Breakeven (Book2 Part6)
________________________________
Breakeven (Book2 Part6)
by: Migs
Hindi ako magkamayaw sa paghilot ng aking kaliwang kamay, masyado kasing naparahas ang paghila doon ni Ram kanina. Dinala ako nito sa conference room at, nakakunot ang noo nito at nakatitig lang sa aking mukha.
“Sabi mo, ipakilala ko siya dito sa mga katrabaho natin?” takang tanong ko dito.
“Yes, pero di ko sinabing makipaghalikan ka sa harap ng buong kumpanya!” sigaw nito.
“Chill! Pinapakita lang ni Kev ang pagmamahal niya sakin, that's all.” sabi ko dito.
“Pagmamahal? It's more of nagpapakita ng pagiging perve!” sigaw nanaman nito.
“Alam mo, di kita maintindihan, diba ito ang gusto mo? Finally may nagkagusto sakin, finally may nagmamahal sakin, finally gusto ng friends natin si Kev para sakin, ano ngayong problema dun?” sunod sunod kong sabi dito.
Tahimik.
“Lalabas na ako, baka hinahanap na ako ni Sir Edison.” paalam ko dito.
“Gusto ba siya ng barkada?” tanong nito sakin bago pa man ako makalabas ng pinto.
“Oo.” matipid kong sagot at narinig ko itong nagbuntong hininga bago ko pa man saran ang pinto sa aking likod.
0000ooo0000
“Di ka ba nahihilo? Drink your meds.” sabi sakin ni Kevin sa text habang nasa meeting, di ko mapigilang mapangiti.
“Kakaririn na ata ni mokong ito.” sabi ko sa sarili ko.
Ngayong kasama ko si Keving sa pagpapanggap na ito ay di ko napigilan ang sabihin sa sarili ko na masaya ako na andyan siya pero naalala ko ulit ang sinabi niya.
“Aalis ako, once nakuwa mo na ang gusto mo. Ang gusto mo lang naman ang pagselosin si Ram diba? Gusto mo lang naman na sabihin sayo ni Ram na tama na kasi nagseselos na siya o kaya tama na dahil babalikan ka na niya at tama na ikaw na ang nanalo.”
Masaya ako pag andyan siya kasi nararamdamn kong may nagaalaga ulit sakin, pero si Ram parin ang mahal ko at sa kaniya ko ulit gustong maramdaman ang pagaalaga, sa kaniya ko ulit gustong mabasa ang mga ganitong text, sa kaniya ko ulit gustong makita ang pagaalala kapag di ako kumain.
“Ang tanong gusto ba niya?” tudyo ng utak ko. Napailing ako.
0000ooo0000
“Andito na ako sa lobby.” sabi sa text mula kay Kevin, nagulat naman ako.
“Bakit ka andiyan?” tanong ko dito.
“Susunduin kita.”
Di ko alam pero parang na excite ako na makikita ko ulit si Kevin pagkatapos ng isang buong araw na wala akong inatupag kundi ang makipagmeeting.
“Anong gusto mo for dinner?” tanong ulit nito sa text.
“Ikaw na ang bahala.” sabi ko dito.
“Sige sige sige.” sagot ulit nito, napangiti ako.
Masaya ako at hindi lang isang salita ang mga nababasa ko ngayon sa text, hindi lang “K.” at hindi lang “Can't.” masaya ako at may makakasabay na ulit ako sa pagkain at may nagtatanong na ulit sakin kung anong gusto ko for dinner. Pero hanggang kailan to? Pano kung magsawa na si Kevin dahil kahit anong gawin namin ay di naman na namin mapagseselos si Ram.
0000ooo0000
“Iiwan niya kaya ako?” tanong ko sa sarili ko. Habang iniintay ang elevator na makarating sa lobby.
Parang tumigil ang mundo ko nang bumukas ang pinto ng elevator at makitang nandun si Kevin, naka board shorts lang at simpleng t-shirt at flipflops pero napakagwapo nito sa aking paningin.
“Gwapong nerd.” bulong ko ulit sa sarili ko.
Tinitigan ko ulit ito habang abala ito sa pagpipindot sa kaniyang telepono, nakakunot noo pa nga ito.
“Naglalaro nanaman siguro ng space monkey.” sabi ko sa sarili ko.
Nagangat ito ng tingin at nang makita ako nito ay biglang lumiwanag ang mukha nito. Sinalubong ako nito at kinuwa ang aking mga gamit. Di ko alam kung ano ang sumayad sa kokote ko at inabot ko ang batok nito at hinalikan siya sa labi.
“Oh, para saan yun? Wala naman si Ram sa paligid ah?” tanong nito sakin nang maghiwalay ang aming mga labi, namula naman ako.
“Para saan nga ba yun Drei? Tanong ko sa sarili ko.
