na iyon dahil kinukusot niya ang kaniyang mata at tayotayo pa ang kaniyang buhok.




Sa pangalawang MMS naman ay ang salitang “...morning.” ganun din, may isang papel din na nakadikit sa kaniyang dibdib, ngayon naman ay parehong kamay na ang kumukusot sa kaniyang magkabilang mata at nakabuka ang bibig nito na kala mo hihikab.





Sa pangatlong MMS ay ganun dun may papel ulit na nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib nakasulat naman doon ang salitang “my.” nakatakip na ngayon ang isang kamay sa kaniyang bibig, nahikab na nga si mokong.




Sa pangapat na MMS ay ganun parin pero ang nakasulat na ngayon sa papel ay “Kiddo.” at nakangiti na siya sa picture na iyon, may latay pa sa kaniyang pisngi na tanda lang na kagigising lang nito. Napangiti na ako ng tuluyan. Agad kong itong tinext at bumati na rin ng goodmorning.




Hoy! Ngingiti ngiti ka pa diyan! Maligo ka na kaya?!” sigaw sakin ni kuya Ron, pero bago ako maligo ay agad akong pumunta sa aking PC at ikinunekta doon ang aking cellphone at ipinrint ang mga MMS na padala sakin ni Alex.




Goodmorning my Kiddo.” basa ko nang mapagdikitdikit ko na ang picture. Idinikit ko ito sa aking salamin.




MIGS! MALIGO KA NA!” sigaw ng aking pinsan.



Agad akong pumasok sa banyo habang pakantakanta pa.




I think I'm inlove! I think I'm inlove with you...” kanta ko, agad akong natigilan ng marinig ang sarili ko sa pagkanta.



Putangina! Inlove na nga ata ako.” sabi ko sa sarili ko.




Itutuloy...

Comments

  1. hahaha.. ang galing nmn... sweet... ;) nxt na.. nxt... hehe

    ReplyDelete
  2. kilig kilig kilig...

    nakakapantal na kilig at goosebumps sa sobrang pagka-enjoy ko dito.

    but i can't help but wonder, panu si JP?
    (akin na lang sya!, jokes!)

    next chap pls kuya MIGS!

    ReplyDelete
  3. hahahah nice!
    heehheeh

    hanep din ng trip ah! hhahaha

    ReplyDelete
  4. "royvan24"

    Kinikilig naman ako sa morning greetings nila....kainggit ang kasweetan nilang dalawa sa isat isa inlove na nga sila. Pero paano nman si JP kawawa naman?

    ReplyDelete
  5. Love love love... Love u migz.

    ReplyDelete
  6. im woojin jhay de leon

    nakakaadik naman basahin ang bawat chapter!! ahehehe

    ReplyDelete
  7. galing.. Love.love.love

    Pro Bat parang nawala sa scene na malungkot si migs dahil kay edward simula pa n0ng1 b0ok2?.

    ReplyDelete
  8. teka may sasakyan pala si migs.... oo nga pala regalo sakanya nung hs grad nya... ,ejo nalimutan ko kasi naman sabay siya ng sabay at commute ng commute hehehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]