“Naku, wag mo akong sanayin ng ganiyan, baka pag tapos na itong kunwari kunwarian natin ay baka hanap hanapin ko yan at agawin na lang kita kay Ram.” sabi nito nang hindi ako makasagot, napangiti naman ako.
Pasipol sipol nanaman ito habang naglalakad kami papunta sa kaniyang kotse, miya mo nanaman ito tumama sa loto.
“San tayo?” tanong nito sakin.
“Kahit saan.” sabi ko dito, bigla naman itong ngumiti na kala mo nakakaloko.
“Sabi mo yan ah.” pagkasabi noon ay bigla nitong ipinasok ang kotse sa isang drive way ng motel.
“Gago ka! Hindi yan ang nasa isip ko!” sigaw ko dito, umatras naman ito at humagikgik, binigyan ko nalang ito ng isang malakas na pagbatok.
0000ooo0000
Naisipan naming kumain sa isang fastfood chain, kasi ang mga laruang binibigay doon kasama ng isang meal ay mga action figures ng mga tauhan sa starwars, tinitignan ni Kev ang laruan habang nakain ng kaniyang spaghetti at ng mapansing nakatingin ako dito ay saka siya ngingiti.
“Ah eh, Drei may sasabihin sana ko sayo.” sabi nito sakin habang nakain ako ng aking fries.
“Oh, ano yun?” tanong ko dito.
“Tungkol sa...”
“Tungkol sa renta? Sabi ko naman sayo ako na ang bahala doon, ikaw na lang ang bahala sa paglilinis at pagluluto, solve na ako don.” sabi ko dito habang nilalantakan ang fries. Iginawi ko sa mukha ni Kev ang aking tingin at napansing namumula ito.
“May nasabi ba akong mali?” tanong ko dito, umiling lang ito.
“O sige kung ayaw mo namang maglinis, maglaba ka na lang o kaya mamalantsa.”
“Di naman yun eh.” sabi niya habang namumula parin ang mukha nito.
“Ha? Eh ano ba?” tanong ko dito.
“Gusto ko sanang tanungin kung para saan yung halik kanina nung asa lobby tayo ng opisina niyo, nung sinundo kita?” tanong nito sakin, ngayon ako naman ang namula.
“W-wala pa-Pasasalamat.” sabi ko dito.
“Ah ganun ba?” tanong ulit nito habang nakatitig sa aking mga mata na kala mo may gustong makita doon.
“Ah eh, Oo, akala ko naman kung ano itatanong mo.” sabi ko dito sabay tawa.
0000ooo0000
Tahimik lang kami habang nakasakay sa sasakyan niya, di na ito nasipol na kala mo katatanggap lang ng 13th month pay, nasa daan na lang ang atensyon nito.
“Natahimik ka ata?” tanong ko dito.
“Pagod lang siguro.” sabi nito sakin.
Pumasok na kami sa aming pad ng wala parin itong imik, ni hindi nito pinansin si Joey, agad kong tinawag ang dambuhalang aso at niyakap, umupo na si Kevin sa sofa at binuksan ang TV. Dumaretso ako sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ay natutulog na si Kevin sa sofa, ang puwesto nito ay katulad ng puwesto namin kinagabihan, ang kaibahan lang ay si Joey ang nakasandal sa dibdib nito. Nilapitan ko ito, pinagmasdan ang maamong mukha, tinanggal ko ang salamin niya. Inalis ko ang pagkakayakap nito kay Joey. Parang naintindihan naman ni Joey ang aking gustong gawin kaya't tumayo ito at bumalik sa kaniyang higaan.
Tinignan ko kung napansin ni Kevin ang pagalis ni Joey pero nakapikit lang ito at mukhang tulog na tulog na talaga. Di ko alam kung ano nanaman ang sumagi sa isip ko at humiga na ako sa sofa at isinandal ang aking ulo sa dibdib ni Kevin. Ipinikit ko na ang aking mga mata at iniyukyok ang aking sarili sa matipunong dibdib nito. Iniyakap ko ulit ang kamay nito sakin.
Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paghigpit ng yakap nito sakin.
0000ooo0000
“Goodmorning!” bati ni kumag sakin habang may hawak hawak na isang tray ng pagkain pang agahan. Nakahiga parin ako sa sofa at kinukumutan ng isang comforter mula sa aking kama.
“Goodmorning.” sabi ko at sinuklian narin ang kaniyang matamis na ngiti.
“Ikaw ah, namimihasa ka nang matulog sa dibdib ko.” sabi nito na ikinahiya ko naman kasi nakita ko ang marka ng natuyong laway sa parte ng kaniyang t-shirt sa bandang dibdib kung saan nakasandal ang ulo ko.
“Sensya na.” sabi ko dito.
“No worries!” sabi nito sabay kumpas ng kamay na nagsasabing wala iyon. Nagtama ang aming mga mata at alam kong namula ako.
“Asan si Joey?” tanong ko dito.
“Ah eh, andun sa kama mo, dun natulog kagabi. Inagawan mo kasi siya ng puwesto eh.” makahulugang sabi ni Kevin na ikinasamid ko naman.
“Ay sorry, sige mamya sa kama ko na ako matutulog.” sabi ko dito, tumingin ito sakin saka kumunot ang noo.
“Ok lang naman sakin eh.” sabi niya.
Nagsimula na itong lumapit sakin, dahan dahang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, nagsimula na akong magpanic.
“Ah eh, baka kasi naiistorbo ko na kayo, baka gusto talaga ni Joey na sa tabi mo matulog, siguro mas maganda dun na kayo pareho sa kama ko, ako na lang dito sa sofa.” sabi ko habang kinukumpas kumpas ang isang tinidor na may nakatusok na bacon.
“Ok nga lang sabi sakin eh.” sabi nito sakin habang halos isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa, hinawakan na nito ang aking kamay para mapigilan sa pagkumpas ito, pinaandar nito ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi at unti unti nang isinalubong ang aking labi sa kaniyang mga labi.
Nasa ganun kaming ayos ng biglang tumahol si Joey, bigla naman akong napaiktad na siya namang ikinauntog ng mga labi ni Kevin sa aking baba, mayamaya pa ay tumatahol na si Joey sa tapat ng pinto at mayamaya lang ay may kumakatok na dito. Kumunot ang noo ko at tinungo iyon samantalang si Kevin naman ay umiiling habang pinipigilan ang sarili mapangiti.
Patuloy parin sa pagtahol si Joey at ng buksan ko ang pinto ay saka naman ako napamaang.
“Sino yan, Drei?” tanong sakin ni Kevin.
““Bakit ka nandito?”” sabay na tanong ni Ram at Kevin sa isa't isa.
“Dito ako nakatira. Ikaw, bakit ka andito?” sabi ni Kevin kay Ram na ikinagulat naman ng huli, bumawi sa pagkakagulat si Ram at umisod.
“Namamasyal lang kami ni Dalisay, ang dating may bahay ni Drei.” sabi ni Ram at sumulpot naman sa tabi nito si Dalisay.
“Hello everyone!”
Itutuloy...
saya!, three is a crowd na nga dagdagan pa ng isa resulta, circus!, hehehehehe (",)
ReplyDelete-josh
oh my,, what a work!! continue to inspire my heart to beat my friend,. and i love your work, :) kudos.. :)
ReplyDeletecio..
-erick
hehe.. sya nmn... dumating pa c dalisay.. hay naku ram,, ang gulo mo... haha gulo gulo na lahat pra msaya.. haha ;)
ReplyDeleteRiot to!!! Can't wait to read the next chapter! hahaha Kainis ka Migs! ang galing galing mong magpataas ng adrenalin HAHAHA
ReplyDeletePOTEK k Migs!
ReplyDeleteI hate u!
Pinapaabot mo ang kilig levels ko sa maximum!
Ang sarap tuloy humanap ng Kevin ko...
At sinindihan na nga ni Ram ang apoy na senyal ng gyera hahahah!
Drei+Kevin+Ram+Dalisay... Isama na rin natin si Martin at Edison para rambulan na to!
Ikaw na talaga Migs ang the best...
Mula LAIB till breakeven kuhang kuha mo full attention ko!
And now chasing pavements 2 pa.
Sabi ng kanta ni Rhianna...
I hate that I love you so...
gusto talaga ni ram ng starwars? literary gusto niya mag kagulo XD hehe..sinama talaga si dalisay? hmm sana naman pumayag si dalisay kay kevin kasi mas worth it itong kasama kesa kay ram na iniwan siya..haha parang gusto ko na mag palit ng team!
ReplyDeletekev-drei na ata akoXD
aantayin ko yung magigigng result nito, kung drei-ram or kev-drei naXD
Hmmm, paano na ang Martin-Ram loveteam?
ReplyDeletehaist! bakit kaya ganun lang kung umasta si ram? mahal pa kaya nya si Drei? tae xa! inagaw-agaw nya si martin sa kuya nya tas mahal pa pala nya si Drei!!! hehehe...practice lang! lolz!
ReplyDeletei really like kevin! boyfriend na boyfriend ang dating yet childish but sweet.hehehehe. ram ka ha? lagi umeeksena gusto mong i-RAM kita sa pader?
ReplyDeletekevin - drei na kasi!!!! naman eh!!!! :/
ganda ganda ng istorya. post na ang next chappy at para matuwa na naman ung kaluluwa ko.ehehehe.
thanks pala sa pag message sa fb sakin boss. sadyang SLOVAKIA lang.ehehehehe =)
update
update
update
update
=)
Ayun... It is one hell of a ride for ram, kevin and drei. :))
ReplyDelete